The Devil's Time

By El_Arcturus

25.3K 1K 178

Isang sumpa nang dahil sa kasalanang hindi naman ginawa. Makaligtas kaya sila sa pagkamatay kung ang kalaban... More

Prologue
[1] The Roots and The Reasons
[2] The Premonition and Conrad's Incident
[3] The Second Incident
[4] Their Instinct
[5] Mr. Grey Gibson
[6] The Third Incident
[7] The New Member
[8] The Fourth Incident
[9] The Doppelganger
[10] The Fifth Incident
[11] The Group Code and the Next Incident
[12] The Sixth Incident
[13] The Love Relinquishment
[14] The Seventh Incident
[15] The Unexpected Incident
[17] The Eighth Incident
[18] The Ninth Incident
[19] The Manipulator
[20] The Eleventh Incident
[21] The Twelfth Incident
[22] The Another Unexpected Incident
[22.5] The Another Unexpected Incident
[23] The Big Revelation
[24] The Finale
Epilogue

[16] The Remaining Eight

581 30 4
By El_Arcturus

[ TIME 12 ]

Agad akong bumaba sa kotse pagkadating sa bahay ng ginoo. Mabilis ko ding inakyat ang kwarto o opisina nito sa itaas, subalit bigo akong makita ang ginoo sa buo nitong kabahayan. Pero sa halip na umalis, ay nanatili pa muna ako doon at pinakatitigan ang kaniyang mga gamit sa opisina. May mga piyesa ng orasan sa bawat sulok ng kwarto. Pulos ito mga umiikot. Ang ilan ay modernisado ang desenyo at ang iba nama’y makaluma.

            Inikot ko pa ang aking paningin hanggang sa tumama ito sa isang orasang nakakabit sa dingding na nasa likuran ng mismong mesa ni Mr. Grey. Nakita ko na ito n’ong isang beses kong pagpunta dito. Mayroon itong disenyo ng bungo habang may itim na kristal sa gitna. Lumapit ako dito para alamin kung totoong bato ‘yon o kaya’y plastik lamang. Pero nakuha ang atensyon ko sa pintuan ng makarinig ako ng kaluskos.

            “Mr. Grey, ikaw ba ‘yan?” tanong ko. Pero sampung segundo na ang nakalilipas ay hindi pa din ito sumasagot. Muli akong nagtanong subalit isa na namang kaluskos ang aking narinig. Kahit na nangangatog ang tuhod ko, ay buong tapang kong tinignan sa labas ng opisina ang pinanggagalingan ng kaluskos. Binitbit ko din ang isang vase na nasa loob ng opisina kanina para kahit papaano ay may magagamit akong pangdepensa.

            Muli kong narinig ang kaluskos at iyon ay nagmumula sa kwarto na nasa kabilang dulo. May ilang metro din ang ang layo nito sa opisina ni Mr. Grey, kaya marahil ay hindi ako narinig ng kung sinumang nilalang na iyon ang pagsalita ko.

            Mahigpit kong hinahawakan ang vase habang papalapit sa kwartong iyon. Hindi ko alam kung bakit ko pa binubuwis ang buhay ko eh kung pwede naman akong tumakas na lang ng bahay na ito. Pero pakay ko talaga kasi ang ginoo at baka siya lang pala ang nasa kabilang kwarto.

            Pagtapat ko sa pintuan, huminga pa muna ako ng malalim atsaka unti-unting binuksan ang nakauwang ng kaunti na pintuan. Pinagtaasan naman ako ng balahibo ng makita ang isang mama na may bitbit na malaking bag at saka pinagpapasok ang makitang bagay, pero napatigil ito ng makita ako. Nagkatitigan muna kaming dalawa nito bago niya ako tinutukan ng baril. Agad naman akong napapikit at pinangtakip ang hawak na vase para sana ipangsalag. Hanggang sa makarinig na lamang ako ng putok na siyang hindi ko na napigilan pa ang pagsigaw.

            Akala ko ay nabaril na ako ng mamang iyon, subalit sa labinlimang segundo ata na pananatili sa pwesto ko ay wala pa din akong maindang sakit. Dahan-dahan kong ibinaba ang nakatakip na vase sa aking mukha pero agad naman akong napasinghap ng makita ang mamang nakahandusay sa sahig. Sa isang banda naman ay ang ginoong may pilat sa pisngi ang aking nakita habang busy sa pag-ayos ng kalibre.

            “Anong ginagawa mo dito?” tanong nito na animo’y walang ibang nangyari. Narito pala ang kanina ko pa hinahanap. Hindi ko naman masagot-sagot ang tanong nito dahil sa bangkay na nakikita ko. Hindi naman na bago sa akin ito, pero nakakatrauma ang makakita ng mga bangkay lalo na kung sinasadyang patayin. Atsaka ano na’ng mangyayari sa bangkay na’to? Baka maipakulong siya di oras niyan.

            “Sabi ko, anong ginagawa mo dito?” nagulat na lamang ako ng makita sa harap ang gwapong mukha ng matanda na dinali lang ng pilat nito sa pisngi. Matalim ang tingin nito sa akin na para bang nagbibigay ng awtoridad na sagutin ang kanina pa nitong tanong.

            “A-ano k-kasi...” hindi ko pa din mahanap ang sasabihin dahil sa hindi ako mapakali sa bangkay na naroon. Ano na ang gagawin dito ng ginoo?

            “H-hindi mo ba muna aasikasuhin ‘yan. B-baka makulong ka sa salang pagpatay.” Saad ko dito.

            “Madali ko lang madidispatsa ‘yan. Matagal na din n’yang nilolooban ang pamamahay ko kaya nararapat lamang ‘yan sa kanya.” Ani ginoo. Wala din palang puso ang ginoo sa pagpatay ng tao. “Sagutin mo na ang tanong ko, ano ang ginagawa mo dito sa pamamahay ko? Ninanakawan mo din ba ako?” agad naman akong napakunot ng noo sa sinabi niya.

            “Hindi! Mayroon lang akong gustong itanong.” Mabilis na sabi ko.

            “Ano naman iyon?” tanong pa nito at saka nagpatiuna papunta sa opisina.

            “About sana doon sa sumpa sa amin. Bakit ho ganoon? Nakakita ako ng insidente at tumunog din ang orasan sa cellphone ni Michael pero bakit hindi nangyari ‘yong pagpatay. Hinantay namin ng lagpas kalahating-oras ang pagdating ng doppelganger, pero hindi ito dumating. Akala namin... No, all of us except me, thought one of our member is saved. Pero paanong maliligtas siya kung hindi naman dumating ang doppelganger at nabasag ang cellphone o kung anumang orasan na malapit sa amin? And that’s the reason why I am exempted to them.

Kasi may pakiramdam akong hindi pa nga talaga ligtas ang isa naming kasamahan. Sa sumunod na alas-sais, doon lang nangyari ang pagpatay. Para bang naging late ang pag-atake ng elemento ng demonyo na ‘yon. Nangyayari ba talaga ‘yon?” puno ng emosyon kong litanya dito. Pero bago ako sagutin ay napakunot muna ito ng noo at tinignan ang kung anuman ang bagay na nasa loob ng mesa atsaka ngumiti.

            “Kung gayon ay nabawasan na naman kayo ng isa. Si Joseph Russel. Tsk! Kawawang bata. Hindi ata nakapanlaban dahil sa kaduwagan. Hahahahaha!” parang baliw nitong sabi na nagpakunot muli ng noo ko.

            “Sandali nga po. Eh bakit parang natutuwa pa kayo? Akala ko ho ba ay kakampi namin kayo?” nagpupuyos ang loob ko habang sinasambit ang mga tanong na iyon. Tumikhim pa muna ito bago magsalita.

            “Yes! Of course I am your friend. Kaya ko nga kayo tinutulungan hindi ba? But you can’t blame me if I burst out into laughter. Masyado ata kasi kayong nakampante ng mailigtas niyo ang isa niyong kasamahan. And about your question a while ago, Yes! It can be. Maaaring madelay ang paglusob ng doppelganger depende sa kung kailan nito gustuhin. Mayroon ka pa bang itatanong?” nakangiti pa nitong sabi.

            “Eh paano naman po namin magagawang mailigtas ang kasamahan naming iyon, kung madedelay pala ang mangyayaring pagpatay?” nagsisimula ng umakyat ang toyo sa ulo ko habang binabanggit iyon.

            “Simple lang. Live in one place para maging sure ka na maililigtas niyo nga sila. Doppelgenger is very hard to defeat. Tuso ito. At ang maipapayo ko lamang sa inyo ay ang kalabanin niyo siya. Okay?” aniya. “By the way, ano na nga palang next activity ng grupo? I have a two-week vacation so I can join with you.” Dagdag pa niya.

            “Sa tingin niyo po ba talaga ay may panahon pa kaming magawa ang mga aktibidades namin kung itong nasa panganib ang buhay namin? Masyado ng nabahiran ang pangalan ng organisasyon namin. And if we still want to continue our advocacy and our legacy, then we must save our life first.” Madiin kong pagkakasabi.

            “Okay. Chill. Masyado ka namang highblood. Hahahahaha!” matawa-tawang sabi nito.

            Tinignan ko na lamang siya ng masama habang walang humpay sa patuksong pagtawa. Hindi ko maiwasang pagdudahan siya hindi lang bukod sa nalalaman niya kundi pati na din sa trato niya. Para kasing mas ikinatutuwa pa nito ang mga pagkamatay ng kasamahan ko.

            Umalis na lamang ako sa harapan nito ng walang paalam. Paplanuhin pa namin ng grupo ang susunod na gagawin.

“OH? Ano daw sabi?” bungad na tanong sa akin ni Rhea pagkadating sa meeting place namin. Pinasadahan ko muna ng tingin ang mga miyembrong natira. Si Rhea na ngayon ay nasa kanan ko habang pinapakalma naman ni Justine na nasa kabilang gilid niya. Si Anthony na tila ang lalim ng iniisip. Si Jessica na nasa pagitan ni Justine at Zeline na kagat-kagat pa ang labi. Si Zeline na hawak-hawak ang litrato ni Joseph habang umiiyak. At si Michael na tila malalim din ang iniisip. Sa aming labing-apat, kalahati na lamang kaming natitira. Anim kaming naririto at idagdag pa si Jay-D. Bakit ba nangyayari ang bagay na ito sa amin? Naging masama ba ang hangarin ng grupo namin?

            “God! Jeanella! Why don’t you answer my question? Sabihin mo, pwede daw ba ‘yong mangyari? Eh kasi naman diba, suppose to be ay kagabi mamamatay si Jospeh but nothing happens. So supposedly, Joseph must be saved. Pero paanong napatay pa din siya ng doppelganger? Jeanella?!” Hindi makapag-antay na tanong nito.

            “It can be, according to him,” panimula ko. “Maaari daw na lumusob ang doppelganger sa kung kailan man nito gustuhin and I think it’s another challenge for us.” Mas bumakas ang pangamba sa mga mukha nila sa aking nilitanya.

            “Kung ganoon, twice a day nating babantayan ang kung sinuman sa atin ang target? Na baka kapag hindi maganap sa umaga ay sa gabi? If that’s it, then we must have another plan--” Bahagyang naputol sa pagsasalita si Rhea ng sumabat si Zeline.

            “I give up. Susuko na ako. We tried our best but still we couldn’t defeat it. Patagal ng patagal eh parang mas pinahihirapan tayo. Ganon din naman eh, mamamatay tayong lahat--” Naputol naman ang pagsasalita ni Zeline ng kontrahin naman siya ni Rhea.

            “Don’t say that, Zeline! Nagawa nga nating mailigtas si Anthony eh, so it means magagawa natin.”

            “Natin? Hindi Rhea. It’s only by Jeanella and that was just a sudden luck. Magpapakapagod lang tayong mailigtas ang mga sarili natin but in the end, we will lose it. Atsaka sa tingin niyo ba ay magagawa pang mailigtas ang panghuling target kung ang halos lahat ay nawala na? Diba hindi. So what is the sense of saving ourselves if in the first place we are already fallen into the abyss. So I’m giving up now.” Iiling-iling nitong sabi.

            “Kaya nga dapat kahit tayo na lang ay mailigtas natin ang isa’t-isa para kahit sa ikahuling target ay magagawa din nating mailigtas ng sama-sama. So don’t give up, Zeline. Lakasan mo lang ang loob mo. We must not be defeated by that element of Death, it must be the other way around.” Pagsalungat naman ni Rhea. Hindi naman nakaimik si Zeline at sa halip ay napahikbi na lamang sa kinauupuan.

            “Pero diba, hanggang dose lang ang orasan? Kung hindi ako nagkakamali, maliligtas kayong dalawa ni Michael hindi ba?” Sabat na tanong ni Jessica. Napaisip naman ako bigla n’on. Ikalabingtatlo at ikalabing-apat kami ni Michael. Ibig ba n’ong sabihin ay hindi kami kasama sa mga mamamatay?

            “Sa tingin ko ay oo, silang dalawa ang nakakakita at bilang kabayaran, tayo ang mamamatay habang sila naman ang magdudusa sa konsensya o mawawala sa ulirat kapag hindi nila tayo nailigtas. Matagal ko na ding pinag-isipan ang bagay na ‘yan. N’ong una ay naisip ko na parang unfair iyon sa atin, pero mas mahirap sa tingin ang dadanasin nilang dalawa. Every time ay makikita nila kung paano mamatay ang isa sa atin, ang every time ay nakikita din nila ang aktwal na pagkamatay natin kapag hindi nila tayo nagawang mailigtas. It would lose their sanity kapag hanggang sa huli ay hindi nila magawang mailigtas tayong lahat.” Pagpapahayag ng opinyon ni Justine.

May katumpakan ang sinabi niya, magmula noong pagkamatay ni Conrad hanggang ngayon kay Joseph, para bang unti-unti na akong nababaliw. Dugo, laman-loob, o kung anu-ano pa ang nakikita ko na hindi naman dapat. Para na akong unti-unting nabubuhay sa mga trahedya o pagpatay. And I know Michael feel the same way too. Ayaw niya lang na ipakita dahil alam niyang maaapektuhan ako. Nilalakasan niya lang ang loob para sa akin.

“Paano pala si Jay-D? Paano kung siya na ang susunod? Paano natin siya makukum--” Naputol ang pagsasalita ni Anthony ng mula sa pintuan ay lumitaw ang lalaking hindi namin akalaing kusang magpupunta dito.

“No need to convince me. I’m going with you, guys.” Bagamat walang emosyon ang ipinapakita nito, ay dama ko na masaya siya na makita muli kami at tila humihingi ng kapatawaran sa amin. We’re now completed. The remaining seven.

Continue Reading

You'll Also Like

11.1M 28.4K 7
NOW AVAILABLE UNDER DREAME. Fresh high school graduates Annie and Thalia are on the lookout for a school for college. Fate brought them to Jackson Un...
105K 6.5K 28
Sa isang hindi maipaliwanag na pangyayari, ang mahigit limang daang mamamayan ng maliit na bayan sa Quezon Province ay naglaho na parang bula. Isang...
148K 5.6K 14
Ang gusto lang naman niya ay ang makasama ang kanyang lola sa nalalabi nitong buhay sa mundo... Ngunit paano kung sa pananatili niya sa piling ng kan...
359K 1.8K 5
Dalawang sanggol na may pakpak ang magkasunod na isinilang sa kalaliman ng gabi! Ang isa sa sanggol ay may buhok na kulay mais at animo ginto. Mala-s...