The Badboy's Rule (ON-HOLD)

By ObraMarca

9.2K 542 116

Clyde Lewis Samson. A fourt year student. Tall, handsome and the dream guy of all. He's popular in their scho... More

The Badboy Rule
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23

CHAPTER 4

456 34 4
By ObraMarca

*Don't Touch Me*



Clyde POVs


"Pssssst!"


Tawag ko sa isa sa kaibigan ni Bianca. Nandito ako ngayon sa likod ng isa sa mga building dito sa Carlson University. Para syang mini garden kasi may mga bulaklak----



[N/A: tanga mo Clyde, natural garden yan. May nakita ka na bang garden na walang puno at bulaklak? -__-]



Nakoo, Ms. Author ah. Nagpapa pansin kana naman sa gwapong si Ako. Baka naman nagseselos ka *smirk*?


[N/A: nagseselos? Tss, antayin mo yung scene mo mamaya, tignan kolang kung makapag mayabang kapa. *evil grin*. Bwahahaha]


Okayy, wala akong narinig. Back to the present tayo---teka san na nga ba ako??


"Ano na naman bang problema mong bwisit ka? Tsaka bakit moba ako sinundan dito?"   Matabang na sabi ni Zafarra.


Isa pa to, bat ba ang taray nilang dalawa ni Bianca? Pasalamat talaga sya at maganda sya. Hindi ko sinasayang ang oras ko sa hindi karapat dapat.

"Ayaw moba yon, baby? Kasama mo ang ubod ng gwapong si ako"  


natawa ako ng makita ko syang ngumiwi. Dude, if you can only see her face, pffft priceless.

"Kilabutan ka nga sa sinasabi mo. At pwede ba? Huwag mo akong tawaging baby kapag ako hindi nakapag pigil, baby-gtiin kita rito ng patiwarik"   tumawa lang ako sa sinabi nya

"Ayaw mo ng baby?? Sige, ibahin nalang natin ang lovesign natin. Gusto mo ng Babe? Honey? Sweety? Love? Honeypie? Sweetheart? Babylove? Ano? Labidabs?"    Natawa ako sa huli kong sinabi. Nakss, ganda nun ah?


"Gago, pwede ba tigilan moko? Wala akong panahon makipag lokohan sayo"  


kaagad syang tumayo pagkasabi nya non. Nakaupo sya kanina sa ilalim ng puno habang nakasandal ako sa wall nitong building.

"T-teka lang. Aalis kana? Kadarating ko palang ah"   pinalungkot kopa ang boses ko para mas kapani paniwala pero inirapan nya lang ako at naglakad paalis.

Bago pa sya tuluyang makaalis ay nahawakan kona sya sa kamay. Napangisi ako ng nakitang nagulat sya sa ginawa ko. Hinapit ko sya palapit sakin, akmang isasandal kona sya sa wall ng building ng sinipa nya ang pinaka- importanteng bahagi ng katawan ko.


"Araayyyy, sh*tt!"   Napasigaw ako sa ginawa nya at namilipit sa sakit. Sh*t! Ang sakit non!.


"Buti nga sayo"     nakangising sabi nya bago nya ako iniwang namimilipit sa sobrang sakit.


P*tcha, kapag ako nabaog hindi ko patatahimikin ang babaeng yon! Sa lahat ng pwedeng sipain ba't yung 'kaibigan' kopa?. Ang tagal kong iningat- ingatan to tas bibinyagan nya lang basta?? Aisssst!. Umupo nalang muna ako at hinayaang humupa yung sakit. Ilang minuto rin akong nanatili roon bago tuluyang pumunta sa classroom namin. Humanda sakin ang babaeng yon pag nakita ko sya -_-# .


Hindi pa man ako masyadong nakakalapit sa room namin ng makarinig ako ng sigawan.

"Ano yon? May sabong?"

Binilisan ko ang paglalakad ko hanggang makarating na sa room namin. Nanlaki kaagad ang mata ko ng makita kung ano ang nangyayari. Sh*t, may sabong nga.


Nakatayo si Sky sa harapan at halatang galit na galit habang ang isang kamay nya ay mahigpit na hinahawakan ang leeg ni Stella.


"I already told you to not f*cking touch me!!"

Napatalon ako ng galit na sumigaw si Sky at itinulak ng malakas si Stella. Anak ng tinola, ano na naman ba kasing ginawa ni Stella??. Patakbo akong lumapit sa kanila ng kaunti. Takte, baka kapag lumapit ako bigla nalang nya akong sunggaban. Babae nga nagawa nyang saktan, ako pa kaya?

"S-sky, tama nayan. Nasasaktan mo na sya"   napatingin ako kay stella na umiiyak na at nanginginig sa sobrang takot. May mga kaunting galos narin sya.


Alam kong may kasalanan sya pero hindi ko parin maiwasang makaramdam ng awa sa sitwasyon nya. Bakit ba kasi hinawakan nya si Sky?? Ayaw na ayaw pa naman nitong nahahawakan kahit dulo ng damit nya, lalo na sa mga babae.


"Shut up!"   Sigaw nya at tinignan ako ng masama.

Ako na nga tumutulong na-shut up pa, tss. Kinabahan ako ng lumapit ulit sya kay stella at tinadyakan. Sh*t, anong gagawin ko?? Kailangan ko nang back-up. Napatingin ako sa mga kaklasi namin na lalaki, kasama sila sa mga takot na nagsisiksikan sa gilid ng room namin.


"T-teka, anong---- anong nangyayari?"

  Napatingin ako kay Sean ng bigla syang nagsalita sa tabi ko. Nanlalaki ang mga mata nya habang nakanganga, kung hindi lang seryoso tong nangyayari baka bumulagta na ako sa sobrang tawa sa hitsura nya.


"Tawagin mo si Bianca, hindi natin mapipigilan yan"     utos ko sa kanya imbis na sagutin ang tanong nya.


Bianca POVs


"Bianca!"   Napatingin ako kay Sean na tumatakbo palapit sakin.


"Anong kailangan mo?"    Tanong ko habang pinagmamasdan syang hinihingal.


"Kanina pa kita hinahanap, Samahan mo ako sa room."   Hinila nya agad ako patayo.


"T-teka... Ano? Bakit?"


"Basta sumama ka nalang, please"   hinila nya ulit ako. Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanya ng tumakbo sya patungo sa room namin.

Pagkadating namin sa room, napatakip agad ako sa bibig ko at napaatras ng makita kung ano ang nangyayari. Nakaupo si Stella sa mismong sahig ng room namin habang umiiyak. Magulo ang buhok nya at may mga galos din sya sa mukha at braso. Marumi narin ang uniform nya. Napatingin ako kay Sky ng nakita syang nakatayo sa harap nya. Mukha syang galit na galit, sya ba ang gumawa non?


"Anong nangyayari dito?"   Halos pabulong na tanong ko.

Napatingin ako sa mga kaklasi namin na nagsisiksikan sa gilid ng room namin. Makikita mo ang takot sa mga mata nila. Ibinalik ko ang tingin ko kay Sky, mas mahinahon na sya ngayon kaysa kanina.


"It's none of your business"   malamig na usal nya at naglakad palapit kay stella. Kinabahan ako kaya agad akong lumapit sa kanila. Hinawakan ko sya sa braso para pigilan ng akmang hihilahin nya ang buhok ni Stella, hinila ko sya palayo.

"Stop it!"

"F*ck! Don't touch me!"  

Marahas nyang hinablot ang kamay nya na parang napaso sa pagkakahawak ko sa kanya. Nawala ang takot sa sistema ko dahil sa sobrang iritasyon sa sinabi at ginawa nya. Bwisit nato.


"Sinong nagbigay sayo ng karapatan para sigawan ako ah?! Magulang ko nga hindi ako sinisigawan ikaw pa kaya na hindi ko kaano-ano. At huwag mo akong dino-don't touch me, don't touch me jan. Hahawakan ko kung sino ang gusto kong hawakan!"


Napatigil sya sa sigaw ko. Tsk, kapag talaga ako hindi nakapag pigil? Naku lang, baka makulong pa ako ng wala sa oras. Ilang saglit pa bago ulit sya nagsalita.

"Im not talking to you so shut up... and you"    malamig na sabi nya at bumaling kay stella. Aba't!.


"Don't you ever touch me again because the next time you do that. I will surely kill you"   lumabas sya kaagad ng room pagkasabi nya non.


"Pagpasensyahan mo nalang sya-------"

"Don't talk to me"    inis na sabi ko kay Clyde.

Lumabas nalang muna ako. May natitira pang 30 minutes bago ang next subject namin. Pupunta muna ako sa paborito kong lugar dito sa loob ng school para magpalipas ng oras... at magpalamig ng ulo.


Nang makarating ako ay kaagad akong umakyat sa puno. Pinwesto ko ang sarili ko ng maayos at humiga na. Pinagmasdan ko ang paligid. Nasa likod ako ngayon ng isang building. Para itong mini-garden. Ito ang nagsisilbing tambayan namin nila keith at Zafarra, Arra for short. Silang dalawa ang pinakamalapit kong kaibigan ever since nag-aral ako rito. Sa totoo lang hindi sumagi sa isip ko na magiging kaibigan ko sila cause Arra is my enemy back then. While keith is a friendly type. I just wake up one day and then viola~ they're my friends already.


Napatingin ako sa isang puno malapit sakin ng makita kong may nakasandal na doon. Napangisi ako, kumuha ako ng maliit na bunga sa punong hinihigaan ko at ibinato sa kanya.


"A-aray!"   Shock na sabi nya.

"Hoy bakla, anong ginagawa mo dito?"    Napatingin sya sakin at nanlaki ang mata. Napairap nalang ako, galing din nitong um-acting.


"S-sino ka?!"  Sabay turo nya sakin.


"Gago"   pumikit nalang ulit ako.


"Maka-gago ka naman bianxx, parang wala tayong pinagsamahan"  tumingin ako sa kanya. Nakanguso sya hanang nakatingin sakin,pffft ang cute nya.

"Huwag ka ngang ngumuso, mas nagmumukha kang bakla"

"Hindi kaya. Ang cute ko nga eh, tignan mo" mas lalo pa syang ngumuso.

"Bakla"

natatawang sabi ko at tinignan ang reaksyon nya. Kumunot ang noo nya at masamang tumingin sakin. Hahaha I knew it!

"Hanggang mgayon ba iniisip mo parin na bakla ako?"  Nakabusangot sya habang sinasabi yon.


"Bakit? Hindi ba?"  Painosenteng sagot ko.


"Aish, ba't ba ang kulit mo? Hindi nga sabi ako bakla!"  Bwahahaha, malapit na syang mag tantrums.


"Paano nangyari yon? Ang alam ko ikaw mismo ang nagsabi samin na bakla ka"


"Nagbibiro lang naman ako e, hindi ko alam na seseryosohin nyo"  nagmamaktol na sabi nya.


"Fine... umalis kana dito, matutulog ako"

"Psst, mahulog ka sana" bulong nya at pinagkrus ang daliri.


"Narinig ko yon!!"  Sigaw ko at nagkunwaring tatayo.

"Joke lang. Hehe"

tumakbo sya paalis, ngunit dahil sa sobrang katangahan. Bago pa sya makalayo, napasubsob na sya sa lupa. Kaagad din syang tumayo at tumingin sakin. Nang nakitang nakatingin ako, namula ang mukha nya sa sobrang kahihiyan at dumilat sakin bago ulit tumakbo. Naiwan akong tumatawa sa ginawa nya. Baliw talaga.

That's Ace Jairus Soriano. He's one of my friends, na lalaki. Actually, dalawa lang ang kaibigan naming lalaki. Yung isa nag migrate na sa US. Hayy, I look at the Sky------------ langit na nga lang, iba ang aiisip ko sa Sky na yan. Dinama ko ang lamig ng simoy ng hangin na dumadampi sa balat ko. This is the reason why I like here. Silence, fresh air, nice view. In short, relaxing. May lawa rin dito na nagpapadagdag sa lamig ng simoy ng hangin. Pipikit na ulit sana ako ng may natanaw ako sa may hindi kalayuan, naglalakad sya papunta sa lawa. Umupo sya don at naghagis ng maliliit na bato. Kumuha ako ng maliit na bunga at ibinato sa kanya.


"Awww, f*ck!!?" Bulls eye.






********************

Annyeong guyss!😁😁. First of all. I just want to say... thank you😘 sa lahat ng sumusubaybay sa story ko. Salamat sa pagta-tiyagang hintayin ang pag-a- update ko. Thank you rin sa mga nagko-comment at nagbo-vote.  Salamat din sa mga silent readers🙌🙌, although hindi kayo nagpaparamdam(charot). I still feel you throuh reads 😁😁. Sana hindi kayo magsawang sumubaybay dito.

Feel free to vote and leave comments. Kamsahamnida 😘😘. See you in chapter 5👏👏.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...