What Love Can Do? (UNDER REVI...

By Princesss_AJ

1M 24.8K 1.2K

(COMPLETED) Ang "pag-ibig" ay maraming kahulugan para satin. Ito ay emosyon na ating nararamdaman sa isang t... More

-Prologue-
«Disclaimer»
Chapter 1 My Virgin Eyes!
Chapter 2 The Brother
Chapter 3 Friendship
Chapter 4 For the First Time
Chapter 5 First Kiss?
Chapter 6 Lover's Quarrel
Chapter 7 He's the Brother
Chapter 8 Panyo
Chapter 9 Crush?
Chapter 10 Apology
Chapter 11 It's a Deal!
AUTHORS NOTE! MUST READ!
Chapter 12 For you
Chapter 13 Meet the Sister
Chapter 14 Permission?
Chapter 15 Friendly Date
Chapter 16 She's the Noona
Chapter 17 Siomai
Chapter 18 Mr. Right?
Chapter 19 Is this Real?
Chapter 20 Comfort
Chapter 21 Protective Kuya!
Chapter 22 Aminan Time!!
Chapter 23 We're Still Friends?
Chapter 24 I'm Stuck with him
Chapter 25 A Princess for a Night
Chapter 26 A Princess for a Night (part 2)
Chapter 27 A Princess for a Night (part 3)
Chapter 28 Threat
Chapter 29 Her Realization
Chapter 30 Tuloy Pa rin
Chapter 31 Night Party
Chapter 32 End
Chapter 33 Blessing in disguise
Chapter 34 Stay with Me
Chapter 35 His Reason
Chapter 36 Revelation
Chapter 37 True Feelings
Chapter 38 Sacrifice
Chapter 39 Love-Struck
Chapter 40 First Date
Chapter 41 "Yes"
Chapter 42 Officially Mine
Chapter 43 Undeserved
Chapter 44 Don't like her
Chapter 45 Out of town
Chapter 46 Just Friends?
Chapter 47 Allergic
Chapter 48 Respect
Chapter 49 We are Jealous
Chapter 50 Couple's Conflict
Chapter 52 I'm Hurt
Chapter 53 I Love Her (Part 1)
Chapter 54 I Love Her (Part 2)
Chapter 55 Understand
Chapter 56 Dare
Chapter 57 The Truth
Chapter 58 Loss
Chapter 59 Grief
Chapter 60 First Monthsary
Chapter 61 We meet again
Chapter 62 Brothers
Chapter 63 Friends
Chapter 64 Left
Chapter 65 Tulad Mo
-Epilogue-
Shout Outs 🎉
💖Pasasalamat💖
What Love Can Do?
Book 2

Chapter 51 First love

10.6K 227 15
By Princesss_AJ


51: First love

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»




Nakakainis naman siya! Bigla na lang sinaltik sa utak! Bakit ba kasi hindi niya maintindihan na hindi ko naman nabanggit kay Ethan na may boyfriend na ako dahil wala naman siyang tinatanong at nagkakakilala pa lang naman kaming dalawa eh. 



At kinakahiya ko raw siya? Saan namang pleneta galing yun? Kung alam lang niyana  kung gaano ako ka-proud na siya ang boyfriend ko, baka mamaya kiligin lang siya at bigla na lang akong itanan. Dejoke lang. Kung anu-ano ang naiisip ko. Lintek na!!



Pero nakakainis pa din siya. Hays! Nasa banyo ako ngayon at nagbababad sa shower. Wala akong pakialam sa mundo at nakaupo ako rito sa loob ng banyo. Hinahayaan ko ang tubig sa shower na bumagsak sa katawan ko.



"Huh! Kahit hindi niya tanungin Jassy. Kailangan mong ipaalam sakanya yun. Sagutin mo nga ako. Kinakahiya mo ba ako bilang boyfriend mo?!"


Biglang may parte sa utak ko na nagpagising sakin. Bigla kong naisip ang side ni Kiel. I also have my mistake. I didn't understand his side. Dahil kung ako rin naman ang nasa kalagayan ni Kiel at hindi niya sinabi sa ibang tao na may girlfriend na siya? Baka masipa ko siya sa ipinagmamalaki niya.


Kaya ang sakit ng puso ko ngayon. Ang sakit na nag-aaway kayo ng boyfriend mo. Hays!! Sana magka-ayos na kami. Ayoko ng ganto eh. Nasasaktan ako. Sobra.



Lumabas na ako sa banyo at nagbihis para sa party mamaya ni Aiden. Ayoko na ngang pumunta eh dahil wala ako sa mood kaso alam ko naman na maghahakot ng mga tao si Kyla mapasama lang niya ako sa party ng boyfriend niya. Hays.


Dahil may upuan sa labas ng room namin, umupo muna ako doon. Pinagmasdan ko lang ang araw na lumulubog na.



"Jassy!" Lumingon ako sa tumawag sakin. Nakita ko si Savannah.

"Oh! Savannah? Bakit?" Tanong ko sa kanya.



"Nakita mo ba si Kiel? Hindi ko kasi siya makita." Tanong niya sakin.


Hays! Nung narinig ko ang pangalan ni Kiel. Kumirot nanaman bigla ang puso ko.



"Hindi eh." Tipid kong sagot sa kanya.

"Ahh ganun ba. Sige salamat na lang. Hahanapin ko na lang siya. Bye!" Paalis na sana siya kaso pinigilan ko siya.



"Teka lang!" Huminto siya sa paglalakad at humarap sakin.

"May itatanong lang ako sayo." Panimula ko. 



"Tungkol kay Kiel..." Nag-aalangang dugtong ko sa kanya. Nakita ko na bahagya siyang nagulat.


"Sabi niyo na close kayo simula bata pa lang kayo..." Huminga ako ng malalim. Matagal na akong binabagabag neto. I think it is time to find an answer in my question.



"May namagitan ba sa inyo ni Kiel? Instead of being childhood friends?" Diretsong tanong ko sa kanya. Nagulat siya at nanahimik sa tinanong ko.


"Pa..pa..paano mo naman nasabi?" Mautal-utal niyang tanong sakin.



"Savannah hindi naman imposible ang sinasabi ko. Magkaibigan kayo ni Kiel at magkasundo sa mga bagay kaya hindi imposible na walang mamagitan sa inyong dalawa. Lahat nagsisimula sa pagiging magkaibigan." Paliwanag ko sa kanya.


"Sorry. Hindi naman sa nakikichismis ako but it's just this question is bothe-..."



"No it's okay. It's fine." Pagputol niya sa sasabihin ko, tumabi siya sakin.


"Matagal ko na ring gustong sabihin 'to sayo.." Panimula niya. Bigla akong kinabahan ng todo. Ang alam ko hinanda ko na ang sarili ko sa sitwasyon na 'to pero iba pa rin talaga pag nangyari na.



"Naging classmate kami ni Kiel nung grade 6 kami. Nagulat na nga lang ako nung makita ko siya sa classroom namin nung first day of classes pa lang." Sinimulan na niyang magkwento.


"Pakiramdam ko nga nung araw na yun. Nanalo ako sa lotto. Dahil sobrang saya ko nang malaman kong magkakasama nanaman kaming dalawa. Pag nandyan kasi siya pakiramdam ko safe na safe ako at palagi akong masaya. He use to make me laugh." Nakangiti niyang kwento sakin.



"Simula bata pa lang kami hinahangaan ko na talaga siya. Pero hanggang paghanga lang ako." Nalulungkot niyang sambit.


"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya.



"Ibig kong sabihin eh. Sa aming dalawa ako lang naman ang may nararamdaman para sa kanya."


Natulala ako sa narinig ko mula sa kanya. Kung ganun ibig sabihin...



"Oo gusto ko si Kiel, Jassy. Gustong-gusto ko siya simula bata pa lang kami. Akala ko nung pumunta siya dito may chance na ulit 'tong nararamdaman ko para sa kanya. Pero hindi na pala pwede..." Sambit niya sakin. Yumuko lang ako at hindi nagsalita.


"I'm sorry Jassy. Nadala lang ako ng emosyon ko. I have to go." Nagpa-alam na siya sakin nang hindi hinihintay ang sagot ko.



Wala rin naman akong balak na sumagot. Dahil pakiramdam ko malalaglag na 'tong luha sa gilid ng mga mata ko.


Nagkagusto pala si Savannah kay Kiel...


Mali...

Gusto ni Savannah si Kiel. Hanggang ngayon.



Bigla ko na lang naramdaman ang paninikip ng dibdib ko at pagbagsak ng mga luha ko. Ganito pala ang pakiramdam. Ang pakiramdam ng may nagkakagusto sa taong mahal mo. Hindi sa pinagkakait ko si Kiel kay Savannah. Pero ang sakit lang na all this time may nararamdaman pala si Savannah kay Kiel. Na akala ko kaya gusto niyang makasama si Kiel dahil sa pagkakaibigan nila. Pero hindi pala. Higit na pala sa pagiging magkaibigan ang nararamdaman niya at simula nung bata pa sila.



Bigla kong naisip......


Ako ba ang kontrabida sa storya nilang dalawa? Na dahil ba sakin kaya hindi siya nagawang mahalin ni Kiel? Ang sakit na ngayon ay binababaan ko ang tingin ko sa sarili ko. Parang sinisisi ko ang sarili ko sa nangyayari sa kanila ngayon. Dapat ba si Savannah ang kasama ni Kiel ngayon? Kamay ba niya ang dapat hawak-hawak ni Kiel? 



Urrghhh!!! T_T


Hindi ko alam kung paano ko iha-handle ;tong nararamdaman ko pero...Gusto ko lang umiyak. Umiyak nang umiyak.




"Jassy!!" Agad kong pinunasan ang mga mata at pisngi kong may bakas ng luha nang marinig ko ang boses ni Kyla.


"Kanina pa kita hinaha..-" Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil nakatulala lang siya sakin. Linapitan niya ako nang may bakas ng pag-aalala sa mga mata niya. Hinawakan niya ang magkabilang braso ko.



"Umiiyak ka ba Jassy? May nangyari ba?" Tanong niya sakin. Nakatingin lang ako sa baba.

"Jassy sagutin mo ako." Utos niya sakin. Pinipigilan ko ang mga luha kong malapit nang bumagsak. Ayokong umiiyak. Ayoko.



"Jassy naman....kaibigan mo ako. Pwede mo akong labasan ng nararamdaman mo." Sambit niya sakin.


Sa puntong yun hindi ko na napigilan ang sarili ko. Yinakap ko kaagad si Kyla nang mahigpit. Kahit anong pagpipigil ko, kapag sobra na talaga wala kang magagawa kundi ilabas 'to.



"Pwede ba hayaan mo na lang muna akong umiiyak?" Tanong ko sa kanya.

"Oo naman Jassy. Sige lang. Umiyak ka lang." Sagot niya sakin. Hinimas niya ang likuran ko. Gaya nang sabi ko. Umiyak lang ako ng umiyak.



"Hayss!! Gusto ko sana sayo ipakwento kung bakit ka nagkakaganyan kaso ayoko nang masaktan ka pa dahil pag inalala mo pa yan masasaktan at masasaktan ka lang talaga. Tahan ka na Jassy. Kung anuman yan, malalampasan mo rin yan. Ganyan lang talaga sa una, masakit. Tama na.." Pagcomfort niya sakin. Humarap ako sa kanya at pinunasan ko ang mga luha ko.


"Salamat." Nakangiti at sincere kong pasasalamat sa kanya. 



Wala na akong masabi sa kanya kundi ang magpasalamat. Salamat at andyan siya. Tunay na kaibigan ko nga talaga siya. Dahil sa oras ng kailangan ko siya andyan siya para sakin. Kaya nagpapasalamat ako at may kaibigan akong tulad ni Kyla.



"Mag-ayos ka muna ng sarili mo. Lumabas ka na lang pagkayari mo. Aayusin ko lang yung mga dapat ayusin sa party ni Aiden. Bye muna bii ah! Cheer up gurl!" Paalam niya sakin. Yinakap niya muna ako ng mahigpit na mahigpit bago siya umalis.


Pumasok muna ako sa room namin at nag-ayos ng sarili ko. Dahil narin sa pag-iyak medyo namamaga na ang mga mata ko. Kinuha ko yung makeup bag ni Kyla na nakapatong lang naman sa lamesa at hiniram ko muna ang mascara niya.



Alam ko naman 'tong gamitin. Naiwan ko kasi sa amin yung mga ganto ko. Kaya mambuburaot muna ako kay Kyla.


Pagkayari kong mag-ayos ng sarili ko. Lumabas na ako ng room namin at dumiretso sa venue ng party ni Aiden. Madami na rin ang tao at punong-puno ng makukulay na ilaw ang paligid. May kasama pang isang pamatay na kantang pang sayaw. Hahaha.



"Bii!!" Bati sakin ni Kyla nang makita niya ako. 

"Akala ko hindi ka na pupunta. Ang tagal mong mag-ayos ah." Kantyaw niya sakin.



"Sorry na. Nasan pala si Aiden?" Tanong ko sa kanya.

"Uhm...hindi ko..ahh eto pala eh!" Tumingin siya sa likuran ko. 



Lumingon naman ako at nakita ko si Aiden na kasama si Lance at si..si..si Kiel.


Nakaputing longsleeve shirt siya habang ang unang buttones lang ng damit niya ang nakasuot at ang natitirang dalawang buttones ay nakabukas dahilan para bahagyang makita ang dibdib niya. Naka dark blue khaki short at black sandals siya. Bahagyang nakataas ang buhok niya pero hindi pa rin nawala ang kaunti niyang bangs. Dahil nakatingin ako sa kanya, nahuli niya ako. Mabilis kong iniwas ang mga mata ko sa kanya. Nagpapanic ako at bumibilis ang tibok ng puso. Lalo na at mas gwapo siya ngayon.



"Bii ayan na si Aiden." Sambit sakin ni Kyla.


"Ahh..Oo nga. Happy birthday Aiden." Nakangiti kong bati sa kanya. Naaninag ko na nakatingin sakin si Kiel dahil katabi lang naman siya ni Aiden.



"Salamat Jassy!!" Pasasalamat sakin ni Aiden. Nginitian ko lang siya.


"Oww!! Ang hot ng suot mo ngayon Jassy ah!" Bati sakin ni Lance na kakatapos lang makipag-usap sa isang lalaki na kaibigan ata nila. 



Ako? Hot? Pinagsasasabi niya?! Eh naka floral short lang naman ako at yung off shoulder ni Kyla na pinahiram niya sakin. Medyo crop top yun. Kaya kapag tinataas ko ang kamay ko nakikita ang pusod ko. Eh wala akong magagawa. Wala akong pang party na damit. Kaya nanghiram lang ako.



"Hoy! Anong pinagsasabi mo dyan!" Bulyaw sa kanya ni Aiden.

"Mahiya ka naman Lance. Andyan si...-" Natigil si Kyla sa pagsasalita.



"Nasan si Kiel?" Kunot noong tanong niya. Napansin ko na wala na nga si Kiel sa tabi ni Aiden. Saan naman siya pumunta? Bakit ang bilis naman niyang nawala?


"Tss..kupal talaga. Sige hahanapin muna namin yung takas mong boyfriend Jassy." Paalam samin ni Aiden. 



"Jassy.." Tawag sakin ni Kyla. Humarap naman ako sa kanya. 


"Nag-away ba kayo ni Kiel?" Tanong niya sakin. Bigla akong napayuko. Naiisip ko pa lang na nag-away kami. Sobra na akong nasasaktan.



Tumango lang ako sa kanya bilang kasagutan ko.


"Sabi na eh!" Nagulat kaming pareho ni Kyla nang sumabat samin si Lance. Akala ko umalis na sila ni Aiden??



"Oh! I'm sorry kung nakikisabat ako. Pero kanina ko pa kasi napansin na mainit ang ulo ni Pareng Kiel. Kaya kanina tinesting ko kung magrereact siya sa sinabi ko sayo. At nagtagumpay naman ako. Napikon siya." Tawa siya ng tawa na parang mental.


"Hahaha nag walk-out na lang. Sige mauna na ako sayo Jassy! Bye Ladies!" Kumindat pa samin si Lance bago naglakad palayo samin.



So ibig sabihin planado yung sinabi niya kanina? Tinetesting lang niya si Kiel? Tss. Ako ata ang tinesting mo Lance eh. Ako yung naapektuhan nung bigla siyang umalis. Nasaktan ako nung para bang tinalikuran lang niya ako nang walang sinasabi man lang. Hayss...



"Well, kung anuman yang sanhi nang pag-aaway niyo. Tandaan mo. Away, Lambing, Bati, Repeat. Ganun lang yun." Payo niya sakin. Nginitian niya ako bago naglakad palayo sakin.


Sana nga mamaya lambingin niya ako para bati na kami. Syempre ako rin lalambingin siya. Hindi naman pwede na siya lang diba? Unfair.



Hayss!!! SANA MAGKABATI NA KAMI!!



Naglakad na lang ako papunta sa kainan. Hays! Kakain na lang ako. Sa pagkain wala akong naiisip. Hindi ako nasasaktan. Hahaha hugot nanaman. Narinig ko lang yun kay Kyla nung nag tantrums siya bigla kay Aiden.



"Jassy?" Lumingon ako sa likuran ko at nakita ko siya.

"Ethan" Bati ko sa kanya. Bigla siyang tumawa nang mahina habang nakatingin sakin.



"Bakit?" Tanong ko sa kanya. Bakit siya naaning?

"Ma..may dumi ka sa..HAHAHA!!" Kumunot ang noo ko dahil sa sagot niya. 



"Ano ba yun? Nakakainis ka naman!" Tumalikod na ako sa kanya at humarap na lang sa chocolate fountain. Kumainna lang ako ng marshmallow at sinawsaw ko 'to sa chocolate.


"Wait.." Sambit niya, magsasalita pa lang sana ako nang bigla niyang hablutin ang braso ko at iharap ako sa kanya. 



Nagulat ako nang bigla niyang ilapit ang mukha niya sakin. Nakita ko na may hawak siyang puting panyo. Agad niya 'tong pinunas sa pisngi, sa baba at taas ng labi ko.


Hala?! Anong itsura ko?!



"Kababaeng tao mo. Ang dungis mong kumain." Kantyaw niya sakin. Sinamaan ko lang siya ng tingin at bumalik na ulit sa chocolate fountain. Hindi na ako kumain. Nahiya na ako. Baka ano pa maging itsura ko sa harapan niya.


"How are you and your boyfriend?" Tanong niya sakin nang tumabi siya at kumuha ng pagkain niya.



"Huh?"

"Baka kasi nag-away kayo dahil sakin.." Sagot niya. Bigla akong nakaramdam ng hiya.



"Naku hindi! Hindi dahil sayo kaya kami nag-away." Tugon ko sa kanya. Nakakahiya at sinisisi niya ang sarili niya sa away namin ni Kiel.


"So ibig sabihin nag-away nga kayo." Pag conclude niya. sakin. Hays!



"Oo." Malungkot kong sagot sa kanya.


"Hey, cheer up!" Nagulat ako nang hawakan niya ang likuran ko. 



"Parte yan nang relationship. Malalampasan niyo rin yan." Nakangit niyang sambit sakin.

"Ethan!!" Tawag sa kanya nung isang lalaki. 



"Oh! I'm sorry Jassy pero tinatawag na nila ako eh. Bye! See you around." Nagpa-alam na siya sakin at pumunta na doon sa tumawag sa kanya.


Lumingon ako mula sa likuran ko at nakita ko na naka-upo si Kiel sa isang upuan na siya lang ang tao at mariing nakatitig sakin habang may hawak-hawak na bote ng beer. Napalunok agad ako ng maraming laway dahil sa titig niya sakin. Diretso at seryosong-seryoso ang mga tingin niya. Binaba niya ang tingin niya sa suot ko at bigla siyang nag-igtig ng bagang. Shet!



Taena! Paki-usap wag kang tumitig ng ganyan oh!


Binaling ko na lang ang tingin ko sa pagkain. Whoo!! Tama yan! Food is Life!!



Nang mayari na akong kumain. Dahan-dahan akong lumingon patalikod. Nang matagumpayan ko ang paglingon. Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko at inihanda ang paa ko para sa paglalakad.



Pero napatigil ako sa paglalakad nang bigla kong nakita si Kiel na tumatawa at abot tenga ang mga ngiti habang nakikipagkwentuhan kay Savannah. Hinampas pa ni Savannah ang dibdib niya. Kumikirot ang dibdib ko. Ouch!



Mas kumirot pa 'to nang biglang linapit ni Kiel ang ulo niya sa tenga ni Savannah at may binulong rito. Tumawa naman agad si Savannah nang napakalakas na ang sakit sa tenga. Shemay!! Dapat pala doon na lang ako sa pagkain eh. Tama nga! Doon hindi ako masasaktan. Hays!!



"Oh! Jassy!" Pabalik na sana ako nang tawagin ako ni Savannah. 

"Ba..bakit?"



"Why won't you join us?" Alok niya sakin. Tumingin lang ako kay Kiel na nakatingin sa bote ng alak niya.


Mukhang wala siyang balak na kausapin ako o makita man lang ako. Hayss! Ang sakit. T_T



"Ahh..wag na. Pupuntahan ko pa sila Kyla eh. E..e..enjoy kayo." Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya. Umalis na agad ako sa harapan nilang dalawa at linampasan ang table nila.


Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na hindi man lang ako hinabol ng tingin ni Kiel. Focus lang siya sa bote ng beer niya. Aish! Pakasaya siya sa beer niya. Bwiset!!



Umupo na lang ako sa isang upuan na ako lang ang tao. Nakita ko si Kuya Joshua at Ate Dianna na masayang nagsasayaw sa dancefloor. Marami na ring nagpaparty-party. Sina Aiden naman abalang nag-aasikaso sa mga bisita niya. 


Hindi ko magawang mag-enjoy lalo na't magka-away kami ni Kiel ngayon. Ang sakit dahil parang wala na siyang pakialam sakin ngayon. Hindi niya alam na miss na miss ko na agad siya. Yung mga kamay, yakap, halik. Lahat sa kanya.



Pinigilan ko ang mga luha kong nagbabadya nang malaglag.


"Juice?" Nagulat ako nang biglang may nag-alok sakin ng juice. Linagay niya 'to sa lamesa at tinabihan ako.



"Bakit hindi ka magsaya? Ang saya-saya ng mga kaibigan mo." Sambit niya sakin. Habang humihigop sa baso ng alak niya.


"Ayos lang ako." Simpleng sagot ko sa kanya. May halong lungkot ang tono ng boses ko.



"Let's party guys!!" Sigaw ng DJ samin. Nagpatugtog siya nang pang party-ing tugtog kaya lahat halos ng tao ay nagsisayawan.


"Gusto mong sumayaw?" Tanong niya sakin.



"Ayoko Ethan. Ikaw na lang." tanggi ko sa kanya. Akala ko aalis na siya para sumayaw pero nanatili siyang nakaupo sa tabi ko.


"Bakit hindi ka sumayaw?" Nagtataka kong tanong sa kanya.



"Wala kang kasama eh." Simpleng sagot niya sakin. Nagulat ako sa sinabi niya.


Hindi ko nagawang mag react sa sinabi niya dahil may nahuli ang dalawa kong mga mata na dalawang tao na sana hindi ko na lang pala nakita. 



Magkasayaw sina Savannah at Kiel ngayon at kitang-kita ko na nag-eenjoy silang dalawa na magsayaw. Pero halos ibato ko ang lamesa sa kanilang dalawa nang ipulupot niya ang mga braso niya sa taong kanina ko pa gusto maka-usap.


Anak ng Siopao!! Masyadong close sa isa't-isa? Ayaw magbitaw? Tsk!! 



"Jassy!!" Nagulat ako nang sumigaw si Ethan.

"Ba..-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang makita ko na natampon na ang juice na iniinom ko. Nasa plastic cup lang siya kaya na crumple ko siya nang ganun lang.



"So..sorry." Paghingi ko ng tawad sa kanya. Pinunasan ko kaagad ng tissue ang juice na natapon.

"Anong bang nagyari sayo?" Tanong niya sakin. Tiningnan niya ang kanina ko pa tinitingnan.



"Ohh..don't need to answer my question. Gets ko na." Sambit niya sakin.


Napabuntong hininga na lang ako. Takte ka naman Kiel eh! Halos mabaliw na ako dito kaka-isip sayo tapos nakuha mo pang mag-enjoy dyan?! Anak ng!! Naiiyak tuloy ako.



"Ang sakit nuh..." Napalingon ako sa sinabi niya. Nakatingin lang siya kina Kiel at Savannah na nag-eenjoy talaga sa pagsayaw nila.


"Ang sakit na makita, na ang taong gusto mo ay masaya sa ibang tao." Sincere na sambit niya sakin.



"Anong ibig mong sabihin?" Kunot noong tanong ko sa kanya.


"Minsan ang hinahanap mong taong iintindi sayo andyan lang sa tabi mo. Minsan andyan lang sila at naghihintay na bigyan ng atensyon na galing sayo.." Nagtataka na ako sa mga sinasabi niya ah. All this time mariin lang siyang nakatingin kina Savannah at Kiel habang sinasabi ang mga salitang yun.



"Ethan ano bang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan?" Nagtataka kong tanong sa kanya.


"Jassy.." Lumingon siya sakin. 



"Alam ko ang nararamdaman mo ngayon. Dahil hindi lang ikaw ang nasasaktan sa nakikita nating dalawa." Nang sagutin niya ako. Doon ko nakuha ang pinupunto niya.


"Gusto mo ba si Savannah?" Diretsong tanong ko sa kanya. Lumingon siya sakin.



"Yes. I like her. Matagal ko nang siyang gusto at matagal na rin akong naghihintay." Sagot niya sakin.



Ngayon ay maliwanag na ang lahat sakin. Gusto nga niya si Savannah pero may ibang gusto si Savannah. Si Kiel, ang boyfriend ko.


"Hinihintay ko lang naman na makita niya ako, na nandito lang naman ako para sa kanya. Dahil simula bata pa lang kami hinahangaan ko na siya. Dahil independent siyang tao. Kaya niyang lampasan lahat ng problemang mahaharap niya kahit mag-isa lang siya. Kaso malabo ata yun. Dahil nasa iba ang atensyon niya..." Malungkot niyang sambit sakin.



"Nasa boyfriend ko." Bigla kong sagot sa kanya kaya napalingon agad siya sakin.


"Yung taong gusto mo may gusto sa boyfriend ko, na ngayon ay hindi ko makausap o makasama man lang dahil nag-away kami." Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob para sabihin ito. 



"I understand na magkaibigan sila. But I am sure that Being a Friend is different from being the Girlfriend." Sambit ko sa kanya na may halong emosyon.


"Are you Jealous?" Tanong niya sakin.



Napatingin ako sa kanilang dalawa. Naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko. Sana magka-ayos na tayo. 


Para ako na ang kasama mo dyan at hindi siya...





Hayss....


I am really Jealous.


Itutuloy.....


Continue Reading

You'll Also Like

3.9M 133K 27
Isang misyon, isang hindi inaasahang pagtatagpo at isang pagkamamali na magiging dahilan ng pagbabago ng plano. Paano maitutuwid ang isang pagkakama...
9M 222K 109
(Most Read Filipino Story 2014) Book One "One wrong move and you're dead."
207K 5.8K 34
Isang gabi lang ang makapagbabago ng takbo ng buhay ni Maeluthe. Sa isang iglap, wala na ang 'isang kahig, isang tukang buhay'. Sa isang gabi, nawaka...