PAMILYA DE KANIBAL

By ALEX_ASC

18.6K 379 12

Isang kamatayan! dalawang kamatayan! tatlong kamatayan! hinding-hindi kayo titigilan Paano mo matatakasan? P... More

CHAPTER 1 - Katay
CHAPTER 2 - Kulitan
CHAPTER 3 - Guwapong si Hector
CHAPTER 4 - Kilig moment sa falls
CHAPTER 5 - Pagpatay kay Shane
CHAPTER 7 - Suntukan
CHAPTER 8 - Pagtalon ni Ian sa Ilog
CHAPTER 9 - Ang Naka-itim
CHAPTER 10 - Si Mark sa loob ng Freezer
CHAPTER 11 - Pagkatay kay Reggie
CHAPTER 12 - Ang Salarin
CHAPTER 13 - Pagkasawi ni Hector
CHAPTER 14 - Pana sa leeg ni Mark
CHAPTER 15 - Trisha Vs. Reeza
CHAPTER 16 - Ang Pagtatapos
CHAPTER 17 - EPILOGUE

CHAPTER 6 - Ang Putahi

954 20 0
By ALEX_ASC

Patuloy pa din na naghihintay si Mark at Ian sa pagsundo ni Shane sa kanila.

Habang nakatayo ang dalawa't nakasandal ang puwetan sa unahan ng kotse.

Mark: "oh ano?! Nasaan na ba sila?," naiinip nIyang tanong matapos sindihan ang yosing nakausli sa bibig.

Ian: "Iwan ko nga eh! Antagal naman nila," habang palinga linga sIya sa paligid na nakakaramdam ng takot.

Mark: "Hindi pa ba sinasagot ang tawag?

Ian: "Close yata ang phone nIya pare eh, kanina ko pa minimisced call, eh 'di nagriring."

Mark: "Sa palagay ko! Sa loob ng gubat na ito sila naroroon," sabay turo niya sa kakahuyang katabi lang nila.

wala kasing bahay sa kinaroroonan ng dalawa, at wala pang dumadaan na sasakyan roon, kaya't kinikilabutan na ang lampang si Ian.

Ian: "Paano kaya kung may halimaw jan pare?! Paano kung kinain niya si Shane," nangigngilabot niyang tuno.

Mark: "Gunggong! Ke laki-laki mong tao, eh naniniwala ka pa sa halimaw."

Ian: "Hindi na kasi nagriring ang phone ni Shane, pati ang kasamang si Mekaila."

Mark: "Ba't 'di mo tawagan si Trisha?"

Ian: "Pare, mahigpit na bilin ni Shane na 'wag kong tatawagan si Trisha, kasi nagcoconcentrate daw 'yun sa ewan."

Maya-maya'y dumaan sa kanila ang humaharorot na sasakyan ni Mekaila.

at nagtuloy-tuloy palayo.

Ian: "Hoy! Si Mekaila 'yun ahh?!," sabay turo niya.

Mark: "Sinong Mekaila?"

Ian: "Pare! Ano ka ba naman?! 'Di mo kilala ang kaibigan ng siyota mo?"

Mark: "'Di naman niya pinakilala sa akin eh."

Ian: "ah mas mabuti siguro, dahil baka nangangamba si Trisha na ligawan mo rin iyon, malamodel kasi sa pangangatawan pare eh."

Mark: "Ganoon ba! P'wes! May araw rin sa akin ang babaeng iyon."

*-*

Tok tok tok!

At binuksan ni Leslie ang pintuan ng k'warto ni Manang Corazon.

habang patuloy si Trisha sa pagtytype ng story na ikinukuwento ni Manang Corazon.

Taimtim namang nakikinig si Reggie sa matanda, habang panay ang himas ng magkabilang palad sa magkabilang kamay.

tayong-tayo na ang mga balahibo sa takot, na eni-emagine ang isang nakakatakot na halimaw habang kinakain nito ang hilaw na katawan ng babae.

At binuksan ni Leslie ang Pintuan.

Si Aling Delia, may dala-dalang patong-patong na tatlong maliliit na kaldero.

Aling Delia: "Magandang gabi sa inyo mga magagandang dilag."

"Magandang gabi rin naman" sagot naman nila.

at nagtuloy-tuloy si Aling Delia papasok.

Aling Delia: "Shya nga pala, nagdala ako ng adobo, dinuguan, at kalderitang karne, para sa inyo!," nakangiti niyang wika sa kanila.

Reggie: "Wow Favorate ko 'yan! Meat hmmmnn," excited niyang wika habang kunwari inaamoy.

Leslie: "Ewws, i dont like Meat tita eh, wala po bang Chicken?!"

Aling Delia: "Aayyy! Pasensya na kayo ahh! Kasi ubos na ang manok eh, ito lang ang natira sa paninda ko sa karenderia namin."

at inilapag ni Aling Delia sa isang maliit na table, kaagad namang nilapitan ni Reggie, at tiningnan.

Reggie: "Wow! Sarap ng amoy! At mainit pa ahh! Kakaluto lang nito noh?!"

"At anong karne pala 'to" nakangiti niyang wika kay Aling Delia.

Aling Delia: "Ahhh ehhh! Ano! Karne ng usa,"

Leslie: "Nakakain po ba ang karne ng deer!? Parang hindi naman ahh!."

Aling Delia: "Oo naman! Si Ador kasi ay nanghuhuli ng usa at malalaking ibon sa gubat.

at Mas mabuti ngang matikman niyo ito, kasi siguradong 'di kayo bibitiw sa sarap,"

Trisha: "Leslie! 'Wag mdaming tanong!, 'buti nga pinaghandaan nila tayo eh."

Leslie: "Pasensya na po," pagpapaumanhin niya.

at nginitian na lang ito ni Aling Delia.

Trisha: "Aling Delia, salamat po sa paghahanda ah.

Trisha: "Teka! Nasaan pala si Shane at Mekaila?."

Nagkatinginan naman ang bawat isa.

Trisha: "Leslie?, echeck mo nga jan sa labas," sabay turo sa labas ng k'warto ng matanda.

Leslie: "Opo ate," at kaagad tumalima.

naglakad lang ng hanggang sala at kaagad bumalik.

Leslie: "Ate! Wala po eh!, at saka natatakot ako jan sa sala, kasi na, open 'yung mga bintana, 'di ko maiwasang tumingin sa labas eh!."

Trisha: "E-check mo! Pati sa labas, 'wag kang duwag,"

Reggie: "Girl, si Aketch na lang ang mgchecheck, baka sa Room pa 'yan ni Fafang Hector nakacheck-inn now, mahirap na! Hhmmp," at kaagad tumayo't sinundan naman ni Leslie.

Sunod-sunod ang tawag nila sa kanila, sinilip ang k'wartong nakalaan sa kanila, ang kusina, banyo, pero wala sila roon, pati ang room ni Hector ay kinatok nila pero nakasarado.

Bumaba na lang ng house si Reggie ngunit bumalik na lang sila ni Leslie dahil sa walang sumasagot sa tawag nila.

Reggie: "Hay naku Girl! Nahalubog na namin ang paligid, pero wala!."

Trisha: "Nasaan kaya sila?!, Si Hector wala din ba?!"

Regie: "Wala rin!, naku iba na ang kutob ko, baka sinulot na sa'yo ni Couzz mo at friend mo si Hector ahh!"

Trisha: "Hooy! 'Wag ka ngang magsalita ng ganyan! Nakakahiya kay Lola at Tita Delia."

Aling Delia: "Shya nga pala! Si Hector nandoon sa karendiria namin, dahil tinutulungan magsara si Ador, 'di bali baka paparating na 'yun,"

Trisha: "Ahh ganoon po ba, sige tatawagan ko na lang si Shane at Mekaila."

At denial nga ang phone no. Nila, pero laking pagtataka niya na 'di nagriring ang phone ng dalawa, kinutuban siya sa mga nangyayari.

Leslie: "Oh ate! Bakit?!,"

Trisha: "naka-close ang mga phone nila,"

Reggie: "Baka wala lang signal, hay naku nasaan kaya sila pumunta at wala man lang paalam."

Kasunod nito ang pagdating ni Hector.

Leslie: "Kuya Hector! Nakita mo ba si Ate Shane at Ate Mekaila," salubong niya sa binata.

Hector: "Bakit! Saan sila pumunta!?,"

Trisha: "Hindi rin namin alam eh! 'Di rin sila makontak! Natatakot na ako! Baka kung anong nangyari!,"

Reggie: "Hay naku! Girl! Since ng mamet ko 'yang Meka na 'yan! Hayyysstt 'di naging panatag ang loob ko niyan! Baka kung ano na ang ginawa kay Shane."

Leslie: "Kuya Reggie! Ba't ba ang init ng ulo mo kay Ate Mekaila?!,"

Reggie: "Oy! Oy! Anong kuya?! Correction ahh! Ate kamo!"

Trisha: "Hector p'wedi mo ba kaming samahan sa labas, sa car ni Mekaila?!,"

Manang Corazon: "Wag!," gulat niyang nasambit.

at napatingin na lang sila sa kanya.

"Wag kayong lalabas paggabe! Ayon sa alamat sa bayang ito!, may lalaking engkanto na nangunguha ng magandang dilag rito, 'yung mga dayo lang rito, pero ibinabalik naman niya iyon," dugtong niya.

Reggie: "Ibig sabihin, dinadate niya, binabahay, or something else? That! you know?!,

Magpadakip kaya ako sa kanya?!," nasasabik niyang wika.

Leslie: "Ate Reggie! 'Wag! Baka matakot pa ang engkantong iyon!,

Reggie: "Ito naman! Nagbibiro lang!,"

Hector: "Trisha! Ipasabukas na lang natin okey! Mapanganib sa labas pag ganitong gabi!, mabuti pa'y magpahinga muna kayo okey!," kalmado niyang wika sa dalaga.

Trisha: "Okey! Pero totoo ba 'yung sabi ni Lola,"

Hindi na nakasagot si Hector ng sumingit si Aling Delia.

Aling Delia: "Oo iha! Totoo 'yun, dinadala niya ang babae sa mundo nila, matapos eh ibinabalik rin niya sa loob lamang ng isang gabi."

Manang Corazon: "Kaya't matulog na kayo ahh! Sigurado akong, bukas ng madaling araw, eh nandito na sila."

Aling Delia: "kumain muna kayo!," alok niya sa kanila.

At ipinaghanda sila ni Aling Delia.

Reggie: "Wow! Ansarap pala ng karne ng usa!, hmmnn! Favorate ko na 'to!," habang patuloy sa pagsubo.

si Trisha at Leslie naman ay tikim lang ang nagawa, ayaw kasi nila ng karne.

*-*

Mark: "Bat hindi na lang natin tawagan si Trisha!?,"

Ian: "Wag muna! Sa tingin ko! Ayaw nilang sumundo tayo rito!, parang naaamoy ko! May inililihim sila sa atin!,"

Mark: "So sige, tulog muna tayo rito sa loob! Isabukas na lang natin ang paghahanap sa kanila,"

At Pumasok na si Mark sa Backseat ng Car at humiga.

si Ian naman ay Pumasok sa Frontseat ,at naupo.

Ian: "Pare! Ba't hindi na lang tayo, magcheck in sa lodge!?."

Mark: "Wag na! Gagasto pa tayo ng pera, 'buti kung pera mo! eh mas pulubi ka pa sa taong kalye! Lahat na lang ng ginasto natin eh sa akin galing."

Ian: "Pero pare! Paano ako makakatulog rito!, hindi ako makahiga eh! At p'wedi bang doon mo 'to ipark sa bayan!, nakakatakot rito eh!,"

Mark: "wag ka ngang putak ng putak jan!, Anduwag mo!, matulog ka na!, para kang hindi lalaki!."

*-*

Kinabukasan, naghanda na sila Trisha, Reggie, Leslie at Hector na hanapin sa loob ng kagubatan ang dalawa.

habang si Mark at Ian, ay pinasok na rin ang kakahuyan.

ayon kasi sa sabi ni Shane, ay sa loob sila ng kakahuyan naroroon, sa isang kaibigan.

At habang tinatahak nila ang liblib na gubat!, ay di ina-asahan ng dalawa, na mapadpad, sa lugar kung saan nasawi si Shane.

Ian: "Ano 'to Pare! Dugo ahhh," habang inangat ang paa mula sa pagkakaapak sa dugong iyon.

na may nakakalat pa sa paligid, na animoy tumalsik sa magkakabilang damuhan at mga dahon.

Mark: Tawagan mo si Trisha! Nanganganib sila rito!..

ITUTULOY...

Continue Reading

You'll Also Like

24.8M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...
56.1M 990K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...
1.1K 68 6
Isang maikling kwento na kung saan ang isang babae ang umibig sa isang multo? (COMPLETED) Credits to the book cover (Canva)
8.4K 347 31
Hindi Inaakala Ni Dominique Na Pagtataksilan Siya Ng Babaeng PinakaMamahal.. At Hindi Rin InaaKala ni Almira Na Kinapopootan Siya Ng Lalaking Iniibig...