Chapter 18

4.8K 152 2
                                    

Nakapasok sa silid ang halimaw...

Tiningnan ni Gail ang itaas ng hagdan at nakita niya ang pinto at pilit ito binubuksan upang makalabas ng silid..

Napaatras sa takot si Gail at tumakbo siya papalapit sa pinto ng salas , nanginginig sa takot si Gail habang binubuksan niya ang pinto, naisip niya na kapag nabuksan ng babaeng halimaw ang pinto ng silid ay makokorner sya nito sa salas,
Iniisa isa ni Gail na i slide ang mga kandado ng pinto.

Unang slide lock....pangalawang slide lock, at pangatlo.

At kaniyang pinihit ang doorknob , at ng kanyang hinatak para mabuksan ito ay ayaw nitong bumukas..

"Shit!! Ayaw bumukas!" Nanginginig na sabi ni Gail,

"Saklolo tulungan ninyo ko!" Nangangatog na sabi ni Gail..

Nawala sa isip ni Gail na ..... na ilock din niya sa itaas ng pinto, napatingin si Gail sa itaas ng pinto at nakita niyang naka lock ang sliding na kandado, at iniaabot niya ito ng kaniyang kamay ngunit di niya ito gaanong maabot.

Nakita ni Gail ang upuan sa tabi ng hagdan at agad niya itong nilapitan upang ito ay kunin,
Paglapit niya Kinuha ni Gail ang upuan at napatingin siya sa itaas ng hagdan at nakita niyang malapit ng mabuksan ng halimaw ang pinto ng silid.

"Ahhhh!"

Naghihiyaw na sabi ni Gail..
Maya maya ay nag riring ang kaniyang cellphone ... Tumatawag si Jake..
Ngunit hindi masagot ni gail dahil wala na siyang oras para sagutin ito,
Nilagay ni Gail ang upuan sa may pinto at tumuntong siya agad dito.

Pag tuntong ni Gail ay nanginginig na ini slide niya ang pagkaka lock nito.
At ng kaniyang itong nagawa ay bumaba na siya ng upuan, ngunit sa kaniyang pagbaba ng upuan ay nakita niyang nasa taas na ng hagdan ang halimaw at nag umpisa na itong gumapang pababa ng hagdan at masamang nakatingin sa kaniya..

Naghihiyaw sa takot si Gail habang nakikita niyang gumagapang ito pababa ng hagdan papapunta sa kaniya.

Kinapa ni Gail ang door knob habang nakatingin siya sa halimaw na bumababa ng hagdan..
At biglang nabuksan ni Gail ang pinto at nagsisigaw papalabas..

"Saklolo!!"

Nakalabas ng gate si Gail at mabilis na tumatakbo ito..
Habang tumatakbo si Gail ay napalingon siya at nakita niyang hinahabol siya ng babaeng halimaw.

"GRRR!!!" mabilis na gumagapang ang babaeng halimaw.

Takbo ng takbo si Gail, wala ng mga tao sa street na iyon, ang lahat ay nasa loob na ng kani kanilang mga bahay at natutulog.
Lumiko ng kanto si Gail at hingal na hingal na ito, napasandal siya sa isang puno na nakalagay sa may banketa, napasandal siya sa sobrang pagod at ng siya ay lumingon ay nakita niyang lumiliko ang babaeng halimaw kung saan naroon si Gail.

Nang nakita ito ni Gail ay tumakbo siyang muli at maya maya ay may nakita siyang ilaw ng sasakyan na paparating,

Itinaas nI Gail ang kaniyang mga kamay.

"Saklolo! Tulungan ninyo ko !"

Biglang huminto ito..
At ito ay walang iba kundi si Jake..
Binuksan agad ni Jake ang pinto ng kotse..

"Gail!! Gail! Sumakay ka na dali!!"

Sumakay agad si Gail at sinara niya agad ang pinto ng kotse at hingal na hingal ito,
Nakita ni Jake ang babaeng halimaw na gumagapang sa tabi ng banketa kaya mabilis na iminaniobra ang kanyang sasakyan...
Habang minamaniobra niya ito ay tumalon ang babaeng halimaw sa kaniyang sasakyan at nasa harap ito ng salamin ng kotse..

"Ahhhh!!" Nagsisigaw na sabi ni Gail..

Ini atras abante ni Jake ang kanyang sasakyan at idini drift nya ito upang makabitiw ang halimaw ngunit mahigpit ang pagkakahawak nito, binilisan ni jake ang pag mamaneho , ngunit kinakalabog sila ng babaeng halimaw, ...

"Jake ano gagawin natin ahhhh!!" Takot na takot na sabi ni Gail..

Nakakita si Jake ng puno at kanyang ibinangga ang sasakyan..at dito napabitiw ang halimaw..
Iniatras agad ni Jake ang kaniyang sasakyan at mabilis niya ito pinatakbo..
Habang mabilis na nag mamaneho si Jake ay nakita nilang umakyat ng puno ang halimaw.

Nakarating na ng highway sila Jake..

"Jake maraming salamat akala ko katapusan ko na! Huhuhu!" Nag iiyak na sabi ni Gail..

"Huwag ka ng mag alala ligtas ka na!"

"Saan tayo pupunta Jake, natatakot na ako!?"

"Sa hotel na muna tayo ok lang ba sayo?"

"Kahit saan Jake!" Nangangatog sa takot pa din na sabi ni Gail.

"Tamang tama may natanggap akong gift check sa Solaire Resort, its free."

"Bilisan mo Jake please."

At nagpunta sila sa isang hotel na may casino at nag check in silang dalawa..
Pagpasok nila sa loob ng silid ay ikinuwento ni Gail ang mga pangyayari.

"Nakakakilabot! Kahit saan hindi na ligtas, ilan na silang gumagala ngayon at madadagdagan pa sila, dahil gabi gabi ay may nabibiktima na maging halimaw at ang nakakatakot pa ay pumapatay ang mga ito tuwing gabi." sabi ni Jake.

"Kailangan kong malaman kung anong misteryo ang lahat ng to."

"Tama."

"Matulog ka na Gail , pagod ka na magbabantay ako."

"ligtas naman tayo sa hotel na ito Jake, matulog ka na din."

"O sige mauna ka na matulog, makikiramdam na muna ako."

At doon lamang nakatulog ng mahimbing si Gail..

The Creepy Statue of Kasandra 2 'The Model"Where stories live. Discover now