PAMILYA DE KANIBAL

Bởi ALEX_ASC

18.6K 379 12

Isang kamatayan! dalawang kamatayan! tatlong kamatayan! hinding-hindi kayo titigilan Paano mo matatakasan? P... Xem Thêm

CHAPTER 1 - Katay
CHAPTER 2 - Kulitan
CHAPTER 3 - Guwapong si Hector
CHAPTER 4 - Kilig moment sa falls
CHAPTER 5 - Pagpatay kay Shane
CHAPTER 6 - Ang Putahi
CHAPTER 8 - Pagtalon ni Ian sa Ilog
CHAPTER 9 - Ang Naka-itim
CHAPTER 10 - Si Mark sa loob ng Freezer
CHAPTER 11 - Pagkatay kay Reggie
CHAPTER 12 - Ang Salarin
CHAPTER 13 - Pagkasawi ni Hector
CHAPTER 14 - Pana sa leeg ni Mark
CHAPTER 15 - Trisha Vs. Reeza
CHAPTER 16 - Ang Pagtatapos
CHAPTER 17 - EPILOGUE

CHAPTER 7 - Suntukan

949 17 0
Bởi ALEX_ASC

Magkakasama na ang apat na sinusuyod ang kagubatan, habang panay ang tawag kay Shane at Mekaila.

Reggie: "Girl! Ba't hindi na lang tayo tumawag ng pulis!, upang mapadali ito," seryuso niyang mungkahi.

Hector: "wag!," gulat niyang nasambit.

hindi na kailangan dahil 'di naman nila tayo tutulungang hanapin si Shane at Mekaila sa gubat na ito!.

Leslie: "Paano natin sila mahahanap rito kuya Hector! Ang laki yata ng gubat eh," nakasimangot niyang wika.

Hector: "kapag kinukuha sila ng Engkanto, ay sa labas lamang ng punuan naroroon ang katawan ng biktima, at magigising sila 'pag tinapik natin sila."

Trisha: "Tama nga naman," tugon naman niya.

"Naniniwala ako sayo Hector!," sabay titig niya sa binata.

Reggie: "Ay soos!, ang sabihin mo! Gusto mo lang makasama lagi si Hector, kaya't you dont care na kung nasaan na si Couzz and friend mo!" pabiro niyang bulong kay Trisha na siniko naman nito.

*-*

Ian: "Pare! Dugo kaya ito ng tao o hayop?" yumuko pa ito upang maklaro ang dugong naapakan.

Mark: "Iwan ko!, pero wala akong tiwala sa lugar na ito, kaya't tawagan mo na si Trisha!"

Ian: "Ba't mo naman nasabi Pare?!"

Mark: "Minsan ko na kasing narinig ang bali-balita noon, na may laging nawawalang tao rito, pero 'di ako naniwala noon,"

Ian: "Ganoon ba! So sige, tatawagan ko na si Trisha."

Inilabas niya ang Phone, at denial naman ang numero ng dalaga.

Trisha: "Hello! Ian!"

Ian: "Hay Trisha, kasama niyo ba si Shane jan?!"

Trisha: "ahhh?! Bakit mo naitanong?!"

Ian: "Nandito kasi kame! Malapit sa location niyo!"

Trisha: "Ahh! Paano kayo napunta rito?"

Ian: "Basta! Mahabang k'wento! Si Shane kagabe, susunduin sana kame sa labas, e 'di sumipot saamin, at 'di na namin makontak mula pa kagabe eh!"

Trisha: ''huh!" gulat niyang wika!

"Hinahanap din namin si Shane eh!, kagabi ko pa din kinokontak!, kasama ni Mekaila, nawawala yata sila?"

Ian: "Huh! Nawawala?! Paano nangyari 'yun?"

Trisha: "Ewan ko! Basta mahabang k'wento rin!"

Ian: "Saang exactong lugar kayo naroroon! Pupunta kame jan ni Mark!"

Trisha: "Si Mark kasama mo?!"

Hindi na nakasagot si Ian kaagad ng marinig nito na binigkas ni Reggie ang pangalang Hector.

Ian: "Sino 'yang Hector na 'yan!? Ahhh natatandaan ko na! 'Yan 'yung kababata mo noh?"

Trisha: "Oo, shya nga, at bumisita kame sa kanila mula pa noong isang araw."

Ian: "Sige Trisha, Saan kayo? Kelangan nating magsamasama upang hanapin si Shane!"

Trisha: "wag na! Dahil na sa gubat kame ngayon!" Brrrkk! at naputol na lang ang linya!

Ian: "Huh! Malas! Wala na akong load pare!"

Mark: "Ahh! Hindi ka kasi nag-unli eh!"

Ian: "Pare tawagan mo sila from your phone!"

Mark: "Naiwan ko sa kotse pare!, pero ipagpatuloy natin ang paglalakad, Im sure malapit lang sila sa atin,"

At nagpatuloy na nga sila, habang sinusundan nila ang daan.

Ian: "Pare! Sad to say! Pero kasama ni Trisha ang longtime Crush niya na si Hector!"

Mark: "Sinong Hector?" at bumakas sa kanyang mukha ang galit.

Ian: "Yung kababata namin noon!, Ewan ko pare kung ba't type ni Trisha 'yun, eh napakaweird ng ingot na 'yun eh!"

Mark: "Ba't mo nasabi?"

Ian: "Eh 'di nagsasalita eh! Napakatahimik!, parang may inililihim!"

Mark: "Inililihim! Ano naman 'yun?," seryoso niyang tanong.

Ian: "Inililihim!, siguro, lihim rin siyang may pagtingin kay Trisha!, alam mo 'yun, crush nila ang isa't-isa, bagay nga sila eh!."

Mark: "Gunggung ka talaga! Akala ko'y kung ano nang lihim iyon eh!"

Ian: "Lihim?!" natigil siya't napaisip ng malalim.

"ang galing mo Pare! 'Buti inumpisahan mong bigkasin ang word na lihim!, tama may Lihim talaga ang lalaking iyon!"

Mark: "Ano ba ang napansin mo sa kanya na kakaiba?"

Ian: "Yun nga Pare!, parang may gusto kay Trisha!,"

Mark: "Magseryuso ka nga jan! Kundi uumbagin kita," sabay aksyon ng kamao.

Ian: "Ahh! Ikaw talaga Pare! Napaka highblood mo!"

Mark: "Hindi kaya may nalalaman ang Hector na 'yan sa mga nawawalang tao rito?."

Tumigil na rin si Ian at nag-focus na alalahanin ang nagdaan.

Ian: "Tama! Tumpak Pare, Dahil noon sa Sandiego, lagi ring may namimising na kababaryo namin eh."

Mark: "Namimising?"

Ian: "Oo pare! Sinasabi nila noon na may Grupo ng Sendicate na dumadakip ng mga tao upang kunin ang mga lamang loob na maaari pang pakinabangan at binibenta naman sa mga doctors na may mga Pasyenteng mayayaman na may malalang karamdaman."

Mark: "matagal na bang umalis sa San diego ang Hector na iyan?"

Ian: "Oo! Sila ng Lola niya!, Actually, ang Hector na iyan ay Super Close ni Trisha, Shane at Reggie, pero ako, Mortal kung kaaway 'yan, dahil lahat ng pansin ay sa kanya nakatuon, tapos, nang magsunod sunod na ang bilang ng mga nawawala, ay Lumipat sa Maynila sina Trisha, Shane At Reggie kasama ng mga Family nila, ta's umuwi rin ang Hector na 'yan sa probinsya nila, so dito pala ang Probinsya niya ahh," mahaba niyang litanya habang hawak-hawak ang baba.

Mark: "So walang duda! Naniniwala na ako sa kuwento tungkol sa bayang ito! At naniniwala akong, ang Hector na iyan ang may pakana ng lahat ng ito!"

Ian: "Ibig bang sabihin Pare! Aswang si Hector o Halimaw?"

Mark: "Ewan ko! Pero halika na't hanapin natin sila.."

At muli silang nagpatuloy sa kakalakad.

hanggang sa 'di sinasadyang mag-salubong ang dalawang Grupo.

Mark: "Trisha!,"

Trisha: "Oh, Mark, nandito na pala kayo!"

Mark: "Oo Trisha! Hindi kita matiis eh! Miss na miss na kita eh!" pakunwari niya.

Reggie: "Fakhtay na ang tambalan ni Best at Papa Hector, dumating ang mga asungot!" bulong niya kay Leslie na napasimangot naman ang huli.

Trisha: "Really? Or something bola na naman 'yan!"

"Shya nga pala, This is Hector, kababata ko!,

And Hector, This is Mark!"

Pinakawalan ni Mark ang nag-aalab na mga mata tungo kay Hector.

Hector: "Pare, Kumusta," mababa niyang tuno sabay abot ng kanyang palad.

Mark: "Ahh! Ikaw pala si Hector, nice to met you, Im Mark, ang Boyfriend ni Trisha,"

At 'di na inabot ni Mark ang mga kamay kay Hector, bagkus, inakbayan ng mahigpit si Trisha, at nginitian si Hector.

Ngiting pang-aasar.

Sinundan ni Hector ng Tingin ang mabilisang pag-akbay ni Mark kay Trisha na 'di naman nagawang umiwas agad ni Trisha.

itinitig ni Hector ang malungkuting mga mata kay Trisha na tila punong-puno ng katanungan.

kasunod na ibinaba ni Hector ang palad, pati na rin ang ulo, na animoy nababalutan ng kalungkutan.

Trisha: "Ahh! Ano ka ba Mark!" sabay tanggal sa kamay ni Mark at bahagyang humiwalay.

"Pasensya kana Hector ahh!"

Mark: "Love!, ikinakahiya mo ba ako sa Probinsyanong iyan?!" seryoso niyang tanong habang tumatagos sa puso ni Hector ang mga pangyayaring ito.

Nasasaktan siya, at 'yun ang napapansin ni Trisha kay Hector.

Trisha: "Hindi naman Mark, Pero ayaw kong etopic 'yan okey! Dahil kaya tayo naririto eh upang hanapin si Shane,"

Mark: "Okey! Pasensya kana!, nakaramdam lang kasi ako ng selos ng makita ko kayong magkatabi eh!,"

Trisha: "Okey lang! Wala kang dapat na pagselosan," pagkukunwari naman niya.

Ian: "Bro! Nice to met you again, Im Ian!" mataas na boses ang binitiwan niya kay Hector sabay abot ng kamay niya, at nakipag-shake hand naman ang huli.

Mark: "Trisha! I need to talk to you, You must to know some very important thing!," bulong niya sa dalaga, at suminyas si Mark na sundan siya nito.

Trisha: "Hector, sandali lang ahh!" pamamaalam niya sa binata.

Reggie: "Hector!, Sorry sa mga nangyari ahh! Alam kong na-hurt ka!"

Hector: "Ayos lang, 'di ko akalain na may Boyfriend pala siya," malumanay niyang wika.

Leslie: "Kuya Don't give up, Ate love you so much than mark, and i feel that, you know napaka-Arrogante niyang palakang Mark na iyan!," bulong nito kay Hector at nabuhayan naman ng pag-asa ang binata.

Trisha: "Nooo!, Please, What ever you want to say! Just say! Pero never mo akong mapapaniwala sa drama mong iyan okey! Mabait si Hector!, so kung naririto ka lang upang manggulo, maaari ka nang lumayas sa tabi ko!," galit niyang kontra kay Mark.

Mark: "Im sorry babe!, so sige na, mali na ako, at marumi na ang isip ko, pero hayaan mo kaming tulungan kang hanapin si Shane, para rin kay Ian," pagsusumamo nya.

"maghahanap ako ng ebedinsya upang mapaniwala kita Trisha," bulong nya sa sarili.

At muli silang nagpatuloy ng lakad.

Halos magkandarapa na si Mark at Hector, sa kakasilbi kay Trisha.

Tila pinag-aagawan nila ito.

sa t'wing may aakyating mataas na bahagi ng Gubat ay nag-uunahan sila sa pag-alalay nito.

Pinipigilan lang nila ang sariling 'wag magkasuntukan.

Pero sa kailaliman nila, tila nais nang kumawala ang kanilang mga kamao sa isa't isa, lalong-lalo na si Mark dahil nakikita niyang nakikihati si Hector sa dapat ay kanyang-kanya.

si Hector naman ay nahahambugan masyado kay Mark, lahat na lang ng winiwika nito ay patama kay Hector.

hangang sa marating nila ang mababaw na ilog, may sunod-sunod na malalaking bato, na kung pupunta ka ng kabilang dako, ay magsisilbi mong tulay ang mga batong iyon, 'yun nga lang, kailangan mong lumundag at sasaluin ka naman ng kamay ng isa sa kasamahan mo sa kabila.

"Dito ka Trisha?!" magkasabay na wika ni Mark at Hector habang nakaabot ang kamay sa kanya.

nasa magkahiwalay na magkaharap na malaking bato si Hector at Mark.

si Leslie naman at Reggie ay inaalalayan ni Ian.

Nagpalipat lipat ang mga mata ni Trisha sa dalawa.

"hayst! Mababaliw na ako sa dalawang ito,"

hhhaaaa!

At nae-slide si Trisha at bumagsak sa Tubigan ng Ilog pero mababaw lang pala 'yun na hanggang Tuhod.

Kaagad tumalon si Hector na sinundan naman ni Mark upang sagipin ang dalaga.

Naunahan ni Hector si Mark, at binuhat ito ni Hector patayo.

Mark: "Bitiwan mo nga siya! Gago ka!" sabay tanggal sa kamay ni Hector.

At pinalitan niya ang pwesto ni Hector at inalalayan si Trisha.

habang napapatitig na lang si Hector, tama! Sino ba naman siya, wala siyang karapatan kay Trisha, dahil si Mark ang nobyo nito.

Trisha: "Huhu, nasugatan ako," mangiyak-ngiyak niyang wika, habang tinitingnan ni Mark ang tinamong sugat ni Trisha sa Siko.

Kaagad inalalayan si Trisha papunta sa may Lupa.

habang nakasunod sa kanila si Hector.

Nang makaahon na sila, ay hinarap ni Mark si Hector.

Sabay na itinulak ng malakas na naging dahilan ng kanyang pagbagsak sa may Tubig.

Sabay na tumayo agad..

Mark: "Kasalanan mo kung ba't nasugatan si Trisha!, Gago ka kasi! Bakit ka ba nakikipag-competinsya sa akin!"

Hindi na umimik si Hector at kaagad nag-lakad paahon, pero sinalubong naman siya ni Mark.

Kaya't 'di na niya naiwasang Suntukin sa mukha si Mark, dahilan para bumagsak.

Tumayo si Mark, at pinakawalan ang malakas na powerful punch niya pero nailagan ni Hector.

Tumalikod si Hector paharap kay Mark.

At muling hinarap ni Mark si Hector.

nang biglang.

Blaag!

Malakas na flying kick, na tumama sa likod ni Hector mula kay Ian.

Sumubsub si Hector tungo kay Mark, na sinalubong naman niya ng powerful Uppercut na suntok, at tumama iyon sa kanyang panga.

dumugo ang kanyang bibig, at napaharap siya ulit kay Ian, at inaksyonan ng Rising kick pero naiilag niya ang katawan at naigapos agad ang kamay sa paa ni Ian, at hinila ng malakas.

Blag!

Bumagsak si Ian.

Pagharap naman ni Hector tungo kay Mark,ay sunod-sunod namang Job/Straight na pinakawalang suntok ni Mark kay Hector.

Pero kaagad niyang nailagan pababa ang huling suntok nito, at napasok nya ang malapitang dibdib ni Mark.

Paggg!

Malakas na suntok ang tumama sa pagitan ng tiyan at dibdib ni Mark.

Pero kaagad nagapos ni Ian si Hector sa magkabilang kamay mula sa likuran nya.

At 'di na sinayang ni Mark ang pagkakataon! Lumusob siya, at Mala Fernando Poe Jr ang naging Eksena ni Mark habang ginugulpi nito si Pacquito Diaz.. Si Hector.

ITUTULOY>>>

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

56.7K 3K 28
Highest rank # 1 in HORROR STORIES Pitong magkakaibigan, magkakasama na nag bakasyon, masaya ang naging paglalakbay nila, sa bandang huli kaya ano a...
1.1K 68 6
Isang maikling kwento na kung saan ang isang babae ang umibig sa isang multo? (COMPLETED) Credits to the book cover (Canva)
6.9M 347K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...
1.5K 136 14
Meet Samantha Nicole A. Ignacio a simple girl living in a Simple life. But it will change if she meets Andres Bonifacio. kilalanin natin ang Supremo...