Chapter 20

744 39 1
                                    


Jodie ano nangyayari sayo ok ka lang ba?" Sabi ni Shintaro.

Bigla akong nagising, buti na lamang ay si Shintaro lang pala.

"Nananaginip ka!" Sabi nya sa akin.  

Pagtingin ko ay nakahiga ako sa bench, nakatulog pala ako at ang lahat ay panaginip lamang. 

"Ok ka lang ba?" Tanong ni Kayako sa akin.

"Oo ok lang ako, panaginip lang pala akala ko totoo na."

"Halika kumain na muna tayo, may burger shop doon!" Sabi ni Kayako.

Nagpunta kami sa burger shop, natatakam kami sa burger na naka display.

Naghihintay kami na bigyan kami ng kusa ng lalaking nagbabantay.At makalipas lamang ng ilang sandali ay binigyan kami ng burger at softdrinks. Masaya naming tinanggap at nagpasalamat, naupo kami sa dining area.

"Wow ang sarap neto, nakakagutom!" Sabi ni Shintaro.

"Kung wala ka Kayako di namin alam na maaari naman pala kumain basta magpapa alam at ibibigay nila ng kusa haha!" Patuloy na sabi ni Shintaro.

"Oo nga salamat Kayako." Sabi ko naman.

Habang kami ay kumakain ay biglang napansin ko si Kayako na parang may nakita sya, at biglang nabitawan nya ang kanyang hawak na burger at napatulala sya.Napansin din sya ni Shintaro.

"Kayako bakit, ano nangyayari?"

Hindi agad sya makakibo at nagulat ako sa kanyang sinabi.

"Na...nakita ko si Jodie, doon.... Naglalakad!" Nanginginig na sabi nya.

"Teka pano nangyari yon nandito ako?" Sabi ko sa kanya.

Natuliro sya at nagulat ako sa kanyang sinabi na.....

"Isa lang ang ibig sabihin nyan, nakabalik ka na sa mundo natin ngunit di ka nagtagumpay kaya ka nagbalik dito." Sabi ni Kayako.

"Pero papano nangyari yon? Magkakasama tayo diba?" Sabi naman ni Shintaro.

"At wala kong matandaan na nakabalik ako doon?" Sabi ko sa kanila.

"Talagang di mo alam yon dahil yung nakita ko ay yun na ang pangalawa mong katauhan. At sya na ang nakaramdam non kaya ikaw ay walang alam."

Naguguluhan ako sa sinasabi ni Kayako, bakit ako di ko nakita bakit sya nakita nya?

"Ibig sabihin naka isang balik na ako?" Nangangambang tanong ko kay Kayako.

"Maaring mas higit pa, o baka naka tatlo ka na!"

"Hindi imposible, wala akong natatandaan!" Naghihisteryang sabi ko.

"Wala ka talagang matatandaan Jodie, gaya ng mga kasama mong si Kenjie at Eriko, walang alam ang iba nilang katauhan."

Natakot ako sa kanyang sinabi.

"Maaari ko pa mahanap si Shizuko para makaligtas."sabi ko sa kanya.

"Tama si Jodie, marahil ay nakabalik sya ng isang beses pa lang pero hindi pa sya nakakatatlo, dahil kung nangyari yon gaya ng sabi mo na mawawala na sya sa kanyang sarili, pero matino pa si Jodie ngayon, may pag asa pa na makaligtas."

Killer Station (Completed) (New)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon