Chasing You (EDITING)

By Fiery-Winged

153K 2.2K 85

Grae del Fiego has always been Andrea Chevrolet Vergara's solitary love interest through much of her existenc... More

Chasing You
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18 (Part I)
Chapter 18 (Part II)
Chapter 18 (Part III)
Chapter 18 (Part IV)
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
CAST OF CHARACTERS
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
LAST CHAPTER (REWIND)
EPILOGUE
A Message from the Author
MUST READ

Chapter 56

1.6K 22 1
By Fiery-Winged

ANDREA'S P.O.V.

Natapos ang ceremony, nag-usap kami ni Grae. Pinaliwanag ko sa kanya lahat. Sinabi kong ayoko na. Sinabi kong tama na. Hayaan na niya kong makalimot. Hayaan naman niya kong maging masaya. Hayaan niya kong ayusin yung buhay at puso kong sirang-sira na.

Pero ayaw niya. Hindi niya ko tinitigilan. Simula nung matapos ang ceremony, palagi siyang nakabuntot sakin. Minsan kapag namamasyal ako mag-isa, nandiyan siya susulpot bigla bigla. Kakausapin ako, dadaldalan ako. Kahit hindi ko pinapansin, sige pa rin siya ng sige. Sabi niya, hindi raw siya titigil hangga't hindi ako bumabalik sa kanya. Pero ayoko na. Pagod na ko. Sawa na ko.

Ngayon, byahe namin papuntang Vigan. Nagpa-book na rin kami para sa Hotel Luna kung saan kami mag-sstay. Magkakasama ang tropa. Hindi ko rin naman alam na pati si Grae ay isasama pala nila. Mas hindi tuloy matatahimik ang buhay ko. Tsk.

"Nagugutom ka? May pagkain dito. Nagdala ako", sabi ni Ares

Siya kasi ang katabi ko dito sa van. Silang lahat nandito. Tapos ang tropa, nasa kabilang van naman. Ayokong makisabay si Grae eh. Kaya sinabi kong dun na lang sila.

"Hmm. Okay lang. Di pa naman ako nagugutom", sagot ko

I've always been with Ares. Most of the time, siya ang kasama ko. I admit, masaya ako kapag kasama ko siya. Gusto ko siya palaging kasama. But it doesn't mean that I like him romantically. I just want him by my side.

Baka sakaling, kapag handa na ulit yung puso ko, sa kanya mapupunta. He's perfect for me. At gusto ko, kung magmamahal man ulit ako ng ganito kagrabe, sakanya na. He deserves it anyway. Gusto ko, mahulog ako sa kanya ng kusa. Hindi yung sa napipilitan lang ako. O di kaya, hindi dahil sa kailangan ko ng karamay. Panakip-butas kumbaga.

"Sus, mamaya kayo magkatuluyan diyan ha", panunukso ni ate Venus

"Pre, tinamaan ka talaga ng pana ni kupido noh? Iba na lagay mo", natatawang sabi ni Caerus

"Binata na ang baby boy natin. Yieee", sabi naman ni ate Demeter

"Mga siraulo. Tss", masungit na sabi ni Ares

"Sus. Kinilig ka lang eh", sabi naman ni Hestia

Napangiti na lang ako. Palagi nila kaming inaasar at palagi akong natatawa kapag ganon. Si Ares naman, palaging napipikon. Naririndi daw siya sa kaingayan nila. Haha

"Makatulog na nga lang. Mga bwisit kayo", inis na sabi ni Ares

Tumawa sila. Ako? Napatigil ako sa pagtawa kasi bigla niyang sinandal ang ulo niya sa balikat ko tapos pumikit na siya. Tumingin ako sa kanila, tapos mga tingin nila samin, grabe. Mga judgemental.

"Swerte ni Ares sayo", sabi ni kuya Aeolus

Napangiti ako saka ko tinigan si Ares.

"Siguro mas swerte ako sa kanya pag nagkataon", sagot ko

Totoo naman. Who wouldn't love him? Mabait siya, kahit na may pagkamasungit. Matalino, talented. Proprotektahan ka. Handa siyang itaya ang sarili niyang buhay para sayo. Ano pa bang hahanapin mo? Nasa kanya na ang lahat.

"Look at your phone Andy", sabi ni ate Venus

Tapos nginitian niya ko saka siya uli tumingin sa harap. Kinuha ko ang phone ko at binasa ko ang text niya sakin.

From: Ate Venus

Don't break his heart too much ha? Baka kasi hindi na ulit magmahal yan, pagkatapos mo. Just sayin'. But, please Andy, stay with him no matter what happens. Because you make him happy so much kahit na ang pagiging kaibigan lang ang papel niya sa buhay mo.

'Yan ang text sakin ni ate Venus. Napatingin ako sa kanya, pero nakatingin na siya sa harapan. Napabuntong hininga na lang ako.

She has a point naman. I know Ares is hurting kahit na hindi niya sabihin. But, can't I be selfish? I mean, I am really happy with him. And I'm glad that I can make him happy too. Even though we're just friends.

After how many hours, finally! Nandito na kami. Gosh. Nakakapagod sa byahe. Wiwiwow.

"Tara na sa rooms", sabi ko

Pagkababa namin, kinuha na namin mga gamit namin. Hihilahin ko na sana ang maleta ko pero biglang may humawak. Pagtingin ko, si Grae.

"I can handle", seryoso kong sabi saka ko sinubukang kunin sa kanya pero iniwas niya tapos nginitian niya ko

"May isang hawak ka pang bag oh. Baka mabigatan ka. Mahirapan ka pa. Tulungan na kita", nakangiti niyang sabi

"No need. Pagpapahirap mo nga sakin ng matagal na panahon kinaya ko, eto pa kaya? Pagbubuhat lang ng maleta. Kayang kaya ko. Kumpara sa pagpapahirap na ginawa mo", seryosong sabi ko

Hindi na siya nakasagot at natulala sa sinabi ko. Hinila ko sa kanya ang maleta ko at nagmadaling lumayo sa kanya.

"Hmm, ginugulo ka na naman niya?", tanong ni Ares

Napabuntong-hininga na lang ako at tumango. Nginitian niya lang ako at ginulo ang buhok ko. Pinalo ko lang ang kamay niya. Aish! Not my hair!

"Akin na, tulungan na kita", sabi niya saa niya kinuha ang maleta ko

Nginitian ko naman siya at tinanguan.

"Thanks", nakangiting sagot ko

Mabigat naman kasi talaga ang dala ko. It's just that, ayokong magpatulong kay Grae. Maarte na kung maarte sa panigin niyo, pero masisisi niyo ba ko? I want to stay away from him. I want to get away from him. So, tama lang yung ginawa ko kanina.

"Sinong kasama mo sa room mo Andy?", tanong ni ate Venus

"Kasama ko sina Hyrie at Messyne ate. Sila ate Agatha, ate Cheo, ate Maks at ate Kyara, ang magkakasama. Kayo kayo na lang din ang magsama-sama sa ibang rooms ha?", sabi ko

"Oh, sure", nakangiting sabi ni ate Venus saka na siya lumapit kila Hestia at sumama sa kanila

Nasa kanila na rin naman ang susi ng kwarto nila eh.

"Awieee. Sweet naman, may taga-bitbit pa. Ayos ah. Pumoporma na ba?", panunukso ni Messyne

"Nginamo", sagot ko

"Bes! Tinawag ko si Kevin ha? Haha. Susunod daw siya dito. Paepal lang. Wahahaha", sabi ni Hyrie

"Sige lang", sagot ko

"Saang room?", tanong niya

Tinignan ko si Ares, tumango naman siya. Wala namang ibang pwedeng kasama nun kundi ang mga 'to lang eh. Psh.

"Okay na", sabi ko

Tumango naman sila Hyrie. Saka na kami pumunta sa rooms namin. Hinatid na rin naman ni Ares ang nga gamit ko.

"Eherm. Mauna na kaming pumasok", sabi ni Hyrie saka niya ko sinundot sa tagiliran at napausod naman ako

May kiliti kasi ako don! Grrr.

Tapos pumasok na sila ni Messyne.

"Thanks again", sabi ko kay Ares saka ko kinuha ang maleta ko at pinasok sa loob

"Hm, gotta go. Call me if you need anything", sabi niya

Tumango naman ako at nag-salute. Ginulo lang niya yung buhok ko at nginitian ako saka na siya umalis. Tumalikod na rin naman ako.

Napatingin ako sa bag ko. Luh? Nandito yung susi ng kwarto nila. Di man lang niya napansin? Siraulo yun.

"Guys teka, ihahabol ko lang 'tong susi nila Ares. Nalagay dito sa bag ko", paalam ko dun sa dalawa

"Gora", sabi ni Messyne

Pagbukas ko ng pinto nagulat ako kasi bumungad sakin si Grae.

"Excuse me", sabi ko saka ko siya winaksi

Tapos nilagpasan ko siya. I was about to walk away nung bigla niya kong hinablot.

"Let go of me. May pupuntahan pa ko", seryosong sabi ko

"Tinutulungan kita, ayaw mo. Nung iba ang tumulong sayo, nagpatulong ka", sabi niya

"Pakialam mo ba? Eh sa ayoko nga sayo. Will you just stay away from me!?", inis na sigaw ko

"I can't because I love you", sagot niya

"And I am moving on from you. I don't need you. And I don't need your love. Get lost", sabi ko

"Gusto mo ba siya?", tanong niya

Si Ares ba ang tinutukoy niya?

"Uulitin ko. Gusto mo ba siya?", tanong niya

"Hindi", sagot ko

Natahimik siya.

"Then, give me chance. One more chance Andy. Please naman", sabi niya

"Hindi pa. Hindi ko pa siya gusto. Hindi pa kasi naghihilom yung sugat na ginawa mo. Hindi pa nawawala yung sakit na dinulot mo. Pero kapag handa na ko. Kapag okay na ko. Kapag ayos na ulit ang buhay ko. Sa kanya ko ipagkakatiwala ang puso ko. He deserves it anyway. Hindi ko na hahayaang sa isang kagaya mo pa ko ulit mapunta. Isang kagaya mong, sasaktan at sisirain lang ako", inis na sabi ko saka na ko tumalikod

Pagtalikod ko, nakita ko si Ares na nakatayo habang nakatingin samin. Kanina pa ba siya diyan?

Napapikit na lang ako. Kinginang 'yan. Kanina pa siguro siya diyan kaya tinanong sakin 'yon ni Grae. Tarantado talaga.

"I love you. One more chance please", sabi ni Grae

Ramdam na ramdam ko ang lungkot sa boses niya. Naaawa ako. Pero mas naaawa naman ako sa sarili ko.

"Let me go", sabi ko

Sinabi ko yun na hindi siya tinitignan. Hindi ko siya nilingon. Baka mas mahirapan lang lalo ako.

"Please Andy", sabi niya

Hanggang sa naramdaman ko na lang na niyakap niya ko mula sa likod. Nanlaki ang mata ko dahil sa ginawa niya.

"Let me go Grae", inis na sabi ko

Ni hindi ako makatingin kay Ares sa kahihiyan. I know he's hurting and I can't even do anything! Damn it.

"No. No, I'm not letting you go", bulong niya sakin

Mas humigpit pa ang pagkakayakap niya sakin at siniksik niya ang ulo niya balikat ko.

"Huwag mo na kong pahirapan please naman. Please, pakawalan mo na ko. Hayaan mo na ko", mahina kong sabi

Unti-unti niya kong binitawan. Akmang ihaharap niya ko sa kanya pero may biglang humila sakin at niyakap ako. Kasabay non ang pagtulo ng luha ko.

"Ares", mahinang bulong ko

Humigpit ang pagkakayakap niya sakin. Napasubsob na lang ako sa dibdib niya habang umiiyak. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Kung talagang mahal mo siya, palayain mo na. Hayaan mo na. Bitawan mo na. Pakawalan mo na. 'Wag mo na siyang pahirapan pa", sabi ni Ares

"Hindi ko papakawalan kasi kayang kaya ko siyang ipaglaban. Kahit patayan", sabi ni Grae

"Gago ka pala eh. Kung mahal mo siya, in the first place hindi mo siya ipagtatabuyan. Hindi mo siya lolokohin. Hindi mo siya sasaktan. Pero ano? Ginawa mo. Kasi gago ka", sabi ni Ares

"Wala kang alam", seryosong sabi ni Grae

"Wala akong alam pero meron akong pakialam. Sakin binilin si Andy. Oras na may mangyaring masama sa kanya, ako ang mananagot. At kahit hindi siya binilin sakin, gagawin ko lahat, maprotektahan lang siya. Kahit mula sayo pa", sabit ni Ares

"Ares, stop", mahinang bulong ko

"Kukunin ko kung anong akin", sabi ni Grae

"Wala ka ng makukuha. Tanga ka kasi. Nasayo na, pinakawalan mo pa", sabi ni Ares

"Ano na naman ba 'to?", rinig kong sabi ni Ate Makspeyn

Thank God, they're here.

"Kunin niyo na 'yang kaibigan niyo. Baka magdilim ang paningin ko, at hindi ko alam kung anong magagawa ko diyan", seryosong sabi ni Ares

"Dude, let's go. Hindi dito ang room natin", sabi ni kuya spade

"I can't leave her with that retard!", sigaw ni Grae

"It's better for her to be with a retard like me than to be with an asshole like you. Oh, wait no. It should be, heartless", seryosong sabi ni Ares

"Pre, tara na", sabi ni kuya Stroam

Naramdaman kong natulak si Ares dahil nasama ako. Kasi nakayakap ako sa kanya.

"Gago ka. Magdahan-dahan ka sa pananalita mo ha. Baka di kita matantya", sabi ni Grae

"Oh please Grae! We're here for a vacation! To chill. To freshen up Andrea's mind! Kung nandito ka para manggulo, please sana hindi ka na lang sumama! Mygosh!", sigaw ni Hyrie

"Kuya, go", sabi ni Messyne

Mas napayakap ako kay Ares. Hindi ko siya kayang tignan. Hindi ko kaya.

"Grae, stop. Pumunta ka na sa kwarto niyo. 'Wag kang manggulo dito", seryosong sabi ni ate Makspeyn

"Fine. But don't expect that I'll stop chasing her", sabi ni Grae saka ako nakarinig ng mga yabag paalis

"Go to your room. Take her", sabi ni Ares

Hanggang sa unti-unti niya kong binitawan. Nag-angat ako ng tingin sa kanya pero nginitian niya lang ako, tapos pinunasan niya ng luha ko.

"Stop crying please? It hurts me", sabi niya

How can I stop crying? It feels like, I've got too much pain. Grae is hurting me and I am hurting because I am hurting Ares. Sobra sobra na. Hindi ko na alam.

"Kapag 'di ka tumigil, iiwan kita dito", sabi ni Ares

Napayakap ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Ayokong ganon. Umalis na lahat, but not him.

"No please", sabi ko

"Of course I won't do that. I am just kidding. Now go to your room. Have a rest. I know you're tired", sabi niya

Tumango ako. Hinawakan naman ako nung dalawa saka hinila paalis. Hindi ko na rin naman nilingon si Ares.

"Hay nako. Bwisit talaga 'yang Grae na yan. Panira ng bakasyon!", inis na sabi ni Hyrie saka siya padabog na umupo sa kama

"Bakit kasi pumayag ka pang kasama siya eh", sabi naman ni Messyne

"Tss. Tatamaan sakin yang bwisit na 'yan", sabi ni Hyrie

Nanahimik na lang ako at hindi na sumabat sa kanilang dalawa. Humiga na rin ako at pumikit. I really need to have some rest. I need rest.

Continue Reading

You'll Also Like

50.3K 1.6K 23
Luke Johnson story ✔️ Yumiko is just a normal worker who works at the clothing company, one day she received an emergency call about her mom when she...
296K 6.5K 31
" Mas masahol pa sa demonyo ang mabait kung Magalit " *** Jenny---the girl who simply wish for a simple life as a nerdy girl in her school. But life...
4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
288K 7.5K 54
Fairytale Series #1: Saerin Gail Dela Cruz is a simple ordinary student who dreams to have her freedom to make decisions on her own. She feels the ne...