I am a Huntres (HIATUS!)

By marbetti

1K 573 110

Demetria Huntres is a teenage girl with a complicated life. She used to live in a place where 'survival of th... More

Prologue
2. Basilio
3. Martina
4. Aneng and Andeng (The Hunt)
5. Abo and Gray (The Hunt Part 2)
6. Josefa and Perceta
7. Teresita
8. Isla Cordia
9. Isla Cordia (Part 2)
10. Classroom
11. Tatlong Isla
12. Drill on Isla Cordia
13. Mine
14. Baliw
15. Pagkatao
16. Mama
17. Gamot
18. Josefa
19. Sandro
20. Joe
21. No Name
22. Kapatid
23. Pangalan
24. Dream Catcher
25. Rose and Benedict
26. Heart Stopper
27. Opo, Mama

1. Demetria

122 65 26
By marbetti

Chapter 1

"Ma, aalis po muna ako ha?"

"Sige. Uwi ka agad ha?"

"Opo!"

Inayos ko muna ang sarili ko. It's already 10 o'clock in the evening. Sinuklayan kong mabuti ang buhok ko at inayos ang suot kong hood na jacket. Pagkatapos ay inayos ko suot kong sapatos at napahigit ng malalim na hininga bago ako lumabas ng bahay at naglakad-lakad.

"It's been a long time since I've gone out..." bulong ko pa sa hangin tsaka ako kumuha ng buwelo at tumakbo. Masarap sa pakiramdam ang hangin at ramdam ko ang katahimikan ngayon ng mundo. Pero sa hindi inaasahan, sa isang iglap, sa isang kalye na saktong tagpuan ng tatlong kalsada ay nagkabanggan kami ng isang lalaki.

Kung pa akong matumba kung hindi lang ako napakapit sa kaniya. 

"Tsk. Paharang-harang kasi!" gigil na asik nito sa akin. Ngunit akmang tutulak ko palang siya at tatakbo nalang sana akong muli ay bigla akong nakarinig ng sigawan mula sa lugar na pinanggalingan niya. At dahil don ay nilingon niya ako at hinila sa isang madilim na eskinita.

Itinulak niya ako sa isang pader na hindi gaanong pansinin at doo'y isinandal niya ako roon bago hinarangan ng katawan niya.

Naramdaman ko ang lamig ng pader at ang panghi nito.

"What the fudge! Ang baho—"

Tinakpan niya ng kamay niya ang bibig ko at idiniin ang katawan sa akin sa pader.

"Just shut up. Narinig mo ang ingay ng mga sumusunod sakin? If you won't shut up, I'll surely have no choice but to offer you to them. Pero kung tatahimik ka d'yan ay aalis din sila maya-maya, pagkatapos ay aalis narin ako at sa huli ay makakalis ka narin. Magandang plano, hindi ba? Kaya p'wede tumahimik ka, ha? Naiintindihan mo?"

Napatanga ako nung sandaling iyon at halos manlamig ang katawan ko sa sinabi niya. But one thing is for sure, I need to get out of here.

Napayuko ako nung maramdaman kong lalo nitong idinikit ang katawan nito sa akin matapos maringgan ang mga papalapit na boses sa amin.

Hindi ko alam kung bakit pero kumabog ng napakalakas ang puso ko. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga dahil sa maliit na distansiya ng katawan naming dalawa. At hindi ko 'to gusto.

Naiangat ko ang mga kamay ko sa dibdib niya upang sana'y itulak siya ngunit hinawakan lang nito ang mga pulso ko. At sa paghawak niyang iyon, naramdaman kong pagdaloy ng tila malakuryenteng sensasyon mula sa kamay niya papunta sa'kin.

Kinabahan ako sa naramdaman ko.

This is the very first time that I felt this feeling. Just who the heck is this guy who can make me feel electrified?

...

Kinaumagahan...

"Good day, everyone. I'm Demetria Huntres. It is nice meeting you all." may pilit na ngiting pagbati ko sa lahat habang nasa gitna ako.

This is my first day in school as a transferee and my heart thumps faster than usual. Not because of nervousness to these people in front of me but because I can sense someone looking at me from afar.

"Goth?" natatawang bulong ng isang babaeng estudyante na nasa bandang harapan na alam kong nadinig din ng iba. At dahil sa unang komentong iyon, sunod-sunod na silang nagsipagbigay opinyon tungkol sa akin.

"Emo?"
"What a weird brat."
"She looks like a weird bad ass."
"Dork."

Ibinaba ko ang tingin ko sa sarili ko. Bakit nila nasabi sakin ang mga 'yon?

I can see that I have these black pair of rubber shoes at the moment. This black jeans and black shirt with black hood and black bag. I also have these black earrings on my ears and a black band on my left hand with a print word of 'Huntres'.

I looked at them. They're wearing their school uniform. Some were wearing it formally and neatly while some were wearing it on their kind of fashion.

"You may now take your seat, Demetria. Make sure to have the proper attire effectively next week. And please remove those stuffs on your ears." Our teacher said to me with her disapproving looks. Then her eyes locked with the band on my hand. "That band of yours, where did you get that?"

Napayuko ako at napahawak sa band na nasa kamay ko. "This was given to me by someone." halos pabulong naman na sagot ko.

"Okay, sige. Maupo ka na."

Napatango naman ako dito at napalibot ng tingin sa buong classroom. Well, where shall I have my seat now?

Wala akong makitang bakanteng silya ngayon. Hindi dahil sa wala na talagang bakanteng silya kundi dahil sa pinaglalagyan na nila 'yon ng mga bag nila para magmukhang occupied.

"Gan'yan ba kayo mag-welcome ng transferee niyo?"

Napalingon ako sa likod ko dahil sa baritono at matigas na pagkakabigkas nito.

But to my surprise, I already encountered this man before. And with that smirk plastered on his face, I confirmed that it is really him.

"Well, we met again."

...

Ramdam kong nanigas ako mula sa pagkakatayo ko. Ang lalakeng 'to, sigurado akong siya rin ang naramdaman kong nakatingin sakin kanina mula sa malayo.

"Inuulit ko, ganito ba kayo mag-welcome ng transferee rito?" matigas ang tono na tanong nito tsaka nilibot ang tingin sa mga kaklase ko.

Doon ko lang napansin na natahimik pala ang mga iyon at hindi na nakaimik.

"Well, Ms. Demetria, since you're our transferee here, you can choose your seat now." pormal na sabi nito sakin. Doon ko lang din napansin na ang kaninang mga bag na umuukupa sa mga bakanteng upuan ay nawala na. Taka akong napatingin sa kaniya. Is he the class president?

"Oh, I'm the president of this class by the way. I'm Basilio— Basilio Huntres."

Nagulat ako sa sinabi nito. He's also a Huntres? I checked him from head to toe and then I saw an aluminum necklace on his neck with an engraved word of 'Huntres'.

"Now, take your seat." muling sabi nito at umupo na sa bandang gitna na nasa gilid na side ng pinaka gitna. Habang ako, dire-diretso naman akong napatungo sa upuang nasa pinakadulo na katabi ng bintana.

And with that, the class started. Everything seemed so fine and normal by this day but there's something weird for me.

Basilio Huntres...

He's a Huntres for pete's sake and that shouts for trouble to me. Only few people bear that surname of 'Huntres' and I am one of them. But bearing this name also means trouble. And when I say trouble, it is a big trouble.

Napahawak ako sa sintido ko at napapikit nung may maalala.

Three years ago, I was still in a lost island called the Aphro island. And in that island, I beared my name as 'Demetria Huntres'.

I remember that moment before...

"Everyone, listen carefully! As of today, you will officially be part of the family. You will bear your new surname with dignity from surviving this island. And effectively today, all of you are part of the 'Huntres' family. No one but only all of you here shall bear that name. Now," nilingon ng Mistress namin ang kanang kamay nitong lalaki na si Master Rick, "how many children are left?"

"They are just nine, Freya."

Mistress Freya checked us, as if assessing us. "Then where are the other two?"

Napalingon naman ako sa mga kasamahan ko. Doon ko lang din napansin na pi-pito lang pala kami rito ngayon.

"I'll check them out—"

Nagulat kaming lahat dahil hindi na natapos pa ni Master Rick ang sasabihin niya nung biglang kinuha pala ni Mistress Freya ang baril nito sa bewang tsaka mabilis na ikinasa ang gantilyo, itinutok at ipinutok sa direksyon namin.

Ramdam kong namutla ako n'on dahil alam kong dumaan sa gilid ng ulo ko ang bala. Pagkatapos ay naninigas na nilingon ko ang likod ko para lang makita ang dalawang kasamahan ko. Ang isa'y nakahandusay na sa lupa habang may tama ng bala sa noo habang ang isa nama'y nakaluhod na habang nanginginig at namumutlang nakatingin sa direksyon namin.

"Ms. Demetria!"

Napaayos ako ng upo nung marinig ko ang malakas na sigaw ng guro ko at ang malakas na tawanan ng mga kaklase ko.

"Were you daydreaming?"

"S-sorry, Ma'am." napayuko ako. Masyado akong nilamon ng panaginip ko at hindi ko na napansin na kanina pa pala ako tinatawag.

I scanned the whole room. All of them were looking at me. And with a moment, I stopped my gaze to Basilio Huntres. Then I remembered that it was him who's kneeling on the ground three years ago.

Continue Reading

You'll Also Like

692K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...