Dark Love

Από supladdict

2.5M 98.2K 9.8K

A Stand Alone Vampire Novel "You're my obsession. You're my dark love, you're mine. Only mine." Sweet Aphrodi... Περισσότερα

Prologue
Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Epilogue

Chapter 10

59.5K 2.4K 148
Από supladdict

Sweet's POV

Kakaiba pa rin ang tingin na ipinupukol sa akin ni Irene pagpasok niya. Tipid siyang ngumiti at inilapag ang tray na naglalaman ng pagkain sa bedside na mini cabinet. Nakatitig siya sa akin at sa tuwing magsasalubong kami ng mata ay umiiwas siya.

"Kumain ka na, Sweet," saad niya. Ngumiti ako at tinitigan siya.

"Pasensya na sa abala, ha? At salamat sa pagasikaso mo sa akin, niyo ni Stella," saad ko. She smiled again.

"Ano ka ba, sino pang magtutulungan 'di ba? Tayo-tayo lang rin. Wag ka na mag-alala, ipapaabot ko na lang sa classmate mo yung excuse letter," aniya.

Napanguso ako.

"Kaya ko naman pumasok eh.." marahan kong saad.

Nakapapanghinayang na 'di ako pumasok. At ang bawat araw ay mahalaga lalo na sa isang scholar na tulad ko. Bumuntong-hininga ako at tumingala sa kaniya.

"Kulit mo talaga! Ang taas ng lagnat mo kagabi, ngayon meron pa. Baka ano pang mangyari sa'yo. Alam mo namang..." Hindi niya tinuloy ang sasabihin. She's just staring at me knowingly. Tipid akong ngumiti at tumango na lamang.

"Sige... salamat."

Nagpaalam siya bago lumabas at alam kong tuluyan na silang umalis patungo ng University. Bumuntong hininga ako at muling binalingan ang tray na naglalaman ng pagkain.

I know Irene is curious. Ginugulo ang isipan niya nang kung ano na nakita niya sa batok ko kagabi. At kahit ako ay ganoon rin. Hindi ko alam kung ano 'yon, kung ano ang nangyari. Basta ang alam ko, napakasakit noon. Dumugo rin 'yon kagabi ngunit nang tignan na ni Irene ay wala ng sugat. Tanging mga hindi pamilyar na guhit na lamang ang natagpuan niya.

Kinakabahan ako. Natatakot. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa akin. Lalo na siguro kung wala akong alam ukol sa mga hindi pangkaraniwang nilalang. Tulad na lamang ng kambal. Sinugod pa ako ni Daniella kahapon kasama ang kaniyang kambal. Hindi kaya... sila ang may gawa nito sa akin? Kinapa ko ang batok at hinaplos ang balat doon. Wala naman akong maramdaman, parang normal lamang. Pero nang kuhanan ng larawan ni Irene, doon lang ako naniwala.

Sabi pa niya ay umiilaw iyon kagabi. And the twin... they said that they are half witch. Malakas ang posibilidad na may kinalaman sila rito.

Nagsimula na akong kumain. I need strength, kokomprontahin ko ang dalawang iyon. Hihintayin ko ang uwian at kakausapin sila since hindi basta-basta nakapapasok sa university kapag wala na sa oras ng pasukan. Papasok na rin ako sa trabaho. Kailangan kong kumita ng pera, hindi pa ako nakababayad ng hati ko sa upa sa may-ari. Any days from now, baka palayasin na ako rito.

Nilibang ko ang sarili sa pagpapapawis para mawala na ang lagnat ko. Hindi dapat ako magpatalo rito, wala pa naman akong inaasahan.

Dumating ang hapon, malapit na ang uwian. Nagbihis ako at umalis patungo sa university. Naghintay ako sa may waiting shed at sinusuluyapan ang bawat estudyanteng lumalabas. Nagtatago ako sa tuwing makakakita ng kaklase ko. Kapag nakita nila ako, baka magsumbong sila at sabihin na nag-iinarte lang ako kaya 'di pumasok. Iba pa naman ang ugali ng iba at pilit na hinihila pababa ang kapwa.

I glanced on my wrist watch at napagtantong ilang minuto na lamang at oras na ng trabaho. Iilan na lamang ang mga lumalabas na estudyante mula sa University, halos staffs na ngunit wala pa rin ang kambal.

I sighed. Maghihintay pa ako ng limang minuto...

Hinawi ko ang buhok at kinagat ang labi. Lumipas na ang pitong minuto wala pa rin sila. Baka naman hindi rin sila pumasok? Ayst!

Dali-dali akong pumara ng tricycle papunta sa trabaho. Baka ma-late pa ako ng ilang minuto. Ayoko ma-late para wala akong problema. Ayokong magkaroon ng atraso sa may-ari. Nakakahiya naman.

Tumigil ang sinakyan ko sa harap nito. Inabot ko ang bayad at mabilis tumungo doon. Pinatunog ko ang bell at ilang segundo lamang ay dumungaw si Kuya Gabo nang nakangiti ngunit napawi ito nang makita ito. Bigla naman akong kinabahan. Pinisil ko ang palad at ngumiti sa kaniya.

"Good evening, Kuya.." pagbati ko.

Bigla siyang umalis. Bumukas ang pinto at kumakamot sa batok siyang humarap sa akin.

"Sweet..." panimula niya. Napalunok ako nang makita ang seryoso niyang mukha, "Pasensya ka na. Dumating kasi yung dalawa kong pamangkin galing sa probinsya. Kailangan nila ng trabaho kahit maliit lang ang sahod. Kaya papalitan ka na nila.." aniya.

Nanghina ako sa narinig. Parang may kung anong bumagsak sa dibdib ko.

"Pero Kuya... dito lang po ako umaasa.." malungkot kong saad.

"Alam ko... pasensya na. Wala namang problema sayo. Kaso nagigipit din ang pamilya ko sa probinsya kaya kailangan kong tumulong, at kinailangan kong magbawas rin ng mga tao," aniya.

I tried to smile at him and nodded. Naiintindihan ko naman siya eh. Malungkot at nag-aalala ang kaniyang mukha. Hindi ko dapat siya sisihin, naging mabait naman siya sa akin at matulungin.

"Okay lang po... salamat po," saad ko.

Tipid siyang ngumiti at dinukot sa apron ang maliit na sobre. Inabot niya iyon sa akin.

"Huling sahod mo. Pasensya na talaga." Ngumiti ako at muling nagpasalamat. Bagsak ang balikat na naglakad ako paalis.

Saan na ako maghahanap ng trabaho ngayon?Dapat 'yong trabahong may kooperasyon sa oras ng pag-aaral ko.

Binagsak ko ang likod sa kama at natulala sa kisame. Madami na ngang gumugulo sa isip ko, may problema na naman ako. Pinikit ko nang mariin ang mata. Sana may mahanap agad akong trabaho...

Nagitla ako nang tumunog ang cellphone ko. Lumang model na 'to ng nokia pero matibay naman. Dinampot ko ang cellphone at binuksan ang message na nagmula kay Kuya Gabo.

From: Kuya Gabo

Sweet. My alm akong trbaho. Cnabi s akn ng kakilala ko. Pntahan mo bukas sa village ***

Tinitigan ko ang address na sinabi niya. Parang ito 'yong lumang village? Haist! Nevermind! Ang mahalaga, may trabaho ako.

Maaga akong gumising kinabukasan. Buti na lamang linggo ngayon. Nagsuot lamang ako ng gray longsleeve top at tight jeans. Pinaresan ko ng low cut na sapatos. Isinukbit ko ang shoulder bag at tumulak na paalis. Tulog pa sina Irene at Stella pag-alis ko.

Isang sakay ng jeep ang layo ng village na 'yun. Inaabot ng kulang-kulang isang oras ang byahe. Hindi ko alam kung ano ang trabaho na 'yon at kung sasakto ba sa oras ko. Pero alam ni Kuya Gabo ang kalagayan ko kaya baka katulad rin sa oras sa lechon-an niya.

Tumigil ang jeep sa harap ng isang gate. Bukas na 'yon at walang guard. Napakatahimik ng village habang naglalakad ako. Malamig rin ang hangin kahit alas-diyes na ng umaga. Tinignan ko ang mga gate number. Hinahanap ko ang number 210.

After few minutes, tumigil ako sa harap ng isang gate. Hindi 'to kalakihan dahil nakikita ang malaki at lumang style na mansion.

Parang wala namang tao. I pressed the doorbell ngunit walang sumagot o nagpakita. Inulit ko 'yon ng ilang beses. I bit my lower lips and glanced on my phone kung saan nandoon ang address. Baka nagkamali naman ako.

Umikot ako para magtanong ngunit napa-atras ako nang makita ang isang lalake na mukhang nasa late 30's na. He has a white skin and emotionless face. Inayos niya ang salamin at tinignan ako mula ulo hanggang paa. He's wearing a black polo and black slacks. Meron ding itim na coat sa kaniyang braso. He's staring at me na tila pinag-aaralan ako.

Siya ba ang may-ari ng mansion na 'to?

"Ano ang kailangan mo?"

Halos manginig ako sa lamig ng boses niya. Napalunok ako at uniwas ng tingin. Ang itim niyang mata...parang hinihigop ang kaluluwa ko. I felt my knees weakened but I remained standing in front of him.

"M-may nakapagsabi po sa'kin na hiring daw dito... sa address na 'to," saad ko.

I chewed the inside of my lips para malibang ang sarili.

"Sumunod ka sa akin," aniya at naglakad.

Tinulak niya ang gate na kaninang kinatatayuan ko. Sumulyap siya sa akin nang makitang hindi ako sumusunod. Napatuwid ako at mabilis na humakbang.

Ang sementadong pathway ay bahagyang may lumot na. May mga matataas na damo na rin sa may hangganan ng pader. Sa gitna ng pathway ay may malaking fountain ngunit hindi na ito gumagana at wala ng tubig. Hinaplos ko iyon at dumikit sa aking daliri ang mga alikabok. I shrugged at pinagmasdan ang mansion sa aking harap.

Spanish style ito. Tinulak ng lalaki ang malaking pinto. Grand staircase caught my attention. May kaunting alikabok ang red carpet nito but it's still beautiful.

May mga furniture din sa paligid at bakas ang kalumaan nito ngunit alam kong mahal 'yon, kahit sa simpleng tingin.

"All you need to do is to clean. Panatilihing malinis ang paligid. Wala kang papakialaman na gamit, kung saan ang pwesto nila, doon lamang. Just clean it. Araw-araw ka rin dapat pumunta dito upang siguraduhin ang kalinisan. You don't need to stay here for too long. You can also stay here if it's hassle for you to travel everyday, just don't rearrange anything," saad niya.

Nilibot ko ang tingin sa paligid at tumango. He snapped his finger kaya napatingin ako sa kaniya.

"Ang sahod mo? Seven thousand a week? Sapat na ba 'yon? Or ten thousand? Name it?" He asked.

Nalula ako sa presyo na binigay niya. That's too much. Seven thousand a week? Damn, tapos yun lang ang rules?

"Tama na po yung seven thousand," mabilis kong saad.

Kumunot ang noo niya.

"You don't like 10k or above?" He asked.

"Sobra na nga po yun," nahihiya kong saad. Tumango siya at sumulyap sa relo.

"Sige, aalis na ako. Ang mga gamit panlinis ay nasa cabinet na 'yon. Ibalik mo nang maayos kapag tapos ka na," saad niya. Tinalikuran niya ako.

"Teka lang po!" Pigil ko sa kaniya. Kumunot ang noo niya at tumingin sa akin.

"Bakit?" He asked coldly.

"Yung pang-lock po para pag-umalis na ako?" I asked.

He just shook his head and continued walking. Napatunganga ako at pinanood siyang lumabas ng mansion.

I sighed and look around. I need to start now.

Unti-unti akong nagmulat at umupo. Nakatulog ako pagkatapos maglinis. Ang laki ba naman. Sa ilang oras ko na pagtrabaho, first floor lang ang nalinis ko. Siguro bukas naman ng gabi 'yong iba. Pagod na pagod din ako at sumasakit ang likod at balakang. Grabe pero alam kong worth it naman. Sahod pa lang, bawi na.

Sinuklay ko ang buhok gamit ang daliri at pinagmasdan ang paligid. Anong oras kaya babalik ang lalaking 'yon? 'Di ko man lang pala nalaman pangalan niya. I sighed and glanced on my wrist watch. It's already 6:38 p.m. Kumalam na ang sikmura ko. Hindi ako nakapagtanghalian.

Tumayo ako at tinali ang buhok. Kailangan ko ng umuwi. Pero paano ako aalis wala namang lock? Sabagay, tinulak lang noong lalaki kanina 'yong gate, meaning hinahayaan lamang niyang bukas iyon.

Hinaplos ko ang labi ko at nakapunot ang noo. Parang iba ang pakiramdam ko. Parang namamanhid 'to at nangangapal. I decided to shrugged it off at isinabit sa balikat ang shoulder bag. Naglakad ako palapit sa malaking pinto at hinawakan ang handle. I'm in the verge of pulling it nang makarinig ng lagabog.

Mabilis akong lumingon sa likod at halos mabuwal nang nakakita ng half-naked na lalaki. He's wearing a denim jeans that's revealing his sexy V-line. Mabilis na tumibok ang puso ko at unti-unting umangat ang tingin.

He's leaning on the wall, may hawak na baso na naglalaman ng juice ang isa niyang kamay. Habang ang isa naman, hinahaplos ng kaniyang daliri ang napaka-pula niyang labi. Napalunok ako nang masalubong ko ang abo niyang mga mata.

*******

Supladdict<3

Συνέχεια Ανάγνωσης

Θα σας αρέσει επίσης

My Happy Ending (BOOK #2) Από 🌻

Γενικό Φαντασίας

1.9K 224 34
May happy ending na kaya sa naudlot na pagmamahalan ng isang NPA Commander at AFP First Lieutenant, ngayon nasa ibang katauhan na sila, bilang si Ma...
15M 482K 51
He is cursed. He is in heat and he wants you. *** Sampung taon lamang si Perisha nang kupkupin siya ni Kaden, ang misteryosong lalaki na kulay berde...
95.8K 3K 44
Not to LOVE again,is not to get HURT again Love is bitter Love is sweet Love is painful "But Love is about taking risks..." A roller coster ride of a...
509K 1.7K 6
You cannot be happy if you cannot accept reality that pain and problems are part of us, part of who we are and part of what we become.