Listen To My Lullaby

Від wistfulpromise

484K 17.5K 7.3K

(The Final Installment of G-Clef Song Trilogy) Sabi nila ang buhay ay umiikot sa isang bilog. Minsan nasa taa... Більше

Paunang salita
Prologue
Chapter 1
Liham 1
Chapter 1 - The Real One
Chapter 2 - On the Search
Liham 2
Chapter 3 - Her
Chapter 4 - The Secret
Liham 3
Chapter 5 - The Forgotten City
Chapter 6 - Difference
Liham 4
Chapter 7 - Paglalakbay
Chapter 8 - Dagat
Chapter 9 - Fight for the kill
Chapter 10 - Clues
Liham 5
Chapter 11 - Found Her
Chapter 12 - Lullaby
Chapter 13 - Mistake
Chapter 14 - Nefario Warehouse
Chapter 15 - Fate
Chapter 16 - Lost
Chapter 17 - Red String of Fate
Chapter 18 - Protect You
Chapter 19 - Like attracts like
Chapter 20 - Deception
Chapter 21 - Dark Side
Chapter 22 - Street Fight
Chapter 23 - The Lost Clan
Chapter 24 - Secrets
Chapter 25 ~ Questions
Chapter 26 - Memories
Chapter 27 - My Sunshine
Chapter 28 - Finished Mission
Chapter 29 - King and Queen
Chapter 30 - Tears
Chapter 31 - Confusion
Chapter 32 - His Twin
Chapter 33 - Footprints from the past
Chapter 34 - Surrounded
Chapter 36 - Uncovering Secrets
Chapter 37 - Ice on Fire
Chapter 38 - Tri-Cities
Chapter 39 - Investigation
Chapter 40 - The Hierarchy of Power
Chapter 41 - Black Savage Invasion
Chapter 42 - Who's the Traitor?
Chapter 43 - Nefario's Blackmarket
Chapter 43 - Nefarios's Blackmarket (Part II)
Chapter 44 - The Dilemma
Chapter 44 - The Dilemma: Mind Games (Part II)
Chapter 45 - The Calm before the Storm
Chapter 46 - Pawns in the Game
Chapter 47 - A Game of Chess
Chapter 48 - Comrade or Enemy?: A Piece of the Past
Chapter 49 - The Uprising: A Piece of the Past
Chapter 50 - Ouroborus
Chapter 51 - The Battle Cry
Chapter 52 - Magsimula Tayo sa Simula

Chapter 35 - I Believe In You

6.3K 273 65
Від wistfulpromise

Chapter 35

I Believe in You


Serene

Sinundan ko si Jace pagkalabas niya roon sa silid na pinanggalingan namin. Tatawagin ko sana ang pangalan niya ngunit masyado siyang mabilis maglakad. Sa pinakadulo ng hallway na nilalakaran namin ay may pinasok siyang basement pababa. Tumakbo na ako para habulin siya.

Pagkabukas ni Jace ng ilaw sa silid na iyon ay nagulat ako sa nakita. Napakalaki at napakaluwang na kuwarto, lahat ng makikita mo ay punong-puno ng mga nakasabit na baril sa pader at marami pa sa baba.

Kinuha ni Jace ang isang kalas-kalas na baril sa isang mesa at mabilis na inayos.

Inilibot ko pa ang tingin dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita. Marami pang kahon-kahon ng armas ang nasa baba na animo'y mga laruan lang ngunit base sa bigat at detalye ng pagkakagawa, alam kong tunay ang lahat ng ito.

Sa isang pader 'di kalayuan ay may isang malaking mapa at sa gilid nito ay ang mga larawan na may nakaguhit na pulang ekis sa kanilang mukha. Naalala ko ang isa sa mga lalaki, iyon ang isa sa pinatay ni Jace noong isang araw sa may interrogation room. 'Yung may hikaw sa tenga. 'Yung lalaking binali niya ang leeg ng walang kahirap-hirap.

May kumatok sa pinto. Tinatawag ni Aiden ang pangalan ni Jace ngunit hindi siya nito pinansin. Ako na ang nagbukas ng pinto.

"Pakibigay na lang. Sige." Pagkaabot sa akin ng isang itim na folder ay umalis na rin siya agad. Iaabot ko sana kay Jace ngunit aksidenteng nadulas sa kamay ko ang folder dahil sa bigat. Wala rin kasing stapler o clip ang mga papel na ito. Inilagay lang sa folder.

Pinulot ko ang mga ito. May larawan akong nakita at may mga nakasulat sa baba. Ang mga larawan na ito ay halos parehas sa mga larawan na may ekis na nasa pader. Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa.

Nakita ko ang larawan ng mga lalaki na mukhang galing sa presinto. Hindi sila 'yung mga kapita-pitagan at kagalang-galang na nakita ko kanina kundi mga ordinaryong tao na marami nang naging kaso.

Karamihan pa sa kanila ang naging kaso ay kung hindi domestic violence, ay isa namang high risk sex offender at murderer. Hindi ko maitago ang gulat sa mga mata ko.

Ang pagkasa ni Jace ng baril ang nagpabalik ng tingin ko sa kanya. Isang shotgun naman ang binubuo niya ngayon at nilalagyan ng bala.

Ibinaba ko na ang folder na iyon sa tabi ng mesa niya.

"Bakit ganito karami ang baril dito? Dinaig nyo pa ang may factory ng baril sa dami ng koleksyon nyo." Tumayo ako sa tabi niya.

Iniangat ko ang tingin sa kanya ngunit masyado siyang abala sa ginagawa.

"Saan galing ang lahat ng ito?"

"Karamihan dyan ay ang mga nakumpiska namin noon sa Nefario."

Nanlaki ang mga mata ko. "Yung mga ilegal na baril na naidala namin ni Cello rito noon?"

Tumango siya ng konti.

"Some were taken but some were destroyed. Ilan lang yan sa mga nakuha namin. Marami pa ang nakatago sa mga secret storage." Inipit ni Jace ang isang baril sa may bewang. May kinuha rin siyang mga bala at magazine na siyang ibinulsa niya. Kinuha niya ang isa pang kalas-kalas na baril sa tapat ko. Mabilis itong binuo ng batikan niyang mga kamay na tila ba kahit nakapikit siya ay alam niya kung saan ilalagay ang bawat piraso.

Iniangat kong muli ang tingin doon sa folder na ibinaba ko bago muling inilibot ang tingin sa mga larawan na nakasabit sa pader. Karamihan dito ay katulad ng nasa folder, nakalagay ang mga impormasyon tungkol sa kanila. Mga takas sa kulungan, drug addict o 'di kaya mga taong marami nang nagawang kasalanan sa batas upang patawarin pa.

Ibinalik ko ang tingin kay Jace na nakatalikod mula sa akin.

Ngayon alam ko na kung bakit gano'n na lamang ang galit niya sa mga iyon. Hindi lang dahil sa nagawa nila sa kumpanya, sa Society o sa kung ano pa man kundi... dahil na rin dito.

He wants to gives justice to their poor victims. Iba lang ang paraan niya upang ibigay iyon.

Niyakap ko siya mula sa likod. Natigilan siya sa ginagawa. Noong mabawi niya ang sarili ay ipinagpatuloy niya ang pag-aayos ng baril.

"I'm not changing my mind." Sabi niya sa akin.

Mahigpit niyang ikinasa ang isang baril. Ibinaon ko ang mukha sa kanyang likod, enjoying that smell of power I feel from him. Gayunman, kapansin-pansin ang bigat ng pagbagsak ng hininga niya. He's still not in the mood.

"May sinabi ba ako?"

"Hindi ba't iyon naman ang dahilan kung bakit sinundan mo ako? To ask me to spare their life."

"Paano kung sabihin ko na kaya lang ako narito ay para yakapin ka ng ganito?" Niyakap ko siya ng mahigpit, nanlalambing kong ipinatong ang baba sa balikat niya. "No matter how bad you think you are, all I see is a man who just want to protect his people. You just have a unique way-- Jace's way-- pero alam ko na kapakanan lang naman naming lahat ang iniisip mo 'di ba?"

Huminto ako saglit.

"Alam mo..."

"Alam na alin?"

Inabot ko ang folder sa kanya. "Alam mo na marami na silang kaso. Alam mong marami na silang nagawang kasalanan sa batas hindi lang sa Society kundi pati na rin sa gobyerno. Pinapaimbestigahan mo muna sila hindi ba? Bago ka gumagawa ng kahit anong desisyon."

Hindi siya sumagot ngunit base sa reaksyon na nakikita ko sa kanyang mukha, alam kong tama ako.

Huminga ako ng malalim at isinandal ang pisngi sa kanyang balikat.

"I know you're tired. Tao ka lang. Napapagod din. You have done so much but no one seems to appreciate all of your efforts. If you know you are doing the right thing, bakit hinahayaan mo silang masama ang tingin sayo?"

"Doon naman nila ako kilala hindi? No matter how much I try to be good, they only see the bad things I have done. I don't need to prove myself to them. I am the bad merciless king they know? Then so be it."

"I am here. May tiwala ako sayo. Sabi ko na nga ba, alam ko hindi ka gagawa ng kahit anong desisyon ng hindi mo pinag-iisipan."

"I just did what I need to do."

"You don't need to defend your decisions to me kasi naiintindihan kita. Sana naiintindihan ka rin nila para hindi ka hinuhusgahan ng hindi nalalaman ang side mo."

Naramdaman ko na bumalik sa dati ang marahan niyang paghinga. Isinuklay niya ang mga daliri sa buhok bago ibinaba ang mga kamay sa mesa. Ang baril na nakapatong sa harap niya ay wala sa isip na lamang niyang tinititigan.

Tahimik kong pinakinggan ang pagtibok ng puso niya. Sa totoo lang, ayos na ako sa ganito. Hindi ko na inaasahan pa na magsasalita pa siya dahil alam ko naman ang ugali niya. Iiwan ko na sana siyang mag-isa at nang makapag-isip-isip noong marinig ko siyang magsalita.

"Nakakapagod lang minsan na wala nang ibang nakikita ang mga tao kundi pagkakamali mo. I am trying to improve this Society the best way I can. Hindi ko naman akalaing hahantong ang lahat dito—them having a rebellion. This was out of the plan. Ang daming nadadamay na hindi dapat nadamay and I feel everything was my fault."

"Jace, people make their own choices in life. Hindi mo hawak ang isipan nila lalo na ang puso nila. Yes you have a very unique approach in solving every problem, but if only they use that to motivate and improve themselves, sana kasing tatag sila ng Black Savage na pinamumunuan mo ngayon. Yung mga gang na sumanib sa NL7, they are weak minded. They are not ready to be ruled by a strong leader like you."

Ipinikit niya ang mga mata.

"Pero sana napigilan ko pa sila bago pa lumaki ng ganito ang gulong ito." Napailing siya sa sarili, puno ng pagkadismaya sa lahat ng nangyayari.

Akala ng lahat ang isang Jace Alvarez ay walang puso. Kung nakikita lang sana nila kung ano ang nakikita ko ngayon, magbabago ang tingin nila sa kanya. Wala siyang ibang kalaban kundi sarili niya. Kaya gusto kong ipaalala sa kanya na nandito lang ako, naniniwala sa kanya.

"Hindi pa naman huli ang lahat 'di ba? Hindi naman lahat ay gustong sirain ang Society. Naniniwala ako na kung may gustong manira sa mundong ginagalawan natin, meron ding mga taong kabaliktaran ang hangarin. Kailangan lang nating dilagan para umusbong pa ng umusbong. Like vines, crawling and crawling and crawling..." I drew circles like vines on his arms down to his hands. "Hanggang sa hindi mo namamalayan na lumalago na pala ito ng lumalago, reaching the deepest places you could never dream of."

Tumingin siya sa mga mata ko. Inayos ko ang buhok na marahang tumikwas sa noo niya.

"I can see so much potential in you Jace. I won't let anyone ruin you just because of a wrong perception. Hindi ka nila kilala pero ako kilala kita. And I just want to say I am proud to the man you've become."

I caressed his cheek. He held my hand and lean on it. Ipinikit niyang muli ang mga mata at noong idilat niya ito ay napakaraming emosyon doon na wala kahit anong salita ang makakapaghambing.

"I know you will do the right thing. I believe in you."

***

Iniwan ko muna si Jace sa loob noong sinabi niya na gusto niya munang mapag-isa upang makapag-isip-isip. I respect his decision. I respect his space.

Dahan-dahan kong isinara ang pinto sa likod ko. Nakita ko si Niel na naghihintay sa may gilid.

"Nakausap mo na siya?"

Tumango ako.

"Anong sabi niya? Ititigil na ba niya ang ginawa niyang desisyon tungkol sa mga bihag?"

"Hindi ko alam. Pero alam ko na gagawin niya kung ano ang tama."

"Tama ba ang pumatay ng tao ng walang sapat na dahilan?"

"May sapat siyang dahilan Niel. Kailangan lang nating magtiwala sa kanya."

"Pero hindi siya Diyos! Serene naman, ilang taon niya nang ginagawa 'yan. Kaya nagkakaroon ng gulo ngayon dito sa Society ay dahil sa mga naging desisyon niya."

"Pero hindi ba umayos din naman ang Society sa pamumuno niya? Bakit ba puro negatibo ang pinupuna nyo sa kanya? Ni minsan ba nagpasalamat kayo sa nagawa niya? Hindi di ba? Kaya ngayon kapag may maling nangyayari, doon lang kayo nagsasalita. Doon lang kayo may pakialam."

Napaatras siya ng konti, marahil hindi inasahan ang biglang galit sa aking mukha at talim ng mga salita na malimit lang nilang makita at marinig mula sa akin. Huminto ako saglit, pinapakalma ang sarili.

"Yung mga lalaking yun, karamihan sa kanila kung hindi rapist, mamamatay tao. Hindi lang niya sinasabi sa inyo pero alam niya ang ginagawa niya."

Bakas sa kanyang mukha na hindi niya alam ang tungkol doon.

Umalis na ako bago pa ako may masabi.

Naglalakad ako sa hallway ng Black Savage noong mapadaan ako sa hindi pamilyar na daan. Babalik na sana ako kung saan ako nanggaling noong may mapansin akong kakaibang pinto. Kumpara sa lahat ng pinto rito sa BSG, ito ay kulay puti. Lumapit ako at dahan-dahang kinapa ang disenyo nito. Music notes...

Binuksan ko ang pinto at nakita ang isang malaking itim na grand piano sa gitna. Sa kulay asul at puting pader ay ang mga nakasabit na gitara at violin. Napahinto ang tingin ko roon sa violin na may biyak sa gilid.

Naaalala ko... ito ang ginamit ni Jace na violin noon sa may Nefario. Doon sa labas ng kwarto namin, noong binigyan niya ako ng sport risk upang matakpan ang gclef tattoo ko. Kukunin ko sana ngunit masyadong mataas ang pagkakasabit. Hindi ko maabot. Nakita ko na lamang ang sarili na naglalakad papalapit sa may grand piano at doon ay umupo.

Para akong nagbubukas ng regalo noong iniangat ko ang cover ng piano keys. Hindi ko maintindihan ang sarili ngunit natutuwa ako na makita sila.

Pinindot ko ang isa, dalawa, tatlo, apat... hindi ko mapigilang mapapikit habang dinarama ang musika na nililiha mismo ng sarili kong mga daliri.

"Nahanap mo na pala ang music room ng Black Savage."

Lumingon ako kung saan nanggagaling ang boses at nakita si Niel na papalapit sa akin. Sinundan niya pala ako. Nakayuko siya ng konti na tila ba nahihiya sa akin.

"Pasensya na sa mga sinabi ko kanina. Hindi ko alam. Wala naman kasing sinasabi sa amin si Jace."

"Kilala mo naman si Jace di ba? Dati pa lang ganu'n na siya. Sinasarili ang lahat ng problema, destroying himself on the inside until he explodes."

Tumango siya ng konti.

Muli kong ibinalik ang tingin sa grand piano. Hindi ko alam kung bakit pero biglang gumaan ang pakiramdam ko ngayon na ayos na kami.

"Hindi ko alam na marunong pala akong tumugtog ng piano. Parang alam mismo ng mga daliri ko ang pipindutin kahit ang utak ko parang walang ideya kung ano ang gagawin."

"Ganun talaga kapag nasa puso mo ang ginagawa mo. Kapag nakaukit na sa buong pagkatao mo ang musika, hindi mo na makakalimutan."

Iniangat ko ang tingin sa mga instrumento na nakasabit.

Napahawak ako sa aking dibdib, isang kaugalian na nakasanayan ko nang gawin magmula pa noon. May hinahaplos ako, isang bagay na dapat naroon. Pero hindi ko alam kung ano.

"Halika na, nasa labas na silang lahat. Ngayon na lilitisan ang mga bihag. Nakapagdesisyon na si Jace."

Sa labas ay nakita namin na kasama ni Kuya Paul si Aiden kasama ang ilan sa mga BSG. Si Jace ay naroon na rin sa tabi nila. Tahimik na nakatingin sa mga bihag na hawak ng mga gangmates.

Ang halos anim na bihag ay nakabusal ang mga labi at nakatali ang paa pati na ang mga kamay. May tali na rin sa kanilang leeg para sa pagbitay na gagawin sa kanilang lahat. Sa oras na inayos na ang tali at tinanggal ang tutungtungan nila, ito na ang katapusan nila.

Ang mga luha sa kanilang mga mata ay tuloy-tuloy lamang sa pag-agos. Ang pag-ungol ng pakiusap ay nauuwi lamang sa mga saradong tenga. Ngunit pinili nila ang buhay na ito. Sa mga nagawa nilang kasalanan... iyon ang naging batayan ni Jace sa mga desisyon na ginawa.

"Tanggalin nyo ang mga busal sa bunganga nila. Gusto kong marinig ang mga huling salitang bibitawan nila bago matapos ang araw na ito." Utos ni Jace sa mga kasama na agad naman na sinunod.

"Death, maawa ka sa amin! Napag-utusan lang talaga kami."

Death. Kamakailan lang noong malaman ko na ito na ang tawag ng lahat kay Jace sa Gangster Society. Hindi na ako magtataka kung saan nanggaling iyon.

"Sino ang nag-utos sa inyo?"

"I-inutusan lang po kami pero hindi po namin kilala--"

"Magsasalita kayo o ito na ang huli na ibubuka nyo ang mga labi nyo."

Nasa labas na kaming lahat ngunit ang boses ni Jace ay parang patalim sa sobrang talim. Ang mga mata niya ay may kung anong dilim na alam na namin kung ano ang ibig sabihin.

"H-Hindi ko po alam. Parang awa nyo na po. Pakawalan nyo na kami!" Pagsusumamo ng lalaki.

"Impormasyon ang kailangan ko—namin. Ngayon kung ngangawa ka lang sa harap ko at hindi tatahimik, ako mismo ang magpapatahimik sayo."

Itinikom ng lalaki ang mga labi. Nagsalita ang isa niyang kasama.

"Ano bang gusto mong malaman?"

"Lahat."

"Kailangan mong mamili."

"Bakit ako pipili? I owe you nothing. But you, all of you, owe me more than your life's worth."

"Wala kaming nahita sa pera na nakuha namin mula sa inyo. Inutusan lang talaga kami. Ginamit lang din kami. At pagkatapos dinispatya at iniwan na lang dito na parang ligaw na pusa."

"Napunta ang pera sa mga pinuno nyo sa Notorious. Tama ba?"

"Saan pa ba mapupunta? We're just a pawn in this game and right now, you are all surrounded." Tumawa ang lalaki na akala mo may nakakatuwa sa sinabi niya. Nagkatinginan kami nina Niel at Kuya Paul.

"Ano ang ibig mong sabihin?" seryosong tanong ni Niel sa kanya.

"Malapit nang matapos ang paghahari nyo sa Society. Darating na ang oras na mabubuwag na ito at ang NL7 na ang mamumuno sa lahat ng pinamumunuan nyo."

"Sinasabi mo bang may traydor sa loob?" Tanong ko na nakakuha ng atensyon ng lalaki dahil ako lamang ang nag-iisang babae roon.

Binigyan niya ako ng mapanuring tingin.

"Parang kilala kita. Parang nakita na kita noon."

Ibinaba niya ang tingin ngunit hindi ko agad naitago ang aking pulsuhan noong nakita niya ang g-clef tattoo ko roon. Narinig ko siyang napasingap sa gulat kasama ng iba sa mga kasama niya na nakakita. Isang salita na puno ng pagkahindik ang namutawi sa kanilang mga labi.

"G-Clef, buhay ka!"

Biglang nagkagulo. Ang mga lalaki ay nagpumilit na pumalag mula sa kanilang pagkakatali. Ang iba ay nakakuha ng pagkakataon upang makatakas, sinubukang pumalag sa mga bantay nila at nakipag-agawan ng baril. Samantalang ang iba ay nagkamali ng pagkakagalaw na naghudyat ng pagkakabigti nila mula sa tali sa kanilang leeg.

Hindi sila basta-basta. Base sa mga galaw nila, they are trained assassins.

"Anong ginawa mo kay Dal? Pinatay mo si Dal!"

Handa na akong lumaban ngunit ang galit at pagkamuhi sa kanilang mga mata ang nakapagpahinto sa akin.

Dali-daling lumapit sa akin si Jace at hinarang ang sarili. Itinaas niya ang mga kamay bago ilang beses na pinaputukan ng baril ang lalaking babarilin na rin sana ako. Ang iba sa mga kasama nito ay napatumba na rin nina Niel, Kuya Paul kasama ng iba sa mga Black Savage.

Ang bakas ng dugo na nanggaling sa katawan ng lalaki ay parang may sariling buhay. Tuloy-tuloy ito sa pagguhit sa lupa. Namantsahan nito ang suot kong tsinelas.

Nagbuga ako ng isang malalim na hininga at doon ko lang namalayan na kanina ko pa pala ito hinihigit dahil hindi makapaniwala sa nangyayari. Tumba ang lima sa kanila. Isa na lamang ang natira. May tali pa rin ang kanyang mga kamay at puno ng takot ang mga mata sa kinahantungan ng mga kasama.

Ang lahat ng tingin ay napunta sa kanya. Malayo man ay kapansin-pansin ang malalim niyang paglunok.

"M-magsasalita na p-po ako."

"Sino si Dal?" Una kong tanong noong mabawi ang sarili.

"I-isa po sa mga naging pinuno namin matapos mabuwag ang Black Savage ni The Highest noon."

"Ibig sabihin isa ka ring Black Savage noon under ni The Highest." Komento ni Niel na nagpatango sa lalaki.

"Matapos ng lahat ng kaguluhan, kasama kami ni Dal sa nakatakas pero nagkahiwa-hiwalay rin kami dahil pinaghahabol na kami ng mga gang nyo. Iyon na pinakahuling beses na nakita namin siya dahil ilang buwan lang ang nakalilipas, natagpuan namin siyang wala nang buhay sa isang liblib na lugar. Pinahirapan siya dahil halos bali ang lahat ng buto sa kanyang katawan. Ang masaklap pa roon, wala na siyang mga mata."

Nagkatinginan sina Jace, Niel at Kuya Paul na tila ba may alam sila na hindi ko alam. Inilipat ko ang tingin kay Jace, tahimik na nagtatanong upang mabigyan ng kasagutan ang mga tanong ng isip ko ngunit itinuon inilayo niya ang tingin sa akin.

"Anong kinalaman ko rito? Bakit ako ang sinisisi nila? Ilang buwan pa lang ang nakalilipas noong makabalik ako rito sa Maynila." Sabi ko sa lalaki.

"Magmula noong kumalat ang pagkawala mo sa Society limang taon na ang nakalilipas marami ang hindi naniniwala na wala ka na. Ang iba iniisip na itinatago ka lang nila. Kasabay ng pagkawala mo ay ang pagkawala ni Dal kaya ang paniniwala ng iba ay kagagawan mo iyon."

"Paanong ako? Imposible."

"Ang katawan ni Dal ay puno ng g-clef note na marka. Akala ng iba ay babala mo na ito sa aming lahat bilang pagbabalik mo."

"Kung parte kayo ng Notorious Lethal Gang at kasama nyo si Dal ngayon, ibig sabihin ba nito, isa si Apz sa pitong pinuno ng Notorious?" Tiim-bagang tanong ni Jace.

Hindi ito sumagot.

"Sagot!"

Halos mapatalon lalaki sa gulat. "A-a-ano kapag sinabi k-ko--"

Kinasa ni Jace ang hawak na baril.

"H-Hindi ko alam! May posibilidad pero hindi ako sigurado dahil malaki ang Notorious Lethal Gang at habang tumagal ay mas lalo pa itong lumalaki nang lumalaki. Kaming mga ordinaryong miyembro ay ni hindi pa nakita ni anino ng NL7."

"Kung ganun tama ang hinala ko, those Lethal 6 and 7, they were just dummies."

Nanlaki ang mga mata ng lalaki.

"Paano mo nalaman? Nakapasok ka na sa Notorious?"

Hindi siya sinagot ni Jace at humarap na lamang sa mga kasama.

"Ikulong nyo na siya sa selda."

"Death, ngayong talaga ngang nagbalik na si G-Clef kailangan nyong mag-ingat. Mas mabangis at mas matinik na ang ang Notorious ngayon. Hindi sila basta-bastang kaaway. Mag-ingat kayo sa mga pinagkakatiwalaan nyo dahil gagawin ng NL7 ang lahat mapabagsak kayo kahit pa gamitin si G-Clef laban sayo."

Kapansin-pansin ang pagkuyom ng mga kamay ni Jace.

"What makes you think I will believe you? Hindi ba't kalaban ka rin naman.?

Malungkot na huminga ng malalim ang lalaki.

"Black Savage ako under ni Big Boss dati at hindi ni The Highest. Maniwala ka man o hindi, nagipit lang ako kaya ako naipit sa buhay na ito. Matagal ko nang gustong kumawala sa mundong ito ngunit hindi iyon parte sa bokubularyo ng NL7. Pinagsisihan ko na ang lahat ng nagawa ko noon pa man kaya kung ano man ang mangyayari sa akin ngayon. Tanggap ko na."

Parehas kaming napahinto ni Jace noong tinawag ako ng lalaki mula sa marka na nakaukit sa aking pulsuhan.

"G-Clef, kailangan mong mag-ingat. Lalo na sa taong gumawa nu'n kay Dal... mukhang galing siya rito sa inyo. Kung paano niya pinatay si Dal, wala siyang puso. Walang kaluluwa. Ayokong magaya ka sa kanya lalo na alam ko kung gaano ka kabuting tao. Hindi na nakabubuti na manatili ka pa rito. Delikado ka na kahit dito pa sa loob. Ang taong gumawa no'n kay Dal ay dapat hindi pinapatawad. Dapat iniiwan."

Kapansin-pansin ang katahimikan sa paligid lalo na ang mga tinginan nina Niel at Kuya Paul diretso kay Jace na walang imik. Hahawakan ko sana siya ngunit hindi man niya sinasadya, napansin ko na iniwas niya ang braso sa akin.

"Aiden, sumunod ka sa akin may pag-uusapan tayo." Tahimik niyang utos. Pumasok sila ni Aiden pabalik sa headquarter ng hindi kami binibigyan ng huling tingin.

"Serene halika na." Tawag sa akin ni Niel na siyang tanging naiwan sa tabi ko.



xxxx

****

^^^


Author's Note: 

Nasulat ko na ang next update so you will not wait too long for the next one :) 

#LTMSBookUpdate I'll be sending the books for international buyer before the end of April. Same for PH buyers. Pasensya na sa delay dahil may mga nirevise ako ulit doon pero sure na ito talaga. Katulad pa rin sa napag-usapan darating ang book sa Pinas around June or July 2017 (depending sa shipping process). Pasensya na sa abala. 

I have 10 extra copies of LTMS hard cover so if you want to have one, check for some updates on my fb. Yung tatanggapin ko lang na buyer is yung sure nang makakapagbayad. Hindi pa ako tatanggap ng order for that kasi gusto ko munang hintayin yung mga libro sa akin para sure na sure na. 

Anyway, keep inspiring always Listeners! OLE! 



-wistfulpromise

Продовжити читання

Вам також сподобається

2.8M 103K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...
1.6M 62.9K 37
Lucienne Simons, also known as Lush Fox, is a best-selling mystery writer who is worshipped by millions of her fans. Everyone is eager to find out wh...
4.3M 120K 110
Nemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from...
23.4M 779K 60
Erityian Tribes Series, Book #3 || Cover the world with frost and action.