What Love Can Do? (UNDER REVI...

By Princesss_AJ

1M 24.8K 1.2K

(COMPLETED) Ang "pag-ibig" ay maraming kahulugan para satin. Ito ay emosyon na ating nararamdaman sa isang t... More

-Prologue-
«Disclaimer»
Chapter 1 My Virgin Eyes!
Chapter 2 The Brother
Chapter 3 Friendship
Chapter 4 For the First Time
Chapter 5 First Kiss?
Chapter 6 Lover's Quarrel
Chapter 7 He's the Brother
Chapter 8 Panyo
Chapter 9 Crush?
Chapter 11 It's a Deal!
AUTHORS NOTE! MUST READ!
Chapter 12 For you
Chapter 13 Meet the Sister
Chapter 14 Permission?
Chapter 15 Friendly Date
Chapter 16 She's the Noona
Chapter 17 Siomai
Chapter 18 Mr. Right?
Chapter 19 Is this Real?
Chapter 20 Comfort
Chapter 21 Protective Kuya!
Chapter 22 Aminan Time!!
Chapter 23 We're Still Friends?
Chapter 24 I'm Stuck with him
Chapter 25 A Princess for a Night
Chapter 26 A Princess for a Night (part 2)
Chapter 27 A Princess for a Night (part 3)
Chapter 28 Threat
Chapter 29 Her Realization
Chapter 30 Tuloy Pa rin
Chapter 31 Night Party
Chapter 32 End
Chapter 33 Blessing in disguise
Chapter 34 Stay with Me
Chapter 35 His Reason
Chapter 36 Revelation
Chapter 37 True Feelings
Chapter 38 Sacrifice
Chapter 39 Love-Struck
Chapter 40 First Date
Chapter 41 "Yes"
Chapter 42 Officially Mine
Chapter 43 Undeserved
Chapter 44 Don't like her
Chapter 45 Out of town
Chapter 46 Just Friends?
Chapter 47 Allergic
Chapter 48 Respect
Chapter 49 We are Jealous
Chapter 50 Couple's Conflict
Chapter 51 First love
Chapter 52 I'm Hurt
Chapter 53 I Love Her (Part 1)
Chapter 54 I Love Her (Part 2)
Chapter 55 Understand
Chapter 56 Dare
Chapter 57 The Truth
Chapter 58 Loss
Chapter 59 Grief
Chapter 60 First Monthsary
Chapter 61 We meet again
Chapter 62 Brothers
Chapter 63 Friends
Chapter 64 Left
Chapter 65 Tulad Mo
-Epilogue-
Shout Outs 🎉
💖Pasasalamat💖
What Love Can Do?
Book 2

Chapter 10 Apology

15K 337 16
By Princesss_AJ


10: Apology


«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»



Hindi pa rin ako makapaniwala. Naamin ko na sa sarili ko ang tunay kong nararamdaman para kay Drake. Crush ko nga si Drake Rivera! Bigla na lang akong napangiti. Ang bilis talaga ng tibok ng puso ko. Nag-iinit ang pisngi ko.


Ganito ba ang pakiramdam ng may crush? Feeling Inspired?! Si Drake pa lang ang nagiging crush ko, mostly kasi sa mga nagiging crush ko ay mga idolo ko. Hindi ko pa nararanasang magka-crush sa taong nakikita ko ng malapitan at nakaka-usap ko. Napahawak ako sa dibdib ko. 


Binaling ko sa kabilang side ng table ang aking atensyon. Bigla namang napalitan ng blankong ekspresyon ang aking mukhang masigla kanina. Nagsisi akong lumingon pa ako. Ito namang leeg na 'to, lumingon-lingon pa!



Sino ba naman kasi ang matutuwa? Kung makikita mo ang dalawang taong nanakit at nanloko sa isang taong mahal mo, na masayang magkasama. Sigurado akong kahit sino naman ay hindi ika-tutuwang makita 'yun.



Ivory Dela Peña



Maganda, mayaman, mistisa, sexy, magaling kumanta at siya ang panganay na anak ng isang artista at owner ng isa sa mga pinakamaunlad na Salons dito sa Pilipinas. Sobrang sikat niya sa D.U. Halos lahat ng lalaki, siya ang pinag papantasyahan. Sobrang ganda niya kasi. Pero siya ang pinaka mean girl dito sa University. Gossip, chismis, boys, party, fame at bully sa mga girls na hindi niya ka level. Yan ang mga madalas niyang pagka-abalahan. At yung ibang mean girls sa school namin? Yun yung mga angels niya. Para bang sumusunod sa yapak niya. 


Psh! Angel tawag nila sa sarili nila? Eh hindi naman angel yung ugali nila. Siya yung klase ng babaeng wag mong kakalabanin kung yung kilay mo eh wala pa sa kalahati ng kanya. Tinuturing niya ang sarili niyang 'Queen' dito sa school. At nakakabatang kapatid niya si Ingrid. Malayo ang ugali nilang dalawa. Kabaliktaran niya si Ingrid.



Siya ang unang babaeng minahal ng Kuya ko. Correction minahal ng sobra ng kuya ko. Pero siya rin pala ang mananakit ng sobra sa Kuya ko.


Yung mundo mo siya pero sa kanya kontinente ka lang nito.


Ang sakit nun.



Pero mas maskit yung...LINOKO AT GINAMIT NIYA SI KUYA!!


At yung pinalit niya sa gwapo kong kuya ay mismong bestfriend ng Kuya ko!



Heath Andrada



Gwapo, mayaman, sikat, magaling mag basketball at womanizer. Anak siya ng isang pamilya na related sa company ng mga Salazar. At siya ang Bestfriend ng Kuya ko. Simula pa lang nung bata sila palagi na silang magkasama, para ko na nga rin siyang Kuya eh. Palagi niya akong linilibre at tinuturuan sa mga assignment ko sa english. Sa Canada kasi siya pinanganak. Kaya bihasa siya sa English. Kuya ko kasi eh English Kalabaw! Kaya, kay kuya Heath ako nagpapaturo. Ang Galing nga niya sa english eh.


Parati siyang nasa bahay namin. Sabay sila ni Kuya mag basketball, mag laro ng gadgets at kung mag turingan sila eh parang magkapatid sila. Hindi mo na nga sila mapaghihiwalay eh. Minsan nga nagkakapalit na sila ng mukha, dahil palagi silang magkasama. Tinutulungan ni Kuya Heath si Kuya pag nasa rumble siya at pag na to-torpe yung Kuya ko sa mga crush niya. Kasangga ni Kuya Joshua si Kuya Heath para nga silang sina Mermaidman and Barnacleboy. Lakas maka spongebob! Hahaha.


Kaso lahat ng yun nagbago. Lahat ng yun bigla nalang nawala ng parang bula. Simula nung ipagpalit si Kuya sa Bestfriend niya! Duon na rin natapos ang pagkakaibigan nila. Hindi na sila nag papansinan at hindi na rin sila nag kikibuan. Nagtanim na ng sama ng loob si Kuya sa kanilang dalawa. Hindi ko rin masisi si Kuya. Linoko siya ng dalawang taong importante sa kanya. Sobrang sakit nun.



Kaya pati tuloy ako Na-iinis sa kanila! Ang sarap nilang i-umpog! Nakakainis sila. Parang hindi siya nagtaksil sa kuya ko ah? Lantaran siya kung mang-ahas! Hay naku. Naalala ko tuloy yung nangyari nung nalaman ni Kuya ang totoo niyang pakay.



Flashback

2 years ago


"Ivory please wag mo akong iwan!!" Nakaluhod si Kuya sa harap ni Ate Ivory.


"Joshua, Stop It!" Anong kayang ititigil ni Kuya? Anong nangyayari? Baba sana ako para kumuha ng pagkain. Pero nakita ko silang dalawa na nag-uusap kaya nagtago ako.


"Ivory Bakit? Ano bang nagawa ko? Bakit mo ako iiwan? Bakit?!" Hindi napigilan ni Kuya na maiyak.

"Joshua. It's not you. Its me. Narealize ko na...." Hindi matuloy ni Ate Ivory yung sasabihin niya. Parang mayroong pumipigil sa kanya.


"Ano, Ivory?!" Biglang sumigaw si Kuya Joshua at tumayo siya para harapin si Ate Ivory.


"Hindi na kita Mahal Joshua! Hindi na Ikaw!!" 


Holy Molly! Para akong nalaglag sa 10 feet building! Ang sakit. Ang sakit na hindi na mahal ni Ate Ivory si Kuya! Pero hindi yun ganun kadali diba? Bakit, Ate? Bakit?


"Bakit Ivory?! Bakit? May iba ka na ba?" hindi makasagot si Ate Ivory kaya sumigaw ulit si Kuya. 

"Sagutin mo ako Ivory!!" Malakas na sigaw ni Kuya.


"Gusto mo malaman yung totoo Joshua?" Biglang naging mataray si Ate Ivory.


"Oo!! May iba na ako! May iba ng nagpapasaya sakin at nagmamahal sakin. At hindi na ikaw yun, Joshua!"


"T*ng ina! Ano 'to Ivory? Lokohan? Nagmamahal ka na pala ng iba tapos ako ito minamahal ka pa. Ano yun? Fair ba yun huh? Fair ba yun? T*ng ina nakikipaglokohan ka ata Ivory eh!!" Sobrang higpit ng hawak ni Kuya kay Ate Ivory.


"Joshua nasasaktan ako." Pero hindi pinakinggan ni Kuya si Ate Ivory. 

"Sabihin mo Ivory...Sino?!!" Nakayuko lang si Ate Ivory at tila ba nag-isip siya kung sasabihin niya kay kuya.


"Gusto mong malaman Joshua kung sino na yung bago kong mahal?" Huminga ng malalim si Ate Ivory habang si Kuya naman ay hinihintay ang sagot niya.


"Yung Bestfriend mo! Si Heath!!"


Biglang akong napa-upo sa kinakatayuan ko at naramdaman kong may mga luha ng pumapatak sa mata ko. Ganun din kay Kuya. Parang gumuho yung mundo ko. Iniwan ni Ate Ivory si Kuya para kay Kuya Heath? Sa bestfriend ni Kuya?


Napa-upo si Kuya sa sahig at duon siya humagulgol ng iyak. Naawa ako kay Kuya. 

"Bakit Ivory? Bakit si Heath pa?" Tanong ni kuya habang umiiyak siya.


"Si Heath talaga ang gusto ko Joshua. Patawad. Ito lang kasi ang naiisip kong paraan para mapalapit ako kay Heath. Ang lapitan ka. Pero pangako Joshua minahal kita. Kaso umamin sakin si Heath nung isang araw na gusto niya ako at bumalik lahat Joshua. Ang akala ko eh nakalimutan ko na ang nararamdaman ko kay Heath pero hindi pa pala. Patawad." 


Umiiyak na paliwanag ni Ate Ivory kay Kuya Joshua.


Pagkayaring magpaliwanag ni Ate Ivory eh tumayo siya at akmang susuntukin niya si Ate Ivory. Pero hindi niya 'to tinuloy. Natakot si Ate Ivory kaya napapikit siya. Pero hindi rin nagpatalo si Ate Ivory.


"Sige ituloy mo!"


"Kahit gusto kong ituloy ayoko! Kasi ayokong dumampi 'tong kamao ko sa isang taksil na katulad mo! Hindi mo ako minahal, Ivory. Kasi kung mahal mo ako hindi mo ako ipagpapalit! Kinamumuhian kita, Ivory! Minahal kita kung sino ka. Pero nagawa mo pa rin maghanap ng iba. Alam mo yung masakit? Masakit na ipinagpalit mo ko sa bestfriend ko. Sa bestfriend ko pa, Ivory!?? Walang hiya rin kayong dalawa ni Heath eh! Mga traydor! Lumayas ka na sa bahay namin!!"


"Joshua. Patawad. Sorry hindi ko naman ginusto eh."

"Ginusto mo yun Ivory! Lumayas ka!!" Sobrang lakas ng sigaw ni kuya.


Umalis na siya sa bahay namin at si Kuya ay umupo sa sahig. Doon siya umiyak. Sobrang lakas ng iyak niya.


Lumapit ako kay kuya. "Kuya.." Tiningnan niya ako. Awang-awa ako ako kay kuya. Yinakap ko si kuya.


"Kuya? Kayanin mo kuya."


Patuloy pa din si kuya sa pag iyak habang yakap yakap ko siya. Para siyang bata na inaway. Ayokong iwanan si kuya kasi alam kong kailangan niya ng masasandalan at bilang kapatid niya, gusto ko ako yung nasa tabi niya pag kailangan niya ng tulong.


Nakatulog si kuya habang nakalagay ang ulo niya sa hita ko. Sa pagod na rin sa pag iyak ni kuya kaya siya nakatulog. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Nakaka-awa ng sobra si Kuya. Namumuo yung galit ko kay Ivory at kay Heath. Hindi ko na sila ginagalang at tinatawag na 'Kuya at Ate' kasi hindi nila deserve yun!! Mga traydor sila. Pinagkatiwalaan sila ni Kuya pero anong ginawa nila sinaktan lang nila si Kuya.


At yang Ivory na yan. Ginamit lang niya si Kuya! 


End of flashback



Hay naku! Naiinis lang ako eh. Pag na-aalala ko yun. Nag-iinit yung dugo ko. Nakakainis silang dalawa. Kung maglandian sila eh para bang wala silang kataksilan na ginawa. Hay. Buti at nag-ring na ang bell. Pumasok na lang ako sa classroom namin at naglabas ako ng libro. Ibabasa ko na lang 'tong init ng ulo ko sa kanila.


Mabilis lang ag oras. Nakapag-lunch na rin ako, and uwian na mga bessy!! Yes nemen! Lumabas na ako ng classroom para puntahan si Kuya. Gusto ko ng umuwi eh.


Pero naiisip ko na, bakit kaya hindi ako pinapansin ni Kiel? Dahil ba sa kahapon? Luhh! Bakit ba siya ang iniisip ko. Bakit ba pumapasok sa isip ko ang dakilang fvck boy ng school namin? Hay naman!


Habang naglalakad ako papuntang corridor laking gulat ko ng makasalubong ko siya. Nagtama ang aming mga mata. Kita ko ang lungkot sa mga mata ni Kiel. Unti-unti namang humupa ang inis na nararamdaman ko sa kanya. Nagpatuloy ako sa paglalakad at lalagpasan na sana siya nang bigla niya akong hawakan ang palapulsuhan ko at pinigilan ako.


Nagulat ako at para bang napaso ang balat ko nang maramdaman ko ang kamay ni Kiel sa akin. Lumingon ako sa kanya at kasabay nun ang pagtingin niya sa akin. Para naman akong mauubusan ng hangin. 


"I'm sorry, Panget." Sambit niya habang nakatingin sa akin. Hindi naman ako kaagad nakasagot.


Ito ang pangalawang pagkakataong humingi ng tawad sa akin si Kiel. Hindi ako makapaniwala. Isang Kiel Salazar na mayabang at mataas ang tingin sa sarili ay nagawang humingi sa akin ng sorry?


Itutuloy.....


Continue Reading

You'll Also Like

102K 625 9
Isang paaralan kung saan mga studyante lang ang makakaalam nang mga kalibugang nangyayari - sa cr: may nag titirahan, sa library may nag babalbalan...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
154K 4.3K 15
-A Single Mom and a Playboy Romance- Fate offered her a man, not just one but two. Ang isa ay ama ng anak ni Kisses at ang isa naman ay gustong magpa...