Chapter 34

3.8K 118 2
                                    

Nagtungo si Assunta sa kanilang malaking bakuran sa may likod at kinuha niya ang timba na gawa sa yero at inilapag sa tabi ng maliit na puno.

Kinuha niya ang benditas sa kaniyang bulsa.

Hinawakan ni Assunta ang garapon at kaniyang pinagmasdan.

"Paalam Jerico, mahal na mahal kita, ngunit ito lang ang paraan para hindi na ako masundan ni Kasandra at matapos na ang lagim,"

At bubuksan niya ang takip nito nang biglang.

"Assunta?"

Napalingon si Assunta at nakita niya si Jerico..

...

Samantala... nakasunod si Jake at Gail at nagtago sa isang puno sa tabi ng bahay na may katamtaman na laki,.nagtago sila dito at nakita nila na lumapit si Jerico kay Assunta.

"Gail,ayun yung babae, ano gagawin natin magpakita na tayo para makausap sila."

"Mamaya na tingnan na muna natin, siguradong mag-uusap pa sila,'

Kinuha ni Jake ang kanyang video camera at kinuhanan nya ang mga ito ng palihim.

.....

"Jerico?!"

Lalapitan ni Jerico si Assunta.

"Huwag kang lumapit, umalis ka na!"

"Bakit? Ano ang dahilan at iniwan mo ako?"

"Hindi ako ang babaeng karapat dapat sa'yo!"

"Huwag mong sabihin yan, mahal na mahal kita sumama ka na sa akin, halika na! "

"Patawad Jerico, nilinlang kita!"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ang nakikita mong kaanyuan ngayon ay hindi totoo!"

Samantala...Naririniig nila Gail at Jake ang kanilang pinag uusapan mula sa puno habang kinukuhanan ni Jake.

...

"Wala kong pakielam kahit anong sabihin mo Assunta, ang importante sumama ka sa akin, ikaw ang babaeng pakakasalan ko."

"Patawad Jerico, hindi maaari!" sabi ni Assunta habang tumutulo ang kaniyang luha.

"Hindi mo na ba ako mahal ?" umiiyak na sabi ni Jerico.

"Mahal kita, ikaw lang ang tanging minahal ko, ngunit sa pagmamahal na 'yon ay nangyari ang mga bagay na ito, may kapalit ang lahat ! Wala na akong karapatang lumigaya, kaya umalis ka na.Habang nandito ka ay lalo mo lamang akong sinasaktan, umalis ka na!"

"Hindi kita maintindihan, basta sumama ka na sa akin, hindi ko kayang mawala ka masisira ang ulo ko, mababaliw ako! nagmamakaawa ako sayo sumama ka na sa akin!" Nagsusumamong sabi ni Jerico.

Lumuhod si Jerico sa harapan ni Assunta.

The Creepy Statue of Kasandra 2 'The Model"Where stories live. Discover now