What Love Can Do? (UNDER REVI...

By Princesss_AJ

1M 24.8K 1.2K

(COMPLETED) Ang "pag-ibig" ay maraming kahulugan para satin. Ito ay emosyon na ating nararamdaman sa isang t... More

-Prologue-
«Disclaimer»
Chapter 1 My Virgin Eyes!
Chapter 2 The Brother
Chapter 3 Friendship
Chapter 4 For the First Time
Chapter 5 First Kiss?
Chapter 6 Lover's Quarrel
Chapter 7 He's the Brother
Chapter 8 Panyo
Chapter 9 Crush?
Chapter 10 Apology
Chapter 11 It's a Deal!
AUTHORS NOTE! MUST READ!
Chapter 12 For you
Chapter 13 Meet the Sister
Chapter 14 Permission?
Chapter 15 Friendly Date
Chapter 16 She's the Noona
Chapter 17 Siomai
Chapter 18 Mr. Right?
Chapter 19 Is this Real?
Chapter 21 Protective Kuya!
Chapter 22 Aminan Time!!
Chapter 23 We're Still Friends?
Chapter 24 I'm Stuck with him
Chapter 25 A Princess for a Night
Chapter 26 A Princess for a Night (part 2)
Chapter 27 A Princess for a Night (part 3)
Chapter 28 Threat
Chapter 29 Her Realization
Chapter 30 Tuloy Pa rin
Chapter 31 Night Party
Chapter 32 End
Chapter 33 Blessing in disguise
Chapter 34 Stay with Me
Chapter 35 His Reason
Chapter 36 Revelation
Chapter 37 True Feelings
Chapter 38 Sacrifice
Chapter 39 Love-Struck
Chapter 40 First Date
Chapter 41 "Yes"
Chapter 42 Officially Mine
Chapter 43 Undeserved
Chapter 44 Don't like her
Chapter 45 Out of town
Chapter 46 Just Friends?
Chapter 47 Allergic
Chapter 48 Respect
Chapter 49 We are Jealous
Chapter 50 Couple's Conflict
Chapter 51 First love
Chapter 52 I'm Hurt
Chapter 53 I Love Her (Part 1)
Chapter 54 I Love Her (Part 2)
Chapter 55 Understand
Chapter 56 Dare
Chapter 57 The Truth
Chapter 58 Loss
Chapter 59 Grief
Chapter 60 First Monthsary
Chapter 61 We meet again
Chapter 62 Brothers
Chapter 63 Friends
Chapter 64 Left
Chapter 65 Tulad Mo
-Epilogue-
Shout Outs 🎉
💖Pasasalamat💖
What Love Can Do?
Book 2

Chapter 20 Comfort

12.6K 315 13
By Princesss_AJ


20: Comfort

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»


I saw Brianna smiling sweetly while holding Drake's hand.

Ang sweet nila tingnan. Drake is holding Brianna's hand like he has no plan of letting her go. Mariin akong napalunok at pinigilan ang mga luha kong nangingilid. Hinawakan ko ng maiigi ang paper bad na nasa kamay ko. I heard footsteps coming kaya inayos ko ang sarili ko.


"Hey, panget." Rinig kong tawag ni Kiel sa akin. Lumapit siya sa akin, mabilis naman akong tumalikod para harapin siya.

Nakita ko ang pagkunot ng noo niya nang makita niya ako. Pinilit kong ngumiti sa kanya at ikalma ang sarili ko.


"Are you done?" Tanong ko sa kanya. Tumango siya sa akin ng may kunot pa rin ang noo.

"Yup," Sagot niya sa akin. Tumango ako sa kanya.


"Halika na," Aya ko sa kanya at umaasa akong aalis na kami pero pinigilan ni Kiel ang paglalakad ko.

"What happened? Are you okay?" Nagtatakang tanong niya sa akin. Pinigilan ko ang sarili kong emosyon.


"I-I'm okay." Sagot ko sa kanya habang pinipigilan ang mga luha ko. Parang mayroong bumara sa lalamunan ko dahilan para hindi ako makapagsalita ng ayos.

"You don't seem..." Hindi ko na narinig ang sinabi ni Kiel. Nag-angat siya ng tingin habang yumuko naman ako. I can hear my heart beating so fast.


"Kiel!" Natigilan ako nang marinig ko ang boses ni Drake. Kahit nakatalikod ako sa kanila, alam kong lumapit sila sa amin ni Kiel.

"Hi Namdongsaeng!" Rinig kong bati ni Brianna kay Kiel. Nanatili akong nakatalikod sa kanial. (Namdongsaeng=baby brother in korean.)


"Is that...Jassy?" Rinig kong tanong ni Brianna. Napansin ko ang pagbaba ng tingin ni Kiel sa akin. He is looking at me at ganun din ako. Huminga ako ng malalim bago humarap sa kanila.

Nakita ko ang gulat sa mga mukha nila. Bumaling ako kay Drake na nakatingin sa akin. He smiled at me. Sa puntong ito, hindi na kilig ang naramdaman ko nang ngitian niya ako.


"H-Hello!" Pinilit kong hindi mabasag ang aking boses. Ngumiti ako sa kanila.

"Oh, you're with my Namdongsaeng?" Nakangiting tanong ni Brianna sa akin.


"Noona! I'm not a baby anymore." Reklamo ni Kiel kay Brianna. Lumapit siya kay Kiel tsaka pinisil ang pisngi ng pamangkin.

"Even if you're a teenager now, you'll always be my baby brother!" Tinanggal ni Kiel ang kamay ni Brianna sa kanyang pisngi.


"Yup, she's with me." Sagot ni Kiel tsaka tumabi sa akin. Nakita ko ang pagtingin niya kay Drake. Sinulyapan ko naman si Drake, kaagad kong inalis ang mga mata ko nang lumingon siya sa akin.

"Kayo, anong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Kiel sa kanila.


"Malapit na ang opening ng new bake shop ko dito. Humingi lang ako ng tulong kina Drake at Dianna." Sagot ni Brianna sa tanong ni Kiel.

"Ahh ganun ba. Salamat sa pagtulong." Kaswal na sambit ni Kiel kay Drake.


"Wala yun, bro. Basta para kay Brianna." Sagot ni Drake tsaka lumingon kay Brianna. Napa-iwas naman ako ng tingin sa kanila.

"How about you two?" Tanong ni Brianna sa amin. Napalingon lang ako kay Kiel.


"Uhm..." Hindi ko alam kung anong isasagot ko.

"Sinamahan ko lang si Jassy. May kinuha lang siya." Si Kiel ang sumagot sa tanong ni Ate Brianna. Tumango siya tsaka ngumiti sa amin.


"Ganun ba, that's great!" Sambit niya tsaka ngumiti sa akin ng makahulugan. Kumunot naman ang noo ko.

"Hinahanap ka ni Kuya Joshua kanina, nagka-usap na ba kayo?" Tanong ni Drake sa akin. Nagulat ako nang tanungin niya ako. Napalingon ako sa kanya.


"Huh? Y-Yes, nagka-usap na kami ni Kuya." Kinakabahang sagot ko sa kanya. Hindi ako makatingin sa mga mata ni Drake.

"Tumawag na si Kuya Joshua sa kanya. Ako na rin ang maghahatid sa kanya pauwi." Sambit ni Kiel. Kaagad akong napalingon sa kanya. Sinulyapan lang niya ako bago nagsalita muli.


"Sige, mauna na kami. Mag-ingat kayo." Sambit niya tsaka hinawakan ang kamay ko sa harapan nina Brianna at Drake. Nagulat ako nang maramdaman ko ang kamay ni Kiel. Para akong kinuryente nang hawakan niya ito.

Nakita ko naman ang mga mata nina Brianna at Drake sa kamay namin ni Kiel na magkahawak. Tumango sila sa amin.


"Oh sige, ingat din kayo. Bye, Jassy!" Sambit ni Brianna tsaka ngumiti sa akin. Tumango ako sa kanya.

"Ingatan mo si Jassy, Kiel." Sambit ni Drake. Lumingon si Kiel sa kanya.


"Iingatan ko naman talaga si Jassy. Wag kang mag-alala." Sagot ni Kiel tsaka ako hinila palayo. Naglakad kaming dalawa habang hawa-hawak ni Kiel ang kamay ko.

Hindi ko na nagawang lingunin sina Brianna at Drake dahil masyado akong napukaw ng kamay namin ni Kiel na magkahawak. Naglakad kami papunta sa parking lot. Pumasok ako sa loob ng sasakyan ni Kiel. Tahimik lang akong umupo sa passenger's seat habang nakatingin sa bintana.


Nabalot kami ng katahimikan ni Kiel nang makapasok siya sa sasakyan niya. Binasag niya ang katahimikan.

"That's the reason why I said that." Sambit ni Kiel dahilan para mapayuko ako habang pinipigilan ang sarili ko.


"A-Alin don?" Tanong ko sa kanya kahit alam ko kung ano ang tinutukoy niya.

"Na wag mo ng gustuhin si Drake." Sagot ni Kiel sa akin. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang mga luha kong nangingilid.


"Sabihin mo sakin Kiel..." Panimula ko, huminga ako ng malalim.

"Anong namamagitan kina Brianna at Drake?" Matapang kong tanong sa kanya. Alam ko naman ang sagot sa tanong ko, pero gusto ko pa rin marinig mula sa kanya ang sagot.


Kung ano ang sinasabi ng utak ko, iyun naman ang hindi pinapaniwalaan ng puso ko. At kung ano naman ang sinasabi ng puso ko, siya namang di pagsang-ayon ng utak ko. Ang gulo nila. Sa gulo nila parang gusto ko na lang umiyak.

Hindi siya sumagot. Pina-andar lang niya ang kotse niya kaya sa inis ko ay napasigaw ako.


"Kiel, sabihin mo!" Sigaw ko sa kanya dahilan para itigil niya sa gilid ang sasakyan niya.

"Jassy, wag na." Seryosong sambit ni Kiel. "Alam mo naman na siguro ang sagot."


"Anong wag na? Wala akong pake kahit alam ko ang sagot. Sabihin mo sakin!" Sagot ko sa kanya. Pinigilan ko ang mga likidong malapit ng malaglag sa aking mga mata.

Lumingon ako sa kanya at tiningnan siya ng diretso. Huminga siya ng malalim.


"Si Noona at Si Drake. They are in a relationship." Sagot ni Kiel. At sa puntong yun, nalaglag na ang mga luhang pinipigilan ko. Suminghap ako tsaka pinunansan ang pisngi ko.

Parang gusto ko na lang bawiin ang katotohanan. Nakita kong sumandal si Kiel sa upuan ng kotse niya. Pumikit siya at huminga ng malalim. Nakatulala lang ako sa harapan at iniisip ang mga nangyayari.


"Paano sila nagkakilala?" Tanong ko sa kanya nang hindi siya linilingon.

"Are you sure you want to hear their story?" Tanong niya sa akin. Tumango lamang ako sa kanya.


"Both our families are friends, and connected dahil sa business. Palagi kaming nagkakasamang apat. Si Drake, ako, si Ate Dianna at si Noona. Tinuturing naming Ate ni Drake sina Noona at Ate Dianna." Sinimulan ni Kiel na magkwento. Mariin lang akong nakinig sa kanya.

"Palagi kaming namamsyal apat, simula nung bata pa lang kami. Hanggang nung 12th birthday ni Noona. Umamin si Drake samin. Hinahangaan daw niya si Noona. Sinasakyan naman ni Noona si Drake. Nung una akala namin ay hindi seryoso si Drake kay Noona pero nung nag first year highschool na kami ni Drake? Inamin niya na kay Noona ang nararamdaman niya. Kaya sinundan niya si Noona sa school na pinag-aralan niya nung senior highschool siya. Pumayag naman kami sa relasyon nila. Mahal naman nila ang isa't-" Napapikit ako.


"Tama na!" Mabilis kong pigil kay Kiel. Hindi ko na kinaya.

"Ayoko ng marinig. Tama na. Alam ko na." Sambit ko at hindi na niya tinuloy ang pagkwe-kwento. Lumingon ako sa kanya tsaka ngumit.


"Uwi na tayo, Kiel." Sambit ko sa kanya at pinilit ko ang sarili kong maging maayos. Tumango si Kiel sa akin at pina-andar na niya ang kotse niya.

Pumikit ako at nagkunwaring natutulog. Pero ang totoo? May mga luhang bumababa galing sa mata ko. Alam ko naman na wala akong karapatan eh. Pero hindi mo naman maiiwasan masaktan diba? Hindi naman ako nagagalit sa kanila. Nagagalit ako sa sarili ko. Binigyan ko ng meaning ang mga ginagawa ni Drake sakin. Ako mismo ang nagbigay motibo sa mga sweet actions niya sa akin.


"Panget!" Rinig kong tawag ni Kiel sa akin. Dumilat ako.

"Maka-iyak ka naman dyan. Gusto mo lang siya diba? Bakit ganyan ka makareact? Tss." Tanong niya tsaka umismid sa akin. Natawa ako ng mahina sa sinabi niya.


"Masama bang umiyak kapag nasaktan?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti siya tsaka natawa.

"Nag mo-moment ako dito eh. Pa-epal." Sambit ko sa kanya. Natawa naman ulit siya at ganun din ako.


Hinatid ako ni Kiel sa amin, hininto niya ang sasakyan sa labas ng bahay namin. Lumingon siya sa akin.

"It's okay to cry, Panget." Sambit niya dahilan para mapalingon ako sa kanya.


"Pero wag mong sobrahan, pa-panget ka niyan lalo." Dugtong niya dahilan para mawala ang mga ngiti ko sa labi ko. Napa-ismid ako sa kanya.

"Ba-bye na nga! Kainis 'to." Sagot ko sa kanya tsaka ko binuksan ang pintuan ng kotse niya. Bumaba na ako at dinilaan muna siya bago sinarado ang pintuan ng kotse niya.


Narinig ko ang malakas niyang pagtawa. Umiling ako tsaka naglakad na papasok sa bahay namin. Pagpasok ko hindi na ako pumunta sa dining area namin. Alam ko nandoon si Mama. Iiwan ko na lang sa kwarto ni Mama ang damit niya. Dumiretso na lang ako sa kwarto ko. Gusto ko na lang mahiga at magpahinga.

Binagsak ko ang katawan ko sa kama. Hinayaan ko lang ang sarili kong kainin ng kama ko. Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko at napa-iyak sa sakit na nararamdaman ko. Hinayaan ko ang mga luha kong pumatak galing sa mata ko hanggang sa makababa sa pisngi ko.


Hindi ko alam kung tama ba 'tong pag-iyak ko, kung dapat akong umiyak sa mga oras na 'to. Nung nakita ko silang magkasama napansin kong may something sa kanila. Sa galaw at sa tingin pa lang nila alam ko nang pinapahalagahan nila ang isat-isa.

Napanguso ako habang nakatitig sa kisame ng kwarto ko.


Crush Life na nga lang, masasaktan pa.

Sana ako na lang, Drake...


Nagulat ako nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Nakita ko si Mama.

"Nak, nasan na yung-" Nagulat si mama. Nagulat siya kasi nakita niyang umiiyak ako.


"What happened?" Nag-aalalang tanong ni Mama.

"Ma!" Hinila ko si Mama at yumakap ako sa kanya.


"Mama, ang hirap pala kapag yung taong hinahangaan mo at mahalaga sayo eh may hinahangaan at may pinapahalagahang iba." Nakayakap pa din ako kay Mama habang umiiyak.

"Awww! Anak, tama na. Stop crying." Hinihimas ni Mama ang likuran ko.


"Mama, napapalapit na ako sa kanya eh." Hinimas lang ni Mama ang likuran ko. Tapos hinarap niya ako sa kanya.

"Anak, diba magkaibigan kayo ni Drake?" Tanong sakin ni Mama. Tumango lang ako sa kanya habang hinahayaang malaglag ang mga luha ko mula sa aking mata.


"Oh ayun naman pala eh. Drake is your friend. Kaya kahit na hinahangaan mo siya dapat mas mangingibabaw pa din ang pagiging kaibigan mo sa kanya." Hinaplos ni Mama ang buhok ko.

"You should be happy for him." Nakangiting sambit ni Mama. Bigla akong natigilan. Napa-isip ako.


"Tama ka, Mama. Kaibigan ko si Drake and dapat maging masaya ako kung saan at kanino siya masaya. Kasi that's what friends do, right?" Sagot ko kay Mama. Ngumiti at tumango si Mama.

"It takes time, anak. At tsaka simula pa lang yan. Madami pang dadating na mas masakit, kaya isipin mong hinahanda ka lang niyan, Anak. Goodnight. Kunin ko na ang dress ko ah. Thank you ulit." Bilin sa akin ni mama. Hinalikan lang niya ang ibabaw ng ulo ko.


"Opo, Mama. Goodnight din. I love you."

"I Love you too, Princess."


Lumabas na ng kwarto si Mama. Tama siya. Hindi dapat ako malungkot. Kasi kahit na wala akong chance sa kanya. Magkaibigan naman kami. Mas importante yun. Ang pagkakaibigan namin ang dapat na manaig. Hindi ang nararamdaman ko.


Magiging masaya na lang siguro ako para kay Drake at Brianna...


As long as Drake is happy, I am happy for him.


Itutuloy.....


Continue Reading

You'll Also Like

10.8M 352K 70
What he wants. He gets... By hook or by Crook
20.6M 509K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...