The Devil's Time

By El_Arcturus

25.3K 1K 178

Isang sumpa nang dahil sa kasalanang hindi naman ginawa. Makaligtas kaya sila sa pagkamatay kung ang kalaban... More

Prologue
[1] The Roots and The Reasons
[2] The Premonition and Conrad's Incident
[3] The Second Incident
[4] Their Instinct
[5] Mr. Grey Gibson
[6] The Third Incident
[7] The New Member
[8] The Fourth Incident
[9] The Doppelganger
[10] The Fifth Incident
[12] The Sixth Incident
[13] The Love Relinquishment
[14] The Seventh Incident
[15] The Unexpected Incident
[16] The Remaining Eight
[17] The Eighth Incident
[18] The Ninth Incident
[19] The Manipulator
[20] The Eleventh Incident
[21] The Twelfth Incident
[22] The Another Unexpected Incident
[22.5] The Another Unexpected Incident
[23] The Big Revelation
[24] The Finale
Epilogue

[11] The Group Code and the Next Incident

662 33 5
By El_Arcturus

[ TIME 11 ]

NANG makarating kami ni Michael sa mismong floor nina Trixia, ay medyo lumuwag ang loob ko ng makitang walang bakas ng anumang habulan o gulo. Walang tao pero ang lahat ay nasa ayos.

"Trixia!" Pagtawag namin ni Michael sa kanya.

"Trixia!" Pag-uulit namin subalit wala pa ring sumasagot.

"Trixia! Ako ito si Jeanella! Nasaan ka na?" Sigaw ko pa, ngunit wala pa ding sumasagot ni isa.

Naglakad pa ako papunta sa dulo ng opisina nila. Habang naglalakad ay may naaamoy akong masangsang na amoy. Amoy ng isang patay. Muli akong pinanhindikan ng sumagi sa isip ko ang posibilidad na maaring patay na si Trixia. Ipinilig ko ang ulo ko para alisin ang isipang iyon, pero hindi ko magawa. Natauhan naman ako nang tawagin ako ni Michael.

"Jeanella ang cellphone ko, basag na." Doon na akong nagsimulang mawala sa ulirat. Ibig bang sabihin n'on ay nabawasan na naman kami ng isa?

Agad kong hinanap ang katawan ni Trixia at naiyak na lamang ako ng matagpuang nakasandal sa isang pader si Trixia habang nakatarak ang isang di-kamay na barena sa ulo niya.

Nabigo na naman kami. Nabigo na naman ako. Hindi namin nailigtas si Trixia.

 "PAANO na ngayon? S-sino na ng susunod?" Natataranta na sabi ni Zeline.

"Huminahon muna ang lahat, pwede ba? Alam kong masyado lang kayong nabigla dahil sa hindi inaasahang pangyayaring iyon. Marahil akala natin tapos na, pero hindi pa pala. Kaya naman kung maaari lang, liwanagin ninyo ang inyong mga isipan at labanan ang takot ninyo. Buhay ang pinag-uusapan dito kaya gagawa tayo ng paraan para maligtas tayo." Sabat Jessica sa apat pa naming kasama.

Si Jay-D kasi ay hindi na nagawang magpakita sa amin buhat ng tindi ng sama ng loob. Si Rhea naman ay hawak ng mga pulis sapagkat siya ang itinuturong pumatay kay Trixia at iyon ay dahil sa webcam na nakuhanan sa mismong floor. Anumang pagpupumilit kong sabihing hindi siya ang pumatay at isa lamang iyong impostor na gawa ng isang demonyo, sino ba naman ang maniniwala?

Maging kami ni Michael ay tinanong nila sapagkat nahagip din kami ng webcam noong mga oras na may saksak na sa ulo si Trixia. Subalit ang sinagot lang namin ay pinatawag kami doon ni Trixia para doon sa project ng grupo.

Ang ipinagtataka ko sa video, ay kung bakit nito niyakap si Rhea  ganoong nasabihan ko na siyang wag magpapalinlang sa Rhea na makikita niya.

"Then what we will do now? Gumamit na tayo ng cellphones and wokie tokie para mabantaan. Pero is it enough? Ni wala tayong laban. Ikaw na nga mismo ang nagsabi Jeanella, ang killer ay isang likha ng demonyo. Anong laban natin d'on? But the main point here is that, why is such this thing happening to us." Inis na wika ni Justine.

"Dahil iyon sa sumpang ibinato sa inyo ng batang inalagaan ninyo minsan.Hello there!"

"Woah!" Nagulat naman ang iba nang bigla na lamang magsalita sa pintuan si Mr. Grey.

"M-Mr. Grey, napadalaw ka?" Mautal-utal kong tanong dito. Naalala ko kasi uli ang ginawa kong pagtatanong dito n'ong nakaraang pagkikita namin. Pinagduduhan ko kasi siya.

"Nabigo na naman ba kayo?" Tanong nito sa amin pagkalapit niya. Napatungo na lamang ako sa kadahilanang wala akong maisagot.

"Hahaha! Wag ninyong sabihing hahayaan niyo na lamang ang demonyong iyon na ubusin kayo?" Nang-aasar pa nitong sabi.

"Pwede ba? Kung wala ka ng maitutulong. Umalis ka na lang dito." Asik ni Joseph dito.

"Bakit? May naisip ka na bang paraan, Coward Boy? Hahaha!" Mapang-asar nitong tanong kay Joseph. Nagpukol na lamang si Joseph ng masamang tingin sa ginoo.

"Tulad ng ng sinabi ko, narito ako bilang kakampi ninyo. Kaya naman narito ako ngayon para bigyan kayo ng payo." Aniya at sumalampak sa isa sa sofa.

"Bakit hindi kayo gumawa ng isang group code? Ang siyang magiging palatandaan ninyo na ang kaharap ninyo ay ang totoong kakilala niyo." Para namang nagkaroon ng kaliwanagan sa amin sa sinabi ng ginoo. Parang isang secret code. Katulad sa mga clan. Mukhang may punto ang ginoo.

"Tama  si Mr. Grey. What if gumawa tayo ng secret code na tayo lamang ang nakakaalam. Nang sa gayon sa oras na makaharap ng isa sa atin ang doppelganger na iyon, maaari nating malaman kong siya nga ang totoong kasamahan natin kung masasabi niya ang Secret Code." Saad ko.

Sandali muna silang nanahimik. Pinag-iisipan kung sasang-ayon sila sa sinabi ko na ipinayo nk Mr. Grey.

"Mukhang may punto ka diyan, pero ano namang code? Suggest ko lang, sana yung mahaba para kahit papaano sure tayong kasamahan nga natin ang kaharap natin." Suhestiyon naman ni Anthony.

"Just always smile to still alive?" Pagbabahagi ng ideya ni Jessica.

"Para naman 'yong linya. Lagyan natin ng numbers like Smile for life Fourteen." Apila at suhestyon naman ni Joseph.

"Tama pero dapat 'yong mas mahaba pa." Pagsabat naman ni Zeline.

"What if Full Name mo then adjective that would define yourselves which must be starts on what your initial is, then followed by what Joseph said. Palitan lang yung fourteen ng number niyo here sa group." Pagpapalawak naman ni Michael.

"Like this, Anthony Sullivan, The Amazing Man, Smile for Life Ten?" Pagsasample ni Anthony.

"Tama, ganyan nga. Para naman alam nating siya nga ang taong iyon by saying his or her name and number." Pag-aapruba ni Michael.

"Fine, okay ang bagay na iyon. Dapat tanda ninyong lahat ang number ng bawat isa para maverified na siya nga ang kasamahan natin and also the adjective. Is that clear? Ngayon, tara na't magtungo muna tayo sa huling lamay ni Trixia at bisitahin na rin natin si Rhea." Saad ko sa kanila. Nakita ko namang paalis na si Mr. Grey sa lugar. Hinabol naman ko ito sa labas sana pasalamatan at ayain na din, subalit sa aking pagtataka ay bigla na lamang itong naglaho.

"NAKAUSAP mo na ba ang amo mo?" Bungad na tanong sa akin ni Michael paglabas ng building na pinagtatrabahuan ko. Dalawang araw pa lang ang nakakalipas mula ng ilibing si Trixia.

"Oo, ang sabi ko magleleave muna ako ng one-month. Kahit na hindi muna nila ibigay ang panghuli kong sahod. Gusto ko kasing matapos na ang problema na ito. Sana nga lang matapos ang lahat ng ito sa loob lamang ng isang buwan." Sabi ko naman habang pumapasok sa kotse niya.

"Wag kang mag-alala, may ipon pa naman ako eh. Atsaka mataas-taas na din ang sahod ko, lalo na't napromote ako sa trabaho." Napangiti na lamang ako ng kaunti sa balitang iyon. Pero babawi talaga ako sa oras lang na matapos ang problema naming ito. Nakakahiya naman kung sa kanya lang ako aasa.

"Halika at kumain muna tayo. Mag-aalas-diyes pa lang naman eh." Pag-aaya pa nito sa aking kumain.

"Sige, gutom na rin ako eh." Pagsang-ayon ko na lamang at agad na sumakay sa kotse niya. Pinaandar din naman niya ito kaagad.

Nang papaliko na kami sa daanan papunta sa malapit na fast-food chain, ay nagulat na lamang ako ng biglang gumewang-gewang ang sasakyan namin.

"Michael..." Pagtawag ko rito pero halos atakihin naman ako sa puso ng makitang nakatulog ito sa manibela. Agad kong hinawakan ang manibela at kinontrol ito. Pilit ko ring inaabot ang break para mapahinto ito. Laking salamat ko na lamang ng maihinto ko ito sa maayos na lugar.

Agad kong chineck ang lagay ni Michael. Hindi naman siya mainit o nilalamig. Para lamang siyang natutulog. Hanggang sa naalala ko, siya na pala ang susunod na makakakita ng susunod na target. Nang tignan ko ang aking orasan. 09:59 na ng umaga. So ibig sabihin, 10:00 magsisimula ang pag-atake ng doppelganger sa isa sa amin at mayroon kaming limampung minuto para iligtas ang kung sino man ang target. Pero sino naman ang aatakihin ngayon?

"Like this, Anthony Sullivan, The Amazing Man, Smile for Life Ten?"

Si Anthony Sullivan.

Agad ko itong tinawagan para mapaaga ang pagligtas sa kanya. Sakto namang nagising si Michael, pagkadial ko ng number ni Anthony. "A-anong nakita mo? Sabihin mo. Dali." Atat na tanong ko kay Michael.

"Si Anthony, nahati ang katawan niya ng salamin..." Saad niya na hinihingal pa.

"A-ano pa?" Pagtatanong ko pa habang hindi pa nasasagot ang telepono.

"S-si Jessica, siya ang papatay kay Anthony." Sakto namang may sumagot sa kabilang linya pagkasabing iyon ni Michael.

"Hello? Anthony? Nasaan ka?" Mabilis kong tanong dito.

"A-ah ikaw pala Jeanella? Si Jessica ito. Naiwan niya kasi ang cellphone niya dito sa office niya eh." Nagitla naman ako ng marinig ang boses ni Jessica sa kabila. Kung gayon. Pero sandali, ito ba ang tunay na Jessica?

"What's the group code?" Matigas na tanong ko dito.

"Ha? Jeanella? B-bakit?" Parang di naman nito malaman ang sasabihin.

"I said what's the group code?!" Medyo tumaas na ang boses ko noon dahil sa kaba.

"J-jessica Mendoza, Joyful Girl, Smile for Life 11. B-bakit? May mangyayari ba ngayon ha?" Pag-uusisa pa nito nang masabi ang kodigo. Nakahinga naman ko ng maluwag nang mapatunayang siya ang tunay na Jessica.

"Hanapin mo ngayon si Anthony, siya ngayon ang target. At ang ginagaya ng doppelganger ngayon ay ikaw Jessica. Kaya dapat mapaniwala mo siyang ikaw ang tunay na Jessica, maliwanag ba?" Utos ko agad sa kanya.

"H-ha? P-pero n-natatakot ako, Jeanella." Sabi naman nito at tila humihikbi pa.

"Wag kang matakot Jessica. Kailangan ka ngayon ni Anthony at ikaw lang ang may tsansang makaligtas sa kanya.. Humanap ka ng maari mong magamit na pamatay doon sa doppelganger. Any thing na matalas. Saksakin mo ang doppelganger na iyon para mawala iyon, maliwanag ba? Mayroon ka na lamang apatnapung minutong natitira kaya bilisan mo na. Wag kang mag-alala, papunta na din kami diyan." Litanya ko dito.

"O sige, susubukan ko. Ayos na ba ang tinidor?" Pilit na lang nitong pagtanggap.

"Oo, pero humanap ka pa ng reserba para sa oras na magawa niyang makaligtas doon ay mayroon ka pang magagamit. Magtiwala ka lang sa sarili mo, Jessica. Magagawa mo yan." Pagpapapanatag ko pa sa kanya.

"O-oo! S-sana nga, m-magawa ko ito..." Dinig ko namang sabi niya.

"Wag mong ibababa ang telepono, okay? Para malaman namin kung nasaan ka na at kung ano na ang nangyayari."

"O-oo, sige."

Pinabilis pa ni Michael ang kanyang pagmamaneho papunta sa kompanyang pinagtatrabahuan ni Anthony. Pagdating namin sa nasabing gusali, ay di na kami nagpatumpik pa ni Michael at agad na naglog-in.

Continue Reading

You'll Also Like

103K 1.5K 200
The stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree
105K 6.5K 28
Sa isang hindi maipaliwanag na pangyayari, ang mahigit limang daang mamamayan ng maliit na bayan sa Quezon Province ay naglaho na parang bula. Isang...
35.2K 1.1K 37
"Although my mind forgot about you, I still never forgot the love that I feels about you" -Ezekiel Ace Montefalco
38.2K 3.5K 69
Cursed Stories #2 | Mistakes are unintentional, but you pay for it. *** An epistolary, short story. "Order now, die later." When a stranger was added...