Chapter 27

512 28 0
                                    

"Saan kaya makikita yon, kailangan na namin makaalis ni Shintaro dito." Sabi ni Jodie sa kanyang loob.

Maya maya ay biglang nakita nya si Eriko na mukhang balisa, hawak-hawak nito ang picture at parang mayroon syang hinahanap.

"Eriko?" Malakas na tawag ni Jodie at biglang napatingin ito sa kanya.

"Eriko ano nangyayari sayo?" Tuloy na sabi ni Jodie.

"Jodie! Nakikita ko ang aking sarili, marami na sila bakit?"

"Wala ka bang matandaan na nakabalik ka na sa iyong bahay sa atin?"

"Nakabalik ako?"

"Oo nakabalik ka na, pero...." Napahinto si Jodie sa kanyang sasabihin kay Eriko dahil naalala nya ang sinabi ni Kayako na kapag nakatatlong pagkakamali ay wala na itong pag-asang makaligtas at matutuliro at mababalisa na ang pag-iisip nito, at sa pag lumagpas ang 24 oras

ay mawawala na din ang mukha nito at magiging isa sa mga taong gumagala sa lugar na iyon.

"Bakit ka natahimik, wala na ba kong pag-asa, wala na ba?"

"Kailangan nating hanapin ang babae, pareho lang tayo Eriko, may pag-asa pa tayo!"

"May pag-asa pa tayo?"

"Oo!" Sabi ni Jodie ngunit ang pagkakaalam nya ay wala ng pag-asa si Eriko sa sinabi ni Kayako, at maaari din mangyari sa kanya ang nangyayari ngayon kay Eriko kapag nagkamali sya.

"Sumama ka na sa akin at sabay nating hanapin si Shizuko!"

"Ayoko ayokong sumama sayo, mag isa ko na lamang hahanapin mag babae, dyan ka na."

Hindi na nya napigilan si Eriko.

Naglakad-lakad muli si Jodie at buhay na buhay pa din ang gabi, sa dami ng mga taong mga walang mukha at di na nya malaman kung saan yung babaeng nagbigay ng picture.

Author's Note: My wish! Please don't forget to vote! Thank you 😃 Just hit the yellow star on the right!

Killer Station (Completed) (New)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon