Chapter 30

3.9K 130 3
                                    


Samantala sa Santa Barbara..

Nakaupo si Asunta sa kaniyang silid at may malalim na iniisip ng biglang pumasok ang kaniyang tiya Elena.

"Asunta? Mabuti at nagbalik ka na!"

Nakita ni Elena ang malaking pinagbago ng kaanyuan ni Assunta.

"Opo tiyang nag desisyon na ako na tapusin na ang lahat."

"Kailangan muna nating puntahan ang iyong ina, malubha siya ngayon at hinahanap ka niya."

"Po ang nanay?"

"Oo, umalis na tayo ngayon din, wala ang tiyo Oscar mo nasa kabilang bayan, sa isang Linggo pa ang balik niya kaya tayo na lamang ang pupunta."

......

Pagdating nila sa bahay nila Aurora, nakaratay ito sa kama at mahinang mahina ito

"Inay?! "

"Anak Asunta?" Nanghihinang sabi ni aurora

"Inay, huwag ninyo akong iiwan."

Nakita ni Aurora ang kagandahan ni Asunta.

"Anak, napakaganda mo, ganyang ganyan din ako noon nung ginamit ko ang mga benditas." nakangiting sabi ni Aurora.

"Ngunit may masamang kapalit ang lahat anak kaya kailangan mo ng sunugin ang mga benditas at enigma." nanghihinang sabi ni Aurora.

"Opo inay, gagawin ko po, hindi ko po alam na ganito ang mangyayari."

"Kalimutan mo na ang lalaking mahal mo, masakit mang tanggapin."

"Mahal na mahal ko si Jerico inay, kaya lang kailangan kong tapusin na ito."

"Tama anak, hindi ka rin liligaya kung maraming tao ang magdurusa, sunugin mo na ang mga benditas at enigma."

"Pinapangako ko inay, gagawin ko po yan."

Maya maya ay nawalan na ng buhay si Aurora..

"Inay! Huhuhu!"

"Ate Aurora!" malungkot na sabi ni Elena.

........

The Creepy Statue of Kasandra 2 'The Model"Where stories live. Discover now