SUPERHUNTERS:The BEGINNING (b...

By Henry_1998

260K 11.3K 570

Masaya na ang buhay ko sa aking mundo ngunit nagbago ito sa hindi inaasahang pangyayari. Nasira ang mahalagan... More

◇Prologue◆
-The Other World-
◇CHAPTER 1◆
◇CHAPTER 2◆
◇CHAPTER 3◆
◇CHAPTER 4 ◆
◇CHAPTER 5◆
~*Dawn's Part*~
◇CHAPTER 1◆
◇CHAPTER 2◆
◇CHAPTER 3◆
◇CHAPTER 4◆
◇CHAPTER 5◆
~*Strong*~
◇CHAPTER 1◆
◇CHAPTER 2◆
◇CHAPTER 3◆
◇CHAPTER 4◆
◇CHAPTER 5◆
~*Bully*~
◇CHAPTER 1◆
◇CHAPTER 2◆
◇CHAPTER 3◆
◇CHAPTER 4◆
◇CHAPTER 5◆
~*Revenge*~
◇CHAPTER 1◆
◇CHAPTER 2◆
◇CHAPTER 3◆
Promotion!
Announcement
◇CHAPTER 4◆
◇CHAPTER 5◆
~*Truth and Acceptance*~
◇CHAPTER 1◆
◇CHAPTER 2◆
◇CHAPTER 3◆
◇CHAPTER 4◆
◇CHAPTER 5◆
~*Uncontrolled*~
◇CHAPTER 1◆
◇CHAPTER 2◆
◇CHAPTER 3◆
◇CHAPTER 4◆
◇CHAPTER 5◆
~*Eyes*~
◇CHAPTER 1◆
◇CHAPTER 2◆
◇CHAPTER 3◆
◇CHAPTER 4◆
◇CHAPTER 5◆
◇CHAPTER 5.2◆
~*Shifter*~
◇CHAPTER 1◆
◇CHAPTER 2◆
◇CHAPTER 3◆
◇CHAPTER 4◆
◇CHAPTER 5◆
◇CHAPTER 5.2◆
~*Livewire*~
◇CHAPTER 1◆
◇CHAPTER 2◆
◇CHAPTER 3◆
◇CHAPTER 4◆
◇CHAPTER 5◆
~*The Fire Bender*~
◇CHAPTER 1◆
◇CHAPTER 2◆
Important Announcement!
◇CHAPTER 4◆
◇CHAPTER 5◆
◇CHAPTER 5.2◆
◇CHAPTER 5.3◆
◇CHAPTER FINALE pt.1: The End of Beginning◆
◇CHAPTER 1◆
◇CHAPTER 2◆
◇CHAPTER 2 Extended: Inside the Characters Mind◆
◇CHAPTER 2 Extended pt 2: Inside the Characters Mind◆
◇CHAPTER 3◆
◇CHAPTER 4◆
◇CHAPTER 5◆
◇CHAPTER FINALE pt.2: The Night Before Dawn◆
◇CHAPTER 1◆
◇CHAPTER 2◆
◇CHAPTER 3◆
◇CHAPTER 4◆
◇CHAPTER 5.1◆
◇CHAPTER 5.2◆
-Epilogue
SUPERHUNTERS: SEASON 2 SPOILER ALERT!

◇CHAPTER 3◆

2.3K 89 37
By Henry_1998


SUPERHUNTERS
‡•The Beginning•‡








-Dawn




"Ang pangalan niya ay Gavin Narcisco,19 years old at kapatid siya ni Nilo,pumunta siya dito para humingi ng tulong tungkol sa kapatid niya"sabi ni Tito habang pinapanood namin si Gavin sa loob ng isang kwarto mula dito sa tinted glass wall,kasalukuyan siyang tinatanong ng isa sa mga imbestigador nila dito sa police station.

"sa nangyayari ngayon,wala akong pagpipilian kundi ang ibigay sayo ang desisyon na makikipagtulungan ka sa amin"

nilingon ko si Tito George sa sinabi niya.

"Alam ko na napakabilis ng pangyayari pero salamat at hindi ka nagdalawang isip na pagkatiwalaan ako"

"Sinagip mo ang buhay ko,sapat na kasagutan na yun para pagkatiwalaan kita.."

"You know,your Dad is very kind and understanding person,saan mo nakuha ang pagka-arogante mo?"pagsisingit ni Gilbert.

sinamaan lang siya ng tingin ni Shawn at tumingin na'rin sa nangyayari sa loob.

"Anong gagawin na'tin sa kanya?"pag-iiwas ni Shawn sa usapan.

"We have to take his blood sample as soon as posible"sagot ni Gilbert.

"Hindi na muna sa ngayon,kailangan ko siya makausap,may kailangan lang ako malaman tungkol sa kanya at sa kapatid niya"sabi ko

ilang sandali lang,tumayo ang lalaki at nakita namin itong lumabas sa kwarto,seryoso ang tingin na pinuntahan niya kami.

"Kamusta ang pag-uusap niyo?"tanong ni Tito George.

tinignan muna niya si Gavin bago sinagot si Tito.

"Wala siyang alam sa nangyayari sa kapatid niya,maliit lang ang impormasyon na nakuha ko sa kanya,pero may isa ako nakitang impormasyon na sigurado ako na interesado kayong malaman"

nagkatinginan kaming lahat sa huling sinabi niya.

"ano yun?"

"pwede na'tin siya magamit laban kay Nilo,if we can take him as a bait,maaring kumagat si Nilo at sumuko sa atin"

"was that a plan?are we some kind of evil villain na gustong kunin ang bida,is this kind of joke?"pagsisingit ulit ni Gilbert.

tumingin sa kanya ang imbestigador"see it as a joke, but this is the only way we can capture Nilo at isa pa,sino ba kayo para komontra sa desisyon namin?"

"Ronald,mag-usap na lang tayo mamaya tungkol dito,salamat,ako na ang bahala"si Tito George na ang pumagitna sa kanilang dalawa kaya walang nagawa ang lalaki kundi ang tumango lang at tinapunan kami ng seryosong tingin bago siya umalis sa harap namin.

hinintay muna ni Tito na makalayo ang lalaki bago siya nagsalita.

"maaring tama si Ronald,si Gavin lang ang makakuha ng atensiyon ni Nilo,kapag ginamit na'tin siya maaring magpakita sa atin si Nilo"

"hindi ko pa naiisip iyon Tito,kailangan ko muna siya makausap"

"sigurado ka ba?"

tumango lang ako kay Tito.

"Sasama kami"nilingon ko si Shawn sa sinabi niya at sinenyasan siya na tumigil.

"Mas makakabuti kung ako lang ang kakausap sa kanya,susubukan ko siyang kumbinsihin na tulungan tayo para makuha si Nilo"

pumunta si Tito sa pintuan ng kwarto at binuksan iyon,tumango lang ako sa kanila bago pumasok sa loob at hinarap si Gavin.

tumingin siya sa akin,bahagya ako ngumiti habang lumalapit sa kanya.umupo ako sa harap nito.

"Kilala ko ang kapatid mo,kaibigan ko siya.."pagsisimula ko ng usapan namin.

ngumiti siya kahit na nandoon pa'rin ang seryosong presensiya niya.

"magaan pala sa pakiramdam na may kumikilala pa'rin sa kanya bilang kaibigan sa kabila ng ginawa niya"

"isa siya sa mga taong mabait na nakilala ko"

"pwede mong sabihin yan pero hindi ko alam kung ganun pa'rin siya"

"Gavin,may gusto lang ako malaman tungkol sa kapatid mo at sayo..pasensiya ka na kung masiyadong personal ito"

"Ano yun?"

ilang sandali ako tumahimik bago nagpatuloy.

"bago mangyari ang ganito sa kanya,maayos ba ang relasiyon niyong dalawa?"

nakita ko siyang yumuko,hinawakan ang magkabilang kamay nito at pinatong sa lamesa.

sa kilos niya parang alam ko na ang sagot.

"Hindi..."

"maari bang malaman kung bakit?"

"Simula nang mamatay ang Dad ko at magkaroon ng ibang pamilya si Mom,we moved out sa ikalawang pamilya niya,nakilala ko si Nilo at ang bagong asawa ni Mom pero di kalaunan namatay rin ito,Mom did everything para mapag-aral kaming dalawa ni Nilo pero iniisip ko na hangga't hindi kami umaalis sa bahay na yun,bumabalik sa isip ko ang pagtataksil ni Mom kay Dad kaya nilalabas ko ang ko galit kay Nilo,tinuring ko siya na ibang tao pero ang lalaking yun....."

tumigil siya at nakita ko sa mga mata nito ang paglabas ng luha niya,mabilis niya itong pinahiran.

"si Nilo,hindi siya nagbago sa'kin,mabait at minsan hindi ko nakita sa kanya ang galit o sama ng loob,ngayon ko lang naisip na...wala siya ng mga oras na sinaktan ni Dad si Mom,hindi rin siya ang dahilan kung bakit naghiwalay sila,nadamay lang siya katulad ko,isang pagkakamali ang ginawa ko at pinagsisihan ko na lahat ng yun"

nanatili lang ako nakatingin sa kanya habang nagsasalita siya,naisip ko na may dahilan pala ang lahat kung bakit nakikita ko sa mga mukha ni Nilo ang lungkot at sakit,sa tuwing nagtatama ang tingin namin,nandun ang pakiramdam na kailangan niya ng taong aagapay sa kanya pero parang mailap ang sitwasyon dahil walang pagkakaiba ang nararanasan niya sa labas at loob ng bahay niya.naroon ang mga tao na kapareho ng kapatid niya na sinasaktan siya.

Pero baliktad na ngayon ang sitwasiyon.

"Gavin..."tawag ko sa kanya."may oras pa para ituwid ang kasalanan mo,kailangan ko lang ng kooperasiyon mo para maibalik na'tin ulit si Nilo"

may parte ng ekspreisyon niya ang nakita ko na lumiwanag,para bang nakarinig siya ng pag-asa.

"Anong gagawin ko?"

"kailangan mo sumama sa amin at pagkatiwalaan kami"

seryoso siyang tumango na ikinatuwa ko.

"pangako babalik si Nilo.."

ang huling sinabi ko sa kanya.

*************

Narration

sa kabilang dako naman ng lumang gusali at oras ng gabi,sumisigaw sa hapdi at sakit si Nilo habang kinukuha ng kasama nito ang bala na nakapasok sa loob ng binti niya.madiin na hinawakan ng lalaki ang binti niya at maingat na kinuha ang bala gamit ang isang aparato.

tumigil ang maalingangaw na boses ni Nilo nang humupa ang sakit at hapdi matapos magtagumpay ang lalaki na makuha ang bala.

"sa susunod na gumawa ka ng plano,siguraduhin mo na hindi ka papalya"

masama siya tinignan ni Nilo.

"binibigyan ko lang ng kapalit ang ginawa mo"

"and you failed,kapag gumawa ka ulit ng hakbang na hindi ko alam,hahayaan na kitang mamatay"may pagalit na sabi ng lalaki sa kanya.

hindi nakapagsalita si Nilo,umiwas lang siya ng tingin at tinignan ang sugat nito.

"bakit hindi mo pa siya pinatay?may pagkakataon ka na sana para gawin iyon..."

lumingon sa kanya ang nakamaskarang lalaki."may hinihintay akong pagkakataon kaya tumahimik ka,sumunod ka lang sa gusto ko at wala tayong magiging problema"

"so what are we gonna do now?We wait?"

"malapit na ang araw na sinasabi ko at kapag dumating na ang hinihintay ko,Ang Marshaw Hills ang unang lugar na makakatikim ng unang plano ko"

"ano ba ang pinaplano mo?para makuha ang kristal sa kanya?let's do it now"

"hindi pa sa ngayon,pero sisiguraduhin ko na walang magagawa si Dawn sa plano ko kundi ang isuko sa akin ang kailangan ko sa kanya"

"I'm so exited to see him beg for you..."nakangising sabi ni Nilo.

"Hindi lang si Dawn ang mapapahamak,kasama na'rin sa plano ko ang dalawang kasama nito"

"What about that fire guy sa News,wala ka bang balak sa kanya?"

ngumiti ang nakamasakarang lalaki sa sinabi ni Nilo."siya muna ang puntirya na'tin ngayon.."

***********



DEPARTMENT OF SUPERNATURAL HUMAN OPERATION.

-Dawn

pinanonood ko lang ang ginagawa ng Dad ni Gilbert mula dito sa labas ng laboratory,kasalukuyan kasi nito kinukuha ang blood sample ni Gavin na gagawin nilang panlaban kay Nilo,ilang sandali lang lumingon si Gavin sa direksiyon namin.

Nagtama ang tingin namin dalawa.

tipid akong ngumiti sa kanya at ganun din siya.

"salamat at dinala niyo siya dito,his blood is the only thing we have para pigilan si Livewire"rinig kong sabi ni Agent Kevin.

"kailangan na'tin bumuo ng plano pagkatapos nito"sabi naman ni Gilbert.

ilang sandali lang lumabas sa laboratory ang Dad ni Gilbert at hinarap kami"all clear,I successfully transfered some of Gavin's blood pero baka tagalin pa ng isang araw ang prosesso,we have to test it for confirmation"

"take anytime as much as you need--"

tumigil sa pagsasalita si Agent Kevin nang may isang tauhan niya ang tumakbo palapit sa amin.

"Sir,sorry for interupting but you have to see this"sabi nito.

agad kami nagkatinginan bago kami sumunod sa kanya.

huminto kami sa monitoring area at doon tumambad sa amin ang mukha ng lalaki na nakaharap ko kahapon sa bangko,ang lalaking nagsimula ng apoy.

"Sir,ginamit niya ang isa sa mga signal ng news channel para makapag-communicate sa bawat telebisyon sa city"sabi ng isa sa mga tauhan ni Agent Kevin habang tinitignan nito ang sariling computer.

"He used it para siguradong makikita ito ni Dawn"pagsisingit naman ni Gilbert.

"Preview the video,let's watch it"utos sa kanya ni Agent Kevin.

agad nag-play ang video sa malaking screen.

"Good Day my friend,This is Flame Thrower and if you watching this pumunta ka sa itaas ng gusali ng Albert Corp at dito tayo magkakaharap kung ayaw mong masunog ang buong gusali kasama na ang dalawang reporter na nasa harap ko,I am waiting for you and you know who you are,5 minutes late then you lose"sabi pa nito bago bumalik sa normal ang lahat ng screen.

"We are ready to help you"turan ni Agent Kevin.

lumingon silang lahat sa akin,tinignan ko si Shawn at Gilbert.

"Hindi na kailangan,laban namin to"sabi ko tapos mabilis na tumakbo papunta sa elevator.

"Dawn wait!"

huminto ako at nilingon si Gilbert.

"Albert Corp is way pass Marshaw Hills,kapag nakita mo ang isang gusali na may letrang 'A' sa itaas nito,gusali yun ng Albert Corp,be careful"

"Salamat"huling sinabi ko bago nagpatuloy na pumasok sa elevator,tinignan ko pa silang lahat bago sumara ang pinto nito.

mabilis ako lumipad sa himpapawid at hinanap ang Albert Corp hanggang sa makita ko ito,bumaba ako sa itaas nito at tumapak sa semento.

nakita ko siya sa dulo kasama ang dalawang reporter na takot na nakatingin sa kanya.

"Flame Thrower!"tawag ko sa kanya.

lumingon siya sa akin at humarap.

"we met again!"sigaw niya tapos naglakad papunta sa direksiyon ko,naglakad din ako papunta sa kanya hanggang sa huminto siya.

"paalisin mo na sila dito dahil nandito na'ko,ako ang hinahanap mo diba?".

ngumisi lang siya at nilingon niya ang dalawa"narinig niyo?,umalis na kayo"

agad silang tumakbo at bumaba sa hagdan sa dulo.tinignan niya ulit ako.

"ikaw pala ang tagapagligtas ng Marshaw Hills?nagkakilala din tayo,should I remind you about sa pinag-usapan na'tin noong nakaraang araw"

"hindi ko makakalimutan yun"seryosong pagkakasabi ko.

"then,take this!"

agad akong umiwas sa kanan nang magpakawala ito ng apoy sa direksiyon ko,nagpatuloy siya sa ginagawa niya hanggang sa mabilis akong lumapit sa harap niya at bumuga ng malamig na hangin galing sa bibig ko papunta sa direksiyon niya,nagpakawala naman agad ito nang apoy sa kamay.

nanlalaban ang hangin na binubuga ko sa apoy na nilalabas niya,walang nagpapatalo sa amin dalawa hanggang sabay kaming tumigil at lumipad papunta sa isa't-isa.

nagpakawala ito ng suntok at sipa pero umiwas lang ako,nakakuha siya ng pagkakataon na suntukin ako sa mukha,sinangga ko ang dalawang braso at tumama ang mainit na kamay nito sa akin.akala ko mapapaso ako pero nagkamali ako,gawa ng kakaibang tela na suot ko,naprotektahan ako nito.

walang nangyari sa akin na ipinagtaka niya.

mabilis ako sumugod sa kanya at sinuntok siya,agad siya tumilapon sa dulo.

lumipad siya sa itaas at sunod sunod akong pinatamaan ng bolang apoy.umiwas ulit ako.

lumipad ako papunta sa kanya at inikot ang magkabilang kamay hanggang sa magkaroon iyon ng ipo-ipo papunta sa kanya.tumama iyon ng malakas sa katawan niya at tumilapon ulit siya sa himpapawid.

bumalik ulit siya ng mabilis sa akin na hindi ko inaasahan.sinuntok ako nito sa balikat dahilan para malakas akong bumagsak sa semento.

bumaba siya at hinablot ang suot ko para umaangat ako sa kanya.

sinuntok nito ang sikmura ko,yumuko ako sa kirot na naramdaman ko,sunod niya kong sinuntok sa pisngi ko dahilan para bumagsak ako sa sahig.hinatak nito ang likod ko at malakas ako hinagis.

bumagsak ulit ako nang nakakulob sa sahig.

"mahina ka pala sa inaakala ko.."sabi nito habang naglalakad palapit sa akin.dahan-dahan ako umikot para harapin siya.

nakatayo na pala ito sa gilid ko habang nakayuko sa akin.

"it's over"sabi niya tapos biglang lumiyab ang kaliwang kamay nito at akmang susuntukin na sana ako nito nang hawakan ko ang pulso niya at mabilis na ginamit ang kanang kamay para ipasok sa loob ng dibdib niya.

tumigil siya at kumunot ang noo nito dahil sa ginawa ko.

"nililigtas lang kita"sabi ko tapos pilit na kinuha ang piraso ng kristal sa dibdib niya.unti-unting umilaw yun hudyat na malapit ko na mailabas ang kristal.

umalingawngaw ang sigaw nito.

bumalot ang malakas na pwersa sa aming dalawa habang patuloy ko na ginagawa yun.

pero sa hindi inaasahan.

bumulusok ang malakas na hangin sa kanya,tumilapon siya dahilan para maudlot ang plano ko.

nagtaka ako kung sino ang may kagagawan nun.

tumayo ako at nilingon ang taong yun.

si Livewire at ang nakamaskarang lalaki.

"sorry for interupting,why not tayo naman ang maglaban"mabilis na lumapit sa akin si Livewire at sinakal ako sa leeg.itinaas ako nito,nahirapan ako sa paghinga dahil sa ginagawa niya.

mabilis ko siya tinadyakan sa sikmura niya,umatras siya, malakas ko siyang sinuntok pero isang iglap lang naging kuryente ito at umikot sa likod ko.

inikot nito ang braso niya sa leeg ko at sinakal ulit ako.sinubukan kong tanggalin ang braso niya hanggang sa makaisip ako ng ideya.

siniko ko siya at inapakan ang paa nito,bahagya niya nabitiwan ang leeg ko pero hinawakan ko ang braso niya habang nasa likod ko siya.pwersahan kong hinila ang braso niya at kinontrol ko ang hangin para maihampas ko ang katawan niya sa sahig sa harap.

nabitawan ko siya nang magbago ang anyo nito bilang isang kuryente at mabilis na bumalik sa kasama niya.

hingal na tinignan ko silang dalawa.

"great!nagdala ka pa ng kasama!"

nilingon ko si Flame Thrower na nakatayo na pala sa dulo.

iba ang pakiramdam ko dito,alam ko na hindi ako ang puntirya nila kundi ang kristal sa dibdib ni Flame Thrower.

"Why?natatakot ka?"tanong ni Nilo sa kanya.

"watch me beat you"agad na tumakbo si Flame thrower papunta sa kanya.

naisipan kong tumakbo kay Livewire para pigilan siya pero nagbago ulit ang anyo nito bilang isang kuryente at nilampasan ako.

nagkaharap silang dalawa at nagpalitan ng tira,suntok at sipa ang ginawa ng dalawa,naglabas ng apoy si Flame Thrower papunta kay Nilo pero umiwas lang ang huli at umikot sa paligid ni Flame Thrower.

lumiyab ang buong katawan ni Flame Thrower dahilan para umikot ang apoy sa paligid at magkaroon iyon ng ipo-ipo.nagkalat ang mga iyon dahilan para tumigil si Livewire dahil nasunog ang damit nito.sinuntok siya ni Flame Thrower,tumilapon agad si Nilo sa sahig.

sa kalagitnaan ng panonood ko sa laban nila.

hindi ko inaasahan nang bigla na lang lumakas ang hangin dahilan para tumilapon kami ni Flame Thrower sa dulo.

mabilis ako tumayo at tinignan ang nakamaskarang lalaki.

naglakad ito papunta kay Flame Thrower,agad ako tumakbo papunta sa kanya para harapin siya pero isang kuryente ang bumalot sa mga paa at kamay ko.tinignan ko si Livewire na nakangisi sa akin hawak ang lubid na gawa sa kuryente,nakadugtong ito sa tali ng paa at kamay ko.

hinila niya ito dahilan para bumagsak ako sa sahig.

sinubukan ko makawala pero hindi ko nagawa,nilingon ko si flame thrower at ang nakamaskarang lalaki.

"Sandali! ako ang harapin mo!"sigaw ko sa kanya,tumigil siya at nilingon ako pero akala ko makikinig siya sa akin sa halip pinatuloy lang nito ang paglalakad papunta  kasi ang katawan nito sa isang semento na nakatayo sa dulo.

may kinuha ito sa kulay itim na jacket niya na hanggang binti niya.

hawak nito ngayon ang isang bote ng tubig.

dahan-dahan niya itong binuhos sa sahig.

akmang susugod si Flame Thrower sa kanya pero nagulat ako nang hindi nakagalaw ang huli,doon ko nalaman na kinontrol nito ang hangin sa paligid nilang dalawa.

"do it now!!"sigaw ni Livewire.

itinutok ng lalaki ang kamay niya sa sahig kung saan nakakalat ang tubig hanggang sa dumami ito ng dumami,pinagapang niya ang tubig papunta sa kinatatayuan ni Flame Thrower.

sumigaw ng malakas ang huli dahil sa sakit nang dahan-dahan bumalot sa katawan nito ang tubig.

hindi na normal ang sigaw nito parang sinasaktan siya ng paunti-unti,nakikita kong lumalabas na ang usok sa bawat katawan nito.

"HINDI!!!"malakas na sigaw ko.

hindi na'ko nakatiis pa,mabilis ako bumuga ng malakas na hangin sa direksiyon ni Livewire,tumilapon si livewire palayo sa akin at nawala agad ang kuryente sa paa at kamay ko.

kinuha ko ang pagkakataon para lumipad papunta sa kanila.

hinatak ko kaagad ang damit ng lalaki sa likod nito at mabilis na hinagis siya palayo kay Flame thrower.

bumagsak siya sa sahig.

nilingon ko si Flame thower,wala na ang tubig sa katawan nito pero lumuhod siya sa harap ko dahil sa panghihina.

tinulungan ko siya.

unti-unting nabago ang anyo nito bilang isang tao.

wala itong suot na damit maliban sa punit na short nito.

tinulungan ko siya makatayo.isinabit ko ang braso nito sa balikat ko.

tumingin siya sa akin"Hindi mo na dapat ako niligtas"

"hindi na mahalaga yun,kailangan na'tin makaalis dito"sabi ko tapos akmang lilipad na sana ako nang may isa na namang malakas na hangin ang  tumama sa amin.sinubukan ko pigilan iyon pero unti-unti lang kami umaatras hanggang sa makarating kami sa pinakadulo ng gusali.ilang layo na lang ang pagitan namin at malalag kami kapag hindi ko makokontrol ang hangin na nilalabas ng misteryosong lalaki..

hinarang ko ang braso para pigilan ito pero sobrang lakas nito.

"you need to fly or we both crush down there"nilingon ko si Flame Thrower sa sinabi niya.

"hindi ko kaya,hindi ko kayang kontrolin ang hangin"

"then let me.."hinawakan nito ang balikat ko at hinayaan ang sarili namin na mahulog sa mataas na gusali.

sumigaw ako ng malakas dahil sa gulat.

parang bumagal ang paligid dahil sa biglaan nangyari, rumehistro na lang sa isipan ko na nalalaglag kami ngayon sa mataas na gusali,nakita ko pa ang repleksiyon ko sa bawat bintana na nalalampasan namin papunta sa ilalim.

mabilis ako lumingon kay Flame Thrower,bumalik ang lakas nito,wala na ang dating anyo nito bilang tao,bumalot ulit sa kanya ang apoy hanggang sa hindi ko na makita ang totoong anyo nito.

malapit na kami sa ibaba nang maisipan ko kontrolin ang hangin.

agad kami humiwalay ng sabay at lumipad papunta sa ibaba,dahan-dahan kaming tumapak sa gitna ng daan.

nagkatinginan kaming dalawa.

"now we're even.."sabi nito.

umiwas lang ako ng tingin sa kanya at nilingon ang misteryosong lalaki sa taas ng gusali.

"akala ko kakampi mo siya?,isa rin pala sa hinahanap ko"nagtataka ulit ko siyang tinignan sa sinabi nito.

"anong ibig mong sabihin?"

"I don't have to explain myself to you,for now,let's foget the deal"sabi nito tapos hinanda ang sarili nang makita namin na lumipad ang misteryosong lalaki sa harap..sumulpot rin sa tabi niya si livewire galing sa isang poste sa gilid.

hinanda ko na'rin ang sarili ko sa kanila.

tinutok nito ang kamay papunta direksiyon namin dalawa.

akmang susugod na kami sa kanila pero naudlot ito dahil sa isang helicopter na dumating sa himpapawid.

agad nagpaputok ang mga nakasakay doon sa direksiyon nilang dalawa.

"umalis na tayo dito!"Sigaw ni Livewire at mabilis na nawala bilang isang kuryente.

tinignan pa kami ng misteryosong lalaki bago siya mabilis na lumipad palayo sa amin.

nakahinga lang ako ng maluwag nang mawala silang dalawa sa paningin ko.

"magkikita pa tayo"

mabilis ko nilingon ko si Flame Thrower sa sinabi niya.

nakita ko na lang siya tumakbo at lumipad palayo sa akin.

huminto ang putukan.

tumingala ako sa helicopter at nakita ko na binaba nila ang isang lubid doon,ginamit iyon ng dalawang lalaki para makababa.

nakasuot sila ng uniporme ng DSO.

lumapit ang isang lalaki sa akin at kinuha ang helmet nito.

nakita ko kaagad ang mukha ni Agent Kevin.

"Ayos ka lang?"tanong niya sa akin.

tumango lang ako sa kanya at bahagyang hinimas ang braso ko.

"sinabi ko na hindi ko kailangan ang tulong niyo"tanong ko sa kanila.

"we are here also to protect people,hindi lang ikaw ang iniisip namin"

sinuot ulit nito ang helmet niya at tinalikuran ako.dumako ang tingin ko sa relo na binigay niya.may umiilaw na kulay pula sa gilid nito.bumuntong hininga na lang ako nang malaman ang totoong dahilan kung bakit sila dumating.

*************

GILBERT'S LABORATORY


"I don't get it,akala ko ba ang kristal ang komokontrol sa biktima nito pero bakit nakokontrol ni Flame Thrower ang kapangyarihan niya?"tanong sa akin ni Gilbert habang nakaupo kaming dalawa ni Shawn sa sofa habang siya ay nakaupo sa isang mataas na upuan malapit sa mga computer niya.

"matagal ko na naisip ang tungkol doon,halos lahat sila nakokontrol ang kristal"sabi ko.

"sa pagkakaintindi ko,iba ang tao dito kesa sa mundo niyo,kung iisipin niyo magkaiba ang lahi,dugo at kakayahan ng mga tao dito,yun siguro ang dahilan kung bakit kayang kontrolin ng tao ang kristal"pagpapaliwanag naman ni Shawn,habang nakaupo ito sa harap ko.

"Shawn is right but maybe my conclusion was right too,baka hindi lahat ng kristal nakokontrol ang tao,depende sa sistema ng katawan nila"

"hindi na mahalaga kung nangyayari ang mga yun,basta nakakasigurado lang ako na delikado kapag ginamit ng mga biktima ang kakayahan nila para gumawa ng masama"sabi ko.

"they are so many of them out there Dawn at baka isa sa kanila gumagawa na ng masama,hindi na'tin sila mapipigilan ng sabay Dawn,we need somebody that could really match the technology to technology,power to power"

kumunot ang noo ko sa sinabi niya"anong ibig mong sabihin?"

nakita kong nagkatinginan silang dalawa ni Shawn.

"may gusto ba kayo sabihin sa akin na hindi ko alam?"

hinintay ko na sumagot sa akin si Gilbert pero umiwas lang siya.

"pumayag kami sa gusto ni Agent Kevin na makipagtulungan sa atin"sagot ni Shawn.

tumayo ako at tinignan sila ng seryoso"sinabi niya ba na kumbinsihin niyo ko?"tanong ko.

"Dawn,we really need some help,alam ko na napaka-high ng gadgets at equipment ko dito pero iba pa'rin kung ang taong tutulong sayo ay professional at alam ang tamang gagawin"

pagpapaliwanag ni Gilbert.

"he gave us this..nang pumayag kami sa kanya"

pinakita nilang dalawa ang relo na kapareho sa suot ko.

"hindi ko pa kayang magdesisyon ngayon..hayaan niyo muna ako makapag-isip"sabi ko at tinalikuran sila.

"Dawn.."tawag sa akin ni Shawn.

hindi ko siya pinakinggan sa halip ay lumabas ako sa laboratory ni Gilbert.

************

-Shawn

susundan ko sana si Dawn nang pigilan ako ni Gilbert.

"Let him be,makakapag-isip din siya ng maayos"

umupo na lang ulit ako sa sofa at tumahimik.

hindi ko siya maintindihan,bakit parang ayaw niya makipagtulungan sa DSO?.alam ko na hindi maganda ang pakikitungo sa amin noong una namin sila makilala pero ngayon naiintindihan ko na,masiyadong komplikado ang ginagawa nila kaya ganun na lang ang pananalita sa amin ni Agent Kevin.

iyon ba ang dahilan niya? o may iba pa kaming hindi nalalaman?

tumigil ako sa kakaisip nang tumunog ang phone ni Gilbert.nakita ko sinagot niya ito at kunot noo ko siyang tinignan nang lumayo ito para sagutin ang tawag,para bang ayaw niya iparinig sa akin ang pinag-uusapan nila ng tao sa kabilang linya.

hinintay ko na matapos ang pag-uusap nila hanggang sa makita ko na lang na ibinaba ni Gilbert ang phone nito at binalik sa bulsa.

"Gilbert,sino yun?"tanong ko.

"uh..just my friend"sagot niya.

"magkasama tayo ng ilang araw at wala ako nakikitang nakakusap mo maliban kay Jestoni,Dawn at ako"sabi ko.

"you know that was mean.."simangot na sabi nito.

"sabihin mo sa akin ang totoo"seryosong sabi ko.

"parang Daddy naman kita kung makapagsalita ka diyan"biro pa niya para umiwas sa tanong ko.

"seryoso ako.."

umiling siya at hinimas ang ulo nito"Alright!,I hired some detective at makikipagkita ako sa kanya ngayon"

kumunot ulit ang noo ko sa sinabi niya"para sa ano?"tanong ko.

"syempre anong ginagawa ng isang detective?"

"isa pang walang kwentang sagot,susuntukin na talaga kita"pagbabanta ko sa kanya.

"okay,okay,easy.. magpapatulong ako sa kanya para mag-imbestiga sa nangyari sa school,ang tungkol sa kaso ng isa sa mga soccer player na sinunog ng buhay,natatandaan mo ba ang nakita na'tin sa school noon araw pagkatapos makawala ni Livewire sa hospital?"

tumango ako sa kanya."sinabi ng mga pulis na si Livewire ang suspect"sabi ko.

nakita ko siya umiling"but what if hindi si Livewire?,I bet iba ang gumawa nun,base sa Time analyzing ko,sabay nangyari ang oras ng pagtakas ni livewire at ang pagkamatay ng biktima,so all in all.."

"may iba pang supernatural na umaaligid dito sa Marshaw Hills"pagdudugtong ko pagkatapos ko makuha ang ibig sabihin niya.

"exactly..at binigyan niya tayo ng hint para makilala na'tin siya"

pumunta si Gilbert sa cabinet niya at pinakita sa akin ang isang inhaler na nakalagay sa transparent na plastic.

"Sigurado ako na sa kanya ang inhaler na ito"sabi niya.

"sigurado ka ba?baka pagmamay-ari yan ng biktima"

"I've been thinking about it but I ask Jestoni and he said that he never saw the victim uses inhaler before,nakakapagtaka diba?"

tumango ako sa kanya"pinahanga mo ulit ako.."

ngumiti siya sa akin"thanks to my nerdy brain"

"sasabihin ba na'tin ito kay Dawn?"tanong ko.

umiling siya"hindi pa sa ngayon hangga't hindi ko pa nalalaman ang killer,this mission is for the two of us in the meantime"

"I'm in.."

*************


"you hired me to investigate a person na hindi niyo pa nakikilala o nakikita?at wala kayong suspect kahit isa?"tanong ni Detective Ste.

nagkatinginan kaming dalawa ni Gilbert,tumango lang ako sa kanya,agad nito kinuha sa bag niya ang isang listahan at pinatong iyon sa lamesa.

kinuha iyon ni Detective at tinignan nito ang mga listahan.

"isa itong medical list ng isang school"sabi niya habang patuloy na tinitignan ang papel.

"yes and I want you to investigate them one by one"

"are you telling me na isa sa kanila ang suspect?"

tumango si Gilbert"yes,may nakita kaming inhaler sa crime scene and we believe na galing sa killer yun,kumuha ako ng medical list sa school para malaman kung sino sa mga estudyante ng East Marshaw ang may karamdaman na gumagamit ng inhaler"

"hmmm...your information is pretty relevant but I am not sure if your evidence can support the investigation"

"it will,just investigate all of them at babayaran kita ng malaking halaga sa bawat information na malalaman mo"

tumango si Detective Ste sa amin"kailangan ko ang evidence para kunin ang finger print ng killer,I will inform you kapag may progress na sa imbestigasyon"

"looking forward to it"huling sinabi ni Gilbert bago namin naisipan umalis sa harap niya.

lumabas kami sa Restaurant at naglakad papunta sa parking lot.

"alam mo ba talaga ang ginagawa mo?"tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa sasakyan niya.

"for now 50% pa lang ang nalalaman ko pero hindi naman masama ang sumubok"

ngumiti ako"Good luck sayo"sabi ko.

"sa plano na'tin,kailangan ko rin humingi ng talino mo,I can't do this alone.."sabi nito.

ngumiti na lang ulit ako at hindi nagsalita.pumunta ako sa kabila ng sasakyan niya at bubuksan na sana ang pinto nang marinig ko ang weird na tunog,parang tunog ng isang alarm clock or beeper.

nilingon ko si Gilbert.

"Sayo ba galing yun?"tanong ko.

hindi siya sumagot,nakatingin lang siya sa parang maliit na bagay sa kamay niya.

"Gilbert.."tawag ko ulit sa kanya nang makalapit ako sa tabi niya.

"Shawn,remember that tracker I injected to flame thrower?"tanong niya.

"Oo natatandaan ko,bakit?"

"well na-rerecieve ng gadget na ito ang magnetic force na nakapasok sa katawan ni flame thrower,kapag tumunog ito ibig sabihin..."

bigla na lang tumingin sa akin si Gilbert,nakita ko sa mukha niya ang kaba at pinagpapawisan siya.

naririnig ko na palakas ng palakas ang tunog ng gadget sa kamay niya.

"ano bang nangyayari sayo?"tanong ko.

"Shawn,active ngayon ang tracker ni flame thrower,sobrang lapit niya dito sa kinatatayuan na'tin"

nang marinig ko yun,agad ako kinabahan at bumilis ang tibok ng puso ko.

ilang sandali lang,kunot noo akong tumingin sa kakaibang repleksiyon sa bintana ng sasakyan ni Gilbert.

napalunok ako nang malaman kung kanino yun.

dahan-dahan ako tumingala ganun din si Gilbert.

naestatwa kaming dalawa nang makita si Flame Thrower na seryosong nakatingin sa amin habang lumulutang sa itaas.

bigla kami sumandal sa sasakyan nang mabilis siya tumapak sa harap namin.

ilang sandali lang unti-unting nawala ang apoy sa katawan niya at tumambad sa harap namin ang isang normal na tao,isang lalaki.

wala siyang suot na damit maliban sa punit na short nito.

"I need to see your friend,we need to talk..."

nagkatinginan lang kami ni Gilbert sa narinig mula sa kanya.

***************************

Continue Reading

You'll Also Like

8.6M 293K 51
Sky Academy, a school wherein magic really exist and impossible things never. First book to the Sky trilogy. Completed. Wattys2016 Winner. Published...
171M 5.6M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
3.3M 67.7K 50
(Completed) MOVING ON was never an easy task. It is easy to say but hard to do. In that moment that the person you love leave you, parang sumama ang...
101K 3.7K 77
It just an imagination