Chapter 31

4K 115 0
                                    

Makalipas ang ilang araw..abala sa trabaho ni Jerico, naghihintay pa din siya sa pagbalik ni Assunta ngunit hindi ito nagbabalik.

"Sir , ok na po yung client natin, paki pirmahan na lamang po ito." sabi ni Jessica.

"Mag li-leave na muna ako ng ilang araw, meron lamang akong importanteng gagawin."

"Mga ilang araw po Sir?"

"Hindi ko pa alam,"

"Pero Sir marami pa pong mga kliyente ang nakalinya na makikipag meeting sa inyo."

"Si Carl na muna ang bahala sa kanila, alam niya ang kaniyang gagawin."

"Oo Sir pero mas magaling si Jonathan kay Carl kaya lang pinakulong niyo siya."

"Dapat lang makulong si Jonathan, hindi siya kailangan ng kumpanya.At pakisabi sa driver aalis na ako ngayon, dalhin ang aking sasakyan sa harap ng building."

"Ah ok po Sir."

Kinuha ni Jerico ang kaniyang cellphone at tinawagan ang kaniyang ama na nasa Santa Barbara.

"Hello Papa, magbabakasyon na muna ako dyan ng ilang araw,"

"Aba mabuti yan anak, hintayin ka namin."

Makalipas ang ilang sandali ay sinuot ni Jerico ang kaniyang coat at lumabas na ng kaniyang opisina.

"Bakit kaya nagbabago si Sir Jerico, parang hindi siya interesado sa magandang nangyayari sa kumpanya?" sabi ng isang staff na babae.

"Oo, nga biruin mo mula ng nakuha tayo sa H&G dumami na ang mga kliyente natin, international pa, pero parang di siya interesado."

"Samantalang dati halos di na siya natutulog sa pag-aasikaso sa mga kliente."

"Pati si Jonathan tinanggal niya." sabi ni Mike.

"Pano ba naman di tatanggalin yun, tinutukan siya ng baril,"

"Nagtataka nga ako kay Jonathan kung bakit bigla siyang nagkaganon." sabi ni Mike.

Nagtatakang pag-uusap mga mga staff.

The Creepy Statue of Kasandra 2 'The Model"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon