What Love Can Do? (UNDER REVI...

By Princesss_AJ

1M 24.8K 1.2K

(COMPLETED) Ang "pag-ibig" ay maraming kahulugan para satin. Ito ay emosyon na ating nararamdaman sa isang t... More

-Prologue-
«Disclaimer»
Chapter 1 My Virgin Eyes!
Chapter 2 The Brother
Chapter 3 Friendship
Chapter 4 For the First Time
Chapter 5 First Kiss?
Chapter 6 Lover's Quarrel
Chapter 7 He's the Brother
Chapter 8 Panyo
Chapter 9 Crush?
Chapter 10 Apology
Chapter 11 It's a Deal!
AUTHORS NOTE! MUST READ!
Chapter 12 For you
Chapter 13 Meet the Sister
Chapter 14 Permission?
Chapter 15 Friendly Date
Chapter 16 She's the Noona
Chapter 17 Siomai
Chapter 18 Mr. Right?
Chapter 19 Is this Real?
Chapter 20 Comfort
Chapter 21 Protective Kuya!
Chapter 22 Aminan Time!!
Chapter 23 We're Still Friends?
Chapter 24 I'm Stuck with him
Chapter 25 A Princess for a Night
Chapter 26 A Princess for a Night (part 2)
Chapter 27 A Princess for a Night (part 3)
Chapter 28 Threat
Chapter 29 Her Realization
Chapter 30 Tuloy Pa rin
Chapter 31 Night Party
Chapter 32 End
Chapter 33 Blessing in disguise
Chapter 34 Stay with Me
Chapter 35 His Reason
Chapter 36 Revelation
Chapter 37 True Feelings
Chapter 38 Sacrifice
Chapter 39 Love-Struck
Chapter 40 First Date
Chapter 41 "Yes"
Chapter 42 Officially Mine
Chapter 43 Undeserved
Chapter 44 Don't like her
Chapter 45 Out of town
Chapter 46 Just Friends?
Chapter 47 Allergic
Chapter 48 Respect
Chapter 49 We are Jealous
Chapter 50 Couple's Conflict
Chapter 51 First love
Chapter 53 I Love Her (Part 1)
Chapter 54 I Love Her (Part 2)
Chapter 55 Understand
Chapter 56 Dare
Chapter 57 The Truth
Chapter 58 Loss
Chapter 59 Grief
Chapter 60 First Monthsary
Chapter 61 We meet again
Chapter 62 Brothers
Chapter 63 Friends
Chapter 64 Left
Chapter 65 Tulad Mo
-Epilogue-
Shout Outs 🎉
💖Pasasalamat💖
What Love Can Do?
Book 2

Chapter 52 I'm Hurt

11.2K 282 21
By Princesss_AJ


52: I'm Hurt

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»




Hindi ko na tinapos ang party ni Aiden. Pumunta na agad ako sa room namin nila Kyla at pinilit ang sarili kong matulog. Hindi na kasi kinaya ng sarili ko na mag stay pa sa party na iyun. Pati yung puso ko, hindi na rin niya kayang pigilan yung nararamdaman niya. Sobra sakit na niya at pakiramdam ko anumang oras gusto na niyang bumigay....



Nalulungkot ako para kay Ethan. Para sa taong gusto niya. Tama nga sila, minsan pinipilit mo ang sarili mo sa taong hindi naman para sayo. At hindi napapansin ang taong andyan lang naman sa tabi mo, hinihintay na mapansin mo.


Pero wala eh. Pag gusto mo talaga kahit na hindi ka gusto. Gugustuhin mo pa rin. Hays. Siguro ganun talaga yung Love. Unfair.



"Hoy tulala girl!!" Napatigil ako sa pag-iisip nang marinig ko ang boses ni Kyla. Liningon ko siya at sumalubong agad sakin ang kilay niyang salubong din.


"Kanina pa kita tinatawag! Kanina ka pa nakatulala dyan sa hotdog na tinutuhog mo! Buti at hindi mo natuhog yang daliri mo!" Bulyaw niya sakin. 



Oo nga nuh? Buti at hindi ko natuhog ang daliri ko. Mag-iihaw kasi kami nang barbecue at hotdog ngayon. Sina Kyla at Ate Dianna ang nagpapabaga sa ihawan at ako naman ang nagtutuhog sa mga hotdog. Tuhog na kasi yung barbecue.



Napagdesisyunan kasi naming tatlo na magsarili. Dahil tulog pa ang mga boyfriend namin dahil sa party kagabi. Sobra kasing nagsaya kaya sobra rin naglasing, tsk. Si Kiel kaya? Maayos na kaya ang pakiramdam niya?



"Hays! Mga tulog mantika naman yung mga boyfriend natin!" Irritadong reklamo ni Kyla habang nagpapaypay sa ihawan. Linagay ko na sa lamesa na malapit sa ihawan ang lalagyan nang mga barbecue at hotdog.


"Hayaan mo na Kyla. Atleast ngayon ma-eenjoy natin 'tong mini picnic natin nang wala ang mayayabang pero gwapo nating boyfriend." Nakangiting sambit ni Ate Dianna samin.



"Yah right!!" Masiglang pag sang-ayon ni Kyla.

"Maiba ako Jassy.." Panimula ni Ate Dianna. Tinaasan ko lang siya nang kilay. 



"Hindi pa ba kayo nagkakabati ni Kiel?" Tanong sakin ni Ate Dianna. Umiling lang ako sa kanya bilang kasagutan ko.


"Aww sana magka-ayos na kayo bii!!" Nginitian ako ni Kyla ng napakatamis. Tipid lang ang ngiting naisukli ko sa kanya.



"Alam mo ba Jassy, kagabi si Kiel? Tinungga niya yung isang malaking bote ng alak. At sinasabi niya na.....ano yun?" Nag-isip si Ate Dianna dahil tila nakalimutan niya ang sasabihin niya.


"Ahh!! Papatay siya ng sunog! Oo! May papatayin daw siyang sunog. Ay ewan ko!" Naguguluhang dugtong niya.



Nanlaki ang mga mata ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Anong pinagsasasabi niya kahapon? Anak ka ng tokwa Kiel!



"Ate Dianna? Naalala mo ba kung paano natin bitbitin sina Aiden at Kuya Joshua kahapon? Jusko! Sumakit ang bataan ko sa kanya." Natatawang kwento ni Kyla. Natawa na lang din ako sa kwento niya. Naiisip ko ang kwine-kwento niya.


"Eh si Kiel? Sino ang naghatid sa kanya?" Tanong ko. Bigla naman silang nanahimik at tumigil sa pagtawa. Huli na nang makaramdam ako ng hiya.



"Ahh..." Hindi maituloy ni Kyla ang sasabihin niya. Nagkatinginan sila ni Ate Dianna at nagtatanguan. Yumuko na lang ako. Bakit ko pa kasi tinanong iyun? Tss.


"Si...Savannah, bii. Hinatid niya si Kiel." Nag-aalangang sagot ni Kyla sa tanong ko kanina. Tiningnan ko siya at tipid na ngumiti.



"Ah. Ayos lang pala siya." Nahihirapang sagot ko dahil parang may nakabara sa aking lalamunan. Tumalikod na ako at naghanap ng pagkaka-abalahan.


"Don't worry Jassy. Pangalan mo ang paulit-ulit na sinasabi ni Kiel habang bitbit siya ni Savannah." Bigla akong napalingon kay Ate Dianna. Totoo ba ang sinasabi niya?



"Hindi na nga namin maintindihan ang sinasabi niya pero puro Jassy ang naririnig namin hanggang sa iwan namin sila sa kwarto nila." Sabat ni Kyla. 


Biglang gumaan ang pakiramdam ko. Kahit papaano pala. May halaga pa rin ako sa kanya. Dahil akala ko wala na siyang paki sakin dahil sa mga kinikilos niya kapag nakikita niya ako. Kahit na wala ako sa tabi niya nung gabing iyun. At kahit na si Savannah ang kasama niya at hindi ako. Hindi pa rin mawawala ang katotohanang ako ang hinahanap niya sa oras na yun. Kahit na nasa iba siya. Ako pa rin pala talaga.



Bigla naman akong na guilty. Nanghihinayang ako dahil hindi ko siya linapitan kagabi at pinalampas ko ang pagkakataon na pwede kaming magkabati. Hays, nalulungkot tuloy ako.


"Ladies..." Napatigil kaming tatlo sa pagkain nang mga inihaw namin nang may tumawag samin.



"You are eating without us?" Tanong niya habang tinatanggal niya ang shades na suot niya. Bigla namang nabitawan ni Ate Dianna ang hawak-hawak niyang tinidor na may hotdog pang nakatuhog.


"Can we get some?" Taas kilay niyang tanong samin habang hinahangin ang polo niyang bukas sa harapan at nakasilip ang dibdib niya. Bigla namang tumulo ang iniinom na tubig ni Kyla.



Bigla akong napatingin sa kanya. Sinuklay niya ang buhok niyang may kahabaan na linilipad nang malakas na hangin. Mariin akong napalunok at sumubo nang barbecue. Shemay!! Hindi pa siya nagsasalita, nagkakaganto na ako. Paano pa kaya kapag...gosh!! Namumula ako!!



"Girls, you will just stare at us, boys?" Sexy-ing tanong niya habang nakasilip din ang dibdib niya.

"Huh?..A..A..Ano.." Nauutal na reaksyon ni Ate Dianna. 



"Ma....ma-upo na kayo." Aya niya sa Tatlong kalalakihan na talaga namang nakakalaglag ng mga panga.


Bigla na lang silang sumulpot tatlo habang mga nakaporma. Si Kuya Joshua ay naka hawaiian short at hawaiian polo shirt na dalawang botones ang hindi na kakawit sa kawitan neto. At naka shade pa. Samantalang si Aiden naman ay ganun din sa pormahan ni Kuya Joshua. Naka-hawaiian short at hawaiian polo shirt. Pero apat na botones ang hindi na kakawit sa kawitan neto. Kaya talagang expose ang dibdib ni Aiden.



Naiiba ang suot ni Kiel. Naka White V neck t-shirt siya at board short. Hindi naman expose ang dibdib niya pero manipis ang tela nang suot niyang damit kaya medyo nasisilip ko na ang dibdib niya. Hindi siya ganun nakaporma hindi katulad nila Aiden at Kuya Joshua na akala mo magmo-model. Simple lang ang suot niya pero ang lakas-lakas nang dating niya. Lalo na sakin. 



Lumapit sila samin at umupo na sa isang side nang table. Nasa kaliwang side sila samantalang nasa kanan naman kaming tatlong babae na hindi makapagsalita dahil sa mga pinaggagagawa ng mga magagaling naming boyfriend.



Nasa harap namin ang sari-sarili naming boyfriend. Walang may gustong magsalita saming anim. Mariin lang kaming nakatitig sa kanila samantalang sarap na sarap sila sa pagkain nang barbecue at hotdog. 


Si Kuya Joshua, binabagalan niya ang pagsubo sa tinidor na may nakatuhog na piraso nang barbecue. Nakita ko ang paglunok ni Ate Dianna dahil sa nakikita niya. Samantalang si Aiden naman. Pumipikit-pikit pa habang kumakain nang barbecue. Kita ko ang pagkatulala ni Kyla sa ginawa ng boyfriend niya.



Si Kiel naman ay walang selang nagkakamay. Wala siyang pakialam. Kain lang siya nang kain nang hotdog at barbecue. Huta! Wala pa siyang ginagawa pero parang na akong uod dito na sinisilaban nang asin.

"The food is great ladies." Sarap na sarap na sambit ni Aiden habang sinisimot pa niya ang katas nang barbecue sa mga daliri niya.



"Guys! Let's go swimming!" Masayang aya ni Kuya Joshua samin. Tumayo siya at biglang hinubad ang polo niya. Sumampal kaagad ang well built na katawan ni Kuya kay Ate Dianna. Napalunok na lang si Ate Dianna.


"Yeah!! Let's go!!" Masayang sigaw ni Aiden. Tumayo na rin siya at tumalikod. Hinubad niya ang polo niya patalikod kay Kyla. Pansin ko pa na sinisilip-silip pa ni Kyla si Aiden. Sutil din na girlfriend niya eh.



"Tara Kiel!!" Aya niya kay Kiel na naka-upo lang at nakatingin sa lamesa. Tiningnan ko siya at hinihintay ko. Hindi maghubad ah? Hinihintay ko siyang magsalita dahil kanina pa siya tahimik at walang kibo.


Nagulat ako nang bigla niyang i-angat ang ulo niya kaya agad na nagtama ang mga mata namin. Tumayo siya mula sa kinakaupuan niya nang hindi inaalis ang mga tingin niya sakin. Ngumisi muna siya sakin bago niya hinubad na lang basta ang pantaas na damit niya.



I can't feel anything but the fast beat of my heart. I can see his well built body in front of me. His body is not so big like other men but rather his body is enough to make every girls drool over him. And I can say that I'm one of those girls.


Linapag lang niya sa lamesa ang suot niyang t-shirt. Nakatingin lang ako sa likod niyang nakakamangha talaga habang tumatakbo papunta sa dagat. 



Anong sexy at mang-aakit na espirito ang sumapi sa mga lalaking yun?! 



"T*ng ina yan!! Bakit ang aga-aga nang aakit sila? Whoo!! Pinagpawisan ako ng todo." Narinig ko ang himutok ni Ate Dianna na nagpupunas nang pawis niya at todo paypay gamit ang paper plate.


"Akala ko sa kwarto lang ginagawa ni Aiden yun pero p*nyeta! Bakit harap-harapan?! At sa gantong lugar pa talaga ah?" Himutok naman ni Kyla na napasapo na lang sa noo niya.



"Expired ba ang nainom nilang alak kagabi?" Tanong ko sa kanila. Napahawi na lang ako nang buhok. Ramdam ko din ang mga nararamdaman nila.


"Chineck namin ni Aiden ang mga alak na iinumin nila kagabi pero hindi ko alam na ganto pala ang epekto sa kanila ng mga alak na yun. D*mn." Natatawang sagot ni Kyla sakin.



"Halos hindi na ako makahinga kanina. P*nyetang Joshua yan! Sakit niya sa obaryo ah!" Natatawang reklamo ni Ate Dianna. Natawa na lang kami ni Kyla sa sinabi ni Ate Dianna.


"I have an idea girls." Biglang sambit ni Kyla. Kumunot ang noo naming pareho ni Ate Dianna.



"Akala nila sila lang ang may kakayahang mang-akit? Hmp! If Men can do that, so as we women." Nakangiting sambit ni Kyla samin.


"I know what you mean Kyla. Let's go!!" Ngumiti rin si Ate Dianna.



"Anong sinasabi niyo?" Hindi na nila ako sinagot marahil hinila na lang nila ako papunta sa kwarto namin.


"Teka ano bang gagawin natin?" Tanong ko sa kanila. Hindi nila ako pinansin. Abala silang maghalungkat sa mga maleta nila.



"Perfect!!" Sigaw ni Kyla.


Nanlaki ang mata ko nang makita ko na may hawak siyang bathing suit na medyo orange at peach ang kulay na medyo hindi fitted. Tama lang para sa mga buntis na hindi pa naman ganun kalaki ang tiyan.



"Here's mine!" Sigaw naman ni Ate Dianna.

May hawak siyang two piece bathing suit na kulay puti na talaga namang nakakalaglag ng panga at nakakabali ng leeg. Bagay naman kay Ate Dianna ang ganyang damit. Dahil sexy naman siya.



"Ikaw bii? Wala ka pang napipili?" Tanong ni Kyla na naghihintay sa labas nang restroom. Dahil nauna na si Ate Dianna magpalit.


"Huh?" Wala sa sarili kong tanong sa kanya.



"Mamili ka na ng susuotin mong swimsuit." Sagot niya sakin.

"Ayoko! Hindi ako nagsusuot ng ganyan." Sambit ko sa kanya.



"Ano ka ba! Wag ka ngang maarte dyan." Giit niya sakin. 


Lumabas na si Ate Dianna na talaga namang napakaganda. Kitang-kita ko ang hubog ng katawan niya sa suot niyang puting two piece. Nagsuot lang siya nang maluwag na t-shirt bilang pangtakip.



"C'mon Jassy. Ako ang bahala sa Kuya Joshua mo. Gaganti lang tayo sa mga magagaling nating boyfriend." Sambit niya sakin. Hindi na ako nakasagot sa kanya. 


Pumunta siya sa maleta na kinuhanan nila ng mga swimsuit nila. 



Seryoso ba sila? Gaganti kami sa mga boyfriend namin? Tss. Naiisip ko pa lang ang itsura ni Kuya at Kiel kapag nagsuot ako ng ganyan. Tss. Hindi ko magugustuhan.


Pero mapapansin ba ako ni Kiel? Eh kanina nga parang wala lang ako sa harapan niya. :((



"Here!" Sigaw ni Ate Dianna. Nakita ko ang hawak niyang itim na swimsuit. Nanlaki ang mga mata ko.


"Susuotin ko talaga yan?!" Tanong ko sa kanya.



"Yes. And ipapakita mo kay Kiel na dapat ka na niyang kausapin. Tama na ang cold war niyo." Sagot ni Kyla na kakalabas lang sa restroom. Naglagay lang siya nang sarong sa katawan niya.


"Hala! Ayoko!" Pagtanggi ko sa kanila.



"Sige na Jassy!!" Pilit ni Kyla sakin. Umiling lang ako sa kanya.

"Hindi man lang 'to sumakay sa plano natin ayy." Irritadong sambit ni Kyla.



"Alam ko na. Just wear a denim short." Sambit ni Ate Dianna. Hinila niya ako papunta sa restroom. Inabot niya sakin ang denim short na hindi ko alam kung saan niya nakuha.


Wala akong nagawa kundi isuot na 'to. Medyo ayos na ako na short ang pangbaba ko. Dahil ayoko nang underwear nuh. Saan ko pa itatago yung dapat kong itago?



"Here." Inabot sakin ni Ate Dianna ang black swim bra na hindi naman ganun ka-revealing. 


Sinuot ko na 'to at tumingin ako sa salamin. Hindi ko inakala na magsusuot ako ng ganito sa buhay ko. Nakikita ang tiyan ko pero hindi ang pusod ko dahil high waisted ang suot kong short. Yung swim bra ayos lang. Okay na siya sakin kasi hindi naman ganun ka expose na masisilipan ka na.



Lumabas na ako sa restroom at napatingin silang dalawa sakin.


"Oh my gosh!!" sigaw ni Kyla. Linapitan niya ako. 



"Ang sexy mo bi!! Pwede ka nang cover girl nang FHM Magazine." Kantyaw ni Kyla sakin.

"Baliw" natatawang sambit ko sa kanya.



"It fits you Jassy." Nakangiting bati sakin ni Ate Dianna.

"Salamat Ate." Nahihiyang pasasalamat ko sa kanila.



"Okay! Let's do this!!" Sigaw ni Ate Dianna.

"Who run the world?" Sigaw naman ni Kyla.



"GIRLS!!" Sigaw naming tatlo.


Sinuot ko na ang crop top na pantaas ko para matakpan ang suot kong swim bra. Lumabas na kami sa kwarto at naglakad papunta sa cotage namin.



Nasa likuran lang ako nila Ate Dianna at Kyla na todo rampa habang naglalakad. Panisin ko na kami ang center of attention. Nakatingin sila samin na para bang namamangha. Yung ibang lalaki eh halos mabali ang mga leeg.



Nang malapit na kami sa cottage ay nakaramdam na agad ako ng kaba. Ewan ko ba? Pero sa tingin ko hindi maganda ang kakalabasan neto. Huhuhu!


Napahinto sina Ate Dianna at Kyla sa paglalakad kaya nabangga ko sila. Hindi naman malakas ang pagkabangga ko kaya hindi sila natumba. Napunta ako sa harapan nila at halos manlaki ang mga mata ko sa nakita ko.



Linalagyan nila Aiden, Kuya Joshua at Kiel ang tatlong babae na pare-prehong nakadapa at mga naka-swimsuit. Talaga namang walang pagtataguan ng kaluluwa ang mga suot nila. Prente lang na naglalagay ang tatlong ungas na 'to na akala mo ay walang girlfriend at single na single. -_-



"Hindi ko gusto ang nakikita ko." Bulong ni Kyla na masama na talaga ang timpla ng dugo.

"Makapunas ka dyan akala mo wala kang girlfriend. Hinayupak ka!" Bulong naman ni Ate Dianna na nagpipigil na makasabunot.



Hindi na dapat ako magsasalita nang makita ko kung sino ang pinupunasan ni Kiel ng sunblock sa likuran. Nakita ko ang ngiti niyang abot hanggang tenga at kulang na lang lumuwa na ang dibdib niya sa suot niya. Umupo siya at tuloy pa din sa pag ngiti dahil sa pinupunasan siya ng boyfriend 'ko' ng sunblock.



"Childhood friend ah? Tingnan natin kung saan pupunta yang childhood friend na sinasabi niyo." Sambit ko. Nag-iinit na talaga ang dugo ko. Mas mainit pa ata sa Venus. Hindi ko gusto ang nakikita ko.


Mabait akong tao pero sa oras na hindi ko nagustuhan ang ginawa mo. Humanda ka sakin! Leche ka!



"Sundan niyo ako." Utos ko sa kanila. 


Ako ang unang naglakad sa aming tatlo at sinundan nila ako. Linampasan namin ang cottage kung saan nag-eenjoy ang mga ungas sa pagpunas sa likod ng mga babae. Hindi man lang nila napansin ang presensya namin nang lampasan namin sila. Tss. Enjoy na enjoy ang mga loko-loko!



Mabilis pa sa ala singko nang hubarin ko ang pangtaas kong t shirt. Wala akong alam sa pa-sexyhan pero ginawa ko ang makakaya ko para maging sexy ang dating nang paghubad ko nang damit ko.


Ngumit sina Ate Dianna at Kyla. Hinubad agad nila ang mga damit na nakapatong sa mga suot nilang swimuit. 



"Pwede bang mahiram ang sunblock niyo?" Tanong ni Kyla habang hinuhubad niya ang salamin niya.


"Wala kasi kaming dalang sunblock eh." Dugtong ni Ate Dianna na ginulo pa ang buhok niya.



"Magpapalagay lang sana kami.....sa iba." Ako ang huling nagsalita. Tinitigan ko mata sa mata si Kiel. Kung kaya niyang magprenteng walang paki sakin pwes kaya ko din.


Hindi sila nakasagot saming tatlo. Nakita ko ang paglunok nila isa-isa. Umayos na rin ng upo ang mga babaeng pinunasan nila kanina kasama dito si Savannah.



"Wow! I didn't thought ganyan ang confidence niyo girls. Grabe!" Namamangha bati samin ni Savannah. Kulang na lang pumalakpak siya.


"Ganun talaga Savannah. Minsan dapat malaman ng iba kung ano yung sa kanila at hindi sa kanila." Mataray na sagot ni Kyla. Tumalikod na siya at rumampa papunta sa dagat.



Hinabol naman siya ni Aiden na hindi na alintana ang babaeng pinupunasan niya.


"Uhmm...nagpapunas kami ng mga kaibigan ko sa kanila." Naiilang na sagot ni Savannah. Ramdam ko ang titig ni Kiel sakin pero nagprente akong walang pakialam sa kanya at hindi siya napapansin.



"Aaww. It's okay. Siguro ayos lang din naman sa 'boyfriend' ko na magpalagay ako sa iba." Mataray na sagot ni Ate Dianna at tumingin siya kay Kuya na hindi na maipinta ang mukha. 


Kinuha ni Ate Dianna ang sunblock at naglakad na palayo. Bigla naman siyang sinundan ni Kuya Joshua na hindi na alam ang gagawin. May sunblock pa nga siya sa kamay niya na hindi niya napahid.



"We're sorry Jassy." Nakayukong sambit ni Savannah.

"It's okay. Wala naman yun samin. Sige magpalagay ka lang." Mataray na sagot ko sa kanya. Hindi naman ako mataray pero minsan kailangan mong magtaray sa oras na kinakailangan talaga.



Tumalikod na ako sa kanila at naglakad palayo. Ramdam ko ang paninitig sakin ni Kiel pero hindi ko siya tiningnan. Okay Fine Mr. Salazar. You are playing cold games to me. So I will play with you.


Hindi pa ako nakakalayo nang.....



"Fvck!" Mura niya at napalingon ako sa kanya. Akala ko malayo pa siya sakin pero nakalapit na siya. Bigla niyang hinawakan ang braso ko at mariin akong hinila palayo.


"Bitawan mo nga ako!" Utos ko sa kanya at pinipilit kong alisin ang kamay niya sa braso ko. Hindi niya ako pinakinggan at nagpatuloy lang siya sa paghila sakin.



"Hoy Ano ba!! Hindi mo ba ako narinig? Sabi ko bitawan mo..-" I didn't finish my words. Tinulak niya agad ako sa isang pader sa isang lugar na walang ka tao-tao. Pano kami nakapunta agad dito?


"Nasan..-" Hindi ko nanaman natapos ang sasabihin ko nang salubungin niya ako ng magkadikit niyang kilay at nakakamatay na tingin.



"Anong pumasok sa isip mo at nagsuot ka ng ganyan?!" Sigaw at pagalit na tanong niya sakin. Hindi ko magawang makasagot dahil aaminin ko, natatakot ako sa kanya.


"Sagutin mo ako Jassy!!" Utos niya sakin. Nakita ko ang pagpigil niya ng galit.



"Bakit ka nagagalit...." Nakayuko kong katwiran sa kanya.


"Really Jassy?! Bakit ako nagagalit? Alam mo ba kung ilang mata ng mga t*rantadong lalaki ang binilang ko? Halos hubaran ka na nila ng tuluyan sa mga titig nila sayo. Gusto ko na ngang pasabugin ang mga itlog nila kanina. Tapos anong gusto mo? Wag akong magalit? Ano? Payagan ko na lang silang bastusin ka?! T*ng ina naman Jassy! Boyfriend mo ako!!" Galit na galit niyang sagot sakin.



Mabilis ko siyang tinulak.

"Iyun na nga eh! Boyfriend kita! Pero kung umasta ka kanina akala mo wala kang girlfriend! Enjoy na enjoy ka sa pagpunas sa likod nung kababata mo! Ano sa tingin mo? Matuwa ako? Magdiwang? Ang gulo mo rin!" Inis at galit kong sumbat sa kanya.



"Nagseselos ka ba kay Savannah?" Seryoso at diretso niyang tanong sakin. 

"Eh sinabi ko naman sayo na magkaibigan lang kami!" Depensa naman niya



Huminga ako nang malalim.


"Ano?!" Inip niyang tanong.



"Oo! Nagseselos ako!" Sagot ko sa kanya. 


"Nagseselos ako sa kababata mo! Nagseselos ako sa kanya. Dahil kung pahalagahan mo siya parang wala ako sa buhay mo! Alam mo ba kung gaano ako nasasaktan? Hindi mo ako pinapansin at binabalewala mo lang ako. At ang sakit pa na gusto ka niya. Gusto ka niya Kiel! Simula bata pa lang siya gusto ka na niya! Alam mo ba kung gaano ko sinisisi ang sarili ko? Na sa tingin ko ako ang malaking hadlang sa inyong dalawa! Na ako ang may kasalanan kung bakit hindi na kayo pwedeng dalawa!" Huminga ako at hinabol ko ang hininga ko.



"Selos na selos ako sa inyo Kiel!! Kaya ginawa ko 'to dahil gusto ko na mapansin mo naman ako dahil lahat ng atensyon mo na sakanya!! Kinalimutan mo na ako! Kinalimutan mo na ang sinasabi mong 'Girlfriend' mo!!" Sigaw ko sa kanya. Hinawakan ko ang dibdib ko.



"Pwede ba? Itigil mo na. Dahil sobra na akong nagseselos Kiel. Ang sakit-sakit na neto." Tinuro ko ang puso ko. 


"Gusto na nga niyang bumigay dahil sa sakit eh. Tama na. Sobrang selos na selos na ako kaya pwede ba wag mo na akong pagselosin pa? Kasi ang sakit-sakit na! Ayoko na."  Napa-upo na lang ako sa kinakatayuan ko at doon umiyak. 




Iniyak ko lahat ng sakit na nararamdaman ko. Simula nang malaman ko na gusto niya si Kiel hanggang sa mag-away kami. Lahat iniyak ko. Wala akong paki kong mag mukha akong bata dito na parang t*ngang umiiyak. Dahil ang sakit-sakit na. Sobrang sakit na.



Naramdaman ko na umupo rin siya para magpantay kaming dalawa. Hinawakan niya ang braso ko at pilit niya akong tinayo. Nang matagumpayan niya 'to. Agad niya akong yinakap. Yinakap niya ako nang mahigpit na mahigpit. Sa puntong yun, mas humagulgol ako sa pag-iyak.



"Shh...I'm sorry." 


Bulong niya sakin. Hindi ko siya sinagot. Hinayaan ko lang ang mga luha kong magsilaglagan.




"I'm sorry if I hurt you. If I cause you so much pain. I'm sorry Jassy. I love you.."


Itutuloy....



Continue Reading

You'll Also Like

10K 206 10
Sa isang prestigious school na Saint Anthony Academy nagkaroon ng scholarship si Ana. Bilang nag-iisang scholar sa isang pangmayaman na eskwelahan at...
140K 4.5K 68
Usually, people met their first love in different or memorable places, but she met her first love inside the jail? Started: April 3, 2015 Finished:...
2.7M 52.8K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
326K 975 2
People describe me as a cold and heartless bitch. I always wear my poker face. I am rich and powerful that everyone is wishing to be in my position. ...