Chapter 11

6.7K 177 9
                                    

Samantala...

Nangunguha ng video si Jake, kinukuhanan niya ng video si Gail at ang buong kapaligiran.

"Bakit mo ba ako vini video dyan?" 

"Birthday ko naman eh, gusto ko maging memorable to."

"Nakuhanan mo ba yung nagkabanggaan kanina, yung babaeng nagtaray ?"

"Hindi ah!"

"Hay!"

"Don't tell me na pati yung muntik nag-away kanina gusto mong i broadcast haha!"

"I know right! Ganito na ako ka desperate my gosh!I need some freaking news!" Desperadong sabi n Gail.

"Pero ang ganda ng babae kanina no, napansin mo ba?" Sabi ni Jake.

"Ah yung naka suot ng white?"

"Yeah ang ganda ng babae na yun grabe, parang anghel na bumaba sa lupa."

"Umh oo nga, ang ganda talaga, kaso pwede ko ba i broadcast ang kagandahan nya?" medyo nagseselos na sabi ni Gail.

"Haha ikaw naman nagselos agad o."

"Ikaw talaga Jake, lets eat na nga,"

...

Habang nasa rest room si Assunta ay minasdan niya ang sarili sa salamin,

hindi pa rin makapaniwala sa taglay niyang kagandahan."Hindi ko akalain na gaganda ako ng ganito, para akong nananaginip na kasama ko si Jerico ngayon," sabi sa kaniyang sarili habang walang sawang masdan ang sarili sa salamin.Makalipas ang ilang sandali  ay biglang narinig niya ang himig ng nag-pipiano. Nagtayuan ang kaniyang mga balahibo sa kaniyang naririnig at biglang huminto ang himig. At nakita niya sa replekto ng salamin ang statwa ni Kasandra na nakatayo sa kaniyang likuran. Napasigaw sa takot si Assunta at napaharap siya sa statwa.,

"Ano ang kailangan mo sa akin? Layuan mo ako!"

Masamang nakatingin lamang ang statwa sa kaniya at maya-maya ay humakbang ito at biglang natulala si Assunta.Hindi siya makakilos at makapagsalita, patuloy pa din lumalapit si Kasandra sa kanya hanggang nakapasok ang katauhan nito kay Assunta.

Biglang dumilat ang mga mata ni Assunta at tumingin sa paligid, masama ang kaniyang mga tingin na parang may masamang binabalak.At binuksan nito ang kanyang bag at kinuha ang garapon ng enigma at kumuha ng isang talutot.

Maya-maya ay lumabas na sya ng cr at dahan dahang naglalakad at tumitingin sa kapaligiran...At una niyang nakita ang babaeng bumangga sa kaniya.

Tinitigan niya ito habang  abala itong kumakain, maya-maya ay hinipan niya ang hawak niyang talutot ng enigma at nilipad ito papunta sa baso ng babae.

Pinagmasdan ni Assunta ang inumin ng babae at nakita niyang natunaw na ang enigma, biglang umalis na ang katauhan ni Kasandra kay Assunta.

Hindi niya namalayan ang pagpasok ni Kasandra sa kaniyang katawan.

Bumalik sa normal si Assunta.

...

Nang nakita ni Jerico na papalapit si Assunta ay inalalayan pa niya itong makaupo.

"Okay lang ako Sir,"

"I really can't believed that there's a such beautiful woman like you, ang dami ko ng nakikitang mga magagandang mga babae pero ikaw ang pinaka naiiba sa lahat!"

Sinuklian lamang siya ng matatamis na ngiti ni Assunta at labis na nasisiyahan siyang kasama niya si Jerico ng mga oras na 'yon.

Samantala nainom ng babae ang kanyang inumin na may enigma, masaya pa din silang nag uusap ng kaniyang kasintahan.

The Creepy Statue of Kasandra 2 'The Model"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon