Ang Girlfriend Ni Crush(UNDER...

By Janztrich

2.8M 53.3K 46K

Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Montec... More

AGNC
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30

Chapter 23

47.8K 1.4K 835
By Janztrich

A SHARP PANG OF SOMETHING



SKYLIE's•



Friday.



"Awesome. If there are no more questions, we're done here. Kita-kita na lang tayo sa labas." Gwen. She was the one who initiated and conducted the briefing. "Hoy. Iyong booth natin ah, bantayan niyo," aniya sa co-officers niya at saka bumaling sa ilang Music Club members, kabilang ako, na nandito. "Team, we appreciate you coming in so early. We're good; you can go. Kumain kayo, magkape...if you haven't yet. Thank you sa pag-attend ng briefing natin."



Wala si Mrs. Lopez, wala ang president ng club namin, at mas lalong wala ang taong inaasahan kong kauna-unahan kong makikita ngayong umaga. Kinabahan lang ako for nothing; wala naman pala siya. She was in a separate meeting with the school owner, Board of Trustees, faculties, and teachers. Iyon ang sabi ni Gwen sa amin kanina bago siya magsimula sa rundown dahil may mga nagtaka rin at nagtanong. I miss her, though. Matapos ang nangyari kahapon parang mas lalo lang tumindi ang pagnanasa kong makita siya. Gusto ko siyang makausap ulit, hindi kasi naging maganda ang kinahinatnan ng pag-uusap namin kahapon. Pareho lang kaming nainis sa isa't isa at nagkasagutan pa.



"Kapag music club, 'team' ang tawag pero sa'min 'hoy' lang," ungot ng isa sa mga co-officers ni Gwen, si Axelle, nang makalabas ang mga kasama ko sa Music Club. "Para naman kaming others."



"Oo nga!" sang-ayon naman ng iba.



"Sinabihan pang magbreakfast samantalang tayo, magbantay raw tayo ng booth," Ate Ella added.



"Heartless!" Xoey faked a cry.



Dahil lang sa nasimulan ng isa, ang ingay na nila at nagkakagulo na sila sa pangbabatikos kay Gwen na hindi na maipinta ang mukha at handa nang ilibing ng buhay ang kanyang mga kasama. I guess they're just like this kapag wala ang scary boss nila, mga buhay na buhay at super active.



"Anak kayo ng tokwa. Tigilan niyo ako sa mga kaartehan niyo ah!" sagot naman ng kaibigan kong pinaglihi sa sama ng loob. Kailangan may halong galit kapag sasagot? "Naabutan ko nga kayo kanina sa cafeteria, nagbreakfast boodle fight kayo, 'di niyo man lang ako ininvite!"



Lihim akong natawa. Nagtatampo ba siya?



"Ay, nagtampo?"



"Sabi sa inyo invite niyo eh."



"Hindi naman 'yon boodle fight, Ate Gwen," sabi ng isa nilang kasama.



"Oo nga. Hindi ba pwedeng naubusan lang ng pinggan sa cafeteria kaya dahon na lang ng saging ang pinagamit sa'min?"



"H'wag kanang magpaliwanag, Ella. Hindi 'to barangay! Lumabas na kayo rito bago pa tuluyang kumulo ang dugo ko sa inyo!"



Tumawa lang sila pero isa-isang nagsisunuran naman at lumabas. I find it really amusing that they're not taking her seriously despite knowing she has a short temper. Sanay na rin siguro sila sa ugali ng bawat isa dahil ilang taon na rin naman silang magkakasama. Paulit-ulit lang ang mga nahahalal. At mukha lang pikon 'tong si Gwen pero pikon talaga siya—este mapagkumbaba naman siya kahit papaano sa mga mas bata sa kanya—sa mga junior officers nila. Hindi niya nga pinapagalitan ang mga 'to, sa halip ay kinakampihan pa kaya naman lagi rin siyang pinag-iinitan ni monster sa pagiging considerate niya.



Naiwan ang dalawang tandem sa kalokohan.



Unang lumapit sa pintuan si Ate Ella. "Mas malala ka pa kay Madam President!" singhal niya at saka madramang binuksan ang pinto. "You're awful! Minahal kita, inaruga...binigay at ginawa ko ang lahat tapos ito lang ang igaganti mo sa'kin?! Magkalimutan na tayo, Sergio. Maghiwalay na tayo!" saka siya lumabas at malakas na isinara ang pinto.



Natawa ako.



What happened to her? Haha.



"Tangina. Sino si Sergio? Baliw!" Gwen.



Sumunod si Xoey. Binuksan niya ang pinto at ginaya si Ate Ella. "Wala kang puso, George—Sergio pala. Sinaktan mo ang anak ko. Isa kang animal!" Napatakip ako ng bibig. "Tinanggap ka namin bilang totoong anak. Ang sakit...ang sakit sakit. Nagkulang ba kami sa pagpapalaki sayo para magrebelde ka ng ganyan? Wala kang utang na loob. Isa kang inutil, Sergio!" at pabalang niya ring sinara ang pinto ngunit nakalimutan niya nga lang lumabas. Suminghap siya. Tawang-tawa naman ako. "Isa kang inutil!" Ulit niya at saka muling binuksan ang pinto at tuluyang lumabas.



I shook, laughing.



"Boang!" Sigaw ni Gwen na natatawa rin. "Mga monggoloid talaga kahit kailan."



"I love them," sabi ko.



"Tsk. Lagi ka namang tuwang-tuwa sa mga 'yon eh."



"Syempre. Ang kukulit eh, tapos ang funny pa." Sa lahat ng co-officers nila, sa dalawang 'yon ako pinakamalapit. Both of them are approachable, and they're an extremely affable and outgoing type of person. Ganon ang mga gusto ko. "Saan nga pala si Rob? Wala pa ba siya?" Tanong ko.



"Lumabas. Kakain daw. Potek na kain 'yan, sumubo na naman siguro 'yon ng—!"



"Gwen!" Saway ko bago niya pa maituloy ang sasabihin. "Okay na. Gets ko na." I grimaced at her. "I always hate your choice of words."


"Lollipop kasi 'yon, Ulap. Lollipop! Patapusin mo ako. Ang judgemental mo naman!"



"Lollipop..." I made face.



"Oo nga." Tumayo siya at lumapit sa bintana para hawiin ang kurtina. "Hindi ako magsasalita ng mga ganon sa harapan mo." Hindi ako naniniwala. Lumapit din siya sa switch at pinatay ang isa sa tatlong ilaw na nakabukas. Humarap siya sa gawi ko at nameywang. "May id'discuss pa pala ako sayo tungkol sa iba pang upcoming event and sa konting binago ni Monteclaro ngayon 'dala ng topak siguro."



"Binago saan? Sa program?"



"Yes, ma'am!" Bumalik siya sa kanyang upuan. "Dahil yata 'to sa nangyari kahapon," ngiwi niya. Hinarap niya sa'kin ang iPad na hawak niya kung saan nandoon ang email ni Monteclaro. "Gago 'di ba? Ang unprofessional. Pero baka pabor din 'to sayo. Tinanggal niya ang second appearance mo, so sa opening ka na lang."



"Ooh."



"Yeah. Okay lang ba?"



"Mm. Okay lang," mahinang sagot ko at napipilitang tumango. "Mas gusto ko nga 'yon."



"Ba't parang malungkot ka?"



Ngumuso ako. "Galit siya sa'kin eh."



"Tsk. Hayaan mo na muna. Magkakaayos din kayo. Ano nga palang—!"



"I'm back!" Biglang pumasok si bakla. Nagulat ako, akala ko si monster. "Haha, nagulat si Sky oh. May trauma ka ba sa nangyari kahapon, besh?"



"Nakakainis ka, Rob!"



He chuckled. "Sorry." Lumapit siya sa'min at umupo sa tabi ko. "Ba't parang ang tagal ng briefing niyo?"



"Mas matagal ka!" Balik ni Gwen sa kanya. "Saan ka ba galing? Akala ko ba kakain ka? Ang tagal mo ah!"



"Teh, nagbantay ako ng booth kasi nandito kayong lahat!"



"Ay, oo nga pala. Sorry hehe."



"Doon na ako kumain. Alam niyo bang ang daming nakapila? Wala namang interesting sa booth natin."



Natawa ako. Totoo naman kasing hindi interesting ang booth nila—hindi agaw atensyon. Napaghandaan nila 'tong event pero hindi iyon. Pihado nasermonan na naman sila ng presidente sa itsurang 'yon ng stall nila.



"Grabe ka. Okay naman ang booth natin ah. Hindi 'yon pipilahan kung boring at walang kwenta!"



"Si pres ang pinunta nila roon, hindi ang booth! Karamihan boys ang mga lumapit pero hindi naman ako ang sadya kundi ang pretty boss natin." Unti-unting nawala ang ngiti ko. Doon ko naalalang hindi nga pala ako nag-iisa sa pila sa kanya. Marami nga pala kami, and worse may mga nauna pa sa'kin. "Gusto raw nilang makita o gusto nilang magpapicture. Sana pala ginawa na lang nating 'Selfie with Samantha booth,' edi yumaman pa tayo in just a day."



"You mean, sa mga pumilang 'yon walang bumili ni isa?!" Gwen.



"Mayro'n naman. Bilang lang."



"Oh, okay na 'yon kaysa naman wala."



"Woah, besh." Napatingin ako kay Rob na nakatingin na sa akin at sa suot ko. "Hubadera ka today ah. Akala ko ba sabi mo simple lang ang outfit mo?"



"Hubadera?" Napatingin ako sa suot ko. "Simple lang naman 'to ah."



"Really?" Natawa siya. "Ang lakas ng dating mo. Maglalaway niyan ang boys!"



"This is my usual style kapag nagd'date tayong tatlo. What's new here?" I am wearing a black pleated mini skirt paired with a black seamless tank top, a white longsleeve shirt buttoned in the middle and showing off my shoulders, and white rubber shoes. This is my kind of style outside of school; minsan ay hindi ako ganoong conservative sa katawan ko. It really depends on the occasion, the place, and my mood. Sa amin ni Gwen, ako ang mas girly ang dating. "Wala lang talaga akong ibang maisip na babagay sa genre ng kakantahin ko. Simple na 'to sa'kin."



"I know that's your typical style pero parang iba kasi ang dating mo ngayon. Hmm..."



I frowned. "What do you mean?"



He shrugged. "Basta parang...may kakaiba sa aura mo. Anyway, I love it. You look pristine! Iba rin talaga ng sense of fashion mo, Skylie girl!"



"Tapos tatawagin lang ni Monteclaro na dugyot, 'no?" Bumungisngis si Gwen.



Inirapan ko siya. "Oh, ano naman? Katagalan nagustuhan ko rin naman na tinatawag niya akong ganon."



That's true, though. Minsan pa ay nam'miss ko na tinatawag niya akong ganon at nagiging matamis na rin sa pandinig ko ang salitang iyon—basta galing sa kanya.



"Ikaw lang ang kilala kong tinawag nang dugyot pero natuwa pa. Kung ako, mananapak ako."



"Syempre, ikaw 'yan eh," uyam ko naman sa kanya, "brutal ka eh."



"In love lang talaga siya, Gwenita." Sabi ni Rob sa kanya, ang minsanan kong tagapagtanggol. "Stop the bitterness. Isa ka lang hinog na ampalaya."



"Hinog na ampalaya ampota."



"Yup. Anyway, besh." Ipinatong ni Rob ang kanyang kanang siko sa lamesa at nangalumbaba paharap sa'kin. "Share ka naman ng nangyari kahapon. Naabutan mo ba siya no'ng sinundan mo siya?"



Bigla naman akong nalungkot nang maalala 'yon. "Mm. We talked." I said languidly.



"Ayan na naman kayo!" Gwen. Nilingon niya ang nakasaradong pinto. "Okay proceed. Sound proof dito. So naging okay naman ba ang pag-uusap niyo?"



"Nah. It didn't end well."



I told them how it went, but not exactly what we talked about. I didn't tell them that I saw pain in her eyes or that I knew she was hurting, disappointed, and sad at the same time because of me. I didn't tell them how much I hate myself right now.



I'm doing fine, but I'm not okay.



____________
- YESTERDAY -



"Samantha!" I shouted.



She immediately stopped.



She didn't let me call her twice; she turned and faced me. I felt a faint chill at the back of my neck as she gazed at me blankly. She was more scary than usual. I gulped and stared back, but I could not find the same pair of eyes I used to look at because she was giving me a glance I'd never seen from her before. Her eyes were too cloudy; they were like a mist, luring you into a huge desert of solitude until you lost sight of the way, until you lost them completely. And she was doing a good job masking her emotions behind them.



Nandito na kami ngayon sa corridor, sa locker area ng high school. Ito kasi ang daan papunta at palabas ng football field. Wala nang katao-tao sa paligid at kami na lamang dalawa ang nandito. Sumunod ako sa kanya nang umalis siya matapos maipaalam kina Rob at Gwen na umuwi na dahil maaga silang papasok bukas. Tinalikuran niya kaming tatlo at naiwan kami na parang binuhusan ng malamig na tubig—lalong-lalo na ako. I held my breath. Natatakot ako. Natatakot ako hindi dahil galit siya at baka awayin niya ako kundi natatakot ako sa posibleng mangyari pagkatapos ng araw na 'to. Paano na kami bukas? Sa mga susunod na araw? I couldn't help but feel a niggling sense of worry and sadness. I don't want us to go back to the way we used to—or even worse than that. Not again. Alam kong hindi siya akin, kailan man hindi magiging akin, pero masaya ako sa mayroon kami. Ayaw ko itong mawala.



Naglakad ako palapit at huminto ilang distansya ang layo mula sa kanya.



"I'm his sister," I swallowed hard after blurting that out. Alam kong huli na pero gusto ko pa rin marinig niyang manggaling sa akin 'yon. "I'm sorry if I didn't tell you right away. I just...it's...i-it's hard. I just found out about it recently. Natakot lang ako, pero wala akong balak na ilihim sayo 'yon."



I admit; I was uncomfortable when I found out about it. Natakot talaga ako at pakiramdam ko'y maling-mali na ang lahat. Hindi ko alam kung napansin niya pero ilang araw rin akong pasimpleng umiwas sa kanya. Hindi ko talaga alam ang gagawin. Ni hindi ko nga magawang kausapin si kuya at tanungin kung alam niya bang magkaklase kami ni Samantha. Naguguluhan ako kahit wala naman dapat ikalito. Ang dami kong gustong itanong kahit alam ko naman ang sagot. Napakaliit ba talaga ng mundo para umikot ito ng ganito? O sadyang ganito talaga maglaro ang tadhana? Ano pa man, wala na akong pakialam kung nalaman o narinig niya man ang tungkol sa pagtingin ko sa kanya, mas nag-aalala ako sa posibleng nararamdaman niya ngayon dahil sa narinig tungkol sa amin ng kapatid ko—kapatid niya. Ayaw kong isipin niya na pinaglalaruan ko siya at sinasamantala ko ang pakikitungo niya sa'kin dahil iyon ang isa sa mga bagay na hinding-hindi ko gagawin lalong-lalo na sa kanya.



"Are you truly sorry, or are you just sorry now because I know about it and that you made a fool of me that Monday morning?" I could already feel my emotions starting to rise where tears usually come next. Hindi ko magawang sumagot 'gayong hindi ko alam kung paniniwalaan niya pa ba ako sa mga sasabihin ko. That rainy day, Monday morning, is still as clear as daylight in my head. That little moment and short conversation we had kept me up until 3 a.m. because I was worrying about what would happen if I told her the truth that day. Probably her reaction would be the same as today, or perhaps slightly different? Kung may lakas lang sana ako ng loob noong araw na 'yon para sirain ang ganda ng umaga niya, kung hindi lang sana ako nag-aalala, kung alam ko lang sana kung paano sasabihin baka hindi na kami umabot pa ng Huwebes para lang dito. "I can't believe I trusted you." She sounds so disappointed. Walang nagbago sa lamig ng tono niya ngunit nandoon ang pagkamuhi at pagkadismaya. "I can't..." pumalatak siya at suminghap pa, "Tsk. I'm such a fool."



"I'm sorry. Believe me—!"



"I hate sorrys and excuses, Skylie Rae. That's something I've heard so much already! Sino ka, si Steph?!" Natahimik ako. Ang sakit no'n ah. Ihahalintulad na nga lang kay Stephano pa? "Now I know why I hated you so much the first time we met. Magkadugo pala kayong dalawa. Kapatid ka pala ng lalaking dahilan kung bakit ang miserable ng buhay namin, kung bakit pati magulang ko'y parang tinatalikuran na ako. Magkapatid pala kayo kaya iba rin ang kulo ng dugo ko sayo." Ramdam na ramdam ko ang hinanakit at pagkadisgusto niya kay kuya. Nanghihina ako sa tono niya at maging sa mapait na ngiti na nakaukit sa kanyang labi. I could feel her pain; it was like a knife in my chest. It was hurting me, too. "Simula nang dumating siya, unti-unting nawala sa'kin ang mga bagay na iniingatan ko. Hindi ko na nga alam kung may natitira pa dahil parang napunta na sa kanya lahat. Tapos ano? He would act like he's not doing anything wrong? Like he's innocent and a good son that every parent is lucky to have? Masaya ba siya? Masaya ba kayo? Palabas lang ba lahat, Skylie Rae? Akala ko pa naman iba ka sa kanila. Pare-pareho lang din pala kayo."



I looked down and firmly closed my eyes. I bit my lower lip. I felt like I was no longer functioning rationally. I hate this feeling. I hate myself for making her feel this way—upset, disappointed, and sad. What the fudge, Skylie! Hindi ako makapagsalita kahit gustong-gusto kong sabihin sa kanya na hindi ako kagaya ng iba, hindi ako aalis, hindi ko siya iiwang mag-isa. That I'm still her stranger, her dugyot, her friend, or her enemy, as she pleases; that I'm still the person who will always remind her that she matters, that she deserves to smile every day, and that she deserves all the happiness there is. And no matter what happen, that won't alter.



"You asked me the other day if I would hate Aecent's sister, right? Sabi ko naman depende sa mararamdaman ko kapag nakaharap ko siya—kapag nakaharap kita," she paused after emphasizing the last word. I gazed at her. I became more agitated watching her clench her jaw as she tried to hold herself back, not letting her emotion dominate her while talking and looking at me as she slid her hand into her blouse pocket. "I'll be honest; I don't like this, and I don't like you. This will be our last conversation because I'll never talk to you again, Fuentes. Kahit ano pang sabihin mo, hindi na kita pakikinggan pa."



"Samantha..."



"You're too good at this, you know. He taught you well. Tell me, did he tell you to be nice to me? You hated me, right? You still hate me pero dahil siguro sinabi niyang maging mabait ka sa'kin kaya bigla ka na lang—I don't know, suddenly you're too caring. Aminin mo nang ayaw mo sa'kin at napipilitan ka lang!"




"That's not true!" I asserted. "Ni minsan hindi ako nagpanggap sa harapan mo o sa harapan ng kahit na sino, Samantha. When I told you I hated you, I really did. But if I say I care for you, I genuinely do! And that doesn't matter if I hate you or not. I care and will always care for you!" I almost raised my voice because of an overwhelming emotion inside me. "Walang kinalaman dito si kuya. Recently ko lang nalaman na ikaw ang kapatid niya—!"



"I'm not!" Matigas na pagtanggi niya. "Hindi niya ako kapatid, hindi ko siya kadugo, hindi kita kadugo, ayaw ko ng kahit na konting koneksyon sa inyo!" Kung kanina'y malamig, ngayon naman ay painit na siya nang painit, tumataas na ang boses niya. Her emotions were now starting to run amok, and her words were getting sharp and harsh. Nababasa ko na ang galit sa mga mata niya. "Akala ko ba masaya ang pamilya niyo? Akala ko ba pinalaki kayo ng maayos? Eh ano 'tong pinaggagawa niyo?! Sayo pa talaga nanggaling na pinalaki ka ng maayos ah. Who did? Your MOM?!"



Napasulyap ako sa paligid para masiguro na walang tao. "Monster...pwede bang—!"



"Stop calling me monster! Kung may monster man dito, 'yon ay ang taong nanira ng pamilya at ang taong nakikihati sa ama. In short, ang pamilya niyo!" Hindi na niya napigilan pa ang emosyon niya. She was so enraged that even her eyes were already dangerous to look at. She was already on the verge of tears. "Especially your mom!" She didn't know what was really going on. She had no idea and didn't seem to have asked, and no one has even told her about it yet—about what happened to Kuya's mom and the story behind the love affair with his dad. "Saan siya ngayon? Bakit kayo lang ang nanggugulo sa buhay namin? Ba't di pa siya sumali? Siya ang nagsimula pero 'di niya kayang tapusin? Hiyang-hiya ba siya? If she's just using you and your brother to get my dad, then tell her to stop being delusional. A home wrecker never—!"



Hindi ko siya nagawang patapusin. She, unfortunately, pressed my trigger button. Sa sobrang inis ko sa mga sinasabi niya...wala sa sarili akong humakbang palapit at hinawakan siya sa kwelyo ng kanyang uniporme. Nagulat siya sa ginawa ko. Nanginginig ang dalawang kamay ko sa pagkapikon 'pagkat tuluyan na rin akong nawala sa aking kontrol.



"Please, stop!" Pagtitimpi ko. Hindi ko maatim ang mga naririnig dahil ang insulto sa pamilya ko ay insulto sa'kin. "Fine. Hate me. Hate me kasi nagsingungaling ako. Talk behind my back about him, about us, but not in front of my face, Samantha!" Garalgal ang boses na banggit ko. "Kung hindi mo siya kayang tanggapin bilang kapatid, ako tanggap ko siya. H'wag mo siyang insultuhin sa harapan ko. Hindi niya kasalanan na isinilang siya dala ng kapasukuan ng dalawang tao na gumawa sa kanya. Kung may dapat na sisihin dito, alam mo kung sino 'yon! Talk to your dad! Ask him!"



"Shut up! Get your hands off me!" Hinawi niya ang kamay ko at saka niya ako itinulak. Umatras siya. Dumistansya siya nang may suklam ang ekspresyon sa mukha. "You're really testing the demon in me, Skylie Rae. If I were you, ihahanda ko na ang sarili ko dahil alam mo na siguro kung saan ka pupulutin!" Nagpupuyos na sabi niya.



"Do it," hamon ko naman. I smiled wanly. "Kung iyon ang magpapasaya sayo, sige gawin mo."



"Of course," malamig na tugon niya. "You know I love seeing you suffer, right?" at saka niya ako tinalikuran.



And I just watched her walk away.



__________________



Our 'talk' ended just like that.



"Tangeks. Baka i-kick out kana talaga," sabi ni Gwen.



"Oo nga. Alam mo naman si pres kapag tinopak, lahat kaya niyang gawin." Rob



"Sa tingin ko hindi niya gagawin 'yon," sabi ko naman. "Kung maaalis man ako rito, hindi siya ang magiging dahilan."



Kapag nagsumbong 'yon sa mommy niya baka higit pa sa kick out ang makuha ko.



"Wala naman ba siyang sinabi na hindi maganda sayo?" Tanong ni Gwen.




Bukod sa sinabi niya na kung ano-ano tungkol kay kuya..."Wala naman."



"Buti naman kasi kung meron...'di rin kita maipagtatanggol sa kanya," kamot ang ulo na sabi niya. "Alam mo namang may atraso rin ako. Hindi nga ako pinatulog ng mga sinabi ni Shannon eh."



"Deserved!" Rob.



"Gago!"



"How about your feelings toward her, besh?" Baling ni Rob sa'kin. "Nagalit din ba siya roon? Anong reaksyon niya?"



"Actually, hindi niya nabanggit. Feeling ko hindi niya narinig 'yon."



"Imposibleng hindi."



"Baliw ba kayo?!" Si Gwen, sabay lingon ulit sa pinto na nakasarado. "Uunahin niya pa ba 'yon kaysa roon sa issue kay Kuya Juss? At kung narinig niya man 'yon, Ulap iiwasan ka talaga no'n. Straight pa sa'kin 'yon eh!"



"Straight ka?" Sabay naming tanong ni Rob.



"Mga gago!" Natawa kami. "Pero ito Ulap, to tell you the truth, may plano dapat ako eh."



"Ano na naman 'yan?"



"I invited Jace today kasi balak ko sanang ipabuntot siya sayo at harut-harutin ka para makita kung magseselos ba si Monteclaro since sinasabi nitong si bakla na may chance ka raw, kaso...matapos ang nangyari kahapon, naisipan kong bawiin nalang. Mukhang 'di magandang ideya. Baka lumala lang. Abort mission, abort!"



"Kaya pala binanggit mo siya last time kahit 'di naman siya kasali sa pinag-uusapan natin," sabi ko.



"May chance before," sabi naman ni bakla. "Ngayon...parang zero percent na, besh." ngiwi niya sa'kin.



"I know." Pilit ang ngiting sagot ko. Una pa lang alam ko namang walang chance kaya nga sabi ko hindi ko siya i-p'pursue. "Nagkita ba kayo rito kanina?" Tanong ko kay Rob kapagkuwan.



"Oo, besh. Nakasungit mode nga siya eh. Halatang masama ang gising. Sinabi lang sa'kin na kami na ang magtake over sa briefing tapos umalis na siya. Humingi nga ako ng sorry eh, pero hindi ako pinansin."



I nodded. And I feel bad again. "Sorry. Nadamay pa kayo."



"Besh, sanay na kami kay pres."



"Tumigil ka, Ulap. H'wag mong sisihin sarili mo. Normal lang na umakto ng ganon 'yon," sabi naman ni Gwen. "Isipin mo na lang astronaut siya, bigyan mo muna ng space."



I sighed and nodded. "Yeah. And let's stop talking about her. Baka bigla na namang dumating 'yon, madagdagan pa ang kasalanan ko."



"Tsk. Alam mo." Biglang kalabit niya kay Rob. "Kung magkaroon man ng himala at maging sila ng presidente natin, under 'tong manok natin. Tumitiklop sa babae. Weakshit!"



Napasimangot ako. Weak? Akala mo naman sila hindi takot kay monster. Pare-pareho lang naman kami.



"Yan din una kong naisip no'n, besh. Pero nakakatakot naman kasi talaga si pres. Kahit sino pa yata maging jowa non magiging under niya."



"Oh 'di ba," singhap ko sabay duro kay Gwen. "H'wag nga ako. Takot nga rin kayo sa kanya eh."



"Kayo lang!"



"Tsk." Ayaw talagang padaig. "Oo na. Change topic na. Ano bang id'discuss mo? Sabihin mo na para makalabas na tayo dahil baka nagsisimula na sila."



"Yon nga 'yong binago ni Monteclaro."



"Yon lang?"



"Mayro'n pa. Tungkol sa Valentine's day next month." I groaned. Every year na lang talaga naming pinag-uusapan 'to. Jusko naman. "Makinig ka muna! Ayaw ko rin naman sanang pumunta kasi obviously puro mga cornetto lovebirds lang ang makikita natin, mga naglolokohan lang. Pero itong si gunggong," turo niya kay Rob na nakangiting aso ngayon at mukhang may nakakaproud na ginawa. "Ni-register tayo for Valentine's night, girl!"



"Rob!" Alma ko.



"Pagbigyan niyo na ako, Sky. Kahit isang beses lang. Next year 'di ko na kayo kukulitin. Promise." Rob.



"I already said yes, Ulap, kaya ikaw rin sana. Damayan mo naman ako! What if last year mo na pala ngayon dito kasi i-k'kick out kana?" Gwen.



"What if hindi na ako abutan ng Valentine's?!" Pang-uuyam ko sa kanya. Parang gustong-gusto niyang makick out ako ah. "Masyado talaga kayong pala-desisyon!"



"Pumayag kana, besh." Rob.




"Oo na. Sige na." Walang magawa na pagsuko ko. Napapalakpak naman sa tuwa si bakla. "Oh, ano pa bukod doon? Alam kong mayro'n pa. Mukhang nilubos-lubos niyo na eh."



"Ah ito, Ulap. Wala pang registration 'to kasi matagal pa pero gusto kong sumali ka kasi sasali rin ako."



"Harrison Party?" Panghuhula ko. Tinanggihan ko rin kasi 'to last year kahit pa hindi ito natuloy. "College week?"



"Hindi. Iba 'to. First time 'to sa school natin." Nagtaas-baba siya ng kilay. She rose from her seat, spread her arms wide, smiled, and lively said, "Masquerade ball!"



"She's that excited," Rob chuckled.



"Isasabay 'to sa year end party, Ulap. June pa kaya mahaba-haba ang preparation natin. I-aannounce pa lang 'to sa Monday."



"Bakasyon na no'n ah. At pupunta kaming Finland. Though hindi pa naman sure pero paano kung matuloy kami?"



"Paano kung hindi?" She countered. I rolled my eyes at her. "June 1 'to. Imposibleng June 1 din ang alis niyo. Sumama kana, Ulap. H'wag kanang magdahilan, please? Ngayong taon lang 'to!"



Hay nako. Talo na naman tayo sa diskusyon.



"Oo na. Bwesit kayo. Magpapaalam ako!"



"No need. Kami na ang magpapaalam para sayo," Gwen.



"All you have to do is sit down, relax, and wait." Rob.



Ang husay naman.



"Tsk. Palibhasa alam niyong 'di kayo tatanggihan ng magulang ko."




_________________

NAGSIMULA na ang event. Hinihintay ko na lamang tawagin ang pangalan ko. I am so nervous right now that I think I am going to pass out any minute. Kasalukuyan akong nasa backstage kasama si Rob na parang mas kabado pa sa akin; kanina niya pa inuulit na galingan ko at h'wag akong kabahan. Eh sa bahay pa lang kanina kinakabahan na nga ako. Nandito rin si Gwen na walang ibang ginawa kundi sawayin si Akaizha na may dalang camera at panay ang kuha ng litrato. Akala ko ba okay na silang dalawa? Kami ang nai-stress sa bangayan nilang dalawa. Pareho silang patola.



"Doon ka kaya sa labas magpicture. Ang dami-daming tao roon. Sila ang picturan mo!" sabi ni Gwen kay Akaizha.



"God. You're such a crybaby! You complain about almost everything I do, even the trivial ones. Are you just making papansin?"



Sabay namin silang nilingon ni Rob, nakatalikod kasi kami sa gawi nila. Doon ko lang din napansin na nandito rin pala sina Axelle at Xoey na tuwang-tuwa sa sagutan ng dalawa.



"Picturan mo raw kasi siya," gatong ni Axelle.



"H'wag na. Hindi mabibigyang hustisya niyang camera niya ang ganda ko 'no!" Gwen.



"Ohhh!" Xoey.



"As if naman tatanggapin ng camera ko ang mukha mo. Baka masira pa, magkavirus pa ang SD card ko." Kai.



"Ohhh." Xoey.



"Bagay kayo." Axelle.



"Ohhh. LGBTQIA plus." Xoey.



Nag-iwas na ako ng tingin sa kanila dahil natatawa na ako kay Xoey. Ganon din si Rob. "Loka-loka talaga 'tong si Xoey," sabi niya.



"Buti wala si Ate Ella," sabi ko naman.



"Teh, mas malala 'yang si Axelle. Mas boang 'yan kaysa kay Ella."



"Parang lahat naman kayo," sagot ko. "Iyong president niyo may sayad tapos kayo...parang mga kulang sa aruga."



"Hoy, girl!" React niya. Nahampas niya ako sa balikat na ikinatawa ko naman. "Hinay-hinay naman sa pananalita. Masyado kang prangka."



"Sorry. Sorry." I chuckled.



"Hindi kana kinakabahan niyan?"



"Kinakabahan pa rin," ngiwi ko.



"Kaya mo 'yan. Ikaw pa ba?! H'wag kang matakot, nasa labas lang din kami. Sa amin ka tumingin kung hindi mo kayang tumingin sa crowd. Doon kami p'pwesto kung nasaan ang parents mo."



"Nand'yan na sila?" Tanong ko patungkol sa parents ko. Hindi sana sila pupunta dahil a-attend sila ng kasal ng pinsan ko at sinabi ko rin na wala akong masyadong exposure, pero dahil gustong-gusto nilang makita ako na kumanta sa harap ng maraming tao, dumaan muna sila rito sandali.



"Oo. Kanina pa sila nandito."



"Si kuya, kasama ba nila?"



"Yes, nandiyan din."



Tumango ako. Gusto ko pa sanang itanong kung nasa labas din ba si Samantha, pero hindi na ako umimik pa dahil tinawag na ang pangalan ko.



"Rob..." napakapit ako sa braso niya.



"Ang lamig mo!"



"Naiihi ako sa kaba." I bit my lip.



"Ulap, mic mo." Inabot ni Gwen sa'kin ang microphone. "Kalma lang. Nasa bandang likod kami, doon ka tumingin." Pinitik niya ako sa noo. "Good luck."



"Break a leg, Sky! Knock them dead!" Kai.



"Good luck, Rae!" Axelle.



"Kaya mo 'yan, Rae-rae. Show them how Harrison girls do it!" Xoey.



Kinakabahan man ay ngumiti ako sa kanila. Huminga ako ng malalim at saka naglakad palabas. Hiyawan ang sumalubong sa akin. Naglibot ako ng tingin. The crowd was so overwhelming that my blood seemed to have dried up and my throat felt stuffed. Ang daming tao. I felt so anxious that I just wanted to get out and run away.



The last time I sang in front of a large group of people was way back in grade school. I was bashful at that moment, but I'm not sure I was nervous. Or maybe I was; I was apprehensive and I just didn't know. It was the first singing contest I joined. I didn't win, but that wasn't the reason why I stopped standing in front of a throng. Since then, I had completely forgotten how it felt to be in a tense situation—until today. And perhaps it is stage fright that is holding me back because I'm up against my mind, which tells me I can't do it and causes my emotions to erupt. It's really hard for me to relax and even calm my breathing.



Fudge! Calm down, Skylie. You can do it!



Naglikot ako ng mata. Dinala ko ang aking tingin sa parteng unahan, umaasang nandoon siya, ngunit kagaya ng inaasahan ko ay wala siya. 'If ever na kabahan ka, just look at me. I'm just there no matter what happen.' Wala ka naman eh. Malamang ayaw mo na akong makita pa.



Tumingin ako sa bandang likuran. Nandoon ang parents ko, sina ate at kuya, at pati na rin ang dalawa kong kaibigan. Lahat sila nakangiti sa'kin and mouthing 'kaya mo 'yan'. At least I have them. Huminga ako ng malalim at hinawakan ng mahigpit ang microphone. Pinakiramdaman ko ang paligid lalo na nang magsitahimik sila, naghihintay na magsimula ako. Of course, I can do it. I am too good at this! Sinulyapan ko ang band na kasama ko sa entablado, para sa back up vocals kung kinakailangan. They nodded at me, and so did I.



Muli kong ibinalik ang aking tingin sa harapan at natigilan ako nang masulyapan ko siya. She's here. Monster is here. Lihim akong napangiti nang makita ko siya sa bandang gilid kung saan nangingibabaw ang ganda niya sa lahat ng mga nandito. Kasama niya si Steph at iba pang tao na hindi ko kilala, kinakausap siya ng mga ito ngunit sa akin lang nakapirmi ang kanyang mga mata. Natuwa ng labis ang puso ko dahil sa presensya niya na maging ang kaba ko'y mabilis na humupa. Malakas pa rin ang tibok ng puso ko pero hindi na ito sanhi ng takot kundi dahil alam kong nandito siya.



Ngumiti ako. Inangat ko ang mikropono at tumingin sa mga tao.



I'm ready.



"I'm sorry for a minute's delay, guys." Nagsimula na akong lumapit. Malawak ang stage, akala mo'y concert, at may hagdan sa gitna kung saan pwede kang bumaba. "Let's enjoy this moment. I want you to sing with me. I want you to dance! Pwede ba 'yon?!" Naghiyawan sila at sinagot naman ako. Mabuti na lang ay game na game sila at marunong sumabay. "Cool. That's the energy I'm looking for!" I giggled at them. "Let's go!"



I snapped my fingers to give a cue to the DJ. As the music began to take over, we began to feel the desire to move around, tap our shoes on the floor, clap our hands, bob our heads, and dance. Lahat ay sumasabay sa ritmo, lahat ay umiindak.



From the long list of songs they gave me, I let my sister choose one, and she picked Justin Timberlake's Can't Stop the Feeling. She loves these kinds of songs. Mga ganito ang palagi niyang pinapatugtog sa bahay tapos sasabayan niya ng sayaw at kanta. Magsasawa ka talaga sa mala-concert performance niya every weekend.



"I got this feeling inside my bones. It goes electric, wavey when I turn it on. All through my city, all through my home."



They were singing with me.



"We were flying up, no ceiling, when we in our zone."



Gumalaw ako sa kabuuan ng stage. Hindi ko sinayang ang bawat espasyo. I walked around, I ran, I jumped, I danced, and then I walked down the stairs.



"Under the lights when everything goes." I stepped closer to the crowd and walked slowly, as if I were the most attractive woman here. "Nowhere to hide when I'm getting you close. When we move, well, you already know. Just imagine..." I spun and danced with them. "Nothing I see but you when you dance dance dance. Feeling good, good, creeping up on you, so just dance dance dance."



This was my first time feeling and experiencing music this way. It was completely new to me; it was an absolute feeling, like an art, and it gave me the most joy today.



Masayang-masaya ako nang matapos ang kanta.



Pagbalik ko sa backstage ay sinalubong ako ng Music Club members na hinihintay ako para lang batiin. Niyakap nila ako. Sobrang saya nila, daig ko pa ang sumali sa contest at nanalo ng isang milyon. Kabadong-kabado raw kasi ako kanina at nag-aalala sila na baka bigla na lamang akong umalis. They were so proud of me. They said they were overjoyed of my performance. At natunaw lang naman ang puso ko nang marinig iyon.



"Rae-rae, I didn't know you could dance!" Salubong sa akin ni Xoey nang lumabas ako para puntahan ang parents ko. "Oh my gosh. Ang galing-galing mo!" Niyakap niya rin ako. "Alam mo bang kinabahan kami sayo kanina? Ang tagal mo kayang nakatayo lang doon sa stage!"



"Gusto ko na ngang umiyak doon eh," biro ko.



"We're proud of you. You ate it! Ang talented mo!"



I gave her a warm smile. "Thank you, Xoe."



"Sabi sayo kaya mo eh. Dapat hindi kana masyadong kabado sa susunod ah?



"I'll try." I laughed.



"You should. Hahanapin ko si pres. Magmamakaawa akong ibalik niya ang second performance mo!"



I giggled. I tapped her shoulder. "Sure. Good luck with that."



Pagkatapos kong makausap si Xoey ay dumating sina Gwen, Rob, Ate Ella, at ibang council members. Ang dami kong nakuhang reaksyon sa kanila kasama na ang tanong kung kailan pa raw ako natutong sumayaw? Sino ba kasing may sabi sa mga 'to na hindi ako marunong sumayaw? Masaya ako sa naging resulta ng pagtungtong kong muli ng entabaldo at pagharap sa maraming tao. I finally overcame my stage fright. Tama si Xoey, kaya ko naman pala. At kakayanin kong muli sa mga susunod pa.



Sa daming bumati sa akin, mga kakilala at hindi ko kilala, mga nagtatanong ng pangalan ko at nanghihingi ng numero...sa isang tao pa rin ang bagsak ng isipan ko. Hinanap ko siya sa paligid ngunit bigo akong makita siya.



"Mommy, dad!" Tumakbo ako palapit sa kanila. Niyakap ko si dad at napasimangot naman agad ang matampuhin kong nanay.



"Ang galing ng bunso namin!" Dad.



"Thank you, dad."



"Para kang artista roon!"



"Ako lang 'to, dad." Natatawang sabi ko saka ako lumapit kay mommy na mukhang masama na agad ang loob na hindi siya ang una kong niyakap. I hugged her. "Si mommy talaga oh. Hindi lang nayakap agad haha. I love you. Thank you sa pagdaan niyo."



"Umiyak 'yan si mommy," biglang sabi ni ate.



"Sshh!" Saway niya na ikinatawa namin.



Tumingin ako sa kanya. "Ba't ka naman umiyak, ma?"



"Natutuwa lang ako na nagawa mo nang kumanta sa harap ng maraming tao. Dati kahit anong pilit namin sayo ayaw mo tapos iiyak ka pa," sabi niya at naiiyak na naman. Niyakap ko ulit siya. "We're just so proud of you, my baby bunso. You're amazing."



"Thank you, mommy."



"How about me? Proud din ako sayo!" Sabi naman ni ate. "Where's my hug?"



Natawa sina mom sa kanya at nailing naman ako. "Ang clingy niyong lahat," sabi ko at niyakap na rin siya.



"Mommy oh. Nagr'reklamo. Clingy raw tayo."



"Sumbongera!" Kumawala ako sa yakap at inirapan siya. Napansin kong may nawawala sa'min. "Saan si kuya?"



"Restroom." Dad.



"Kakanta ka pa ba ulit mamaya, bunso?" Tanong ni mommy.



"Ah, hindi na, mommy. Wala nang kasunod. Pero hindi pa rin ako makakasama sa inyo. Try ko na lang sumunod if may time pa. Kapag tinamad ako, uuwi na lang siguro ako."



"Sigurado ka? Baka kasi gabihin kami. I-lock mo ang pinto ah?"



"Opo."



"Tita! Tito!" Biglang dumating si Gwen dala ang malaking tarpaulin ng booth nila. Natawa ako. Anong pinaggagawa nito? "Since nandito na rin kayo. Bago kayo umuwi, baka gusto niyong i-support ang fundraiser booth namin. Bili kayo, please?"



"Oh, nice." Si dad na mukhang na-amaze sa nakaprint sa tarp. "Tell us about it, Gwen." "



"May merch kaming tinitinda, tito. Shirt, mug, and iba pa. Mura lang pero quality! At lahat ng kita namin mapupunta sa home for the aged na matagal nang sinusuportahan ng school and clubs dito sa Harrison. Tapos kapag bumili kayo, bibigyan namin kayo ng voucher na pwede niyong gamitin sa kahit na anong store dito sa loob ng campus. Pwede niyo pong ibigay kay Skylie," lintaya niya. Kuhang-kuha naman sa sales talk niya si dad na napapatango pa habang nakikinig. "We also guarantee tito na walang kupit sa kita namin. Lahat talaga, kahit pisong duling, mapupunta sa fundraiser. Totoo."



Natawa kami ni ate.



Okay na sana kaso ang defensive ng huling linya.



"Mamatay?" Tanong ko.



"Manahimik ka, Ulap."



Natawa ulit kami.



"Sige, nak. Dadaan kami bago umuwi. Saan ba banda ang pwesto niyo?" Tanong ni mommy.



"Yon po," turo niya sa stall na hindi pinapansin ng mga tao. "Iyong pinaka maganda po."



"Iyong may blue balloons? Aba, ang ganda nga ah. Mukhang pinag-isipan niyo ah." Si dad.



"Hindi po. 'Yong green po, tito."



"Ah." Tawang-tawa kami sa dismayadong tono ni dad. "Okay naman."



"Tito, product quality pa rin over booth design!"



"Oo naman, nak." Dad.



"You're such a cutie talaga, Gwenie!" sabi naman ni ate sa kanya.



"Thank you, Ate. Bili ka rin po ah?"



At tuluyan niyang nabudol ang pamilya ko.



HININTAY lang naming makabalik si kuya at umalis na rin sila. Dumaan sila sa booth ng student council pero hindi na ako sumama, pinili kong maglibot na lamang. Music Festival was also opened for public. Dapat exclusive lang 'to sa mga piling paaralan pero dahil siguro ay naisip nila na magb'benefit ang lahat lalo na ang school kaya binuksan na rin nila sa publiko. May entrance fee para sa outsiders at libre naman para sa mga estudyante ng mga piling paaralan na kabilang sa event. Malawak naman ang lugar pati na rin ang campus kaya walang problema kahit gaano karaming tao ang papasukin nila. Sa seguridad naman, mukhang maayos naman. Wala pa  naman akong nababalitaang kakaiba magmula kanina. At sana lang ay matiwasay at payapang matapos ang araw na 'to para sa lahat.



Maraming activities sa paligid mula sa hatid ng paaralan namin hanggang sa dala ng iba't ibang koliheyo at unibersidad na kalahok sa festival na 'to. May games, karaoke, theater play, horror experience, movie date, dance with me booth, wedding, jail booth, food stalll, and many more. Hindi ka magsasawa pero mapapagod ka. Una kong pinuntahan ang post ng section namin na humabol lang sa registration. It's a singing booth where you need to hit a certain score to get a prize. Hindi ko na sinubukan dahil may mga nakapila, dumaan lang ako at tinungo na ang iba pa. Literal na naglibot lang ako dahil wala naman akong dalang pera; may bayad kasi halos lahat ng mga nadaanan ko, except sa tasting—food tasting. Hinuli ko talaga 'yong bay nila, kung saan lahat nang stalls rito ay galing sa culinary department ng iba't ibang paaralan. At sa lahat ng natikman ko, pinakamasarap ang galing sa Feminy. Kaso nga lang isang beses lang ang free taste nila; kailangan mo nang bumili ng food stub kung gusto mo ng all out food trip. And it's so pricey!



Pagkatapos kong pagurin ang sarili kong maglibot, naisipan kong bumalik ng Music Club para magpalit ng damit dahil baka amoy pawis na ako. What if makasalubong ko si monster tapos yakapin ako 'di ba? Sorry na, delusyonal lang. Bago 'yon, dumaan muna ako ng locker para kunin ang phone kong iniwan ko roon. And on my way there, nakasalubong ko si Faraji na akala ko'y hindi a-attend ng festival dahil iyon ang sabi niya sa'kin.



"Raj," nakangiting tawag ko. "Pupunta ka rin pala eh."



Huminto siya sa harapan ko. "Yeah, just to see you."



Medyo natigilan ako sa walang kagatol-gatol niyang sagot. Hindi agad ako nakaimik. "Ahh...to see me?"



"Yeah. You said you'd sing for the first time in front of a large crowd, so I came to be one of them." Mas lalo akong nawalan ng sasabihin dahil sa narinig. Why is he talking like this? Does he usually talk like this? Actually, he doesn't. He is a man who speaks infrequently. He is a man of few words. Seriously, what happened to him? "I always see you bring your guitar all the time, but you merely play it with a little humming and never sing. I'm just curious about your voice; that's why I'm here."



Ayon naman pala. Curious lang naman pala.



I smiled. In fairness sa kanya, ang dami niyang baon na words today. Achievement unlocked. Pero hindi ko na binanggit sa kanya. Ayaw kong isipin niya na inaasar ko siya. I don't really mind if he says a lot, a little, or nothing at all. Natutuwa lang ako na kahit papaano ay komportable na siyang kausapin ako. "Thank you, Raj. So how was it? Do I sound good?" I smirked.



"Angelic," sagot niya ngunit wala man lang kabuhay-buhay ang tono niya. Pero naflattered pa rin naman ako. "Give me your hand," he said. I frowned, a bit confused, when he walked closer and held my left hand. "I have something for you." May inilabas siya mula sa kanyang bulsa at ikinabit sa kamay ko; isang wristband meal stub sticker. "Someone gave this to me, but I need to get going. You can have it. Go to the Feminy Food Zone. They serve a wide range of foods there. Eat anything you want. You deserve it."



Nagniningning ang mga mata ko habang nakatingin sa stub. Paano ba naman, ito 'yong doon sa masarap na pagkain na natikman ko kanina, at ang mahal nitong food ticket nila! Gusto ko sanang bumili kaso bukod sa wala akong dalang pera kanina, nanghihinayang din ako. Mabilis kasi akong mabusog kaya lugi.



"Sure ka ba, Raj?" Tanong ko. "Ang mahal nito. Baka magalit sa'kin ang nagbigay sayo nito," dagdag ko ngunit hindi siya umimik. Nag-angat ako ng tingin at wala na pala siya sa harapan ko. Naglalakad na siya palayo. Nakakainis talaga 'to! "Raj!" Tawag ko pero hindi na niya ako pinansin. Hays! "Thank you rito! Promise kakain ako ng marami para hindi masayang!"



Ang suplado talaga.



Inangat ko ang kamay ko at tinignan muli ang wristband. Napangiti ako. "May foodstub na ako. Thank you, Raj!" Napaimpit pa ako sa saya. Happy kid! "Anong oras kaya ako kakain?"



Puno ng galak kong tinungo ang locker area. I couldn't believe na sasaya ako sa simpleng meal stub lang. Ang mahal kasi nito! 'Di ba nga? Paulit-ulit? Masaya ako sa kinahinatnan ng performance ko kanina pero ba't parang mas masaya ako ngayon? Haha. You can't blame me; food is life, lifer, lifest! It's everything lalo na kapag gutom ka at masarap na pagkain ang naghihintay sayo!



"Hala. What's this?" Natigilan ako pagdating sa mismong locker ko. Nasa harapan na ako saka ko lang napansin na may nakasabit na black paper bag sa padlock. "Kanino 'to? Sa'kin ba 'to?"



Ang alam ko brown ang dala kong paperbag, hindi black. At doon ko iniwan sa office, hindi rito.



Kinuha ko ito at sinilip ang laman. Medyo mabigat ito. Hindi ko alam kung ano 'yong nakikita ko sa loob kaya inilabas ko na. Isang black box at may note sa ibabaw that says, 'J'adore ton sourire'. "Huh? Ano raw?" Hindi yata para sa'kin 'to. Baka nagkamali lang. Sinipat-sipat ko ang box na sa tingin ko ay chocolate ang laman. "Mukhang imported ah. Sinong naglagay nito rito?" Tumingin-tingin ako sa paligid. May mga dumadaan pero wala namang nakatingin sa'kin para i-claim ang hawak ko. "Okay. Sige. Akin na lang," mahinang sabi ko.



Happy na, happy pa!



Nangingiti kong binuksan ang aking locker. Kinuha ko ang phone ko at ipinasok ang paper bag. Bago umalis ay sinearch ko muna sa google ang meaning ng nasa note. Sabi niya, J'adore ton sourire means I love your smile. Okay. Someone loves my smile, huh?



"Hi, Juls!" Bati ko kay Julius na nakasalubong ko sa labas ng office.



"Hi, Rae. Buti nagkita tayo. May naghahanap sayo. Pinapatawag ka raw sa Administrators' building."



Kabado na naman ako sa narinig. "Ngayon? Bakit daw?"



"Sabi ni Samantha kakausapin ka raw ng School Director natin."



"School director?" Lihim akong napalunok. Ito na ba ang katapusan ko? Nagsumbong na ba siya? Tatanggalin na ba ako? "M-may kasalanan ba ako?"



"Wala, ano ka ba. H'wag kang kabahan," natatawang sabi niya. "Kung may kasalanan ka sa detention dapat ang punta mo, hindi roon sa main."



'Di mo sure.



"Nakakakaba naman. Ba't kasi bigla-bigla na lamang akong pinapapunta roon?" Nag-ooverthink tuloy ako.



"Kalma lang. Mabait naman ang director." I sighed and nodded. "At magpalit ka raw pala ng damit sabi ni Samantha."



Napatingin ako sa suot ko. "Magpapalit nga ako pero...may problema ba sa suot ko?"



"Para sa'kin wala naman pero sabi niya kasi masakit daw sa mata."



"Aba. Baliw 'yon ah!"



Natawa siya. "You look immaculate, Rae. Don't mind her." I just smiled at him. "Siya nga pala, sabi ni Mrs. Lopez, kung gusto mong ituloy ang second performance mo, sabihin mo lang sa kanya."



"Eh 'di ba si Samantha nagpatanggal no'n?"



"Oo. Nalaman niya kasi na nakiusap ka no'ng nakaraan kay Mrs. Lopez kung pwedeng tanggalin pero dahil wala siyang nagawa at hindi niya hawak ang desisyon, si Samantha na ang gumawa ng paraan."



Lihim akong napangiti. Ginawa niya 'yon para sa akin?



Tumango ako. "I see."



"So pa'no, una muna ako sayo ah? Babalik lang ako sa booth natin. Punta ka nalang doon sa main."



"Sige, pres."



Nakangiti akong pumasok ng office. Hay nako, monster. Kinikilig na naman ako sayo. Nagpalit lang ako ng top. Wala akong ibang dalang damit kundi ang gray sweatshirt na gift lang din sa'kin at ngayon ko pa lang isusuot ulit. I kind of like it kasi malinis tignan at maliit lang ang nakalagay na print that says, 'you and me'. Comfy rin at hindi mainit sa katawan. Bigay 'to ni Tito Den last Christmas. Yes, bigay ng daddy ni monster.



After kong magbihis ay pumunta na agad ako sa Administrators' building, o ang tinatawag naming main. Sa totoo lang, ngayon pa lang ako makakapasok sa lugar na 'yon dahil ngayon lang din naman ako pinatawag, kaya naman hindi ko rin maisantabi ang pag-aalala at pag-iisip ng kung ano-ano. Nakakanerbyos. Pagdating ko ay walang kahirap-hirap akong nakapasok sa entrance ng building. Mukhang na-orient silang lahat dahil wala man lang akong nakuhang tanong mula sa security guard, at maging ang receptionist ay hindi na ako hinayaang magtanong pa, sila na mismo ang nagsabi na sa 11th floor naghihintay ang school director.



"Lakas maka-hotel ah," sabi ko habang nasa loob ako ng elevator at nakatingin sa repleksyon ko sa salamin na nasa likurang gawi. "I think okay naman 'tong suot ko."



Pero school director ang makakaharap ko, parang nakakaconscious naman.



*ding*



Mabilis akong napaharap sa gawi ng pintuan nang tumunog ang elevator, at nagulat ako nang makitang nakatayo sa labas ang babaeng...nam'miss ko. She was busy with her phone kaya nagulat din siyang makita ako nang mag-angat siya ng tingin. Kumunot ang noo niya. Nag-iwas ako at agad na lumabas. We walked past each other like strangers in the street where one or both didn't really care. Nalanghap ko ang pabango niya. She smells so good. Always.



"Tsk. Stupid." Napahinto ako nang marinig 'yon. Nilingon ko siya ngunit nakasara na ang elevator.



"Did she just call me stupid?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Mahina lang 'yon pero narinig ko talaga. "Ang sabihin mo nam'miss mo rin ako!"



Asa, Skylie.



"Hello, ma'am."



"Ay, tipaklong!" Napatakip ako ng bibig. Nagulat ako sa pagsulpot ng isang lalaki na may dalang pc monitor. IT siya ng paaralan base sa suot niyang uniform. "Sorry po. Nagulat lang po ako."



"Sorry po, ma'am." Paghingi niya rin ng tawad. "Sa'n po pala kayo? May hinahanap po kayo?"



"Ahh...sa head office po. Saan po 'yon?" Ang sabi ng receptionist 11th floor. 'Yon lang. Walang sinabing kanan o kaliwa gayong dalawa ang way na nakikita ko rito. Kaloka ah.



"Ah, sa 11th floor pa po 'yon, ma'am." Nakangiting sagot niya. Huh? Anong floor ba ako? Lumingon ako sa elevator. "8th floor po 'to."



Damn.



Napapikit ako ng mariin.



AAAHHH! Yawa!!!!



Oh my gosh. Nakakahiya!



Tumingin ako kay kuya at awkward na ngumiti sa kanya. Kunwari na lang hindi ko alam na 11th floor 'yon. "Thank you. Pasensya na po." Agad kong pinindot ang up button. Dahil tatlo ang elevator dito, agad namang tumunog at bumukas ang isa sa mga ito. Nagmamadali akong pumasok. "Thank you po." Ulit ko kay kuya na nakatingin pa rin habang pasara ang pinto.



H'wag kanang tumingin. Nahihiya na nga ako eh!



He smiled. "You're welcome, ma'am."



Marahas akong bumuntong hininga at sumandal. "Kasalanan 'to ni monster. Kung hindi sana siya sumakay, edi sana hindi ko iisipin na 11th floor na 'yon. At bakit ba walang nagsasalita sa elevator na 'to unlike roon sa student council building?! Hay nako!"



Teka. Kaya niya ba ako tinawag na stupid kasi mali ako ng floor?!



"Tapos hindi niya man lang sinabi sa'kin?!"



Wow. Amazing!



*ding*



Tumingin ako sa number sa itaas para hindi na naman ako mukhang tanga. Totoo na 'to. 11th floor. Huminga ako ng malalim at saka lumabas. Napatanga ako sa bumungad sa akin. Napakurap pa ako. Condo ba 'to o ano? Wait. Baka mali na naman ako. Nilingon ko ang elevator pero walang nakalagay na floor number. Naglibot ako ng tingin. Para akong pumasok sa isang five star hotel. Opisina 'to ng director? Weh? Hindi ko alam kung bakit nagugulat pa ako, eh 'yong opisina nga ni monster halos ay ganito rin naman.



"Good morning, Ms. Fuentes." Bati ng lumapit na personnel—or should I say butler. Nakasuot siya ng white suit. He bowed his head a little as he greeted me.



"Good morning po."



"This way, ma'am. Please follow me."



Umakyat kami sa golden stairs papunta sa mini second floor. Mapapaisip ka na lang kung totoong gold ba 'tong hagdan at kung pwedeng isangla? Sa sobrang kinang ni hindi ko kayang tignan. Pagdating namin sa itaas ay parang another condo na naman ang dating sa'kin. Iba ang design kaysa sa nasa baba lang nito. Visitor's area ang una mong makikita kung saan kasalukuyang nakaupo ang mga taong sa tingin ko'y kanina pa ako hinihintay.



Napalunok ako. Totoong-totoo na 'tong kaba ko.



Nandito ang director ng paaralan, si monster, at isang lalaki na hindi ko kilala. Nakaupo ang bawat isa sa kanila sa single-seater couch. Nasa bandang gitna ang director at sa magkabilaang gilid naman ang dalawa.



"She's here, Mr. Director."



Nakangiting tumayo ang director ng paaralan. "Ms. Fuentes."



"Good morning, sir," I greeted and bowed my head.



Breathe, Skylie. Mga tao lang din 'yan.



"Good morning!" Iginaya niya ang upuan na nasa harapan nila. Omg. Hot seat?! "Please take a seat."



The director's name is River Raoul Harrison. Bunsong kapatid siya ng school owner, at may chismis na sa kanya ipapasa ang paaralan bago kay Samantha. Parang ayaw nga ni monster nito eh. Iba ang gusto niya. May katandaan na rin ang school director pero hindi mo mahahalata dahil sa pagiging gandang lalaki niya. He's aging like a fine wine. Nasa lahi talaga nila ang pagiging gandang tao. Nakakahiyang mapabilang sa pamilya nila, parang first requirement ay dapat maganda ka rin.



"Do you want something to drink? Have you eaten yet?"



"I'm good, sir. Thank you."



I'm quavering. I placed both hands on my knees, trying to relax and sound as natural as possible. I'm really tense right now. Lahat sila ay nakatingin sa akin lalo na si monster na kung makatitig parang ayaw akong makita rito. Hindi ako makatingin pabalik. Hindi rin ako makatingin ng diretso. Hinintay kong magsalita ang director para pangunahan ang kung anumang pag-uusapan. Alam ko namang mabait ang school director naming ito, alam ng lahat 'yon, hindi siya intimidating, pero hindi ko pa rin maiwasang hindi matakot. Kung dalawa lang sana kaming magkaharap ngayon baka kaya ko pa, kaso...ba't ba nandito rin si monster? At sino ba 'tong isa pang lalaki?



The director spoke. Akala ko kung ano-anong sasabihin, i-c'congratulate lang naman pala ako sa pagkapanalo ko sa Science tournament last year at sa performance ko kanina. Kaloka. He also opened up about the school invitation. Gusto niyang malaman kung nakatanggap na ba ako ng bagong scholarship offer from other schools for next school year knowing na maraming offer din akong nakuha last year. He also encouraged me na h'wag nang lumipat ng school kung sakali dahil huling taon ko na rin naman next year. I didn't promise anything. Sinabi ko lang na wala pa akong natanggap, at kung mayroon man, pag-uusapan pa namin ito ng parents ko.



"What's her name?" Nagsalita ang lalaking kasama namin dito. Napatingin ako sa kanya. Sa tagal ko nang nakaupo rito, ngayon lang ako napatingin sa gawi niya dahil nakakailang ang mga titig nito. Si Evander ba 'to? Omg. Siya nga. Kung anong kina-gwapo niya roon sa Instagram niya, ay ganon din sa personal. Mas higit pa kung tutuosin. Pambihirang mukha 'yan. Ang gwapo! "Skylie Rae, right?"



I nodded and gave him a friendly smile.



"Shut up, Scott Evander! Minor 'yan," sabi ni monster. Minor? Ako? Minor ka naman talaga, Skylie. "Maraming babae sa labas, doon ka maghanap!"



"Okay? Chill."



"Stop, you two. Skylie this is Scott Evander, Samantha's cousin." Pagpapakilala sa kanya ng director. "Evan, meet Skylie, Khail's classmate and Harrison's Science Ace."



Ayan na naman tayo sa Science Ace na 'yan.



Tumayo si Evander at nakangising lumapit sa'kin. Oo nga. Tama nga sila. Tindig babaero nga. Akala ko makikipagshake hands lang ngunit nagulat ako nang lumuhod niya. Kukunin na sana niya ang kamay ko nang muling magsalita si monster, and this time nakakatakot na talaga ang tono niya.



"Don't you dare touch her hand, Evander Monroe!" Sabay kaming napatingin sa kanya. Her eyes were on fire. Ilang segundo rin silang nagkatitigan ng pinsan niya. "You know what I mean, right?"



"Tsk." Palatak ni Evander at saka tumayo. Nakipagkamay na lamang siya sa'kin. "Nice to meet you, Skylie Rae. Too bad, may nauna na sa'kin."



Ano raw?



"Pasensya na sa dalawang 'to," the director said with an apologetic smile.



"Okay lang po."



"Anyway, I won't waste any more of your time, Ms. Fuentes. I want you to enjoy yourself and have a wonderful time today. Thank you once more for coming here. I appreciate it."



Tumayo ako. I bowed my head. "Thank you, sir."



Hindi na ako nagtagal, agad na akong bumaba at dumiretso sa elevator. Hindi ako pwede sa lugar na 'to! Pumasok ako at pinindot ang ground floor. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib nang sumara na ang pinto. Napahinga ako ng maluwag at napasandal na lamang. Akala ko ay pababa na ang elevator pero nagulat ako nang bumukas muli ito at bumungad si Monteclaro. Napatayo ako ng tuwid.



Hindi ko alam kung sasabay ba siya o ano? She was just standing there, arms crossed, staring at me coldly. Pinindot ko ang hold nang pasara na ulit ang pinto. Itatanong ko na sana kung sasabay ba siya o magtititigan na lamang kami nang mapansin ko ang suot niya. I bit my lower lip. Oh my. Paano ba naman, pareho kami ng outfit! Nakaskirt ako, nakaskirt din siya. Parehong brand pa yata—kulay puti nga lang ang sa kanya. Naka-white rubber shoes din siya. At higit sa lahat, pareho kami ng sweatshirt! Pareho ang print pero magkaiba lang ng kulay. Mine's gray; hers is black.



Malamang bigay rin 'yan ng daddy niya. Ano ba 'yan si Tito Den!



"Uhh..." Hindi ko na natuloy dahil pumasok na siya.



Umatras ako sa pinakalikod para sa kanya lahat ng space sa unahan. Nakakahiya naman kasi sa kanya. Pinindot niya ang number eight. Ano bang mayro'n sa 8th floor? Tahimik kaming pareho. Walang umimik sa aming dalawa. Napahawak ako sa bandang puso ko baka kasi marinig niya ang tibok nito; lubhang malakas na maging ako'y naririnig ko.



Tinignan ko siya. Pinagmasdan ko ang likuran niya at ang magandang buhok niya. Lihim naman akong napangiti nang maamoy ko ang pabango niya. Ang bango niya talaga. Ang fresh, ang sarap i-kiss.



Ay!



Erase.



I want to talk to you.



*ding*



Bumukas ang elevator at lumabas siya nang hindi man lang ako nakapagsalita. Malungkot ko siyang tinignan habang naglalakad palayo at habang papasara ang pinto. Hindi niya man lang ako nilingon, may kirot tuloy sa puso ko.



Monster, hindi ko na kaya 'tong silent treatment natin sa isa't isa.



DUMIRETSO ako sa food court ng Feminy pagkagaling ko sa main. Nagmukbang ako dahil masaya ako, malungkot, stress, pagod, nababaliw—hindi ko na maintindihan. Nagpakabusog ako para hindi masayang ang food stub na bigay ni Raj. Tinikman ko lahat. Hindi pa nakontento, nagtake out pa ako dahil pwede naman daw. Dinalhan ko sina Rob, Gwen, at ang ibang officers. Ang kapal ng mukha ko, ang dami kong kinuhang food. Daig ko pa ang galing sa fiesta sa kabilang bayan. Dumaan ako sandali sa booth ng student council pero mabilis lang, binigay ko lang talaga ang pagkain dahil nandoon si Steph at Samantha.



Ayaw ko silang nakikitang magkasama.



Hindi sila magkahawak kamay o magkadikit pero dahil magkasama sila kaya naiinis pa rin ako. Am I jealous? YES, I AM! TOTALLY! Pero hindi ko maintindihan kung bakit ganito na lamang katindi ang nararamdaman kong selos ngayon tipong gusto kong umamin. Gusto kong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Gusto kong magpadalus-dalos at masaktan. I really don't know what's happening to me. Bago umalis ay napansin kong iba na ang suot niyang damit. Nagpalit siya; hindi na niya suot ang sweatshirt. Nalungkot ako. Ayaw niyang pareho kami.



Edi 'wag.



Umalis ako at pumunta sa booth ng Music Club, pero dahil marami namang nagbabantay, umalis din ako kaagad at tinungo na lamang ang aming section stall. Dalawa lang ang nagbabantay, si Adrianne and Belle, kaya sinamahan ko na sila.



"Hi, Sky."



"Jace!" Nagulat ako nang makita si Jace na agaw atensyon sa summer outfit niya ngayon. "Hi."



"Nagulat ka yatang makita ako," he laughed.



"Hindi naman. Ang sabi kasi ni Gwen hindi ka raw pupunta."



"Oo, hindi sana pero sabi niya kasi...magp'perform ka kaya pumunta na lang din ako. Ang galing mo kanina," nakangiting sabi niya pa. "Ang ganda ng boses mo."



"Really?" I chuckled. "Thank you, Jace."



He smiled even more.



Nag-iwas ako ng tingin dahil nakatitig na siya sa'kin. Hindi talaga ako komportable kapag may ibang nakatingin sa akin ng matagal. Mas sanay na kasi ako sa mga tingin ni monster na parang laging papatay o 'di kaya mga tingin niya na hindi ko maintindihan.



"Ehem, Rae!" Tumikhim si Belle.



"Ehem!" Ganon din si Adrianne. "Nandito kami, Rae."



Natawa ako kaya naman ipinakilala ko na sila. "Jace, si Adrianne and Belle nga pala. Mga kaklase ko."



"Hi." Bati ni Jace sa kanila.



"Hello!" Nag-unahan pa sila sa pakikipag-shake hands. Natawa na lamang sa kanila si Jace. "Ang gwapo mo," walang pagpipigil na sabi ni Belle.



"Belle, 'di ba may boyfriend ka?" Tanong ni Adrianne sa kanya.



"Break na kami."



Ay. Ang bilis naman. Parang last week lang naging sila ah.



"Skylie Rae? Sino si Skylie Rae?" Napatingin kami sa dalawang lalaki na biglang dumating. Fudge! Mga pulis-pulisan ng jail booth. "Ikaw si Skylie?" Tanong ng isa sa'kin. Umiling-iling ako, ngunit huli na dahil tinuro na ako ng dalawa kong kasama. "You're under arrest, ma'am!"



This jail booth was from other school, and their rules were quite different. Nabasa ko lang kanina no'ng napadaan ako. Ikukulong ka lang nila kapag may nagrequest at nagbayad para ipakulong ka. There are two ways para makalaya: it's either hihintayin mong matapos ang oras depende sa oras na binayaran sa kanila—maximum of two hours—or magbabayad ka ng piyansa, which was the exact amount paid for your capture. Walang required amount para makapagpakulong ka. Kahit piso pwede kang mag-utos sa kanila na ikulong ang kahit sinuman. But of course, that's easy to pay.



"May ginagawa ako. Nagbabantay ako ng booth namin," katwiran ko.



"May mga kasama ka naman. Pero kung ayaw mong makulong magbayad ka nalang."



"Oo, Rae. Bayaran mo na lang," Belle.



"Ako na, Sky." sabi ni Jace.



"No, Jace. Ako na. Magkano ang binayad sa inyo?" Tanong ko. Inabot niya naman ang record. Nanlaki ang mga mata ko. "Two thousand?!"



"Two thousand, Rae?" Tanong din ni Adrianne. Inabot ko sa kanila ang logbook. "Hala. Oo nga."



"Yan ang binayad eh," sabi ng jail police.




"Sinong nagpakulong sa'kin?" Tanong ko.



"Sorry, hindi pwedeng sabihin. Sumama ka na lang."



For sure si monster 'to. Siya lang ang alam kong magsasayang ng pera ng ganito. Malamang dahil sa sobrang inis niya at ayaw niyang makita ako sa paligid, naisip niyang ipakulong na lang ako. Pwede naman niyang sabihin na ayaw niya akong makita para uuwi na lang ako, hindi 'yong gagastos pa siya! Nagbayad talaga siya ng malaki para hindi ako makapagpiyansa ah.



"I'll pay for it," Jace.



"No, Jace!" Pigil ko. Kumita na nga ng dalawang libo 'tong mga 'to, d'doblehin niya pa? "Sasama ako. Ilang oras ba?" Naiiritang tanong ko.



"Isang oras."



"Kayo muna rito ah," baling ko sa mga kaklase ko. "Balik ako mamaya." Tumango naman sila. Tumingin ako kay Jace. "See you around, Jace. Thank you sa pagpunta."



"Magiging okay ka naman 'di ba?" Nag-aalalang tanong niya.



Natawa ako. "Oo naman. Jail booth lang 'to. Kumalma ka."



Sumama ako sa jail policemen. May malaking tent sila at doon ako kinulong. Hindi naman pala ako nag-iisa, marami kaming napagtripan ng aming mga mortal enemies. Hindi rin boring sa loob dahil may pa-netflix naman sila at may pa-popcorn pa. Actually, ako lang ang may popcorn and with drinks pa. Kasama raw kasi sa binayaran sa'kin. Ano 'to, pampalubag loob niya kasi pinakulong niya ako?



Ang ganda ng pinapanuod namin, lahat kami ay nag-iiyakan sa loob. Pero nakakainis, kung kailan dalang-dala na ako, doon naman natapos ang oras ko. Ayaw ko pa sanang lumabas kaso pagbabayarin daw nila ako. Ang gara naman nila. Nakalimutan ko pang tanungin kung anong title ng movie na 'yon. Nakakaasar talaga.



Bumalik ako sa booth namin.



"Oh, ayan na pala si Rae. Kumusta ang bilangguan, Rae?" Natatawang tanong ni Belle.



"Hay nako, Belle. Ang ganda roon."



"May naghahanap sayo, Rae." Sabi naman ni Adrianne sabay tingin sa lalaking nasa tabi, may hawak na gitara, at kasalukuyang nakatingin sa'kin. Ang lapad ng ngiti niya. "Ang daming naghahanap sayo. Haba naman ng hair."



"Hello," ako na ang bumati.



Kilala ko ba siya? Hindi naman siya pamilyar.



"Hi!" Lumapit siya. Inilahad niya ang kanyang kamay na agad ko namang tinanggap. "Terence Jude from Jap University."



"Uhm, Skylie Rae." Sagot ko at binawi na agad ang kamay ko. "May kailangan po kayo sa'kin?"



"Ah, no. I just...want to see you," nahihiyang sagot niya. "Napanuod kasi kita kanina. I like the sound of your voice, your stage presence, and your impact on the audience. I was really in awe watching you, as if you were having the time of your life. I love it when I see people who seem to be living inside the song. I'm sure you understand what I mean," he chuckled.



Napangiti ako. I liked how he complimented me. "That's sweet, Jude. Thank you!" Mas lalo siyang napangiti. Napatingin ako sa hawak niyang gitara. "Wait. Is that John Lennon's?!" Tumango siya. Napatakip ako ng bibig. "Is that...yours?"



"Yeah. A gift from my parents. You know this guitar?"



"Jude, that's literally one of the most expensive acoustic guitars out there!" Tameme pa rin ako. Sa internet ko lang kasi ito nakikita at ngayon nasa harapan ko na.



"Hindi 'to original ah. Replica lang 'to," sabi niya.



"Ohh."



He laughed. "You sound so disappointed."



"Hindi naman. Ano lang...." natawa na lamang ako. Hindi na ako nangatwiran pa.



"Do you also play guitar?"



"I do. I love guitars," sagot ko.



May tatlong gitara ako sa bahay. Sira ang dalawa at kailangan ko pang ipaayos. May piano rin ako, and drums na inaaral ko pa rin hanggang ngayon. May mini studio sa bahay na ginagamit ko lang kapag gumagawa ako ng kanta o nagr'record ako ng song cover. Doon ako nagpapalipas ng oras kapag bored na bored ako.



"Do you want to try this?" Tanong niya.



Nagliwanag ang mukha ko. "Okay lang ba?"



"Skylie Rae!" At dumating na naman po sila, ang dalawang jail police. Jusko. Ako na naman? "You're under arrest."



"Na naman?!" Napasinghap ako. "Sana ginawa na niyang dalawang oras kanina 'di ba?"



"Ano bang ginawa mo sa taong 'to ba't parang ang laki ng galit sayo?" Tanong ng isa.



"Aba, ewan ko. Topakin 'yon eh!"



"Suki ka, Rae ah." Adrianne.



"H'wag kana kayang lumabas, Rae." Belle.



"Uhh, what's...going on?" Tanong ni Jude.



"Sorry, Jude. Sasama muna ako sa mga 'to sa jail booth," sabi ko sa kanya at nginitian siya ng tipid. "It's nice to meet you. Salamat sa pagdaan dito sa booth namin."



"Can I at least get your number, Skylie?"



"Hindi pwede," sagot ng jail police. "Hindi siya pwedeng magbigay ng kahit ano. Kasama 'yon sa binayaran sa kanya."



Ay. May ganon?



"I'll pay."



"Non-bailable, dude. Sorry. Bawal ka rin lumapit sa jail booth kundi tataas ang oras ng pagkakakulong nito."



Grabe naman 'yon!



"Sorry, Jude. See you around...I guess."



Samantha, sumosobra kana talaga!



"Ilang oras 'to?" Tanong ko nang makarating kami.



"40 minutes lang."



"Wow. Di niya pa sinagad sa isang oras. Magkano naman?"



"Non-bailable."



"Pero magkano nga?!"



"Five thousand."



"What?!" Muntik na akong atakihin sa puso. "Totoo ba?!"



"Oo nga! Basta raw walang ibang lalapit sayo rito, so...hindi muna kami tumanggap ng ibang capture request. Mag-isa ka lang diyan sa tent. Manuod ka ng kahit na anong gusto mong panuorin sa Netflix."



What the heck is wrong with you, monster?!



"Hulaan ko. Si Samantha Monteclaro 'to 'no?!" Gulat silang napatingin sa'kin. At kahit pa umiling sila, huling-huli ko nang si monster nga ang may pakana.



Patay ka sa'kin mamaya, Samantha Khail. Bwesit ka. Sinasayang mo lang ang pera mo. Sana binigay mo na lang sa'kin!



Mabilis lang ang 40 minutes. Agad akong lumabas at hinanap si monster. Halos ikutin ko ang buong field, but she's nowhere to be found. Pumunta ako ng corridor at doon ko siya nahanap. Kasama niya pa rin si Stephano, at naabutan ko sila sa posisyong hindi kaaya-aya sa paningin ko. I even thought they were kissing. Ang sarap magwala ah. Nakasandal si monster sa wall habang nakayuko sa dibdib ni Stephano na nakatayo sa harapan niya at bahagyang nakayakap sa kanya. Ang lapit nila sa isa't isa. Nakakairita. Ang sarap suntukin ni Steph.



Ang sakit niyo naman sa mata!



"Monteclaro!" Malakas na tawag ko. Nagpupuyos ang damdamin ko sa inis, pagkapikon, at selos. Bwesit talaga! Nag-angat siya ng tingin at parang wala lang na tumingin sa'kin. Namumula ang mga mata niya. Umiyak ba siya? "Kung ayaw mo akong makita, sabihin mo para uuwi na ako, hindi 'yong magbabayad ka ng malaking pera para lang ipakulong ako! Anong akala mo sa pera mo, play money?! H'wag kang mag-alala kahit piso pa ang ibayad mo sa kanila, 'di ako tatakas! H'wag ka lang magbabayad ng ganon!"



She frowned. Ipinatong niya sa balikat ni Steph ang kanyang braso na mas lalong ikinainis ko. "What the heck are you talking about?" Seryosong tanong niya. Halatang wala siya sa mood. Lagi naman siyang wala sa mood. "Okay ka lang ba?"



"Okay lang ba ako? Mukha ba akong okay matapos mo akong ipakulong ng dalawang beses sa jail booth?!" Sarkastiko namang sagot ko.



She scoffed. "Why would I even do that?"



"Ewan ko sayo at sa mga trip mo!"



"You love embarrassing yourself, don't you?" Stephano chortled.



Papansin din 'tong isang 'to eh.



"Pwede ba, manahimik ka. Hindi ikaw ang kausap ko!" Supalpal ko sa kanya. Bumaling ulit ako kay monster. "Alam kong galit ka sa'kin. Pero mons—Samantha, h'wag mo akong idaan sa—!"



"Shut up!" She cut me off. Umalis siya sa harapan ni Steph at lumapit sa'kin. Humalukipkip siya sa harapan ko. "What made you think that I would waste my money on you?" Nanlilibak ang tonong tanong niya. "Sino ka ba sa tingin mo? You're not worth of my time, my attention, not even my money, Fuentes!"



Hindi ako nakasagot.



Napalunok ako nang maramdaman ang kirot sa dibdib ko. Grabe 'yong counterattack niya ah. Nanghina ako at parang bula na nawala ang lakas ng loob na nagkukumawala sa sistema ko kanina lang. Isang rebat niya lang, bagsak agad ako. Ang hirap niya talagang banggain. Now I'm feeling weak. I'm hurting.



Ayan, sugod ka nang sugod sa gyera, Skylie eh.



"Oh, ba't hindi ka makasagot?" Malditang tanong niya pa.



Fudge!



Pinagtitinginan na kami. Hindi pwedeng makarating 'to kay Gwen. Hindi rin ako pwedeng umalis dito na parang talunan lang pagkatapos kong sumugod. Kaya naman huminga ako ng malalim, at sasagutin ko na sana siya nang may magsalita sa likuran ko.



"Of course, she's not worth it, Samantha. She's not worth your money because she's priceless. She doesn't deserve your time because she deserves one that heals. She doesn't deserve your attention because she deserves one that is not being asked for. So yeah, you're absolutely right. Leave her alone."



A tear fell from my left eye.



I know this voice.



"Let's go, Skylie Rae."



Raj...



________________
TO BE CONTINUED

Ps. Need to focus on something important. Next update will be end of the month or first week of Sept. Bawi ako after that.🫶

Continue Reading

You'll Also Like

8.3K 606 13
A GirlxGirl story. Si Sora Santander ay kabilang sa eSports program ng De La Torre University samantalang si Azure Vega naman ay kilalang lifestyle...
191K 5.3K 55
A painful past, a future that is unknown and a present full of love and lies. Will they be able to conquer everything in the name of that thing they...
2.6M 68.7K 59
Si Kill ay napilitan lang mag-try out sa isang basketball team dahil sa bestfriend nya at hindi nya aakalain na kahit hindi nya ginalingan ay napasam...
74.6K 1.7K 26
Ang isang pag-ibig ay hindi lang basta biglang nararamdaman at bigla na lang ding maglalaho. Ang totoong pag-ibig ay nananatili sa puso at hindi magl...