Precious [Short / COMPLETED]

By BelomaCassidy

14.8K 399 82

More

Prologue
Chapter 1: Meet Precious
Chapter 2: Meet Ian
Chapter 3: Ian meets Precious
Chapter 5: Precious meets Ian
Chapter 6: Kiss
Chapter 7: The Attempt
Chapter 8: The Return
Chapter 9: Escape
Chapter10: Sweet Mistake
Chapter11: Doubt
Chapter12: The decision
Chapter13: Francine Marquez
Chapter 14: The Truth
Chapter 15: Flashback
Chapter 16: His Past
Chapter 17: Revelation
Epilogue

Chapter 4: Precious meets Raynier

847 25 6
By BelomaCassidy

**May bago akong reader kaya may bagong update. Nakakaganang mag-isip! Dedicated to Lyn920. Thank you sa paglagay ng story sa reading list mo ne?

ENJOY READING!

_________o0o_________

**Previously on Chapter 1

Papatayin ko na sana yung lampshade sa may sidetable malapit sa bed ko pero napansin ko yung oras. Lampas na pala ng 12 midnight? Kung ganoon 18 years old na pala ako. Isa na akung ganap na dalaga. Kailangan maging masaya ako. Pero bakit ganito nararamdaman ko?  Ano itong nasa mukha ko? Tubig? Lumuluha na pala ako hindi pa alam. Bakit ayaw tumigil? Ang dami ko ng napunas pero may bumabagsak pa rin. Hindi ko alam kung ano talaga nararamdaman ko ngayon.

Magulo.

Mahirap.

May napansin ako. May tao? Lalaki na naka-Indian seat sa sahig. Siguro dumaan siya ng terrace kasi nasa right side ng bed ko sya. Nakasalong-baba pa sya gamit yung isang kamay at nakatingin sakin. Paano sya nakapasok?

"Sino ka?"

Huh?

Bakit parang siya ang nagulat ng tinanong ko sya?

Chapter 4



Precious's POV:




Bakit ba ayaw niyang magsalita?

At bakit ba gulat na gulat sya?

Ako kaya dapat magulat dahil hindi ko alam kung paano niya nalusutan yung mga guards ng bahay. Hindi rin ba nakita ng surveillance cam sa labas na nakapasok siya?

"Sino ka?" Pangalawang tanong ko na iyon pero hindi siya sumasagot.

Pipi ba sya?

Hindi ba niya ako naririnig?

E bakit nag-react siya nung tinatong ko sya nung una?

Tumayo siya. Lumapit sa akin. Kinaway-kaway niya gamit yung isang kamay sa harap ng mukha ko.

"Nakikita mo ako?" Oo naman. Mahina lang katawan ko pero nakakakita ako. Ano bang problema nito? Ginamit na niya yung isa pang kamay at patuloy sa pagkaway sa harap ng mukha ko.

"Hindi ako bulag. Baliw ka ba?" Napaupo siya sa sahig na parang hindi makapaniwala.

"Kung ganon hindi pala ako nagkakamali? Kala ko imagination ko lang na nakatingin ka sa mga mata ko. Tapos nagtanung ka pa kanina. Grabe nakakabigla talaga." (^_^) Bigla siyang ngumiti at umayos na ng upo sa sahig.

May topak ba itong lalaking ito?Mas nakakabigla kaya pinagsasabi niya.

"Bakit ka na naman naka busangot? Ayaw mo bang nandito ako? Sabagay sino nga ba naman ako para manatili dito? Uhm, sige alis na ako." Wala naman akung sinasabi ah? Tumayo na siya at naglakad papuntang terrace. Bubuksan na niya yung pinto palabas.

"Te-teka." Hindi na niya itinuloy ang pag bukas sa pinto. Lumingon siyang nakangiti. Muli siyang naglakad palapit sa akin.

"Pwede ba akong umupo sa kama mo? Dito lang ako sa dulo tutal malaki naman ito." Tumango ako kaya ayun, nag-indian seat na naman siya malapit sa may paanan ko. Nakangiti pa rin siya.(^___^)

Ano kayang nararamdaman niya para makangiti ng ganoong kalapad.

"Hindi ka ba natatakot sa akin?" Umiling ako. Hindi naman siya mukhang monster para matakot ako. Sa totoo lang ang ganda niyang lalaki. Meron syang maaamong mga mata at matangos na ilong. Pinkish yung lips nya at may makinis na kutis pa.

"Hindi ka ba natatakot sa baka may masamang mangyari sa iyo? Ngayon mo lang ako nakita. Hindi rin naman ako sikat na artista o anu pa para makilala mo. Tapos lalaki ako at babae ka. Hindi ka ba nahihintakutan o kinakabahan?" Asan ba kaya yung horror dun?

"Hindi naman nangangagat ang isang tao kaya hindi ako natatakot sa iyo." At dahil sa sinabi ko ay tuluyan na siyang nawala sa kanyang sarili.

Tumatawa na siya. Ang lakas-lakas at ang lutong-lutong ng tawa niya. Hindi naman ako nag-joke pero parang punch-line na tumama sa kanya ng mga sinabi ko. Ang saya-saya niyang tignan kaya parang gusto kong mainis.

Nakakainggit.

Gusto kong tumawa ng kagaya ng sa kanya.

"Pffft..." Pinipigilan na niyang tumawa. Hawak ng isang kamay ang tiyan at ng isa ang bibig.

"Sorry na. Titigil na aku sa pagtawa." Bakit parang pakiramdam ko naiintindihan niya ako kahit wala akung sinasabi. Para siyang si papa.

"Uy, huwag mo ng ikunot mga kilay mo. Ayan oh. Tinanggal ko na kamay ko mula sa bibig. Hindi na ako tumatawa." Posible kayang nababasa niya iniisip ko? Hala, nahahawa na ata ako sa kabaliwan ng lalaking ito.

"Raynier pangalan ko pero mas gusto kong tawagin mo akong Rener. Uhm, basta ganun. Ikaw anong pangalan mo?" Ayos naman pangalan niya ah? Ang arte.

"Precious." Muli siyang ngumiti pagkarinig sa pangalan ko.

Bumilis tibok ng puso ko.

Ang weird.

Pati ba ngiti kakainggitan ko pa? Pero may iba.

Mas gusto ko yung feeling na ito.

Lagot na. Naloloka na ata ako.


"Prechus!!!" Ano daw? Nakakagulat naman sya.

"Ay sorry Prechus nagulat kita tuloy. Napalakas ata masyado boses ko sa tuwa. Tignan mo hitsura mo gulat ka pa hanggang ngayon." Ano bang nakakatuwa sa pangalan ko? Ang weird naman ni Rener.

"Oh? Nakakunot ka na naman. Ayaw mo bang tawagin kitang Prechus? Sa tingin ko kasi mas bagay yun. Ang cute kasi parang ikaw." For some reason, gusto kong nakikinig sa kanya kahit walang sense sinasabi nya. Napayuko ako. Hindi ko alam kung bakit.

"A-ayos lang. Bahala ka sa buhay mo." sabi ko tsaka angat sa ulo ko. Titig na titig siya sakin. "May sakit ka ba Rener?" Kakaiba talaga yung titig niya ngayon. Nakakatawa pero di ko magawa.

"Wala naman akung sakit. Bakit Prechus?" Ano kayang nasa isip ng lalaking ito? Nacu-curious nako.

"Bakit ka nagba-blush? Kakaiba kaya mukha mo. Para kang ewan. May Lagnat ka ba?" Marami-rami yung nasabi ko. Kung ganon may tulong din naman pala siya sa akin.

"E kasi . . . e kasi nakangiti ka ngayon. Mas lalong bumagay sa iyo ang pangalang Prechus."

Huh?

Sabi nya cute yung pangalan na Prechus. Ibig sabihin ako din? Teka, a-ako nakangiti?

Pakiramdam ko tuloy uminit yung mukha ko sa naririnig ko. Hindi na tuloy ako makatingin sa kanya.

"Prechus. Namumula ka na rin." Pa-weird na ng pa-weird ang pakiramdam ko. Sakit ba ang pamumula? Bakit nakakahawa? Tumingin na ako ulit sa kanya. Tinakpan nya yung mga pisngi na gamit ang mga kamay. Ano pa kayang sense ng ginagawa niya e nakita ko na syang namula?

"Ano naman ngayon kung namumula ako?" Tinignan ko sya ng masama pero pangiti-ngiti lang sya. "Bawal tumungin." Tinakpan na niya yung buong mukha gamit ang mga palad pero ibinuka naman niya ang mga daliri. Pinipigilan nyang tumawa. Pinagtitripan ba niya ako?

"Ay bawal!" Ang daya. Nasalo nya. "Bakit mo naman ako binato ng unan?" Naging seryoso na mukha niya. Pikon? "Alam mo naman na hindi ka pwedeng mapagod di ba? Paano kung lalo kang manghina?" Pa-paanong alam ni Rener ang kalagayan ko?

Tumayo sya mula sa bed ko at lumapit sa akin. Napabuntong hininga siya at umupo sa gilid malapit sa akin. Kitang-kita ko syang mabuti ngayon. Concern pala kala ko pikon. "Pasensya kana Prechus, nagbibiro lang ako. Masyado lang ako natuwa sa mga expressions mo kanina. Hindi ko inaasahan kasi yun pero masaya talaga ako." Oo, obvious naman. Enjoy na enjoy ka nga kanina.

Napamot sya sa batok. May problema?

"Malapit ng mag 2:30am kaya aalis na ako."

Huh?

"Papasok sigurado yung personal nurse mo dala yung gamot para sa oras na yun. Hindi magiging maganda kapag nadatnan niya ako dito." Napakarami naman alam sakin ni Rener?

"Uhm, sige Precious  magpahinga ka na." Stalker ko ba sya? Tumayo na sya, naglakad palayo at binuksan yung pinto papuntang terrace.

Iiwan na nya ako.

Hindi ko alam kung sino siya. Hindi ko alam kung anung motibo niya.

Pero. . .

wala akong pakialam.

Parang ayaw ko syang umalis. Parang ayaw kong maiwan. Gusto ko syang naririnig kahit hindi ko sya naiintindihan kung minsan.

Paano kung hindi ko na siya makita ulit?

Mabigat man pakiramdam ko pero pinilit ko paring makatayo. Lumakad na ako papunta sa kanya. Nakaupo na sya sa parang sementong bakod ng terrace. Tatalon na sana sya ng bigla syang lumingon sa likod. Nakatitig sya sakin.

Ano sasabihin ko?

Hindi ko alam kung anung dapat kong gawin. Napahawak na lang ako sa may pintuan at saka ko sya tinitignan. Muli syang ngumiti.

"Huwag kang malungkot Prechus. Babalik ako. Promise yan." Totoo kaya yun?

"Uhm, magkaibingan na tayo di ba?" Kaibigan? Gusto niyang makipagkaibigan?

"O-oo naman. Pero magiging legal lang iyon kapag nakabalik ka na." Lumapad ang ngiti niya. Ang saya naman sa pakiramdam. Nag-salute sya gamit yung dalawang daliri tapos. . .

tumalon.

Teka, 2nd floor to ng bahay.

Hi-hindi.

Kinakabahan ako habang naglalakad hanggang makahawak ako sa may pinakabakod ng terrace. Nawala ang kaba ng makita ko syang kumakaway sa labas ng gate.

Ang bilis naman nya ata?

Tumakbo na sya palayo. Sinusundan ko sya ng tingin hanggang sa hindi ko na sya nakita.

Tahimik na naman ang gabi. Pero hindi na ako malulungkot.

Dahil mayroon na akong kaibigan.

Tama,

si Rener ay aking kaibigan...

_________o0o_________


*Next==> "Precious meets Ian"

-->BelomaCassidy

Continue Reading

You'll Also Like

693K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
24.7M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...
6.8M 345K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...