Taming The Bad Boy [Complete]...

By PrincessInJeans

1.3M 19.9K 2K

[Formerly : Taming The Casanova Gangster] He is a jerk. I was naive. Our love was wicked. And this is our st... More

Prologue
Introduction
Chapter 1 [Manong Manyakis]
Chapter 2 [The Deal]
Chapter 3 [The Playboy vs. The Amazona]
Chapter 4 [How to Tame a Casanova]
Chapter 5 [Secrets]
Chapter 6 [I'm sorry]
Chapter 7 [The Nerd and The Playboy]
Chapter 8.1 [Heartaches of the Casanovas]
Chapter 8.2 [Heartaches of the Casanovas]
Chapter 9 [Si Voldemort at si Kuya Payong]
Chapter 10 [Enzo Who?]
Chapter 11 [WHAAAAT?!]
Chapter 12 [Dwaeji.]
Chapter 13 [Nagseselos nga.]
Chapter 14 [Not so happy birthday]
Chapter 15 [Love and Friendship]
Chapter 16 [Heartbreak]
Chapter 17 [Truth]
Chapter 18 [Win His Heart]
Chapter 19 [End of the Day]
Chapter 20 [Nagpapapansin]
Chapter 21 [Can I kiss you?]
Chapter 22.1 [Bestfriend]
Chapter 22.2 [Bestfriend]
Chapter 23 [Mutual Feelings]
Chapter 24 [Daddy's girl]
Chapter 25 [Last Goodbye]
Side Story [Keeping Faith]
Introduction [Part Two]
Chapter 26 [Home]
Chapter 27 [Damn you]
Chapter 28 [Still the same]
Chapter 29 [Game On]
Chapter 30 [It's Different]
Chapter 31 [Push and Pull]
Chapter 32 [Smile More]
Chapter 33 [I'll chase you]
Chapter 34 [I'm not sorry]
Chapter 35 [Stay]
Chapter 36 [Against everything]
Chapter 37 [Let you go]
Chapter 38 [Get over you]
Chapter 39.1 [Andrea Wilson]
Chapter 39.2 [Andrea Wilson]
Chapter 40 [That Lingering Feeling]
Chapter 41 [Let's end this]
Chapter 42 [Wait for me]
Chapter 44 [Meant to be]
Epilogue

Chapter 43 [Strangers]

12.9K 213 29
By PrincessInJeans

Chapter 43

[Strangers]

 

< Sophia's POV >

One of the saddest things in this world is being so close to a person one moment and being complete strangers the next one.

"Hello, Ma?" Hirap na hirap akong iipit  yung phone ko sa pagitan ng ulo ko at ng balikat ko habang inaayos ko yung balot nung painting na idedeliver ko ngayon.   

"Pia, nasa studio ka na ba?"

"Yes, Ma." Muntik akong masubsob sa stairs paakyat sa main door ng building dahil may mga babaeng tumakbo at natabig ako. Hindi man lang nagsorry, ano ba yan!

"Thankyou, Pia. Sobrang importante lang kasi nung client kaya ikaw mismo ang kailangang magdeliver ng painting. Pero ayos na rin yan di ba, diyan naman nagtatrabaho si Enzo." Napatigil ako sa paglalakad. Hindi ko pa rin pala nasasabi kay mommy na wala na kami ni Enzo.

"O-oo nga, Ma." 

"Sige, I need to go. Bye." 

"Bye Ma!" I hung up the phone at pinasok ito sa bulsa ng pantalon ko.


Napatigil ako sa pinakamataas na baitang nung stairs nung mapansin kong ang daming babaeng nagkakagulo dun at nakaharang pa sa main door.

"Um, excuse me." Sinubukan kong makisingit pero walang pumansin sa'kin. Nasiko pa ko sa tiyan nung isang katabi ko na sobrang excited at talon ng talon. Wow ah, bakit ba sila tuwang-tuwa? Ano, may artista ba?

"ENZOOOOO! I LOVE YOUUUUU!" Enzo? As in si Lorenzo Lee? Tumingkayad ako at muntik na kong matamaan ng kamay sa mukha ko nung nasa unahan ko pero kahit papano, nakasilip ako sa napakaliit na space sa pagitan ng mga tuwang tuwang fangirls ni Enzo. Nanlaki yung mata ko nung makita ko si Enzo na papasok ng building. Pinapalibutan siya ng mga security guards. Saglit na tumingin si Enzo at ngumiti sa direksyon ko--namin--at kumaway bago pumasok ng building.


Anak ng tokwa, may artista nga! Pero teka, ako ba yung nginitian niya? I mentally laughed at the thought. Eh mata ko nga lang yung nagkasilip sa pagitan nung mga babae at halos hindi ko pa nakkita si Enzo. Walang tsansa na nakita niya ko.

Nasanay lang kasi ako na para sa'kin lagi yung mga ngiti niya kahit pa nakahalo ako sa libo-libong tao.

"Ang gwapo talaga ni Fafa Enzo no!"

"Sinabi mo  pa. Huhu, bet na bet ko talaga yung mga chinitong ganyan! At mala-anghel pa yung boses!"

"Kaso lang taken na! Inlove na inlove kaya 'yan sa girlfriend niya."

"Ano ka ba? Yung isang friend ko nagtatrabaho diyan sa recording studio nila. Break na raw si Fafa Enzo at yung girlfriend niya!"

"Weeeh? Talaga? Omg! Hallelujah!"

"Luka! Kala mo naman may chance tayo kahit pa single na siya."

"Walang masamang umasaaa. Malay mo. At least single and ready to mingle na si Fafa Enzo ko, ayii! Pero ang tanga lang nung girlfriend niya para pakawalan pa siya no!"

"Sinabi mo pa. Baliw ba siya?"

Tinignan ko ng masama yung mga babae. Nung mapansin nilang nakatingin ako tinaasan lang nila ako ng kilay bago umalis tapos tumuloy na sila sa pagchichismisan tungkol kay Enzo.

Dati-rati kahit papano may mga nakakakilala pa rin sa'king fans ni Enzo bilang girlfriend niya. Pero habang dinadaanan ako nung mga fans niya na paalis na, wala man lang ni isang lumingon sa'kin.

Narealize ko tuloy na patuloy na sumisikat si Enzo, patuloy na dumadami yung mga umiidolo at nagmamahal sa kanya. Tuloy lang sa paglawak ang mundo niya. Samantalang ako, naiiwan dito. Wala nang makakaalala sa'kin bilang yung babaeng minsang minahal nung idol nila, ako na lang yung babaeng napakalaking tanga para pakawalan siya. Hindi magtatagal, hindi na rin ako magiging importante at makakalimutan na nila ang tungkol sa'kin, habang si Enzo, patuloy nilang mamahalin.

Palayo na ng palayo ang mundo namin ni Enzo.  

Nanlulumo akong pumasok sa building nila. Pinapasok ako agad nung guard nung makita ako dahil kilala naman na niya ko.

Nakita ko si Enzo sa gilid ng lobby na may kausap na dalawang katrabaho niya. I wanted to approach him and talk to him, katulad ng dati. Pero siya na rin mismo ang humiling sa'kin na hayaan ko muna siya, na hindi na muna niya ko gustong makita o makausap. Sino ba ko para tumanggi?

Pumasok ako ng elevator at pinindot yung 9th floor. Nagsasarado na yung pintuan nung elevator nung may humarang na kamay. 

Parang napigil yung hininga ko nung makita ko sino yung may-ari ng kamay na 'yun.

Si Enzo.

Nagtama yung paningin namin. I could see all  the emotions he felt when he saw me, longing, pain, and even love, and yet he did not acknowledge me when he entered the elevator with his two co-workers.

Alam ko namang humiling siya ng panahon sa'kin bago maibalik yung dati naming friendship. Alam ko ring kailangan niya yung panahon na yun para gumaling yung mga sugat na iniwan ko sa kanya. Pero hindi ko pa ring mapigilang masaktan na nandito kami pareho sa isang maliit na elevator at hindi man lang namin magawang magbatian.

Nagtatawanan at nagkukwentuhan sila nung mga katrabaho niya tungkol sa isang project niya na sobrang excited siya noon pa at palagi niyang kinukwento sa'kin dati.

Kilalang-kilala ko si Enzo pero parang wala na kaming pinagkaiba sa dalawang estranghero ngayon.

Nung magbukas yung elevator sa 9th floor, sinigurado kong ako yung unang makakalabas. Dire-diretso akong naglakad papunta sa kwarto nung kliyente namin and I didn't look back. Napansin kong tumititig sa'kin yung ilang empleyadong dumadaan. 

"Hi Mrs. Rodriguez!" Bati ko dun sa isa naming regular client nung papasukin ako ng secretary niya sa office niya.

"Pia, you're here! Is that my painting?" 

"Yes, Mrs. Rodriguez. Thank you so much po for continuing to support our gallery."

"Naku, wala yun! Kayo pa. Kunin mo na lang yun painting, Simon." Utos niya sa secretary niya na agad namang kinuha mula sa'kin yung painting.

Biglang bumukas yung pintuan at namutla ako nung makita ko kung sino yung pumasok. "Edith, eto na yung sample nung bagong song ni Enzo--Pia!" Yung mama ni Enzo. Alam na kaya niya yung mga nangyari. Galit kaya siya sakin?

"Thank you. I'll review it." Sagot ni Mrs. Rodriguez. "Sige, mauna na muna ako ha? I still have a meeting to go to." Tumango kami ni Tita Riza.

"Labas na tayo, Pia?" Yaya niya. Sobrang nagiguilty ako dahil alam kong alam ni Tita Riza yung mga ginawa ni Enzo para sakin pero anong ginawa ko? Sinaktan ko lang yung anak niya.

Nung makalabas kami ni Tita Riza, nagsalita siya ulit. "Mabuti naman at nakadalawa ka rito. Hindi maganda yung mga kumakalat na chismis sa opisinang 'to. I don't know who pero may nagkalat na break na kayo ng anak ko. Well, this will show them that they should stop spreading stupid news!" 

I gulped. Hindi pa sinasabi ni Enzo kay Tita na wala na kami? Bakit?

"Tita.. Hindi ko po alam kung pano nila nalaman pero totoo po yung balita. Wala na po kami ni Enzo." 

Halata yung gulat sa mukha ni Tita Leslie. "W-what? How come?" Hindi ako makasagot. Anong sasbaihin ko? Na kaya kami naghiwalay dahil may nararamdaman pa ko kay Justin, all along habang kami ni Enzo? "Look, I understand. Pero I really hope na maayos niyo yan. I've never seen my son happier than when he's with you, Pia. I hope that you get past through whatever challenge you're facing. I know you're meant for each other." 

I smiled. I really hope she's right.

* * *

Nakakapanibago na noon, ikaw yung unang nakakaalam sa mga nangyayari sa kanya, ikaw yung unang sinasabihan niya ng mga iniisip niya, ikaw yung lagi niyang kasama sa mga pangarap niya.

At ngayon, wala ka nang ibang magawa kundi makibalita sa ibang tao tungkol sa kanya. 

[Now Playing: The Man Who Can't Be Moved by The Script]

Going back to the corner where I first saw you
Gonna camp in my sleeping bag, I'm not gonna move
Got some words on cardboard, got your picture in my hand
Saying, "If you see this girl can you tell her where I am?"

Naghahanap ako ng articles tungkol sa irerelease na album ni Enzo nung mapansin ko yung video ng interview niya na may title na, "Enzo's new muse?"

Ugh, hindi ko mapigilang hindi siya i-click. At oo, aminado ako, inoonline stalk ko si Enzo, ilang linggo na mula nung huli ko siyang makita at eto ako, hanap ng hanap ng kahit anong makakapagsabi sa'kin kung ano nang lagay niya ngayon. Pathetic di ba?

"Enzo, naging viral sa internet ang madamdamin mo raw na performance ng kantang, The Man Who Can't Be Moved at maraming nagtataka, ito na nga ba ay dahil ang balitang hiwalay na kayo ng long time girlfriend mo ay totoo?" 

Ngumiti ng malungkot si Enzo pero hindi siya nagdalawang isip na isagot ang, "Yes, it's true." 

 Going back to the corner where I first saw you

Gonna camp in my sleeping bag, I'm not gonna move
Got some words on cardboard, got your picture in my hand
Saying, "If you see this girl can you tell her where I am?"

"From your past interviews here and abroad, lagi mong sinasabing your girlfriend is your muse when it comes to your songs and now that you're not together anymore, sino na ang inspirasyon mo sa mga kanta mo. Lalo na dito sa bago mong album?" 

Ngumiti lang si Enzo pero di siya sumagot at dahil makulit yung lahi nung interviewer nagtanong siya ulit, "Posible bang ang susunod mong muse ay maging si Sheena, ang kacollaborate mo sa ilan sa mga kanta mo at isa sa mga sinabi mo noong hinahangaan mong kapwa singer?" Nagtilian ang audience, halatang boto sila sa loveteam na 'to.

Napakapit ako ng mahigpit sa mouse ko. I wanted Enzo to tell that no, I'll always be his muse, tulad ng lagi niyang sinasabi dati sa tuwing may nililink sa kanyang ibang babae. Pero ano pang karapatan kong umasa?

Some try to hand me money, they don't understand

I'm not broke I'm just a brokenhearted man
I know it makes no sense, but what else can I do?
How can I move on when I'm still in love with you?

Tumawa si Enzo at umiling. "Sheena and I are just friends. And I respect her as an artist--" 

Biglang nagclose yung window nung interview at nakita ko si James na nakaupo sa tabi ko at hawak hawak yung mouse ko.

"Nako Pia, masamang sign yang pagsstalk sa ex." Ngumiti siya. 

"Anong alam mo tungkol dun kay Sheena?"

"Why, jealous?" Tumaas baba yung mga kilay ni James at ngumiti siya ng pang-asar. "Then why don't you win him back?"

I smiled sadly. "Because I still don't deserve him." 

* * *

'Cause if one day you wake up and find that you're missing me
And your heart starts to wonder where on this earth I could be
Thinking maybe you'll come back here to the place that we'd meet
And you'd see me waiting for you on the corner of the street 

"Magbihis ka, Pia dali! Labas tayo at nang hindi ka nagmumukmok dito sa bahay niyo!" Nakangiting bati sakin ni Zoe nung makababa ako sa sala namin.

"Hindi ako nagmumukmok." 

"Asus, hindi daw! E sabi ni James bahay-trabaho-bahay lang drama mo lagi, girl! Nanunuyot na yung social life mo kaya whether you like it or not, sasama ka samin ngayon! Kaya bihis ka na dali!" Excited na sabi ni Zoe habang tinutulak ako pabalik sa stairs.

"Eh tinatamad akoooo. Faith! Tulong naman dito oh!" Sabi ko kay Faith na nakaupo lang sa sofa at nagtetext.

Umiling siya sa'kin at ngumiti.

Grabeng mga kaibigan 'to!

So I'm not moving
I'm not moving 

"Mga baliw talaga kayo! Bakit tayo nandito?" Sabi ko habang nasa labas kami ng Araneta. Nasa concert kami ni Enzo!

"Surpriseee!" Sabay na sabi nila.

"Uwi na ko, bye!" Tumalikod na ko pero hinila nila ko pabalik.

"Sure kang ayaw mo dito? Kaya pala ilang beses ka daw nahuli ni James nakatingin sa posters nung concert ni Enzo at nung minsan daw nakita ka pa niyang mukhang magrereserve online!" Sabi ni Faith. Ba't ang dami nilang alam?! Kundi ba naman isa't kalahating chismoso yung James na yun!!

"So teh girl, wag ka nang pahard to get diyan at alam naman nating lahat na gusto mong panooring kumanta yung labidabs mo sa stage. So taralets okay?" Hindi na ko kumontra ulit sa sinabi ni Zoe dahil tama naman sila, alam naming lahat na gustong gusto kong nakikitang kumakanta sa stage si Enzo.

Isa kasi yun sa mga panahong sobrang nag-eenjoy siya at sobrang saya niya. At gusto kong nakikitang masaya si Enzo.

Policeman says, "Son you can't stay here"
I said, "There's someone I'm waiting for if it's a day, a month, a year"
Gotta stand my ground even if it rains or snows
If she changes her mind, this is the first place she will go

Ngayon, narerealize ko kung gano ba talaga kalayo yung mundo ni Enzo sa’kin. 

'Cause if one day you wake up and find that you're missing me
And your heart starts to wonder where on this earth I could be
Thinking maybe you'll come back here to the place that we'd meet
And you see me waiting for you on the corner of the street

Kasi artista siya, maraming humahanga sa kanya, maraming gustong kumuha ng atensyon niya, maraming nagmamahal sa kanya. At noon, ako lang yung nakikita niya at lagi siyang gumagawa ng paraan para pagdugtungin yung mundo namin. At binalewala ko lang lahat yun.

So I'm not moving
I'm not moving
I'm not moving
I'm not moving 

Sobrang lakas ng tilian ng mga tao habang kumakanta si Enzo. Mahal na mahal talaga siya ng mga tao.

People talk about the guy
Who's waiting on a girl, oh whoa
There are no holes in his shoes
But a big hole in his world 

Pwede ba kong mag-expect na ako yung pinag-aalayan niya nung kanta niyang 'to? Na sa oras na alam kong deserving na ko sa kanya, may babalikan pa ko?

Maybe I'll get famous as the man who can't be moved
And maybe you won't mean to, but you'll see me on the news
And you'll come running to the corner
'Cause you'll know it's just for you

Siniko ako ni Faith kaya tumingin ako sa kanya. "Alam ko iniisip mo. Nalulungkot ka no?"

"Huh? At bakit naman?"

"Kasi dati rati sa'yo nakadedicate lahat ng mga kinakanta niya." 

Sumingit si Zoe sa usapan namin. “Asus, sure naman akong hanggang ngayon siya pa rin kinakantahan ni Papa Enzo. Mahal na mahal ka talaga ni Papa Enzo, gurl, ang haba ng hair mo!"

I'm the man who can't be moved
I'm the man who can't be moved

 =========================================================

ONE MORE CHAPTER BEFORE THE EPILOGUEEEE! :D

 Dahil malapit na 'tong matapos, sa mga makaJustin-Pia diyan, gawa naman kayo ng kahit one shot fanfic diyan ng alternate ending na yung ship na yun ang nagkatuluyan :D Yung naiimagine niyong ending sana. Gusto kong makabasa ng ganun *U* Hihi.

Continue Reading

You'll Also Like

44.8K 1.3K 15
Mahigit 7 billion ang bilang ng mga tao sa buong mundo, pero wala kahit isa sa kanila ang soul mate mo. Anong gagawin mo kung ang iyong "destiny" ay...
3.5M 55K 59
[Unedited Version] A love story that started with a kiss, challenged by obstacles and sealed with love. Who will you choose: The Bad Boy who makes yo...
3.6K 1K 9
She's Tres the mysterious assassin of Àn'clan, A great Assassin who always follow the command from highly ranked in their clan. She was a servant, w...
2.3M 148K 51
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...