What Love Can Do? (UNDER REVI...

Door Princesss_AJ

1M 24.8K 1.2K

(COMPLETED) Ang "pag-ibig" ay maraming kahulugan para satin. Ito ay emosyon na ating nararamdaman sa isang t... Meer

-Prologue-
«Disclaimer»
Chapter 1 My Virgin Eyes!
Chapter 2 The Brother
Chapter 3 Friendship
Chapter 4 For the First Time
Chapter 5 First Kiss?
Chapter 6 Lover's Quarrel
Chapter 7 He's the Brother
Chapter 8 Panyo
Chapter 9 Crush?
Chapter 10 Apology
Chapter 11 It's a Deal!
AUTHORS NOTE! MUST READ!
Chapter 12 For you
Chapter 13 Meet the Sister
Chapter 14 Permission?
Chapter 15 Friendly Date
Chapter 16 She's the Noona
Chapter 17 Siomai
Chapter 18 Mr. Right?
Chapter 19 Is this Real?
Chapter 20 Comfort
Chapter 21 Protective Kuya!
Chapter 22 Aminan Time!!
Chapter 23 We're Still Friends?
Chapter 24 I'm Stuck with him
Chapter 25 A Princess for a Night
Chapter 26 A Princess for a Night (part 2)
Chapter 27 A Princess for a Night (part 3)
Chapter 29 Her Realization
Chapter 30 Tuloy Pa rin
Chapter 31 Night Party
Chapter 32 End
Chapter 33 Blessing in disguise
Chapter 34 Stay with Me
Chapter 35 His Reason
Chapter 36 Revelation
Chapter 37 True Feelings
Chapter 38 Sacrifice
Chapter 39 Love-Struck
Chapter 40 First Date
Chapter 41 "Yes"
Chapter 42 Officially Mine
Chapter 43 Undeserved
Chapter 44 Don't like her
Chapter 45 Out of town
Chapter 46 Just Friends?
Chapter 47 Allergic
Chapter 48 Respect
Chapter 49 We are Jealous
Chapter 50 Couple's Conflict
Chapter 51 First love
Chapter 52 I'm Hurt
Chapter 53 I Love Her (Part 1)
Chapter 54 I Love Her (Part 2)
Chapter 55 Understand
Chapter 56 Dare
Chapter 57 The Truth
Chapter 58 Loss
Chapter 59 Grief
Chapter 60 First Monthsary
Chapter 61 We meet again
Chapter 62 Brothers
Chapter 63 Friends
Chapter 64 Left
Chapter 65 Tulad Mo
-Epilogue-
Shout Outs 🎉
💖Pasasalamat💖
What Love Can Do?
Book 2

Chapter 28 Threat

12.6K 295 16
Door Princesss_AJ


28: Threat 

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘» 



A/N: Thank you sa mga nag a-add ng story ko sa mga reading list nila. Sa mga voters!! Thank you sa flood votes at sa mga nag co-comment! I love you!! Na-iinspired tuloy ako!!


Jassy's POV

Iniwan ko na sila at naglakad na ako palayo sa terrace. Aking nararamdaman sa bawat paghakbang ng aking mga paa ay ang pagkabog ng isang uri ng sakit sa aking puso.


Hindi ko mapaliwanag kung bakit ganito ang aking nararamdaman. Sinusubukan kong maging masaya para sa kanilang dalawa pero bakit tila ba'y nahiirapan ako.

Naglakad na ako pabalik sa party ngunit mukhang hindi ko alam ang daan pabalik. Nakapunta na ako dito dati, pero sa tingin ko ay binago 'to. Nagdagdag ng mga rooms at mas linakihan ang bahay nila. Ang daming daan, nakakahilo. Maze ba 'to? Saan ba ang dulo neto? Paano ako makakabalik? Nasaan ba si Lance? Yung lalaking yun, bigla-biglang nang-iiwan. Akala ko ba naman ay inaantay niya ako.


"Yes, I already told you!" May narinig akong sumigaw sa nadaanan kong kwarto. Medyo may awang 'to kaya narinig ko ang malakas na pagsigaw ng isang babae. Dahan-dahan ko 'tong sinilip at nakita ko siyang may kausap sa cellphone niya.

"Make him suffer!!" She yelled and her voice echoed inside the room.


Pamilyar ang boses niya. Mas tinitigan ko siyang ng maigi. Baka kasi mamaya nag-iimagine lang ako. Ilang minutong pagtitig, doon ko na narealize na hindi ako nagkakamali. Tama ang hinala kong siya ang babaeng sumigaw.

Dahan-dahan siyang tumagilid, nanlaki ang mga mata ko at napahawak ako sa aking bibig nang makita ko si Ivory. Naka black tight dress siya at nakalaglag ang mahaba niyang buhok. Nasa tenga niya ang kanyang cellphone at tila ba'y sinisigawan ang katawagan niya.


"What the h*ck?! Give the damn phone to Heath!!" Sigaw niya. Patuloy ko lang siyang pinakinggan.

"Babe, what the h*ll is happening there? I told you what to do, right?" Malambing pero seryoso niyang sambit. Kausap ni Ivory si Heath.


Bakit sila nagsisigawan? At anong ginagawa nila? Dahan-dahan kong inusog ang pintuan ng kwarto kung nasaan si Ivory. Siya lang ang tao rito. Hindi niya ako nakita dahil tumalikod ulit siya at humarap sa bintana.

"Give the phone to Ray! Heath! I told you to give the damn phone to Ray!" Kaagad na kumunot ang noo ko nang marinig ko ang sinabi niya.


Ray? Mukhang pamilyar sakin ang pangalan na yun. Hindi ko lang matandaan. Isa kaya yun sa mga kaibigan ni Kuya? Parang....


"Make Joshua suffer!!! Or you will be the f*cking one suffering!!"



Huminto ang mundo ko para akong sinabuyan ng malamig na tubig at hindi ako makagalaw. Nanghihina ang mga tuhod ko kaya napahawak ako sa gilid ng pintuan. Tama ba ang narinig ko? Hawak nila Ivory si Kuya J-Joshua?

Aalis na sana ako para tumakbo kahit na nanghihina ang mga tuhod ko nang biglang may humarang sa aking daanan.


"There you are Bitch." Mataray at nakangisi niyang sambit habang nakahalukipkip sa harapan ko.

Nakita ko si Madaline sa aking harapan habang nasa likuran naman niya ang pinsan niyang si Margot.


"A-Alis na ako." Nauutal kong sambit sa kanila at sinubukan kong umalis pero biglang hinawakan ni Madaline ang buhok ko. Kaagad kong ininda ang sakit ng pagkakahawak niya.

"Queen! Look at this bitch!" Sigaw ni Madaline. Binuksan naman ng napakalaki ni Margot ang pintuan tsaka ko hinila papasok ni Madaline.


Kaagad na napalingon si Ivory sa amin at tila ba'y napatigil siya sa pakikipag-usap sa cellphone niya. Mabilis na dumapo sa akin ang mga tingin niya.

"I'll just call you later, babe." Sambit nito sabay baba ng cellphone niya sa lamesa.


"This bitch is listening. Kanina pa siya nandyan nakasilip sayo. Huh! Buti na lang at nakita namin siya ni Margot." Kwento ni Madaline kay Ivory tsaka ako tinulak paharap.

Mabilis na tumama ang tuhod ko sa sahig dahil sa lakas ng pagkakatulak niya. Nagsimula na akong kabahan. Narinig ko ang pagtunog ng takong ni Ivory. Nanatili akong nakayuko.


"Ang munting kapatid ni Joshua, chismosa na. Ganyan ba ang turo ni Joshua sayo?" Mataray na tanong ni Ivory sa akin tsaka marahas na hinawakan ang magkabilang pisngi ko upang i-angat niya ang aking ulo.

"H-Hindi ko naman sinasadyang marinig ka-" Paliwanag ko sa kanya pero hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita.


"Aww! I don't need your explanation, sweety." Maamong sambit niya sakin habang hinaplos-haplos niya ang buhok ko.

"N-Nasaan si Kuya? Nasayo ba siya? Anong ginawa niyo sa kanya?!" Mariing tanong ko sa kanya. Lumayo siya sakin at umupo ulit. Ang sakit ng dibdib ko.


"Teka lang, sweety. Ang dami mong tanong. Iisa lang ang bibig ko." Pagtataray niya sakin tsaka ako inirapan. Kinuha niya ang isang wineglass sa katabi niyang lamesa tsaka ito sinalinan.

"Unang-una, nasa malayong lugar ang Kuya mo. Let's say na nasa bodega siya. Pangalawa, oo nasakin ang munti mong Kuya. At Pangatlo, wala ka nang pakialam kung anong gagawin ko sa Kuya mo!! Deserve lang niya yun." Sagot niya habang masama ang tingin niya sakin tsaka uminom sa wineglass na nasa kamay niya.


"Anong nangyayari?" Biglang may nagtatatakbo at dali-daling pumasok sa loob ng kwarto kung nasaan kami. Nakita namin sina Maddison at Marlisa. Nagtataka si Maddison pero nang makita niya ako ay bigla siyang ngumisi ng napakalawak.

"Oh! Hi, Bitch!" Sarkastikong bati niya at lumapit siya sakin.


"Queen, lulumpuhin na ba natin 'tong babaeng 'to?" Tanong ni Maddison kay Ivory.

"No." Sambit niya. "Not yet. This is not the right place and time." Pagtataray ni Ivory. Nagpatuloy lang ang kabang nararamdaman ko.


"C'mon! Hayaan mo naman akong tuluyang makaganti dito sa babaeng 'to." Pagpilit ni Maddison tsaka masamang tumingin sa akin.

"Yeah, right. Kakalbuhin lang namin siya. Queen." Sunod namang nagsalita si Margot. Nagtawanan silang tatlong magpinsan samantalang si Marlisa ay tahimik lang at may pinagkaka-abalahan.


"I SAID NOT YET!!!" Sigaw ni Ivory at tumayo siya sa kinakaupuan niya.

"Shut your F*cking mouth! Wag niyo akong pinapangunahan!!" Sigaw nito sabay hampas sa lamesa. Halos mabingi kaming lahat sa lakas ng paghampas niya sa lamesa. Nanggagalaiti siya sa galit, na kahit anong oras ay pwede siyang sumabog na lang basta. Napayuko naman ako samantalang hindi na nagsalita sina Maddison.


"Isa pang pangunahan niyo ako! Malilintikan kayo sakin." Banta niya tsaka tumalikod at hinawi ang mahaba niyang buhok.

"Aish! You're messing my beauty." Sambit nito sabay buntong hininga dahil sa inis.


"We're sorry, Queen" Sabay-sabay na sambit ng tatlong magpipinsan. Yumuko pa sila sa reyna nila. Lumapit sakin si Ivory.

"Sweety, may sasabihin ako sayo huh?" Panimula nito. Nakatingin lang ako sa sakanya. Nababalot ng takot ang katawan ko.


Hinila niya ang buhok ko tapos may binulong siya sakin. Napapikit na lang ako sa sakit.

"Wag na wag kang magkakamaling magsumbong. Dahil kapag ginawa mo yun. Pareho kayo ng Kuya mong sasaktan ko!" Bulong niya sakin at sa puntong yun mas hinigpitan na niya ang hawak sa buhok ko. Halos masira na niya ang ayos ng buhok ko. Hindi ko magawang magsalita dahil aaminin ko. Natatakot ako. Iba kalaban si Ivory. Ibang-iba!


"Maliwanag ba?!" Lumayo siya sakin at sinigawan ako. Tumango na lamang ako sa kanya. Humalukipkip siya sa harapan ko tsaka ngumisi ng nakakaloko.

"Oh? Jassy! We're just starting the game. Wait until we end it!"


Sambit niya tsaka tinaasan ako ng kilay. Naglakad na siya palabas. Sumunod naman sa kanya ang mga alaga niya. Sinamaan pa ako ng tingin ni Maddison at kulang na lang ay sipain niya ako bago siya lumabas.

Yumuko na lang ako dahil nararamdaman ko na ang mga luhang naglalaglagan sa mga mata ko. Ayokong makita nila yun kaya pinigilan kong umiyak. Pinunasan ko na ang pisngi ko at huminga ako ng malalim bago lumabas at tumakbo palayo sa kwartong iyun.


Habang tumatakbo ako. Hindi ko maiwasang maiyak. Nasaan na kaya si Kuya? Sobrang nag-aalala na ako sa kanya, lalo na't nalaman kong hawak siya ngayon nila Ivory at Heath. Napasapo na lang ako sa mukha ko habang umiiyak.

Takbo lang ako ng takbo. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Napahawak ako sa ulo ko dahil ang sakit ng sabunot sakin ni Ivory. Para bang gusto niya akong kalbuhin. Naiinis ako. Naiinis ako sa sarili ko. Hindi ko Napa-upo ako habang umiiyak at sapo-sapo ang mukha ko. Tulo lang ng tulo ang mga luha ko na nagmumula sa mga mata ko. Parang pinipiga ang puso ko. Gusto kong iligtas si Kuya, pero paano? Natatakot ako sa pagbabanta ni Ivory. Ayokong saktan nila si Kuya.


"Jassy?" May tumawag sa akin. Tinaas ko ang ulo ko tsaka tiningnan kung sino iyun.

"Kanina ka pa namin hinahanap." Tinayo niya ako. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang itsura ko.


"Let's go home." Sambit niya. Naramdaman kong unti-unting nanlalabo ang paningin ko. Naramdaman ko ang paghawak niya sa magkabilang braso ko.

"Drake....." Nanghihinang tawag ko sa pangalan niya.


...

Nagising ako kaya napa-upo ako sa kama. Dinilat ko ang mga mata ko at nagulat ako dahil hindi ito ang kwarto ko. Pero mukhang nakita ko na 'to dati. Tumingin ako sa cellphone ko. Alas kwatro pa lang ng umaga. Na alimpungatan siguro ako.


Bigla kong naalala ang nangyari kay Kuya Joshua. Nasaan na kaya siya? Bigla akong tumayo mula sa kama at dali-daling tumakbo kahit hindi ko kabisado ang bahay na ito. Nakita ko ang isang pintuan ng kwarto na nakabukas at nakasindi ang ilaw. Kaagad akong lumapit doon.

Mabilis akong napahawak sa aking bibig nang makita ko kung sino ang nakahiga sa kamang iyun. Hindi ako makapasok dahil nakita ko ang itsura ni Kuya. Bugbog na bugbog siya. Puro pasa ang mukha niya at ang dami niyang sugat. Nanginginig akong lumapit sa kanya.


"Kuya!!" Maluha-luha kong tawag sa kanya pero hindi siya gumagalaw.

Lumapit pa ako lalo sa kanya at hinawakan ko ang braso niya. "Kuya! Oy! Sungit!" Tawag ko ulit sa kanya. Pero hindi pa rin siya gumagalaw. Naramdaman ko ang paglaglag ng mga luha ko.


"Kuya!!" Naiiyak kong tawag sa kanya.

"Jassy?" Nakita ko si Ate Dianna sa labas ng kwarto. Kaagad ko siyang liningon.


"Ate Dianna, bakit ayaw gumising ni Kuya? Ate wag mong sabihing..." Hindi ko na nayari ang sasabihin ko dahil bumuhos na ang mga luha ko.

"Hoy! Hindi ako patay! Kaya wag niyo akong iyakan."


Napalingon ako nang marinig ko siyang nagsalita. Pag harap ko ay kaagad na sumalubong sa mukha ko ang isang unan.

SAPOL!


"Wag mo kong iyakan, Pader. Di ako pa ako patay!" Sambit niya habang masama ang tingin sa akin.

"Kuya?" Masigla kong tawag tsaka ako lumapit sa kanya.


"Kuya..." Hinawakan ko siya sa braso niya.

"Oh sige, mag-usap muna kayo dyan." Pagsabat ni Ate Dianna samin. Sabay umupo siya sa sofa na katabi lang niya tsaka pumikit. Puyat pa ata si Ate. Sabagay alas kwatro pa lang ng umaga.


"Ano bang problema mo? Nakakadami ka nang tawag sakin ah." Sambit ni Kuya sabay hikab. Bigla kong yinakap si Kuya ng mahigpit.

"Akala ko Kuya kung napano ka na. Pinag-alala mo ako masyado. Nakakainis ka!" Maiyak-iyak kong sambit kay Kuya.


"Aray! Masakit pa yung katawan ko." Pagrereklamo niya.

"Ayy, sorry!" Tinanggal ko na ang pagkayakap ko sa kanya. "Ano ba kasing nangyari sayo?"


"Kita mo naman diba. Hays. Wag kang maingay kay Mama ah, napa-rumble lang ako kanina. Alam naman ni Mama na nandito tayo kina Love." Paliwanag ni Kuya sakin.

Biglang kumunot ang noo ko. Nagtataka ako. Magsasalita pa lang sana ako nang bigla akong pangunahan ni Kuya Joshua.


"Teka nga!" Panimula niya. Biglang sumungit ang itsura niya.

"Nahimatay ka daw kanina? Anong ginawa mo dun? Uminom ka bang bata ka? Diba ang sabi ko sayo bawal kang uminom ng-" Ako naman ang hindi siya pinatapos.


"Wait, Kuya!" Pagpigil ko sa kanya. Hinawakan ko ang braso niya. Naalala ko ang banta sakin ni Ivory. Sasaktan niya si Kuya kapag nagsumbong ako.

"Kuya, wag ka ngang OA." Panimula ko. Sasabat pa sana siya kaso pinigilan ko ulit siya.


"Kaya ako nahimatay kanina dahil sa pagod. Madami kasi kaming ginawa. Kaya kalma ka lang." Paliwanag ko sa kanya. Sorry kuya kung nagsinungaling ako. Hindi ko kasi masabi na ang dahilan kaya ako nahimatay eh dahil sa takot at pangamba na baka may gawing masama sina Ivory at Heath satin.

"Pero kuya, pwede ba wag ka nang makipag-rumble?" Pakiusap ko kay Kuya.


"Pader! Hayaan mo na ako. Kaya ko naman ang sarili ko eh." Sambit ni Kuya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hinampas ko siya.

"Kuya naman eh! Anong hayaan kita? Hayan kitang mabugbog na lang? Eh pwede mo yung ikamatay. Kahit anong sabihin mo Kuya, mag-aalala't mag-aalala kami nila Mama sayo. Hindi kita pwedeng hayaan na lang. Paano kapag dumating yung araw na hindi ka umuwi samin ng buhay? Oo alam ko hindi ko dapat 'to iniisip pero hindi mo naman ako masisisi na mag-alala sayo. Kasi kapatid mo ako Kuya! Kapatid mo ako!" Hindi ko na napigilang maiyak sa harapan ni Kuya.


Nakakainis kasi siya eh. Siya lang naman yung inaaalala ko. Lalo na at pinagbabantaan kami nila Ivory at Heath. Gusto ko man sabihin yun kay kuya. Pero ayoko. Dahil kapag nalaman niya yun. Sigurado akong susugurin niya yun. Mas gusto ko munang itago yun kay Kuya. Kahit yun man lang magawa ko para hindi siya mapahamak.

Hinila ni Kuya ang braso ko at yinakap niya ako.


"Hays. Little sister ko nga naman. Sorry na kung pinag-alala kita kanina. Alam ko naman ang pwedeng mangyari sakin eh. Ginagawa ko 'to para sa inyo." Paliwanag ni Kuya. Habang yakap-yakap pa din niya ako.

"Anong ginagawa mo para samin? Hindi kita maintindihan." Kunot noong tanong kay Kuya. Hinarap niya ako sa kanya.


"Matulog na tayo. Maaga pa ang pasok bukas." Pag-iwas niya sa tanong ko. Hindi ko na rin kinulit si Kuya. Kailangan niyang magpahinga kaya hinayaan ko na lang.

"Sige, Kuya. Basta ipangako mo sakin na mag-iingat ka ah?" Sagot ko sa kanya.


"Syempre naman. Ako pa!" Mayabang niyang sagot sa akin. Ang hangin niya masyado huh?

"Anong Ako pa? Tingnan mo nga yang mukha mo. Punong-puno ng pasa." Pang-aasar ko kay Kuya.


"Atleast pogi pa din!" Tinarayan ko siya ng tingin. Hindi talaga magbabago 'tong ka-hanginan ni Kuya. Tss.

Naka-isip ako ng magandang pang-aasar kay Kuya para makabawi man lang ako kahit papaano. Tumayo ako at palabas na ng lumingom ulit ako kay Kuya.


"Kuya!" Tawag ko sa kanya.

"Hindi ka lang pala masungit..." Panimula ko. Sinamaan na agad ako ni Kuya ng tingin pero mas nangingibabaw ang pagtataka niya.


"Lakas mo pang mag-imagine na gwapo ka!!" Pang-aasar ko sa kanya tsaka siya dinilaan.

"Aba!" Dinampot ni Kuya ang unan na nasa tabi niya at akma niyang ibabato yun sakin. Kaya dali-dali akong yumuko.


Success ang pag-ilag ko kaya natatawa akong tumingin kay Kuya. Nanlaki naman ang mga mata niya at nakatingin sa likuran ko.

"Aray!" Sigaw ni Ate Dianna, na nasa likuran ko. Bigla naman akong napahawak sa bibig ko. Siya pala ang nataman. Nagising tuloy siya.


"Ayy, Love! Sorry!" Nag peace sign si Kuya.

"Kita mong natutulog ako dito. Tapos babatuhin mo ko? Kung ayaw mong matulog, magpatulog ka!!" Sigaw ni Ate Dianna. Kita kong naasar si Ate.


Minabuti ko nang umalis at lumabas na ng kwarto. Iniwan ko na sila roon habang nagso-sorry pa din si Kuya Joshua kay Ate Dianna.

Humiga ulit ako sa kama ko ngunit hindi na ako nakatulog pang muli. Kaya napagdesisyunan kong manood na lang ng Kdrama. Kaysa tumitig ako sa kisame ng guest room nila Ate Dianna, i-nood ko na lang ito ng Kdrama.


...

Mabuti at natapos na ang klase namin. Nakakatamad mag klase ngayon, promise. Halos lahat ng teacher absent dahil sa party. Kaya unti lang ang mga nagturo.

Habang naglalakad ako sa hallway ay napatigil ako nang makita ko kung sinu-sino ang makakasalubong ko kapag nagpatuloy ako sa paglalakad. Kaagad akong tumalikod at umiwas sa kanila.


Nang akala ko'y tagumpay na ako sa paglayo ko sa 4M Girls ay siya namang pagkikita naming dalawa. Napahinto ako sa paglalakad at napatingin sa kanya. Kaagad na kumabog ang dibdib ko nang makita ko siya sa harapan ko.

"Panget!" Tawag niya nang makita niya ako. Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko ang apat na magpipinsan na palapit na kaya dali-dali akong humarap kay Kiel.


"Pwede bang mamaya mo na guluhin ang buhay ko, Kiel?" Masungit kong tanong sa kanya tsaka naglakad paliko.

Hindi pa ako nakakalayo ay hinablot na niya ang palapulsuhan ko at pinigilan ako sa pag-alis. Napabuntong hininga naman ako.


"Teka lang, Panget." Sambit niya. Tumalikod ako para harapin siya.

"Sabi ko diba, mamaya mo na ako guluhin." Masungit kong ulit sa kanya. Tumaas naman ang kilay ni Kiel.


"Bakit ang sungit mo?" Tanong niya sa akin. Bigla kong naalala ang surprise niya kay Ingrid at ang akala kong para sa akin yun. Kaagad akong umismid sa kanya.

"Wala!" Sagot ko tsaka naglakad na paalis. Nagmartsa ako habang umaakyat ako ng hagdan. Hindi ko alam bakit naiinis ako nang maalala ko ang nangyari kagabi.


"Hey, wait!" Narinig ko ang boses niya kaya mas binilisan kong maglakad palayo sa kanya. Lumingon ako at nakita kong sinusundan niya ako.

"Panget, saglit!" Sigaw niya kaya tumakbo na ako palayo, pero dahil sa pagmamadali ko ay natapilok ako.


Napa-upo ako sa sahig at napahawak ako sa paa ko. Ininda ko ang sakit na dinulot nito. Nakita ko ang isang pares ng sapatos sa harapan ko. Inangat ko ang ulo ko at nakita ko si Kiel na nakatingin sa akin.

"Bakit ka ba nagmamadali? Ayan, natapilok ka tuloy." Pangaral niya sa akin. Napayuko ako dahil sa hiyang nararamdaman ko.


"A-Ayos lang ako-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla akong buhatin ni Kiel.

Napahawak ako sa kanyang leeg at braso. Binuhat niya ako na parang bagong kasal. Kaagad na naglebel ang mukha naming dalawa. Naramdaman ko ang pagkabog ng puso ko habang nakikita ko ng malapitan ang mukha ni Kiel.


Dinala niya ako sa clinic at inupo sa kama. Seryoso lang siya at tahimik habang linalagyan ng ice pack ang paa kong natapilok. Parang napaso ang balat ko nang maramdaman ko ang kamay ni Kiel.

"Ano bang tinatakbuhan mo?" Tanong niya habang nakayuko. "Ako ba?"


Nang iangat niya ang ulo niya ay mabilis na nagtama ang aming mga mata. Napalunok ako at napa-iwas ng tingin habang nakaluhod siya sa harapan ko.

"H-Huh? Hindi ah." Iwas na sagot ko sa kanya. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Napakunot naman ang noo ko sa kanya.


"Then why are you running away like that?" Mahinang tanong niya sa akin. Nangapa naman ako ng isasagot ko sa kanya.

"H-Hindi ko alam." Ayun na lang ang naisagot ko sa kanya.


Sa totoo niyan, hindi ko talaga alam kung bakit gusto kong tumakbo palayo. Para bang mayroon akong gustong takbuhan dahil pakiramdam ko kapag lumapit ako sayo...mahuhulog ako?

Tumayo na si Kiel sa pagkakaluhod tsaka umupo sa tabi ko. Nagtama ang mga braso naming dalawa. Nanatili lang ang mga mata ko sa harapan.


"Next time, be careful. Kahit inaasar kita, ayokong mapahamak ka." Sambit niya dahilan para mapalingon ako sa kanya. Kaagad na nagtama ang mga mata naming dalawa ni Kiel.

"I have something to tell you." Sambit niya. Para akong mawawalan ng hangin sa lapit ng mukha naming dalawa.


"A-Ano?" Nauutal kong tanong sa kanya. Ngumiti siya sa akin. Para naman akong nahihilo at nahy-hypnotize sa mga mata ni Kiel.

"Kami na ulit..." Nakangiti niyang panimula.


"Huh?" Kunot noong tanong ko sa kanya. Hinawakan niya ang magkabilang braso ko. Mas lalong kumabog ng husto ang puso ko.

"Kami na ulit ni Ingrid. Sinagot na niya ako."


Sa sandaling narinig ko ang sinabi ni Kiel. Ang mabilis na pagtibok ng puso ko kanina ay tila ba napalitan ng pagbagal nito. Parang dahan-dahang kinukurot ang puso ko. Ang sayang namagitan sa puso ko ay unti-unting naging lungkot sa narinig ko.


I should be happy for them, right? But right now...my heart is aching for him, for Kiel.


Itutuloy....

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

1.1M 35.7K 54
[COMPLETED] Paano kaya pakikisamahan ni Blake ang ubod ng manyakis niyang karoommate na si Sehun? Let's find out.
9M 222K 109
(Most Read Filipino Story 2014) Book One "One wrong move and you're dead."
2.1M 41.8K 52
[Book 3 of 3] She thought it's the happily ever after. She thought everything she believed was true until life happened to her. After her mom's death...
4.1M 111K 65
>You can find it on Dreame App and also on Moboreader app, still ongoing since it's an English version of my story< Athena Nicole Cassandra Celestine...