The Devil's Time

By El_Arcturus

25.3K 1K 178

Isang sumpa nang dahil sa kasalanang hindi naman ginawa. Makaligtas kaya sila sa pagkamatay kung ang kalaban... More

Prologue
[1] The Roots and The Reasons
[2] The Premonition and Conrad's Incident
[3] The Second Incident
[4] Their Instinct
[5] Mr. Grey Gibson
[6] The Third Incident
[7] The New Member
[9] The Doppelganger
[10] The Fifth Incident
[11] The Group Code and the Next Incident
[12] The Sixth Incident
[13] The Love Relinquishment
[14] The Seventh Incident
[15] The Unexpected Incident
[16] The Remaining Eight
[17] The Eighth Incident
[18] The Ninth Incident
[19] The Manipulator
[20] The Eleventh Incident
[21] The Twelfth Incident
[22] The Another Unexpected Incident
[22.5] The Another Unexpected Incident
[23] The Big Revelation
[24] The Finale
Epilogue

[8] The Fourth Incident

792 35 16
By El_Arcturus

[ TIME 8 ]

Tama man ang hinala ko o hindi. Wala naman sigurong masama kung susubukan hindi ba? Lalo na kung ang buhay mo ang nakataya dito.

"OH! Guys, kunin niyo 'tong mga wokie tokie na ito. Ito ang magiging communication natin. If ever malayo tayo sa isa't-isa." Saad ko habang inaabot ang 13 tokie sa kanila.

"It's either diyan o di kaya sa cellphone namin kayo tatawagan ni Michael if ever na may makita kami or masense kami, maliwanag ba?" dagdag ko pa.

"And one more thing, baka pwede naman, at least may kasama kayo dito sa grupo na isa. I mean pair kayong magkasama kahit saan kayo magpunta." Pakiusap ko sa kanila na medyo ikinagulat nila.

"Even sa C.R. kailangan kasama namin sila or sa bahay?" Gulat na tanong naman ni Trixia, ang Secretary namin.

"Ganoon na nga." Sabi ko.

"Pero may sarili kaming mga buhay." Taliwas na sabi ni Zeline.

"Pero guys inaalala ko lang naman kayo eh. Matapos lang natin itong problemang ito, babalik na rin naman tayo sa dati nating pamumuhay." Paliwanag ko.

"Baka naman sapat na ang may komunikasyon tayo. Atsaka malapit naman tayo kung tutuusin eh, mga isang sakayan lang ang layo ng mga bahay natin." Suhestyon naman ni Rhea.

"Tama si Rhea, Jeanella. Hindi naman natin kailangan maging masyadong problemado at aligaga. Minsan mas nakakasama pa iyon." Gatong pa ni Justine.

"O siya sige. Pero isa lang ang pakiusap ko, palagi niyong bubuksan ang cellphone niyo at wag niyong ilalayo sa mga kamay ninyo. Maliwanag ba?" Tumango naman silang lahat bilang kasagutan.

"O siya tara na. Kailangan ko pang umuwi." Atat na sabi ni Marvin.

"Ah wala bang sasama sa amin sa bahay ni Mariel. Makiramay na muna tayo sa pamilya niya." Pag-aaya naman ni Rhea. Hinatid na kasi sa pamamahay ng mga magulang ni Mariel ang katawan nito kaninang umaga.

"Sasama kami ni Michael." Muli ay bokuntaryo kong sagot na tinanguan naman ni Michael.

"Ako din wala naman akong gagawin eh." Pagboboluntaryo din naman ni Jessica.

Apat lang kaming nagpasyang tumungo sa bahay ng mga magulang ni Mariel. Mamayang gabi na lamang daw pupunta ang iba naming kasama. Nilista ko din ang mga pangalan nila at kung ano ang mga numbers nila para madali na naming malaman kung sino na ang sunod na puntirya. Bali ang mga natitira na lamang ayon sa pagkakasunud-sunod-(1)Rhea Dela Vega, (3)Trixia Ortiz, (4)Jay-D Ocampo, (6)Joseph Russel, (7)Justine Diaz, (8)Marvin Andrada, (10)Anthony Sullivan, (11)Jessica Mendoza, (12)Zeline Aquino, at kami ni Michael.

Pagdating namin doon, kitang-kita ang hinagpis ng ina ni Mariel habang yakap-yakap ang kabaong nito. Marahil ay lubos itong nahihinayangan sapagkat napakabata pa ng kanyang anak at isipin mo na lang ang karera nito sa buhay. Naglaho na lang ding bigla.

Naiinis ako sa taong sumumpa sa grupo naming ito kung totoo man nga ang lahat. Hindi ko alam kung ano ang dahilan bakit kami susumpain sa kabila ng mga pagtulong na ginagawa namin.

APAT na araw lang ipinamalagi ng mga magulang ni Mariel ang katawan niya sa bahay nila. Napagdesisyunan na nilang pabendisyunan na ito at ipalibing.

Kasalukuyan kami ngayong narito sa bahay nila para tumulong sa pag-aayos sa huling araw ni Mariel sa mundo. Mag-aalas-otso nang dumating ang lahat maliban lang kay Marvin.

"Asan na si Marvin?" Tanong ni Rhea sa amin na halatang namumugto ang mga mata buhat ng pag-iyak.

"Tinawagan ko siya kanina, ang sabi niya ay nagbibihis na raw siya." Pagsagot ni Joseph.

"Naku! 8:30 ilalabas si Mariel dito at baka di pa siya makaabot." Natatarantang sabi ni Rhea. Maging ako ay natataranta rin, hindi dahil sa baka mahuli siya ng dating pero parang may kung ano na bumabagabag dito sa loob ko. Nagulat na lang ang lahat ng bumagsak sa sahig si Michael. Hindi dahil sa nakatulog siya kung hindi dahil sa suntok na inabot nito kay Jay-D. Oo nga pala, nakalaya na pala siya ng malamang wala siyang kasalanan.

"Walangya! 'Yang lalaking yan. Wala siyang karapatang husgahan ako." Bulyaw ni Jay-D habang dinuduro ang nakahandusay na si Michael. Agad akong lumapit kay Michael para gisingin siya. Subalit nanatili itong nakapikit.

"Hindi ka niya hinusgahan, Jay-D. Sinisiguro lang namin na hindi nga talaga ikaw ang pumatay sa dalawa. At ngayong napatunayan nang wala kang kasalanan, diba't pinaalis ka na. Hindi ka naman nakulong ah." Pagliliwanag ko dito.

"Pero tinapakan n'on ang pagkatao ko, Jeanella. Sabihin man nating hindi niya nga ko hinusgahan ng diretso. Pero ang naging dating n'on ay parang ako ang tinuturo ninyong may kasalanan sa pagkamatay nang dalawang kaibigan natin." Galit na galit na sabi nito. Hindi ko magawang makapagsalita buhat na may tama ang sinabi niya.

Nagkaroon din ng isang minutong katahimikan sa paligid pero nagambala iyon ng bumalikwas si Michael at tila hapong-hapo.

"Ha... ha... si M-marvin..."

"Ba 'tong cellphone na 'to. Psh! Alarm lang pala." Agad akong napatayo sa sinabi ni Michael at nang tumunog ang cellphone ni Anthony.

"A-anong oras na?" Dilat ang mga mata kong tanong kay Anthony.

"A-ah! 8:00 B-bakit?" Nagtatakang tanong naman nito.

"Number 8? Rhea sino ang ikawalo sa grupo natin." Pagbaling ko naman kay Rhea.

"Ah.... number 8? Ahmm... si... si Andrada." Nanlamig ang pawis ko sa katawan sa sinabi ni Rhea.

"5... 10... 20... 40... 40 minutes. Nasa panganib ang buhay ni Andrada!" Naibulalas ko sa kanila.

"H-ha? Sandali, tatawagan ko siya." Tarantang kinuha ni Rhea ang cellphone at tinawagan si Marvin.

"He... hello! Marvin? Oh? Ikaw ba yan?" Ani Rhea. "Asan ka?..... sa bahay mo.... ha? si Anthony? eh nandi.... Hello? Marvin? Hello... *toot* *toot*"

"A-anong sabi?" Agad na tanong ko.

"Nasa bahay daw niya..." Panimula nito. "...kasama daw si Anthony." Bagay na nagpagimbal sa amin.

"Ako? P-paanong?" Bulalas ni Anthony. Isa lang ang tumatakbo sa isip ko ngayon, may isa pang misteryo sa mga bagay na nangyayari ngayon.

"Tara Michael puntahan natin si Marvin." Agad kong hinatak si Michael paalis.

"Sandali, sasama ako." Anang Rhea.

"Pero delikado-"

"Being a leader, I must take a risk, kaya sasama ako." At nagpatiuna na itong sumakay sa van ng grupo.

Tatlumpu't walong minuto na lang ang natitirang oras. Sana kayanin pa namin ito.

SA kaparehong oras, kasalukuyang nagbibihis ang isang binata para sa dadaluhang libing ng isang kaibigan. Bihis na ito at tanging sapatos na lamang na nasa sala ang kanyang susuotin. Nagmamadali itong nagtungo sa sala para maisuot na ang sapatos nang sa gayon ay hindi ito mahuli sa libing.

Subalit nag-init ang mukha nito ng makitang wala sa pwestong nilapagan niya kanina ang kulay itim na sapatos.

"Nasaan na ba iyon?" Inis na palahaw niya.

Hinalughog niya ang buong sala para doon sa sapatos niya subalit hindi niya ito makita. Subalit halos atakihin naman siya ng pagtalikod nito ay sinalubong siya ng kakilalang lalaki.

"Anthony naman! Bakit kailangan mo pang manggulat? At bakit nasa sa'yo yang sapatos ko, amin na nga 'yan." Inis nitong hinablot ang sapatos nito sa kamay ng kaibigan.

"Ano? Nakapunta ka na ba roon?" Tanong ng binata habang nakatalikod sa lalaki at sinusuot ang sapatos. Pero wala ito ni isang narinig na sagot dito. Haharapin niya sana ang binata nang tumunog ang cellphone nito.

"H-hello! Marvin?" Sabi ng isang boses sa kabilang linya.

" Ah! Rhea, oh! Bakit?"

"Oh? Ikaw ba yan?"

"Oo"

"Asan ka?"

"Sa bahay pa."

"Sa bahay mo?!"

"Oo! kasama ko nga si Anthony eh."

"... ha? si Anthony? Eh nandi..."

"Hello? Hello? *toot* *toot*"

"Aiish! Lowbat pa!" At inis na initsa ng binata ang cellphone sa sofa.

Inayos na lang nito ang pagkakasuot ng sapatos at ang laylayan ng pantalon at agad na tumayo para umalis. Pero pagtalikod nito ay wala na doon ang kasama.

"Anthony? Asan ka na ba? Halika na at malelate na tayo." Anang binata. Pero walang sumagot sa kanya.

"Anthony, asan ka ba?" Sinubukan nitong tignan ang banyo subalit wala ito dito. Sunod naman nitong pinuntahan ang kusina at dito ay nakita ang binata na nasa lababo at tila umiinom ng tubig galing doon.

"Gago ka talaga! Halika na nga at mahuli pa tayo. Atsaka bat diyan ka umiinom eh meron naman akong mineral sa ref." Nang makalapit ay iniharap nito sa kanya ang binata. Pero sa halip na ang kaibigan ang makita ay isang naaagnas na mukha ng isang lalaki ang tumambad sa kanya.

Agad siyang napaatras nang makitang may hawak na kutsilyo ang kaibigan. Akmang sasaksakin na siya nito subalit laking pasalamat niya ng nakaiwas siya dito.

Agad siyang tumakbo patungong sala kung saan naroon ang pintuan nila. Pero nang pilit niya itong buksan ay hindi ito magbukas. Nagulat na naman siya ng makitang nasa likod na pala niya ang bangkay at pinalad na naman siyang makaiwas doon at sa mismong pintuan bumaon ang kutsilyo. Hindi magawang matanggal ng bangkay ang kutsilyo kaya pinabayaan na lamang niya iyon at hinabol na lamang ang tumatakbong ginoo. Balak niya itong patayin gamit ang matulis na kuko.

Nagtungo ang binata sa kanyang kwarto at agad na nilock iyon. Pinangharang din nito ang sofa na nasa loob ng kanyang kwarto. Malakas at mabilis ang kabog ng puso ng ginoo. Iniisip ang paraan kung paano makakawala roon. Pinakatitigan niya ang bintana ng kanyang kwarto at inisip sa kung paanong paraan siya makaliligtas. Pero nagambala siya ng may kumalabog sa pintuan. Marahil ang bagkay na iyon. Mabilis na gumana ang utak ng ginoo at agad na ginawa ang pag-eskapo.

Binasag niya ang babasaging bintana na nasa kwarto niya at agad na lumusot sa butas. Subalit hindi pa siya tuluyang nakakalabas ng bintana ng makarinig siya ng pagkalabog ng pintuan. Hudyat na nakapasok na ang bangkay sa kwarto niya. At nang maiapak na niya ang dalawang paa sa makitid na tuntungan sa labas ng bintana at akmang tatalon na para makaeskapo, ay nadali ang kaniyang paa hindi dahil sa natapilok ito kundi dahil mula sa likod niya ay may kung anong matulis ang gumuhit sa kanya.

Nahulog ang ginoo sa isang matigas na lupa na una ang ulo bago ang katawan dahilan para mabali ang leeg nito dahil sa patabingi nitong pagbagsak.

"AH! Marvin!" Sakto lang. Saktong-sakto lang. Kitang-kita namin kung paano siya nahulog, kung paano siya bawian ng buhay. Hindi namin nagawa.

"Anthony?" Napatingin ako sa lugar na tinitignan ni Rhea. Doon sa pinagbagsakan ni Marvin. At doon ay may isang basag na bintana, at sa loob nito nakita namin ang isang tao na di namin aakalaing naandito.

Si Anthony Sullivan. Tama man ang hinala ko o hindi. Wala naman sigurong masama kung susubukan hindi ba? Lalo na kung ang buhay mo ang nakataya dito.

Si Anthony Sullivan.

Continue Reading

You'll Also Like

32.8K 1.2K 24
(COMPLETED)Bagong tauhan... Bagong kaaawaan... Bagong kaiinisan... Bagong BIKTIMA... Sino-sino sila?
43.9K 1.2K 27
#38 in horror out of 8.48k stories #22 in ghost out of 2.65k stories #1 in shock out of 122k stories #2 in triller out of 207k stories #227 in myster...
170 24 10
Sino ang may kasalanan? Sino ang dapat sisihin? Sino ang may alam sa katotohanan? Kilala si Eunice bilang isang mayabang at ma-attitude na estudyante...
887 57 5
Experience the unexpected thrills with this collection of spine-tingling horror stories. Once you read this, there's NOWHERE TO HIDE for you! Endless...