Chapter 38

4K 120 11
                                    

"Jake, lumalapit siya sa atin Jake !"

TIK...TIK...TIK...

Nakatingin ito ng masama sa kanila..
Ng nakita ni Jerico na nilampasan siya ng Estatwa ni Kasandra ay pinilit nitong makalapit kay Asunta, nakita niyang pinipilit abutin ni asunta ang garapon..
Bahagyang nawala ang malakas na hangin ng nakalagpas sa kanila si Kasandra.
Nakatakbo si Jerico papunta kay Asunta at niyakap niya ito.

"Mahal ko!" Sabi ni Jerico kay Asunta,

"Ang benditas !"

"Ano ang nangyayari? Anong benditas?"

Tinuro ni Asunta ang benditas na nasa sahig habang nakahawak sya sa puno,

.........

Samantala nakalapit na ang estatwa ni Kasandra kay Gail at Jake, nagsisigaw sa takot ang dalawa, hindi sila makatakbo, hangga't naabot ni Kasandra si Gail at sinakal niya ito, sa sobrang lakas ni Kasandra ay naka angat ang mga paa ni Gail mula sa lupa..

"Argggh!" Walang kalaban laban na sabi ni Gail..

Pilit na tinutulungan ni Jake si Gail sa pamamagitan ng paghila niya dito ngunit tumilapon siya sa lakas ng hangin..

Habang nangyayari ito ay doon nagkaroon ng pagkakataon si Asunta na makuha ang benditas na nahulog sa lupa...

Authors Note:
Pls follow me and comment, wait for the update up to final chapter.
Thank you and enjoy reading 😘

The Creepy Statue of Kasandra 2 'The Model"Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora