Chapter 27

3.9K 126 0
                                    

Ngunit walang sumasagot sa kaniya, binuksan ni Jerico ang cabinet at nakita niyang wala doon ang lumang bag ni Assunta, nakaramdam ng kaba si Jerico at bumaba siya ng condo at nagpunta sa lobby nito at nagtanong sa guard.

"Kaninang madaling araw po umalis, nagpatawag po siya ng taxi." sabi ng guard.

"Saan daw siya pupunta?"

"Sir hindi po sinabi eh, basta nagmamadali pong umalis."

Nanlumo si Jerico sa sinabi ng guard at nagbalik siya sa kaniyang unit.

"Bakit hindi siya nag paalam kung saan siya pupunta?"

Naligo agad si Jerico, nagbabalak siyang pumunta sa dating bording house ni Assunta.

Pagdating ni Jerico sa boarding House ay nakita niya ang mga dating ka room mate nito na papalabas ng gate, ng nakita niya ang mga ito ay bumaba siya ng kaniyang sasakyan at lumapit sa mga ito.

"Magandang umaga, nandito ba si Assunta?"

Nagkatinginan sila Joan, Edna at Loisa.

"Naku mula po ng kasanma mo hindi na siya bumalik dito." sabi ni Joan.

"Umalis ba siya ng walang paalam?"

"Oo, pagkagising ko wala na siya sa tabi ko, sabi ng guard na nakakita sumakay daw ng taxi, kaya naisip ko na bumalik siya dito."

"Nag away po ba kayo?' Tanong ni Joan.

"Hindi, wala kaming pinag aawayan, kaya nagtataka ako kung bakit na lamang siyang umalis ng walang paalam,"

"Di po kaya sa station ng bus papunta ng sta. barbara, taga doon siya diba?"

"Pero bakit di siya nag paalam? maaari ko naman siya samahan pumunta doon.....Ah maraming salamat na lamang sa inyo."

"Wala pong anuman." sabi nilang tatlo.

Pagkasakay ni Jerico ng sasakyan ay natutuliro siya sa biglang pag alis ni Assunta, pina andar niya ang kaniyang sasakyan nang biglang nag ring ang kaniyang cellphone,..tumatawag si Jessica.

"Sir good morning po, paalala ko lang po Sir, ngayon po darating ang mga kliyente para po makausap kayo."

Hindi agad makakibo si Jerico, hindi interesado dito, gusto niyang hanapin si Assunta.

-Sir naririnig mo ba ako, ok ka lang ba Sir."

"Ah, oo, hindi sana ako papasok ngayon, may mahalaga akong gagawin."

-Pero Sir nung nakaraang Linggo pa po ang schedule niyo po ngayon, mahalagang kliyente po sila Sir,"

Napabuntong hininga si Jerico, naisip niya na baka magbalik din agad si Assunta.

"Well ok then, I'll be there."

-Thank you Sir."

The Creepy Statue of Kasandra 2 'The Model"Where stories live. Discover now