The Creepy Statue of Kasandra...

By JTMLover

249K 6.7K 312

Si Assunta ay ang nakababatang kapatid sa ina ni Kasandra. At sya ang sumunod na nakaalam ng lihim ng kanila... More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
Chapter 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Author's Note
PS 2
PS 3

Final Chapter

4.8K 164 34
By JTMLover

Makalipas ang ilang dalawang buwan?
Araw ng kasal..
Nasa simbahan na si Jerico at ang mga bisita, naimbitahan sila Jake at Gail na kagagaling lang ng Italy.

...

Hinihintay ni Jerico si Assunta sa loob ng simbahan.

At ilang sandali pa ay dumating na si Assunta sakay ng magarang puting sasakyan na pangkasal.

At pumasok na ito sa loob ng simbahan kung saan naghihintay si Jerico at pamilya nito.

Gumandang muli si Assunta, pumuti ito at nawala ang mga pilat sa balat at kuminis din ang balat nya, ngunit hindi ito kasing ning-ning ng pag gamit niya ng benditas, pinasuri ni Jerico si Assunta sa mga ekspertong mga dermatologist kaya gumanda si Assunta.

Habang naglalakad sa aisle si Assunta ay naalala niya ang sinabi ng kaniyang ina bago ito mamatay.

"Anak, kung may mabuti kang kalooban at kung totoo ang pagmamahal na nararamdaman mo kay Jerico at ganon din sya sayo ay may maidudulot ito na kabutihan para sayo."

"Ano po yun inay ?"

"Hindi ko masasabi ngunit nararamdaman ko dahil malinis ang iyong kalooban, kaya tandaan mo maaari ka pa ring maging maligaya anak."

Masayang sinalubong ni Jerico si Assunta at humarap sila sa dambana...
Labis na kaligayahan ang kanilang nararamdaman ng mga sandaling iyon

Ngunit ........ kahit hindi imbitado si Lara ay dumalo ito.

Nakaupo si Lara sa likuran nila Jake at Gail, nasa harapan naman nila Jake ang mga naging kaibigan ni Assunta sa bording house na sina Loisa at iba pa, nandoon din sina Elena at Oscar , masaya silang lahat para kay Assunta.

Nakatingin si Lara ng masama sa mga kinakasal, masamang masama ang loob niya...

"Akalain mo, despite of everything, pinakasalan pa din siya ni Jerico, ang galing no wagas na pag mamahal talaga!" Sabi ni Gail.

"Oo nga, hindi man siya kasing sutla ng dati hindi nagbago pagmamahal sa kaniya ni Sir Jerico"

"Saan kaya nakukuha ang mga benditas na yun, biruin mo hindi ka lang gaganda ng walang katulad, mamahalin ka pa ng lalaking makakahaplos sayo, what if gamitin ko yun haha!" Nagbibirong sabi ni Gail.

"Huwag ka nga magbiro ng ganyan, baka mamaya yung enigma pa ang makuha mo baka pumangit ka pa, o kung gusto mo puntahan mo si Aling elena, siguradong alam niya kung saan nakukuha yon." Nagbibirong sabi naman ni Jake.

"Ikaw nga ang nagbibiro eh, ayoko nga nakakatakot."

Makalipas ang ilang sandali ay pinatawag na sila Jake para kuhanan ng mga larawan kasama ng bride and groom.

Ngunit lingid sa kanilang kaalaman ay narinig sila ni Lara, at umalis na ito.

Makalipas ang ilang Linggo, nagpunta ng Sta. Barbara si Lara.

At pinuntahan niya si Elena..

Nakita niyang nagwawalis ito ng bakuran..nagkataong wala ang asawa niyang si Oscar ng mga oras na iyon.

"Hoy matanda!"

Nagulat si Elena kay Lara.

"Anong ginagawa mo dito, at bakit wala kang galang?"

"Hindi na ako mag papaligoy ligoy pa! Sabihin niyo sa akin kung saan matatagpuan ang mga benditas."

"Aba ang lakas naman ng loob mong tanungin yan, wala kong alam sa mga sinasabi mo."

Maya maya ay bumunot ng patalim si Lara..

"Kapag hindi ninyo sinabi ay papatayin ko kayo!"

Hindi makakibo sa takot si Elena..

Tinutukan niya ng patalim si Elena.

"Sabihin niyo na akin kung ayaw niyong patayin ko kayo ngayon."

Sa sobrang takot ay napasalita si Elena.

"Sa pusod ng kagubatan ng santa barbara!"

"Saan yon?"

"Lagpas ng dalampasigan at may gubat doon, Sa pusod ng kagubatan lakarin mo ito, mga halos limang oras mo itong lalakarin, o sumakay ka ng kabayo, may makikita kang makapal na puting hamog, pasukin mo ito, at pag may nakita kang kumikislap na halaman ay iyon ang mga benditas."

"Papano gamitin ang benditas?"

"Ipaligo mo lamang ang bawat talutot sa iyong balat , unti untiin mo hanggang maubos ang talutot, at gaganda at kikinis ka ng walang katulad at mamahalin ka ng lalaking sinoman ang makahaplos sa balat mo"

"Gaya ng nangyari kay Asunta?"

"O...Oo"

"Ano naman ang enigma?"

"Kabaligtaran ito ng benditas, ang sinoman ang gagamit nito ay papangit mangingitim at mangugulubot ang mga balat na parang mga balat puno."

"Totoo ba ang lahat ng sinasabi ninyo o nililinlang mo lamang ako!?

Sabi ni Lara habang nakatutok ang patalim kay Elena,

"Totoo lahat ng yan huwag mo lang akong papatayin."

"Tandaan mo na kapag niloloko mo lamang ako ay babalikan kita at papatayin kita, naiintindihan mo!"

" O..Oo totoo lahat ng yan, maaari mo akong balikan kung hindi ako nag sasabi ng totoo."

"Hahaha! Babalikan talaga kita at papatayin kapag nanloloko ka!"

"Kailangan ko ang mga benditas na yan, marami akong lalaking paluluhurin sa aking harapan at isa na dito si Jerico hahaha! At gagamitin ko ang mga enigma sa mga babaeng magbabanta mang agaw ng kagandahan ko hahaha!!"

At umalis na si Lara...

Lingid sa kaalamanan ni Lara, ay walang nakakalabas ng buhay sa gubat na iyon,

Hindi sinabi ni Elena ang lihim tungkol sa bunga ng mga hermosa.

"Sa kasamaan mo Lara nararapat lamang sayo yan."

Sabi ni ELena sa kaniyang loob...

......

Pinuntahan ni Lara ang kagubatan, nilakad lamang niya ito.

Mahabang paglalakad hanggang nakita niya sa bukana ang animo'y makakapal na puting hamog na parang usok ..
dahan dahan syang pumasok dito at nakarinig siya ng mga nakakapangilabot na alingawngaw na nanggagaling sa loob ng kagubatan, kahit takot na takot ay hindi nya ininda ang mga nakakatakot na alingawngaw at mga panaghoy na iyon, may mga nakakakilabot na mga tinig syang naririnig, at patuloy pa rin nitong pinasok ang kagubatan,

"Kung si Asunta ay nakayanan ang kagubatan na ito, kung kaya niya ay kaya ko rin hahaha!"

Patuloy siyang naglakad sa loob ng kagubatan upang hanapin ang mahiwagang halaman ng mga Benditas, sa kanyang paglalakad ay may nagpakita sa kanyang isa babae na ang mga balat nito ay gaya ng balat ng mga puno, na nakasuot ng mahabang bestidang maabo sa dumi, nanlilisik ang mga mata at naka tingin sa kanya, at ng siya ay lumingon ay nagpakita ang Estatwa ni Kasandra sa kaniya,  napahiyaw sya sa sobrang takot, nagtatatakbo sya sa loob ng kagubatan hanggang sa nakita niya ang mahiwagang halaman ng mga Benditas, napangiti sya ng ito'y kanyang nakita,

"Hahaha ito na yon!"

at kinuha ang mga bulaklak nito..

"Sa wakas nakuha na kita !!"  dagling tumakbo ito papalabas ng kagubatan habang sinusundan ng mga maligno,  ngunit hindi nya matunton ang daan, tumakbo sya ng tumakbo hanggang nakita niya ang makakapal na puting hamog, napangisi si Lara, naisip nito na makakalabas na sya ng kagubatan, .

"Sa wakas makakalabas na ako hahaha!"

tumakbo sya palabas, ngunit pagkalampas niya sa makapal na hamog ay laking gulat niya dahil nasa tabi sya ulit ng mahiwagang halamanan ng mga Benditas, nakaramdam sya ng labis na takot.

"Bakit nandito ulit ako?!"

tumakbo sya hanggang sa nakita niya ulit ang makakapal na hamog, lumabas syang muli dito ngunit pagkalampas niya ay nasa tabi sya ulit ng halamanan ng mga Benditas, at maya maya ay naglalapitan na ang mga taong puno sa kanya, ngunit hindi lamang ito nag iisa, padami ng padami sila, at palapit ng palapit sa kanya... At nakita niya ang Estatwa ni Kasandra na nakangisi sa kaniya...

"Tulungan nyo ko ahhhhh!!" Sigaw ni Lara.

"Maawa kayo sa akin!" Ngunit patuloy pa din ang paglapit ng mga taong puno hanggang sya ay naabutan ng mga ito....

"AHHHHHHHHH!"

........

Samantala sa isang resort sa tabi ng dagat ay masaya ang buong pamilya ni Jerico at kanilang mga kaibigan at mga staff na nag outing..

Magkasama si Jessica at Jonathan, magkahawak sila ng kamay , sila ang nagkatuluyan.

"Sir nakahanda na po , let's boodle fight!" sabi ni Jessica kay Jerico.

"Ok susunod na kami." masayang sabi ni Jerico kay Jessica.

Magkahawak kamay si Jerico at Asunta sa tabing dagat..

"Salamat Jerico at hindi ka nag bago sa akin "

"Hindi ko kayang mawala ka, ang mga mata mo ang iyong mga labi."

At hinalikan niya si Assunta ng matatamis na halik...at sila ay nagsama ng masaya.

Two years later.....

Isang matandang lalaki ang nakapulot ng diary!

..........The End........

Author's note:
Please follow me po 💋 God bless
Leave a comment tnx in advance 😃

Continue Reading

You'll Also Like

87K 2K 35
Gaano mo ba kakilala ang mga kaibigan mo?... Sapat na ba na alam mo ang ilang impormasyon tungkol sa kanila? Gaano mo sila pinagkakatiwalaan? Alam mo...
104K 3.5K 34
"The past will HUNT them down!" Makalipas ang tatlong taon, matapos maganap ang nakakakilabot na insidente sa kanilang University. Isang grupo ng mag...
64.6K 578 79
⚠︎︎➪i writed this when i was still innocent. Meaning this is cringey.
53.5K 2.4K 50
Ang storyang ito ay tungkol sa pamilyang lumipat sa bagong bili nilang bahay at doon ay napansin nila na parang hindi lang sila ang nakatira sa loob...