What Love Can Do? (UNDER REVI...

Oleh Princesss_AJ

1M 24.8K 1.2K

(COMPLETED) Ang "pag-ibig" ay maraming kahulugan para satin. Ito ay emosyon na ating nararamdaman sa isang t... Lebih Banyak

-Prologue-
«Disclaimer»
Chapter 1 My Virgin Eyes!
Chapter 2 The Brother
Chapter 3 Friendship
Chapter 4 For the First Time
Chapter 5 First Kiss?
Chapter 6 Lover's Quarrel
Chapter 7 He's the Brother
Chapter 8 Panyo
Chapter 9 Crush?
Chapter 10 Apology
Chapter 11 It's a Deal!
AUTHORS NOTE! MUST READ!
Chapter 12 For you
Chapter 13 Meet the Sister
Chapter 14 Permission?
Chapter 15 Friendly Date
Chapter 16 She's the Noona
Chapter 17 Siomai
Chapter 18 Mr. Right?
Chapter 19 Is this Real?
Chapter 20 Comfort
Chapter 21 Protective Kuya!
Chapter 22 Aminan Time!!
Chapter 23 We're Still Friends?
Chapter 24 I'm Stuck with him
Chapter 25 A Princess for a Night
Chapter 26 A Princess for a Night (part 2)
Chapter 27 A Princess for a Night (part 3)
Chapter 28 Threat
Chapter 29 Her Realization
Chapter 30 Tuloy Pa rin
Chapter 31 Night Party
Chapter 32 End
Chapter 33 Blessing in disguise
Chapter 34 Stay with Me
Chapter 35 His Reason
Chapter 36 Revelation
Chapter 37 True Feelings
Chapter 38 Sacrifice
Chapter 39 Love-Struck
Chapter 40 First Date
Chapter 41 "Yes"
Chapter 42 Officially Mine
Chapter 43 Undeserved
Chapter 44 Don't like her
Chapter 45 Out of town
Chapter 46 Just Friends?
Chapter 47 Allergic
Chapter 48 Respect
Chapter 49 We are Jealous
Chapter 50 Couple's Conflict
Chapter 51 First love
Chapter 52 I'm Hurt
Chapter 53 I Love Her (Part 1)
Chapter 54 I Love Her (Part 2)
Chapter 55 Understand
Chapter 56 Dare
Chapter 57 The Truth
Chapter 58 Loss
Chapter 59 Grief
Chapter 60 First Monthsary
Chapter 61 We meet again
Chapter 62 Brothers
Chapter 63 Friends
Chapter 64 Left
Chapter 65 Tulad Mo
Shout Outs 🎉
💖Pasasalamat💖
What Love Can Do?
Book 2

-Epilogue-

13.1K 288 19
Oleh Princesss_AJ


Thank you for reaching Epilogue. 😘😘😘


-Epilogue-



"You only have a minute to answer your test papers." Sigaw ng Proctor namin. Nagmadali ako sa pagsagot. Binalikan ko ang mga numerong iniwan kong blanko kanina. Kahit hindi ko na siya i-check. Basta may sagot ako sa mga number.


"Jassy.." Narinig kong bumulong si Sarah sa akin habang nakatalikod ang Proctor namin.



"Bakit?" Bulong na tanong ko sa kanya. Hindi ko siya tiningnan at nasa test papers ko pa rin ang mga mata ko.

"Nasagutan mo..-" Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya. Agad kaming umayos ng upo bago pa tuluyang lumingon ang Proctor namin sa amin.



"Okay! Time is up. Past your paper finish or not." Sambit niya at agad kinolekta ang nga test papers namin. Nasagutan ko naman lahat yun pero may mga hindi pa ako sigurado doon.


Final exam kasi namin ngayon para sa Grade 10. Ang sabi ng Teacher namin ay kailangan namin itong ipasa para makapag grade 11 kami. Kaya buong gabi akong nagbasa at nag-aral. Puyat pa nga ako eh.




Kinakabahan ako sa magiging resulta ng exam ko. Pero tiwala naman ako sa katabi kong kinopyahan ko. Hahahaha!! Joke lang! Syempre masama yun. At tsaka masyadong mahigpit ang Proctor namin ngayon kaya kahit simpleng paglingon mo lang sa katabi mo ay nakikita niya.



"Nakakainis! Alam ko na yung sagot doon eh. Kaso biglang kinuha ni Sir." Utas ni Sarah, na nagpapadyak-padyak pa ng paa niya.


"Sayang naman yun. Eh ikaw Tep may hindi ka ba nasagutan?" Tanong ko sa kay Tep.



"Sus! Ayan pang si Stephanie? Walang sagot? Jusko imposible!" Sabat ni Sarah na napapa-iling pa.


"Grabe ka naman. Syempre may mga bagay rin na hindi ko alam. Ito talaga." Sagot ni Tep-tep kay Sarah.



"Tara na nga. Kumain na tayo. Masyado akong ginutom ng test natin." Aya ko sa kanila at pumayag naman sila. Naglakad kami papuntang canteen para bumili ng makakain. Wala masyadong tao sa canteen dahil hindi pa tapos ang ibang grade na magsagot.


Nang makabili at makakain na kami ng matiwasay ay naglakad na kami palabas.



"Sige bye Jassy! Una na kami ni Tep." Paalam sa akin ni Sarah. Kumaway sila sa akin bago umalis. Iyun na kasi ang last final exam namin throughout the school year. Kaya inaabangan ko na lang ang boyfriend kong susundo sa akin. 


Ilang minuto na akong nakatayo rito at nag-aabang sa kanya. Agad kong sinipat ang cellphone ko at nakita ko ang isang message na galing sa isang hindi ko kilalang number.




Unknown number:

Girlfriend ka ni Kiel Salazar diba? Paki puntahan siya dito sa Hospital. Naaksidente siya.


Halos mabitawan ko ang cellphone ko dahil sa natanggap kong message mula sa hindi ko kilalang numero.


Agad nanikip ang dibdib ko at tila na naiiyak na ako. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ko alam ang gagawin ko. Pero iisa lang ang gusto ko, ang makita siya. Agad akong pumara ng taxi para makapunta sa hospital. 



Ako:

 Saang Hospital yan?


Tinatawagan ko ang numerong nagtext sa akin pero hindi niya ito sinasagot. Kaya nag text na lang ako sa kanya.



Unknown Number:

 Doon sa malapit sa park. Doon ka bumaba at makikita mo ako doon. Wag kang pupunta ng Hospital.


Kumunot ang noo ko sa message na natanggap ko. Hindi ko maintindihan ang pinaparating niya. Bakit wag akong pupunta sa Hospital kung andoon naman si Kiel??



Nang matanaw ko na ang park. 


"Manong...-" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil sa paninikip ng dibdib ko. Naalala ko nanaman ang pangyayaring hindi ko makakalimutan...



"Ayos lang po kayo Ma'am?" Tanong sa akin nung driver ng mapansin ako.


"Huh? Uhmm..a..a..ayos lang po ako. Pakibaba na lang po ako dyan sa tabi." Sagot ko sa kanya at mariing huminga ng malalim.



Nagbayad na ako tsaka bumama. Dali-dali kong tinanaw kung nasaan ang taong nagtext sa akin. Sinipat ko ang cellphone ko pero wala akong natatanggap na message mula sa hindi ko kilalang numero. Lumingon-lingon ako sa paligid ng park. Kinakabahan na ako at hindi na ayos ang paghinga ko. Sana walang nangyaring masama kay Kiel. Hindi ko kakayanin.




"Diba ikaw si Jassy?" Bigla akong may narinig na boses mula sa likuran ko. Liningon ko siya at nakita ko ang isang lalaki na medyo malayong nakatayo at nakatingin sa akin.


"A..ako nga." Sagot ko sa kanya. Ngayon ko lang siya nakita pero parang pamilyar siya sa akin. Hindi ko alam.



"Yung girlfriend ni Kiel?" Tanong niya sa akin habang nakangiti.

"Ako nga." Mabilis kong sagot sa kanya. 



"Nasaan si Kiel?!" Agad kong tanong sa kanya. Kinakabahan na ako sa pwede niyang isagot sa akin.

Ngumiti lang siya sa akin kaya kumunot ang noo ko. Agad niyang tinuro ang isang lugar sa park na mayroong kurtina na puti na para bang ginawang silong at mga lobong puti na nakapaligid dito. Mas lalong kumunot ang noo ko sa kanya.



"Punta ka doon." Sambit niya sa akin at agad akong linagpasan. Kakausapin ko pa lang sana siya kaso tumakbo na siya paalis. 


Bakit ako pupunta doon? Anong meron? Hindi ko naman kailangan yan eh. Si Kiel ang kailangan ko! Siya ang gusto kong makita ngayon!!




Wala ako sa sariling sumunod sa sinabi niya. Naglakad ako doon sa puting tela. Hindi ko 'to napansin kanina kaya nagulat ako nang makita ko ito. Bigla akong kinabahan. Andito ba si Kiel? Morgue ba 'to? Dito ba siya nag-request?

Agad kong sinampal ang sarili ko. Para akong shungangers sa mga pinag-iisip ko. Bakit iyun agad ang iniisip ko? Kampante ako na hindi ako iiwan ni Kiel. Pangako niya iyun sa akin.



Nang nasa tapat na ako ng puting kurtina ay hindi ako makapasok. Kinakabahan ako. Hindi ko alam ang mararamdaman ko kung anuman ang nasa loob niyan. Tangna para akong ma-iihi. Ano ba 'to!!



"1...2...3...Inhale! Exhale!" Nagwarm-up muna ako bago ako pumasok. Nang makapasok ako sa loob ay parang gusto kong umiiyak. Naninikip ang dibdib ko na para bang sasabog siya. Hindi ko alam. Mababaliw ako.





"Surprise!! Happy 1st Anniversary, my gongjunim!!" 



Nakita ko siya sa harap na nakatayo. Malawak ang ngiti niya sa kanyang labi at nakatingin sa akin. Biglang nanghina ang dibdib ko. Bigla na lang nagsilaglagan ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Napasapo na lang ako sa mukha ko at napa-upo sa kinakatayuan ko. 




"What the..Bakit ka umiiyak, baby?" Bigla kong naramdaman ang mga kamay niya sa magkabilang braso ko. Hindi ko siya masagot dahil wala pa ring tigil ang pagbagsak ng mga luha ko sa aking mga mata.


"Jassy, answer me. Please." Nagmamaka-awang sambit niya sa akin. Unti-unti kong inangat ang ulo ko para maharap siya. Nakita ko ang mga mata niyang nag-aalala.



"Tell me, baby. Why are you crying?" Tanong niya sa akin pagkatapos niya akong itayo. Pinunasan niya ang mga luhang naglandas sa pisngi ko. Bigla ko siyang tinulak. 


"Alam mo ba kung gaano ako kinabahan?? Kung gaano ako nag-alala? Halos malagutan ako ng hininga at atakihin sa puso Kiel! Tapos masaya ka pa at ngingiti-ngiti dyan na para bang wala lang sayo yun! It's not a funny joke, Kiel." Bulyaw ko sa kanya. Lumukot ng husto ang mukha niya na para bang hindi ako maintindihan.



"Anong sinasabi mo?" Tanong niya sa akin. Gusto ko siyang sapakin. Nag i-inosente pa siya?!

"Wag ka ngang mag patay malisya!!" Sigaw ko sa kanya.



"Hindi ako nagpapatay malisya, baby. Hindi ko talaga alam ang sinasabi mo. Ano bang nangyari?" Sagot niya sa akin na may malaking question mark sa mukha niya. Sabing wag siyang magpatay malisya eh! Siya ang papatayin ko ng tuluyan. Hinawakan niya ako sa magkabilang braso ko. 


"Ano bang sinabi sayo ni Lance??" Tanong niya sa akin.



"Huh? Lance?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Anong kinalaman ni Lance dito?

"Oo, inutusan ko siyang papuntahin ka dito. Bakit?" Sagot niya sa akin. Tumigil ako sa pag-iyak at nagulat sa sinabi niya. Umiling lang ako sa sinabi niya.




"T*ng ina!" Napabitaw siya sa pagkahawak sa magkabilang braso ko at lumayo.


"Lance!!!!" Sigaw niya at napapa-iling. Agad namang lumabas si Lance na may hawak-hawak na isang white brownish pomsky na sobrang cute.



"Bakit?" Hingal niyang tanong kay Kiel.

"Anong sinabi mo kay Jassy?" Tanong niya habang tinatanguan si Lance. Nakapamewang siya habang nakaharap kay Lance. 



"Wala." Inosenteng sagot ni Lance kay Kiel.

"Anong wala?! Eh ang sabi ko sayo diba, papuntahin mo si Jassy dito. Ano bang ginawa mo?" Tanong ulit ng bad trip na si Kiel.



"Inutusan ko yung isang alagad mo na itext si Jassy at papuntahin dito." Sagot ni Lance kay Kiel.

"Teka, tatawagin ko." Agad na umalis si Lance para tawagin yung sinasabi niyang inutusan niyang itext ako. Bumalik agad siya at laking gulat ko na siya yung lalaking kaninang sumundo sa akin pagkababa ko dito sa park.



"Anong tinext mo kay Jassy?" Tanong ni Lance doon sa lalaki.

"Huh?" Naguguluhang tanong nung lalaki.



"Fvck give me your phone." Marahas na hinablot ni Kiel ang cellphone nung lalaki. Nanlaki ako sa ginawa niya. Obvious na beast mode siya. Teka, bakit? Naguguluhan na rin ako ah.


"Eh anak ng p*ta naman pala eh!" Agad na nagmura si Kiel. Hinarap niya yung lalaki.


"Eh bakit sinabi mong naaksidente ako?!" Galit na tanong niya doon sa lalaki.

"Aksidente?!" Hindi makapaniwala si Lance sa narinig niya.



"Eh kasi sabi ni Lance sa akin itext ko daw po si Jassy at papuntahin dito. At sabi po niya kailangan daw po surprise. Eh wala po akong maisip na surprise kaya ayan po yung naisip ko." Paliwanag niya sa amin habang nakayuko. 


"Eh iyan po yung ginawa ko nung monthsary namin ng girlfriend ko." Nakangiting dugtong niya.



Nanlaki ang mga mata ko dahil sa paliwanag niya. Ibig sabihin pakana lang niya yung text niyang yun?!


Anak ng tokwa!! Muntik na akong mamatay tapos pakana lang niya yun? Sana sinabi na lang niya na pumunta ako sa park. Susunod pa sana ako doon eh. Lintek. Papatayin niya ako eh.




"T*ng ina ka! Umalis ka na nga!" Agad pinaalis ni Lance yung lalaking sunod-sunuran sa kanila.


"Pasensya ka pare! Eh hindi ko na nagawa yung inutos mo kaya inutos ko na lang sa iba. Nakawala kasi 'tong aso kaya ayun. Hinuli ko muna." Paliwanag ni Lance kay Kiel.




Agad na lumingon sa akin si Kiel. Tumingin siya sa akin at ganun din ako. Hindi galit ang nakikita ko sa mga mata niya kundi pag-aalala. Hinawakan niya ang braso ko.


"I'm sorry baby.." Mahinang sambit niya sa akin habang nakapikit.



"Palagi na lang epic yung mga surprises ko. Nakakainis naman." Frustrated niyang sambit habang nakapikit pa din. Hindi ako sumasagot at nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa idilat na niya ang mga mata niya. Tiningnan niya ako ng diretso.



"I'm really sorry, Jassy. Hindi naman ganto yung plano namin pero nangyari na eh. Gusto lang talaga kita i-surprise para sa First Anniversary natin. Sorry rin kung napag-alala kita kanina. Hindi na mauulit, baby." Paghingi niya ng apologize sa akin. Kita ko ang sinseridad sa kanyang mga sinasabi.


"Kiel.." Tawag ko sa kanya at hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. 


"Don't worry. Hindi ko sasabihin na ayos lang yung ginawa niyo. Wag na wag mo nang uulitin yun. Hindi magandang biro yun." Hinampas ko pa ng bahagya ang braso niya. Tumango lang siya sa akin at ngumiti.



"So forgiven na ba ako?" Tanong niya habang yinapos ako ng kanyang mga braso.

"Uhmm..." Nag kunwari akong nag-iisip.



*smack*

Bigla niya akong hinalikan sa labi. Nagulat ako kaya nanlaki ang mga mata ko.



"Ayan? Okay na?" Tanong niya ulit sa akin habang nakangiti ng nakakaloko. Iniwas ko kaagad ang tingin ko sa kanya. Hindi ako makatingin. Pakiramdam ko namumula ang pisngi ko.


"Okay, fine. Pinapatawad na kita. Basta don't ever do it again." Pagbabanta ko sa kanya at tiningnan siya ng masama. Tumango siya sa akin at ngumiti. 



Yinakap niya ako ng mahigpit at ganun din ako.


Kung anuman ang naramdaman ko kanina ay nawala na lang iyun basta. Kahit na medyo mamatay-matay na ako kanina ay napatawad ko pa din siya. Hindi naman siguro niya sinasadyang pag-alalahanin ako ng sobra. Wag lang talaga niyang maulit-ulit yun. Naku siya!




"Happy first anniversary rin." Bulong ko sa kanya habang magkayakap pa din kami. Humarap siya sa akin at nginitian ako. Hinawi pa niya ang mga hibla ng buhok kong tumatapal sa mukha ko.


"I have a gift for you." Nakangiting sambit niya. Lumayo siya sa akin at lumapit kay Lance.


"This is for you, baby." Sambit niya sa akin habang hawak-hawak ang asong hawak lang kanina ni Lance. Umuwang ang bibig ko. Hindi ako makapaniwala. 


"Talaga?! Para sa akin siya?"




"Yes, that's for you. Pinabili ko siya kay Lance." Sagot niya sa akin at sabay abot sa asong pomsky na sobrang cute.


"Oh my gosh! Ang cute niya. Thank you, Kiel." Namamanghang sambit ko. 



Hinawakan ko ang cute na nilalang na 'to. Hinimas-himas ko ang malambot niyang balahibo. Agad siyang sumuksok sa akin at pumikit. Mukhang inaantok siya. Aawww ang cuteeee!!!

"Give her a name." Sambit ni Kiel.



"Wala pa ba siyang name?" Tanong ko habang pinagmamasadan ang cute na pomsky na ito.

"Wala pa. Go give her." Sagot niya sa akin. Lumingon ako sa kanya.



"Ikaw na lang ang mag-isip, baby." Sambit ko sa kanya at ngumiti ako.

"Kielmin," Simpleng sagot niya.



"Kielmin?" Agad akong napalingon sa kanya.

"Oo. Kiel plus Jasmin, Kielmin." Sagot niya sa akin habang namamangha sa sinabi niya. Tumingin ako sa asong hawak-hawak ko na nakasubsob ang mukha sa akin. 



Kielmin

Bagay sa kanya. 



Parang may baby na tuloy kami ni Kiel. Mygash! Nag-init agad ang pisngi ko. Ma-imagine ko pa lang na Daddy na si Kiel ng mga anak namin. Hindi ko na maiwasang kiligin. 


Sana nga kami pa rin sa dulo...






Bigla akong napatulala. Wala akong regalo kay Kiel. Napapikit ako. Patay!!


"Hey, you don't like the name? Pwede naman nating baguhin." Sambit niya ng makita niya ako.



"Huh? Hi..hindi. Gusto ko yung pangalan. Kaso..." Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya.


"Kaso?" Inip niyang tanong.



"Hindi kasi ako nakabili ng regalo para sayo." Bigla akong napayuko. Nakakahiya. Baka mamaya masaktan siya sa akin. Siya may regalo na may pa-surprise pa. Eh ako? Maski regalo wala akong naibigay. Hayss


"Hey.." Tawag niya sa akin. Inangat niya ang ulo ko para magkatinginan kaming dalawa.



"It's okay..." Sambit niya sa akin. Hindi pa rin ako kuntento sa sinabi niya. Pakiramdam ko nalungkot at nadismaya siya.

"Sorry talaga. Hindi ko sinasadya, Kiel. Nag review kasi ako para sa test natin. Kaya nawala sa isip ko na bilhan ka ng regalo. Pero wag kang mag-aalala. Alam ko namang aniversary.-" Hindi na niya ako pinatapos.



"I said, It's okay. Hindi ko na kailangan ng maraming explanation. Naiitindihan kita." Pagputol niya sa akin.


"Talaga? Gusto mo bukas, bilhan kita ng regalo?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya at umiling.



"No need for that." 

"Eh anong gusto mo?" Tanong ko sa kanya. Gusto ko kasing may maibigay ako sa kanya. Lumapit siya sa akin.




"I just want your lips, baby." Bulong niya sa akin. 


Biglang nag-init ang buong katawan ko. Omaygad!!! Bakit ang sexy niya??? Humarap siya sa akin habang nakangiti. 



"Alam mo naman na ikaw lang sapat na." Sambit niya habang hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya.


"Pero ayos lang kung ayaw mo. I can wait for your kiss." Sambit niya sa akin nang mahalata niyang nailang ako sa sinabi niya.



Naguilty ako. Wala na nga akong regalo pati ba naman yun hindi ko maibigay sa kanya. Sobrang damot ko namang girlfriend.


Lumapit ako sa kanya. Binitawan ko muna si Kielmin papunta kay Lance na agad naman niyang nakuha. Tumingkayad ako. Linapit ko ang mukha ko sa mukha niya. Hinalikan ko siya sa labi niya. Sinampay ko ang mga kamay ko sa leeg niya at tinagalan ang mga halik ko bago ako kumalas.





Ngumiti ako sa kanya habang abot langit ang ngiti niya sa akin.






"Put*ng ina! I love you Jasmin Castilo!" 





Sigaw ni Kiel kaya kaagad ko siyang sinita. Nakakahiya ang daming taong nakakakita sa amin.






Hinawakan ko ang bewang ni Kiel at ganun din siya. Tumingin ako ng diretso sa mga mata niya nang may mga malawak na ngiti sa labi ko. I can feel my heartbeat going faster and faster and faster.



"Salamat sa lahat, Kiel. Thank You for letting me experienced this dangerous but amazing thing they called love. I love you."  






'Your First Love will always have a special place in your heart.'




_The End of What Love Can Do?__  

(Book 1)

BY: PRINCESSS_AJ

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

5.9M 232K 64
A battle between love and service.
7M 227K 65
His Punishments can kill you
10.2K 536 124
"Hi guys first Kong somolat ng story sa ma gustohan ninyo at ma followed niyo ko thanks po " At silang tatlo ang magbabago ng buhay ni Necole At sil...
9M 222K 109
(Most Read Filipino Story 2014) Book One "One wrong move and you're dead."