What Love Can Do? (UNDER REVI...

By Princesss_AJ

1M 24.8K 1.2K

(COMPLETED) Ang "pag-ibig" ay maraming kahulugan para satin. Ito ay emosyon na ating nararamdaman sa isang t... More

-Prologue-
«Disclaimer»
Chapter 1 My Virgin Eyes!
Chapter 2 The Brother
Chapter 3 Friendship
Chapter 4 For the First Time
Chapter 5 First Kiss?
Chapter 6 Lover's Quarrel
Chapter 7 He's the Brother
Chapter 8 Panyo
Chapter 9 Crush?
Chapter 10 Apology
Chapter 11 It's a Deal!
AUTHORS NOTE! MUST READ!
Chapter 12 For you
Chapter 13 Meet the Sister
Chapter 14 Permission?
Chapter 15 Friendly Date
Chapter 16 She's the Noona
Chapter 17 Siomai
Chapter 18 Mr. Right?
Chapter 19 Is this Real?
Chapter 20 Comfort
Chapter 21 Protective Kuya!
Chapter 22 Aminan Time!!
Chapter 23 We're Still Friends?
Chapter 24 I'm Stuck with him
Chapter 25 A Princess for a Night
Chapter 26 A Princess for a Night (part 2)
Chapter 27 A Princess for a Night (part 3)
Chapter 28 Threat
Chapter 29 Her Realization
Chapter 30 Tuloy Pa rin
Chapter 31 Night Party
Chapter 32 End
Chapter 33 Blessing in disguise
Chapter 34 Stay with Me
Chapter 35 His Reason
Chapter 36 Revelation
Chapter 37 True Feelings
Chapter 38 Sacrifice
Chapter 39 Love-Struck
Chapter 40 First Date
Chapter 41 "Yes"
Chapter 42 Officially Mine
Chapter 43 Undeserved
Chapter 44 Don't like her
Chapter 45 Out of town
Chapter 46 Just Friends?
Chapter 47 Allergic
Chapter 48 Respect
Chapter 49 We are Jealous
Chapter 50 Couple's Conflict
Chapter 51 First love
Chapter 52 I'm Hurt
Chapter 53 I Love Her (Part 1)
Chapter 54 I Love Her (Part 2)
Chapter 55 Understand
Chapter 56 Dare
Chapter 57 The Truth
Chapter 58 Loss
Chapter 59 Grief
Chapter 61 We meet again
Chapter 62 Brothers
Chapter 63 Friends
Chapter 64 Left
Chapter 65 Tulad Mo
-Epilogue-
Shout Outs 🎉
💖Pasasalamat💖
What Love Can Do?
Book 2

Chapter 60 First Monthsary

10.8K 272 9
By Princesss_AJ


60: First Monthsary

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»



Dalawang linggo 


Dalawang linggo na ang nakalipas nang mangyari ang insidenteng pagkawala ng anak nila Kyla at ang lumabas na katotohanang planado ang panliligaw at pag re-relasyon ni Aiden kay Kyla.



Kinabukasan ng malaman ni Kyla na nawala ang kanyang anak, ay agad silang lumipad patungong ibang bansa. Biglaan ang lahat, kaya pati ako ay nabigla sa pag-alis nila. Tinawagan lang ako ni Tita Marj para ipaalam ang pag-alis nila. Kailangan raw iyun ni Kyla dahil she is in the state of depression right now. Sa state daw nila ipapa-therapy si Kyla at ipapagamot. Hindi ko na nagawang magpa-alam ng maayos sa kanya dahil kahit tawagan ko siya ay hindi ko magawa dahil nagpalit siya ng number at pati mga social media niya ay dine-activate niya rin. Malaki at mabigat ang hinanakit ni Kyla kaya lahat ng way para ma-communicate siya ay pinuputol niya. Sana ay gumaling siya kaagad para makabalik na siya dito....



Dalawang linggo na ring hindi pumapasok si Aiden. Araw-araw daw siyang nasa loob ng kwarto niya. Nag-iinom at nagmumukmok. Kung hindi naman, sa bar ang tambayan niya. Muntikan ko na siyang masapak at matadyakan sa mukha kung hindi lang ako pinigilan ni Kiel. Ang lakas ng loob nilang magkapatid na ganunin si Kyla. Hindi man lang nila inisip ang kalagayan ng bestfriend ko. Mga wala silang awa. Nabalitaan ko na pinapunta ng mga magulang ni Aiden sa ibang bansa ang kanyang nakakabatang kapatid na si Aria. Hindi rin siya maka-usap dahil sa nagawa niya.




Hindi ko lubos maisip ang ginawa ni Aiden kay Kyla. Nakita ko silang dalawa kung paano magmahalan at masasabi kong totoo ang mga iyun. Pero hindi pala. Best Actor lang talaga si Aiden sa pagpapanggap. Kung ganun lang naman ang talent niya, mas mabuting mag artista na lang siya. Kaysa manakit siya ng iba.



Kaya silang lahat ay nagsisilayuan na upang makalimot at maka move-on sa mga hindi magandang nangyari sa kanila.




"Hindi ko talaga lubos isipin na nagpabuntis yung Kyla-ng yun. Grabe siya!!"


"Oo nga teh! Jusko! Ang bata pa niya. Siya pa ata magkakaroon ng world record na 'Batang ina' dito sa D.U"



"Hay naku! Ganun talaga kapag maharot! Maaga ding nagpapakant*t"


"HAHAAHAHAHAHA Right girl!!"



*Blag*


Hinampas ko ang desk ng upuang inuupuan ko.



"Kung hindi niyo kayang isara yang mga bibig niyo! Ako na mismo ang gagawa!" Sigaw ko sa tatlong kaklase ni Kiel na mga nag-uusap at nagchi-chismisan.


"Jassy.." Agad akong nakaramdam ng kamay na humawak sa aking braso. Tiningnan ko siya at nakita ko si Kiel nasa likuran ko at nakatingin sa akin ng diretso.



Nanlaki ang mga mata nila at hindi makagalaw. Mga natameme sila dahil sa pagsagot ko sa kanila.


"Wag mo silang patulan..." Panimula niya. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.



"Because I should be the one." Dugtong niya at agad siyang pumaharap sa akin at hinarap ang mga kaklase niya.


"Hoy! Itikom niyo yang mga bibig niyo ah! Kung magdadaldalan kayo at magchi-chismisan ng mga walang kwentang bagay, doon kayo sa walang tao. Labas!!" Utos ni Kiel sa mga kaklase niya. Pumaharap siya sa akin para harapin ang mga kaklase niya.



Parang mga uod na sinabuyan ng isang drum ng asin ang tatlong babae. Hindi sila mapakali at nagtata-takbo makalabas lang ng room nila. Nadapa pa yung isa dahil sa pagmamadali. Lahat sila ay takot pa din kay Kiel, sa boyfriend ko. Dahil hari-hari pa rin siya dito sa school namin. Pero masasabi kong hindi naman kalala katulad dati na nangbu-bully siya ng mga estudyante. Nag improve naman siya ngayon.



Tumalikod sakin si Kiel upang harapin ako. Nakita ko ang mukha niyang nag-aalala sa akin.


"Don't listen to them." Sambit niya sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.



Bigla akong napayuko at napapikit. Ang sakit. Ang sakit makarinig ng mga hindi magagandang bagay at salita sa ibang tao na tungkol sayo o sa kaibigan mo. Wala naman tayong magagawa kung iyun ang tingin nila sa atin. Pero sana man lang ay bago sila magsalita ng masama sa iba, ay alamin muna nila ang katotohanan. 


Dahil maraming nabibiktima ng maling akala.



"Shh. Baby, don't cry." Malambing na sambit ni Kiel sa akin. Pinunasan niya ang mga luha sa pisngi ko at yinakap niya ako ng mahigpit.


"Wala silang alam. Kaya wala rin silang masabing maganda. Tayo, alam natin ang totoo. At naiintindihan natin yun. Kaya please, baby. Wag ka ng umiyak. Kakabati lang natin eh." Pagpapa-amo niya sa akin.



Ang tinutukoy niyang kakabati lang namin ay dahil yun sa mahigit isang linggong panlalamig ko sa kanya. Oo, sinadya ko yun. Dahil naiinis pa rin ako sa pagkukunsinti niya sa magaling niyang bestfriend sa plano nila ng kapatid niya. Ine-explain niya sa akin ang side niya pero hindi ko siya pinapakinggan. Ang totoo niyan kaya naging cold ako sa kanya ay dahil naghanap muna ako ng oras para makapag-isip-isip ng mag-isa. At tanggapin ang mga nangyari, pero mahirap pa rin palang tanggapin.




"Nakakainis sila eh! Wala naman silang alam sa mga nangyari tapos makapagsalita sila, akala mo kilalang-kilala na nila si Kyla. Eh hindi nga nila classmate si Kyla eh!" Para akong batang humahagulgol sa kanya habang nakayakap. Hinamas lang niya ang buhok ko at pinatahan ako. 

"Just don't mind them. They are not important. They are just a waste of time." Bulong niya sa akin.



"Sa nangyari kina Kyla ngayon. Alam kong mahirap i-handle ang mga naririnig mo sa iba. But like what I said." Hinarap niya ako sa kanya at hinawakan niya ang pisngi ko.


"Mga wala silang alam sa nangyari, baby." Dugtong niya at hinalikan ako sa noo ko.



He's right. My Kiel is Right.


Tumingin ako sa kanya at huminga ng malalim. Pinunasan ko rin ang mga luhang naglandas sa aking magkabilang pisngi.



"Tara! Tuloy na natin yung assignment mo." Aya ko sa kanya at pinilit ngumiti. Linagay lang niya sa likod ng aking tenga ang mga buhok na nagkanda tikwas-tikwas dahil sa pag-iyak ko. Tumango siya at hinalikan ako sa ulo.


"Dali, gongjunim! Number 4 na tayo!" Sambit niya sa akin habang binubuklat ang notebook niya.



"Oh! I-divide mo lang daw yung work doon sa time para makuha mo yung power." Turo ko sa kanya. Pansin ko sa gilid ng mga mata ko na nakatingin siya sa akin at nakangiti.

"Kainis ka naman eh!" Lumayo ako sa kanya. 



"Hindi mo naman ata ako pinapakinggan." Atungol ko sa kanya. Tumawa lang siya.


"Ganda mo kasi, nakaka distract." Ngumiti siya sakin at nagsisikislapan ang kanyang mga mata. Hinila niya ako palapit sa kanya para turuan ulit siya.



Tss. Pansin ko na ang binalak niya ah! Pinapunta niya ako dito sa classroom nila dahil sabi niya ay turuan ko raw siya sa assignment nila sa Science na computation kemerut. Tinuruan ko naman siya dahil lesson din naman namin yan nung last week. Pero magaling naman siya sa math eh. Sa kanya pa nga ako nagpapaturo. Kaya impossibleng itong computation sa Science ay hindi niya makuha. 


Pumaparaan lang talaga ang mokong para magpalambing sa akin. Almost One week din kaming cold war eh. Hahaha. Pero gusto ko rin. Hihihihihi. Dapak ang landi!! HAHAHAHAHAHAHAHA!!


__


"Jassy, bukas na yung project natin diba?" Tanong sa akin ng babaeng classmate ko.

"Oo. Saan nga ba ulit yun?" Tanong ko naman sa kanya.



"Ahh. Sa House of Bars, malapit sa park doon sa Maangoy st. I think lampas doon." Sagot niya sa akin. Tumango lang ako sa kanya at ngumiti. 

"Oh sige bukas na lang ah! Ba-bye!" Nagpaalam na sa akin si Tep-tep.



Tep-tep ang tawag ko sa kanya dahil Stephanie ang pangalan niya. Third honor namin siya sa klase at talagang matalino siya. Kagrupo ko kasi siya para doon sa project namin sa A.P o Araling Panlipunan. Pupunta kasi kami sa isang kulungan ng mga taong nakagawa ng hindi maganda. Hindi siya totally Jail na ang mga kaso ng tao roon ay pagpatay, pag-rape, pagnanakaw at kung anu-ano pa.


Ang House of Bars ay isang community kung saan doon nakukulong ang mga menorde edad na mga kabataan na nakagawa ng mga bagay na hindi inaasahang gagawin nila. Parang tine-therapy sila doon. Hindi ako sure. Pero gagawan namin yun ng article bukas. Iyun ang ina-sign sa amin kaya medyo mahihirapan kami ng mga kagrupo ko. Pero ayos lang, kakayanin naman namin 'to.



Umupo ako sa bench doon sa may hallway. Hinihintay ko sina Kuya Joshua at Ate Dianna. Bigla kasing umuwi ang boyfriend ko. Tinanong ko naman si Lance kaso parang aning kausap. Hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi niya sa akin kanina. Kaya kayla Kuya ako sasabay pauwi.


*Boogsh*



Biglang may nalaglag na mga libro sa harapan ko. Nadapa yung babae kaya nalaglag ang mga hawak niyang libro. Agad naman akong lumapit sa kanya at tinulungan siyang kuhanin ang mga librong nalaglag niya.


"Miss, eto oh." Abot ko sa kanya ng mga libro niya. Nakayuko siya at pinapagpag ang umiporme niyang medyo nadumihan.



"Thank..-" Naputol ang sasabihin niya nang makita niya ako. Nalaglag ang panga niya na para bang hindi makapaniwala na ako ang nakikita niya. Maski rin ako ay nagulat dahil siya pala ang babaeng nadapa sa harapan ko.


"Ka...katelyn?" Paninigurado ko. Sumimangot siya at marahas na kinuha ang mga libro niya sa kamay ko. Medyo masakit yun ah, haba ng kuko niya eh. Nakalmot ata ako.



"Dito ka pala nag-aaral." Sambit ko sa kanya. Medyo kinakabahan ako sa kanya ah. Whhoo.


"Obvious naman diba? Hindi ba ako magsusuot ng umiform niyo kung hindi ako dito nag-aaral?" Nakataas kilay niyang pag-pranka sa akin.  Biglang kong tinikom ang bibig ko. Nakita ko ang pag-irap niya sa akin at pagbuntong hininga.



"Hi...hi...hinahanap mo ba si Kuya mo?" Tanong ko sa kanya. Ina-approach ko siya dahil kapatid siya ng boyfriend ko.


"No!! I have my driver. You can have my Ku..-" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang biglang may pumutol nito.



"Katelyn?" May tumawag na pamilyar na boses sa kanyang likod. Nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya dahil sa gulat. Liningon namin siyang parehas.


"A..Ate..I..Ingrid." Mahinang at na-uutal na bati niya kay Ingrid. Lumapit siya sa amin.



"Ayos lang ba kayo? Bakit narinig kitang sumigaw kanina?" Tanong ni Ingrid kay Katelyn. 

"A...a..ano..kasi.." Halatang nini-nerbyos si Katelyn. Hindi niya alam kung saan siya titingin.



"Nagkakatuwaan lang kami, Ingrid." Ako na ang sumagot para sa kanya. Ngumiti ako kay Ingrid at kay Katelyn  na hindi makapaniwala sa ginawa ko.


"I have to go! Bye Ate Ingrid! Let's just talk someday." Mabilis niyang paalam sa amin. Nagmamadali siyang maglakad palayo sa amin pero bago niya ako lampasan ay tiningnan lang niya ako ng blankong ekspresyon.



"That girl." Natatawang sambit ni Ingrid habang pinapanood na parang flash kung tumakbo si Katelyn.


"Close na close kayo nuh?" Bigla kong tanong sa kanya. Napatingin siya sa akin. Bigla akong nagsisi, bakit ko ba naman tinanong yun??!!



"Uhmm..Oo." Sagot niya sa akin at tumango siya. 

"Pwede mo bang ikwento sa akin kung paano kayo naging close?" Pangungusisa ko. Kahit alam kong awkward at hindi ata magandang usapan 'to ay linakasan ko pa rin ang loob ko.



"Ayos lang sayo?" Nag-aalangang tanong niya sa akin. Tumango naman ako sa kanya at ngumiti. Umupo kami sa bench at hinihintay ko siyang magkwento.


"Ganito kasi yan....nung naging kami ni Kiel, I think grade five siya nun. Pinakilala ako ni Kiel sa kanya at tinarayan lang niya ako. Ayaw niya sa akin nun dahil iba daw ang gusto niya para sa Kuya Kiel niya." Pagsisimula niyang mag kwento. Bigla akong naging interesado sa kanya dahil sumasalamin din sa akin ang pinagdaanan niya dati.



"Isang beses, nagkasakit si Katelyn. Nagsuka siya at sumakit ang tiyan. Wala si Kiel nun dahil meron silang basketball practice sa ibang school. Kaya ako ang tumingin sa kanya. Nung una ay ayaw niyang magpatulong sa akin at tinatanggihan niya ako. Pero kalaunan ay nagpatulong din siya sa akin. Sinamahan ko siya sa Hospital para magpa check-up. Simula nun, hindi na siya naging mailap sa akin. She used to treat me well and like an Ate, unlike those days that she is against me." Kwento niya sa akin. Pinakinggan ko lang siya.



"Mataray na bata si Katelyn. Marami rin siyang nakaka-away dahil sa ugali niya. Pero kahit ganun siya, mabait at maalaga siya. Hindi lang yun nakikita ng iba dahil iniisipan agad nila ng masama si Katelyn. Kailangan mo lang talaga siyang pakisamahan dahil hindi siya sanay na nang-aapproach ng iba." Dugtong niya.



Bigla kong naisip na, kung nagawa ni Ingrid na makuha ang loob ni Katelyn. Magagawa ko rin diba? Pero agad sumagi sa isip ko na, mahihirapan ako. Dahil lahat tayo ay mayroong kanya-kanyang favoritism. At mahirap baliin o ibahin iyun. Pero kung para kay Kiel, handa kong harapin ang mahirap na pagsubok na yun.



"Bakit mo pala pina-kwento sa akin yun?" Nagtatakang tanong niya sa akin.

"Ahh. Wala." Ngumiti ako sa kanya. 



"Iba lang talaga ang bondness na mayroon kayo." Dugtong ko. Nakita ko ang pagtataka niya dahil sa sinabi ko. 


"Btw, (By the way), Kamusta ka na pala? Balita ko kakauwi mo lang nung isang araw?" Pag-iiba ko ng topic para hindi na madugtungan ang pag-uusap namin about kay Katelyn. Medyo Awkward na eh.



"Ayos lang ako. Eto masaya na." Nakangiti niyang sagot sa akin. Pansin ko rin yun. Masaya na siya ngayon at iba na ang awra niya. Blooming ganun.


"Ay teka! Nabalitaan ko yung nangyari kay Kyla at kay Aiden? Bakit ganun?" Na cu-curious niyang tanong. Napabuntong hininga naman ako.



"Hindi ko nga rin alam kung bakit ganun ang nangyari eh. Pero bigla na lang nangyari. Hindi pa rin ako makapaniwala, Ingrid. Parang kailan lang nung naging masaya siya sa pagbubuntis niya at sa pagmamahalang meron sila ni Aiden." Malungkot kong kwento sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin at mariing nakikinig.


"Pero wala eh. Bigla na lang nawala ang anak nila at nalaman niya ang katotohanan sa pagitan nila ni Aiden." Napasandal ako sa pader at napabuntong hininga ulit.



"Ganun talga, Jassy. May mga bagay na hindi mo inakalang mangyayari sa buhay mo. Even if it is good or  bad, you need to accept it. Because that's how God plans your life." Tugon ni Ingrid sa akin. Kita ko rin ang lungkot sa kanyang mukha.


"Sorry Jassy but I  have to go. Just tell Kyla my sincere condolence for her. I need to do some of my assignments. Bye!" Nagpalaam na siya sa akin. Kumaway at ngumiti lang ako sa kanya.



Napatayo naman ako dahil sa inip sa paghihintay kay Kuya Joshua at Ate Dianna. Mygad! Gusto ko nang umuwi. Maggagabi na.


"Jassy!!" Narinig kong may tumawag sa pangalan ko. Nakita ko si Lance at tumatakbo palapit sa akin.



"Oh bakit Lance?" Tanong ko sa kanya.

"Sama ka sakin!" Sagot niya sa akin. Kumunot naman ang noo ko.



"Huh? Ba..bakit?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Basta!!" Bigla niyang hinawakan ang braso ko at hinila ako papunta sa kotse niya.



"Huy Lance!! Anong gagawin mo? Mamaya may kalokohan kang gawin sa akin ah! Bibigwasan kita!" Pagbabanta ko sa kanya. Narinig ko lang ang mahina niyang pag tawa.


Pinasok niya ako sa sasakyan niya at agad itong pinaandar. Nanlaki ang mga mata ko. Kini-kidnap niya ba ako?!



"Hoy!!" Sigaw ko sa kanya. 

"Ki-kidnap-in mo ba ako?!" Taas kilay kong tanong sa kanya. Bigla naman siya tumawa ng malakas.



"Wag ka ngang OA, Jassy. Hindi kita ki-kidnap-in. Maraming papatay sa akin." Natatawang sagot niya. Nagsimula na ang biyahe namin sa wala akong ideya kung saan ang patungo namin. Sumandal ako sa passenger's seat at nag cross-arms. 


"Nakita mo ba sina Kuya?" Tanong ko sa kanya.



"Umuwi na sila ah. Sabay sila ni Ate Dianna." Sagot niya sa akin habang iniikot ang sasakyan niya.


"Ano?!" Napa-ayos ako ng upo at napaharap sa kanya. 



"Umuwi na sila? Iniwan na nila ako?" Napakadami kong tanong sa kanya at tanging pagkibit balikat lang at pagtango ang sagot niya sa akin. 


Hayss what a life!!



Ilang minuto ang byinahe namin ni Lance at nakarating din kami sa isang.....

"WAHH!!" Napasigaw na lang ako nang biglang tinakpan ni Lance ang mga mata ko.



"Hoy Lance!! Saan mo ako dadalhin?! Isusumbong kita kay Kuya Joshua at Kiel kapag may ginawa kang masama sa akin." Pagbabanta ko sa kanya pero tinawanan lang niya ako.


Inalalayan nya akong makababa sa sasakyan niya at inakay niya ako sa hindi ko talaga alam na lugar. Baka mamaya bodega na 'to ah! Ayoko na maulit yung nangyaring yun. Jusme!!



"Enjoy your night.....together." 


Para akong kandilang naupos na lang bigla. Dahil sa pagbulong ni Lance sa tenga ko. Sasagot pa lang sana ako nang marinig ko ang mga tapak niyang paalis na.




Bakit kinakabahan ako?! Humaygad!! Sino ba ang may pakana neto? Sasapakin ko talaga sa lalamunan. Walangya!


Sisigaw na sana ako nang bigla akong may narinig na strum ng gitara. Bigla agad bumilis ang tibok ng puso ko.




"Ano iyong pangalan? Nais kong malaman.

At kung may nobyo ka na ba, sana nama'y wala


Di mo ko masisisi, sumusulyap palagi

Sayo'ng mga matang, O kay ganda o binibini"



Narinig ko ang isang boses na pamilyar na pamilyar sa akin. Nangingilid na ang mga luha ko. Gustong-gusto ko ng tanggalin ang piring ko.




"O ang isang katulad mo

Ay di na dapat pang pakawalan


Alam mo bang pag naging tayo

Hinding hindi na kita bibitawan


Aalagaan ka't di pababayaan

Pagkat ikaw sakin ay Prinsesa."



Hindi ko na kinaya at tinggal ko na ang piring ko. Nakita ko siyang nakatayo at nakatingin ng diretso sa akin. Sa tabi niya ay may gitarista na tumutugtog. Linapitan ko kaagad siya at yinakap ng napakahigpit. 



Yinakap naman niya ako pabalik. Hinarap niya ako at hinalikan ako sa noo ko. Ang sarap-sarap pakinggan ng boses ni Kiel. Hindi man siya sobrang ganda katulad ng iba, pero masasabi kong kaya niyang kumanta. At sobrang lakas ng dating niya sa akin. 


Nakakainlove talaga ang mga lalaking kayang kumanta. Right?




"Princess.." Hinawakan niya ang pisngi ko. 


"Do you remember what date it is today?" Tanong niya sa akin. Kumunot naman bigla ang noo ko. Anong sinasabi niya?



"Huh?" Nagtataka kong reaksyon sa kanya. Lumawag ang pagkahawak niya sa pisngi ko.


"Wala ka talagang naaalala?" Tanong niya ulit sa akin. 



Inisip ko kung anong araw ngayon. Normal day lang naman kanin ah? Tapos hindi ko alam kung bakit niya ako kinantahan ngayon? Trip lang niya ganun? Pero hindi eh. May nakalimutan ako. Parang ano.....ano....ay....basta!! Hindi ko na matandaan.


Umiling lang ako sa kanya.




Napabitaw siya sa pagkahawak sa akin at nagsalubong ang mga kilay niya.










"Jassy, Monthsary natin ngayon!!"






UH-OH!! X__________X



Itutuloy.......



A/N: Five more Chapters before the Ending.


Read●Vote●Comment●Share


"Always keep your Tiara UP!"



~Princesss_aj


Continue Reading

You'll Also Like

992K 10.3K 9
Teo Lugen. Kapag narinig mo ang pangalan niya. Umiwas kana dahil hindi kaya niya sasantuhin. Pero Maniniwala ka ba? Na ang isang anak ng Mafia Boss a...
45.6K 2.4K 51
What will you do to be noticed by your ultimate crush?
1M 13.6K 44
[continuation] Meet Eleonor Malicsi Dimaculangan, ang babaeng takot sa ipis at sa binatang nag-ngangalang Miguel Josef Uy Monteverde. Warning: This...
129K 1.1K 6
Kung nai-stress ang mga tao, nai-stress din pala ang ghosts, white lady, ligaw na kaluluwa, at kung ano pang pwedeng itawag kay Amethyst. Dead na...