What Love Can Do? (UNDER REVI...

By Princesss_AJ

1M 24.8K 1.2K

(COMPLETED) Ang "pag-ibig" ay maraming kahulugan para satin. Ito ay emosyon na ating nararamdaman sa isang t... More

-Prologue-
«Disclaimer»
Chapter 1 My Virgin Eyes!
Chapter 2 The Brother
Chapter 3 Friendship
Chapter 4 For the First Time
Chapter 5 First Kiss?
Chapter 6 Lover's Quarrel
Chapter 7 He's the Brother
Chapter 8 Panyo
Chapter 9 Crush?
Chapter 10 Apology
Chapter 11 It's a Deal!
AUTHORS NOTE! MUST READ!
Chapter 12 For you
Chapter 13 Meet the Sister
Chapter 14 Permission?
Chapter 15 Friendly Date
Chapter 16 She's the Noona
Chapter 17 Siomai
Chapter 18 Mr. Right?
Chapter 19 Is this Real?
Chapter 20 Comfort
Chapter 21 Protective Kuya!
Chapter 22 Aminan Time!!
Chapter 23 We're Still Friends?
Chapter 24 I'm Stuck with him
Chapter 25 A Princess for a Night
Chapter 26 A Princess for a Night (part 2)
Chapter 27 A Princess for a Night (part 3)
Chapter 28 Threat
Chapter 29 Her Realization
Chapter 30 Tuloy Pa rin
Chapter 31 Night Party
Chapter 32 End
Chapter 33 Blessing in disguise
Chapter 34 Stay with Me
Chapter 35 His Reason
Chapter 36 Revelation
Chapter 38 Sacrifice
Chapter 39 Love-Struck
Chapter 40 First Date
Chapter 41 "Yes"
Chapter 42 Officially Mine
Chapter 43 Undeserved
Chapter 44 Don't like her
Chapter 45 Out of town
Chapter 46 Just Friends?
Chapter 47 Allergic
Chapter 48 Respect
Chapter 49 We are Jealous
Chapter 50 Couple's Conflict
Chapter 51 First love
Chapter 52 I'm Hurt
Chapter 53 I Love Her (Part 1)
Chapter 54 I Love Her (Part 2)
Chapter 55 Understand
Chapter 56 Dare
Chapter 57 The Truth
Chapter 58 Loss
Chapter 59 Grief
Chapter 60 First Monthsary
Chapter 61 We meet again
Chapter 62 Brothers
Chapter 63 Friends
Chapter 64 Left
Chapter 65 Tulad Mo
-Epilogue-
Shout Outs 🎉
💖Pasasalamat💖
What Love Can Do?
Book 2

Chapter 37 True Feelings

12.9K 293 9
By Princesss_AJ


37: True Feelings

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»



Kiel's POV


"Ingrid..." Tawag ko sa kanya. Patuloy lang siya sa pagbaba ng hagdan.

"Wait, Ingrid!" Inabot ko ang braso niya tsaka siya pinigilan sa paglalakad. HInarap ko siya sa akin. Mabilis akong natigilan nang makita ko ang mga mata niyang naluluha.


"What Kiel?" Inis na tanong niya sa akin. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya.

"Umalis lang ako, may iba ka na?" Sa puntong iyun ay nalaglag na ang kanyang mga luha.


Napapikit ako at dahan-dahan kong hinilamos ang mukha ko. I am so fucked up right now. Huminga ako ng malalim tsaka humarap kay Ingrid.

"Ingrid..." Mahinang tawag ko sa kanya. I am confused right now. I am confused sa nararamdaman ko para sa kanya. I know that she will be hurt, but damn, I can't lie to myself anymore.


"Kiel..." Tawag niya sa akin. Para bang alam na niya ang sasabihin ko kaya balak na niya akong pigilan.

"Kiel, no..." Hinawakan niya ang pisngi ko at pilit akong pinatingin sa kanya. I saw how sad her eyes are.


"Ingrid, I can't-" Hindi na niya ako pinatapos. Mabilis akong yinakap ni Ingrid.

"No, Kiel! I said, no!" Paulit-ulit niyang sambit habang nakayakap sa akin. Napapikit ako at napamura sa hangin.


I saw Jassy. Nakita ko siyang naglakad palabas ng bahay namin. I badly want to chase her, pero tila ba'y may mga kadenang nakatali sa akin. And being with her will be one of my greatest sins.


"Hey, Kiel!" Iniling ko ang ulo ko at wala sa sariling lumingon sa babaeng kasama ko sa loob ng sasakyan.


"Hmm?" Baling ko sa kanya.

"Did you hear me?" Nakataas kilay na tanong niya sa akin. Napahawak ako sa manibela ng kotse ko at dahan-dahang tumango sa kanya. Ibinaling ko muli ang aking tingin sa kalsada.


"Are you okay?" Tanong niya sa akin. Hindi ako lumingon sa kanya.

"Yes, I'm okay, Ingrid." Sagot ko sa kanya tsaka ini-start ang makina ng sasakyan.


"Nagka-usap pala kami kanina ni Jassy." Pag-oopen niya ng topic. Kaagad akong napalingon sa kanya. Nakita kong isinusuot niya ang kanyang seat belt.

"What? Why?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Liningon ako ni Ingrid.


"Bakit? May masama ba dun?" Tanong niya pabalik sa akin. Gusto kong sumagot pero walang lumalabas na salita sa aking bibig.

"I just confronted her, that's all." Sagot niya na tila ba'y naghihinala ako sa isasagot niya.


"Why? I mean..." Pumikit ako. "What did you two talk about?" F*ck

"Nothing. I just asked her kung anong meron sa inyong dalawa-" Kaagad kong pinutol si Ingrid sa pagsasalita.


"Ingrid, we already talked about this." Sambit ko sa kanya.

"I know, I'm just asking her. What's your problem?" Inis na sagot ni Ingrid sa akin. I can sense that she's starting to get annoyed.


"Nothing. Just don't bother Jassy! Pinaliwanag ko na sayo 'to ng maraming beses." HIndi ko na din napigilan ang sarili kong boses sa pagtaas.

Natigilan ako nang hindi siya sumagot. Lumingon ako sa kanya at nakita ko ang gulat sa kanyang mga mukha. Tumango siya at pinunasan ang kanyang pisngi.


At that moment, I realized kung gaano ko siya nasaktan. Hindi ko dapat siya pinagtaasan ng boses.

"I'm sorry..." Mahinang sambit ko. Inabot ko ang kamay niya kahit na linalayo niya ito sa akin.


"I'm so sorry. Ingrid, I'm really sorry." I kissed the back of her hand.

"I am just scared, Kiel. Natatakot ako na iwanan mo ako kasi mayroong mas better sa akin. And I am sorry too, kung insecure ako sa pagmamahalan na 'to. But the moment, I saw the two of you. Hindi ko mapigilang hindi mangamba." Sambit ni Ingrid. Hindi ako sumagot. I just hold her hands.


"Pakiramdam ko I need to compete with her." Inangat ko ang tingin ko sa kanya.

"Compete? What?" Tanong ko.



"Yes, compete with her sa atensyon mo, sa oras mo, sa puso mo, sa lahat sayo. Committed ka sa akin pero bakit pakiramdam ko pag-aari ka ng iba?" Nakita ko ang pagbagsak ng kanyang luha.

Kaagad ko iyung pinunansan. This is wrong, f*cked, Kiel.


"Shh, stop crying." Hinawakan ko ang pisngi niya at ilinapit sa akin. I hugged Ingrid. Yinakap ko siya at umaasang, maiibsan ng mga yakap ko ang sakit na naidulot ko sa kanya.

Hinatid ko si Ingrid sa condo nila. Linapag ko ang mga gamit niya sa lamesa at humarap na sa kanya para magpaalam.


"Can you stay for a while?" Kaagad niyang tanong sa akin. Nangapa naman ako ng isasagot sa kanya.

"Uhh, do you need anything else?" Tanong ko pabalik sa kanya. Umiling siya tsaka naglakad palapit sa akin.


"Kung wala, I'll just-" HIndi ko natapos ang sasabihin ko nang yakapin niya ako.

"I miss you, Kiel." Sambit niya habang nakayakap sa akin. "I miss us..."


"I-I miss you too." Sagot ko sa kanya at yinakap siya pabalik.

"Mamaya ka na umuwi." Sambit niya tsaka tiningala ako. Yumuko naman ako at bahagyang natawa sa sinabi niya.


"But naghihintay na ako nina Lance." Sagot ko sa kanya. Bigla siyang ngumuso at kumalas sa pagkakayakap sa akin.

"Okay, fine. Alam ko namang boy friends first." Nagtatampong sambit niya. Bahagya naman akong natawa tsaka humalukipkip.


"Okay, anong gusto mong panoorin natin?" Tanong ko sa kanya. Kaagad niya ako liningon. Parang kumislap ang mga mata ni Ingrid nang marinig ang sinabi ko.

"Wait here, kukunin ko yung dvd sa kwarto." Sambit niya tsaka tumakbo papunta sa kwarto. Ngumiti ako tsaka tumango.


Umupo muna ako sa sofa habang naghihintay kay Ingrid. Pinaglaruan ko ang labi ko habang nakadikwatro.

Bigla akong natigilan. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing hahawakan ko ang labi ko, bumibilis ang tibok ng puso ko. Sobrang bilis, na akala mo ay may karera. Hindi ko maintindihan, pero alam kong iisang tao lang ang pumapasok sa isip ko kapag hinahawakan ko ito. Siya lang ang babaeng laman ng isip ko.


"Kiel! Come here!" Rinig kong tawag ni Ingrid sa akin. Tumayo ako at naglakad papunta sa kanya. Pumasok ako sa loob at nakita kong nagpalit na ng damit si Ingrid. Iniwas ko ang tingin ko.

"Pakuha naman nun." Sambit niya sabay turo sa dvd na nasa itaas. Tumango ako at inabot iyun.


"Ito ba ang papanoorin natin-" Kaagad akong natigilan nang humarap ako sa kanya.

I saw how she removed her clothes in front of me. Bumagsak ang kanyang damit sa sahig. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Her long hair flows perfectly, her skin is almost white as milk and her undergarments are visible to my eyes.


"Own me, Kiel. Own me." She seductively said while walking closer to me.

Napalunok ako. I've seen so many women with and without clothes, but that was before. Tumigil na ako sa pag ta-take advantage sa mga babae. I've already learned my lesson.


Hinawakan ni Ingrid ang dibdib ko. Ramdam ko ang panginginig ng kanyang kamay. Hinila niya ang jacket na suot ko at ilinapit ang mukha ko sa kanya.

"I love you Kiel." Malambing na sambit niya sa akin bago ako hinila at siniil ng mga halik. Ipinikit ko ang mga mata ko sa init na nararamdaman ko. T*ng ina.


Hinawakan ni Ingrid ang pisngi ko at mas lalong pinalalim ang mga halik niya sa akin. We kissed like this before, pero f*ck we never did that 'thing'.

"I love you Kiel...so much." She said between our kisses. Linagay ko lamang ang mga kamay ko sa aking gilid. I tried my f*cking best to hold myself.


"Kiel, touch me! D*mn, touch me!" Frustrated na sigaw niya sa akin. Mabilis kong hinawakan ang baywang ni Ingrid at linayo siya sa akin ng bahagya. I saw how drunk she is with our kisses.

Walang ano-anu'y, kaagad kong hinubad ang jacket na suot ko. Sinundan iyun ng tingin ni Ingrid. Inangat ko ang mata ko sa kanya.


(Flashback)

Tinitigan ko lang siya. Hinayaan ko lang ang sarili kong humanga sa kanya. Ang mga mata niyang palaging naniningkit kapag nagagalit, ang mga ngiti niyang nagpapabilis ng tibok ng aking puso at ang mga labi niyang inaakit ako para halikan siya. Hindi ko alam kung tama ba 'tong nararamdaman ko? Pero t*ng ina hindi ko na kaya.

Hindi ko rin alam kung tama ba 'tong gagawin ko. Bahala na. Basta kinalimutan ko lahat ng iniisip ko ngayon. Ang inisip ko lang, si Jassy. Siya lang ang inisip ko at hinayaan ang puso kong magdabog na tila ba'y nakikipagmarathon siya sa bilis.


Dahan-dahan kong linapit ang mga mukha ko sa mukha niya.

"Patawarin mo ako sa gagawin ko. Pero shit hindi ko na talaga mapigilan." Bulong ko sa kanya habang nagtatama ang aming mga mata.


Marahan ko siya hinalikan. Hinalikan ko siya ng dahan-dahan. Hindi maiwasan ng puso kong kumabog ng kumabog. Hinayaan ko lang ang sarili kong gawin ang gusto niya at yun ay...

Halikan si Jassy.

(End of Flashback)


Nakita ko ang ambang paghalik ni Ingrid sa akin. Humakbang ako at mabilis na isinuot ang aking jacket sa kanyang katawan. Natigilan naman siya sa ginawa ko. Yumuko siya habang inaayos ko ang jacket ko.

"Ingrid," Tawag ko sa kanya. "This is wrong. Mali 'tong gagawin natin."


Nakita kong dahan-dahang inangat ni Ingrid ang kanyang ulo para humarap sa akin. Nakita ko ang pangingilid ng kanyang mga luha.

"Bakit? Bakit mali? Ako naman yung girlfriend mo ah!" Sagot niya sa akin. Kinagat ko ang labi ko tsaka huminga ng malalim.


"Ano? Ito na nga oh, binibigay ko na sayo." Sambit niya tsaka humakbang sa akin. Umatras naman ako at ginulo ang buhok ko.

"Hindi ko hinihingi yan, Ingrid." Sinikap kong pakalmahin ang sarili ko.


"C'mon, I know you want this. Lalaki ka! Ito na! Dalian mo!" Nakita kong hinubad niya mula ang jacket ko. Inabot niya ang hook ng kanyang bra kaya kaagad kong pinulot ang jacket na nasa sahig.

"Ingrid! Suotin mo yung jacket, magdamit ka!" Sambit ko tsaka tinakpan ang kanyang katawan. Naramdaman ko ang panginginig ni Ingrid.


"Maaaring noon, iyan ang gusto ko. Iyan ang habol ko sa inyong mga babae. Pero noon yun, Ingrid. Natuto na ako sa mga pagkakamali ko. Hindi batayan ang pagsuko sa pagkababae niyo, para patunayan ang pagmamahal niyo sa amin." Paliwanag ko sa kanya. Nakita ko ang pag-iyak ni Ingrid. Nanatili lang akong nakahawak sa jacket na nasa katawan niya.

"You don't have to do this, Ingrid." Sambit ko sa kanya tsaka ko hinanap ang kanyang mga mata. "I respect you, and that's why I love you."


"But you love her more." Umiiyak na sagot ni Ingrid. Kumunot naman ang noo ko sa kanya. Inangat niya ang ulo niya at nagtama ang mga mata naming dalawa. Sinikap akong tingnan ni Ingrid kahit na puno ng luha ang kanyang mga mata.

"Kahit na sabihin mo sa aking mahal mo ako. I know deep inside your heart, that you love Jassy more. Na sa mga panahong nawala ako sayo, you fall for her. I mean, who wouldn't fall for her, right?" Ingrid smiled but I can feel the pain in her eyes.


"Jassy almost has everything. I can't blame you for falling for her. I knew her since we were little. And almost ng mga crush ko noon, siya ang crush. But it's okay. Kasi I have her as my best friend kaya kahit na hindi ako crush ng mga crush ko, ayos lang kasi may best friend naman ako. Pero noon lang yun." She bittersweetly smiled at me.

"I'm so sorry if hindi ko kinayang ipaubaya ka noon kay Jassy. You're the only one I have Kiel, and I don't want to lose you." Patuloy lang si Ingrid sa pag-iyak. Hinawakan ko ng pisngi niya.


"Ingrid..." I feel like, I need to do something para hindi siya masaktan. I don't know.

"Shh, you don't need to do something." Hinawakan ni Ingrid ang kamay kong nakahawak sa kanyang pisngi. "I just want you to be honest with me."


"Don't worry, hinanda ko naman ang sarili ko sa panahong mangyayari 'to. Ang panahon na malaman mo, kung sino talaga ang mahal mo saming dalawa." Sambit ni Ingrid. Napapikit ako.

Para akong sinasaksak sa puso habang pinagmamasdan si Ingrid. Hindi ko alam kung paano ko maiibsan ang sakit na naidulot ko kay Ingrid. She was my first girlfriend, but I am not sure if I want her to be my last. Dahil d*mn, I was lovestruck by Jasmin Castillo.


"I am sorry, Ingrid. Hindi ko sinasadyang saktan ka..." Yumuko ako at pumikit.

"It's okay, matatanggap ko din 'to." Narinig ko ang pagbasag ng boses ni Ingrid. Nakita kong tumango-tango siya kahit na patuloy ang mga mata niya sa pagluha.


"I guess ako ang naging tulay para magkalapit kayong dalawa. Binuo kita para sa kanya." Hinigpitan ni Ingrid ang hawak niya sa aking kamay.

"Ingrid, mahal kita..." Sambit ko sa kanya. Oo mahal ko si Ingrid.


"Yes, and I love you too." Tumango-tango siya. "Pero alam kong mas mahal mo siya. Dyan, mahal mo siya dyan." Tinuro niya ang puso ko na nasa kaliwang dibdib ko.

"You love her more than you love me, and it's okay." Pinilit niyang ngumiti sa akin. I feel guilty for hurting her.


"Pero Ingrid-" Umiling siya at hindi niya ako pinagsalita.

"No, Kiel. Don't love me dahil naaawa ka sakin. Hindi mo deserve magmahal ng taong mamahalin mo lang dahil naaawa ka sa kanya. Hindi ko din deserve na mahalin dahil sa kinakaawaan lang ako. We all deserve to be loved by purpose and not by granted." Sagot niya sa akin. Pumikit siya at ipinagdikit ang aming mga noo.


Ipinikit ko lamang ang mga mata ko habang nararamdaman ang pangingilid ng aking mga luha.

"I'm letting you go, Kiel. Pinapalaya na kita para sa kanya." Mahinang sambit ni Ingrid.


"Thank you..." Mahinang sagot ko sa kanya tsaka nalaglag ang aking mga luha.

"Basta ipangako mo sakin, na mamahalin mo siya higit sa kayang mong ibigay. Mahalin mo siya ng buong puso. Kaya kong magparaya para sa inyo. Dahil parehas kayong mahalaga sakin. Alagaan mo si Jassy ah?" Ngumiti ako tsaka pinunasan ang mga luha sa kanyang pisngi. Tumango ako kay Ingrid.


*beep*

Kaagad kaming napalingon sa cellphone kong tumunog. Kinuha ko iyun at binasa ang isang text galing kay Lance.


Lance:

Kiel, sinabay ni Jasper si Jassy.


"Shit!" Mura ko nang mabasa ko ang text ni Lance. Kinabahan ako bigla.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ni Ingrid sa akin. Lumingon ako sa kanya.


"Nasaan ang Ate mo?" Kaagad kong tanong sa kanya.

"Kasama si Heath. May pinuntahan." Kaagad na nanlaki ang mga mata ko. Napa-igting ang bagang ko dahil sa sagot ni Ingrid.


"Bakit Kiel?" Mabilis akong humarap sa kanya.

"I need to go." Sambit ko tsaka nagmadaling tumayo at naglakad palabas. Sumakay ako ng kotse at mabilis na pina-andar ang sasakyan.


Naabutan ko sina Lance at Aiden sa bakanteng lote na palagi naming pinagtatambayan kapag makikipag-rumble kami. Naglakad ako palapit sa kanila.

"Kiel!!" Kaagad na bungad ni Lance sa akin. Dali-dali akong lumapit sa kanya.


"Nasaan si Jassy?" Kaagad kong tanong sa kanya.

"Hinahanap pa namin." Sambit ni Aiden na naka-upo sa isang bato at nakaharap sa kanyang cellphone.


"F*ck! Hindi na nila dapat dinamay si Jassy dito." Naiinis na sigaw ko tsaka sinipa ang mga batong nasa harapan ko.

"Kiel!" Tawag naman ni Lance sa akin.


"Dinamay nila si Jassy dahil alam nilang mahalaga siya sayo." Sambit ni Aiden habang patuloy pa din sa pagkalikot.

Umupo ako sa gilid. Nag-igting naman ang bagang ko habang iniisip si Jasper na hawak-hawak si Jassy. F*ck, asshole!


"Hindi kaya ginawa 'to ni Jasper dahil ikaw ang nagturo sa kanya sa mga pulis?" Tanong ni Lance sa akin. Inangat ko ang tingin ko sa kanya.

"Posible, iyun lang naman ang galit ni Jasper kay Kiel." Sagot ni Aiden kay Lance.


"Hindi ako ang nagturo sa kanya sa mga pulis. T*ng ina, iyung naka-away niya sa kabilang university ang nagsumbong." Sagot ko sa kanila. Nanlaki naman ang mga mata ni Lance.

"Ako ang huling nakita ni Jasper na kausap ng mga pulis. Sinusubukan kong paki-usapan ang mga pulis pero inakala niya na ako ang nagsumbong." Dugtong ko habang inaalala ang pangyayaring iyun ilang taon na ang nakalipas.


"Kung ganon, pinaliwanag mo ba kay Jasper?" Tanong ni Lance sa akin. Tumayo ako tsaka humarap sa kanya.

"Masyadong nabulag ng galit si Jasper, kaya kahit anong paliwanag ko sa kanya. Hindi niya ako pinaniwalaan." Sagot ko kay Lance.


"Sh*t, walang tao sa binigay nilang address. Linoko tayo ng h*yup." Sambit ni Aiden habang napapa-iling. Napamura naman ako at napatingala dahil sa galit.

"Sina Kuya Joshua ba? Alam na niya?" Tanong ko sa dalawang kaibigan at umaasa akong mabibigyan nila ako ng kasagutan.


"Tatanungin ko, sandali." Sagot ni Aiden tsaka tumawag sa kanyang cellphone.

"F*ck you, Jasper..." Mura ko habang natataranta at hindi mapakali.


"I know where they are." Napalingon kami sa boses na narinig namin.

Nanlaki ang mga mata namin nang makita namin si Ingrid sa aming harapan.


"Ingrid? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Lance sa kanya. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya.

Dinapuan niya ng tingin si Lance bago ibinaling sa akin ang mga mata.


"Nagsimula na sila, hindi ba?" Tanong niya sa amin. Tumango naman si Lance.

Tumango din si Ingrid tsaka huminga ng malalim bago nagsalita. "Alam ko ang plano nila. Kaya ko kayong tulungan."


Napanganga ako sa sinabi ni Ingrid. Lumapit naman si Lance sa kanya.

"Ilang beses ko nang narinig ang plano nila Ate Ivory at Kuya Heath. I even saw kung saan nila gagawin iyun." Humakbang siya palapit sa amin ni Lance. Yumuko si Ingrid bago nagsalita. Tiningnan niya ako. "And Jassy is their bone, the bone for the dogs."


Mabilis kong nakuha ang ibig sabihin ni Ingrid. Dali-dali akong naglakad papunta sa aking sasakyan. F*ck, I can't think straight. Iisa lang ang tanging naiisip ko ngayon.

Si Jassy...


"Wait for me. I'll save you..."


Bulong ko sa sarili ko. Your Prince Charming is on his way to you, my Princess.


Itutuloy....

Continue Reading

You'll Also Like

135M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
4.2M 94.6K 44
COMPLETED | Y2015 - Y2021 "I'll make you fall in love with me, Apollo." "Make me fall?" Umayos ito ng upo. Nanliit ang mga mata nito. "I doubt that...
608K 25.1K 46
Heartbreakers Series #5: Tavian Giovanni Romero Si Frida Louisse Suarez ay dati nang estudyante ng Torrero University pero dahil sa isang pangyayari...
7.9M 478K 46
[PUBLISHED UNDER LIB] #3. "If I won't have you then might as well kill me, attorney."