What Love Can Do? (UNDER REVI...

By Princesss_AJ

1M 24.8K 1.2K

(COMPLETED) Ang "pag-ibig" ay maraming kahulugan para satin. Ito ay emosyon na ating nararamdaman sa isang t... More

-Prologue-
«Disclaimer»
Chapter 1 My Virgin Eyes!
Chapter 2 The Brother
Chapter 3 Friendship
Chapter 4 For the First Time
Chapter 5 First Kiss?
Chapter 6 Lover's Quarrel
Chapter 7 He's the Brother
Chapter 8 Panyo
Chapter 9 Crush?
Chapter 10 Apology
Chapter 11 It's a Deal!
AUTHORS NOTE! MUST READ!
Chapter 12 For you
Chapter 13 Meet the Sister
Chapter 14 Permission?
Chapter 15 Friendly Date
Chapter 16 She's the Noona
Chapter 17 Siomai
Chapter 18 Mr. Right?
Chapter 19 Is this Real?
Chapter 20 Comfort
Chapter 21 Protective Kuya!
Chapter 22 Aminan Time!!
Chapter 23 We're Still Friends?
Chapter 24 I'm Stuck with him
Chapter 25 A Princess for a Night
Chapter 27 A Princess for a Night (part 3)
Chapter 28 Threat
Chapter 29 Her Realization
Chapter 30 Tuloy Pa rin
Chapter 31 Night Party
Chapter 32 End
Chapter 33 Blessing in disguise
Chapter 34 Stay with Me
Chapter 35 His Reason
Chapter 36 Revelation
Chapter 37 True Feelings
Chapter 38 Sacrifice
Chapter 39 Love-Struck
Chapter 40 First Date
Chapter 41 "Yes"
Chapter 42 Officially Mine
Chapter 43 Undeserved
Chapter 44 Don't like her
Chapter 45 Out of town
Chapter 46 Just Friends?
Chapter 47 Allergic
Chapter 48 Respect
Chapter 49 We are Jealous
Chapter 50 Couple's Conflict
Chapter 51 First love
Chapter 52 I'm Hurt
Chapter 53 I Love Her (Part 1)
Chapter 54 I Love Her (Part 2)
Chapter 55 Understand
Chapter 56 Dare
Chapter 57 The Truth
Chapter 58 Loss
Chapter 59 Grief
Chapter 60 First Monthsary
Chapter 61 We meet again
Chapter 62 Brothers
Chapter 63 Friends
Chapter 64 Left
Chapter 65 Tulad Mo
-Epilogue-
Shout Outs 🎉
💖Pasasalamat💖
What Love Can Do?
Book 2

Chapter 26 A Princess for a Night (part 2)

12.8K 292 23
By Princesss_AJ


26: A Princess for a Night (part 2)

  «Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»  


"P-P-Panget pa din ba ako?" Nahihiyang tanong ko sa kanya. Hindi ko magawang tumingin sa mga mata niya. Hindi ko alam kung bakit natanong ko iyan kay Kiel. Pero pakiramdam ko kailangan kong marinig ang opinyon niya.

Napalunok ako nang biglang may umukit na mga ngiti sa labi niya. Kaagad na kumabog ng husto ang puso ko at pakiramdam ko'y nawawalan ako ng hangin.


"You look like a princess tonight, a beautiful one." Sagot niya sa aking tanong.

Pinagmas dan ko lang si Kiel na naka Greying BlackTuxedo. Naramdaman ko ang mas mabilis na paghuhuramentado ng puso ko. Para akong napapaso sa mga kamay ni Kiel na nakapulupot sa bewang ko.


Nang makabalik ako sa sistema ko ay agad akong kumalas sa mga braso niya at lumayo ako ng bahagya para pakalamahin ang sarili ko pati na rin ang pamumula ng pisngi ko.

Hindi ko maipagkakailang mas naging gwapo siya ngayon dahil sa suot niyang tuxedo at sa bago niyang hairstyle. Na-iilang tuloy ako dahil sa tingin siya sa akin. Kaagad akong umiwas ng tingin sa kanya.


"You look like a princess tonight, a beautiful one."

I can clearly remember what Kiel said a while ago. Do I look like a princess tonight?


"Kiel!" Narinig kong may tumawag kay Kiel. Pareho kaming napalingon sa direksyon niya.

Nakita ko ang isang lalaking maputi at matangkad ang naglalakad papunta sa amin ni Kiel. Sa likuran nila ay nakita ko sina Kyla at Aiden.


"Hey..." Kaswal pero cool na bati ni Kiel sa lalaking tumawag sa kanya. Napalingon siya sa akin at napangiti.

"You must be Jassy?" Tanong niya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko. Tumango lang ako sa kanya.


"Hi! I'm Lance. Lance pogi for short." Pagpapakilala niya sa akin sabay lahad ng kamay niya sa harapan ko. Kinuha ko naman iyun tsaka ako nakipagkamay sa kanya. Narinig ko ang pagtawa nila Aiden dahil sa pagpapakilala ni Lance.

"Mabait yang si Lance, Jassy. May pagkasaltik nga lang." Pang-aasar ni Aiden sabay tawa.


"Hi, Lance." Bati ko sa kanya,

"My pleasure." Sagot niya tsaka biglang hinalikan ang kamay ko. Ilang beses pa akong napakurap dahil sa ginawa niya. Ngumiti lang siya sa akin.


Napansin kong nagulat sina Kyla at Aiden. Nag-igitng langa ng panga ni Kiel habang nakatingin siya sa malayo.

"Yiieee!! Maganda ba si Jassy, lance?!" Pang-aasar na tanong ni Kyla. Nagulat naman ako sa tanong niya. Lumingon sa akin si Lance tsaka ngumiti.


"Walang kasing ganda ang iyong kagandahan, prinsesa." Madamdamin niyang sagot habang nakatingin sa akin. Yumuko pa siya tsaka ngumingising kumindat sa akin. Hindi ko naman alama ng isasagot ko.

"Nako, lance!" Natatawang kantyaw nina Aiden at Kyla sa kanya.


Napatingin naman ako kay Kiel na magkasalubong ang kilay habang diretso ang tingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay para tanungin kung bakit magkasalubong ang kilay niya sa akin. Pero hindi niya ako sinagot, lumagok lang siya sa wine glass na hawak niya.

Umiwas siya ng tingin tsaka may binulong na hindi ko narinig at naintindihan.


"Magsisimula na ang program. Dito ka na maupo sa table namin Jassy." Aya sakin ni Aiden at tumango naman ako sa kanya.

Linibot ko ang paningin ko. Ang Ganda ng ayos ng birthday ni Ingrid. Yellow, Black and Orange ang theme ng party niya. Pinaghandaan niya talaga 'to. She is already sixteen years old.


Biglang napansin ng mga mata ko si Brianna at kasama neto si Drake. Masaya silang nagkwe-kwentuhan habang malapit ang upuan nila sa isa't-isa. Napangiti ako. Tanggap ko na ngayon ang tungkol sa kanila. Ayoko silang sirain para lamang sa nararamdaman ko. As long as Drake is happy with her, I am all good.

Nakita ko naman sa same table na yun si Ate Dianna. Naalala ko tuloy si Kuya. Nasaan na kaya yun? Nakakainis naman. Namimiss ko na yung sungit na yun eh. Ipapakita ko pa naman sa kanya yung ayos ko ngayon. Kaso wala siya. :(


"Sinong ang hinahanap mo?" Tanong sakin ni Kyla.

"Ahh...wala!" Palusot ko sa kanya at pinaniwalaan naman niya yun.


Bigla ulit akong napatingin kay Kiel. Dahil magkaharap lang kaming dalawa, tanging ang table lang ang pumapagitna sa amin. Nagulat ako dahil nakatingin din siya sakin at tila ba'y pinagmamasdan niya ako habang seryoso ang mukha niya. Napa-iwas tuloy akong ng tingin sa kanya.

Namatay na ang mga ilaw at natira lang ang ilaw na nasa hagdan. Tumugtog na ang background music at nagsalita na ang emcee.


"Good evening! Ladies and gentlemen, I present to you Ms. Ingrid Dela Peña turning in her sweet sixteen!!" Nagpalakpakan kaming lahat at sabay nun ang paglabas ni Ingrid na nakasuot ng Yellow and White Evening Gown. Para tuloy siyang si Belle sa Beauty and the Beast. Sobrang Ganda niya. Naka-ipit ang buhok niya at bagay na bagay ang make up niya sa kanya. Para siyang prinsesa. Hindi ko maiwasang mamangha sa kanya.

Tiningnan ko si Kiel at nakita kong nakatitig siya kay Ingrid habang malawaki ang ngiti. Manghang-mangha siguro siya sa kagandahan ni Ingrid?


Bumaba na si Ingrid sa hagdan at doon nag-aabang ang kanyang Prince Charming. Ang kanyang Daddy. Naglakad na si Ingrid papunta sa mini stage at inumpisahan na ang kanyang welcome speech.

"Good Evening everyone! I just want to thank all of you for coming tonight on my 16th Birthday. Kasi hindi po ako usually sanay humarap sa mga tao. Pero ngayon, I just want to fully thank my Family. Mom, Dad, and Ate Ivory, na palaging nandyan para sakin. Thank you for always supporting me. To my friends that are always there to cheer me up. Especially Maddison, Marlisa, Madaline, and Margot. Or should I say, 4M Girls? Hahaha. Thank You again!! That's all! Enjoy my party!" Lahat kami ay nagpalakpakan sa short speech ni Ingrid. Umupo na siya at nagliwanag na rin ang venue pagkayari niyang magsalita.


"To all the guests of Ms. Ingrid's sweet 16th Birthday. I would like to invite you to the dance floor. Feel free to dance!" Aya samin ng emcee. Lahat kami ay nagulat dahil hindi namin akalain na may ganitong mangyayari.

Lahat sila ay nagsitayuan na. May mga sumasayaw na rin sa gitna. Slow Dance ang kanta. Kaya ang iba ay nagkakahiyaan pa.


"Honeypie, Can I?" Sabay abot ni Aiden ng kamay niya kay Kyla. Tumango naman si Kyla at bago siya maka-alis tumingin muna siya sakin. Ngumiti siya at ganun din ako. Ang saya tingnan nila Aiden at Kyla. Maski ako sobrang saya ko para sa bestfriend ko. Ngayon lang umibig si Kyla kaya supportado ko siya.

Napatingin ako sa naiwan sa table namin, at nakita kong kumakain siya. Aba! Wala ata siyang balak magsayaw ng babae?


"Jassy? Can I have a dance with you?" Nagulat ako sa nagsalita. Pagtingin ko si Lance ang nag-aya sa akin. Pumayag naman ako. Ayoko namang ma-left out nuh?

"Lance, hindi ako magaling magsayaw eh." Nahihiyang sambit ko kay Lance. Totoo naman eh. Hindi ko talaga hilig ang pagsasayaw. Kaya pagpinasayaw ako nagmumukha akong walis tingting.


Lumapit siya tenga ko na kinagulat ko. "It's okay. I will teach you." Bulong niya sa akin. Tumango naman ako sa kanya. Pumunta na kami sa gitna.

Linagay ni Lance ang kanang kamay niya sa bewang ko at hawak naman niya ang kanang kamay ko. Tinuruan niya ako kung paano ang tamang paghakbang at nakukuha ko naman yun. Mukhang dancer siya ah. Dahil alam na alam niya ang mga ganito.


Noong una ay naninibago ako at na-iilang pero pinigilan ko ang sarili ko. Gusto ko lang ma-enjoy ang gabing ito. Minsan lang 'to mangyari.


Minsan ko lang maramdaman maging prinsesa, kahit isang gabi lang.


Kiel's POV

"Jassy? Can I have a dance with you?" Aya ni Lance kay Panget. Napa-ismid naman ako habang kumakain.


Hindi ko talaga maiwasang mapatingin sa kanya. T*ngina bakit kasi ganyan pala siya kaganda. Hindi ko inakala. Hindi kasi marunong mag-ayos ng sarili. Akala mo tomboy at hindi babae ang kilos.

Sh*t ano ba 'tong pinagsasasabi ko? Ikain ko na nga lang 'to. Pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko ng chicken salad habang sumu-sulyap pa din ako kina Jassy at Lance.


Nakita kong lumapit si Lance kay Jassy. Lumapit siya sa pisngi ni Jassy. Hindi ko alam kung bumulong siya o umi-score kay Jassy. Aba, G*go 'tong Lance na 'to ah! Umi-iscore kaagad kay Jassy. Baka gusto niyang upukan ko siya. Makalimutan kong kaibigan ko siya.

Taena! Ano ba t'ong pinagsasabi ko? Lul ka na Kiel eh!


Nakita kong hinawakan ni Lance ang kamay ni Jassy habang naglalakad sila papunta sa gitna. Bigla namang humigpit ang paghawak ko sa tinidor.

Ang mas mabuti niyan sumayaw ka na lang. Naleleft out ka na oh. Pumunta ako sa kanya at hiningi ko ang kamay niya. Kahit na may kasaway pa siya. Wala akong pakialam.


Kukunin ko ang kamay ng babaeng gusto ko....


"I want to have a dance with you, Ingrid."


Inabot ko ang kamay niya at tumigil sila ng Daddy niya sa pagsayaw. Binigay naman ni Ingrid ang kamay niya sakin.


"Take care of my daughter, Kiel." Bilin sakin ni Tito Ian.

"Yes po Tito. I will." Sagot ko kay Tito Ian.


Aalagaan ko siya, Tito. Pangako yan.

Pumunta na kami ni Ingrid sa gitna. Habang hawak-hawak ko ang kamay niya. Ilinagay ko ang kanang kamay ko sa kanyang bewang at ang kaliwa naman ay hawak-hawak ang kanang kamay niya.


"Happy Birthday, Beautiful." Bati ko sa kanya. Bahagya siyang yumuko dahil namula siya sa sinabi ko. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti.

"Salamat." Nahihiya niyang pasasalamat sakin.


Pinagmamasdan ko lang ang kagandahan ni Ingrid. Aaminin ko na isa yun sa mga katangiang hinangaan ko sa kanya. Hindi lang siya maganda kundi mabait at maunawain pa. Tahimik lang siya pero pagkilala ka niya, saksakan siya ng ingay. Kaya natatawa na lang ako sa kanya kapag magkasama kaming dalawa. Hindi ko maiwasang mapangiti sa kanya.

"Bakit ganyan ka makatitig?" Nagtatakang tanong niya sakin.


"Ang ganda kasi..." Panimula ko.

"Ng damit?" Pagsabat naman niya. Hindi ko tuloy maiwasang mas matawa pa.


"Loka-loka ka talaga. Patapusin mo muna kasi ako." Sambit ko sa kanya. Tumawa siya ng mahina at lumapit naman ako sa mukha niya.

"You look very beautiful and elegant tonight." I sweetly told her, then she automatically smiled at me.


"Thanks. You look handsome and handsome and handsome tonight." She grins after saying that. Nakuha pa nitong asarin ako.

"Tatlo yun ah?" Patanong kong sabi sa kanya. Mas lumapit ako sa kanya.


"I Love You ba ibig sabihin nun?" Pang-aasar ko sa kanya. Ngumiti ako ng nakakaloko para maasar siya.

"Sira ka talaga!!" Nakita kong yumuko siya dahil na rin sa namumula siya. Ang cute talaga niya.


Simula nung nangyari sa cr. Hindi na kami nag-usap o nagkita ulit ni Ingrid. Nagalit siya sakin dahil may nakakita samin at yun ay si Jassy. Siya yung bigla-biglang pumasok sa cr habang you know...we're doing something. Natatakot siya baka magsumbong si Jassy at malaman yun ng Daddy niya at pagalitan siya. Kaya dali-dali kong binantaan si Jassy, at buti naman nakinig sakin yung baliw na yun.


Aaminin ko na-tempt ako nung araw na yun. Paano naman kasi. She always keeps entertaining those bastards suitors of her. Sa mukha pa lang ng mga yon. Halata mo nang manloloko at manyak pa sa manyak. Bakit kasi sobrang bait ni Ingrid? Kaya pati manyak at manloloko kinakausap niya. Kaya nung nakita ko siya with those bastards. I angrily grabbed her hand and took her in the restroom and started to possessively kiss her. A minute had taken before she responded to my kiss. I want to assure her that I love and like her. So she should stay away with those bastards.


Kaya nagpapatulong ako kay Jassy. Dahil simula nun. Nakipagbreak siya sakin. At gustuhin ko man siyang balikan agad-agad, syempre nahihiya naman ako. It's my fault. I took her for granted on that day. So, I should give her the space she needs. Now, we talk often but I'm still waiting for her to say yes again.

Habang sinsayaw ko si Ingrid. May dalawang tao akong nakita. Nagtatawanan silang dalawa na para bang couple sila. Nakakairita sila tingnan. Kaya binaling ko sa iba ang tingin ko. Bwiset! Nakakapanibago ng mood!


Ilang minuto ang nakalipas. May nakabanggaan ako mula sa likuran ko. Liningon ko kaagad 'to at nakita ko si Jassy, na kasayaw pa rin si Lance. Nagulat siya dahil ako ang nakabungguan niya.

"Sorry, pre!" Sambit ni Lance sakin. "Napapasarap kami ng sayaw ni Jassy eh." Pang-aasar nito sabay kindat pa. Nagulat si Jassy. Kaya agad nitong hinampas si Lance.


"Joke lang. Sige doon na kami. Tara Jassy." Tumango si Jassy kay Lance.

"Sorry, Kiel." Sambit nito. Pero hindi ko lang siya pinansin. Tumalikod agad ako sa kanya. Bahala siya.


"Nag da-date ba silang dalawa?" Biglang tanong ni Ingrid sakin.

"Sino?" Patay malisya kong tanong. Malay ko ba kung sino yun?


"Sina Lance at Jassy?" Sagot niya sa akin na bigla ko namang kina-tawa.

"Huh! Bakit naman yun magdadate? Gusto na pala ni Lance sa mga panget! Tsk!" Nakapamewang pa ako habang sinasabi yun. Sila nagdadate? P*ta Laking Joke naman nun. Ugok yung si Lance na yun.


"Ang sama mo! Ang Ganda kaya ni Jassy, at ngayon mas gumanda siya. Kaya hindi malabo at impossibleng magustuhan siya ni Lance." Paliwanag ni Ingrid.

"Ay basta! Hindi pwede magboyfriend yun. Bawal pa at tsaka 8B's yun eh." Pang-aasar ko. Totoo naman. Sa lagay ni Jassy. Wala pa sa isip niya yung mga boyfriend-boyfriend na yan.


"Sayaw na lang ulit tayo." Aya ni Ingrid sakin at pinagbigyan ko naman siya.

Sumayaw na lang ulit kami ni Ingrid kaso parang wala na akong gana. Nawala na ako sa mood.


"Ingrid, mamaya na lang ulit tayo sumayaw." Paalam ko kay Ingrid at nagulat siya.

"Huh? Bakit? May nangyari ba sayo?" Nag-aalalang tanong nito.


"Hindi!" Sabay tabing ko sa pisngi niya.

"Napagod lang ako. Sige umupo ka muna doon. Basta wag kang makikipagsayaw sa hindi ko kilala ah. Pwede naman sa mga kaibigan ko at sa mga kilala ko. Wag lang sa hindi ko kilala. Okay?" Bilin ko sa kanya.


"Okay! Mr. Over Possessive and Protective." Medyo naiiritang sagot niya sakin. Hays. Umiral nanaman kasi ang pagka over protective at over possessive ko. Ganun talaga ako kapag nagmahal.

Nakita ko naman bigla si Jassy na papunta sa table namin. Nagulat ata siya dahil ako lang ang tao doon. Kaya nag-aalangan pa siya kung pupunta ba o hindi. Sa huli pumunta rin siya. Hindi siya tumitingin sakin. Kahit sa pag-upo niya, nakayuko lang siya. Anong problema neto? Tss.


"Panget?" Tawag ko sa kanya. Tumingin siya sakin at ang sama ng tingin niya, siguro dahil tinawag ko nanaman siyang Panget. Nakakatuwa kasi ang itsura niya kapag tinatawag ko siyang panget. Akala mo pinagsakluban ng langit at lupa eh.

"Ano?" Masungit niyang tanong sakin. Pero bigla siyang umiwas ng tingin. Ano bang problema neto at ayaw akong tingnan? Ang Gwapo ko ba? Tss. Baka mamaya naiinlove na 'to sakin ah! HAHAHAHAHA!!


"Panget, marunong kang sumayaw?" Tanong ko sa kanya. Tumingin siya sakin.

"H-Hindi." Nahihiya niyang sagot.


"Mabuti!"

Tumayo ako at hinawakaan ko ang kamay niya. Hinila ko siya sa dancefloor. Linagay ko ang kanang kamay ko sa bewang niya na siya namang kinagulat niya. Habang ang kaliwa at kanang kamay namin ay magkahawak. Nahihiya pa siyang ilagay ang kaliwang kamay niya sa balikat ko. Dahil sa kakuparan niya. Ako na mismo ang naglagay sa balikat ko. Tumingin ako ng diretso sa kanyang mga mata.


"Look at me." Mahinang utos ko sa kanya. Sinunod naman niya ako at tiningnan din niya ako. Bigla akong napangiti.


Let me have a dance with you, Jassy


Jassy's POV

"Jassy. Pahinga muna tayo?" Sambit sakin ni Lance.


"Ahh. Sige." Pagsang-ayon ko sa kanya. Pahinga muna pag may time. Ang sakit na ng paa ko. Samantala yung mag-jowa doon. Nag-eenjoy pang sumayaw. Wala ba silang kapaguran?

Naglakad na kami papunta sa table namin.


"Jassy. Dito ka muna ah. Punta lang ako ng restroom." Paalam ni Lance sakin.

"Sige." Pagpayag ko. Mabait naman si Lance eh. Habang sinasayaw niya ako. Nagkwe-kwento rin siya sakin. Nakikita na daw niya ako dati. Tapos ngayon daw hindi niya ako namukaan pero nung tumingin siya sa mga mata ko doon lang daw niya nalaman na ako daw pala yun.


Tapos ang family niya ay owner ng isang food company. Kaya mayaman sila. Siya lang ang anak kaya mana niya lahat ng ari-arian nila kasama na doon ang kompanya nila.

Naglalakad na ako sa direksyon na papunta sa table namin. Akala ko ako lang ang tao doon pero nakita ko si Kiel na naka-upo, at biglang napatingin sakin. Kaya bigla kong inalis ang tingin ko sa kanya. Ewan ko ba? Nahihiya ata ako? Balak ko pa ngang wag na pumunta doon at ipihit na lang ang mga paa ko palayo kaso hindi ko magawa. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.


Nang maka-upo na ako ramdam ko na nakatingin sakin si Kiel kaya yumuko lang ako. Bakit ba kasi niya ako tinitingnan? Nag-iisip nanaman ba siya ng gagawin niya sakin na mapapahiya ako?

"Panget?" Tawag niya sakin. Sinamaan ko kaagad siya ng tingin. Panget pa din ako?! Binati lang niya ako kanina ah...


"Ano?" Nakita ko siyang tumawa. Kaya inalis ko sa kanya ang tingin ko.

"Panget, marunong kang sumayaw?" Napatingin na ako sa kanya. Ano daw? Sayaw?


"H-Hindi." Nahihiya kong sagot sa kanya. Nagulat ako nang tumayo siya.

"Mabuti!"


Nagulat ako sa susunod niyang ginawa. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila niya ako patayo papunta sa dancefloor. Linagay niya ang kanang kamay niya sa bewang ko. Nagulat ako dahil sa may naramdaman akong kuryente na dumaloy sa katawan ko. Habang ang kanang kamay ko naman ay hawak ng kaliwa niyang kamay.


B_Bakit a-ang bilis ng tibok ng puso ko? Para bang nag slow motion ang paligid ko. Parang ako at si Kiel lang ang sumasayaw sa dancefloor. Linagay niya ang kaliwang kamay ko na nahihiyang ilagay sa balikat niya, kaya siya na ang gumawa nun.


A-Ano bang nangyayari? Anong nangyayari sa puso ko?

"Look at me." Utos niya sa akin na nasa mababang tono. Biglang nanginig ang buong katawan ko. Hindi ko malaman kung susunod ba ako sa kanya o hindi.


Pero may kung anong nagtulak sa akin para tingnan siya pabalik. Halos pigilan ko ang paghinga ko nang ngitian niya ako ng napakalawak.


"Let me have your last dance."


Itutuloy....


Continue Reading

You'll Also Like

976K 26.2K 32
(#3) Paano kung sa mura mo pa lang na edad ay nabuntis ka na. Pero natatakot ka na sabihin sa lalaking 'yon ang katotohan dahil iniisip mo na baka h...
20.6M 508K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
3.5M 89.8K 46
[COMPLETED] Alam niyang bawal, pero hindi pa rin napigilan ni Isabela Santiaguel na magkagusto sa Club DJ at certified playboy na si Arkhe Alvarez. S...