Chapter 21

4.6K 140 1
                                    



Napansin nila si Jonathan na nakaupo sa isang tabi at sinabi nitong....

"Anong gagawin ko, wala akong laban kay Sir Jerico, ano ba itong nararamdaman ko ?"

Sabi ni Jonathan...dahil nahaplos niya ang balat ni Assunta ay na obsessed na siya rito.

"What? Naiinlove ka rin?" 

Nakayuko lamang si Jonathan at tumutulo ang mga luha nito.

"Im going crazy over her, ano ang aking gagawin, gusto ko sya makita tulungan niyo ko!"

"Nasisira na ata ulo mo Jonathan,? kalimutan mo na yang nararamdaman mo, gaya ng sinabi mo wala kang panama kay Sir Jerico at baka matanggal ka pa sa trabaho ikaw rin." sabi ng isang staff na lalaki na si Mike.

Biglang umalis si Jessica nang narinig nito ang sinabi ni Jonathan..

"Jessica, saan ka pupunta?" Sabi naman ng isang staff na babae.

"Ano ba mga nangyayari? buti ako humahanga lamang sa kagandahan ni Assunta pero hindi naman ako inlove sa kaniya na gaya ng sinasabi mo, pero nakakaakit talaga siya."

Sabi ni Mike.

"Kung ako sayo Jonathan ibaling mo na lang kay Jessica ang nararamdaman mo, may gusto pala siya sayo eh." sabi ng isa pang staff na babae.

Ngunit nakayuko lamang si Jonathan at inaasam niyang makitang muli si Assunta.

......

Kinagabihan nasa salamin ng bathroom si Assunta at pinagmamasdan niya ang kaniyang mukha. "Ano ang aking gagawin? kung susunugin ko pati ang mga benditas ay matatapos na ang lagim na nangyayari sa paligid, pati na rin ang aking kagandahan lalong lalo na ang pagmamahal ni Jerico, mahal ko si Jerico hindi ko kaya na mawala siya, papano ang aking gagawin?" Sabi ni Assunta sa kaniyang sarili at naiiyak siya..

Maya-maya ay nagpakita si Kasandra...nakita niya ang imahe ng estatwa nito na nakatingin sa kaniya.Nakita niya ito sa salamin nasa likuran niya ito..walang takot na humarap sa kaniya si Assunta..

"Kasandra, kapatid ko, pabayaan mo na akong lumigaya maawa ka sa akin!"

Ngunit lalo lamang siyang tinitingnan ng masama ni Kasandra..At umiling iling ang ulo nito,

"Parang awa mo na huhuhu!"

Maya-maya ay kumakatok si Jerico..

"Mahal ko, ok ka lang ba?"

Nakatingin pa din ng masama ang estatwa ni Kasandra kay Assunta, at bigla itong nawala ng kumatok ng malakas si Jerico.

Binuksan nito ang pinto at niyakap niya si Jerico.

"Ano nangyari ?"

"Wala....may naalala lang ako."

Nahiga si Assunta at mahimbing syang nakatulog...habang natutulog ito ay hindi nagsasawang pinagmamasdan siya ni Jerico.

"Napakasuwerte ko at kasama kita ngayon, mahal na mahal kita." at kinumutan niya ito at niyakap.

...

Hindi makatulog si Hudson sa kaniyang hotel ng gabing iyon, para itong nababaliw sa kakaisip kay Assunta, kinuha niya ang laptop at tiningnan ang mga larawan nito, hinahawakan niya ang larawan ni Assunta sa laptop, at kaniyang sinasabi na mahal na mahal niya ito...

...

"Kailangan nating makausap si Sir Jerico Illustre." sabi ni Gail habang nasa opisina.

"Puntahan natin siya bukas sa kaniyang opisina."

"Jake, natatakot ako umuwi ngayong gabi , wala akong kasama, wala ang mga pinsan ko."

"Gusto mo ba na dito na tayo sa opisina matulog?"

"Oo, ok lang ba sayo?"

"Oo naman, masaya ako kapag kasama kita."

Sinuklian siya ng matatamis na ngiti ni Gail.

"Nagugutom ka ba?"

"Oo di ako masyadong nakapag diner kanina eh."

"Ok, magpapainit ako ng cup noodles." Nakangiting sabi n Gail.

Binuksan ni Jake ang kaniyang laptop at nag edit ng video.

The Creepy Statue of Kasandra 2 'The Model"Where stories live. Discover now