What Love Can Do? (UNDER REVI...

By Princesss_AJ

1M 24.8K 1.2K

(COMPLETED) Ang "pag-ibig" ay maraming kahulugan para satin. Ito ay emosyon na ating nararamdaman sa isang t... More

-Prologue-
«Disclaimer»
Chapter 1 My Virgin Eyes!
Chapter 2 The Brother
Chapter 3 Friendship
Chapter 4 For the First Time
Chapter 5 First Kiss?
Chapter 6 Lover's Quarrel
Chapter 7 He's the Brother
Chapter 8 Panyo
Chapter 9 Crush?
Chapter 10 Apology
Chapter 11 It's a Deal!
AUTHORS NOTE! MUST READ!
Chapter 12 For you
Chapter 13 Meet the Sister
Chapter 14 Permission?
Chapter 15 Friendly Date
Chapter 16 She's the Noona
Chapter 17 Siomai
Chapter 18 Mr. Right?
Chapter 19 Is this Real?
Chapter 20 Comfort
Chapter 21 Protective Kuya!
Chapter 22 Aminan Time!!
Chapter 23 We're Still Friends?
Chapter 24 I'm Stuck with him
Chapter 25 A Princess for a Night
Chapter 26 A Princess for a Night (part 2)
Chapter 27 A Princess for a Night (part 3)
Chapter 28 Threat
Chapter 29 Her Realization
Chapter 30 Tuloy Pa rin
Chapter 31 Night Party
Chapter 32 End
Chapter 33 Blessing in disguise
Chapter 34 Stay with Me
Chapter 35 His Reason
Chapter 36 Revelation
Chapter 37 True Feelings
Chapter 38 Sacrifice
Chapter 39 Love-Struck
Chapter 40 First Date
Chapter 41 "Yes"
Chapter 43 Undeserved
Chapter 44 Don't like her
Chapter 45 Out of town
Chapter 46 Just Friends?
Chapter 47 Allergic
Chapter 48 Respect
Chapter 49 We are Jealous
Chapter 50 Couple's Conflict
Chapter 51 First love
Chapter 52 I'm Hurt
Chapter 53 I Love Her (Part 1)
Chapter 54 I Love Her (Part 2)
Chapter 55 Understand
Chapter 56 Dare
Chapter 57 The Truth
Chapter 58 Loss
Chapter 59 Grief
Chapter 60 First Monthsary
Chapter 61 We meet again
Chapter 62 Brothers
Chapter 63 Friends
Chapter 64 Left
Chapter 65 Tulad Mo
-Epilogue-
Shout Outs 🎉
💖Pasasalamat💖
What Love Can Do?
Book 2

Chapter 42 Officially Mine

13.4K 325 16
By Princesss_AJ



Quick Note: Bukas na po ang pasukan namin. Yes, #TeamJune13 po ako! Huhuhu!! Hindi ko po alam ang new schedule namin. Pero I will try pa rin po na mag update as soon as my free time po ako. Sana po mas habaan niyo pa po ang pasensya niyo at ang paghihintay niyo sa mga UD ko. Yun lang po. I love you guys!!



42: Officially Mine

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»


The next day...


I can't believe that I'm officially Kiel's girlfriend. It happened unexpectedly. Parang noon lang ay tinatago ko lamang sa akin ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ko inakala na dadating ang araw na mararamdaman ko ito. Hindi ako sanay at naninibago ako sa mga bagay-bagay pero ayos lang. Because every time I look at the sky, and then I suddenly smile, it reminds me of the thought that...Kiel is officially mine.

Dali-dali akong bumaba nang makita ko kung anong oras na. Sinuklay ko ang buhok ko habang bumababa ng hagdan. Kaagad na sumalubong sa akin ang mga malalapad na ngiti nina Mama, Papa at Kuya.


"Good Morning, Mama, Papa." Bati ko tsaka humalik sa kanila. Binati naman nila ako pabalik.

"Good ba ang morning natin, Jassy?" Rinig kong tanong ng Kuya kong kumakagat sa bacon na nakatuhog sa kanyang tinidor.


"Good naman palagi ang umaga natin ha." Katwiran ko naman sa kanya. Tumango lang ang Kuya ko tsaka ibinaling ang mga mata sa kanyang pinggan.


"Love is like the sun, love is in the air..." Kumunot ang noo ko nang marinig ko ang boses ni Kuya Joshua na kumanta. Nag he-head bang pa 'to at kitang-kita ko na nag-eenjoy siya sa pagkanta.

Anong meron? Tanong ko sa aking sarili.


"Kamusta ang lakad niyo ni Kiel?" Tanong ni Mama sa akin. Para naman akong nabilaukan sa iniinom kong gatas.

"Syempre, nag-enjoy." Rinig kong sagot ni Kuya tsaka umirap sa kawalan.


"Ayos lang po, Mama. Maganda po ang mga pinasyalan namin." Sagot ko kay Mama. Ngumiti si Mama tsaka inabutan ako ng pagkain.

"Buti hindi ka nag-extend." Sabat nanaman ng Kuya ko. Mabilis ko siyang liningon tsaka sinamaan ng tingin.


"Anong problema mo, Kuya? Tinawagan naman kita nung nasa Baguio kami ah. Bawat oras pa nga." Tanong ko sa kay kuya Joshua na ngayon ay tinatawanan na ako.

"Wag kayong mag-away sa harap ng pagkain." Bilin ni Papa sa amin. Sinamaan ko ulit ng tingin si Kuya Joshua.


"Salamat po Tita and Tito for letting me use your restroom." Biglang may nagsalita galing sa banyo. Kaagad naman akong natigilan.

"Saya nanaman ng isa dyan." Bulong ni Kuya Joshua tsaka tumawa ng mahina. Hindi ko na siya liningon dahil mabilis kong binalingan ng tingin ang nagsalita.


"Kiel!" Kaagad na tawag ko nang makita ko siya. Tuluyan na nga akong nabilaukan kaya mabilis akong uminom ng tubig.

"Good morning!" Sinalubong niya ako ng isang matamis na ngiti.


"Wala yun, Kiel. Kain na." Sagot ni Mama tsaka ngumiti kay Kiel na naglakad palapit sa aking tabi.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. Napansin ko ang pagkunot ng noo nila Mama at Papa.


Tumawa lang ng cute si Kiel tsaka humarap sa akin.

"Sinusundo ang girlfriend ko." Sagot niya sa tanong ko. Sandali kong pinagsisihan na tinanong ko pa iyun kay Kiel.


"A-Ako?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya. Narinig ko naman ang malakas na pagtawa ni Kuya Joshua.

"Of course, you're my only girlfriend." Sagot niya tsaka matamis na ngumiti sa akin.


"Kumain ka na, Jassy. Baka mahuli pa kayo sa klase niyo." Mabilis akong napalingon kay Papa.

Bigla akong kinabahan. "Papa!"


"Sasabihin ko din naman po yung tungkol sa amin-" Hindi na ako pinatapos ni Papa sa pagsasalita.

Ngumiti siya tsaka umiling sa akin. "It's okay, princess. Kiel already told us about it."


Mas lalong nalaglag ang panga ko tsaka lumingon kay Kiel na nasa aking tabi.

I see a different version of Kiel right now. A version I didn't expect he will be, especially to me. Am I that lucky to have this kind of version of him?


"Mag-iingat kayo." Bilin ni Mama sa amin pagkayari naming kumain ng almusal.

"Salamat po, Tita Janine at Tito James." Sambit ni Kiel tsaka bahagya pang nag bow sa mga magulang ko.


"Sige, Kiel. Yung napag-usapan natin ha." Bilin ni Papa kay Kiel. Ngumiti si Kiel tsaka tumango kay Papa.

"Anong pinag-usapan niyo ni Papa?" Mahinang tanong ko nang makalabas kami ng bahay.


Lumingon naman si Kiel sa akin tsaka ngumiti. I saw how he scrunched his nose nang linapit niya ang kanyang mukha sa akin.

"Boys talk, baby eh." Sagot niya tsaka hinawakan ang kamay ko. Kaagad akong nakaramdam ng boltahe ng kuryente sa aking katawan.


"Huh? Anong boys talk?" Pangungusisa ko sa kanya.

"Ehem...yung kamay. Ehem." Nagprente umubo si Kuya tsaka dumaan sa aming harapan ni Kiel.


Nabuwag kaming dalawa kaya nabitawan ni Kiel ang aking kamay. Sinamaan ko naman ng tingin si Kuya Joshua dahil sa ginawa niya.

"Sorry, bayaw." Sagot ni Kiel tsaka ngumiti at ilinagay ang mga kamay sa kanyang bulsa.


Kaagad naman siyang liningon ni Kuya Joshua. "Pakyu."

Tumawa lamang si Kiel tsaka umiling sa sagot ni Kuya. Naglakad na ulit siya palapit sa akin at sinamahan akong makalabas ng bahay.


"Susundan ko ang kotse mo, Kiel. Alam mo na kung saan ang destinasyon mo kapag lumiko ka kasama ang kapatid ko." Sambit ni Kuya bago siyang sumakay sa loob ng kotse niya.

"Kuya!" Sita ko naman sa kanya.


"Don't worry, it's okay." Sambit ni Kiel tsaka inabot ang kamay ko at pinagbuksan ako ng pintuan ng kanyang sasakyan.

Gosh! It feels like I am dreaming. Gising na ba talaga ako o panaginip kang lahat ng 'to?


"Sorry kay Kuya, Kiel. Pagsabihan ko na lang mamaya." Sambit ko nang makapasok ako sa loob ng sasakyan.

Pakiramdam ko kasi nakakahiya at baka kung ano ang isipin ni Kiel dahil sa Kuya kong may saltik.


"I said, it's okay." Sagot naman ni Kiel tsaka hinimas ang kamay kong hawak-hawak niya.

"Naiintindihan ko kung bakit ganon ka-protective si Kuya Joshua. After all, you're his princess first." Sagot niya dahilan para lumambot ang puso ko.


"T-Thank you sa pag-intindi, Kiel." Sambit ko sa kanya tsaka yumuko. Hawak-hawak pa din ni Kiel ang aking kamay. Bumuntong hininga ako. "Alam kong hindi ka sanay sa mga ganito. Kaya kung nahihirapan ka-"

"Baby!" tawag niya tsaka pinalingon ako sa kanya. Tumigil ang sasakyan dahil sa traffic light.


Tumingin siya sa akin habang hinuhuli ang mga mata ko. Naramdaman ko ang pagpisil niya sa aking kamay.

"Kahit gaano kahirap, handa akong magtiis. Kahit gaano pa kahirap ang laban, kung ikaw ang premyo ko sa huli, lalaban ako. Ipapanalo kita, baby." Matamis na sambit ni Kiel tsaka hinalikan ang ibabaw ng aking kamay.


Ngumiti naman ako habang pinagmamasdan siya. Humanga mas lalo ang puso ko dahil kay Kiel. Nakita ko ang pagbagsak ng mga mata niya sa aking labi. I swallowed hard when he licked his lower lip.


Nanlaki ang mga mata ko nang hilahin ako ni Kiel palapit sa kanya. Hindi ko na control ang sarili ko, mabuti na lang at sinuportahan ni Kiel ang aking braso kaya hindi ako bumagsak sa kanya.

"Sa tingin mo? Saang destinasyon ako dadalhin ng Kuya mo kapag liniko ko ito?" Mahinang tanong niya sa akin habang nakangiti ng nakakaloka.


"Kiel!!" Tawag ko tsaka umayos ng upo. Nakita ko ang pagtawa niya habang umiiling. "Adik ka ba?"

"I guess..." Natatawang sagot niya tsaka hinawakan ang manibela ng sasakyan. "Yes. I guess...I'm addicted to that drug."


Sinamaan ko lamang siya ng tingin. Humarap na ako at sumandal sa upuan. Nagsimula nang umandar muli ang sasakyan.

"And that drug is you." Dugtong niya tsaka lumingon at ngumiti sa akin. "You're my beautiful drug because I'm totally addicted to you."


Nalaglag ang panga ko habang nakatingin sa kanya. Natatawa siyang humarap sa kalsada at nagmaneho na muli. Mabilis akong lumingon sa bintana ng sasakyan at pinigilan ang mga ngiting nagbabadyang umukit sa aking labi.

I didn't see that coming...Oh, boy.


Ilang minuto lang ay nasa University na kami. Nakita ko sa rear mirror ng sasakyan ni Kiel ang sasakyan ni Kuya Joshua na kakaparada lang. Buong biyahe ay pigil-pigil ko ang sarili ko dahil ayokong makita ako ni Kiel na ganito ang epekto sa kanya.

"Let's go." Sambit niya tsaka inalalayan ako sa pagbaba.


Pagbaba ko ng sasakyan ay nakita ko si Kuya Joshua na nakatingin sa akin at binigyan ako ng 'I'm watching you.' look. Tumaas lang ang kilay ko sa kanyang naglalakad papasok.

Naramdaman ko ang paghawak ni Kiel sa aking kamay. Bahagya pa akong napatalon nang maramdaman ko ito.


"Are you okay?" Tanong niya. "Ayaw mo bang makipag holding hands sakin?"

Mabilis na nanlaki ang mga mata ko tsaka umiling. "Hindi."


Umiwas ako ng tingin kay Kiel. Nakita ko ang iilang estudyante na napapatingin sa aming dalawa.

"Hindi ko lang alam kung ano ang sasabihin nila satin." Nakayuko kong sambit sa kanya.


"Look at me." Rinig kong utos niya. Hinawakan niya ang baba ko upang magtama ang aming mga mata.

"Let them say what they want. I don't care. The important thing is, I'm holding the hand of the girl I love." Matamis na sambit niya tsaka ngumiti sa akin.


Huminga ako ng malalim tsaka tumango sa kanya. Ngumiti ako at hinawakang mas mabuti ang kamay ng lalaking nagpapasaya sa akin.

Habang naglalakad kami papunta sa classroom ko, ay napapansin ko ang mga tingin ng mga estudyanteng madadaanan namin. Bumabagsak ang mga mata nila sa kamay namin ni Kiel na magkahawak.


Liningon ko si Kiel na taas noong naglalakad at tila ba ay wala lang sa kanya ang mga tingin ng ibang tao. Napangiti ako ng tipid habang pinagmamasdan siya.

"Behave ka lang ha. Hintayin kita mamaya. Sabay ulit tayong umuwi." Sambit niya sa akin. Tumaas naman ang kilay ko sa una niyang sinabi.


"Ako pa talaga ang mag be-behave ah." Sagot ko sa kanya. Tumawa siya ng mahina tsaka ginulo ang ng bahagya ang buhok ko.

"May practice kami mamaya. Wait for me. Okay?" Utos niya sakin.


"Okay po." Sagot ko tsaka ngumuso.

Lumapit siya sakin at nanlaki ang mga mata ko nang mabilis niyang dinampi ang kanyang labi sa aking pisngi.


"Kiel!" Sita ko sa kanya. Tinawanan lang niya ako.

"Okay po. Behave na." Sambit niya tsaka ngumisi sa akin. Nalaglag lang muli ang aking bibig.


"Bye." Sambit niya. Tumango naman ako sa kanya. "I love you, baby!"

Sigaw niya at humalik muli sa aking pisngi bago tumakbo papunta sa classroom nila. Mas lalong nalaglag ang bibig ko habang pinapanood si Kiel na natatawa at ngiting waging tumatakbo papunta sa classroom nila.


Hindi ko napansin na napangiti na lang ako habang mabilis na kumakabog ang aking puso.

__


Pagkayari ng klase namin ay kaagad akong pumunta sa basketball court. Naka-upo ako sa mga bleachers habang pinapanood si Kiel na naglalaro at pawis na pawis.

Pinasa ang bola sa kanya. Nag-dribble siya at tumakbo para i-shoot ang bola mula sa three points lane. Napanganga ako sa galing niya. Bahagya akong pumalakpak.


"GO KIEL!!!" Sigaw ng mga fangirls niya sa kanya.

Kumunot naman ang noo ko sa kanila. Practice pa lang ito pero para nang puputok ang mga litid nila sa leeg dahil sa lakas ng sigaw nila.


"Baby!" Kaagad akong napalingon nang marinig ko ang boses ni Kiel.

Nag flying kiss siya sa akin at kinabog niya ang kaliwang dibdib niya at tinuro niya 'to sakin. I know that act! Gosh. Pakiramdam ko ay kasing pula na ng kamatis ang aking pisngi.


"What? Sila na?" Narinig kong reaksyon ng fangirls ni Kiel.

Liningon ko sila at nakita ko ang inis sa kanilang mga mukha. Bumuntong hininga sila at padabog na umalis ng court. Sinundan ko lang sila ng tingin.


"Panget mo!" Bukambibig ng babaeng may pinakamalakas na sigaw kanina.

Napanganga ako sa sinabi niya. Galit na galit ka teh?


Hindi ko na sila nakita nang biglang may humarang sa aking harapan. Tumingala ako at nakita ko si Kyla na nakatayo at nakatingin sa akin.

"Bii!!!" Tawag niya sa akin habang naka-cross arms.


"Kyla!" Tawag ko naman sa kanya. Napatayo ako ng bleachers.

"Kailan mo ako balak ilibre?" Tanong niya sa akin tsaka tinaasan ako ng kilay.


"Libre?" Tanong ko sa kanya pabalik.

Tumango naman siya sa akin. "Oo, aba kayo na ni Kiel. Nasaan na ang libre ko?"


Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Jassy, balitang-balita na ang tungkol sa inyo ni Kiel. Ayun na nga ang ibang mga fangirls ni Kiel at nagpapakalbo na dahil ikaw ang nagwagi sa kanilang hari."

"Jassy!" Narinig ko ang boses ni Aiden. Napalingon ako sa kanya. Dahan-dahan siyang bumaling kay Kyla.


"Hi, Kyla." Bati ni Aiden sa kanya.

Bumuntong hininga lang si Kyla tsaka naglakad papuntang bleachers at umupo. Sinundan ko lang silang dalawa ng tingin.


"Waiting for me?" Naramdaman ko ang pagtaas ng mga balahibo sa aking katawan nang marinig ko ang boses niya sa aking tenga.

"Kiel?" Tawag ko tsaka lumingon sa kanya. Nakita kong bagong palit siya ng damit ngunit bumabagsak pa din sa sahig ang kanyang mga pawis.


Napalunok ako.

"Masyado ba akong matagal?" Tanong niya sa akin. Umiling naman ako.


"H-Hindi. Ayos lang." Sagot ko sa kanya. Ngumiti siya habang sakbit-sakbit ang gym bag niya.

"Pupunta kami ngayon kina Lance dahil birthday niya. Nagpaalam na din ako kay Kuya Joshua." Sambit ni Kiel sa akin. Nagulat ako sa sinabi niya.


"Birthday ni Lance?" Tanong ko. Tumango lamang siya sa akin.

"Sama ka na, Jassy." Rinig kong sambit ni Aiden.


"Para sumama si Kyla." Bukambibig niya sa akin. Liningon ko si Kyla na nakatingin sa mga naglalaro ng basketball.

"Sige, text ko na lang sina Mama." Sagot ko tsaka tumingin kay Kiel.


Ngumiti siya sa akin. "I already texted them."

"Nagpaalam ka na din kina Mama?" Namamanghang tanong ko sa kanya.


Pambihira. Ang advance mo, Kiel.

Pumunta na kami kina Lance. Walang masyadong tao at mga iilang tao lang ang nandoon. Nahihiya pa ako dahil mga nakabihis ang iilan sa kanila ng maayos samantalang naka-uniporme lang kami.


"Mga pare!!" Bati ni Lance tsaka kami sinalubong. Bumaling siya sa akin.

"Oh, Jassy! Buti nakapunta ka sa birthday ko." Bati niya sa akin. Nahihiya akong ngumiti kay Lance.


"Happy birthday, Lance. Sorry, wala akong nadalang regalo." Sambit ko sa kanya. Umiling siya sa akin.

"Ayos lang. Regalo na sa akin ang pagpunta mo." Sagot niya tsaka ngumiti sa akin.


"Doon lang kami, Jassy." Sambit ni Kiel tsaka ako hinila papunta sa side ng pool.

"Uy, Kiel!" Bati ng iilan sa kanya. Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad habang hila-hila ako.


"What do you want?" Tanong niya sa akin. Tumingin ako sa kanya.

"Wala naman. Kahit drinks na lang." Sagot ko sa kanya. Nakita ko ang pagtango niya.


"Okay. I'll be right back. Dito ka lang." Bilin niya sa akin. Tumango naman ako.

Liningon ako muli ni Kiel bago siya tuluyang naglakad papasok sa loob ng bahay ni Lance. Nakita ko si Kyla na kausap ang iilang bisita ni Lance habang nasa tabi si Aiden at mukhang hinihintay ang oras niya kay Kyla.


"Hi!" Bati sa akin ng isang babae na suot ang palda ng school namin ngunit iba na ang pantaas na kanyang suot. Tumingala ako at tiningnan siya.

"Hello," Bati ko naman sa kanya pabalik.


"You must be?" Tanong niya sa akin.

"Jassy," Pakilala ko sa kanya. Tumango-tango siya.


"Jassy..." Namangha-mangha pa siyang tumingin sa akin. "Then you must be the Jassy that they are talking about."

"What do you mean?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko mawari kung ano ang gusto niyang sabihin sa akin.


Binagsak niya ang kanyang tingin sa akin. "Iyong Jassy na girlfriend daw ni Kiel Salazar."

Mabilis na nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sinabi niya. "A-Ako nga."


Sarkastiko siyang tumawa tsaka hinawi ang buhok niya patalikod.

"Akala ko naman seryoso na si Kiel sa pag gi-girlfriend. Parang si Ingrid pa rin ang seryoso niyang ginirlfriend." Sagot niya tsaka tumalikod at naglakad na papunta sa mga kaibigan niyang naghihintay sa kanya.


Nakita ko ang pamilyar na babaeng nakita ko kanina sa basketball court. Tumatawang nakipag-apir siya doon sa babaeng kumausap sa akin. SIya iyong babaeng may pinakamalakas na sigaw para kay Kiel at ang nagsabi na ang panget ko.


Mabilis akong napatayo nang maramdaman ko ang pangingilid ng mga luha ko. Hindi ko maiwasan ang pagkirot ng aking puso. Dali-dali akong naglakad at kung swe-swertehin ka nga naman, nabunggo ako ng isa sa mga bisita kaya natapunan ang damit ko ng sauce.


"Gosh, sorry!" Sambit ng nakabunggo sa akin. Mabilis na napunta sa akin ang mga atensyon ng bisita.

"Di na nga maganda, lampa pa." Rinig kong bulungan ng mga babaeng nagmamahal kay Kiel. Nagtawanan pa sila habang nakatingin sa akin.


Mabilis kong pinunasan ang aking damit habang tumutulo na ang mga luha ko.

"Jassy!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Lumapit siya at hinila ako papasok sa loob.


"Ayos lang, Lance. Uuwi na lang ako." Sambit ko habang paakyat kami sa taas ng bahay nila.

"May towel sa itaas." Sambit niya at sinamahan akong umakyat.


"Baka sugudin ako nina Tita kapag umuwi kang ganyan ang damit mo." Sambit niya habang kumukuha ng towel.

Nakatayo lamang ako sa gilid ng washing machine nila habang pinipigilan ang mga luha kong bumubuhos.


"When you turn into his girl..." Panimula ni Lance. Liningon ko siya. "You should prepare your heart for this kind of fight."

Inabot niya sa akin ang towel. Humihikbi ko naman iyung kinuha. "Campus crush ang boyfriend mo, kaya marami talagang mawawasak na pangarap ng mga babaeng nagkakagusto kay Kiel."


Yumuko ako at tumango kay Lance. Alam ko naman yun, sadyang hindi ko lang inexpect na ganito pala sa pakiramdam na may magalit sayo dahil minahal mo yung taong mahal na mahal at hinahangaan nila.

"Salamat, Lance." Umiiyak kong sambit. Hindi ko na nakita ang reaksyon ni Lance nang bigla siyang sumalampak sa sahig.


"Nawala lang ako saglit, nang-akin ka na ng akin." Napalingon ako sa nagsalita.

Nakita ko si Kiel na igting pangang sinuntok si Lance kaya napa-upo siya sa sahig ng laundry room nila.


"Pre, anong inaangkin?" Tanong naman ni Lance habang pinupunasan ang gilid ng kanyang labi dahil dumugo ito sa suntok ni Kiel.

"Angkinin mo na lahat ng babae sa buhay ko, wag lang si Jassy!" Sagot ni Kiel at akmang lalapit kay Lance habang nakasarado ang kanyang kamao.


"Kiel!" Tawag ko sa kanya.

"Jassy? Anong nangyari?" Narinig ko ang boses ni Kyla. Napatigil siya at nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ang nangyari.


"Shit!" Mabilis na pumagitna si Aiden sa dalawang kaibigan. "Ano ba naman kayo!"

"Umalis ka dyan, Aiden." Utos ni Kiel habang masamang nakatingin kay Lance.


"Kiel! Kaibigan natin si Lance. Hindi niya aagawin sayo si Jassy." Sagot ni Aiden kay Kiel ngunit tila wala itong naririnig.

"Tinulungan ko lang si Jassy, Kiel. Wala akong gagawing masama at walang malisya ang pagtulong ko-" Hindi na nayari ni Lance ang kanyang sasabihin dahil sumugod na muli si Kiel sa kanya.


"Ganyan din ang sinabi niya!" Katwiran ni Kiel. Napasigaw si Kyla habang pilit na inaawat ni Aiden si Kiel.

Napapikit naman ako. "Kiel!! Tama na!" Sigaw ko.


Para bang ang boses ko lamang ang tanging narinig niya. Tumigil siya at lumingon sa akin. Bahagyang kumalma ang kanyang mukha.

"Gusto ko ng umuwi. Uuwi na ako." Sambit ko habang yakap-yakap ko ang sarili ko.


Nauna na akong lumabas. Hindi pa ako nakakalayo nang maramadaman ko ang kamay niya sa aking palapulsuhan. Tumigil kami pareho sa paglalakad.

"Jassy..." Basag na boses niyang tawag sa akin.


Napapikit ako nang maalala ko ang mga babaeng humahanga sa lalaking mahal ko. Napabuntong hininga ako.


"Mag-usap tayo, baby."


Itutuloy....


Continue Reading

You'll Also Like

6M 195K 65
Christian Sage Monterio is not someone you messed up with. At age 17, he's fearless, bold, and dangerous. However, an incident happened that drove h...
6.5M 176K 61
Elliana Brielle Delafuente, "the innocent girl" of the Delafuente clan with a plastic attitude will do anything just to fit in with the standard of b...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.