What Love Can Do? (UNDER REVI...

By Princesss_AJ

1M 24.8K 1.2K

(COMPLETED) Ang "pag-ibig" ay maraming kahulugan para satin. Ito ay emosyon na ating nararamdaman sa isang t... More

-Prologue-
«Disclaimer»
Chapter 1 My Virgin Eyes!
Chapter 2 The Brother
Chapter 3 Friendship
Chapter 4 For the First Time
Chapter 5 First Kiss?
Chapter 6 Lover's Quarrel
Chapter 7 He's the Brother
Chapter 8 Panyo
Chapter 9 Crush?
Chapter 10 Apology
Chapter 11 It's a Deal!
AUTHORS NOTE! MUST READ!
Chapter 12 For you
Chapter 13 Meet the Sister
Chapter 14 Permission?
Chapter 15 Friendly Date
Chapter 16 She's the Noona
Chapter 17 Siomai
Chapter 19 Is this Real?
Chapter 20 Comfort
Chapter 21 Protective Kuya!
Chapter 22 Aminan Time!!
Chapter 23 We're Still Friends?
Chapter 24 I'm Stuck with him
Chapter 25 A Princess for a Night
Chapter 26 A Princess for a Night (part 2)
Chapter 27 A Princess for a Night (part 3)
Chapter 28 Threat
Chapter 29 Her Realization
Chapter 30 Tuloy Pa rin
Chapter 31 Night Party
Chapter 32 End
Chapter 33 Blessing in disguise
Chapter 34 Stay with Me
Chapter 35 His Reason
Chapter 36 Revelation
Chapter 37 True Feelings
Chapter 38 Sacrifice
Chapter 39 Love-Struck
Chapter 40 First Date
Chapter 41 "Yes"
Chapter 42 Officially Mine
Chapter 43 Undeserved
Chapter 44 Don't like her
Chapter 45 Out of town
Chapter 46 Just Friends?
Chapter 47 Allergic
Chapter 48 Respect
Chapter 49 We are Jealous
Chapter 50 Couple's Conflict
Chapter 51 First love
Chapter 52 I'm Hurt
Chapter 53 I Love Her (Part 1)
Chapter 54 I Love Her (Part 2)
Chapter 55 Understand
Chapter 56 Dare
Chapter 57 The Truth
Chapter 58 Loss
Chapter 59 Grief
Chapter 60 First Monthsary
Chapter 61 We meet again
Chapter 62 Brothers
Chapter 63 Friends
Chapter 64 Left
Chapter 65 Tulad Mo
-Epilogue-
Shout Outs 🎉
💖Pasasalamat💖
What Love Can Do?
Book 2

Chapter 18 Mr. Right?

14.9K 409 17
By Princesss_AJ


18: Mr. Right?


«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»




"Drake ikaw ba yung lalaking bumuhat sakin nung nahimatay ako?" Biglang kumalabog ng husto ang dibdib ko. Kinakabahan ako sa isa-sagot sa akin ni Drake. Siya kaya yun? Siya kaya ang nagligtas sakin? 


Ikaw na kaya si Mr. Right, Drake?


"Jassy..." Tawag niya sa akin. Unti-unti kong binaling sa kanya ang tingin ko. Mas kumalabog pa ng husto ang dibdib ko.


TUG DUG

TUG DUG

TUG DUG

TUG DUG




"Pwede, kumain ka muna? Kailangan mong magpalakas eh." Sagot niya sa akin na kinadismaya ko naman. 

I wonder kung si Drake nga iyun, siya ang nagdala sa akin sa bahay nila kaya posibleng siya nga si Mr. Right pero pwede ring iba ang nakakita sa akin at inuwi lang ako Drake sa kanila kaya ibig sabihin pwede ring hindi si Drake ang Mr. Right ko.


Tumango na lang ako sa kanya tapos bumama na ako sa kama nila. Bumama na ako papunta sa kusina. Nakita ko na naka-upo na rin sila Kuya at Ate Dianna. Bigla namang kumislap ang mga mata ko nang makita ko ang mga nakahdang pagkain.


"Pader, Gutom lang?" Nakangising tanong ni Kuya Joshua sakin. Tumawa pa siya ng mahina. Nakita ko na nasa akin ang atensyon nilang lahat. Naalala ko na wala nga pala ako sa bahay namin. Napadami ang kain ko. 



Bigla akong nailang nang maalala kong nandito nga pala si Drake, at nasa bahay nila kami. Tiningnan ko si Drake at nakingiti lang siya sa akin. Kaagad akong umiwas ng tingin sa kanya at dinahan-dahan ko lang ang kain.


"Hayaan mo nga siya, Joshua." Pagtatanggol sakin ni Ate Dianna. Tiningnan niya muna si Kuya Joshua bago niya binaling sa akin ang tingin niya.


"Pero hinay-hinay lang Jassy ah? Baka mabulunan ka niyan. Gutom much ka?" Bigla naman akong napa-ismid. Akala ko ipagtatanggol na ako ni Ate Dianna eh. 



"Dalian niyong kumain. Nag-announce si Principal Reyes na mayroon daw tayong pasok ngayon." Bigla naman akong napatingin kay Kuya Joshua.

"Eh Linggo ngayon Kuya?" Pagtataka ko. Bakit may pasok kami?



"Kalma! Walang klase. May general cleaning daw lahat ng students ngayon. Kasi sa monday pupunta daw yung mga taga Dep Ed." Paliwanag sa akin ni Kuya Joshua.  


"Kaya dalian mo na dyan, pader. Manghiram ka na lang muna kay love ng damit. Alis na tayo." Sambit sa akin ni Kuya Joshua at tumayo na sa kinakaupuan niya. Teka lang naman kuya. Kita mong kumakain pa ako dito oh. At tsaka kakarecover ko lang kaya. Tapos sasabak agad ako? Hustisya naman oh!



Tumango na lang ako kay kuya. Wala naman akong magagawa eh. He is my boss! Pinahiram ako ni Ate Dianna ng damit niya. Jeens na blue at tsaka t-shirt. May mga crop top si Ate Diana, kaso hindi naman ako nagsusuot ng mga ganun. Buti nga may nahanap si Ate na t-shirt.


Sabagay mahilig siya sa mga crop top. Hindi na rin ako magtataka kung bakit na inlove sa kanya ang kuya ko. Kapag suot ni Ate Dianna yun, ang sexy niya siguro? Eh ako magmumukha akong posporo. :3



Bumama na ako at sumakay sa kotse ni Kuya. Habang sina Drake at Ate Dianna sa kotse nila sumakay. Nag dalawa kaming kotse, kasi sina Ate at Drake ay may pupuntahan mamaya kaya dinala ni Drake ang kotse niya. Samantalang kami naman ni Kuya? Syempre, uuwi. Ano pa ba? Tsk. KJ 'tong kuya ko eh.



Nakarating na kami ng school at ang dami na ring mga estudyante dito na naglilinis. Naks. Ang babait ng mga estudyante ngayon ah? Anong nakain natin? Pinapunta kami nila Ma'am Bautista at Sir Gomez sa room namin. Si Ma'am Bautista, adviser siya ng section 2 at si Sir Gomez naman ay adviser namin. Bakit kaya nandito si Ma'am Bautista? 


Ina-sign ni Sir Gomez kung saan kami mga nakatoka para sa general cleaning. 



"All six of you will be there." Turo ni Sir sa gawing yun at duon sila maglilinis. 

Sa bawat group anim ang member. Kailangan matapos niyo ang mga ipapagawa sa inyo ng mga teachers. Kasi may grades din yun. Psh. May subject bang ganun? Para bigyan ng grades? Hays.



Tinoka-toka ni Sir sa aming section 1 kung saan kami maglilinis. Kaso naiwan ako, si Kyla, yung ibang girls at boys. Saan kaya kami?


"Uhhmm boys, kayong tatlo and kayong tatlong girls kayo na lang ang maglinis ng mga gagamitin sa paglilinis." Utos ni Sir. Kaso hindi ako napili. Nakakainis si Kyla lang yung napili. Saan naman kaya ako ilalagay? 


Teka, Ngek! Ako lang pala ang hindi nasali? Ano 'to? Elimination? Papa-uwiin na lang ba ako? Sanaaa!



"Sir? Saan po ako?" Tanong ko kay Sir Gomez.

"Ohh, ikaw pa pala Ms. Castillo. I'm sorry. Uhmm, I guess.." Nag-isip si Sir Gomez kung saan niya ako itotoka.



"Sa section two na lang siya!" Singit ni Ma'am Bautista.  Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Ma'am Bautistsa. Ano daw? Saan daw?


"Kulang kami doon. Kasi yung isang group dun, five members lang sila. Eh six ang kailangan. So I guess I'll just put Jassy in that group, so it will be six in total." Nakangiting paliwanag ni Ma'am Bautista samin. 



Ilang minuto ko pang sinink-in sa utak ko ang mga sinabi ni Ma'am Bautista.  Bakit kailangan ako? Ayoko pa naman na mapunta o makapasok sa section na yun. Maliban sa nandon ang ex best friend ko, nandoon din ang ungas na si Kiel. Pero inisip ko na lang na nandon naman si Drake, makakasilay ako sa kanya pag pumunta ako roon.



"Buti ka pa makakapunta sa section two." Bulong sakin ni Kyla. Muntik na akong matawa sa sinabi niya. Para kasi siyang batang nagmamaktol. Sabagay nandoon pala ang manliligaw niya. 


Kung alam mo lang Kyla, ayoko talagang pumunta dun. Si Drake lang talaga ang nagbibigay sakin ng wil' para pumunta sa section nila. Pero nangingibabaw pa din yung 'Ayokong pumunta dun' Gusto mo palit tayo?



Sana hindi pumayag si Sir. Please! "Okay! Jassy, sa section two ka muna maglinis. I agree with Ma'am Bautista." 


Wala akong nagawa nang pumayag si Sir kay Ma'am Bautista. "Jassy, come with me." Aya sakin ni Ma'am. 



"Kita na lang tayo mamaya ah? Magkwe-kwento ka pa sakin tungkol sa lakad niyo." Sambit sakin ni Kyla sabay kindat. Para bang inaasar niya ako. Tss. Sumunod ako kay Ma'am Bautista papunta sa room ng section two. Wengya! Bakit mapupunta ako dun? Anak ng Teteng naman oh!



Kaagad na bumungad samin ni Ma'am Bautista ang mga estudyante niya. Naghihiyawan sila at nagkakagulo. As always nasa sari-sariling mundo sila. Yung iba sinasayaw yung mop, yung iba naman nagkakasatan, yung iba nag co-concert, tapos meron namang natutulog lang sa isang sulok katabi pa yung timbang may tubg. Kanyang mundo dun, kanyang mundo dito. Hays, ang gulo lang!


Goodluck to me! T_T



"Class?" Tawag ni Ma'am Bautista kaso hindi pa rin natigil ang mga taga section two.


"Class!" Linakasan ni Ma'am Bautista ang sigaw niya para marinig siya, kaso wala pa rin. Ano bang meron sa mga tenga neto? Mura lang naman cotton buds ah? Tss.



"PAG HINDI NIYO AKO PINANSIN! IPAPA-EXPEL KO KAYO!!" Malakas na sigaw ni Ma'am. Napangiwi ako dahil sa sigaw niya. Ang sakit ng ear drums ko. Sobrang lakas ng sigaw ni Ma'am Bautista. Hindi ko akalain ganyan magalit si Ma'am. Nagtagumpay naman ang pagsigaw niya dahil nagsitigil sila sa mga ginagawa nila.


"Attention!" Pumasok kami sa loob. Hawak ni Ma'am ang braso ko papasok. Pagpasok pa lang namin ni Ma'am Bautista, sinalubong na kaagad ako ng mga tingin ng mga babae dito. May nagawa ba ako sa inyo? Psh. 



Napatingin naman ako sa direksyon nila Maddison, or should I say ng mga 4M girls. Ang tatalim ng tingin nila sakin. Pwede niyo na akong saksakin sa talim ng tingin niyo. Psh. Nakita ko rin si Ingrid na nakatingin sakin. Wala siyang ekspresyon. Blanko ang mukha niya. Galit ba siya sakin?


Teka, bakit ko ba iniisip yun. wala naman na siyang paki sakin eh.



"Class, dahil ang isang grupo sa inyo ay limang members lang. I'm here to add Ms. Castillo in that group. Tutal sobra silang section one. Dito ko siya iaa-sign. Be Good to her." Paliwanag ni Ma'am sa mga estudyante niya. 


"Sige na, simulan niyo ng maglinis." Utos ni Mam sa kanila. 


"Jassy, just go to that group." Utos sakin ni Ma'am Bautista. Tinuro niya sakin ang direksyon ng grupong kinabibilangan ko. Naglakad na ako papunta sa magiging kagrupo ko pero kaagad akong nahinto. Muntik na akong kainin ng lupa nang makita ko kung sinu-sino ang makakasama ko.


Aiden


Margot


DRAKE!!! <3


Ingrid?


at..


KIEL?!



Bakit kagrupo ko 'tong mokong na 'to?


"Eh sa in-assign ako ni ma'am dito eh? Psh." Sagot niya sa akin. Lumapit sila sa akin at kumunot naman ang noo ko kay Kiel.



Hala? Narinig niya yung sinabi..-


"Oo narinig ko!" Mabilis niyang sagot sa akin. Sabi ko nga narinig mo. Psh. Napalakas yung pagkasabi ko sa isip ko. Kainis!



"Hi Jassy!!" Bati sakin ni Aiden. Nginitian niya ako ng malawak. Ang sigla naman niya ah?

"Hello Aiden." Bati ko sa kanya. Ang hyper pala niya. 



"Jassy, magkikita ba kayo ni Kyla mamaya?" Napangisi naman ako bigla. Ayun pala!! Si Kyla ang hanap!

"Oo, Bakit?" sagot ko sa kanya.



"Sabihin mo naman....Miss ko na siya." Sambit niya sa akin at sabay kindat! Whut?? Bumabanat?

"Hahaha, sige." Natatawang sagot ko sa kanya. Grabe 'tong si Aiden. Sila na ba ni Kyla?? Walang balita yung babaitang yun ah? Mamaya nga!


"Hoy Kupal! Itigil mo na nga yan! Kadire ka!!" Sabat ni Kiel samin. Tiningnan niya ang kaibigan niyang si Aiden. Adik siya eh nuh? Nag-uusap kami dito eh!

"Wushu! Bitter ka lang eh!" Pang-aasar naman ni Aiden kay Kiel.



"Bitter mo mukha mo!" Asar talo naman 'tong si Kiel!

"Ingrid oh!" Asar ni Aiden kay Kiel. Biglang nagtago si Aiden sa likuran ni Ingrid kaya nakaharap na si Ingrid kay Kiel. Nagulat naman si Ingrid sa ginawa ni Aiden.



"Yieee Ingrid!" Pang-aasar ni Margot sa kanila. Bigla akong napatingin sa ibang direksyon. Parang hindi ko dapat ito nasasaksihan.


"Hayaan mo na lang sila, Jassy." Sambit ni Drake sa akin nang lapitan niya ako. Nginitian niya ako and he taps my head. Emegesh! Yung ngiti niya talaga eh. Pamatay! Waahhh lupa kainin mo na ako! Now na!!



"S-sige" Nauutal kong sagot sa kanya.


"Ayiiiee, sila naman oh!!" Nagulat kami ni Drake. Napatingin kami ni Drake kay Aiden na malawak ang ngisi sa aming dalawa. Kaagad na napunta sa amin ni Drake ang atensyon nila. Hindi ako tumitingin sa kanila at yumuko lang ako.



"Psh. Hindi sila bagay." Sarcastic na sabi ni Margot. 


"Jassy, si Drake na ba?" Nakangising tanong sakin ni Aiden. Nanlaki ang mga mata ko at hindi ako kaagad nakasagot.


"Huh? T-tumigil ka nga Aiden!" Pagsaway ko sa kanya. Natawa lang siya tsaka ngumisi ulit.



"Tara na! Sabi magsalita, hindi magdaldalan." Sabat ni Kiel sabay walk out. Sinundan naman namin siya ng tingin habang kinakaladkad niya ang walis.


"Nag-aalburoto na si Bulkang Kiel. Tara na nga." Natatawang sambit ni Aiden at sinundan lang namin siya. 

Napa-isip ako, bakit ganon nanaman ang mood ni Kiel? Pumunta na ako sa mga bintana. Tapos kumuha ako ng basahan para punasan ang mga iyun.



"Jassy, tulungan na kita?" Narinig ko si Drake. Nagulat naman ako at kinilig sa pag-alok niya.

"Ayos lang ba sayo?" Tanong ko sa kanya.


"Oo naman!" Sagot niya sa akin at nginitian ako. Drake naman eh!! Masyado mo akong pinapakilig!



Kumuha siya ng basahan tapos pinunasan din niya yung mga bintana. Bale ako nakatungtong sa upuan siya naman nakatayo lang dahil matangkad siya at abot ang mga iyun. Napa-ubo ako sa alikabok ng bintana.


"Ang alikabok pala ng bintana niyo. May cleaners ba kayo?" Tanong ko sa kanya habang inaalis ko ang mga alikabok sa harapan ko na pwede kong masinghot.



Nalalanghap ko pa din ang alikabok. Sakit tuloy sa ilong. Narinig kong tumawa si Drake.

"Hindi uso samin yun. Oh ito." Inabot niya sakin ang panyo niya. Nagulat naman ako kaya hindi kaagad ako nakasagot. Bigla kong naalala ang panyo niyang nasakin pa. Hindi ko pa pala nasasa-uli sa kanya yun. Omo!



"A-ano yan?" Nauutal kong tanong sa kanya.

"Panyo?" Sarcastic niyang sagot. Alam ko yun Drake. Psh! Medyo sinamaan ko siya ng tingin. Hindi naman masamang-masama. Syempre nahihiya pa ako sa kanya.



"Haha joke lang. Gamitin mo. Baka kung mapano ka nanaman eh. Mag-aalala nanaman ako sayo." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.


EHH??? Pwede paulit! "Haha joke lang. Gamitin mo. Baka kung mapano ka nanaman eh. Mag aalala nanaman ako sayo.



Wahhhh!! Mag-aalala daw siya sakin? So nag ca-care talaga siya. Wahh!! Kinikilig ako ng sobra!! Tama naman na oh! Kakagaling ko lang sa pagkahimatay kahapon. Hihimatayin nanaman ata ako ngayon at dahil yun sa kilig.



"Jassy?" Tawag sakin ni Drake nang masyado na akong na pre-occupied ng mga thoughts ko.

"Sorry. Sige." Kinuha ko ang panyo sa kanya. Ang bago nito, kaamoy niya!



Naglinis na kami ng bintana habang nagkwe-kwentuhan kami about kina Ate Dianna at Kuya Joshua. Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para makipa kwentuhan sa kanya to the fact the sobra akong nahihiya sa kanya.


"Babasain ko lang 'tong basahan ah?" Paalam sakin ni Drake. Tumango lang ako sa kanya.



Habang naglilinis ako ng bintana. Napatingin ako kay Kiel na naka side view. Hindi ko maiwasang mapangiti? Ewan ko? Pero ang gwapo niya kapag naka sideview. Inalog ko ang ulo ko.  Ano bang sinasabi ko? Shete! Nakita kong lumapit sa kanya si Ingrid dala ang basahan. Nang biglang natalisod si Ingrid at napa ibabaw siya kay Kiel. Buti at nasalo ni Kiel si Ingrid.



Napa-iwas naman ako ng tingin sa kanila habang kinakantyawan sila ng mga tao. Bakit parang may kumukurot sakin? Sa puso ko? Ano ba 'tong nangyayari sakin? Hays. Epekto 'to ng pagkahimatay ko eh.


"May susuotin ka na ba Madaline sa birthday party ni ingird?" Rinig kong tanong ni Maddison. Nasa gilid ko sila ng upuang tinutungtungan ko. 

"Wala pa nga, Mads eh. Ikaw ba?" Tanong ni Madaline pabalik sa pinsan niya.


"Of course, meron na! Birthday ng best friend natin." Sambit ni Maddison. Humalukipkip siya, nagpatuloy na lang ako sa paglilinis.


"Best friend natin na hindi natin ghinost at iniwan dahil sa nakakatawang dahilan lang." Dugtong niya at napansin ko sa gilid ng mga mata ko ang pagngisi niya sa akin.



"Let's go na." Aya ni Marlisa sa mga pinsan niya. Tumango sila tsaka nagsimulang maglakad palayo. Pakiramdam ko'y sinadya nilang paringgan ako tungkol sa dati naming pagkakaibigan ni Ingrid.


"Yeah, tara na." Sagot ni Maddison. Napalingon ako sa kanya at nakita ko ang pag flip niya ng hair niya tsaka sinundan ang mga pinsan niya.



"ARAY!" Napasigaw na lang ako nang bigla akong malaglag sa upuang tinatayuan ko. Mabilis akong tumama sa sahig. Napapikit ako sa sakit na naramdaman ko.


"Jassy!" Rinig kong tawag ni Drake sa akin. "Are you okay, Jassy?" 



"D-Drake..." Nahihirapang tawag ko sa kanya. Naramdaman ko ang pananakit ng ulo ko at panlalabo ng paningin ko. 


"TABI!" May narinig ako sumigaw. Hindi ko na nakita kung sino ang sumigaw. Napapikit na lang ako sa hilong naramdaman ko.


Bago ko sinarado ang aking mga mata, nakita ko ang siyang pumunta sa aking harapan. Blanko ang mukha niya at walang bakas ng emosyon. Linapitan niya ako at kasabay nun ang tuluyang pagpikit ng mga mata ko.



Naramdaman ko ang pagbuhat niya sa akin.

...


Minulat ko ang mga mata ko ng maalimpungatan ako. Nakita ko ang isang lalaking nakadukmo sa tabi ng kama ng clinic.


"Drake?" Tawag ko sa kanya.



Narinig naman niya ako at tinaas niya ang ulo niya. Muntik na akong malaglag sa hinihigaan ko ng makita kong hindi si Drake ang kasama ko.


"K..Kiel?!" Gulat na tawag ko sa kanya.



"B-bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya. Bigla akong napa-upo sa kama ng clinic at napahawak sa ulo ko. Bahagya akong nahilo sa ginawa kong biglang pag-upo.


"Wag ka munang makulit. Mahiga ka muna dyan." Pangaral sakin ni Kiel habang tinulungan niya akong maka-upo ng ayos sa kama. Naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking braso at likuran.



"Nasan si Drake? Diba siya yung nagligtas sakin kanina?" Tanong ko at hinahanap ko si Drake. Tumingin ako sa paligid ng clinic pero kami lang ang tao dito. Bigla naman siyang umismid sa akin.


"Wala si Drake." Malamig niyang sagot sa akin. "Wag mong hanapin ang wala."

Hindi ko na narinig ang huli niyang sinabi dahil mahina ang kanyang pagkakasabi.



"Nasan pala siya?" Paghahanap ko ulit kay Drake.


"I already told you, wala nga si Drake. Ako ang nandito, Jassy. Hindi mo ba ako nakikita?" Sagot niya sa akin tsaka ako diretsong tiningnan sa aking mga mata.



Hindi naman ako kaagad nakasagot dahil parang tumigil ang puso ko dahil sa sinabi ni Kiel.

"S-sinong nagdala sakin dito?" Nauutal kong tanong sa kanya tsaka ko iniwas ang mga mata ko sa kanya.



"Si Drake ang naalala kong lumapit sa akin tapos-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang magsalita si Kiel.

"Ako ang lumapit sayo, ako ang bumuhat sayo, ako ang nagdala sayo sa clinic. Hindi ang pangalang Drake kundi si Kiel." Mabilis niyang sagot sa tanong ko. Hinabol niya ang hininga niya habang nakatingin sa akin ng seryoso.


"Now..." Hindi naman ako nakasagot at nanatili ang mga mata ko sa kanya. "Tell me what you feel?"



Tanong niya tsaka bahagyang lumapit sa akin. Diretso pa rin ang tingin niya sa akin at tila ba'y naghihintay siya ng sagot mula sa akin.


"A-ayos lang naman na ako." Sagot ko sa kanya tsaka ako umiwas ng tingin at inayos ang pagkaka-upo ko sa kama.



"P-pwede na siguro akong lumabas ng clinic?" Tanong ko sa kanya. Umayos siya tsaka tumayo. Ilinahad niya ang kamay niya sa harapan ko. Tinitigan ko naman iyun.


"Halika na," Sambit niya tsaka ginalaw ang kamay niyang nasa harapan ko. Dahan-dahan kong ipinatong ang kamay ko sa kamay niya. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko nang maramdaman ko ang kamay niya.



Hinawakan niya iyun at inalalayan sa pagbaba ko sa kama. Hindi naman ako makatingin sa kanya dahil sa bilis ng kabog ng puso ko. Dahil hindi ako mapakali sa kakatingin sa ibang direksyon ay hindi ko napansing may naapakan ako kaya nawalan ako ng balanse.


Mabuti na lang at nasalo ako ni Kiel. Inalalayan niya ako gamit ang braso niyang nakapulupot sa likuran ko at ang kamay kong hawak-hawak niya ng mahigpit. Sa puntong ito, nagtama na ang mga mata namin ni Kiel. Napalunok ako nang makita ko ng malapitan ang mga mata niyang kulay brown at tila ba'y naging pamilyar ito sa akin.



"Do you like in my arms?" Mahinang tanong niya sa akin. His voice sent shivers down to my spine. Dali-dali akong lumayo sa kanya at inayos ang sarili ko habang naririnig ang malakas na pagkabog ng puso ko.


"H-huh? Nababaliw ka na." Sagot ko sa kanya. Naglakad na ako at lalagpasan na sana siya nang pigilan niya ako.



"Saglit lang, Panget." Pigil niya sa akin. Tumigil ang mga paa ko sa paglalakad at nanatili ang mga tingin ko sahig habang nakatalikod sa kanya.


"May gusto akong sabihin sayo." Sambit ni Kiel dahilan para bigla akong kabahan.


Itutuloy....



A/N:

Again!!! Thank you for 1.5+ Readers!! Yehey!! Sobrang thankful ako sa inyo. Dahil kung hindi niyo binbasa ang story ko. Hindi ko mararamdaman ang ganitong kasiyahan. Kaya sana patuloy lang kayo sa pagsupporta sakin! Hindi niyo alam kung anong kasiyahan ang binibigay niyo sakin. Salamat!! I Love You!! Mwuah!!

Read●Vote●Comment●Share


"Always keep your Tiara UP!"



~Princesss_aj

Continue Reading

You'll Also Like

7.8M 206K 61
WMPTIM TRILOGY #1 When Ms. Panget Transforms into Maganda Date created: September 2016 ©Bianczx
505K 11.8K 40
Virginia Marie G. Romero, a successful 25-year-old lady boss. Never been kissed, never been touched, and no boyfriend since birth. Eh paano kung isan...
11.9M 290K 45
Breadwinner Julian Tezan gets the biggest twist of her life when she unexpectedly crosses paths again with billionaire Demitrius Crivelli, the guy sh...
149K 7K 15
***WRITTEN IN TAG-LISH*** SHE'S AN ADDICTION HE CAN'T AFFORD. DAX, a man of mysterious past turned highly-paid Stealth agent is doing a good friend a...