What Love Can Do? (UNDER REVI...

By Princesss_AJ

1M 24.8K 1.2K

(COMPLETED) Ang "pag-ibig" ay maraming kahulugan para satin. Ito ay emosyon na ating nararamdaman sa isang t... More

-Prologue-
«Disclaimer»
Chapter 1 My Virgin Eyes!
Chapter 2 The Brother
Chapter 3 Friendship
Chapter 4 For the First Time
Chapter 5 First Kiss?
Chapter 6 Lover's Quarrel
Chapter 7 He's the Brother
Chapter 8 Panyo
Chapter 9 Crush?
Chapter 10 Apology
Chapter 11 It's a Deal!
AUTHORS NOTE! MUST READ!
Chapter 12 For you
Chapter 13 Meet the Sister
Chapter 14 Permission?
Chapter 15 Friendly Date
Chapter 16 She's the Noona
Chapter 17 Siomai
Chapter 18 Mr. Right?
Chapter 19 Is this Real?
Chapter 20 Comfort
Chapter 21 Protective Kuya!
Chapter 22 Aminan Time!!
Chapter 23 We're Still Friends?
Chapter 24 I'm Stuck with him
Chapter 25 A Princess for a Night
Chapter 26 A Princess for a Night (part 2)
Chapter 27 A Princess for a Night (part 3)
Chapter 28 Threat
Chapter 30 Tuloy Pa rin
Chapter 31 Night Party
Chapter 32 End
Chapter 33 Blessing in disguise
Chapter 34 Stay with Me
Chapter 35 His Reason
Chapter 36 Revelation
Chapter 37 True Feelings
Chapter 38 Sacrifice
Chapter 39 Love-Struck
Chapter 40 First Date
Chapter 41 "Yes"
Chapter 42 Officially Mine
Chapter 43 Undeserved
Chapter 44 Don't like her
Chapter 45 Out of town
Chapter 46 Just Friends?
Chapter 47 Allergic
Chapter 48 Respect
Chapter 49 We are Jealous
Chapter 50 Couple's Conflict
Chapter 51 First love
Chapter 52 I'm Hurt
Chapter 53 I Love Her (Part 1)
Chapter 54 I Love Her (Part 2)
Chapter 55 Understand
Chapter 56 Dare
Chapter 57 The Truth
Chapter 58 Loss
Chapter 59 Grief
Chapter 60 First Monthsary
Chapter 61 We meet again
Chapter 62 Brothers
Chapter 63 Friends
Chapter 64 Left
Chapter 65 Tulad Mo
-Epilogue-
Shout Outs 🎉
💖Pasasalamat💖
What Love Can Do?
Book 2

Chapter 29 Her Realization

14K 314 10
By Princesss_AJ


29: Her Realization

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encountered. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»



Jassy's POV



"Kami na ulit ni Ingrid. Sinagot na niya ako." Masiglang saad niya sa akin. Kita ko sa mga mata at ngiti niya ang kasiyahang nararamdaman niya.


I should be happy for them, right? But right now, my heart is aching for Kiel. Hindi ko alam kung bakita ganito ang nararamdaman ko. Hindi ko maipaliwanag bakit kumikirot ang puso ko. Dahan-dahan akong tumango sa kanya. Paulit-ulit na umikot sa aking isipan ang sinabi ni Kiel, na para bang isang sirang plaka ito. 



"Ang galing natin!" Nakangiti niyang sambit sabay taas ng kanang kamay niya. Napatingin ako rito at nagtaka. Inangat ko ang kamay ko, hindi na niya hinintay ang paglapit ng kamay ko at siya na mismo ang nakipag-apir sa akin.


Bakit ganito pa ang dapat kong maramdaman? Kumpara sa sakit na naramdaman ko kay Drake, masasabi kong mas masakit ito.




"Ahh..." Walang kwentang sagot ko sa kanya. Mabilis naman siyang umismid.


"Tss. Ayan lang ba ang masasabi mo? Ikaw pala 'tong walang kwenta kausap eh." Giit niya sa akin tsaka sinamaan ako ng tingin.



"Anong gusto mong sabihin ko?" Nakayuko kong tanong sa kanya tsaka ko pinaglaruan ang mga daliri ko.

"Malamang congrats?" Natatawang sagot ni Kiel sa akin. Inangat ko ang ulo ko tsaka tumingin sa kanya.



"Edi congrats." Sagot ko sa kanya. Tumaas naman ang kilay niya sa akin.

"Bakit parang hindi ka masaya?" Tanong niya sa akin. Kaagad akong umiwas ng tingin sa kanya.



"H-Hindi ah. Masaya ako para sa inyo." Sagot ko tsaka pinilit kong tumayo. 

Napahawak ako sa gilid ng kama nang maiapak ko ang aking paang natapilok. Kaagad ko iyung binawi at kumuha ako ng balanse.



"San ka pupunta? Hindi ka pa okay." Sambit ni Kiel at nakita ko siyang tumayo sa gilid ko. Umamba siyang tutulungan ako pero hinarang ko ang kamay ko sa kanya.

"Okay lang ako. Kaya ko na." Sambit ko nang hindi tumitingin sa kanya. Pinilit kong makalabas ng clinic kahit na iniinda ko pa rin ang paa kong natapilok.



"Teka!" Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin. Mas pinilit kong makalakad kahit na nahihirapan ako.


"Jassy!" Rinig kong tawag niya sa akin. Bahagya akong napatigil nang tawagin niya ako sa pangalan ko. Huminga ako ng malalim.



"Kaya ko, Kiel. Sige na." Sambit ko habang nakatalikod ako at pinipigilan ang sarili ko.


"Hindi mo kaya. Tingnan mo nga ang sarili mo. Kulang na lang ay gumapang ka makalabas ka lang ng clinic." Rinig kong sagot niya sa akin. Pumikit ako bago hirap na humarap sa kanya.



"I don't care! If kailangan kong gumapang, gagapang ako." Sagot ko sa kanya. Humakbang siya palapit sa akin.


"Ako na nga ang tumutulong sayo, ikaw pa ang nagagalit?" Bwelta naman niya. 



"Pwes, hindi ko kailangan ng tulong mo! I don't need your help, I don't need you!" Sagot ko sa kanya. Iniwas ko ang mga mata ko dahil naramdaman ko ang pangingilid ng mga luha ko. 

Ilang minuto rin kaming nabalot ng katahimikan ni Kiel. Nakayuko lang ako habang nasa harapan ko siya. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.



"Fine! Yari naman na ang deal natin. Kaya might as well, itigil na rin natin ang pag-uusap nating dalawa." Sambit niya dahilan para mapa-angat ako ng tingin sa kanya.


Pero huli na ako, naka-alis na siya at naglalakad na palayo sa akin. Sa bawat hakbang ni Kiel palayo sa akin ay parang kirot sa aking puso. Matagal ko na rin 'tong nararamdaman. Kapaag binabanggit ni Kiel na gusto niya si Ingrid at gaano niya 'to kagusto o kamahal, bigla akong nawawala sa mood o kaya naman naiinis. Kahit alam ko naman na mahal pa niya si Ingrid.


Noong araw na nag general cleaning kami. Nung inaasar silang dalawa nila Aiden, nakaramdam ako ng kurot sa puso ko nun. At nung puma-ibabaw si Ingrid kay Kiel dahil natalisod siya, gustong-gustong lumuha ng mga mata ko. Parehas lang din ang naramdaman ko nung nakita ko silang nagsasayaw ni Ingrid nung birthday niya. 



At pag inaasar niya ako, hindi na tulad ng dati. Dati naiinis talaga ako sa kanya kapag inaasar niya ako. Pero ngayon? Parang hinahanap-hanap ko ang mga pang-aasar niya sakin. At nung gabing isinayaw niya ako? Ibang bugso ng damdamin ang naramdaman ko. Natatangi ang naramdaman ko sa sayaw namin ni Kiel kaysa sa sayaw namin ni Lance.


Pero tila ba huli na ang lahat. Huli na bago ko naramdaman ang mga ito. Huli na ako para kay Kiel Salazar.



"Jassy!" May tumawag sakin kaya dahan-dahan akong lumingon. Muntik na akong mapa-upo sa kinakatayuan ko nang makita kong naglalakad papalapit si Ivory sakin.


"B-Bakit?" Kinakabahang tanong ko sa kanya. Sinikap kong tumayo ng ayos kahit masakit ang paa ko.



"Natatandaan mo pa ang sinabi ko sayo?" Tanong niya tsaka tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Mas tumagal ang tingin niya sa akin paa kaya inayos ko ito. "I mean yung banta ko sayo?" 



"Huh? O-Oo." Kabadong sagot ko sa kanya.

"Good. But there is one more thing I need to tell you." Mataray niyang panimula. "Or Should I say," 



"A warning..." Bulong niya sa aking tenga. Umayos siya ng tayo sa aking harapan.


"I'm warning you..." Panimula niya. Mas lalong bumilis ang kalabog ng dibdib ko.



"Stay away from Kiel."


"Kiel is only for Ingrid. And Ingrid is only for Kiel. Kaya wag kang lumapit-lapit kay Kiel. Dahil ayokong may nang-aagaw sa kapatid ko, lalo na kung pagmamay-ari ng kaparid ko." Seryoso at diretsong pagbabanta niya sa akin habang nakahalukipkip.



"I will go now. Keep in mind what I've just said." Tinarayan niya ako ng tingin tsaka siya naglakad. Bago niya ako malampasan binunggo niya muna ako. Mabuti na lang at nakahawak ako kaya hindi ako natumba. 




"Jassy?" May tumawag ulit sa akin. Sa puntong ito ay pumikit na ako at umasang mabuting tao na ang tumawag sa akin ngayon. Dahan-dahan ko siyang liningon. Napahinga ako ng maluwag nang makita ko siya.


"Brianna!" Tawag ko sa kanya. Napansin niya ang paglalakad ko kaya siya na ang unang lumapit.



"Anong nangyari sayo?" Tanong niya sa akin. Umiling ako tsaka ngumiti sa kanya.

"Wala, natapilok lang ako. Pero okay na ako." Sagot ko sa kanya. Kita ko ang pag-aalala niya.



"Let's go. Maupo muna tayo roon." Sambit niya tsaka ko inakay papunta sa mga bench. Guminhawa ang pakiramdam ko nang maka-upo ako.


"Bakit ka pala nasa DU? Hinahanap mo ba si Drake?" Tanong ko sa kanya. Umiling naman siya sa tanong ko.



"No, ikaw ang sadya ko dito." Sagot niya na pinagtaka ko naman.

"Ako? Bakit Ako?" Tanong ko sa kanya. Huminga muna siya ng malalim.



"May gusto akong sabihin sayo, Jassy." Sambit niya. Kumunot naman ang noo ko.

"Ano naman yun?" Tanong ko sa kanya.



"Jassy." Hinawakan niya ang kamay ko. Hinintay ko naman ang sasabihin ni Brianna.


"I am going to New York, Jassy. Doon na ako mag-aaral." Sagot niya na labis kong ikinagulat.



"Seryoso?" Namamangha tanong sa kanya. "New York City?"

"Oo, Jassy." Sagot niya sa akin tsaka nahihiyang ngumiti.



"Congrats! Alam na ba ni Drake? For sure, matutuwa siya." Sambit ko sa kanya. Bigla siyang yumuko sa harapan ko.

"Drake doesn't want me to go." Sagot niya sa tanong ko. Mas nanlaki naman ang mga mata ko. Inangat ni Brianna ang kanyang ulo tsaka humarap sa akin.



"I'll be away, Jassy. Kaya gusto kong ipaubaya si Drake sayo." Sambit niya dahilan para mapahawak ako sa bibig ko dahil sa gulat. Napakurap-kurap ako sa harapan niya.

"What do you mean, Brianna?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.



"Jassy, ayokong mahirapan si Drake. Sa New York na ako titira. And I will be there for good. I don't want Drake to follow me in New York at itigil niya ang pag-aaral niya dito sa Pilipinas. I am letting him go." Hinigpitan ni Brianna ang hawak niya sa kamay ko.


"Brianna, hindi mo naman kailangan gawin yan." Mahinang sambit ko sa kanya.



"No, I have to. Hindi na ako babalik dito sa Pilipinas. And malabo nang magkita kami araw-araw ni Drake, hindi ko siya mabibisita ng madalas at alam kong pag-aawayan namin ang time na hindi namin maibigay sa isat-isa. Pag nagkataong mangyari yun, mas masasaktan kaming pareho." Umiiyak niyang sagot sa akin.


"Hindi pa naman tapos ang kwento niyo, tinatapos mo na agad." Sambit ko sa kanya. Napaisip siya. Hindi ko rin maintindihan ang nangyayari, masyadong mabilis at komplikado. Pero kung anuman yun, ayokong maghiwalay sila. They truly love each other.




"Ngayon tapos na!" Nagulat kaming pareho ni Brianna. Kaya napalingon kaming dalawa sa aming likuran.


"Drake?" Sabay na tawag namin ni Brianna.



"How dare you Brianna?!" Unti-unti ng tinataas ni Drake ang boses niya kay Brianna. 


"I'm not a toy Brianna. I'm not a damn toy that if you don't want to play anymore, you will just give me to someone else." Kitang-kita ko ang galit ni Drake. Lumapit si Brianna kay Drake at nanginginig na hinawakan ang kamay nito.



"I'm sorry. Ayun lang ang naiisip kong paraan, naibigay ka sa taong mas deserve mo." Sagot ni Brianna kay Drake. 


"F*ck that way, Brianna! Ayoko sa paraang gusto mo." Sigaw ni Drake, at sa puntong yun, umiyak muli si Brianna. 



Napansin kong nagsipuntahan na ang mga kaibigan ni Drake. Kasama na dun sina Kiel, Aiden, Lance at Ingrid. Pati si Kyla nakita ko. Natanaw ko din ang 4M Girls, at ibang mga estudyante. Nagtataka sila sa nakikita nila. Pero walang pakialam sina Drake at Brianna.



"Drake, hindi mo ba naiintindihan kung bakit ko 'to ginagawa?" Umiiyak na tanong ni Brianna.   

"Hindi ko kailanman maiintindihan ang gusto mong mangyari, Brianna." Sagot ni Drake.



"Sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan, Brianna? Ipinapamigay mo ako!" Tuluyan nang bumuhos ang mga luha ni Drake. Lumapit si Brianna at hinawakan ang nanginginig na kamay ni Drake.

"Gusto ko lang maging masaya ka." Mahinang sambit ni Brianna.



"Hindi ba malinaw sayo? Na ikaw ang kasiyahan ko, Brianna. Ikaw at hindi iba." Naiiyak na sagot ni Drake kay Brianna. Natigilan si Brianna sa sinabi ni Drake. Nakita kong pinunasan ni Drake ang kanyang namamasang pisngi.


Ilang minuto din kaming naging tahimik.  "I'm sorry Drake. I'm really sorry." Paghingi ng tawad ni Brianna kay Drake.



"Tama na. Itigil na natin 'to. Wala naman na 'tong patutunguhan eh. Ipapamigay mo lang naman ako." Nagulat kaming lahat sa sinabi ni Drake. Bumitaw siya sa kamay ni Brianna. Ilang segundong naging tahimik si Brianna bago siya nagsalita.


"Okay, I just want you to know that today is my flight. Keep safe and remember that, I will always love you, Drake." Sambit ni Brianna habang pinapawi niya ang mga luhang bumagsak sa kanyang pisngi.



Lumapit si Kiel kay Brianna at inalalayan niya 'tong lumabas ng University. Nagtama ang mga mata namin ni Kiel pero siya ang unang umiwas ng tingin. Naglakad na sina Brianna at Kiel palabas ng University, papuntang parking lot.


"Oh! Tapos na ang drama! Alis na!" Pagpapa-alis ni Aiden sa mga estudyante. Linapitan nila si Drake na naka-upo sa sahig at umiiyak. Tinapik nila ang likod ni Drake tsaka umalis.



"Iwan mo na ako, Jassy." Utos sakin ni Drake. Linapitan ko siya.


"Hindi ako aalis. Hindi kita iiwan." Umupo ako sa tabi niya at bigla niya akong hinila palapit sa kanya tsaka ako yinakap.



"Bakit? Bakit nagawa niya yun, Jassy? Susuportahan ko naman siya sa pangarap niya. Sa totoo nga, kinausap ko na sina Dad and Mom about sa pagsunod ko kay Brianna sa New York, at pumayag sila." Mas hinigpitan niya ang pagkayap niya sakin.


"Kaso, Jassy. Nung ibibigay niya ako sayo. Doon ako nasaktan. Ganun ba ako kawalang kwenta sa kanya, para ibigay niya na lang sa iba? F*ck lang! Ang sakit!" Nararamdaman ko na ang maiinit na likidong nalalaglag sa mata ni Drake na napupunta sa balikat ko. Hinimas ko ang likod niya.



"Drake, pareho kayong nasasaktan ni Brianna. Pero bilib ako sa tapang niya, dahil kaya niyang masaktan maging masaya ka lang. Handa siyang makita kang hawak ng iba basta wag ka lang masaktan. Ang hirap pakawalan ng taong ayaw mong mawala." Sambit ko tsaka ko hinarap si Drake. Tumingin ako sa mga mata niyang basang-basa na ng luha.


"Pero mahirap din pumili sa pagitan ng pangarap mo at ng taong mahal mo. But don't let your dreams be a hindrance to your Love Story. Because you can accomplish your dreams together, by holding each other's hands.Ngumiti ako sa kanya. Kita kong unti-unting nalalagyan ng ngiti ang mukha ni Drake. Nakukuha na niya ang pinupunto ko.



"Jassy, salamat! I will fight for her." Sambit niya tsaka tumayo. 

"Come with me."  Inabot niya ang kamay ko at inalalayan akong maglakad.



Mabilis na pinalipad ay este pina-andar ni Drake ang kotse niya. Nakarating na rin kami sa airport. Kinuha ni Drake ang passport niya na nakalagay sa compartment ng kotse niya. Alam ko na ang gagawin niya.


"Tara na, Jassy. I need to follow my heart." Sabay ngumiti ng pamatay niyang ngiti. Lumabas na siya at ganun din ako.



Pumasok kami sa loob ng airport at pumunta kami sa counter para magtanong.

"Miss, anong oras ang flight papuntang New York?" Tanong ni Drake doon sa babae sa counter.



"Sorry sir, kakaalis lang po ng eroplano na pupuntang New York." Sagot nung babae. Nalungkot kaming dalawa.


Huli na ba? Huli na rin ba si Drake?



Biglang tumakbo si Drake papunta doon sa loob. Pinigilan siya ng mga security guard pero hindi siya nagpapigil. Pumasok pa din siya dun. Pinilit kong lumapit sa kanila. 

"Pasensya na po. Kailangan lang po niyang gawin yan." Paghingi ko ng pasensya sa kanila.



"I'm sorry, Ma'am pero hindi po pwede." Sagot sa akin ng Guard.


"Drake..." Tawag sa kanya ni Ate Dianna. Nakita namin sila nila Kuya Josua. 



Lumingon si Drake sa Ate niya habang umiiyak. Bigla naman siyang yinakap ni Ate Dianna.


"Shhh...It's okay. You can still follow her. Maybe in some other day." Sambit ni Ate Dianna kay Drake. Halatang nag-aalala siya para sa kapatid niya.



"Ate, I let her go just like that. I even got mad at her because of my damn f*cking pride. Ate ang t*nga ko. Ang t*nga-t*nga ko, na ganun-ganun ko na lang siya pinakawalan." Patuloy pa rin sa pag-iyak si Drake habang yapos-yapos siya ni Ate Dianna.


Dito mo talaga makikita kung mahal ka ng isang lalaki. Dahil iisipin ng iba na, mahina kapag umiyak ang isang lalaki. Pero hindi, isang patunay lang yun na isa silang tunay na lalaki. Dahil hindi sila marunong manakit ng damdamin ng babae dahil alam nila ang sakit na yun.



"C'mon, Drake. You need to rest. Everything will be okay. I promise to you." Aya ni Ate Dianna samin. Tumayo na siya at inabot ang kamay niya para makatayo si Drake.


"No, Ate! I will stay here. I will stay 'till the next flight to New York." Protesta ni Drake. Naka-upo lang siya sa sahig at hinihintay ang pagdating ng next plane papuntang New York.



"Drake! Don't do that. Sa tingin mo ba gusto ni Brianna na magkaganyan ka? Drake she loves you, at alam kong mapapatawad niyo rin ang isat-isa. Kaya lets go!" Pasigaw na pangaral ni Ate Dianna sakanya.



"Pero-"

"I said let's go."



Hindi umubra si Drake kay Ate Dianna. Sumunod 'to sa kanya at lumabas na kami. Umupo muna kami doon sa isang upuan. Tahimik lang si Drake na nasa tabi ko at naka-upo samantalang si Ate Dianna naman ay bumili muna ng maiinom namin.

"Ano naman nangyari sayo?" Rinig kong tanong ni Kuya sa akin. Lumingon ako sa kanya tsaka umiling.



"Wala, Kuya. Natapilok lang ako." Sagot ko sa kanya. Tumayo na ako at nagpatulong kay Kuya papunta sa rest room. 


Paglabas ko ng rest room ay hirap akong naglakad palabas. Humawak ako sa gilid habang naglalakad. Ramdam ko ang hirap sa bawat paglakad ko. Hindi ko alam kung nasaan na ang Kuya ko. 



"Sabing hindi mo kaya eh." Rinig kong sambit ng isang lalaki na humawak sa siko ko nang muntikan na akong mawalan ng balanse. Inangat ko ang ulo ko at nakita ko siyang seryosong nakatingin sa akin.

"A-Anong ginagawa mo dito, Kiel?" Tanong ko sa kanya. Tumawa lang siya sa akin tsaka nakangising tumingin sa akin. 



"BRIANNA!!" Napatingin kaming dalawa sa sumigaw. Nakita kong yakap-yakap ni Drake si Brianna. Mukhang nakita nila ang isat-isa kanina. Tinulungan ako ni Kiel na makalapit sa kanila. 

"Kunwari, kaya niya. Tsk." Rinig kong bulong ni Kiel habang inaakay ako. Sinamaan ko lang siya ng tingin.



Hinawakan ni Drake ang mukha ni Brianna.  "I'm sorry! I'm so sorry. Please forgive me." Lumuhod si Drake kay Brianna at hinawakan niya ang kamay nito. Tinayo siya ni Brianna.


"Walang dapat sisihin. Dahil may kasalanan tayong dalawa. I'm sorry for not fighting for our love. Kasalanan ko din dahil natakot ako. Natakot ako kaya binalak kong iwan ka at ibigay ka sa iba. I'm so sorry, Drake. I just love you." Hinawakan ni Drake ang pisngi ni Brianna. 



"Shh...I Love you too." Sambit nito at hinawakan niya ang labi ni Brianna at hinalikan niya 'to.


Napalingon ako sa kanya. Tumingin ako kay Kiel, na nasa tabi ko at inaalalayan ako. Hindi niya siguro napapansin na nakatingin ako sa kanya. Dahil na kayla Drake at Brianna lang mga mata niya.



Bigla ko nanamang naramdaman ang kakaibang bugso ng damdamin ngayong kasama ko si Kiel. Ramdam ko ang napakabilis na kabog ng dibdib ko. Naalala ko ang sinabi niya kanina na hindi na kami mag-uusap. Napa-iling ako sa sinabi niya. Ayokong tumigil, kahit tapos na ang deal namin. Ayokong malayo sa kanya.


Dahil ngayon ko lang napagtanto ang lahat. Ngayon ko lang napagtanto ang tunay kong nararamdaman para sa kanya. Siguro nga...Gusto ko nga si Kiel...Mali!!



GUSTO KO SIYA!


Nakita ko ang paglingon ni Kiel sa akin. Mabilis na nagtama ang mga mata naming dalawa. Parang nag slow-motion ang paligid naming dalawa. Tanging si Kiel lang ang nakikita ko. Napatingin ako sa mga mata niya. Ngumiti ako at hinayaan ang paglaglag ng mga luha ko.



"Umiiyak ka ba dahil sa ka-sweet-an nila?" Rinig kong tanong niya sa akin. Tinikom ko ang bibig ko tsaka umiling sa kanya.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong ni Kiel sa akin habang hinuhuli ang mga mata ko. Pumikit ako tsaka tumingin sa kanya.


"Umiiyak ako kasi may narealize ako." Sagot ko sa kanya. Kumunot naman ang noo ni Kiel sa akin.


"Ano naman yun?" Tanong niya. Umiling akong muli bago sumagot sa kanya.



"Wala, hindi na pwede. Huli na ako." 


Itutuloy.....




Continue Reading

You'll Also Like

9M 246K 66
The Doctor is out. He's hiding something
10.4M 564K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
7.9M 478K 46
[PUBLISHED UNDER LIB] #3. "If I won't have you then might as well kill me, attorney."