What Love Can Do? (UNDER REVI...

By Princesss_AJ

1M 24.8K 1.2K

(COMPLETED) Ang "pag-ibig" ay maraming kahulugan para satin. Ito ay emosyon na ating nararamdaman sa isang t... More

-Prologue-
«Disclaimer»
Chapter 1 My Virgin Eyes!
Chapter 2 The Brother
Chapter 3 Friendship
Chapter 4 For the First Time
Chapter 5 First Kiss?
Chapter 6 Lover's Quarrel
Chapter 7 He's the Brother
Chapter 8 Panyo
Chapter 9 Crush?
Chapter 10 Apology
Chapter 11 It's a Deal!
AUTHORS NOTE! MUST READ!
Chapter 12 For you
Chapter 13 Meet the Sister
Chapter 14 Permission?
Chapter 15 Friendly Date
Chapter 16 She's the Noona
Chapter 17 Siomai
Chapter 18 Mr. Right?
Chapter 19 Is this Real?
Chapter 20 Comfort
Chapter 21 Protective Kuya!
Chapter 22 Aminan Time!!
Chapter 23 We're Still Friends?
Chapter 24 I'm Stuck with him
Chapter 25 A Princess for a Night
Chapter 26 A Princess for a Night (part 2)
Chapter 27 A Princess for a Night (part 3)
Chapter 28 Threat
Chapter 29 Her Realization
Chapter 30 Tuloy Pa rin
Chapter 31 Night Party
Chapter 32 End
Chapter 33 Blessing in disguise
Chapter 34 Stay with Me
Chapter 35 His Reason
Chapter 36 Revelation
Chapter 37 True Feelings
Chapter 38 Sacrifice
Chapter 39 Love-Struck
Chapter 40 First Date
Chapter 41 "Yes"
Chapter 42 Officially Mine
Chapter 43 Undeserved
Chapter 44 Don't like her
Chapter 45 Out of town
Chapter 46 Just Friends?
Chapter 47 Allergic
Chapter 48 Respect
Chapter 49 We are Jealous
Chapter 50 Couple's Conflict
Chapter 51 First love
Chapter 52 I'm Hurt
Chapter 53 I Love Her (Part 1)
Chapter 54 I Love Her (Part 2)
Chapter 55 Understand
Chapter 56 Dare
Chapter 57 The Truth
Chapter 58 Loss
Chapter 59 Grief
Chapter 60 First Monthsary
Chapter 62 Brothers
Chapter 63 Friends
Chapter 64 Left
Chapter 65 Tulad Mo
-Epilogue-
Shout Outs 🎉
💖Pasasalamat💖
What Love Can Do?
Book 2

Chapter 61 We meet again

10.4K 248 28
By Princesss_AJ


61: We meet again

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»



"Monthsary natin ngayon!!" Nanlaki ang mga mata ko at halos tumigil ang pag proseso ng utak ko.

Jasmin Castillo!!!! Ang SHUNGA SHUNGA mo!!!!!! Bigti ka na!!! Taena!!!!




Oo nga pala monthsary namin ngayon. Bakit hindi ko yun naalala? Kainis naman! Ganun ba ako kawala sa sarili kaya pati monthsary namin ni Kiel ay nakalimutan ko at take note, Unang Monthsary namin ang nakalimutan ko!



"I cannot believe you, Jassy." Nagtatampo, naiinis, naiirita at may bahid ng galit ang tono ng boses niya. Seryoso siyang nakatingin ng diretso sa akin. Napalunok ako. Natatakot ako sa pwede mangyari. Mahirap pa naman galitin ang tigreng 'to! Jusko po!


"So..so..sorry." Nauutal kong paghingi ng sorry sa kanya. Napayuko na lang ako dahil hindi talaga ako makatingin ng diretso sa kanya. Sobra akong nahihiya.



Bumuntong hininga siya at lumayo sa akin. Kinausap niya yung gitarista at nagulat ako nang bigla siyang umalis habang dala-dala niya yung gitara niya tsaka yung high chair na inuupuan niya kanina.



Unti-unti kong inangat at ulo ko. Nakita ko siyang nakapamewang at diretso ang tingin sa akin. Tss. Bad mood at bad trip siya. Sinampal ko mentally ang sarili ko. Sino ba naman kasi ang hindi ma ba-badtrip at ma ba-bad mood kung todo effort ka tapos hindi naman pala naalala nung taong binigyan mo yung monthsary niyo.


Gags ka Jassy. Urgh!




"I just can't believe it, Okay? I've been dying this past days thinking what to give you for our 'first' ever monthsary. I just can't!" Tumalikod siya at napasabunot sa buhok niya. Diniin niya yung salitang first kaya napayuko kaagad ako. Namumuo na 'tong malaking pakiramdam sa dibdib ko. Maiiyak yata ako.




"May iba ka na ba Jassy?"

Napa-angat ako ng ulo sa kanya. Nakita ko ang mga mata niyang maluha-luha na. Hindi naman ako kaagad nakapagsalita.



"Kaya ba nakalimutan mo yung monthsary natin kasi.....urgh!!" Napasabunot ulit siya sa buhok niya at sinipa-sipa ang sahig. Ramdam ko ang frustration na nararamdaman niya. Humarap siya sa akin at nakita ko na may luha nang lumandas sa pisngi niya. 


"Jassy, I'm sorry if I act like a monster here, but I just love you.......I'm afraid to lose you..-" Bago pa niya ituloy ang sasabihin niya ay agad ko siyang linapitan at yinakap ko siya ng mahigpit na mahigpit. 



"I'm sorry, Kiel. I'm so sorry. Masyado lang akong madaming inisip. Alam mo naman yun diba? Una yung...." Natigilan ako. Muntik ko ng sabihin sa kanya na ayaw sa akin ng kapatid niya pero ayokong masira ang pagsasama nilang magkapatid. 

"Una yung nangyari sa resort, yung naramdaman ko yung pakiramdam ng nagseselos. Tapos yung nangyari kay Kyla. Iyun talaga yung hindi ko kinaya. Alam mo naman na bestfriend ko si Kyla at mahalaga siya sa akin. Kaya kapag nasasaktan siya, nasasaktan din ako. Hindi lang talaga mawala sa isip ko ang mga katotohanan na dati pang nagtatago sa ating lahat. At akala ko talaga isa lang 'to sa mga surprise mo kaya hindi ko naisip na monthsary natin ngayon. I'm so sorry." Bigla na lang akong humagulgol sa pag-iyak. Hindi ko talaga alam kung paano ako hihingi ng tawad sa nagawa ko. Ayoko kasing mag-aaway kami. Dahil hindi ko talaga kaya. Hindi ko kayang mawala siya. 




Sumagi sa isip ko, na dapat ay bitawan ko na ang nakaraan at bigyang pansin ang kasalukuyan. Dahil madaming tao at mga bagay ang naapektuhan. Gaya na lang netong nangyari sa amin. Masyado kong inisip ang mga nangyari kaya hindi ko na napapansin si Kiel. Kaya maski ang una at sarili naming monthsary ay nakalimutan ko.



Sobra akong naiinis sa sarili ko. Nanghihinayang ako sa effort na ginawa at hinanda ni Kiel para sakin at para sa monthsary namin. Lahat ng plano niya para sa unang monthsary namin ay nasira.




Meron akong mga bagay na dapat iprayoridad, at isa na ang pag-aaral ko and family ko pati na rin ang mga kaibigan kong pumapaligid sa akin. 


But I should not forget that Kiel is also my priority.




"I'm sorry Kiel.." Hindi ko na alam kung nakaka-ilang sorry na ako sa kanya. Sobra lang talaga akong na gi-guilty.


I felt his warm hands caressing my back. Bigla akong napapikit, unti-unti na ring gumagaan ang pakiramdam ko habang nakayakap ako sa kanya.



"Sorry na ulit. Hindi ko lang talaga naalala. Wag ka ng magalit sa akin." Bulong ko sa kanya habang sinusubsob ko ang mukha ko sa katawan niya.


"I'm not. I just can't" Malumanay niyang sagot sa akin. Humarap ako sa kanya na may kunot ang noo.



"Kahit na gustong-gusto kong magalit sayo hindi ko talaga kaya. Hindi ko alam kung bakit pero myself can't take a damn minute not talking to you. Nung nag-away tayo sa Resort? Laking pagpipigil ang ginawa ko sa sarili ko wag lang kita maka-usap dahil nagtatampo ako sayo nun. But when you wore that fvcking swim bra? I just couldn't help other boys stare at my girl's body." Paliwanag niya sa akin. Tinitingnan niya ako sa mga mata ko at para bang gusto kong malusaw na lang na parang yelo dahil sa mga titig niyang katunaw-tunaw talaga.



Hinawakan niya ang pisngi ko. 

"Jassy, don't make me jealous. I am a fvcking ass when it comes to jealousy. Hindi mo ako masisi kapag gusto kong makapatay ng tao." Pag-amin niya sa akin. Wala akong masabing salita sa kanya kahit pagtango ay hindi ko magawa.



"But I promise to you, Ikaw lang Jassy. Ikaw lang. Jeje man pakinggan pero Ikaw lang talaga." Hinawakan niya ang kamay ko at linagay niya sa kaliwang dibdib niya. Namanhid ang kamay ko. Shete!! Ang tigas ng dibdib niya. Omay!! Tinampal ko ang sarili ko, wala akong oras lumandi ngayon. Kaya get yourself, Jassy.



"Ikaw lang, Jassy. Wala ng iba."


Sa wakas nakita ko na ang mga ngiti niya. Ang mga ngiti niyang kinahuhumalingan ko at hindi ko pinagsasawaan. I could spend my whole 24 hours just looking at him.



Hinawakan ko ang pisngi niya at unti-unti kong linapit ang mukha ko sa mukha niya. I gave him a sweet and light kiss on the lips. I looked straight to his eyes.


"Ikaw lang din, Kiel." Ngumiti ako sa kanya at sinuklian niya rin ako ng mga ngiti niya. Magsasalita palang sana ako nang bigla niya akong kabigin at hinawakan sa likod.




He give me soft kisses on my lips. I closed my eyes and respond to him. Hindi ko maisip na sa kabila ng mga nangyari ay nalampasan pa rin namin ang problemang kinakaharap naming dalawa. Maganda man o hindi maganda ang mga problemang susubok sa amin, hindi yun ang makakapagpabagsak sa amin.



Because Love is more stronger when you fight together.




This is a one memorable, epic Monthsary I ever experienced.


---


"Umuwi rin kayo agad ah?" Bilin sa akin ni Kiel habang nasa labas kami ng University. Ngayon kasi ang alis namin patungo sa House of Bars kasama ang mga kagrupo ko. 

Ihahatid daw muna niya ako sa van na sasakyan namin. Gusto pa nga niya na siya na ang maghatid sa akin papunta sa House of Bars kaso tumanggi ako dahil alam kong sasamahan niya ako doon at pag nagkataon maiinip lang siya.



"Sa tingin mo saan naman kami pupunta pagkayari?" Pilosopo kong tanong sa kanya.

"I'm just making sure na diretso uwi ka." Ayan nanaman ang pagka protective niya. Hays. 



"Mamaya kung anong gawin sayo nung mga lalaki doon. Mga adik at masasamang tao pa naman ang nandoon. Samahan na lang kaya kita?" Nakanguso niyang sambit sa akin. Agad ko naman siyang hinampas.


"Kiel naman. Uuwi rin kami kaagad pagkatapos. Tsaka hindi naman literal na kulungan yung pupuntahan namin eh. Parang rehab lang yun. Kasi doon tinutulungan nila yung mga menorde edad na mga dalaga at binata na mag bagong buhay sa kabila ng nagawa nilang hindi maganda." Paliwanag ko sa kanya. Nakanguso pa rin siya sa akin.



"Aish. Basta! Wag kang makikipag-usap sa mga tao doon. Binilin na rin kita sa kagrupo mo." Sambit niya sa akin. Ngumunot ang noo ko. 

"Sino?"



"Yung naka salamin tapos payat." Sagot niya. Inisip ko kung sino yun. 

"Ahh. Si Stephanie." 



"Stephanie ba pangalan nun?" Tanong niya at tumango ako sa kanya.

"Okay. Bye gongjunim. Be careful okay?" Paalam niya sa akin. Tumango at ngumiti lang ako sa kanya. 



Pumasok na ako sa van na sasakyan namin. Sa tabi ako ng pintuan na-upo. Bago ko isara ang pintuan kumaway muna ako kay Kiel na hindi pa rin umaalis sa kinakatayuan niya kanina. Bigla siyang ngumuso sa akin. Nakuha ko naman ang ibig niyang sabihin. Kaya bago kami makaalis ay nag flying kiss muna ako sa kanya.


"Byee!"




"Ang swerte mo Jassy!" Sambit sa akin ng isa kong kagrupo na top din sa klase. Liningon ko sila at nakita ko na mga nakangiti sila sa akin. Kumunot ang noo ko sa sinabi nila. 


"Isang Kiel Salazar?! Boyfriend mo? Jusko teh! Anak ka na ng Diyos! Ang swerte mo." Nakanguso at medyo nagtatatalon pa niyang sambit sa akin. Natawa ako sa sinabi niya.



"Swerte rin naman si Kiel kay Jassy ah!" Sabat naman ni Tep-tep. 


"Sa tingin mo sino ang pinakaswerte sa inyo?" Tanong ni Sarah, yung unang nagtanong sa akin kanina, hinihintay nila ni Tep-tep ang isasagot ko.



Naloka ako sa tanong nila. Jusko para naman akong ini-interview ni Tito Boy Abunda. Talagang pang interview yung datingan nila eh. Baka naman may fast talk pa 'to. Jusko. HAHAHA!!


"Jassy.." Naiinip na tawag sa akin ni Sarah. Natawa naman ako sa kanya.



"Wala." Simpleng sagot ko sa kanila. Nagulat sila sa sinagot ko. 


"Dahil wala namang mas swerte sa amin. Kasi parehas kaming Swerte sa isa't isa." 



"Waahh!!! Ayoko na!!! I kennat!" Sigaw ni Sarah na nagtititili sa loob ng van kaya napapatingin sa aming tatlo yung iba pa naming kagrupo.


"Sarah!" Sita ni Tep-tep sa kanya. 



"Omg!! Ayoko na talaga! Sobra na akong kinikilig sa inyo!" Sambit ni Sarah sa akin na inaalog-alog pa ako. Gustong-gusto niyang sumigaw pero pinipigilan niya ang sarili niya dahil nakakahiya. Haha.


__


"Welcome po, I'm Ms. Galang. Ako po ang punong taga-pangalaga dito sa House of Bars. And masaya po kami at napili niyo ang aming binuong samahan para sa mga batang nakagawa ng mga hindi nila sinasadyang gawin. Bilang maging topic niyo sa inyong proyekto." Pagpapakilala niya sa amin. 


"Salamat po dahil pinaunlakan niyo po ang hiling namin." Sambit ni Stephanie. Pumasok na kami sa loob.



Para lang siyang normal na bahay pero may kalakihan 'to. Secured at madami ang mga gwuardiya na nagbabantay sa labas. Sunod-sunod ang kwarto. Sabi nila kada isang bata dito ay may sarili at kanya-kanyang mga silid. Tatlong palagpag sya. Meron silang isang lugar kung saan mayroong pinagkaka-abalahan ang mga bata dito. Pananahi, pag gawa ng basket, bag at pagpinta sa mga paso at kung anu-ano pang mga gamit na pwede nilang ibenta.



"Pwede na po ba namin sila makausap?" Tanong namin kay Ms. Galang.

"Uhm. Pwede naman na po. Pero gusto ko lang po kayong sabihan na tuwing alas kwatro po ay mayroon silang ginagawa dyan sa mga benches natin. Kaya asahan niyo na madami ang mga bata na makikita at makakasalamuha niyo." Sagot ni Ms. Galang sa amin.




Naisip namin ng mga kagrupo ko na isa iyung magandang ideya. Dahil madami kaming makakausap na mga bata. Kaya ibig sabihin ay madami kaming malilikom na samu't-saring impormasyon at reaksyon na pwedeng-pwede naming ilagay sa report namin.



"Sige magsimula na tayo. Kayo na ang bahala. Sinabi ko naman na sa inyo ang gagawin niyo. Basta kami nila Sarah at Jassy ay doon kami sa mga benches. Itext niyo na lang kami o kaya puntahan kapag mayroon kayong kailangan." Paliwanag sa amin ng leader naming si Stephanie bago kami maghiwa-hiwalay.


"Okay!"



"Hi miss." Biglang may bumati sa amin na mga batang mas bata sa amin. Kumaway sila ng mga kaibigan niya sa aming tatlo. Nagtinginan kaming tatlo at nagmadali sa paglalakad.


"Teh! Natatakot ako. Mukhang mga adik yung mga tao dito." Angal ni Sarah na halatang natatakot nga.



"Sarah wag kang judgemental. Lahat sila may rason kung bakit sila andirito." Sagot ni Stephanie kay Sarah. 


Nagpatuloy kaming tatlo sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa isang bench kung saan may mga lalaking mukhang matanda sa amin. May kahabaan na ang mga buhok nila at may mga piercing sila sa tenga. Nagkakatuwaan sila ng mga kabarkada niya.



"Step ikaw na ang kumausap." Sambit ng nagtatagong si Sarah sa likuran ni Tep-tep. Hindi sumagot si Tep-tep at agad na naglakad patungo sa mga lalaking yun. Napatingin sila kay Tep-tep kaya natigil sila sa pagtatawanan.


"Hi miss, anong name mo?" Tanong nung isang lalaking titig na titig kay Tep-tep. Agad naman akong lumapit sa kanya. Medyo linayo ko siya sa lalaking nagtanong sa kanya. Alam ko sa tingin pa lang niya ay minamanyak na niya si Tep-tep. Manyakin na niya ang iba wag lang ang klase ni Tep-tep.



"Ow!! Hi beautiful! Anong name mo?" Tanong nung lalaking pula ang kulay ng buhok at iba ang tingin sa akin. Tiningnan ko lang siya at hindi sinagot.

"Baoonn!!"



"Bulok ka pala sa babae eh!"


"Gago hindi ka gwapo!" 




Pang-aasar ng mga barkada niya sa kanya. Lumayo siya at tinaasan lang ng gitnang daliri ang mga barkada niya.

"Taga Dominican University kami. Gusto lang sana naming interviewhin kayo." Pagpapakilala ni Tep-tep. Agad namang nagtawanan ang mga lalaking kausap namin.



"Interview? Ano kami artista? HAHAHA!" Napuno ng mga nakakabinging tawanan ang lugar namin.

"Alam mo miss pangarap ko talagang maging artista. Hindi ko alam na tutuparin mo na pala yun ngayon. HAHAHAHA!!" Sigaw nung lalaking naka semi-cut ang buhok at may pierce sa dila.



Napuno nanaman ng tawanan ng mga tukong 'to ang lugar namin. Napapapikit na lang ako sa way ng pagtawa nila. Para silang mga pusang hindi mapa-anak sa mga boses nila. Nakakarinde!


"Bakit kasi ito pa ang pinili mo Step?" Tanong ni Sarah sa likuran niya.



"Ewan ko din eh." Sagot niya. Biglang tumayo yung parang leader nila na mahaba ang buhok at may subo-subong toothpick. Lumapit siya sa amin.


"Mga miss, baka gusto niyong wag na lang mang-interview?" Panimula niya. Mas lalo siyang lumapit sa amin. Kaya napaatras kaming tatlo.



"Baka naman..." Sambit niya sabay tingin sa akin mula paa hanggang ulo. Nag-init ang ulo ko nang bahagya siyang huminto sa parteng dibdib ko at ngumiti. Alam kong hindi kalakihan ang dibdib ko pero babae pa rin ako at nakakabastos ang ginawa niya.


"Ano? Game?" Tanong niya sa akin sabay ang pagdila niya. Gusto kong matawa dahil mukha siyang ewan nung dumila siya. Hindi ko na kinaya ang mga ginagawa nila....



"Game mo mukha mo! Anong akala mo? Hindi namin alam ang mga galawan niyo? Mga galawang manyakis!!" Sigaw ko sa kanila. Tinitigan ko sila ng masama.


Nagulat sila sa sinabi ko. Nakita ko na nagsalubong ang mga kilay nila. Tumayo silang lahat. Naramdaman ko naman na hinila ni Sarah si Stephanie. Hinila rin niya ako pero hindi ako umalis sa kinakatayuan ko.


"Anong....sabi...mo?" Nag-igting siya ng bagang at tumingin ng diretso sa akin. Seryoso ang tingin niya sa akin pero hindi ako natatakot sa kanya.


"Ang sabi ko.." Panimula ko. Lumapit pa ako sa kanya. 



"Manyakis kayo! M-A-N-Y-A-K-I-S!" Sigaw ko sa harapan niya. Nakita ko na nagdilim ang paningin niya.


Walang isang kurap ay hinagip niya ang braso ko at naghahandang suntukin ako. Pumikit ako at hindi gumalaw. Kahit medyo natatakot ako dahil masasaktan ako ng taong 'to.



"Jassy!!" Sigaw ni Sarah.


Hinanda ko ang sarili ko para sa sakit na mararamdaman ko pero agad na nawala ang pagkahawak niya sa braso ko kaya napadilat ako. Nakita ko na lang siyang nakahiga na at wala ng malay. Mayroon na ring bumubugbog sa mga barkada niya. Nagsitakbuhan naman kaagad ang mga barkada niya habang dala-dala at buhat-buhat yung leader nilang wala ng malay.


Nakita ko ang likod ng isang lalaki na parang pamilyar sa akin. Sinisilip ko kung sino siya at nang unti-unti siyang lumingon sa akin ay nagulat ako. Nanlaki ang mga mata ko at parang hindi ako makapaniwala. 


"Oh my god!!" Narinig kong sigaw ni Sarah. Gusto kong lumapit sa kanila pero napako sa sahig ang mga paa ko. Tiningnan niya ako ng diretso. Parang naninikip kaagad ang dibdib ko. Bumabalik....




"Hi Ate Jassy!!!" Nakangiting bati niya sa akin. Kinawayan pa niya ako. Hindi ako makapagsalita. Parang napipi ako at nawala sa sarili. I cannot believe this.





Heath and I, We meet again.



Itutuloy....


Continue Reading

You'll Also Like

135M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
21.3M 788K 78
She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or other magical beings that exist in fanta...
3.3M 78.3K 53
[ARDENT SERIES #2] Iarra took the biggest risk of her life-and heart-with Silver Melendrez. But when an unexpected event tears her world apart, her b...
14.5M 747K 72
He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young...