When GANGSTERS meet the SADIST

By arkiSTEPH

10.7M 182K 17.4K

[COMPLETED] Naging MAGULO ang BUHAY ko ng makilala ko ang mga MAAANGAS na to pero aaminin ko naging MASAYA ko... More

prologue
chapter 1
chapter 2
chapter 3
chapter 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
chapter 8
chapter 9
chapter 10
chapter 11
chapter 12
chapter 13
chapter 14
chapter 15
chapter 16
chapter 17
chapter 18
chapter 19
chapter 20
chapter 21
chapter 22
chapter 23
chapter 24
chapter 25
chapter 26
chapter 27
chapter 28
chapter 29
chapter 30
chapter 31
Chapter 32
chapter 33
chapter 34
chapter 35
chapter 36
chapter 37
chapter 38
chapter 39
chapter 40
chapter 41
chapter 42
chapter 43
chapter 44
chapter 45
chapter 46
chapter 47
chapter 48
chapter 49
chapter 50
chapter 51
chapter 52
chapter 53
chapter 54
chapter 55
chapter 56
chapter 57
chapter 58
chapter 60
chapter 61
chapter 62
chapter 63
chapter 64
chapter 65
chapter 66
chapter 67
chapter 68
chapter 69
chapter 70
chapter 71
chapter 72
chapter 73
chapter 74
chapter 75
chapter 76
chapter 77
chapter 78
chapter 79
chapter 80
chapter 81
chapter 82
chapter 83
chapter 84
chapter 85
chapter 86
chapter 87
chapter 88
chapter 89
EPILOGUE
Special Chapter

chapter 59

104K 1.6K 121
By arkiSTEPH

CHAPTER 59

AGATHA'S P.O.V.

Nakakapanibago... hindi ako sanay na hindi nakikita ang mga maangas na 'yon. Hindi ko maintindihan 'tong nararamdaman ko. Nalulungkot ako na ewan. Ganito pala 'yong pakiramdam 'pag 'di ko sila nakikita.

Aaminin ko, parang 'di kumpleto ang araw ko. Kahit sabihin mong naiinis ako sa isang myembro nila. Nakakainis! Para lang akong tanga talaga. Ano kayang ginagawa nila ngayon?

" Hay! Feeling ko mahal ko na si papa E. Ay hindi pala feeling... as in mahal ko na talaga siya."

" It's not love, it's lust." -Faye.

Thank you sa dalawang nilalang na ito na nagpapaingay sa paligid ko. Napapangiti naman ako kahit papaano.

And wait... ang gwapo lang talaga ng kapatid ko. Ang swerte lang talaga ng makakatuluyan 'nyon. Tapos ang dami pang alam, akala mo matanda magsalita. Ayan! Naaalala ko na naman 'yong mga advice n'ya sakin.

Buti na lang kasama ko sila Faye. Nakakalimot ako sa problema kahit saglit. Hindi ko pa nakukwento sa kanila na tapos na ang kontrata ko 'kina Uriah. Ayoko muna magkwento dahil baka isipin nila na nakakaapekto 'yon ngayon kung bakit ganito ang mood ko.

" Hala!"

Hindi naman nila ako kinukulit tungkol sa nangyari sa gym at ang iba pang tungkol sa kontrata. Dahil siguro alam nila na depress ako kahapon kaya ganoon. Akala ko talaga pagkatapos ko umamin kay Faye magagalit siya sakin. Akala ko kasi tulad siya ng ibang mga kaibigan na magagalit 'pag nalaman nilang 'yong crush nila involved sa kaibigan nila.

" Wow lang ang kapal ng mukha n'yong dalawa."

Hindi ko din akalain na tama si Faye, na sabi niya ay may nararamdaman sakin si Uriah. Ganoon niya talaga kakilala si Uriah. Alam kong kahit papaano masakit din 'yon para sa kanya. But just like what she said, okay lang 'yon sa kanya. Crush lang naman n'ya si Uriah. Aniya, crush is only temporary.

Paano kaya pag nalaman niyang the feelings are mutual. Na gusto ko din si Uriah? Hindi na siguro dapat malaman ni Bes 'yon tutal mawawala din naman 'to. Oo! Sisiguraduhin kong mawawala na talaga 'to.

Kahit gusto namin ni Uriah ang isa't-isa wala naman kaming magawa.

'There are still barriers between us. Time will teach us how to forget our feelings for each other. Yes... we need time.'

"Tama na tama na!"

Ay butiki! Naputol bigla ang page-emote ko nang hampasin ni Nicolo ang kamay ko at kamay ni Faye. Nakakagulat naman 'to.

" Kayo pasimple kayo, e 'no! Nahiya naman ako sa inyo ... inubos niyo na 'yong french fries ko. Ang sisiba." sigaw n'ya habang tinitignan kami ni Faye nang masama.

Oo nga ano, 'di ko namalayan. Sige pala ang kain ko sa pagkain n'ya habang nag-iisip ako.

" Ang sarap kasi..." Sagot ni Faye.

" Lalo na 'pag libre." Dagdag ko.

Pagkatapos n'yon ay sinabunutan n'ya kaming dalawa ni Faye. Syempre papatalo ba ako tinulak ko siya pero mahina lang naman. Natawa na lang kami ni Faye sa itsura n'ya.

" Ay pasalamat ka close ka sa Glefficial kundi... ay shutang!" nabatukan ko siya nang 'di oras, bibig talaga ng isang 'to 'di mapigilan.

" Hoy may makarinig sa'yo Nicolo!" Saway ni Faye.

Hay grabe talaga, 'di na ko magtataka kung isang araw ay malaman na ng buong campus ang sikreto namin. Gusto ata ako nito atakihin sa kaba.


" Hay ano bang gagawin ko?" tumayo na ako at lumakad papuntang kusina.

" Pupunta kaya ko?"

Ano ba? Andito na ko sa bahay hanggang ngayon 'di pa rin ako makapag-decide kung pupunta nga ako.

" Hay naku!"

Napakagat na lang ako sa labi ko. Kinakabahan ako sa gagawin ko. Ngayon ko lang napansin pabalik-balik pala akong naglalakad papuntang kusina at sala, sa sobrang tense ko di ko na naramdaman na medyo masakit pa ang tuhod ko. Ngayon ay andito na ko sa kwarto nang 'di ko namamalayan.

Pagpasok ko nakita ko na lang si Chuchi na may nginangatngat.

"No! No! No!"

Agad akong napatakbo palapit sa kanya nang mapansin kong 'yong bagay na kinakagat n'ya.

" Ay Chuchi naman!" sigaw ko sa kanya. Pinagpag ko 'yong stuff toy at tinignan kung may sira ito. Hay! Salamat naman at wala.

" Paano mo nakuha 'to huh? Ikaw talaga Chuchi!"

Pinagpag ko ulit 'yon, kawawa naman si minion ko. Paano pala 'to napunta dito, e tinago ko 'to sa kahon.

Dahan-dahan akong napatigil sa pagpapagpag. Naalala ko na naman 'yong nangyari samin sa amusement park. Kahit nag-aaway kami ng mga panahon na 'yon okay naman kami ni Uriah.

Magda-drama na naman ba ako. Seriously? Nanadya ba ang tadhana?

Pabagsak akong napahiga sa kama habang tinitignan pa rin 'yong hawak ko.

" Ano? Kusa ka bang lumabas ng box para inisin ako huh?"

Pagalit kong sabi habang pinipisil si minion. Nanggigil ako! Bumabalik kasi 'yong mga moments ko with Uriah.

" At ito pa! Naiinis na ko! Naiinis na talaga ko sobra! Wah! Ano? Pinaglalaruan n'ya ba ko? Ba't n'ya ginagawa 'yon!"

Nagdadabog dabog ako sa kama at pinaghahampas si minion. Naiinis na talaga ko! Ganito kasi...

kanina sa school.

Habang papalabas kami ng gate kaninang uwian.

" Ay ano 'yon ba't ang daming tao?" -Nicolo.

" Oo nga 'no." -Faye.

Hinila ako ni Nicolo para magmadaling lumabas. Wala akong interes na makita kung anuman o sinuman 'yon. Lumulutang ang isip ko sa kung papaano ko makukuha ang bracelet ko.

" A- agatha."

Paputol-putol na sabi ni Nicolo habang pinipisil-pisil n'ya ang kamay ko. Nagtataka ako sa itsura nila ni Faye. Para silang nakakita ng kung ano. Weird!

Sinundan ko ang tingin nila at doon ay sobrang nabigla ako. As in! Napanganga na lang ako bigla. Napatingin din sakin ang ibang mga estudyante at pinapanuod ang reaksyon ko.

" Sorry Agatha."

Sabay-sabay na nag-bow sa harapan ko.

" Ah, eh." Nauutal ako. Anong nangyayari? Wala akong ideya.

" Ih ,oh, uh?" Singit ni Nicolo.

Napatingin ako nang masama bigla kay Nicolo. Hindi ko alam kung anong klaseng utak mayroon ang taong 'to at nakukuha pang gumanyan-ganyan sa ganitong sitwasyon. Pang-asar talaga siya kahit kailan. Makuha ka sa tingin Nicolo!

Binalik ko na ulit ang tingin sa mga lalaking ito. Nagtataka ako kung bakit ganito ang itsura nila ngayon. Puro may bangas, bandage sila. Pero bakit?

Pero ang pumukaw talaga ng pansin ko ay ang lalaking nakaluhod sa dulo na parang may kung anong karatula na nakasabit sa likod n'ya. Kumpara sa iba siya ang mas may matinding mga tamang natamo. I mean, mas mukha siyang bugbog sarado kumpara sa iba.

Lumapit si Faye at Nicolo sa lalaking 'yon at tinignan kung ano ang nakasulat sa likod.

" Oh no! " sabay kumunot ang noo nilang dalawa sa nabasa nila. "Come here Bes, you need to see this."

Pagkalapit ko, unti-unti ko nang naiintindihan ang lahat.

'Ako ang g*go, tarantado, sira-ulong pumatid kay Agatha.'

Nagsalubong ang kilay ko sa nabasa ko. Bigla akong nakaramdam nang inis. Akala ko aksidente lang ang pagkadapa ko sa gym pero sinadya pala n'ya 'yon. At ngayon ko lang na-recognize, mga taga Parker High pala ang mga ito.

Agad akong huminga nang malalim at pinapakalma ang sarili ko. Hinimas-himas ni Faye ang likod ko. Agad kong naisara ng mahigpit ang palad ko. Gusto ko silang sabunutan, suntukin at hampasin.

Kaso sa tuwing titignan ko ang mukha nila nakakaramdam naman ako kahit papaano ng awa. See, hindi ko nga agad nakilala na taga Parker High pala ang walong ito, dahil sa tinamong mga sugat at pasa nito.

Nakita ko din na nakagapos ang mga kamay nila sa likod habang nakaluhod. Umikot sila para harapin ako. Tinignan ako ni Jarus at tumungo ulit. Namamaga pa rin ang mukha n'ya lalo na ang mga mata n'ya.

" Sorry, gusto ko lang makitang mainis sila Doms ng araw na 'yon." mahinang sabi ni Jarus pero bigla siyang binatukan ni Nicolo.

" Lakasan mo! Ang kapal ng peslak mo para gawin 'yon kay Agatha!" hinila ni Faye si Nicolo para awatin.

Napangisi na lang ako sa narinig ko, lalo akong nainis sa dahilan n'ya.

" Sino ka ba para gamitin ako para inisin sila?" Matapang kong tanong kay Jarus. Wala silang karapatan para gamitin ako sa away nila.

" Ang kapal ng mukha niyo."

" Sorry..." sabay-sabay na sabi nilang walo sa akin. Kahit hindi nila sabihin kung sino ang may kagagawan nito sa kanila alam kong G-members ang gumawa nito. Pero bakit? Bakit kailangan nilang gantihan ang mga taga Parker High para lang sakin. Alam nilang ayokong mainvolve sa mga ganito at alam nilang mas lalala lang ang away nila dahil dito.

" Tara na nga Agatha, hayaan mo na 'yan wala kang mapapala sa kanila."

Hinawakan ni Nicolo ang kamay ko at hinila ako paalis na sa lugar na 'yon. Sinunod lang ng mga paa ko kung saan ako 'dinadala ni Nicolo pero...

" Agatha, patawarin mo na kami dahil 'pag hindi... hindi din kami pwedeng umalis dito at tanggalin ang gapos sa kamay namin hangga't 'di mo kami pinapatawad."

Napatigil naman kami sa paglalakad, padami nang padami ang mga tao dito at nakikiusyoso. Paniguradong dahil dito ay magtitrending ako lalo sa school na kinaaayawan ko sa lahat. Hindi pa nga tapos ang issue sa gym ay may bago na naman.

Tiningnan ko sila Faye, tumango lang siya at parang sinasabi na pagbigyan ko na lang sila para makaalis na kami. Dahil 'pag mas tumagal pa ito mas malaking issue ito at ako na naman ang kawawa.

Sa huling pagkakataon ay nilingon ko ulit si Jarus at ang mga kasama n'ya. Baka dalhin ko pa 'tong konsensya ko habambuhay kapag 'di ko sila pinatawad.

" Tinantanggap ko na ang sorry niyo, pero sana sa susunod... 'wag kayong mandadamay ng mga inosente sa away niyo. Hindi kayo nakakatuwa."

Halata sa boses ko ang inis pero minabuti kong hindi sumigaw. Pagkatapos n'yon ay lalakad na sana ako pero pinigilan na naman ako ni Jarus.

" Teka lang Agatha..."

" ANO NA NAMAN!?"

Halos mapapikit ako sa ginawa ko, wala na. 'Di ko din napigilan ang sarili ko at napasigaw na ako. Idagdag mo pa na ang sama na nang tingin ko sa kanya. Kaunti na lang talaga at masasapak ko na rin siya.

" Pwede bang pirmahan mo tong papel na 'to. Ipapakita kasi namin 'to pag balik nila."

Tumalikod siya at inabot sakin ang nakarolyong papel. Nakita ko din na namumula na ang kamay n'ya sa pagkakatali. Kinuha ko 'yong papel at tinignan... napaka sigurista talaga ng mga 'yon at gumawa pa ng ganito.

'Di ko alam kung matatawa na lang ako sa mga nangyayari at pinaggagawa ng G-members. Talagang gumawa sila ng kasulatan na kailangan kong pirmahan para patunay na pinapatawad ko na sila Jarus.

Sumasakit ang ulo ko sa pinagagawa nila. Wala din akong nagawa kundi ang pirmahan na lang 'yong papel para matapos na ang lahat. Pero syempre bago ako umalis binatukan ko muna si Jarus ng mailabas ko man lang ang galit ko sa kanya.

'Yong iba niyang kasama hindi ko na binatukan since mukhang nadamay lang sila sa pambubugbog ng Gmembers. Oh 'diba? Sinong hindi mababaliw sa nangyari kanina?

Pakiramdam ko isa akong Royal Princess ng G-members at pag may gumalaw sakin ay masasaktan. Ano ba ginagawa nila, ine-expose nila masyado na may kinalaman ako sa kanila, e ayoko nga ng ganoon. Mamaya kasi malaman na din ng mga estudyante dun na alila lang talaga ako at nagbabayad ng pagkakautang ko sa kanila.

" Tapos ano? Mabu-bully ako gaya ng mga nasa palabas. Bwiset! Bwiset!"

Napasigaw na ulit ako habang ginugusumot si minion. Bigla akong may naramdaman na para bang may napunit kaya tinigil ko bigla ang pag gusumot sa kanya.

" Hala! Hala sorry minion!"

Bumangon ako agad at tiningnan ng mabuti si minion kung may sira.

" Nasaan 'yong sira? Oh my! Sorry. I love you minion!"

Sige pa rin ang hanap ko at doon sa bandang braso n'ya nakita kong napunit 'yong tahi.

" Hala! Meron nga sorry baby!" Sabay hug ko kay minion. " Baka magalit ang daddy mo bigay ka pa naman n'ya sakin, tatahiin ko na lang 'yang punit...mo."

Eh? Anong sabi ko?

'Baka magalit ang daddy mo bigay ka pa naman n'ya sakin, tatahiin ko na lang 'yang punit... mo.'

Napahawak ako bigla sa bibig ko. Daddy? Daddy sabi ko? Sinong daddy?

Hindi! Hindi ko ini-imagine na anak ko 'tong minion na 'to at ako ang mommy huh, no way. At lalong hindi ko ini-imagine na si Uriah ang daddy nito. Never!

'Wala akong anak na minion at unggoy na asawa. Oh please! Tantanan niyo ko nababaliw na ko.'

Dali-dali akong lumabas ng kwarto at pumuntang sala para kunin ang cellphone ko. Tama, kailangan ko munang isigurado na wala pa sila dito.

Dinial ko na ang number ni Ethan, at alam ko matagal talaga siyang sumagot ng cellphone lalo na ngayon na nasa party sila.

After ng ilang dial ay sa wakas sumagot din.

" Hello Ethan!"

" Oh? May problema?"

" Hmm, wala naman. Kumusta party?"

" Okay naman bakit?"

" Pauwi na ba kayo?"

" Oo pauwi na."

Oh my! Pauwi na sila, baka 'pag pumunta ako ng penthouse maabutan ako ni Uriah dun patay talaga. Pero kailangan ko makuha ngayon 'yong bracelet.

" Kakaalis niyo lang ba? Mga anong oras kayo makakarating dito? Matagal ba o mabilis lang? Traffic ba?"

" Teka nga, bakit ba?"

Sungit talaga.

" Wala lang, masama ba magtanong?"

" Matagal pa kami, medyo kakaalis lang namin. Siguro mga 8:00-8:30 andyan na kami."

Tumingin ako sa orasan at 6:45 pa lang, napangiti naman ako ng kakaiba, so ibig sabihin pwede pa ko pumunta. Yes!

" Ah okay... ingat kayo ah! Dito ka na kumain sabayan mo ko hintayin kita. Bye! Ingat kayo kapatid." pa-sweet kong sabi sa kanya.

" Oy teka nga..."

Call ended. Ang bad ko. In-end call ko na baka kung ano pa kasi ang itanong n'ya, e. Malaman pa niyang pupunta akong penthouse yari ako sa kanya.

Pagkatapos ng usapan namin ni Ethan ay nag asikaso na ako kaya naman nakarating na ako agad dito sa condo.

Strange feeling, alam mo 'yon para akong magnanakaw sa gagawin ko. Bawal na nga akong pumunta dito pero ito ako ngayon matigas ang ulo. Last na talaga 'to tsaka bracelet ko naman ang kukunin ko dito.

Habang papalapit ako nang papalapit sa pintuan ng penthouse lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Hay nako naman! Ano ba Agatha, wala kang gagawing masama. At tsaka hindi naman n'ya siguro malalaman na pumunta ako dito ngayon 'di ba.

Grabe 'pag nalaman n'ya talaga ewan ko na lang. Ano kaya 'yong event na pinuntahan nila, siguro sa gang nila 'yon. Mukhang confidential, e.

Binuksan ko na ang pinto at pumasok na. Ang weird nang pakiramdam ko. Mami-miss ko ang bahay na 'to. Habang naglalakad ako 'di ko maiwasang 'di ilibot ang paningin ko.

Malinis ang bahay, nagligpit kaya siya?

Pagtingin ko sa sofa ... nanigas ako bigla sa nakita ko. Hindi ako makagalaw. Paanong andito siya agad, e 'di ba umalis sila.

Dahan-dahan siyang lumingon hanggang sa makita na n'ya akong nandito na nakatayo. Napalunok ako bigla at hindi makapag-salita.

Ang tingin na 'yan, nami-miss ko. 'Yong mukha niya walang emosyon pero ang mga mata niya, masungit ang dating pero nakakaba. 'Yong tipong pag tinitigan ka niya ng ilang segundo ay mapapalunok ka at pagpapawisan bigla.

Pero ang mas ikinagulat ko, nginitian n'ya ako. Pero bakit? Bati ba kami? Tulong, ang puso ko...

nagwawala.

Ngingiti din sana ako pero nang kumurap ulit ako biglang... Ano ba 'yan! Seriously? Para akong baliw. Talaga bang na-imagine kong andoon siya at nginitian ako.

" Ano ba naman." napahawak na lang ako sa noo ko, nababaliw na ko.

Ginising ko ang sarili ko sa katotohanan, nagsimula na ako maghanap kung saan-saan. Nagsimula ako sa mga display cabinet pero wala. Tinignan ko din 'yong ilalim ng mga upuan wala.

" Nasaan na ba 'yon?"

Gusto ko na mahanap 'yon at umalis dito. Kung anu-ano ang nakikita ko. Feeling ko kasi andito lang siya. Grabe 'tong imagination ko. Nagulat nga ko kanina kasi akala ko nakita ko siyang lumalakad pero gaya ng kanina, guni-guni ko lang 'yon.

" Malala na ata ako. Ano bang ginawa ng unggoy na 'yon sakin at nagkakaganito ako. 'Di kaya may multo dito?"

Tumuwad ako para tignan ang ilalim ng cabinet. Tumuwad talage e 'no? Sorry for the term, e ano bang tama? Tama naman 'di'ba. Oh well, that word is kinda weird for me. Kaso 'yong isa kong tuhod masakit pa rin.

And yes! Andito nga 'yong bracelet. Pinasok ko sa ilalim ang kamay ko at pilit na inaabot 'yong bracelet. Medyo nakakangalay at masakit pero kaunti na lang at makukuha ko na.

Napangiti pa ako nang mahawakan ko 'yon. Iika-ika akong napatayo. 'Yong tuhod ko sumakit na naman pero worth it dahil nakuha ko na ang kailangan ko.

" Yes! Nakuha din kita. Woah ang sakit ng tuhod ko."

Nanatili akong nakatingin sa bracelet, lalakad na sana ko palabas pero natigilan ako nang maramdaman kong parang may mga matang nakatingin sakin. Dahan-dahan akong tumingala at napatingin sa harapan ko.

dug dug dug dug...

Kumpara kanina mas mabilis ang tibok ng puso ko at halos kumawala 'yon sa dibdib ko. Hindi ko mapigilan, nahihirapan akong huminga. Ang mga labi ko nanunuyo sa sobrang kaba.

Isa na naman ba 'to sa guni-guni o imahinasyon ko?

"Ganoon ba talaga kita kagusto Uriah at lagi kong nai-imagine na andyan ka." mahina kong sabi sabay napangisi na lang ako.

Bilib na talaga ko sa imagination ko. Biruin mo 'yon, ngayon naman nakatayo lang siya sa harapan ko at tinitignan ako. 'Yong tingin n'ya bakit parang malungkot. Kanina lang nung na-imagine ko nakangiti siya sa'kin ngayon naman ganyan siya.

Nginitian ko siya, okay lang 'to tutal imagination ko lang naman siya. Naka tuxedo din pala siya. Ganito din kaya ang suot n'ya sa event nila? Tulog kaya siya o nagyo-yosi lang sa byahe ngayon?

" Naka-unli imagination ba ako ngayon? Ba't 'di pa siya nag fe-fade?" kinurap ko ang mga mata ko habang nakangiti,

pero bakit ganoon? Kinusot ko ang mga mata ko pero ganoon pa rin.

Nawala ang ngiti ko at halos mapaatras ako. Nanlaki ang mata ko at tinignan ko ulit siya. Ibig sabihin hindi ito imahinasyon lang. Napatingin din ako sa may pintuan. 'Di kaya 'yon 'yong narinig ko kanina, ibig sabihin kapapasok n'ya lang habang kinukuha ko sa ilalim ng cabinet 'yong bracelet.

Nanatili lang siyang nakatayo sa harapan ko at nakatitig sakin. Hanggang sa di ko na nakayanan at umiwas na ako nang tingin, halos hilahin ko ang dila ko makapagsalita lang.

" Uriah s-sorry." nanginginig pa ang boses ko sa sobrang taranta.

Ayan, ang kulit ko kasi mamaya itapon ako nito palabas sabing 'wag na nga daw akong pupunta dito, e.

" Kinuha ko lang 'tong..." ipapakita ko sana 'yong bracelet sa kanya pero parang bigla akong nanghina ng mapansin kong nagtutubig ang mga mata n'ya nung mapatingin ako doon.

Naitikom ko agad ang bibig ko at napakurap, habang tinitignan ko siya nararamdaman ko ang sakit na dinadala niya. Alam ko dahil ang mga mata ay hindi nakakapag sinungaling.

" Uriah..." bigla ko na lang natawag ang pangalan n'ya.

Nakatitig pa rin siya sakin hanggang sa hindi na n'ya kinaya at tumulo na ang mga luha n'ya.

Agad na umawang ang bibig ko at napahawak sa 'dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero ang alam ko lang ay nasasaktan ako, nasasaktan akong nakikita siyang ganito. Pakiramdam ko ay domoble ang sakit na dala ko ngayon.

Patuloy lang sa pagtulo ang mga luha n'ya. Hindi siya nagsasalita at nakatitig lang sakin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung paano siya ia-approach. Dahil kahit ang sarili ko hindi ko magawang tulungan.

Parang ang dami niyang gustong sabihin pero hindi niya magawang magsalita. Kauna-unahang beses ko siyang makitang nagkaganito. Hanggang sa namalayan ko na lang din, may lumalabas ng luha sa mga mata ko.

" Uriah... bakit?" tanong ko sa kanya habang patuloy din sa pagtulo ang luha ko. Hindi n'ya ako iniimik. Pakiramdam ko ay may nangyari sa kanya at sobra siyang nasasaktan ngayon.

Parang unti-unting nawawala ang lakas ko habang pinagmamasdan siyang umiiyak.

Dahan-dahan akong naglalakad papalapit sa kanya. Basa na ang mukha ko at namumula na rin ang gilid ng mata n'ya. Umiwas siya nang tingin saglit at suminghot. Gusto ko siyang yakapin at alisin ang sakit na nararamdaman n'ya ngayon. Kasabay nang paglapit ko sa kanya bumibigat din ang pakiramdam ko.

Natigilan na lang ako ng siya na ang lumakad papalapit sakin. Magkalapit na kami ngayon at halos kalahating metro na lang ang layo niya, napatingala na ako para tignan ang mukha n'ya.

Huminga siya nang malalim at tila lalong tumindi ang pagluha n'ya. Unti-unti kong nilalapit ang kamay ko sa mukha n'ya para punasan ang luha n'ya.

Pero hindi ko na naituloy 'yon nang hawakan n'ya ang kamay ko at pinigilan 'yon. Hanggang sa humigpit hawak n'ya, pagkatapos n'yon ay lumakad siya papalapit sa'kin at parang dinadala n'ya ko paatras.

Pero ang mas ikinagulat ko nang hinawakan na din n'ya ang isa ko pang braso at ang alam ko na lang na sunod niyang ginawa...

Iginiit n'ya ako sa dingding. 

Continue Reading

You'll Also Like

110K 1.5K 16
Compilations of different relatable Poems. Highest Rank Achieved: #1 in Poetry - July 2019 #2 in Poetry (June & July 2014) (June & July 2019) Feat...
10.1M 164K 51
Sa mundo ng mga Elites may isang babae na natatangi... Dahil siya ang kaisa-isang 'low class' na nakapasok sa Royal Academy.. Ang eskwelahan para sa...
18.4M 572K 87
Though tagged Fantasy, this story is 60% Romance, 20% Humor, 20% Fantasy. Enjoy! -------------- This is a story about Four Mysterious Nerds who e...
394K 13.4K 81
Titled : Campus Queen : The Curse of the past Genre : Romantic Horror&Mystery Book Part : Book 2 Story By : Louie Jean Lagunzad ( Miss L ) ** Note :...