What Love Can Do? (UNDER REVI...

By Princesss_AJ

1M 24.8K 1.2K

(COMPLETED) Ang "pag-ibig" ay maraming kahulugan para satin. Ito ay emosyon na ating nararamdaman sa isang t... More

-Prologue-
«Disclaimer»
Chapter 1 My Virgin Eyes!
Chapter 2 The Brother
Chapter 3 Friendship
Chapter 4 For the First Time
Chapter 5 First Kiss?
Chapter 6 Lover's Quarrel
Chapter 7 He's the Brother
Chapter 8 Panyo
Chapter 9 Crush?
Chapter 10 Apology
Chapter 11 It's a Deal!
AUTHORS NOTE! MUST READ!
Chapter 12 For you
Chapter 13 Meet the Sister
Chapter 14 Permission?
Chapter 15 Friendly Date
Chapter 16 She's the Noona
Chapter 17 Siomai
Chapter 18 Mr. Right?
Chapter 19 Is this Real?
Chapter 20 Comfort
Chapter 21 Protective Kuya!
Chapter 22 Aminan Time!!
Chapter 23 We're Still Friends?
Chapter 24 I'm Stuck with him
Chapter 25 A Princess for a Night
Chapter 26 A Princess for a Night (part 2)
Chapter 27 A Princess for a Night (part 3)
Chapter 28 Threat
Chapter 29 Her Realization
Chapter 30 Tuloy Pa rin
Chapter 31 Night Party
Chapter 32 End
Chapter 33 Blessing in disguise
Chapter 34 Stay with Me
Chapter 35 His Reason
Chapter 36 Revelation
Chapter 37 True Feelings
Chapter 38 Sacrifice
Chapter 40 First Date
Chapter 41 "Yes"
Chapter 42 Officially Mine
Chapter 43 Undeserved
Chapter 44 Don't like her
Chapter 45 Out of town
Chapter 46 Just Friends?
Chapter 47 Allergic
Chapter 48 Respect
Chapter 49 We are Jealous
Chapter 50 Couple's Conflict
Chapter 51 First love
Chapter 52 I'm Hurt
Chapter 53 I Love Her (Part 1)
Chapter 54 I Love Her (Part 2)
Chapter 55 Understand
Chapter 56 Dare
Chapter 57 The Truth
Chapter 58 Loss
Chapter 59 Grief
Chapter 60 First Monthsary
Chapter 61 We meet again
Chapter 62 Brothers
Chapter 63 Friends
Chapter 64 Left
Chapter 65 Tulad Mo
-Epilogue-
Shout Outs 🎉
💖Pasasalamat💖
What Love Can Do?
Book 2

Chapter 39 Love-Struck

14K 435 24
By Princesss_AJ


39: Love-Struck

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»



Kiel's POV

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at nakita ko ang puting kapaligiran. May isang ilaw sa itaas na napakaliwanag. Kaagad akong kinabahan. Patay na ba ako? Ito na ba ang sinasabi nilang liwanag? Sh*t hindi naman sa puso tumama yung bala ah? Pakshet!


Bakit kinuha ako agad? Ito na ba ang kabayaran sa mga kasalanang ginawa ko? T*ng ina! Nasa huli nga talaga ang pagsisisi. F*ck!


Nagkita na ba kami ni San Pedro? Tinanggap ba ako sa langit? O under observation pa rin ako? F*ck! Nakakakaba 'to.



"Hindi ka pa ba uuwi? Halos isang linggo ka na nandito?" Napakunot ang noo ko. Boses ni Ate Dianna yun ah?


"Magpahinga ka muna, babalitaan ka na lang namin." Boses naman ni Kuya Joshua yun?


"Wag kang mag-alala. Masamang damo yang isang yan." Si Aiden yun ah? Sarap kaltukan!


"Ihatid ka na namin." Si Kyla naman yun.


"Hindi. Dito lang ako. Hihintayin ko siya." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang boses ni Jassy.


Tama ba, siya nga ba ang narinig ko? T*ng ina! Bakit naririnig ko ang mga boses nila? Nagpapaalam na ba sila sakin? Pinaglalamayan na ba ako? Shit! Shit! Shit!


"Hayaan niyo na lang akong bantayan siya, hanggang sa magising siya."


Naramdaman kong may humawak sa aking kamay. Pamilyar ang hawak na ito. Parang may electric shock akong naramdaman nang hawakan niya ang kamay ko. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Ang akala ko ay namulat ko na ang mga mata ko kanina pero hindi pala. Guni-guni ko lang pala yun.


Ngayon totoo na, totoo nang dinilat ko na ang mga mata ko dahilan para makita ko ang babaeng palaging hinahanap ng mga mata ko. I squeezed her hands, dahilan para mapatingin siya sa akin. Kaagad na nanlaki ang mga mata niya.


"K-Kiel?" Napatayo siya mula sa kinakaupuan niya. "G-Gising ka na?"

"Love, tawagin natin yung doctor." Nagmamadali si Ate Dianna na lumabas ng kwarto. Hinila niya si Kuya Joshua palabas.


"Kiel? Kilala mo pa ba kami?" Kaagad siyang napalingon kina Kyla at Jassy. "Oh, no! Nagka-amnesia ata si Kiel!"

Nakita ko ang paglaglag ng panga ni Jassy. Natataranta siyang lumingon sa akin. Sinamaan ko naman ng tingin si Aiden. Sasapukin ko 'to pag nakatayo na ako dito.


"Aiden, huwag ka ngang magbiro ng ganyan." Suway ni Kyla sa kanya. Napalingon ako kay Jassy. Tahimik lang siya habang nakayuko.

Inabot ko ang kamay niya tsaka ito hinawakan. Naramdaman ko ang medyo pagtalon niya dahil sa ginawa ko.


"How are you?" Mahinang tanong ko sa kanya. Tumingin lang siya sa akin.

"Naaalala pa niya!" Sigaw ni Aiden. Kaagad siyang naglakad palapit sa akin tsaka ako yinakap. "Namiss ka namin parekoy!"


"Aray! Aray!" Pagkukunwari ko. Mabilis naman siyang hinila ni Kyla tsaka sinamaan ng tingin.

"Sorry, Kiel. Namiss ka namin. Pinahirapan mo din kami ng isang linggo." Sambit niya dahilan para mapataas ako ng kilay.


"Isang linggo?" Nagtataka kong tanong sa kanila.

"Oo, Kiel." Malungkot na sagot ni Kyla sa akin. Napatango naman ako sa kanya habang hindi makapaniwala.


"A-Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Rinig kong tanong ni Jassy sa akin. Hawak-hawak ko pa din ang kamay niya habang natataranta naman siya at di mapakali.

Napangiti ako. "Come here." Sambit ko at tinapik ang espasyo sa aking gilid.


Nag-aalangan pa si Jassy kung uupo ba sa tabi ko o hindi. Bahagya kong hinila ang kamay niya at umusog ako ng kaunti para maka-upo siya.

"Okay, exit muna kami." Sambit ni Kyla tsaka hinila si Aiden. Mukhang hindi pa sila nagkakabati per sa tingin ko, magkaka-ayos din silang dalawa dahil hindi naman nila matitiis ang isa't-isa.


Liningon ko siya nang makalabas sina Kyla at Aiden. Kumunot ang noo ko habang hinuhuli ang mga mata niya.

"May problema ba, Jassy?" Tanong ko sa kanya. Umiling lang siya sakin habang nakayuko.


"Bakit hindi ka nagsasalita? Hindi ka ba masayang nagising na ako?" Tanong ko sa kanya. Pinihit ko ang pisngi niya para makita ko ang mukha niya. Nagulat ako ng makitang umiiyak siya. Kaagad akong nataranta.

"Jassy? Bakit ka umiiyak? May nanakit ba sayo? May masakit ba sayo?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya.


"W-Wala..." Nakayukong sagot niya sa akin. Hinawakan ko ang pisngi niya.

"Tell me, what's wrong-" Hindi ko na natuloy ang itatanong ko dahil biglang sinapo ni Jassy ang kanyang mukha.


"Akala ko iiwan mo na ako. Akala ko hindi ka na magigising. Sobra akong natatakot, Kiel. Natatakot akong mawala ka..." Hindi maiwasang mapangiti sa huli niyang sinabi.

Lumunok ako at ibinalik ang aking seryosong mukha.


"Bakit ka natatakot na mawala ako?" Tanong ko sa kanya. Nag-angat siya ng tingin sa akin tsaka iniiwas ito.

"H-Huh? Eh kasi diba, dapat ako yung tatamaan ng bala p-pero sinalo mo." Iwas niyang sagot sa akin. Tumango-tango ako.


"Ayun lang?" Nakangusong tanong ko sa kanya.

"H-huh? A-Ano..." Na-uutal niyang sagot. Pinigilan ko ang pagngisi ko. Binitawan ko ang kamay niya dahilan para mapatingin na si Jassy sa akin.


"Yun lang pala..." Panimula ko tsaka humiga ulit. "Matutulog na lang ulit ako."

"Huh? Hindi!!" Mabilis na tanggi ni Jassy sa akin. Ipinikit ko ang mga mata ko at nagkunwaring babalik sa pagtulog.


"Hindi, ayos lang. Ayun lang naman pala eh. Matutulog na lang ulit ako, tingnan na lang natin kung magigising-" Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko dahil naramdaman ko ang paghawak niya sa magkabilang balikat ko. Bago ko pa idilat ang mga mata ko ay mabilis kong naramdaman ang paglapat ng kanyang mga labi sa aking labi.

It was just a swift kiss on the lips. But f*ck, it sent shivers down my spine.


Idinilat ko ang mga mata ko at nakangangang tumingin kay Jassy na nakayuko.

"Syempre, natatakot din akong mawala ka kasi hindi ko kaya." Nahihiyang sambit niya. Napatingin ako sa labi ni Jassy. Napalunok ako tsaka siya hinila palapit sa akin para mayakap.


"B-Baka masaktan ka, Kiel." Sambit ni Jassy habang inaayos ang sarili niya dahil baka matamaan niya ang sugat ko. Mas lalo ko lang siyang yinakap ng maghigpit.

"Ayos lang masaktan, kung ikaw naman ang dahilan." Bulong ko sa kanya. Para naman akong elementary-ng kinikilig dahil nakayakap niya si crush.


"S-Sana hindi ako nananaginip. Sana sa pagdilat ng mga mata ko, totoo na ang lahat ng ito." Rinig kong mahinang sambit ni Jassy. Hinawakan ko ang likurang buhok niya.

"Hindi 'to panaginip, Jassy. Gising na talaga ako." Sagot ko sa kanya. Napapikit ako habang nakayakp kay Jassy. "Totoo na ang lahat simula ngayon."


"Ayos ka na ba talaga?" Tanong niya sa akin. Naka-upo siya sa tabi ko habang nakahiga naman ako.

"Medyo masakit pa ang sugat ko." Kinuha ko ang kamay niya. I start playfully trace the line in her palm.


"Pero ayos na ako, nakita ko na yung source of energy ko." Dugtong ko tsaka ngumiti sa akin. Nakita ko namang pumula ang pisngi ni Jassy tsaka umiwas ng tingin sa akin.

"Yung totoo, Kiel. Tama na yung pagbibiro mo." Sambit ni Jassy sa akin habang iniiwas pa din ang mga mata sa akin.


"I'm not joking." Natatawang sagot ko. Inangat ko ang ulo ko tsaka linapit sa kanya. Hinila ko naman siya gamit ang kamay niyang hawak-hawak ko.

"Seryoso ako pagdating sayo." Dugtong ko tsaka tumingin ng diretso sa kanyang mga mata.


"So tell me, bakit hindi mo kayang mawala ako?" Pang-aasar ko sa kanya. Nanlaki naman ang mga mata niya tsaka lumayo sa akin.

"Huh? Nasagot ko na yan ah?" Katwiran niya sa akin. Umayos ako ng upo tsaka natatawang humarap sa kanya.


"Nasagot mo na ba?" Nagkunwari akong nag-iisip. Nakita ko ang paglingon niya sa akin.

"So ako na lang yung hindi mo sinasagot?" Tanong ko sa kanya tsaka ngumiti. Nakita ko naman ang paglaki ng mga mata ni Jassy. Kaagad naman siyang tumayo tsaka tumalikod sa akin.


Natawa naman ako sa reaksyon niya. Ang cute talaga ni Jassy. Sarap halik-halikan ng pisngi. Hhhmmm...

"S-Sasagutin ka? Di ka naman nanliligaw. " Rinig kong mahinang sagot niya. Mas lalo akong napangiti.


Binaba ko ang paa ko sa sahig tsaka siya hinila palapit sa akin. Bumagsak siya sa mga bisig ko kaya kinulong ko siya rito. Naramdaman ko naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko nang makita ko nang malapitan ang ganda ni Jassy.

"Kung ganun...pwede ba akong manligaw?" Tanong ko sa kanya habang nakayuko samantalang nakatingala naman siya sa akin.


"A-Ano? N-Nagpaalam ka na ba kay-"

"Ehem!" Kaagad kaming napatingin sa may pintuan, nakita namin sina Kuya Joshua at Ate Dianna.


"Kuya!" Natatarantang tawag ni Jassy sa Kuya niya. Magkasalubong ang kilay ni Kuya Joshua habang si Ate Dianna naman ay pinipigilang tumawa. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang aking pag ngisi.

"N-Nandyan na yung Doktor?" Natatarantang tanong ni Jassy. Tumango lang si Kuya Joshua tsaka naman ako humiga ulit sa kama.


"Mr. Salazar, I'm glad that you are awake now. It seems na nakatulong ang mga taong nasa paligid mo para magising ka." Sambit ni Doc sa akin tsaka tumingin kina Jassy na nasa loob ng kwarto.

"Doc?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Ngumiti lang si Doc sa akin.


"Oh, you know what I mean, Mr. Salazar. Sometimes love can cure this kind of situation." Sagot niya tsaka tumango sa akin. Napangiti na lang ako sa kanya.

Ano daw? Love? Bakit may ganun? Sino ba ang Doctor na 'to? Si Dr. Love?


"I will just run some examinations later, so we could see if you are fine and can be out in the hospital. I'll leave you with your friends. Thank you." Sambit ni Doc tsaka naglakad palabas ng kwarto.

"Love, pwede bang bumili muna kayo ni Jassy ng pagkain?" Utos ni Kuya Joshua kay Ate Dianna. Mukhang alam ko na ang mangyayari. Patay na!


"Pero Kuya-"

"Tara na Jassy!" Aya sa kanya ni Ate Dianna. Hindi na nakatanggi si Jassy at sumama na lang sa paghila ni Ate Dianna


Naiwan kaming dalawa ni Kuya Joshua sa kwarto. Sa hindi ko malamang dahilan ay bigla akong nakaramdam ng kaba.

"Kiel, mag-usap tayo. Lalaki sa lalaki." Seryosong sambit ni Kuya Joshua sakin. Napalunok na lang ako bigla.


"S-Sige, Kuya." Tugon ko sa kanya. Umupo siya sa may sofa at dumikwatro.

"Ano ba ang nararamdaman mo sa kapatid ko?" Diretsong tanong ni Kuya Joshua sakin.


"Ayusin mo ang sagot Kiel. Hindi pa ako nakikipagrumble ng mahigit Isang linggo." Dugtong niya at pinatunog pa niya ang mga buto niya sa kamay niya. Napalunok tuloy ako.

Huminga muna ako ng malalim tsaka sinabi ang totoong nararamdaman ko.


"Mahal ko ang kapatid mo. Hindi ko alam kung kailan basta isang araw napagtanto ko na mahal ko na siya." Seryoso at kalmado kong sagot sa kanya. Pinilit ko ang sarili kong maging seryoso at kalmado, ayokong mahalata ni Kuya Joshua na kinakabahan ako.

"Mahal, Huh?" Nakangisi sakin si Kuya Joshua.


"Anong magagawa ng mahal-mahal na yan? Alam niyo na ba magmahal?" Nag cross arms pa si Kuya Joshua tsaka sumandal sa sofa.

"Wala man akong gaanong alam tungkol sa pagmamahal. Hindi ko man alam ang tamang paraan kung paano mag mahal? Wala akong pakialam. Dahil iisa lang ang sinasabi ng puso ko ngayon, iyon ay ang pagmamahal ko kay Jassy. Sa tingin ko sapat na yun para ipakita ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal."


"Mahal ko si Jassy. Period walang kasunod."


Huminga ako ng malalim pagkayari kong magpaliwanag. Seryoso pa rin ang mukha ni Kuya Joshua.


"Diba nag-usap na tayo dati? Nung araw na makita ko kayong magkasama? Nagkaroon na tayo ng kasunduan doon diba? Na sa oras na ipahamak mo ang kapatid ko. Malilintikan ka sakin." Pagpapa-alala sakin ni Kuya Joshua.

Oo, naalala ko yun. Kinausap ako ni Kuya Joshua nun. At marahil kong ipinaliwanag sa kanya na walang namamagitan samin ni Jassy nung panahong makita niya kaming magkasama. Nagkaroon kami ng kasunduan nun na huwag kong ipapahamak si Jassy at hindi ko tataluhin ang kapatid niya pero wala akong nagawa. Nahulog ako. Mahal ko eh.


"Alam ko yun, Kuya. Hindi ko naman alam na idadamay nila si Jassy. Kung nalaman ko lang ng maaga, sana nalayo ko siya. At tsaka pinigilan ko naman ang nararamdaman ko kay Jassy. Kaso ang hirap eh. Patawarin mo ako Kuya Joshua kung napahamak si Jassy dahil sakin." Paghingi ko ng kapatawaran sa kanya.


"Matagal ko ng kinalimutan ang kasunduan nating yun dahil alam ko naman na kahit anong oras malalaman niyo sa sarili niyo ang mga nararamdaman niyo sa isat-isa. Wala akong tutol sa mga nararamdaman niyo, pakiramdam niyo yan. Pero hindi mo ako maiiwasang pag-alalahanin, Kiel. Nakakabatang kapatid ko siya. Kaya mahirap sakin itong sitwasyon niyo. Lalo na't maraming tao ang may pwedeng gawin sa'yo at gamitin nila si Jassy laban sayo."


"Naiintindihan kita, Kuya Joshua. Maski rin naman ako ay natatakot pero sisiguraduhin ko na mula ngayon. Hindi ko na hahayaan na mapahamak si Jassy." Nakita ko ang pagngisi ni Kuya Joshua. Shit mukhang hindi pa siya kuntento sa sagot ko ah? Kaya ko ba? T*ng ina It's now or never na lang!


"Kuya Joshua! Bigyan niyo akong ng chance kay Jassy. Pangako ko sayo hinding-hindi ko siya sasaktan. Alam kong marami na akong napa-iyak na mga babae. Pero wala akong naramdaman kahit isa sa kanila. Ibang-iba ang nararamdaman ko kay Jassy. Kakaiba. Na mismo ako hindi ko rin inakala. I promise you, I won't hurt her....never."


Mahaba kong paliwanag sa kanya. Medyo hinabol ko pa ang hininga ko pagkayari ko yang sambitin. Tiningnan ko siya at wala lang siya reaksyon.

Maya-maya ay tumayo siya sa sofa at lumapit sakin. T*ng ina? Pumayag kaya siya? Sana bigyan niya ako ng chance.


"Okay, It's a deal. Love Jassy as much as you can, but never hurt her. Or I will kick down your ass." Seryosong bilin sakin ni Kuya Joshua. Inabot niya sakin ang kamay niya at ganun din ako.

"Deal." Nag shake hands kaming dalawa.


Masaya ako ngayon na pinayagan ako ni Kuya Joshua. Pangako ko na kahit kailan hinding-hindi ko sasaktan si Jassy. Mahal na mahal ko siya na natatakot akong saktan siya.

"Tatawagin ko na sila." Tumalikod na siya at binuksan na niya ang pintuan, hindi pa siya nakakalabas ng tuluyan ay lumingon siya sakin.


"Pero, bilib din ako sayo Kiel..." Bahagya akong nagtaka sa sinabi ni Kuya Joshua.


"Sinalo mo ang balang dapat kay Jassy. You sacrifice your life so she could live. That's pretty amazing."


Tuluyan ng lumabas si Kuya Joshua. Napangiti na lang ako. Masaya ako dahil ito agad ang bumungad sakin.


Nakita kong bumukas ang pintuan at nakita kong pumasok na sina Ate Dianna, Kuya Joshua at si Jassy. May dala silang pagkain na nasa plastic. Agad-agad naman akong linapitan ni Jassy.


"Anong sinabi sayo ni Kuya?" Diretso niyang tanong sakin.

"May sinabi ba siya sayong masama? Pinagbantaan ka ba niya?" Natatawa na lang ako sa kanya. Ang dami niyang tanong at ang cute niya!


"Wala. Usapang lalaki yun." Bahagya kong ginulo ang buhok niya at nakita ko ang pagnguso niya.

"Anong dala mong pagkain?" Tanong ko sa kanya sabay tingin sa dala-dala niya.


"Oh, ito." Inabot niya sakin ang isang styro.

"Alam mo talaga ang mga gusto ko ah?" Nakangiti kong asar sa kanya. Kinain ko kaagad ang siomai na binili niya sakin. Na miss ko rin 'to, lalo na siya.


Habang kumakain ako, nakita ko siyang nakatingin sakin na tila ba'y pinagmamasdan ako. Kaya napagdesisyunan kong lambingin siya.

"Come here." Utos ko sa kanya. Hindi pa siya lalapit sakin kung hindi ko pa siya hinila. Nagulat siya sa ginawa ko.


"Subuan mo naman ako." Paglalambing ko sa kanya. Nagulat siya sa sinabi ko.

"Huh?..K-Kaya mo naman diba? Ikaw na lang." Umiwas pa siya ng tingin sakin.


"Sige na, please." Nag puppy eyes pa ako sa kanya.

"Ano ba. Nandyan si Kuya." Naiilang na sambit niya sa akin. Yumuko siya at pinaglaruan ang mga daliri niya.


"Ayos lang yan. Pumayag na siya..." Hinila ko siya palapit sakin.

"Pumayag na siyang pakasalan kita." Bulong ko sa kanya. Tinulak pa niya ako palayo. Nakita ko ang pamumula niya kaya hindi ko maiwasang hindi matawa.


"B-Baliw ka!" Reklamo ni Jassy sa akin.

"Ehem!" Pagsabat ni Kuya Joshua samin.


"Itigil niyo nga yang lambingan niyo." Seryosong sambit niya.

"Love! Parang hindi ka naman ganyan. Kung lambingin mo nga ako, sukdulan eh. Hayaan mo sila." Pagsaway ni Ate Dianna kay Kuya Joshua. Natawa naman ako.


"Anong hayaan sila?" Irritadong tanong ni Kuya Joshua. Tapos tumingin siya ng masama sakin.

"Tara na nga!" Hinablot ni Ate Dianna ang kamay ni Kuya Joshua.


"S-Saan tayo pupunta? Dito lang tayo." Pinigilan ni Kuya Joshua si Ate Dianna.

"Isa!"


"Ayoko," Umupo si Kuya Joshua habang si Ate Dianna ay nakatayo.

"Wag mo akong paabutin ng tatlo kundi break na tayo!" Nag cross arms pa si Ate Dianna nakita kong nagulat si Kuya Joshua.


"Dalawa!"

"Tatlo-"


"Tara na!" Tumayo si Kuya Joshua at hinila na niya si Ate Dianna palabas. Hindi pa sila nakakalabas ay lumingon siya samin.

"Hoy pader! Wag kang gagawa ng kalokohan ah? May cctv dito." Utos niya kay Jassy.


"Ano naman ang gagawin ko dito, Kuya?!" Angal naman ni Jassy. Natatawa talaga ako sa kanilang magkuya.

"Naninigurado lang." Sagot ni Kuya Joshua. Tiningnan ako ni Kuya Joshua at tinanguan niya ako kaya tinanguan ko din siya pabalik.


Play niyo yung song!! Pleaseeee


"Under talaga si Kuya kay Ate Dianna. Ang cute nila." Natatawang sambit ni Jassy sakin.


"Mas cute ka." Bati ko sa kanya. Kaagad niya akong liningon.

"Ako, I'm willing to be under you." Sambit ko sa kanya. Kaagad naman niya akong hinampas sa braso ng mahina.


"Ang bastos mo!" Reklamo niya sa akin. Bigla akong natawa sa sinabi niya.

"What? Totoo naman ah." Natatawang sagot ko sa kanya. Sinamaan lang niya ako ng tingin.


"Kahit na maging alipin pa ako ng pag-ibig mo, ayos lang. Basta ikaw ang Reynang pagsisilbihan ko." Dugtong ko tsaka inabot ang kamay niya. Naramdaman ko ang panginginig nito.

Marahil ay hindi pa siya sanay kaya kinakabahan siya. Napangiti ako.


Masasanay ka din, baby.


"A-Ano bang sinasabi mo?" Nauutal niyang tanong sa akin. Ilinagay ko ang kanyang kamay sa aking kaliwang dibdib. Diretso akong tumingin sa kanyang mga mata.


"Sinasabi ko, ikaw 'tong tinitibok ng puso ko. Nakasulat sa puso ko ang pangalan mo."

"Baliw ka nuh?" Inalis niya ang kamay niya sa dibdib ko at umiwas ng tingin sakin.


"Baliw sayo? Oo!" Sagot ko sa sarili kong tanong. Bigla siyang natawa kaya mas lalo akong napangiti.

"Jassy..." Kinuha ko ulit ang kamay niya.


"Wag ka ng mailang sakin. Parang hindi mo naman ako hinalikan dati." Sambit ko sa kanya at hinalikan ko ang kamay niya. Bigla naman niyang hinila ulit ang kanyang kamay at linagay ito sa gilid niya.

"Hoy, Mr. Kiel Salazar! Ipapaalala ko lang sayo, hindi kita hinalikan nuh? Kailan yun? Baka nanaginip ka lang. At kung hahalikan kita noon baka sinapak na lang kita."


"Nung sa-"

"Ops! Ako muna." Hindi na niya ako pinagsalita dahil binawalan niya ako. Tinapat pa niya ang kamay niya sa mukha ko.


"Isa pa, nakakadami ka na ng hawak sa kamay ko ah. Hindi pa naman tayo. Hindi ka pa nga nanliligaw, tapos sasagutin na agad kita?" Hindi ko alam kung galit siya o nahihiya dahil umiiwas siya ng tingin sa akin at palaging bumababa ang tono ng boses niya.

"Edi liligawan kita ngayon na!" Agad ko namang sagot sa kanya. Nanlaki naman ang mga mata niya. "Nagpaalam na ako sa Kuya mo. Pumayag na siya. Approval mo na lang kulang."


"Pumayag s-si Kuya?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin. Tuamngo ako bilang kasagutan.

"S-Sige." Mahinang sagot niya. Para naman akong pinaliguan ng rainbow dahil sa sinabi niya. Napangisi ako at naka-isip ng pang-asar sa kanya.


"Pero dapat malaman ko muna ang nararamdaman ko sa akin." Pang-aasar ko sa kanya.

"Huh? Eh kaya ka nga manliligaw diba? Kasi susubukan mong kuhanin ang sagot kong oo?" Katwiran naman niya.


"Di pa ako nanligaw ng ganito kaseryoso. Kaya gusto ko, malaman ko muna kung may chance ba ako sayo." Sagot ko tsaka tumingin sa kanya.

"Masakit ma-reject, lalo na sa unang babaeng sineryoso ko." Dugtong ko at nagkunwari pa akong masakit ang puso ko.


"Diba sabi nila, to see is to believe? Kailangan ko munang makita bago ako maniwala." Sagot niya sa akin. Mas lalo akong nagdrama.

"Ang unfair mo naman! Ako buwis buhay yung pagsabi ko sayo na gusto kita may pa I love you pa akong baon nun tapos ikaw? Hindi mo man lang sasabihin sakin ang mga katagang Kiel, Gusto kita. Pambihira!" Reklamo ko sa kanya. Hindi na ata ako nagku-kunwari dahil napahalukipkip na ako at napanguso dahil sa inis.


Kumunot ang noo ko nang bigla siyang tumawa ng malakas na kinagulat ko naman. Aba! Nang-aasar ba siya?

"Bakit ka tumatawa?" Irritado kong tanong sa kanya.


"Para ka namang bata." Natatawang sagot niya sakin. Hinawakan pa niya ang tiyan niya.

"Bata pala ah! Halika dito." Hinila ko ang kamay niya para maglapit ang mukha at katawan namin.


"Kung ayaw mong sabihin na gusto mo ako. Okay lang, hahalikan na lang kita." Yakap-yakap ko siya ngayon at akma ng hahalikan.

"Okay! Sasabihin ko na!" Sambit niya at nagpupumiglas siya sa yakap ko.


"Sure?"

"Oo!"


Tumayo na siya at humarap sakin. Huminga muna siya ng malalim at inayos ang sarili niya.

"Poem 'to. Makinig ka." Huminga ulit siya ng malalim. Kumunot ang noo ko habang pinapanood siya at hindi ko maiwasang mapangiti.


"Kiel Salzar, bow." Natawa ako sa ginawa niya. Talagang nagbow siya, akala mo tuloy isa siyang Grade One na sumali sa isang poem contest.

"Isang mayabang, aroganteng nilalang. Walang alam kundi makipaglampungan at makipaglandian. Hindi marunong mag please at tamad sa buhay. Bad boy at Dakilang Fvck boy na takot sa isang aso. Walang matutulong sa lipunan. Yan si Kiel Salazar..." Naningkit ang mga mata ko sa kanya. Insultuhin ba naman ako?


Damn, girl! Siya lang talaga ang nakakagawa neto sa akin.

"Dati." Dugtong niya sabay bawi sa mga sinabi niya kanina.


"Kiel Salazar, bow, saksakan ng gwapo 't habulin ng aso. Ay este babae pala.

Isang fvck boy na inaasar ako.


Isang taong hindi ko inaakalang huhuli sa puso ko.

Gusto daw niyang malaman, aking nararamdaman.


Pwes! Kiel Salazar, gusto kita.

GUSTONG-GUSTO KITA."


Kusa na lang ngumiti ang mga labi ko at bigla ko na lang siyang hinablot at yinakap ng mahigpit. Pakiramdam ko nag-iinit ang pisngi at katawan ko. T*ng ina, si Jassy lang talaga ang may kayang gawin ang mga bagay na 'to sakin. Si Jassy lang, wala ng iba.

"Saan mo sinearch yan?" Tanong ko sa kanya habang yakap-yakap ko pa din siya.


"Anong saan sinearch? Ako gumawa niyan. Habang wala ka pang malay at nasa tabi mo ako nun. Doon ko naisip yan. Pinagpuyatan ko pa yan ah." Pagtatanggol niya sa sarili. Naramdaman ko na lang ang mga kamay niya sa likod ko. Magkayap na kami ngayon.

"Salamat." Bulong ko sa kanya.


"Saan? Dahil sinabi kong gusto kita at ginawa kita ng napakagandang poem sa balat ng lupa?" Natatawang tanong niya sakin.

"Oo, pero salamat dahil kahit na Dakilang Fvck Boy 'tong lalaking gusto mo. Ginusto mo pa rin ako. Thank you for accepting who I am." Sagot ko sa kanya.


"Wala yun. Hindi importante sa akin ang nakaraan mo. Mahal kita, Kiel at iyun ang mas importante para sa akin." Sagot naman niya sa akin. Napangiti na lang ako.

"I love you a hundred times, Jassy."


Ilang minuto rin kaming nagyakapan ni Jassy. Shit ang bilis ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko, lalabas na 'to anumang oras. Pero ang saya-saya ko. Hindi ako nagkamaling gumising at imulat itong mga mata ko dahil nakapiling ko sa unang pagkakataon ang babaeng mahal ko sa pangalawa kong buhay.


Thank You Lord.



Itutuloy....


A/N: Sorry for the late update!! Thank you sa mga comments niyo!! Waahh nakakamotivate kayo! Lalong lalo na yung mga nag fa-flood votes dyan!! Yiiee! Kaya love ko kayo eh! 


Read●Vote●Comment●Share



"Always keep your Tiara UP!"




~Princesss_aj

Continue Reading

You'll Also Like

67.9K 1.7K 22
Shiloh Esperanza was a transferee student. She's your typical innocent good girl who always follows orders around, listens to her parents, follows he...
618K 9.2K 55
Fuckboy always a fuckboy charot.
2.1M 58.4K 64
One bet | One curse | Infinite lessons of love ✔️Wattys2017 winner- The Breakthroughs ✔️Highest ranking: #9 in Teen Fiction. LANGUAGE: FILIP...