What Love Can Do? (UNDER REVI...

By Princesss_AJ

1M 24.8K 1.2K

(COMPLETED) Ang "pag-ibig" ay maraming kahulugan para satin. Ito ay emosyon na ating nararamdaman sa isang t... More

-Prologue-
ยซDisclaimerยป
Chapter 1 My Virgin Eyes!
Chapter 2 The Brother
Chapter 3 Friendship
Chapter 4 For the First Time
Chapter 5 First Kiss?
Chapter 6 Lover's Quarrel
Chapter 7 He's the Brother
Chapter 8 Panyo
Chapter 9 Crush?
Chapter 10 Apology
Chapter 11 It's a Deal!
AUTHORS NOTE! MUST READ!
Chapter 12 For you
Chapter 13 Meet the Sister
Chapter 14 Permission?
Chapter 15 Friendly Date
Chapter 16 She's the Noona
Chapter 17 Siomai
Chapter 18 Mr. Right?
Chapter 19 Is this Real?
Chapter 20 Comfort
Chapter 21 Protective Kuya!
Chapter 22 Aminan Time!!
Chapter 23 We're Still Friends?
Chapter 24 I'm Stuck with him
Chapter 25 A Princess for a Night
Chapter 26 A Princess for a Night (part 2)
Chapter 27 A Princess for a Night (part 3)
Chapter 28 Threat
Chapter 29 Her Realization
Chapter 30 Tuloy Pa rin
Chapter 31 Night Party
Chapter 33 Blessing in disguise
Chapter 34 Stay with Me
Chapter 35 His Reason
Chapter 36 Revelation
Chapter 37 True Feelings
Chapter 38 Sacrifice
Chapter 39 Love-Struck
Chapter 40 First Date
Chapter 41 "Yes"
Chapter 42 Officially Mine
Chapter 43 Undeserved
Chapter 44 Don't like her
Chapter 45 Out of town
Chapter 46 Just Friends?
Chapter 47 Allergic
Chapter 48 Respect
Chapter 49 We are Jealous
Chapter 50 Couple's Conflict
Chapter 51 First love
Chapter 52 I'm Hurt
Chapter 53 I Love Her (Part 1)
Chapter 54 I Love Her (Part 2)
Chapter 55 Understand
Chapter 56 Dare
Chapter 57 The Truth
Chapter 58 Loss
Chapter 59 Grief
Chapter 60 First Monthsary
Chapter 61 We meet again
Chapter 62 Brothers
Chapter 63 Friends
Chapter 64 Left
Chapter 65 Tulad Mo
-Epilogue-
Shout Outs ๐ŸŽ‰
๐Ÿ’–Pasasalamat๐Ÿ’–
What Love Can Do?
Book 2

Chapter 32 End

11.1K 363 8
By Princesss_AJ


32: End

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»


Naka-upo ako ngayon sa passenger's seat ng kotse ni Kiel. Yakap-yakap ko pa din ang sarili ko habang hinihintay ang pagpasok ni Kiel sa kanyang sasakyan. Nakatingin lang ako sa bintana ng kanyang kotse habang nakasandal.

Pinagmamasdan ko ang kalangitan na puno ng mga bituin. Mabigat pa din ang pakiramdam ko. Naramdaman ko ang paglaglag ng aking luha sa aking pisngi. Sariwa pa din sa aking isipan ang nangyari kanina. Para bang kahit yari na ang nangyari ay ramdam ko pa din ang sakit. Napapikit ako. Huminga ako ng malalim upang mapakalma ang aking sarili.


Narinig ko ang pagbukas ng pintuan, mabilis akong umayos ng upo. Pinunasan ko ang aking pisngi. Nakita ko si Kiel na kakapasok lang sa loob ng kanyang sasakyan. Nanatili lang sa harapan ang aking mga mata, hindi ako makatingin sa kanya.

Umupo siya sa driver's seat, inabot niya sa akin ang isang brown paper bag. Tumingin lamang ako sa kanyang hawak-hawak.


"Suotin mo muna ang damit ko." Mahinang sambit niya. Nanginginig kong kinuha ang paper bag na hawak-hawak niya.

Binuksan ko iyun at nakita ko ang isang puting t-shirt sa loob. Kinuha ko iyun at tiningnan. Tuluyang nasira ni Kiel ang suot kong damit.


"M-Magbihis ka muna, lalabas muna ako." Sambit niya tsaka lumabas muli sa kanyang sasakyan.

Sinundan ko lang siya ng tingin habang nasa labas siya ng sasakyan niya at nakasandal sa pintuan. Suminghap ako bago ko isinuot ang damit ni Kiel. Ipinatong ko na lang ito sa damit na suot ko. Inayos ko ang buhok ko at kinatok ang bintana ni Kiel.


Narinig naman niya iyun kaya kaagad siyang pumasok sa loob. Yinakap kong muli ang aking katawan. Ilang minuto kaming nabalot ng katahimikan. Lumingon siya sa akin pero hindi ako lumingon sa kanya.

"Uminom ka muna." Sambit niya tsaka inabot ang isang bote ng tubig sa akin.


Inabot ko ang bote ng tubig ngunit hindi ko sinasadyang mahawakan ang kanyang kamay. Kaagad na kumabog ang puso ko at natataranta akong humarap sa kanya.

Mabilis na nagtama ang mga mata namin ni Kiel. Walang emosyon ang kanyang mukha. Pumikit siya at nakita ko ang pagtaas-baba ng kanyang adam's apple.


"I'm really sorry, Jassy. I never meant to hurt you." Mahinang sambit ni Kiel sa akin. Naramdaman ko ang pangingilid muli ng aking mga luha. Nanatili lang akong nakatingin kay Kiel.

Yumuko siya at napa-iling. "You don't deserve this."


Inangat niya ang kanyang ulo, mabilis na nagtama muli ang aming mga mata. Naramdaman kong hinawakan ng kabilang kamay niya ang kamay kong nakahawak sa bote ng tubig. Parang pinaso ang balat ko nang maramdaman ko ang hawak niya.

"You don't deserve me, Jassy." Nabasag ang kanyang boses. Lumandas naman sa aking pisngi ang luhang pinipigilan ng aking mga mata.


"Kaya siguro, we should just remain, strangers." Sambit ni Kiel.

Naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko dahil sa sinabi ni Kiel. Naalala ko ang maraming araw na hindi kami nagpansinan ni Kiel. Akala ko'y ayos lang sa akin iyun pero sa bawat araw na makikita ko siya sa malayo at sa tuwing maaalala kong hindi na ulit mauulit ang masasaya naming ala-ala noon, mas hinihiling ko lang na huwag malayo sa kanya.


Kung alam ko lang na may katapusan, sana'y sinulit ko pa lalo ang mga oras na kasama ko siya.

Nakita ko ang paglapit ni Kiel sa akin. Hindi ako umatras. Hindi ako umatras kahit na natatakot ang gawin niya muli ang ginawa niya kanina. Hinayaan ko lang siyang lumapit sa akin.


"Be happy without me." Bulong na sambit ni Kiel sa akin tsaka hinawakan ang magkabilang pisngi ko. I can feel the warmth in his hands. Pumikit ako at hinayaan ang sarili kong umiyak.

"How I wish we can be in another life, so I can be with you." Mahinang sambit ni Kiel. Dahan-dahan niyang hinila ang aking mukha palapit sa kanya.


For the last time...I felt Kiel's lips touch mine.


Dinilat ko ang aking mga mata. Nakita ko ang mga estudyanteng nagtatakbuhan sa field ng DU. Napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan ang malawak na field.

Isang Linggo


Isang Linggo na simula nang sumapit ang gabing iyun. Ang gabing huli kong makikita si Kiel. Simula nun ay tinotoo niya ang sinabi niyang hindi na niya ako guguluhin pang muli. Simula ng gabing iyun ay hindi ko na siya nakita sa University.

Nakikita ko si Ingrid pero hindi niya kasama si Kiel. Nakikita ko si Aiden pero si Kyla ang kasama niya. Nakikita ko si Lance pero si Jasper ang kausap niya. Wala si Kiel.


Napahawak ako sa aking labi. Naalala ko ang huling sinabi ni Kiel sa akin.

"How I wish we can be in another life, so I can be with you."


How I also wish that it could be that easy. Hindi ko na naibalik ang t-shirt na pinahiram niya sa akin. Napahawak ako sa aking dibdib. Kumikirot nanaman ito, at alam kong iisang dahilan lang kung bakit ito sumasakit. Sa iisang tao lang naman ito tumitibok.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko. Naglakad ako palabas ng University, at hinihintay si Kuya Joshua para sa pag-uwi ko. Kinuha ko ang earphone sa aking bag. Ilinagay ko ito sa aking tenga at nakinig ako ng music habang naghihintay.


Napakunot ang noo ko nang biglang may motor na papalapit sa pwesto ko. Pareho silang naka-itim at hindi kita ang mga mukha nila. Napa-atras ako nang makita kong huminto sila sa harapan ko. Mabilis kong tinanggal ang earphone na nasa aking tenga.

"Sumama ka samin!" Sambit ng lalaking bumaba sa motor, naglabas siya ng isang patalim. Mabilis akong ginapangan ng kaba. Umiling ako habang patuloy sa pag-atras.


"T-Tulong!!" Mabilis kong sigaw. Akma niya akong hihilahin ngunit bago pa niya gawin yun ay mayroon nang humila sa akin mula sa likuran.

"Jassy!" Rinig kong tawag niya sa akin. Mabilis niya akong hinila papunta sa kanya. Tumama ang mukha ko sa kanyang dibdib at nabitawan ko ang bag ko sa kalsada.


Narinig kong dali-daling umalis ang dalawang lalaking naka riding in tandem. Mabilis ko namang naramdaman ang hapdi sa aking braso. Habol-habol ko ang hininga ko habang nasa bisig pa din ako ng lalaking nagligtas sa akin.

"Jassy, ayos ka lang?" Tanong niya sa akin. Hinarap niya ako sa kanya at hinawakan niya ang braso ko.


"Aray, Jasper!" Inda ko nang hawakan niya ang sugat sa aking braso. Nagulat kami nang makita naming dumudugo ito. Mukhang nahiwa ito sa patalim na hawak ng lalaki kanina nang hilahin ako ni Jasper papunta sa kanya.

"Dadalhin kita sa ospital." Sambit niya sakin at nag-aalala ang mukha.


"Wag na Jasper, hayaan mo na." Pagtanggi ko sa kanya. Hinawakan ko ang braso ko at napangiwi ako sa hapdi nito.

"Sigurado ka ba? Gusto mo bang i-report natin sa pulis ang mga yun?" Tanong niya sa akin.


"Hindi ko nakita ang plate number ng motor nila at hindi ko rin sila namukhaan." Sagot ko sa kanya.

"Gusto ka ba nilang patayin?" Nanlaki ang mga mata ko sa tanong ni Jasper sa akin. Mas lalo akong kinabahan.


"H-Hindi ko alam." Natatakot kong sagot sa kanya. Naramdaman kong muli ang yakap ni Jasper sa akin, na tila ba'y dinadaluhan niya ako sa takot na nararamdaman ko.

"Jasper, pwede mo ba akong ilayo dito? Please?" Naiiyak kong pakiusap sa kanya.


"Ayoko dito." Dugtong ko habang nababalot pa rin ako ng takot.

"Oo. Ilalayo kita." Bulong niya sa akin at mas hinigpitan ang yakap niya sa akin.


Umuwi ako sa bahay pagkayari akong dalhin ni Jasper sa Hospital para gamutin ang sugat ko. Hindi ko ito pina-alam kina Mama lalo na kay Kuya. Alam kong magagalit sila at mag-aalala. Umakyat na ako sa kwarto ko at humiga sa aking kama.

Umuulit pa rin sa aking isipan ang nangyari kanina. Pakiramdam ko nasa delikado ang buhay ko. Hindi ko alam. Pero natatakot ako.


Napalingon ako sa cellphone kong tumutunog. Inabot ko ito at sinagot ang tawag.

(Jassy?) Narinig ko ang boses ni Aiden.


"Bakit, Aiden?"

(Busy ka ba?) Kumunot ang noo ko sa tanong niya.


"Hindi naman. Bakit mo natanong?"

(Ah kasi, pwede ka bang pumunta rito?)


"Huh? Bakit?"

(Tulungan mo naman ako, lasing na ang mga kasama ko dito. Kailangan ka ni Kel.)


Kaagad akong napabangon at napahawak sa braso ko dahil sa biglaang pagbangon ko.

(Text ko na lang sayo ang lugar ha. Hintayin kita.) Sambit ni Aiden tsaka pinatay ang tawag. Hindi ko na nagawang makasagot sa kanya.


Nagbihis ako at nag-ayos, hinintay ko ang text ni Aiden. Nakita kong sa bar ito nila Marlisa. Namasahe ako papunta sa bar na sinabi ni Aiden. Napahawak ako sa sling bag na nakasabit sa katawan ko bago ako pumasok sa loob.

Hinanap ko kung nasaan ang table nina Aiden. Nakita ko naman sila sa itaas kaya umakyat ako papunta sa kanila. Kaagad siyang napatayo nang makita ako.


Linibot ko ang mata ko sa kanilang lamesa. Kasama nila ang mga tropa nila at mga lasing na sila. Nakita ko si Lance na nakahiga na at mahimbing na ang tulog. Nasa dulong upuan naman si Kiel. Kaagad na bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko siya.

"Pasensya na, Jassy. Wala si Ingrid, biglaan silang umalis kanina at next week pa ang balik nila. Kakagaling ko lang kina Kyla." Sambit ni Aiden sa akin. Napunta sa kanya ang tingin ko.


"Ano bang nangyari dito?" Pag-uusisa ko. Napalingon siya sa mga tropa niya.

"Kaninang umaga pa daw nandito si Kiel. Pinuntahan siya nina Lance ngunit nalasing lang mga ugok. Ayaw na nilang pauwiin mag-isa si Kiel." Bumalik sa akin ang tingin niya. "Muntikan na daw kasing mabangga ito kagabi nang umuwi siya mag-isa."


Kaagad na nanlaki ang mga mata ko. Napatingin ako kay Kiel na nakayuko at malalim ang iniisip. Hindi niya napansin ang pagdating ko.Nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi ni Aiden. Biglang lumambot ang puso ko, palagi naming lumalambot ito pagdating kay Kiel.

"Sige, ako na ang bahala sa kanya." Sambit ko kay Aiden. Tumango siya sa akin.


"Salamat, Jassy!" Sambit niya tsaka lumapit kay Lance.

"T*ng ina mo naman, pre! Ang bigat mo." Reklamo ni Aiden nang buhatin niya si Lance pababa ng hagdan.


Tumingin ako kay Kiel, huminga ako ng malalim bago lumapit sa kanya. Pero bago pa ako makalapit sa kanya ay may isang matangkad na babae ang lumapit sa kanya.

Umupo siya sa tabi ni Kiel. Hinawakan niya ang braso ni Kiel, napataas naman ang ulo ni Kiel at lasing na liningon ang babaeng katabi niya. Walang ano-anu'y biglang hinila ni Kiel palapit sa kanya ang babaeng nasa harapan niya at hinalikan ito.


Para namang napako ang mga paa ko sa sahig. Napanganga ako sa nasaksihan ko. Parang pinipigia ang puso ko kahit na wala akong karapatang masaktan sa nakikita ko.

"Done staring at us?" Rinig kong tanong ng babaeng hinalikan ni Kiel.


"Uhm..." Nangapa ako ng isasagot sa kanya. Nang magsalita ako ay nakita ko ang paglingon ni Kiel sa akin. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat nang makita ako.

"Halika na, Kiel. Umuwi ka na." Sambit ko sa kanya. Pagod ang nakita ko sa mga mata niya.


Bigla namang tumayo ang babaeng katabi niya. Humalukipkip siya sa harapan ko.

"Ano ka niya para sumunod siya sayo? Nanay ka ba niya?" Mataray na tanong niya sa akin tsaka tumawa ng sarcastic sa akin.


"Tama na yan, Tasia." Sambit ni Kiel tsaka sumandal at lumagok muli ng alak. Linagpasan ko ang babaeng tinawag niyang Tasia. Lumapit ako sa kanya at kinuha ang boteng hawak niya.

"Ikaw ang tumigil, Kiel. Mukha bang tubig yang alak para araw-arawin mo, huh?" Pangaral ko sa kanya. Inangat niya ang tingin niya sa akin.


"We're just strangers, remember?" Sagot niya sa akin. Tiningnan ko siya ng diretso. Kumirot ng bahagya ang puso ko dahil sa sinabi niya.

"Alam ko, hindi ko nakalimutan ang sinabi mo." Sagot ko sa kanya. Nagkibit balikat siya at tumingin sa harapan. Inabot ko naman ang braso niya para bumalik sa akin ang tingin niya.


"Pero hindi ibig sabihin nun ay papabayaan na lang kita. I still care for you." Dugtong ko habang diretsong nakatingin sa mga mata niya. Bumaba ang hawak ko sa kanyang kamay.

"Umuwi na tayo, Kiel?" Mahinang ayaw ko sa kanya. Nakita ko ang pag-awang ng bibig ni Kiel. Bumaba ang tingin niya sa kamay niyang hawak-hawak ko.


Tumango siya sa akin tsaka tumayo. Hinarang naman kami ng babaeng Tasia ang pangalan. Masama siyang tumingin sa akin.

"Bakit ba pinapa-uwi mo si Kiel?" Inis niyang tanong sa akin. Tumingin siya kay Kiel.


"Kiel! Huwag kang sumama sa babaeng yan!" Pigil niya kay Kiel. Lumingon ako kay Kiel na lasing na at nakatingin pa rin sa kamay niya.

Huminga ako ng malalim bago ko hinigpitan ang hawak sa kamay ni Kiel. Pinagsaklop ko ang mga daliri namin. Nakita ko ang gulat sa mukha ni Kiel. Hindi ko na sinagot ang babaeng Tasia ang pangalan. Hinila ko na si Kiel palabas at iniwan namin siya doon.


Huminto kami sa labas ng bar, babawiin ko na sana ang kamay ko kay Kiel ngunit hindi niya ito pinahintulutan. Mas hinigpitan niya ang hawak sa aking kamay. Napalingon ako sa kanya. Nakita kong nakasandal siya sa harapan ng kotse niya habang hawak-hawak ang kamay ko. Nakatayo ako sa harapan niya habang naramdaman ko ang pagtibok ng mabilis ng aking puso.

"Pinuntahan mo ba ako dito dahil sinabi ni Aiden?" Tanong niya habang nakayuko. Dahan-dahan niyang inangat ang kanyang ulo at nagtama ang aming mga mata.


"O, dahil pumunta ka para sa akin?" Dugtong niya. Hindi ako kaagad nakasagot.

"Uhm..." Nangapa ako ng isasagot ko. Nakita kong napatingin si Kiel sa braso kong may sugat. Bahagyang tumaas ang manggas ng t-shirt na suot ko kaya nakita ang gauze na nakatapal dito.


"What happened to you?" Biglang naging seryoso ang mukha ni Kiel. Binaba ko ang manggas ng damit ko para itago ang sugat ko.

"H-Huh? Wala. Nadaplisan lang ako, mayroon kasing humintong riding in tandem sa akin kanina." Sagot ko sa kanya habang iniiwas ko ang tingin ko.


"F*ck!" Mura ni Kiel. Inangat ko ang tingin ko at nagulat ako nang hilahin niya ako palapit sa kanya.

Mabilis niya akong yinakap ng mahigpit habang nakasandal siya sa sasakyan niya. Ilinagay niya ang kanyang mukha sa aking leeg. Para namang namanhid ang aking katawan at parang napaso ang buong katawan ko nang maramdaman ko ang mga yakap ni Kiel sa akin.


"Hindi kita kayang pabayaan. Look, what happened to you." Sambit niya habang yakap-yakap ako.

"I'm sorry, pero hindi na ako lalayo sayo. Hindi ko na hahayaang mapahamak kang muli." Mas lalong binaon ni Kiel ang kanyang mukha sa aking leeg. Nagdulot naman iyun ng kiliti sa aking balat.


Inangat ko ang mga braso ko at hinayaan ang sarili kong yakapin pabalik si Kiel. Naramdaman ko ang paghigpit ng mga braso ni Kiel sa akin.


"I'll make you safe, my princess."


Itutuloy....



Read●Vote●Comment●Share


"Always keep your Tiara UP!"



~Princesss_aj

Continue Reading

You'll Also Like

535K 10.1K 38
The Boss' Bride by: Eonnieverse My name is Faye Vieros and this is my not so ordinary and full of action story. Highest Rank: #16
4.4M 112K 50
[PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC.] Have you ever made the most stupid mistake in your life? I don't know which one is mine, is it introducing t...
13.9M 389K 79
Harrison University is an institution where the seventeen-year-old, Myrttle Joong, was obliged to finish her study, despite of her strong aversion. A...