Chapter 36

3.9K 112 1
                                    

Kapag sumapit ang kabilugan ng buwan ay may kapangyarihan si kasandra..magagawa nya ang gusto nyang gawin.
Kinilabutan si Asunta ng kanya itong naisip.

At biglang Lumakas ng lumakas ang hangin..

"Jake ang lakas ng hangin, matatangay tayo !"

" Humawak ka lang mabuti sa puno!" Sabi ni jake habang hawak ang video camera,

"Narinig mo ba mga sinasabi ni Asunta, ano kaya ibig nyang sabihin?"

"Baka mangyari ngayon yung kinakatakutan ko, baka maging halimaw ang isa sa atin!"

"Patawarin mo ko Jake nahatak kita sa ganitong sitwasyon."

Hindi makapagsalita si Jake, nakahawak lamang ito sa puno at nagmamasid sa kapaligiran,

...

"Asunta sumama ka na sa akin!" Nagmamakaawang Sabi ni Jerico , pagkasabi niya nito ay biglang natangay siya ng hangin papunta sa bintana ng bahay , si Asunta naman ay natangay sa puno na nasa kaniyang lukuran..

Pinipilit ni Jerico na makalapit kay Asunta hangga't napahawak siya sa isang poste na kahoy at dito siya humawak ng mahigpit.

"Asunta anong nangyayari?"

Maya maya ay biglang may narinig si Asunta na himig ng piano at ng nawala ito ay may mga yabag ng isang kahoy na naglalakad..

TIK...TIK....TIK....

"Ano yon? Parang may mga yabag ng isang matigas na bagay?" sabi ni Jake.

At ilang sandali pa ay tumambad sa kanilang lahat ang estawa ni Kasandra.
Kinilabutan sa takot si Jerico, Jake at Gail ng kanila itong nakita.
Tinutok ni Jake ang camera dito.

"What a creep?!! " sabi ni Jerico.

.....

Pinagmasdan nila ang estatwa ni Kasandra.

"Ano yun? Parang estatwa?"

"Oo, estatwa nga! Saan galing? Bbbbakit gumagalaw?" Sabi ni Gail.

"May nabalitaan na ako dati tungkol sa estatwa dito sa santa Barbara." Takot na takot na sabi ni Jake.

"Yan yung estatwa? Umalis na tayo Jake!"

Ngunit hindi sila makaalis sa puno dahil sa lakas ng hangin..

Habang nakahawak sa puno si Asunta ay hawak niya ang benditas, kailangan na niya itong sunugin bago mahuli ang lahat ngunit sa lakas ng hangin ay hindi niya ito magawa...
Hanggang biglang nabitawan niya ang garapon ng benditas at nahulog sa lupa...

Gumulong gulong ito...pinilit na abutin ni Asunta ngunit hindi niya maabot sa lakas ng hangin..

The Creepy Statue of Kasandra 2 'The Model"Where stories live. Discover now