Chapter 35

3.8K 118 0
                                    



"Assunta pakasalan mo ako, mahal na mahal kita." sabi ni Jerico habang nakaluhod ito.
"Huwag mong gawin 'yan, dapat mong malaman na kaya kita napaibig ay dahil ...........sa.............Benditas na ito !"
Napatingin si Jerico sa hawak na garapon ni Assunta...
"Anong ibig mong sabihin?"
"Ito ang dahilan kaya ako gumanda at ika'y napaibig, ginawa ko ang lahat makuha lamang ito para sayo, patawad Jerico, ngunit kailangan ko ng sunugin ito, at nakakasigurado ako na mawawala na ang pagmamahal mo sa akin, kaya umalis ka na!"

"Hindi Ako papayag , kung yan ang dahilan kaya mo ako napaibig ay tatanggapin ko, ayokong mawala ka sa akin , nagmamakaawa ako sayo!"
"Pero lumalala na ang lagim, hindi ko alam na ganito ang kakahinatnan, patawarin mo ako, umalis ka na bago pa magbalik ang dati kong anyo!"
Maya-maya ay bumibilog na ang buwan...at humangin ng malakas..
Napatingin sa paligid si Assunta at napansin niyang bilog ang buwan.
Naalala niya ang sinabi ni Elena na may lakas si Kasandra tuwing kabilugan ng buwan at kukunin siya nito.

The Creepy Statue of Kasandra 2 'The Model"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon