PAMILYA DE KANIBAL

By ALEX_ASC

18.6K 379 12

Isang kamatayan! dalawang kamatayan! tatlong kamatayan! hinding-hindi kayo titigilan Paano mo matatakasan? P... More

CHAPTER 1 - Katay
CHAPTER 2 - Kulitan
CHAPTER 3 - Guwapong si Hector
CHAPTER 4 - Kilig moment sa falls
CHAPTER 5 - Pagpatay kay Shane
CHAPTER 6 - Ang Putahi
CHAPTER 7 - Suntukan
CHAPTER 8 - Pagtalon ni Ian sa Ilog
CHAPTER 10 - Si Mark sa loob ng Freezer
CHAPTER 11 - Pagkatay kay Reggie
CHAPTER 12 - Ang Salarin
CHAPTER 13 - Pagkasawi ni Hector
CHAPTER 14 - Pana sa leeg ni Mark
CHAPTER 15 - Trisha Vs. Reeza
CHAPTER 16 - Ang Pagtatapos
CHAPTER 17 - EPILOGUE

CHAPTER 9 - Ang Naka-itim

849 17 0
By ALEX_ASC

Kaagad tumalon sa ilog na iyon si Ian, upang matakasan ang mamamatay tao na nagtangkang patayin siya.

Mas pinili pa nya ang Malunod na lang sa malalim na ilog na iyon.

at mabilis na inanod ng Ilog ang kanyang katawan.

Samantala.

Narinig ni Mark ang malakas na pagsigaw ni Ian, ng ito'y sumigaw, kaya't mabilis na tinungo ang kinaroroonan nito.

Malayo pa lang siya roon, ay natanaw niya ang isang nilalang naghihintay sa kanya.

Tumigil si Mark, at pinagmasdan ng maayos iyon.

Ngunit sadyang madilim, pagkat natatakpan ang taong iyon ng malaking anino ng Puno, kaya't 'di nya ito maaninag.

Ngunit kitang kita ang dala-dala nitong Gulok, pagkat nasisinagan iyon ng buwan, maliwanag ang kalangitan, dahil kabilugan ng buwan ng mga sandaling ito.

At nagimbal si Mark, nang maaninag niya ang dala-dala nitong sandata, na tumutulo ng dugo.

"Killer? Pinaslang kaya niya si Ian?" tanong niya sa sarili.

At umurong ang kanyang tapang sa nasaksihan, kaagad tumalikod at Tumakbo ng matulin.

Hinabol naman siya ng taong nakaitim na iyon.

Hanggang sa maapakan ni Mark ang taas ng isang maliit na bangin, at diri-diritso syang bumulosok sa baba.

Kahit nasaktan siya, 'di na niya nagawang mag-ingay, kaya't 'di siya natuntun ng taong iyon, bagkus, nalagpasan ang kinaroroonan ni Mark, at nagtuloy-tuloy iyon sa maliit na daanang iyon.

*-*

Naalimpungatan si Trisha.

12am na, itinitig ang mga mata kay Hector.

At tulog na tulog ang binata.

pareho silang natatabingan ng makapal na Kumot.

at yaon lamang ang nakatakip sa kanilang katawan.

nakaharap sa kanya ang binata.

At pinagmasdan naman ito ni Trisha.

"Kahit puno siya ng pasa, 'di pa din nawawala ang kaguwapuhan niya, ang sarap pa din niyang pagmasdan," nakangiti niyang wika.

kaya 'di na niya napigilan si Hector sa pangahas nitong gawin sa kanya, at naanod na rin siya ng masasarap na sandaling iyon.

Kaya't nangyari ang 'di dapat.

"Hinding-hindi ko pinagsisisihan ang nangyari Hector, dahil mahal na mahal kita, ibibigay ko sa'yo ang lahat ng nasa akin" anang isip niya.

at ang alaala ni Shane ay sumingit sa matatamis na sandali ni Trisha.

"Nasaan na kaya si Couzz?, bat hindi pa din sila bumabalik?, hayyst, nakalimutan ko na talaga lahat, nang dahil lang kay Hector," mga tanong ng kanyang isipan.

Kasunod na ini-unat ang ulo, at iginala ang paningin sa kabuoang k'warto ng binata.

"Nang dahil kay Hector, pati itong k'warto niya, 'di ko nagawang ikotin ng tingin, hayyst, ganito na ba ako ka crazy sa kanya," at napangiti na lang siya sa mga naiisip niya.

hangang sa mapansin nya ang isang Frame na nakalagay sa maliit na lamesang kadikit lang ng kama.

Inabot ng kanyang kamay, at Pinagmasdan ng malapitan ang nasa Letrato.

dalawang bata, Magkamukha ang mga to, ang isa, nasa edad na 5 or 6, ang isa naman between 8 or 9, at di malaman ni Trisha kung saan si Hector sa dalawa, dahil sa magkamukhang magkamukha.

Pareho pang Semi opaw ang Gupit ng mga 'to.

"Siguro si Hector ang maliit na ito, samantalang itong isa ay Kuya niya siguro," hula niya.

"Nasaan kaya ang batang ito?!, hindi kasi naekuwento sa akin ni Hector na may kapated siya" mga tanong niya sa sarili.

Hanggang sa titigan ng malalim ni Trisha.

"Mukha siyang Babae!, Pero mas malapit ang itsura niya sa lalaki?, parang nakita ko na siya?, ahh hindi!, kasi kamukha nga pala ni Hector."

Tumayo siya't dahan-dahan na naglakad palabas ng k'warto ni Hector.

Isinara niya ang Pintuan, at mabilis na kinapa ang Cellphone upang tawagan si Shane at Mekaila.

" Hayysstt! Kainis naman! Ba't walang signal?" nayayamot niyang wika.

hanggang napansin nito ang labas ng bahay, bukas na bukas kasi ang malalaking bintana.

"Nakakatakot naman ang Labas kapag pinagmasdan ng maayos" wika nya habang nakatingin sa Kakahuyang iyon.

"Hayyst! Couuzz! Nasaan naba kayo?! Baka mamaya! May nangyari nang masama sa inyo!" nalulungkot niyang wika.

Kasunod na nakaramdam siya ng Gutom.

Tama!, hindi na pala siya nakapag-hapunan.

Dahil natuon ang Attention nya kay Hector, at ganoon din si Hector, hindi rin nakapaghapunan.

Nais sana niyang Kumain, Tumutunog na ang kanyang Sikmura sa Gutom.

At nais niyang mag-salo sila ni Hector, ngunit mahimbing ang tulog nito.

Kaya't Bumalik na lang siya sa sala't dumiritso sa Kusina.

At naghanap ng makakain.

"Hay naku, Meat na naman?," nakasimangot niyang wika.

kumuha na siya ng Plato, at nilagyan ng Kanin.

kasunod na sinandok ang Kalderong naglalaman ng Karne, at dahil sa masabaw iyon, ay hindi diritso sa paningin ang karneng iyon.

At nang iangat ang sandok ay kanyang nabitawan kaagad ito.

at bumagsak ang kalderong iyon sa baba.

at natapun ang laman.

"bakit?! Daliri ng tao?!" nanlalaki ang kanyang mga mata sa unang nakita.

kasunod na ibinaba ang paningin sa natapun na pagkain.

Umupo at pinagmasdan lahat.

"Walang duda! Daliri nga ng tao!" kumabog ang kanyang dibdib sa mga nasaksihan, at 'di napigilang mapasuka!.

"B-b-bha-kkhit!" putol-putol niyang wika!.

Hanggang tumama ang kanyang paningin sa kumikislap na bagay.

Pinulot niya iyon.

Isang singsing.

"K-kkka-yy Cou-zz tho ahh?!" kandautal niyang wika!.

"oohh! Mm-My God!, Ano 'to!,"

At naghalong Takot, Pagtataka, at pagluha ang pumaloob sa kanyang Emotion.

Nagtuloy-tuloy ang kanyang mga Luha! Bagama't naguguluhan pa din siya, ngunit malakas ang dudang dumadaloy sa kanyang utak!.

"Ss-ssi Couzz?!, ba ito?!" habang tinitigan ang kabuoan ng karneng iyon.

at muling dumaloy ang kanyang mga Luha, mahal na mahal niya ang kanyang Pinsan, pero ganoon lang kadali, upang Gawin ito sa kanya.

Kung 'di siya nagkakamali, baha-bahagi ng pinsan niya ang nasa harapan niya ngayon.

sumonod na pumasok sa isipan nya ang mga taong ito, naghalo halo sa kanyang utak ang imahe ni Hector, ni Manang Corazon, ni Aling delia, Mang ador, at pati si Nene.

Inilingon ni Trisha ang paningin sa Likuran, sa kinaroroonan ng Sala, wala namang tao, na nakaramdam ng pagbagsak ng kaldero, kaya't walang lumabas na taong naroroon.

"Mga demonyo ba sila?! Ba't sila kumakain ng tao?!" naluluha pa din siya habang nagtataka.

at bumakas sa kanyang mukha ang walang kapantay na galit.

"wala silang karapatang gawin sa pinsan o kaibigan ko ang mga 'to!,napaka brutal! Napaka walang puso ng mga taong ito".galit na binubuga ng kanyang utak.

"Nanganganib kami rito?! Kailangang maitakas ko si Leslie at Reggie rito, bago pa sila magising," habang natetense na sya masyado, at nanginginig na siya, maging ang kanyang mga kamay.

Tinungo ang Kuwartong kinaroroonan ni Leslie at Reggie at Pinihit ng kanyang nanginginig na kamay ang Seradura.

Pero nakalock,

"hindi ako dapat kumatok, baka magising si Hector o si Manang Corazon" anya sa sarili.

Kinapa ulit ang Cp, pero wala pa ding siganal.

"Oh my, bakit ngayon pa!,"

at napa-upo na lang siya na sapo-sapo ang kanyang noo.

"Oh My god, ano ba 'tong pinuntahan namin!," wariy sasabug ang ulo niya sa magkakahalong pumapasok sa isip niya.

"Tama!, may Mahabang Hagdanan sa likuran ng bahay, at ang Headboard ng kama ay malapit sa bintana, doon ko kakatukin si Leslie at Reggei," anang isip niya.

Ang hagdang iyon ay gawa sa kawayan, na animoy ginagamit sa mga bunga ng mga Puno sa paligid.

Mahina ang bawat yapak ng paa ni Trisha at tinungo ang labas, bumaba, at Binuhat ang hagdang iyon.
Kahit mabigat ay pinilit ang sariling kayanin ang lahat ng ito, para sa kanilang kaligtasan.

Itinapat sa bintana ng kuwarto ang hagdan, at Umakyat siya sa taas.

Ngunit nang mapalapit na siya sa May bintana, ay saka naman nabali ang kanyang kinaaapakan, kaya't nahulog sa baba.

"Ahhhhh!" Napasigaw pa siya.

at pagbagsak niya'y, unti-unting nagdidilim ang kanyang paningin.

Ngunit bago pa man siya mawalan ng malay.

Ay kitang-kita ng dalawa niyang mga mata.

Ang isang taong nakatayo sa harap niya.

Nakadamit itim ito lahat at nakamaskara, habang may bitbit na kalawit.

'Yun lang ang nakita niya, kasunod na tuluyang nawalan ng malay.

ITUTULOY..

Continue Reading

You'll Also Like

24.8M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...
Creepy Facts By sasa

Mystery / Thriller

47.5K 655 65
Katatakutan ba ang inyong hanap? Lika na't simulang magbasa neto *** So yun, I've just decided to stop updating since tumigil na din ako sa paggamit...
15.4K 720 29
This Is A Story Of Girl Who Accidentaly Fall Inlove To A Vampire Boy.. The Girl Name Mariella And The Boy Name Jason.. The Girl Start To Enter A Dorm...
63.4M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!