Chapter 20

4.9K 144 3
                                    

Sumunod na araw ay nag umpisa na mag shooting ng commercial si Assunta.

Lahat ng mga camera man, at photographer at mga tao na nasa shooting ay humahanga ang lahat sa kanyang kagandahan..nakatakip lamang ng puting silk na tela ang kanyang katawan, lotion ang kaniyang iniendorso kaya kailangang makita ang malasutla niyang mga balat. 

Pati ang director ay hindi maialis ang mga mata nito sa pagtingin kay Assunta.

Ang laaht ng nakakakita ay labis na naaakit sa kaniya.Nasa isang tabi lamang si Jerico at nakatingin at inlove na inlove siya dito.

Maya-maya ay dumating si Hudson, nagtaka ang lahat kung bakit ito nagpunta,

"Mr. illustre I really like her." 

Hindi nila maialis ang kanilang pagtingin habang kinukuhanan si Assunta..

...

Samantala kadadating ni Lara mula Airport galing ng Hongkong.

Nagtuloy agad ito sa opisina ni Jerico.

Ngunit wala si Jerico, tinanong nya ang ilang staff at sinabi nilang nasa studio ito at nanonood ng shooting ng commercial, nagtaka si Lara kung bakit nanonood ito ng shooting, hindi naman ito gawain ni Jerico.Kahit minsan ay di siya pinanood nito sa shooting.

...

Nagpunta ito agad ng studio at sa kanyang pagpasok ay nakita niya si Jerico na sobrang naaakit habang nakatingin kay Assunta.

Nakita ni Lara na napakaganda ng model na kinukuhanan ng video at ang lahat ay naka nganga sa ganda nito.

Nilapitan nito si Jerico.

"Sweetheart?" Sabi ni Lara, ngunit hindi siya naririnig ni Jerico, nakatutok pa din ang mga mata nito kay Assunta habang kinukuhanan ng mga video Camera.

"Jerico?!" Malakas na ulit na sabi ni Lara.

Doon lamang siya narinig ni Jerico.

"Lara? Anong ginagawa mo dito, diba may shooting ka pa sa Hongkong?"

"Diba ngayon na ang balik ko? Bakit hindi mo ako sinundo sa airport? "

Nagpunta sila sa isang tabi para mag usap,

"Sorry nakalimutan ko,"

"Yan ba ang model na sinasabi mo? hindi naman maganda mas maganda pa ako dyan."

"Busy ako ngayon, umuwi ka na at tatawagan na lamang kita,"

Napatingin si Assunta kay Lara, alam niyang hindi na siya mamumukhaan nito,

Biglang tumayo si Assunta..Napahinto ang lahat.

"Sorry po gusto ko lang pumunta sa Cr."

Tinakpan ni Assunta ang kaniyang katawan, at dumaan siya sa harap ni Jerico at Lara.

Napatingin sa kaniya si Lara at sa sobrang selos ay hinatak niya ang silk na telang nakabalot sa katawan ni Assunta at bigla na lamang nahubaran ito at tinulak siya ni Lara.

Napadapa si Assunta at kaniyang tinakpan ng kanyang mga kamay ang kanyang katawan.

Agad namang inagaw ni jerico ang kumot na hawak ni Lara at tinakip kay Assunta at kaniyang inalalayan ito.

"Kung inaakala mo na maaagaw mo si Jerico nagkakamali ka!!" hiyaw ni Lara.

Binalingan ni jerico si Lara,

"Tama na yan Lara, umalis ka na dito! Break na tayo!"

"What?"

"Narinig mo ko! Ayoko na sa'yo!"

Lalong nagwala si Lara at bigla na lamang niyang nilapitan si Assunta at hinila niya ang buhok nito.

Naglapitan ang mga staff at inawat nila si Lara...lumapit si Jonathan at tinulungan niyang makatayo si Assunta at di sinasadyang nahaplos niya ang mga balat nito.Nang nakita ni Jerico na nakahawak si Jonathan sa katawan ni Assunta ay sinunggaban niya si Jonathan at bigla na lamang niyang sinuntok na ikinagulat ng lahat.Hindi lumaban si Jonathan at napahawak siya sa mukha niya kung saan siya nasuntok. Binalikan naman ni Jerico si Assunta at hinalikan niya ito sa labi sa haparan ng mga staffs.

Nanlaki ang mga mata ni Lara sa ginawa ni Jerico kaya lumapit siya ulit para pigilan ang ginagawa ni Jerico, ngunit hinawi ni Jerico ang kaniyang kanamg kamay kay Lara at patuloy niyang hinalikan si Assunta, at nang nakita ito ni Hudson at ni Jonathan ay sila mismo ang humatak kay Jerico upang matigil ang paghahalikan nila, at doon napabitiw si Jerico at nagbabalak naman si Hudson at jonathan na yakapin din si Assunta ngunit biglang tumakbo si Assunta palabas ng studio hawak ang kumot na nakabalot sa kaniyang katawan.

"Assunta come back?" Sabi ni Jerico.

Hinabol niya ito at sumunod ang mga staffs pati na rin si Hudson at Jonathan.

Tumatakbo si Assunta at nang nakita niya ang elevator ay sumakay agad siya dito, nakita niyang papalapit ang lahat sa kaniya at biglang nagsara ang elevator.

"Sir! sa hagdan na lamang kayo magdaan." sabi ni Jessica.

Napansin ni Jerico na pati si Hudson at Jonathan ay tulirong humahabol.

"Hudson, I can manage this, please stay here! at ikaw Jonathan bakit pati ikaw? nasisira na ba ulo mo,?huwag na kayong sumunod! ako na bahala sa kaniya, pack up ang shooting!"

Bumukas ang isa pang elevator at mag isang sumakay si Jerico, humahabol si Lara..

"Jerico, huwag mo kong iwan please!!" Hindi siya pinansin ni Jerico at nagsara na ang elevator.

Pagbaba ng elevator ay nakita niyang pumasok ito sa loob ng kaniyang opisina.

"Assunta? Patawarin mo ako di ko napigilan ang aking sarili, nahalikan kita sa harapan nila, at pasensya na sa ginawa ni Lara! Hiniwalayan ko na siya!"

Nakatayo lamang si Assunta, hindi siya nagsasalita kinuha ni niya ang kaniyang bag at nagbihis.

Ilang sandali pa ay biglang dumating si Hudson at nilapitan niya si Assunta at hinawakan ang kaniyang kamay.

"Congratulation you did it well!"

"Can I invite you for dinner?"

Tumingin si Assunta kay Jerico..

"Im sorry sir, but she can't" sabi ni jerico at hinawakan niya ang kamay ni Assunta at napabitiw naman si Hudson sa pagkakahawak kay Assunta.

"Why not?"

"Maybe some other time."

"But I cant wait !" Pagalit na sabi ni Hudson.

"Mr. hudson, what is wrong? going out with you is not part of our business, you dont need to be angry?"

Hindi na kumibo si Hudson at umalis na ito.

Pagkaalis ni Hudson ay kinausap ni Jerico ang mga staff.

"Mula ngayon ay hindi na maaaring makita ni Hudson si Assunta."

"Bakit po Sir?" Nagtatakang tanong ni Jessica, nagkatinginan silang lahat.

"Wala ng dahilan, tapos na ang commercial at photo shoot, so ano pa ang kailangan niya diba?"

Pagkasabi nito ni Jerico ay lumabas na ito kasama ni Assunta..

Pagkalabas nila ay nagtataka ang mga staff.

"Bakit kaya ganyan na lamang ang pagtingin ni Sir sa Assunta na yun?" sabi ng isang babaeng staff.

"Baka nag aalala siya na maagawan siya ni Mr. Hudson?"

"Baka nga, pero ngayon ko lang siya nakitang nag selos at ibang klaseng pagseselos to!"  Nagtatakang sabi ni Jessica.

"At parang balewala sa kaniya kung mawala sa kumpanya si Mr. Hudson, malaking bagay siya sa atin,"

"At bakit pati si Jonathan?" nag-aalalang sabi naman ni Jessica.

The Creepy Statue of Kasandra 2 'The Model"Where stories live. Discover now