What Love Can Do? (UNDER REVI...

By Princesss_AJ

1M 24.8K 1.2K

(COMPLETED) Ang "pag-ibig" ay maraming kahulugan para satin. Ito ay emosyon na ating nararamdaman sa isang t... More

-Prologue-
«Disclaimer»
Chapter 1 My Virgin Eyes!
Chapter 2 The Brother
Chapter 3 Friendship
Chapter 4 For the First Time
Chapter 5 First Kiss?
Chapter 6 Lover's Quarrel
Chapter 7 He's the Brother
Chapter 8 Panyo
Chapter 9 Crush?
Chapter 10 Apology
Chapter 11 It's a Deal!
AUTHORS NOTE! MUST READ!
Chapter 12 For you
Chapter 13 Meet the Sister
Chapter 14 Permission?
Chapter 15 Friendly Date
Chapter 16 She's the Noona
Chapter 17 Siomai
Chapter 18 Mr. Right?
Chapter 19 Is this Real?
Chapter 20 Comfort
Chapter 21 Protective Kuya!
Chapter 22 Aminan Time!!
Chapter 23 We're Still Friends?
Chapter 25 A Princess for a Night
Chapter 26 A Princess for a Night (part 2)
Chapter 27 A Princess for a Night (part 3)
Chapter 28 Threat
Chapter 29 Her Realization
Chapter 30 Tuloy Pa rin
Chapter 31 Night Party
Chapter 32 End
Chapter 33 Blessing in disguise
Chapter 34 Stay with Me
Chapter 35 His Reason
Chapter 36 Revelation
Chapter 37 True Feelings
Chapter 38 Sacrifice
Chapter 39 Love-Struck
Chapter 40 First Date
Chapter 41 "Yes"
Chapter 42 Officially Mine
Chapter 43 Undeserved
Chapter 44 Don't like her
Chapter 45 Out of town
Chapter 46 Just Friends?
Chapter 47 Allergic
Chapter 48 Respect
Chapter 49 We are Jealous
Chapter 50 Couple's Conflict
Chapter 51 First love
Chapter 52 I'm Hurt
Chapter 53 I Love Her (Part 1)
Chapter 54 I Love Her (Part 2)
Chapter 55 Understand
Chapter 56 Dare
Chapter 57 The Truth
Chapter 58 Loss
Chapter 59 Grief
Chapter 60 First Monthsary
Chapter 61 We meet again
Chapter 62 Brothers
Chapter 63 Friends
Chapter 64 Left
Chapter 65 Tulad Mo
-Epilogue-
Shout Outs 🎉
💖Pasasalamat💖
What Love Can Do?
Book 2

Chapter 24 I'm Stuck with him

15.1K 327 26
By Princesss_AJ


24: I'm Stuck with him

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»


"Akala ko ba hindi mo ko papansinin?" Tanong niya sa akin. Napa-iwas naman ako ng tingin sa kanya. Humakbang siya palapit sa akin.

"Akala ko ba iiwasan mo na ako?" Tanong niya sabay ng paghakbang niya palapit sa akin ay ang pag-atras ko sa kanya. Ramdam ko ang pagkabog ng puso ko.


Nang wala na akong maatrasan ay parang nanalo si Kiel. Nagawa niyang lumapit sa akin, at para naman akong kinakapos sa hangin. Napatingin lang ako sa mga mata ni Kiel. Diretso niyang tiningnan ang aking mga mata habang naghuhuramentado naman ang puso ko sa kanya.

"Kaya mo ba talaga akong tiisin, Jassy?" Tanong ni Kiel na nasa harapan ko. Para akong nahihilo sa mga mata niya. Bumaba ang tingin ko sa kanyang labi. Kaagad na naghuramentado ang puso ko kaya mabilis ko siyang tinulak palayo sa akin.


"Bakit ba nandito ka?" Inis na tanong ko sa kanya habang iniiwas ko ang tingin ko sa mga mata niya.

Hindi ko maiwasang mailang sa kanya. Sa tuwing maglalapit ang mga mukha naming dalawa ay para akong nauubusan ng hangin. Hindi ako makahinga sa tuwing mararamdaman ko ang presensya niya malapit sa akin.


*Arf arf* Biglang may tumahol na aso habang tumatakbo. Nagsigilid naman ang mga tao para makalayo sa tumatahol na aso.

Nagulat ako nang biglang may yumakap sa akin at hinila niya ako palapit sa katawan niya. Kaagad na tumama ang mukha ko sa dibdib niya. Dahil sa lakas ng pwersa ay pareho kaming nawalan ng balanse.


Bigla kaming natumbang dalawa. Napunta ako sa ilalim niya at siya naman ay napunta sa itaas ko. Napalunok ako habang iniisip ang posisyon naming dalawa.

Naramdaman ko ang bigat niya sa leeg ko. Nagsanhi yun ng kiliti sa aking leeg. Pinilit ko siyang patayuin pero ayaw niyang umalis sa itaas ko.


"Tumayo ka na huy!" Pilit ko siyang pinapatayo. Hinawakan ko pa ang balikat niya para itayo siya pero pinigilan niya ako. Nagulat ako nang bigla niya akong yapusin muli ng mahigpit. Biglang tumibok ng napakabilis ang aking puso.

"Ayaw!" Pagprotesta niya. Para siyang bata.


"Ano ka ba? Bakit ayaw mong tumayo?" Inis kong tanong sa kanya. Pinilit kong wag ma-distract dahil sa mga braso niyang nakayakap sa akin.

"M-May aso." Sagot niya at mas siniksik pa niya sa leeg ko ang mukha. Natawa ako sa sagot niya kasabay nun ang kiliting nararamdaman ko sa aking leeg.


"T-Takot ka sa aso?" Natatawa kong tanong sa kanya.

"Sa tumatakbong aso." Sagot niya habang nasa leeg ko pa din ang mukha niya. Mas lalo akong natawa pero nawala iyun nang bigla kong marinig ang mga usapan nila.


"Mygad! Nakuha pa nilang maglandian sa daanan?"

"Oo nga eh. Nakahiga pa talaga!"

Narinig ko ang mga sabi-sabi ng mga taong nakatingin at nagbubulungan sa amin.


"Tumayo ka na. Ang daming nakatingin sa atin." Mahinang sambit ko sa kanya. Natauhan siya sa sinabi ko kaya tumayo din siya kaagad. Narinig ko naman ang mga bulungan ng mga babae.

"Sayang pogi pa naman yung lalaki."

"Oo nga eh. Pero mukhang taken na."


"Tayo na dyan." Inangat ko ang ulo ko at nakita ko si Kiel na nakatayo sa harapan ko habang nakalahad ang kamay sa akin. Napatingin ako sa mga babaeng nagbubulungan at nakatingin kay Kiel. Napansin ni Kiel ang pagtingin ko sa kanila kaya siya na mismo ang kumuha sa kamay ko at tinayo ako.

Para akong kinuryente nang magkahawak ang kamay naming dalawa. Napatingin ako sa kanyang mga mata habang hawak-hawak pa rin niya ang kamay ko.


"Don't mind them." Mahina niyang sambit sa akin. Hindi naman ako kaagad nakasagot.

"B-Bakit mo ginawa yun?" Nauutal kong tanong sa kanya. Ngumisi siya sa akin.


"Bakit? Gusto mo ng round 2?" Bulong niya sa akin.

"Hoy!" Tinulak ko siya palayo. "Feeling ka masyado ah! Manyak!!"


"Pakipot pa!" Ngisi niyang asar sa akin.

"Atleast hindi takot sa aso." Asar ko sa kanya. Hindi ko mapigilang matawa. Kiel Salazar? Duwag sa aso?


"Asong tumatakbo lang." Depensa niya.

"Takot pa din sa aso." Pang-aasar ko sa kanya. Hawak-hawak ko ang tiyan ko habang natatawa.


"Aba! Lagot ka sakin." Bigla niya akong hinila papunta sa kanya kaya nagulat ako. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Mabilis na nagtama ang mga mata naming dalawa, nakita kong hindi niya inaalis sa mga labi ko ang mga mata niya.

Kaagad na kumabog ng husto ang puso ko. Hindi pwede, Jassy! Hindi mo pwede ibigay nanaman dyan sa F-Boy na yan ang mga l-labi mo.


"Sinong takot ngayon?" Mahina pero may pang-aasar niyang tanong sa akin. Nanlaki ang mga mata ko.

"Waahhhh!" Tinulak ko siya. Kumuha ako ng napakadaming lakas, nang hiram pa nga ako kay Superman ng lakas para matulak lang siya.


"Shh! Ang ingay neto! Dito nga tayo." Sambit niya tsaka hinawakan ang kamay ko papunta sa upuan ng park.

"Hoy yung kamay ko!" Paalala ko sa kanya nang hawak-hawak pa rin niya ang kamay ko. Napatingin kami sa magkahawak naming kamay.


"Oh ayan!" Bigla niyang binato ang kamay ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Ibato ba naman ang kamay ko? Eh siya 'tong humawak sa akin.

"Parang hindi naman tayo nagho-holding hands." Rinig kong sambit niya sa sarili niya. Kaagad akong napalingon sa kanya.


"Anong sabi mo?" Tanong ko sa kanya.

"Wala! Sabi ko bakit ka ba nandito, panget?" Sagot niya sa akin.


"Eh sa namamasyal ako eh." Ginaya ko ang sinabi niya sakin kanina nung nagtanong ako.

"Tss. Gaya-gaya." Rinig kong sumbat niya sa akin. Naaasar nanaman siya sa akin.


"Sinong kasama mo mamasyal?" Tanong niya sa akin. Ngunit sa pagkakataong ito, seryoso na ang mukha niya.

"Ako lang. Bawal ba yun?" Asar kong sagot sa kanya. Nasaan na ba kasi si Kyla?


"Tsk! Siguro makikipagmeet up ka sa boyfriend mo nuh?" Sagot niya sa akin. Napakunot naman ang noo ko.

"Wag mo nga akong itulad sayo. Baka ikaw ang makikipagmeet up sa MGA girlfriend mo." Diniin ko ang salitang mga sa sinabi ko.


"Hoy! Anong mga? Kapag nag girlfriend ako, isa lang!" Sagot niya sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Talaga ba? Ikaw pa?" Tanong ko sa kanya pabalik. Hinarap niya ako.


"Oo! Kaya nga si Ingrid lang ang girlfriend ko, kasi iisa lang siya, wala akong ibang babae." Sagot niya sa tanong ko. Ako ang unang umiwas ng tingin sa kanya.

"H-Hinihintay ko si Kyla, siya ang nag-aya sakin dito." Pag-iiba ko ng topic.


"Ahh, ganun ba. Ayos na ba kayo ng Kuya mo?" Nagulat ako sa tanong niya.

"Huh? A-Ayos na kami." Iwas kong pagsagot sa kanya.


"Lalayuan mo pa rin ba ako?" Malumanay niyang tanong sa akin. Para namang nanlambot ang puso ko.

Lalayuan ko pa rin ba siya? Nagyong ayos naman na kami ni Kuya, at tsaka kahit gusto ng isip kong layuan siya, pumo-protesta ang puso ko. Bakit ganun?


"Hindi. Hindi na kita lalayuan." Sagot ko sa kanya. Agad akong kinabahan. Mukhang mali ang pagkakasabi ko. Kaagad akong napalingon sa kanya.

"Namiss mo ko nuh?" Nakangisi niyang tanong sakin. Tss. Ang hangin.


"Miss? Nagpapatawa ka ba? Hindi kita namiss nuh?" Iwas na sagot ko sa kanya.

"Ahh. Kaya pala nung nagkita tayo kanina. Grabe yung titig mo sakin. Halos matunaw ako eh." Nakangising sagot niya sa akin habang natatawa. Nanlaki naman ang mga mata ko.


"Tumingin lang ako sayo nuh? A-Anong tinititigan ka dyan." Yumuko na lang ako dahil sa hiyang naramdaman ko. Dinapuan ko siya ng tingin at nakita kong nakatingin siya sa akin ng diretso.

"Pero ako namiss kita.." Mahinang sambit niya habang nakatingin sa akin. Tama ba ang narinig ko? Miss niya ako? Teka...


TUG DUG

TUG DUG


"Namiss ko yung mukha mong naaasar kapag inaasar kita." Sambit niya sabay tawa ng malakas. Akala ko seryoso na siya sa sinabi niya pero ayun pala ay hindi.

"Pero ayos ayun. Papansinin mo na ako. Kaya matutulungan mo na ako sa birthday ni Ingrid." Sambit niya sabay ngiti sa akin.


"Birthday?" Paninigurado ko sa sinabi niya.

"Oo. Birthday ni Ingrid bukas. Kaya tutulungan mo akong ibigay sa kanya ang mga regalo ko." Sagot ni Kiel sa akin.


Bukas na ba birthday ni Ingrid?

"Kaya bukas pumunta ka sa party niya..." Nagulat ako sa sinabi niya. Teka pupunta ako?


"Tapos bukas-" Hindi ko na siya pinatapos.

"Wala akong susuotin! Wala nga rin akong invitation eh." Pagputol ko sa sinasabi niya.


"Ako na ang bahala dun." Anong siya na bahala? May damit ba siyang mapapahiran sakin?

"I got you." Dugtong niya sabay lingon sa akin. Hindi naman ako nakasagot.


Bakit ganun? Rinig ko ang pagtibok ng malakas ng puso ko. Napatingin lang ako sa mukha ni Kiel

"Hoy! Panget!" He snapped. "Hindi ka pa rin ba nakaka move on kay Drake? Tsk! Move one move on din pag may time."


"Paano ako magmomove on? Eh hindi naman naging kami ah!" Katwiran ko sa kanya.

"Bakit? Kailangan ba munang maging kayo, bago ka move on? Eh sa kung nasaktan ka? Edi Move on. Ah basta! Pupunta ka sa party niya bukas ah! Ako na bahala!" Sambit niya tsaka umiwas ng tingin sa akin.


"Hindi naman ako imbitado sa birthday ni Ingrid." Sambit ko tsaka napayuko.

"Diba bestfriend kayo ni Ingrid dati?" Sagot niya sa akin.


"Oo. Paano mo nalaman? " Tanong ko sa kanya.

"Minsan nakwe-kwento ka sakin ni Ingrid." Sagot ni Kiel sa akin.


"Talaga?" Hindi ako makapaniwala. Nakwekwento ba talaga ako ni Ingrid sa kanya? Akala ko ba wala na akong halaga para sa kanya?

"Oo." Sagot niya. "Kine-kwento niya sakin yung mga ginagawa niyo dati. Kung gaano ka ka-clumsy at ka-panget."


"Nakakainis ka talaga!" Sumbat ko sa kanya tsaka ko hinampas ang braso niya.

"Panget ka lang eh" Asar nanaman niya sakin. Tsk! Mayabang ka lang!


Ilang minuto din kaming hindi nagsalita ni Kiel. Tumingin kami parehas sa relo namin, at nakita kong 8:30 pm na. Gabi na. Nasan na ba si Kyla?

"Sh*t!" Napalingon ako kay Kiel.


"8:30 pm na pala? Nasan na ba si Aiden?!" Pagmamaktol niya. Tss. Ang ingay! Wait? Napatayo ako.

"Teka kasama mo si Aiden?" Tanong ko sa kanya.


"Oo. Siya ang nag-aya sakin dito." Sagot naman niya. Nanlaki ang mga mata ko.

"ALAM KO NA!" Sigaw ko.


"Huh? Anong alam mo na?" Nagtatakang tanong niya sakin.

"Kasama mo si Aiden, kasama ko si Kyla. So naiwan tayo ditong dalawa. Ibig sabihin... "


"MAGKASAMA SILA!" Sabay naming sambit dalawa. Napakamot pa kami sa ulo namin. Sa tingin ko talaga magkasama sila. Tsk! Planado 'to ah!


"Aish, Aiden! Bwiset! Lagot ka sakin mamaya!!" Sigaw ni Kiel. Habang nagsisisipa pa kung saan-saan. Inawat ko naman siya.


"Huy! Ano ba? Wag ka ngang sumigaw." Pagsaway ko sa kanya. Tsk!

"Humanda ka talaga sakin Kyla Martinez! Matitikman mo ang espesyal sabunot ko sayo mamaya!!" Sigaw ko. Liningon ko si Kiel at nakita kong nakangisi siya sakin.


"Oh? Anong tingin yan?" Masungit kong tanong sa kanya.

"Wag pala maingay? Tsk! Ang hina naman ng sigaw mo. Lakasan mo naman!" Sagot niya sa akin. Tinikom ko ang aking bibig. Napasigaw pala ako!


"Eh kasi naman. Nadale tayo nung dalawang yun!" Sagot ko sa kanya.

"Oo nga eh! Tsk!" Pagsang-ayon naman niya.


Hindi ko na siya pinansin. Kinuha ko ang cellphone ko at tinatry kong tawagan si Kyla. Pero nawawalan ako ng signal. Kaya tumayo ako sa lamesa at tinaas ko ang phone ko.

"Anong ginagawa mo dyan?" Biglang tanong ni Kiel sa akin.


"Naghahanap ng signal. Kita mo naman diba?" Pilosopo kong sagot sa kanya.

"Tsk! Sige, pahirapan mo sarili mo." Hindi ko na siya pinakinggan bahala siya dyan.


Ilang minuto din akong nasa lamesa. Nung nangawit na ako. Binaba ko na ang pagkakataas ko sa cellphone ko pero nakatungtong pa din ako sa lamesa.

"Aish! Bakit wala akong signal?!" Pagrereklamo ko.


"Ikaw ba may signal?" Tanong ko sa kanya. Inabot naman niya ang cellphone niya. Kinuha ko naman yun kaagad.

"Ayun naman pala. Hindi pa nagsalita kanina." Tiningnan ko ang cellphone niya. Napanguso ako.

 

"Walang kwenta naman pala 'tong cellphone mo! Wala ring signal. Bulok!" Pag-iinsulto ko sa cellphone niya.

Wala rin naman pa lang signal. Binigay pa sakin. Tsk! Kinuha ko na lang ulit ang cellphone ko tapos tumayo ulit ako sa lamesa at nagbaka sakaling may signal ulit.


"Hays. Sinasayang-"

"K-Kieeelll!!!" Sigaw ko nang maramdaman kong wala na pala akong hahakbangan paatras.


"How stupid?" Banggit niya habang salo-salo niya ako parang bagong kasal.

Ang lapit ng mukha naming dalawa. Hindi ko naman maiwasang hindi mapatingin sa mga mata niyang brown na brown. Ito nanaman ang puso ko.


"A-Akala ko kasi may hahakbangan pa ako. Masyado na ata akong napa-atras." Nauutal kong paliwanag sa kanya habang nakatingin pa din sa mga mata niya.

"At masyado ka na ring stupid." Tinayo na niya ako.


"Kanina pa kaya walang signal. Nagloloko ang network." Banggit niya.

"H-Hindi ko naman alam." Sagot ko sa kanya habang umiiwas ng tingin.


"Yiiee Bati na sila!" Nagulat kami nang biglang may magsalita sa likuran namin. Napalingon kami pareho ni Kiel.

"Kamusta, bii?"

"Ano pre, ayos ba?"


"Kayo!" Sabay pa kami ni Kiel. Agad kaming lumapit sa kanilang dalawa.

"Kyla, magsabi ka ng totoo?" Tanong ko sa kanya habang seryoso ang tingin ko sa kanya.


"Sinet up niyo ba kami ni Panget?" Pagdugtong ni Kiel sa tanong ko. Seryoso din ang tingin niya kay Aiden.

"Huh? Anong sinasabi mo pre? Lul! Tara na nga! Gutom lang yan." Inaya niya si Kiel pero pinigilan siya nito at pina-upo sa bench.


"Hindi pa tayo tapos!" Sagot ni Kiel.

"Bii! Ano bang sinasabi mo?" Matawa-tawa niyang tanong sakin. Hindi siya marunong magtago ng nararamdaman. Halata sa mga mata niya na natatakot siya. Tss.


"Nagkita lang kami ni Aiden kanina dyan. Nagkwentuhan muna kami tapos binili lang niya ako ng starbucks." Tila ba kinukumbinsi ni Kyla si Aiden sa pagdadahilan niya samin. Sinisiko pa niya si Aiden.

"Ahh...ano...Oo! Tama si Honeypie!" Tugon naman ni Aiden samin.


"Aish! Wag niyo kaming lokohin! Sabihin niyo na kasi na sinet up niyo kaming dalawa!" Sigaw ko sa kanila.

"Wag ka ngang maingay panget! Mukha kang ewan dyan. Pinagtitinginan ka tuloy oh!" Saway sakin ni Kiel.


"Akala ko ba magkakampi tayo?" Nakangusong tanong ko sa kanya tsaka siya hinampas.

"Bati na nga talaga sila."


"Oo nga honeypie eh. Mission Accomplished tayo!"

"Sshh!"


Hays! Itong mag jowang 'to! Magbubulungan na nga lang ang lakas-lakas pa. Yung maririnig pa namin. Ayan nabuko sila. Tss.

"Gagu ka talaga Aiden!" Binatukan ni Kiel si Aiden. Tingin ko narinig din ni Kiel ang sinabi nilang dalawa.


"Aish! Ang ingay mo talaga honeypie." Pagmamaktol ni Kyla kay Aiden. Sinuntok pa nito si Aiden sa braso.

"Sorry na, Honeypie. Gwapo lang, nagkakamali." Sagot ni Aiden kay Kyla habang hinihimas nito ang braso niyang sinapak ng girlfriend niya.


"Lul! Aiden" Saway naman ni Kiel kay Aiden. "Anong gwapong sinasabi mo? Sigurado ka bang may salamin kayo sa bahay niyo?"

"Bakit kayo ba meron?" Pagbalik ng tanong ni Aiden.


"Hmp! Hindi na kailangan yun. Jusko! Confident na ako sa kagwapuhan ko." Maangas niyang sinabi samin.

"Kupal amputa!" Sabay bato ni Aiden ng towel kay Kiel.


Parehas na parehas silang magkaibigan eh. Parehas, MAHANGIN! Tsk! Buti natitiisan ni Kyla 'tong si Aiden. Jusme, napakahyper eh.

"Wag niyo nga ibahin ang topic." Saway ko sa dalawang magbestfriend. "Sabihin niyo bakit niyo ginawa yun?"


"Alin, Jassy?" Patay malisyang tanong ni Aiden.

"Bakit niyo kami sinet up?!" Sigaw ko sa kanila. Pero mukhang napalakas ata. Pinagtitinginan tuloy ako ng mga tao dito.


"Okay, sige!" Tumayo si Kyla mula sa kinakaupuan niya.

"Umupo ka muna. Pati rin ikaw Kiel." Banggit ni Kyla. Tumayo din si Aiden at pina-upo din niya si Kiel.


"Oo, sinet up namin kayong dalawa...." Panimula ni Kyla.

"Oh! Wala munang sasabat." Bilin niya samin. Hindi naman ako sasabat eh. Tss.


"Ginawa lang namin yun, kasi gusto namin kayong magka-ayos." Dugtong niya.

"Bakit naman?" Bigla kong tanong sa kanya.


"Eh paano naman kasi, halata kaya na miss niyo ang isat-isa." Natatawang sagot ni Aiden. Umismid naman ako sa kanya.

"HEE!" Sabay pa kami ni Kiel. Napatawa tuloy yung dalawang mag-jowa.


"Bii! Gusto lang namin ni Aiden na magka-ayos na kayong dalawa. Tama nga si Aiden eh. Miss niyo nga yung isat-isa. Halata naman sa inyo kanina eh." Pagsang-ayon ni Kyla sa sinabi ni Aiden.

"Ako? Miss itong mukhang unggoy na 'to? HAHAHAHAHA! Wag nga kayong magpatawa!" Sambit ko sa kanila.


"Wushu! Patay malisya ka pang panget ka! Halata namang miss mo ko eh. Tsk!" Mayabang na asar sakin ni Kiel.

"Anong miss ka dyan!" Hinampas ko ang braso niya.


"Sabi na eh. Magkaka-ayos nga kayo!" Sigaw ni Aiden samin habang hinahampas ko tong asungot na toh! Hmp!

"Ano bang problema mong ugok ka?" Tanong ni Kiel kay Aiden.


"Pre! Ayos na kayo!" Sagot ni Aiden.

"Kami?" Sabay nanaman kami ni Kiel.


"Oo!" Sabay din sabi ng magjowa.

"Ayos na kayo kasi nag-aaway na ulit kayo." Sambit ni Kyla.


Natigilan naman ako. Liningon ko si Kiel na nakatingin sa akin. Ayos na nga ba kami? Oo? Nag-aaway na kami. Hindi katulad nung mga araw na hindi ko siya pinapansin, linalayuan at iniiwasan. At ganun din siya. Inaasar na niya ako. Bakit parang gumaan ang loob ko?

"Hindi niyo rin kasi kayang tiisin ang isa't-isa." Rinig kong sambit ni Aiden.


Hindi ba talaga kita kayang tiisin, Kiel? 


Itutuloy.....


Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
207K 5.8K 34
Isang gabi lang ang makapagbabago ng takbo ng buhay ni Maeluthe. Sa isang iglap, wala na ang 'isang kahig, isang tukang buhay'. Sa isang gabi, nawaka...
260K 5.7K 45
kwento ni Lena the Virgin and Lian the Beki ? matawa , maiyak, mautot at mabaliw sa kwentong medyo may aral. Medyo lang naman haha . PAUNAWA: bunga n...