Chapter 16

892 41 0
                                    


At nang nakabalik si Eriko sa station ay hinanap nya ulit ang babaeng may ari ng picture,  nagbabakasakaling mabago nya ang kanyang kapalaran, pilit nyang inaalam kung papano makaligtas ngunit ........ naka ilang balik na sya sa mundo niya ngunit.....paulit-ulit lamang ang nangyayari sa kanya. Habang nauulit ay nadadagdagan ang kaniyang katauhan.

〰〰〰

Samantala napunta naman si Kenjie sa kabilang kalye.

KENJIE

Hinahanap ko ang aking mga kasama, nahiwalay ako sa kanila.

Natatakot ako dahil lahat ng taong nakikita ko ay mga walang mukha,  matinding gutom ang aking nararamdaman, kumakalam na ang aking sikmura, marami akong pagkain na nakikita sa loob ng mga restaurant ngunit hindi ko maaring kainin dahil baka mangyari sa akin ang nangyari kay Yuki at Reika. Naglakad ako ng naglakad ng walang direkyon ang aking patutunguhan, ang nasa isip ko lamang ay makita yung babae at maibigay ang picture ng matapos na to, buti na lamang at nakuha ko ang picture kay Reika.

Sa aking paglalakad ay nakita ko ang aking sarili na nakatingin sa akin, kinilabutan ako ng nakita ko ang sarili ko, sinennyasan nya ako na sumunod sa kanya, wala akong nagawa kundi sundan sya, at pumasok sya sa isang bar at sa aking pagpasok ay maraming tao at puro mga walang mukha, may nadaanan akong salamin at nakita kong wala akong mukha.....

At nakita ko yung babae na tila na sya yung nagbigay ng picture, di ko man matandaan ang mukha nya ay nakakasiguro akong sya yon.

Nilapitan ko sya at iniabot nya ang kanyang kamay at binigay ko ang picture sa kanya, bigla syang humagikgik at sa isang iglap ay nasa bahay na ako. At nangyayari ulit yung nangyari kahapon, pilit kong iniiba ang sitwasyon ngunit nakita ko pa rin ang picture at nakabalik ulit ako ng Killer Station.

〰〰〰

Samantala

Naglalakad sila Shintaro at Joddie sa isang kalye.

"Kailangan nating makita yung babaeng nagbigay ng picture ng matapos na to!" Sabi ni Jodie.

"Saan natin sya makikita, puro mga walang mukha ang mga taong nakikita natin!"

"Hindi natin maaaring sirain ang picture , magagaya tayo ng nangyari kay Toru."

"Papano na ang ating gagawin, gusto ko ng umuwi nagugutom na ako!"

"Maglakad tayo banda roon, parang may nagkakasiyahan doon?"

"Bakit mga walang mukha ang mga tao dito? Saan sila nanggagaling?"

Naglakad sila patungo sa isang bulwagan, at nakita nilang maraming mga taong mga walang mukha ang nagkakasayahan.

Pumasok sila sa loob at napapaligiran sila ng mga taong walang mga mukha, mga babae at mga lalaki.

Sa kanilang paglalakad ay nakita ni Jodie ang isang babaeng nakatalikod na kagaya ng suot ng babaeng nagbigay sa kanila ng picture nung nasa coffee shop sila.

"Diba yun yung babaeng nagbigay ng picture, yan yung suot nyang kimono!"

"Oo nga halika at sundan natin!" Sabi ni Shintaro.

Sinundan nila ang babae ngunit sa dami ng tao na mga walang mukha ay nawala ito sa kanilang paningin.

"Bakit biglang nawala!"

"Baka lumabas na sya hanapin natin!" Lumabas sila sa kabilang side ng bulwagan at sa kanilang paglalakad ay nakita nila si Eriko na tumatakbo at dinaanan lamang sila.

"Eriko!" Sabi ni Jodie,

Ngunit hindi sila nito pinansin at nagmamadaling tumakbo ito.

Hinabol nila si Eriko,.

"Eriko sandali lang!" Sabi ni Jodie.

Ngunit tuloy tuloy ito sa pagtakbo at lumiko sa kabilang kalye, sinundan pa sya nila Shintaro ngunit nang pagliko nila sa kalyeng nilikuan ni Eriko ay biglang nawala ito,

"San sya nagpunta?" Hingal na sabi ni Jodie,

Maya maya ay nakita nila muli si Eriko na tumatakbo papalapit sa kanila, nagtaka sila kung bakit doon sya ulit nanggaling.

"Eriko?!" Sabi ni Jodie.

Tumingin sa kanila si Eriko.

"Hindi na tayo makakaligtas!" Sabi nito at nagpatuloy sa pagtakbo,

Maya maya ay si Kenjie naman ang kanilang nakita, humahangos ito tumatakbo dala-dala ang picture, at di sila pinansin nito at maya maya ay isang Kenjie na naman ang kanilang nakita na tumatakbo, at maya maya ay isang Kenjie na naman.

"Ano nangyayari bakit ang dami nila?" Laking pagtataka na sabi ni Shintaro.

JODDIE

Naglakad kami ni Shintaro at nakita namin na dumadami na ang mga tao sa paligid, ngunit mga wala silang mukha, naguguluhan ako sa mga nangyayari.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko kay Shintaro.

"Sa tingin mo ba alam ko kung saan tayo pupunta? alam mo na ngang nasa scary city tayo."

Pagalit na sabi ni Shintaro, napansin ko na nagbabago na ang kanyang mood.
Sinusundan ko si Shintaro, lakad lang kami ng lakad at nagmamasid sa paligid, napaka lamig sa akin ni Shintaro, kungsabagay hindi naman nya ako girlfriend para maging sweet sya sa akin, pero naiisip ko sana kahit papano magkalapit kami para mabawasan man lang ang nararamdaman kong takot. Gutom na kami, buhay na buhay ang kapaligiran gawa ng mga bar na nakabukas, parang normal kung titingnan ngunit ang pinag kaiba lamang ay walang mga mukha ang mga taong aming nakikita.

Sa aming paglalakad ay may nakita ako na isang babae, at mayroon syang mukha.

"May babae doon may mukha sya!" Sabi ko kay Shintaro.

"Sigurado ka? Nasaan?"

"Lumiko sya sa kanto na yun!"

Pinuntahan namin kung san lumiko ang babaeng may mukha,  at nakita namin syang nakaupo ng bench at nag iisa at sya ay umiiyak, yakap yakap nya ang kanyang mga tuhod.

"Miss?' Sabi namin ni Shintaro sa kanya.

Biglang iniangat nya  ang kanyang mukha, at sya ay aming nakilala.

"Ikaw si Kayako yung 'koibito' {Boyfriend} ni Jiro diba?" Sabi ko sa kanya.

"Oo ako nga, kayo yung nakasama ko sa train, ano nangyayari dito?"

"Teka diba naiwan ka sa train, bakit ka napunta dito?" Tanong ni Shintaro sa kanya.

"Nung nakauwi ako,  pumasok ako nung hapon at may babaeng nagbigay sa akin ng picture, at pagkagaling ko ng ng school ay sumakay ako ng train at naiwan ako mag isa sa train, at biglang napunta ako dito,  nag iisa lang ako, bakit mga walang mga mukha ang mga tao dito, nasaan na si Jiro?"

"Hindi namin sya nakikita, nagka hiwahiwalay kami." Sabi ko kay Kayako.

Napatingin si Kayako kay Shintaro nakilala nya ito.

"Ikaw si Shintaro yung sikat na barista ng King coffee diba?"

"Ah oo, ako nga."

"Ako si Kayako!" Matatamis na ngiting sabi nya kay Shintaro.

Nginitian din sya ni Shintaro ng matatamis na ngiti, mas maganda si Kayako kay Satomi.

At nagulat na lamang ako ng humawak si Kayako sa mga braso ni Shintaro.

'Natatakot ako, baka mamatay na tayo dito." Sabi ni Kayako kay Shintaro habang nakahawak ang kanyang mga kamay sa mga bisig nito.Nakaramdam ako ng insecurity sa ginawa ni Kayako, naiinis ako sa aking sarili kung bakit ako nakakaramdam ng ganito, unang-una nasa gitna kami ng panganib, pangalawa hindi ko naman boyfriend si Shintaro at pangatlo may sumingit pa na isa si Kayako, hay nakakainis talaga ang nararamdaman ko, buwisit kang Shintaro ka kung bakit nagkakagusto pa ako sayo grrr! Sabi ko na lang sa sarili ko.

Author's Note: My wish! Please don't forget to vote! Thank you 😃

Killer Station (Completed) (New)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon