Ang Girlfriend Ni Crush(UNDER...

By Janztrich

2.8M 53.3K 45.9K

Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Montec... More

AGNC
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30

Chapter 21

57.6K 1.8K 3.3K
By Janztrich

WE'RE OFFICIAL



December 21



GWEN CHLOE's•



"Gwenita, hindi ka namin makita!" Rob



"Besh, ano ba 'yan maghanap ka ng signal. Para kang robot magsalita." Sky.



"Gago pala kayo eh. Nasa bundok na nga ako!" Balik ko sa kanila. "Nandito ako sa Mount Tapyas! Ayan oh!" Sabay ikot sa camera para makita nila. "Puro kayo reklamo!"



Dahil pare-pareho kaming boryong na tatlo, mga bored at walang magawa, nag-facetime kami. Pero pota, hindi maintindihan nitong dalawang ungas na mabagal nga ang service dito sa Coron kaya burado ang mukha ko sa screen nila, at kaya rin para akong si boy uutal-utal.



"Nasa bundok daw...nasa baba ka lang naman eh," wika ni ulap na gusto yata ay sumabit ako roon sa pinakatuktok ng bundok.



"Kaya nga. Paano ka magkakasignal niyan?" Sang-ayon naman ni bading. "Baka gusto mong umakyat, teh? 'Di ba may mga hagdan naman diyan? May rayuma kana ba't 'di mo na kaya?"



"Tang-ina niyo. Sandali! Ang dami niyong gusto!" Nagtawanan naman sila. Nakasimangot akong pumanhik, paakyat sa matarik na bundok ng Tapyas. "Potek na cell site 'to. Itutumba ko talaga 'to mamayang gabi! Kung kailan magpapasko, doon pa nawawala ang signal. Hayop!" daing ko pa.



"Di ba may wifi sa mga cottages niyo?" Skylie.



"Wala rin! Mas mabilis pa ang data ko!"



"Paakyat kana ba?" Rob.



"Oo nga! Ito na nga! H'wag niyo akong minamadali ah. Kapag ako nalaglag dito sa bundok..." at h'wag naman po sana.



"Yan talaga ang hinihintay namin, ang malaglag ka." Si ulap na bastos din talaga minsan ang bunganga. "Mag-aaya ng facetime, mahina naman pala ang signal."



Huminto ako at tumitig sa screen—kay ulap mismo. "Sorry na, Skylie. Patawarin mo ako ah," may sarkasmong wika ko sabay irap, at pagkatapos ay nagpatuloy muli sa pag-akyat. "Ang yabang mo. Porket finallow back ka ni Monteclaro? Sus. Wala kang pag-asa ro'n; may jowa pa rin 'yon! Sabing agawin mo eh. Ang hina mo naman!"



"Gaga ka! Wala kana ro'n kung 'di niya ako gusto!" Singhal niya. "Hindi kita tutularan sa mga ideya mong 'yan. Happy ako kahit walang chance. At least...ginawan niya ako ng math tutorial," at saka siya mayabang na ngumiti. "Alam niyo ba..." Napaismid ako. Ayan na naman siya sa alam niyo ba~ Ipagmamalaki na naman niya ang babaeng 'yon. "sobrang galing niyang mag-explain. Walang duda sa pagiging top notcher niya overall. Kinilig nga ako eh, and super bilib talaga ako sa kanya. Alam niyo kasi, iba ang marunong magturo sa magaling magturo. May mga tao na alam nila ang itinuturo nila pero hindi nila alam kung paano ito ituro. Gets? Nagtuturo lang sila ngunit hindi nila maipaintindi ng maayos sa kanilang tinuturuan." Ayaw lang sabihin ni ulap pero in short, ganon ang iba naming guro. Bira lang nang bira tapos kapag 'di namin naintindihan, kami 'yong may problema, hindi raw kami nakikinig, at hindi nagbabasa ng libro. Mga boang. "Pero si monster...she knows the technique. Alam niyang hindi ko maintindihan kaya she used a different approach. She used a layman's term. Ang galing 'di ba? On top of that, ang ganda ng boses niya!" At kinilig pa.



"Akala ko ba youtube ang dahilan kung ba't mo naintindihan ang formula na 'yon?" Ani ko.



"Kaya nga. Pero para sa'kin mas malinaw pa rin ang explanation ni monster."



"Sus! In love ka lang talaga, Ulap. H'wag kami!"



"Ang bitter mo, Gwenita." Si Rob na pinapanigan na naman si Ulap. Never naman ako kinampihan ng punyemas na 'to eh. "Maging happy ka na lang sa frenny natin. Kung masasaktan man siya sa huli, kere lang, sa huli pa naman 'yon! 'Di ba, besh?"



"Oo nga. At least, naranasan kong kiligin at sumaya. Hindi katulad ng iba diyan..." sabay pasiring at may pa-side eye pa sa'kin. Nagthumbs-up siya kay Rob. "Buti pa si Rob, the best!"



"The best my ass. Mga gunggong! Ang sarap niyong pag-umpugin!" Nakarating na ako sa kalagitnaan kaya huminto ako at umupo sa upuang semento. "Oh, nandito na 'ko sa taas ah. Nakikita niyo na ba ng malinaw 'tong ganda ko? H'wag niyong sabihing hindi, naiintindihan niyo na nga ako tapos hindi niyo ako makita?! Nandito na ako sa bandang gitna. Mataas na 'to!"



"Kanina pa okay." Ulap.



"Pinaakyat ka lang talaga namin." Rob.



Nangunot ang noo ko at saka inis na tinuktok ang screen ng cellphone. "Mga demonyo kayo!" Singhal ko sa kanila. Nagtawanan naman ang mga abnoy. Tang-ina nitong mga 'to. "Napagod ako. Punyeta kayo! Alam niyo bang mag-isa lang ako rito?!"



"Hala. Mag-isa ka lang? Eh, sino 'yang nasa likod mo?" Mabilis akong napalingon. "Charot!"



"Putangina." Naiusal ko na lamang. "Go to hell! Pakyo ka, Roberto. Pakyo ka sampu!" halos idikit ko sa screen ang mukha ko sa sobrang inis ko. "Kinabahan ako ro'n. Gago ka!" Tawang-tawa naman ang mga punyeta. Tumayo ako at saka nagmamadaling bumaba dahil kinikilabutan na ako; pakiramdam ko'y kanina pa may nakatingin sa'kin. "Pota kayo. Ang creepy rito. Kapag ako na-rape rito ah!"



"Sky, may naisip ako for pres." Biglang sabi ni bakla na animo'y walang narinig mula sa'kin.



"Ano?" Ulap.



'Di ba, napakatitinong kaibigan? Dinedma ako! Wala yatang pakialam ang mga 'to kapag pinatay ako rito eh.



"Give her a hint. Feeling ko kasi may chance ka kay pres eh."



Hindi na muna ako nagsalita at nakialam. Palubog na kasi ang araw kaya kailangan kong magmadali sa pagbaba dahil baka abutin ako ng dilim dito sa itaas. Maliwanag pa naman pero nakakatakot pa rin kapag mag-isa ka lang at baka kung ano pang mangyari.



"Rob naman eh, baka umasa ako niyan. Masaya na ako na okay kami ngayon. Kapag nalaman niya, malamang iiwasan ako no'n."



"No, besh. Trust me. Hindi niya malalaman, unless umamin ka."



"What do you mean?"



"We will let her assume. Gagawin natin siyang assumera." Although I'm not looking at the screen, I can sense him smirking. Ang dami talagang alam ng baklang 'to. "and we'll see what she's going to do about it."



"May naisip din ako," sabat ko. Syempre bida-bida ako kaya mas marami akong alam; hindi lang ako puro kabulastugan. "Pero wait lang." A few flight of stairs na lang nasa baba na ako kaya naisipan ko nang huminto dahil pansin kong pawala-wala na naman ang signal. Umupo ako at nagpahinga sa sementong upuan na naispatan ko. Buti na lang ay natatanaw ko na ang pinakababa nitong lugar at may nakikita na akong mga tao, kaya kung may mangyayari man sa'kin dito, alam kong may makaririnig sa'kin if ever na sumigaw ako. Bumaling ako sa dalawa pagkaupo ko. "Ano nga ulit sasabihin ko?" They both groaned. "Sorry na. Bigla kong nakalimutan eh."



"Kahit kailan talaga!" Rob huffed.



"Ah, naalala ko na," I smiled cheekily.



"Baka sabihin mo na naman, agawin ko siya sa boyfriend niya. Tama kana sa suggestion mong ganon, besh. As if naman na magpapaagaw 'yon!" Pangunguna ni Ulap na walang tiwala sa pwedeng magawa ng kanyang charm at gandang tao.



"Ang hina mo talagang nilalang, Ulap. Pero iba 'to."



"Aight. Let's hear it."



"Okay." Tumikhim ako. "Let me start by saying na wala akong tiwala kay Monteclaro. Alam niyo 'yan," sabay turo sa kanila. "Malaki ang duda ko sa babaeng 'yon. Alam kong sasaktan ka lang no'n!" Sabay duro ko kay Ulap sa screen. "So, may naisip ako."



"Ano nga?!" Sabay sila.



"Putragis na 'to!" Rob.



"Excited ampota. Ito na nga!" I paused for a second para exciting. Tutok na tutok naman sila sa'kin. "Isasama namin si Jace pagbalik namin diyan," panimula ko na ikinaliwanag ng mundo ng baklang si Roberto. Nangunot noo naman si Ulap. "Magw'work siya kay daddy at mag-i-stay roon sa compound namin. So, ang suggestion ko ay...ba-dum-ba-dum-bum-ching!" Don't be confused; that was a rim shot sound effect. "Kumanta ka ng love song sa music festival at i-dedicate mo kay Monteclaro."



"Huh?!" Is that confusing? Yes, I know! "Ano? Lasing ka ba? Anong kinalaman ni Jace?"



"Oo nga, Gwenita. You make no sense. But you know what and who makes sense?" Rob grinned like an idiot. "Si Papa Jace and Jade. Kumusta mo naman ako sa kanila, girl Haplusin mo ang abs nila para sa'kin, please...?"


Natawa ng malakas si Skylie habang ako naman ay parang masusuka sa narinig. "Tang-ina mo, Roberto! Kadiri ka!" Halos ay sigawan ko siya. "H'wag mo nga akong idamay sa pagiging mahalay mo!"



"Mahalay agad? Ang sama mo talagang kaibigan, Gwenita!" Padabog na sabi nito. "Haplos lang eh!" at saka ngumuso.



"Anong haplos lang?! Tangina, kung ganon lang din ipagagawa mo, magpapakamatay na lang ako!" Inambaan ko siya. Kung nakalulusot lang talaga ang kamao ko papuntang screen niya, may black eye na 'tong diponggol na 'to. "Skylie, tayo na nga lang ang mag-usap! Leche!" Bumaling ako kay Ulap na kung hindi rinding-rindi sa bardagulan namin ni Rob ay aliw na aliw naman. "Basta ah, 'yon lang ang gawin mo. I'll take care of the rest."



"Okay, pero ba't mo nga binanggit si Jace?"



"Wala. Share ko lang. Bakit ba?!"



"May plano 'yan," turo ni Rob sa'kin. "Kilala ka namin, tanga."



Inosente akong umiling. "Wala akong plano ah. Wala talaga. He he he he," and it's me, laughing like a lunatic. "Pero seryoso, wala talaga. Sinabi ko lang para aware kayo kapag pumunta kayo sa bahay at nakita niyo siya."



"Napaka talaga!" Ulap.



"I know," I smirked. "Siya nga pala, Ulap. Crush ka niya."



"Nino?"


"Ni Jace malamang! May iba pa ba tayong pinag-uusapan dito?" Pamimilosopo ko.



"Jace...?" She frowned. "Bakit siya?"



"Bakit, sino ba?"



"Siya ba yung playboy? Hindi naman sa pagiging assuming ah, pero feeling ko type ako no'ng playboy eh. Siya ba 'yon?"



"Assuming ka pa rin," sagot ko. Umiling ako. "Pero hindi, si Jade yung playboy. Si Jace yung mabait at mas gwapo."



"Really? Tapos si Jace yung may crush...sa'kin? Akala ko si Jade, siya kasi yung super transparent no'n eh," sabi niya pa. "At saka, I think type ni Kai si Jace eh."



"Ay oo, teh. Sinabi ni Kai 'yan kay pres. Narinig ko." Ang napaghahalataang chismoso na si Roberto.



"I think ganon ang mga type ni Kai eh." Ulap.



"Teka. Sinong Kai na naman 'to?" Parang bigla akong nawala sa usapan. Naguluhan ako sa bagong character na binanggit nila. "Sino 'yon?"



"Si Akaizha. Si Ais." Sagot ni Ulap. Mas kumunot ang noo ko. 'Yon ba ang palayaw ng babaeng 'yon? "Sabi kasi ni bakla," nguso niya kay Rob, "at sabi ni rin ni Ate Ella, si monster lang daw ang tumatawag ng Ais kay Akaizha at nagagalit daw 'yon kapag may nakikitawag ng ganon sa kaibigan niya," at saka siya ngumiwi. "Napaka-possessive 'no? I'm sure hindi naman siya 'yong nakaisip no'n! Grabe naman! Kaya pala one time, no'ng narinig niya ako na binanggit 'yong Ais, nagsalubong agad ang kilay niya."


Natawa kami ni Rob dahil patulis nang patulis ang nguso niya habang nagsasalita. "So, gumawa ka ng sayo?" Natatawang tanong ko.



"Oo! And Akaizha approved it. Mas bet niya nga eh," sabi niya pa.



I just nodded, but uninterested. Wala naman akong pakialam sa babaeng 'yon. Medyo close na kasi si Ulap at si Conyowest ngayon kaya hindi na nakapagtataka na may alam siya kahit papa'no tungkol sa babaeng 'yon. Hindi na rin naman ako umaalma. Hinahayaan ko na lamang kaysa masira ang araw ko sa pakikipagtalo sa conyo na 'yon. And speaking of that girl, maaga 'yon nagbakasyon. Parang November pa lang, hindi na siya pumapasok. Special treatment talaga si baliw.



'Di ako naiinggit ah.



"Ais is unique, though." Komento ni Roberto. "Sounds like ice, but spelled differently. Parehong bet ko."



"Alam niyo kung anong bet ko? Conyowest," natatawang wika ko. Pareho namang umalma ang mga mukha nila. "Anyway, hindi papatulan ni Jace ang babaeng 'yon kasi ayaw no'n sa maaarte at conyo."



"Grabe ka kay Akaizha, 'no?" Sabi ni Rob.



"Oo nga. Inaano ka ba ni Kai?" Ulap.



"Hala. Ako na naman?" Hindi makapaniwalang react ko sabay turo sa sarili. "Sinabi ko lang na hindi siya type ni Jace. May mali ba sa sinabi ko?!"



"Mali 'yong tono mo!" Rob.



"Paano ba dapat? Masaya? Okay, sige. Madali akong kausap." I cleared my throat. "Alam niyo ba? Haha. Hindi papatulan ni Jace si conyowest haha kasi ayaw no'n sa maaarte at conyo ha ha ha," with matching head wiggles.



"Boang!" Rob.



"Letche ka!" Singhal ng natatawang si Skylie. "Para ka talagang timang eh. Nawawala na tuloy tayo sa topic." Aba, kasalanan ko pa?! "Tch. Rob, ikaw na nga. H'wag na nating kausapin 'yan. Hindi na naman yata nakainom ng gamot eh."



"Hindi na tinatablan ng gamot 'yan," sabi naman ni bakla.



"Wow naman. Ang titino niyo. Kung timang pala ako, ano pa kaya kayo?!" I snarled at them. Tumayo ako para sana'y umuwi na nang maalala kong wala nga pa lang signal sa baba at mas lalo na sa bahay kaya umupo ulit ako. "Roberto, sabihin mo na 'yang suggestion mo para matapos na tayo at makauwi na ako! Dali!"



"Edi umuwi kana. Chat na lang namin sayo!"



"No way! Gusto kong marinig ngayon para makapag-approve and disapprove ako!"



"Okay, Rob. Sabihin mo na. Impress me sa idea mo," hamon ni Ulap.



"Na-impress ka ba sa suggestion ko?" Tanong ko naman.



"Hindi!" Asik niya.



"Hmp. Ungrateful!"



"Oh, ito na nga." maarteng nagflip-hair ng kanyang mahabang buhok kuno si bakla. "It's a great idea, girls. Kilala niyo si Simon 'di ba?"



"Yung apostle ni Jesus? Oo." May halong yabang na sagot ko. "Anong akala mo sa'min, 'di nagbabasa ng bible?!"



"Ikaw, nagbabasa ng bible?!" Rob. They gasped in unison. Ang oa ng mga lintek. "Teh, walang maniniwala sayo. H'wag mong idamay si Simon the Zealot. Wala kang respeto! Si Simon Gelhang ang tinutukoy ko; yung kaklase natin!"



"Ahh." Si Gelhang pala.



"Oh, anong mayro'n kay Simon?" Tanong ni Ulap. "Kailangan talaga mandawit kayo ng ibang pangalan? H'wag mong sabihin na share mo lang din 'yan?"



"Hindi, besh. Example ko lang. Nalaman ko kasi na may crush si Simon kay Isabel, 'yong nasa kabilang section; 'yong maputi tas' mahaba 'yong buhok. Crush niya since first year high school until now. Ganon katagal!"



"Chismoso talaga," usal ko.



"Sshh!" Sky shushed and glared at me. "Oh, tapos? Anong kinalaman nila?"



"Nakita ko si Simon na naglalagay ng post-it notes sa locker ni Isabel. I also heard na hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ni Isabel na si Simon 'yon."



"Fun fact," I said with taas ng daliri. "Matagal nang naglalagay ng sticky notes si Gelhang sa locker ni girl pero until now, torpe pa rin si boy at wala pa rin nangyayari." Nakita ko rin ang lalaking 'yon minsan, naglagay siya ng note sa bottled water at ibinigay roon sa babae. "Nakakainis lang. Paano sila magkakatuluyan?!"



"Hindi mo na problema 'yon. Hindi mo naman lovelife eh!" Rob.



"Wait nga, Rob. Ano ba. Ang dami niyong dinadaanan talaga before makarating sa mismong point ng sinasabi niyo, 'no?" Si Ulap na nagsisimula nang mairita sa daming pasakalye ni Mang Roberto. "Sinasabi mo ba na gayahin ko si Simon? Magbigay ako ng post-it notes kay Samantha?"

"Yeah, but secretly. Hindi lantaran." Umiling-iling agad si Ulap habang ako naman ay ini-imagine na agad ang pwedeng mangyari. Advance akong mag-isip eh. "Hear me out first, beshy. Ito ang plano. Bibigyan natin si Pres ng slight hint na sayo galing 'yon," he emphasized the word 'slight' and showed the tiny pinch using his fingers. "Slight hint lang para may 'what if' siya. Like what if sayo galing, what if hindi. Kaya may karapatan kang tumanggi."



"Okay...?" Ulap's still skeptical about his idea. Actually, ako rin. Parang sinabi niya lang din na 'Oh gawa tayo ng love letter pero this time post-it notes ang gagamitin natin tapos palihim nating ibibigay; hindi na kay itlog kundi sa syota niya'. Same idea 'di ba? "Anong klaseng hint?"



"Oh, you're actually considering it?" I scoffed a soft laugh.



"Why? Do you also agree that's not a good idea?"



"Ah...actually..." tumingin ako kay bakla na napapasimangot na. "Nevermind. Sure. Let's give Rob's idea a chance." Awtomatikong napangiti si akling at napapalakpak pa. I leaned back and sat like a gangster, manspreading. "So, how's that gonna work, Mr. Roberto? Anong mapapala natin—I mean ni Ulap kapag ginawa niya 'yon?"



"Great question. Thank you!" He bowed his head and flipped that imaginary long hair again. "Sa purpose muna tayo. First and foremost, malalaman natin kung push ba tayo or pull. We're not sure kasi if straight si pres or not."



"She's straight," Ulap stated.



"Di mo sure, besh. Sinabi mo rin yan," Rob gave Ulap a simpering smile, but the latter just shrugged it off. "Anyway, dapat may magm'monitor para knows natin. Titignan natin if magkakainteres ba siya, kasi kapag 'di niya pinansin...doon pa lang, besh...magmove-on kana. Kalimutan mo na ang feelings mo for her!"



"Feeling ko rin straight si Monteclaro eh," I concluded. "Hindi niyo ba nakikita? Patay na patay siya sa boyfriend niyang...mukhang sugpo. Wala kayong makikita at maaamoy na kabadingan sa babaeng 'yon. Kaya nga natatakot ako para sayo, Ulap."



"Yon nga ang sinasabi ko kay Rob eh." Sky.



"Stop! Mga negatron kayo!" Singhal ni bakla sa'min. Nailayo ko ang mukha ko sa screen sa lakas ng boses niya. Lintik na barbie 'to! "Bading na ako bago pa kayo at bago niyo pa nalaman na bading din kayo, okay?!" Gigil na sermon niya. Aalma na sana ako nang pandilatan niya ako ng mata kaya napatikom bibig na lamang ako. Tangina. Bading daw ako?! "Let me investigate. Ako ang magsasabi kong bading si pres or not!"



"Okay, barbie. H'wag kanang magalit uwu. I'm a barbie girl, in a barbie world~"



"Uwu mo mukha mo, Gwen Chloe!"



Natawa ako.



"Okay, Rob. Sige na. Ikaw ang bahala." Pagpapaubaya ni Ulap na natatawa rin—malamang natatawa sa'kin. "Ano bang plano mo? Ano bang gagawin? Paano tayo magbibigay ng hint?"



"Simple lang, besh. We need a beautiful code name."



"Code name?" Ulap.



"Yes, para 'di malaman ni pres na galing sayo. Pero dapat 'yong may hint na ikaw 'yon." Napatango ako sa narinig. Nagsimula na akong mag-isip wala pa man. Bida-bida. "Si Simon kasi 'Pegasus' ang name niya sa notes na binibigay niya kay Isabel, so there's no hint at all na siya 'yon kaya 'di rin mahulaan ni girl." Hindi naman sa nanghuhusga at nanglalait ako ah, pero bobito rin kasi 'yong si Simon eh. Nakailang jowa na yata 'yong babae tapos siya panotes-notes pa rin. Tangina. Tapos 'yong name niya sa notes pegasus. Sinong magkakagusto sa kabayong may pakpak?! "Kaya ang gagawin natin Sky, mag-iisip tayo ng magiging special name mo sa notes. Dapat alam ni pres or may idea man lang siya na pwedeng ikaw 'yon, pero may slight doubt. You know what I mean? Yung tipong magdadalawang isip siya."



"Psh!" Mayabang na singhap ko. "Code name ba kamo na may hint na siya 'yon? Basic. Aries. Zodiac sign mo, girl."



"No." Alma agad ni Roberto. Napaka-kontrabida talaga. "Sige nga. Paano malalaman ni pres na si Sky 'yon? Sa tingin mo ba alam niya ang birthday ni Sky? Let alone the zodiac sign?"



"Anong akala mo, 'di ko naisip 'yon? Kaya nga do'n papasok ang idea number two ko!" Sabay peace sign. "Ganito ang eksena. Kapag nasa classroom tayo tapos nandun si Monteclaro, pag-usapan natin ang birthday mo, Ulap. It will go like this, 'Hoy, girl! Di ba April 1st ang birthday mo? Aries ka pala, Sky? Wow! Sana all natapat sa April fools.' Tapos ulit-ulitin natin everyday hanggang sa mapaisip si Monteclaro," paliwanag ko ng magiging execution. At hindi ko alam kung anong nakakatawa sa sinabi ko pero natawa si Rob. Si Ulap naman ay hindi alam kung maiinis ba o ano. "Ang genius ko 'no?"



"Sobra!" Ulap replied with obvious sarcasm.



"Mapapaisip talaga si pres, Gwenita. Iisipin no'n, nasisiraan na tayo ng ulo para ulit-ulitin 'yon."



"Ibang script each day!"



"Pass sa scripted," Ulap.



Napasimangot ako sa pagreject nila sa idea ko. "That's devastating, but it's okay, may idea pa ako. How about 'math ace'?" Nagtaas-baba pa ako ng kilay. Kumunot lang ang noo nila. Hindi na naman nila gets kasi pang matalino lang ang mga naiisip ko na maging si Sheldon Cooper at Jimmy Neutron hindi kakayanin ang mga tumatakbo sa utak ko. "Ang hina niyo naman. Hindi naman kasi pwedeng Science Ace kasi obviously, ikaw 'yon. Kaya from science, ilipat natin sa math. Or kung gusto mo, English na lang. English Ace."



Natawa si ulap at saka nailing. "Hay nako, Gwen. Tama kana nga."



"Girl, mahahalata niya na si Sky 'yon!"



"Talaga? Ang talino naman ni Monteclaro kung ganon."



"Gaga. Kahit sino mahuhulaan 'yon 'no!" Bumaling siya kay Sky. "Besh, ikaw, ano sa tingin mo? Anong maganda?"



"Ba't 'di na lang food?" Suhestisyon niya.



"Literal na food, or kinds of food?" Tanong ko naman.



"Kinds of food. Like my favorite one for example."



"Adobo?!" Sabay naming bulalas ni Rob dahil 'yon ang alam naming paborito niya. Umiling-iling kami. "Besh, no! No! No way!"



Napasapo ako sa aking noo. "Ulap, attractive codename ang sabi ni Rob, hindi ulam kapag gutom na gutom ka!"



"Example nga lang! Hindi ba kayo nakikinig?!"



"Hay nako. How about clouds na lang kaya? Pwede 'yon," sabi ko pa.



"No. Ayaw ko," she rejected right away.



Napanguso ako.



"Rain," Rob.



"Nope."



"Heaven." Rob.



"Nope."



"Angel." Rob.



"Nope."



"Palayo nang palayo ah," komento ko. "Ba't 'di na lang Mama Mary total parang do'n din naman ang punta?"



"Hoy, gaga. Wala ka talagang respeto. Minus ten ka sa langit!"



"Di naman sa langit ang punta niyan kaya okay lang." Skylie.



"Hoy! Bastos ka talaga ulap ah!" Napahalakhak naman sila. Tangina nito, pasmado ang bunganga. "Kung sa impyerno man ang punta ko, isasama ko kayong dalawa! Gago kayo ah."



"Hahaha sige besh, pero mauna ka." Rob.



"Hindi! Sabay-sabay tayo!"



"Seryoso kasi!" Nagmamaktol na si Ulap, toddler mood na naman. "Ang sabi ko food pero 'yong pinags'suggest niyo papunta na kay Lord!" Asik niya pa. Napakagat labi ako para hindi matawa. "Ako na. May naisip na ako!"



"Ano?"



She grinned. "Hulaan niyo. Ang makatama, ililibre ko. It starts with letter F."



Ayan na naman siya. Magpapahula na naman po siya ng alam niyang hindi namin mahuhulaan. Wais din talaga 'to eh. Manlilibre na lang, pahihirapan pa kami.



"Fried chicken!" But still, I tried.



"Hindi."



"French bread?" Rob, too. Sky shook. "French fries?"



"Nope!"



"Fotatoes?" Me and my brain.



She chuckled. "No!"



"Fatatas?" Rob.



"Hindi!"



"Clue naman oh!" Ungot ko.



"Isa rin 'to sa mga paborito ko."



"Ulap, kapag sinabing paborito dapat isa lang, hindi marami!" Pinagsabihan ko nga.



"Wala kang pakialam!"



"Um...fruits? Fish?" Rob.



"Oo! Malapit na, besh! Pwede. Malapit sa fish. It starts with the word fish."



"Fish crackers!" Naexcite pa ako akala mo naman talaga'y tatama pero mali pa rin. "Fish fillet?"



"Hindi! Kaibigan ko ba talaga kayo? Ba't 'di niyo alam?!"



"Fish chicharon? Fish lumpia? Fish roll? Fish daing? Fish inihaw? Fish sauce?" Si Rob na binanggit na yata lahat ng word na may 'fish'.



"Gutom ka ba?" Ngiwi ko.



"Oo, teh! Fashnea—fashnea tuloy. Pashnea naman, besh. Sabihin mo na nga lang! Ano bang letter F na pagkain 'yan?! Fefe? Charr!" Then he laughed.



"Kadiri talaga ampota!"



Ulap sighed. "Mygosh. Lagi tayong kumakain nito sa labas. Fishball!"



"Fishball?!" Chorus na naman kami ni Rob. "Bakit fishball?" Tanong ko. "At saka paborito mo pala 'yon? Eh 'di ba sabi ng mommy mo, bawal kang kumain non?" Matigas yata talaga ang bungo nitong si Ulap. Hindi marunong makinig. "Lakas ah. Bawal na nga sayo tapos ginawa mo pang paborito."



"Gaga! Ang sabi nila okay lang kumain non basta h'wag lang araw-araw. In terms of street foods, fave ko 'yon!"



"Dapat pala may category eh, nahulaan ko sana!" Alma ko.



"Magkakahint ba roon si pres?" Tanong ni Rob.



"Oo, besh. Alam niyang paborito ko 'yon. And for sure, ako agad ang papasok sa isipan niya kapag nabasa niya ang note with that code name," nakangiting turan niya.



"Baliw ka pala eh!" Duro ko sa screen. "Nakikinig ka ba, Ulap? Ang sabi slight hint lang. Hint pa ba 'yan?! Parang nagpakilala kana sa lagay na 'yan ah."



"Oo nga, besh. Baka i-confront ka no'n," segunda ni Roberto.



"Relax. I just want her to assume right away na ako ang sender." Sabay kaming napakunot noo ni Rob. Baliw nga talaga! "Gusto kong malaman kung i-c'confront niya ba ako o iiwasan na agad. And so as long naman na wala siyang proof, I can deny all I want, right?" In fairness ah, ang layo ng gusto niyang mangyari sa orihinal na ikot ng ideya ni Roberto. "Also, just for the record, this shouldn't be considered as 'making a move' lalo na't may deny na mangyayari. Okay ba?" Natawa si Rob at nailing naman ako. May prinsipyo kasing pinanghahawakan 'tong si Ulap kaya hindi rin kami pwedeng sulsol lang nang sulsol. But girl, this idea is already considered as 'making a move'. "Kilala niyo naman ako. And I think...this is kinda not right."



"Buti alam mo. Isa lang ang masasabi ko; all the best. All the best, Ulap."



"Don't worry, besh. Easy lang tayo sa notes. 'Di natin gagalingan masyado. At walang mali sa gagawin natin!" Rob.



"Basta usapang matino ah. Hindi ko 'to ideya kaya h'wag niyo akong mautusang magdikit no'n sa locker niya o kahit saan. Masasapok ko talaga kayo!" Sabi ko. Mas mabuti nang habang maaga pa ay alam nilang hindi nila ako maaasahan pagdating sa bagay na 'yon dahil ayaw kong madehado. "You need to do that yourself, Ulap. Effort mo ang kailangan. Tamang suporta lang kami."



"Of course. I'll do it."



"Good."



I'll take care of the rest for you.




================

SKYLIE's•



"Ate, mayaman po kayo?" Tanong ng bata.



NANDITO ako ngayon sa parking area ng mall, nakasandal sa family car namin habang hinihintay sina ate at daddy na nasa supermarket. Nauna akong lumabas dahil tinamad na akong sumunod sa kanila matapos kong dumaan sa restroom. Nakabili na rin naman ako ng gift for them na siyang purpose ng pagpunta ko rito kaya hindi na ako nakigulo sa pamimili nila; wala naman akong maiaambag doon.



Nakangiti akong umiling sa kanya. "Hindi naman po. Sakto lang."



"May kotse po kayo eh," sabi naman ng isa pang bata.



Dalawa silang kaharap ko, isang batang babae at batang lalaki. Magkapatid daw sila. Naglilinis sila ng bintana ng mga sasakyan dito at pagkatapos ay manghihingi sila ng barya. At dahil natutuwa ako sa kanila, binigyan ko sila ng isang libo para kanilang paghatian. They're so happy, and so am I; knowing na kahit papaano ay napangiti ko sila ngayong pasko. I stayed outside of the car para makipagkwentuhan sa kanila; magaan at nakatutuwa kasi silang kausap.



"Nakakangat lang sa buhay kasi may trabaho ang parents ko," sagot ko. Laki rin kasi sa hirap ang magulang ko. Lagi nga sinasabi ni daddy sa amin na nagpapasalamat siya na hindi na namin naabutan ang ganong buhay na tinamasa nila noon. And of course, that's because of their dedication and hard work. We're grateful enough. "Ano pala name niyo?"



"Ako po si Lileth. Liit po tawag nila sa'kin," sagot ng batang babae.



"Ako po si Laki," sagot naman ni little boy. "Lucky na parang lucky nine po 'yong totoo kong pangalan."



Natawa naman ako sa parang lucky nine. "Ang cute naman ng name niyo. Ako naman si Ate Sky."



"Ano po 'yong buo niyong pangalan, ate?" Tanong ni Liit.



"Skylie Rae."



"Wow. Ang ganda po ng pangalan mo Ate Sky, kasing ganda niyo rin po," sabi naman ni Laki.



I chuckled and lightly squeezed his cheek. Hindi nagsisinungaling ang bata. "Thank you."



"May boyfriend na po kayo ate?" Liit.



"Wala pa. Bawal pa kasi ako."



"Bakit po?" Laki.



"Wala pa kasi ako sa tamang edad para roon," malumanay na sagot at pagpapaintindi ko. "Kaya kay0, h'wag din kayong magmamadali sa ganong bagay ah? May tamang panahon para roon." Coming from me na akala mo'y hindi humaharot. Humalukipkip ako. "Siya nga pala, nag-aaral kayo?



"Opo pero bakasyon po namin ngayon, ate," sagot ni Liit.



"Anong grade niyo na?"



"Grade 3 po kami." Liit.



"Magkaklase kayo?"



"Opo," sabay nilang sagot.



Tumango-tango ako. "Sinong mas matanda sa inyo?"



"Ako po," nagtaas-kamay si Laki. "Nine na po ako tapos si Liit po ay eight."



"Ah, okay. Mag-aral kayong mabuti ah," sabi ko pa na akala mo talaga'y napakatinong mag-aaral.



"Gusto ko pong maging pulis, Ate Sky." nakangiting sabi ni Laki sabay saludo.



"Ako po gusto kong maging teacher," si Liit.



Napangiti ako. "That's nice. Balang araw matutupad niyo rin 'yan basta magsisipag lang kayo. Okay? Laban lang." Tumango naman sila. "Sa susunod, kapag magkita man ulit tayo ilang taon mula ngayon...ay sana abot niyo na ang mga pangarap niyo. Kung hindi man, ayos lang din, ang importante healthy at masaya kayo."



Tumataba ang puso ko sa tuwing naririnig ko ang pangarap ng iba, lalo na ng mga mas bata kaysa sa akin. For me, that's still a sign na kabataan pa rin ang nagsisimbolo bilang pag-asa ng bayan sa hinaharap.



"Kayo po, ate, ano pong pangarap niyo maging?" Laki asked.



"Nurse."



"Ayaw niyo pong maging doctor?" He added.



"Pwede rin," saad ko.



That's my plan, though. Pero susubukan ko muna ang nursing. Titignan ko kung kakayanin ko nga bang magstay sa ospital knowing na takot nga ako.



"Ako rin ate, gusto ko rin po sana maging doctor," sabi ni Liit, "kaso takot po ako sa ospital kaya teacher na lang kasi gusto ko rin nun."




Nakarelate naman ako. "Ay, ako rin! Takot ako sa ospital. Ayaw kong ginagamot ako ro'n. Ayaw kong dinadala ro'n. Takot din ako sa maraming dugo."



"Eh, bakit po gusto niyong maging nurse?" Naguguluhang tanong ni Laki.



"Hindi ko rin alam basta gusto kong maging nurse." Natatawang sagot ko. I think weird talaga ako in all aspects. Ni maging ako nga ay madalas maguluhan sa sarili ko. "Bahala na siguro."



"Baka hindi po talaga kayo takot, ate." Liit.



"Baka nga," tugon ko. Bigla namang tumunog ang cellphone kong nasa bulsa ko lang. Kinuha ko ito at tinignan. Monsterous is calling... Yes, Monsterous is Monteclaro's contact name on my phone. "Sagutin ko lang 'to, kids ah." sabi ko sa dalawang bata. Tumango sila at saka umalis para lumapit doon sa nagtitinda ng mga candies. Pigil ang ngiti ko namang sinagot ang tawag. Kilig na naman po! "Hi."



"Hi," she greeted back.



"Hello," I chuckled. Gagi. Kinikilig ako. Nakakaasar ah. "Bakit ka napatawag?"



"Bawal ba?" Sungit mode activated.



"H-hindi naman."



Pero bakit ka nga napatawag? Nam'miss mo ba ako? Charr. Asa.



"Where are you right now?"



"Uhm, nasa mall."



"Which one?"



"Huh?"



"What mall?"



Nag-angat ako ng tingin. "Yung...mall na pag-aari nila Ai—Kai, 'yong kaibigan mo."



"Okay. Where exactly are you at the mall?"



Mas kumunot pa ang noo ko. Bakit ganito ang mga pinagtatanong nito?! Natatakot na ako ah. Pero sinagot ko pa rin. Timang 'no? "Dito sa labas. Sa open parking space. Bakit po?"



"Nothing. Just checking. Bye."



And she ended the call.



"Mons—!" Napasinghap ako't hindi makapaniwalang tumitig sa cellphone ko. "Grr! Nakakainis ka talaga kahit kailan!" Hindi ba siya pwedeng magpaalam ng maayos? "Pasalamat ka talaga..." Ibubulsa ko na sana ulit ito nang tumunog na naman. She's calling again. May nakalimutan siguro 'tong sabihin. Umirap muna ako at saka sinagot. "Yes po?"



"You're adorably stupid," she laughed. Tignan mo 'to. Tumawag siya ulit para lang sabihin 'yon?! Rerebat na sana ako nang may sabihin pa siya. "Anyway, want some fishballs?"



"No, thanks!" Inis na sagot ko.



"Aww. Too bad. Libre ko pa naman."



"May pera ako!"



"Oh? That's great! Ako na lang ilibre mo." Natawa siya nang marinig na pumalatak ako. Iniinis talaga ako nito eh. "I'm just kidding. Sorry na. There's a turo-turo nearby; like a market. Libre kita."



Turo-turo?



Hindi ako nakasagot agad. Bigla akong naguluhan. Bakit naman siya mag-aayang kumain? Hindi naman kami magkasama ngayon, at saka ang alam ko...wala siya rito sa syudad. Higit pa ro'n, paano niya nalaman ang word na turo-turo kung tabi-tabi nga ay hindi niya gets? Updated na ba ang vocabulary niya? Amazing ah. Amazing.



"Paano mo naman ako il'libre, eh hindi naman tayo magkasama. Nasa mall ako, walang turo-turo rito," sabi ko. Umalis ako sa pagkakasandal at nameywang. "Wala ka ba sa Heland?"



"Not yet. I'm here."



"Where?" I asked, frowning.



Does she mean here? Like, dito mismo sa mall?!



Naglibot ako ng tingin para sana'y hanapin ang sasakyan niya sa mga nakaparada rito, but instead, I saw her standing at the opposite end of the parking area in her chic white sweatpants outfit, peering at me and holding her phone close to her ear with the other hand in her pants pocket. She's stunning. Hindi na bago 'yon, but I'm still fascinated. Parang tumigil ang paghinga ko nang makita ko siya. The moment our eyes met, it felt again like each second was taking longer. It's happening again, the butterflies, the uncontrollable beat of my heart, and the familiar calming effect of her presence. Sa kanya lang ako ganito, at gusto ko sa kanya lang ako matutuliro ng ganito.



These feelings I have with her makes me feel as though I'm gazing at the stars in the night sky and counting their unending number.



Minsan ka na bang tumingin sa kalangitan sa kalagitnaan ng gabi? Tumitig sa buwan o 'di kaya'y nagbilang ng bituin? Minsan ginagawa ko 'yon. Alam mo ba out of all the stars in the sky, there is one in particular that will draw your attention not because it's bigger, brighter, or more unusual, but rather because...perhaps it's one of a kind. Samantha is my perfect example of that one particular star. Will that change? Who knows. I hope not. I don't want it to change.



Alam niyo 'yong nakakatawa? She isn't doing anything, but she still makes me fall deeper—effortlessly. So, anong barang kaya ang nangyayaring 'to sa'kin?



"Bukas pa ang alis ko papuntang Heland." Bumalik ako sa ulirat. Nakalapit na pala siya at nakapatay na ang tawag. Ibinaba ko ang aking cellphone at ibinulsa. Shems! Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko! "Naghahanap ako ng parking when I saw you. Akala ko nga hindi ikaw, but then you smiled." She giggled. Oh, goodness. Her laugh. Her smile—grr! Ang ganda talaga ng babaeng 'to. Bakit ganon? "Also, as I were saying...may turo-turo sa market malapit dito. Gusto mo ba try natin?" Tch. Ayaw ko man mainggit pero naiingit talaga ako kay Stephano. Bwesit na lalaking 'yon! Paano niya napasagot si monster? Anong ginawa niya? Ginayuma niya ba? I bet! "Hey, dugyot!" Napapitlag ako nang maramdaman ang isang pitik sa noo ko. "You're spacing out na naman dahil sa ganda ko!"



"Ang sakit no'n, monster!" nguso ko sabay haplos sa aking noo. "At saka, ang kapal mo. May iniisip lang ako!"



She's just stating the fact, Skylie. H'wag ka kasing matulala sa ganda niya. Masyado kanang napaghahalataan!



"At sino na namang iniisip mo?" Mataray na tanong niya at saka suminghap. Napaka-moody talaga. Jusko. Kanina nakangiti siya at tumatawa pa tapos ngayon nagsusungit na naman. "Baka 'yong nerd o 'di kaya ay 'yong Palawan boys na naman! Let me remind you Skylie, you're not yet eighteen," sabay duro sa'kin.



Ha? Mommy, ikaw ba 'yan?



Wait lang. Paano niya nalamang hindi pa ako eighteen? Nabanggit ko ba sa kanya na mas bata ako ng ilang buwan, o 'yong birthday ko? Hmm. Ba't 'di ko maalala?



"Hindi ba pwedeng..." ikaw ang iniisip ko? "handa sa pasko ang iniisip ko o kung anong gift ba ang gusto ko?"



"I don't believe you. Pero anong gift nga ba ang gusto mo?"



"Ate Sky." Hindi ko nasagot ang tanong niya dahil sa paglapit muli ng dalawang bata. "Kaibigan niyo po?" Tanong ni Laki.



"Hindi." Sagot ko. Hindi nakalusot sa mga mata ko ang pagkunot ng noo ni monster dahil sa narinig. Oh, bakit? Friends ba tayo? "Kaklase ko."



"Hello po, ate." Bati ni Liit sa kanya at saka kumaway-kaway. Such a cutie pie. "Ang ganda niyo po."



"Hello, little one; and thank you," sagot naman ng isa at saka mayabang na sumulyap sa'kin.



Hoy, sinabihan din ako ng maganda ng mga 'yan. Akala nito!



"Para po kayong dyosa," sabi naman ni Laki. "Model po ba kayo?"



Tignan mo 'tong batang 'to, kapag sa'kin 'maganda' lang pero kapag kay monster dapat dyosa?! Dapat model?! Psh, unfair! Pero sige na nga, dyosa naman talaga eh. Mukha naman talagang modelo.



"Thank you, kiddo. Pero hindi ako model. Mukha lang. 'Di ba, Skylie?" Baling niya sa'kin.



"Dyosa at model ng mga monster~" bulong ko sabay sipol kaso walang tunog na lumabas kasi 'di ako marunong.



"Ano 'yon?" She raised her brow and crossed her arms.



"Ahh...dyosa ng..." naningkit ang mga mata niya, "ng...m-ma...mayayaman na tao." At mas lalong 'di siya natuwa. "Dyosa ng mga mayayaman...at sabi ko nga, dapat naging model ka talaga. Dapat lang!" sabay ngiti ng pilit.



Dyosa ng mayayaman? Is that even a thing, Skylie?



"Mayaman po kayo?" Usisa ni Liit sa kanya.



"Yes," sobrang humble na sagot naman niya. "Kaya kong bilhin 'tong mall kung hindi lang sana pag-aari ng bestfriend ko."



Grabe 'no? Ever since, wala talagang kahanginan sa katawan 'tong si monster. WALA TALAGA! AS IN WALA! Maiiyak ka na lang sa sobrang humble niya.



"Total mayaman ka naman at kaya mong bilhin 'tong mall," sabi ko sa kanya, "Ba't 'di mo bigyan ng pamasko 'tong dalawa?"



"Sure. How much?" Pumayag naman agad siya.



"Oh, magkano raw gusto niyo?" Nakangising tanong ko sa mga bata.



"Kahit magkano lang po, ate." sagot ni Laki.



"Okay." Inilabas niya ang kanyang wallet mula sa kanyang sling bag. "Wala akong masyadong cash. Ito lang pera ko," sabay pakita sa'min ng medyo makapal na tig-iisang libo na kagagaling lang yata ng bangko. Ay, yawa. Normal na yata 'to kay monster. Sanay siya na kapag cash, kahit anong halaga, it means barya. Paano ba naman, laging debit and credit card ang gamit niya sa lahat, maliban lang kung walang tumatanggap. "Bigay ko na lang lahat. Here." Inabot niya ang pera sa dalawang bata na naistatwa sa laki ng halaga. Ang galante naman ng dyosa na 'to. "Sorry, kids ah. 'Yan lang ang kaya ko. 'Di ako nakapagwithdraw."



LANG?! NAHIYA NAMAN ANG ISANG LIBO NA BINIGAY KO!



Hindi pa rin kinukuha ng dalawang bata mula sa kamay niya ang pera. Gulat na gulat sila. Sino ba namang hindi? Kung ako ang nakatanggap ng ganyan noong bata ako baka hinimatay muna ako o naglupasay muna ako sa tuwa. Then, iiyak na lang ako after kasi kay mommy naman mapupunta 'yong pera.



"Why? What's wrong? You don't want it?" Mahinang tanong ni monster nang mapansin na naluluha sa tuwa ang dalawa. Bumaling siya sa'kin. "They want toys over money?"



"No." I chuckled. "Medyo shock lang sila kasi ang laking amount niyan."



"Edi bawasan ko."



"No. No. H'wag mo nang bawasan!" Pigil ko sa kanya. Pambihira oh. Mayaman ka naman eh. Kinuha ko ang pera sa kamay niya at binigay sa dalawang bata. "Oh, ito. Mas maganda kung ibibigay niyo 'yan sa parents niyo. Pabili na lang kayo ng gusto niyo at saka ng masarap na pagkain sa noche buena. At sabihin niyo galing 'yan sa dyosa."



"Dyosa, huh?" Ngisi ng isa.



Hindi ko siya pinansin.



"Oh, h'wag kayong umiyak," natatawang sabi ko. "Umuwi na muna kayo baka mawala pa 'yan dito."



"Thank you po, ate! Salamat po!" Niyakap siya ng dalawang bata na tuluyan na talagang umiyak. Nagitla naman si monster. Tumingin siya sa'kin; hindi niya alam ang gagawin. Ngumiti lang ako. What a cute lil cheesecake. "Thank you, Ate Sky!" Ako naman ang niyakap nila.



I hugged them back and softly said, "Merry Christmas."



"Merry Christmas po," sabay nilang sagot. Binati na rin nila si monster bago sila umalis. "Merry Christmas, Ate Dyosa!"



"Merry Christmas, kiddos." Sagot niya pabalik sa mga ito. Bumaling siya sa'kin pagkaalis ng mga bata. "You like kids, dugyot?"



"Mm." I nodded, smiling. "They're adorable, innocent, and fun."



"Kaya pala."



I frowned. "Kaya pala ano?"



"Minsan kasi nakikita kita sa labas ng school, nagbibigay ka ng food sa mga batang nagpapalimos do'n. Even before, hindi pa kita kilala non. Now I know na ikaw pala 'yon."



Kung ganon napapansin mo na pala ako dati pa lang?



"Ahh." Ngumiti ako. "Nagbibigay lang naman ako kapag may sobra sa baon ko, o kung alam kong may maibibigay ako." Hindi lang naman ako, sina Gwen at Rob din. "Anyway, ba't ka pala nandito?" Tanong ko na ikinakunot naman ng kanyang noo kaya bago niya pa ako maisipang barahin, inunahan ko na siya. "Sabi ko nga, mall 'to kaya malamang mags'shopping ka, alangan namang magswimming ka. May swimming pool ba rito?"



"Tch." Nailing siya sa'kin. "You're a stupid dugyot talaga. Pero may titignan lang ako." Napasimangot at napanguso ako. Ayan na naman siya sa stupid dugyot na 'yan! "How about you? Ba't nandito ka sa labas? May hinihintay ka ba?"



"Yeah. Hinihintay ko sina—!"



"Bunso!"



Hindi ko naituloy ang sasabihin dahil dumating na rin naman sila. Tumingin kami sa gawi ng papalapit na sina daddy at Ate Ingrid na may tulak-tulak na cart. Natigilan naman ako nang maalalang inaasar nga pala ako ng dalawang 'to rito kay monster. Hala. Oo nga pala! Ito ang klase ng encounter na gusto kong iwasan dahil malaki ang posibilidad na mabuko ako. Super supportive pa naman nitong si daddy. Siya 'yong tipong kung pwede lang na siya ang umamin on my behalf, gagawin niya.



"Anak, wala 'yong pinapabili mong delight. Yakult na lang ang binili namin," sabi ni daddy pagkalapit sabay tingin kay monster.



"Hello, sir." bati naman ng katabi ko at saka yumuko ng bahagya.



"Hello, iha." Bati ni daddy pabalik saka muling tumingin sa'kin.



"Ah dad, si..." palihim muna akong lumunok. Sana 'di ako ilaglag ng dalawang 'to! "s-si Samantha po, kaklase ko. Pres, daddy ko at si Ate Ingrid ko."



"Hello!" Bati ni ate sa kanya at saka ako sinulyapan. Alam ko ang tingin na 'yan, ate! "Teka. Sabi ni bunso, ikaw 'yong student council president. Tama ba?"



ATE!!!



"Ah, opo. Ako nga."



"Ang ganda mo naman." Pinandilatan ko siya ng mata kahit hindi siya nakatingin sa'kin. Sinulyapan ko naman si dad na buti na lang ay hindi pa nags'sink-in sa kanya na itong si Samantha ang parehong tao na—! "Dad, siya 'yong sinabi sa atin ni bunso. 'Yong nagbigay ng isaw. Remember?" Si ate parang tanga, pinaalala pa!



Dad eyes widened—literally. Gulat siyang tumingin sa'kin at pagkatapos ay tumingin din kay monster na nagtataka na. "Kung ganon anak, siya pala 'yong nilili—!"



"Opo, dad. Opo!" Tinulak ko pa siya paatras. Wait. Was he about to say nililigawan? "I mean, hindi po. Pero siya nga po 'yong pinakain ko ng street foods," nangungusap ang mga mata ko silang sinamaan ng tingin. "Okay naman po siya. Okay na po ba? Pwede na po ba tayong umuwi?" Halos ipagdiinan ko bawat salita.



Parang awa niyo nang dalawa. Huhu, let's go home!



"Ah, sir..." Samantha.



"Call me, tito." Si daddy na ang lapad ng ngiti. Paano ba naman, ang ganda-ganda nitong natitipuan ng anak niya.



"Call me, Ate Ingrid." Isa pa 'tong kapatid ko.



Pinili ko na lamang manahimik dahil hindi ko na rin naman alam ang sasabihin at ir'react ko. Nahihiya ako! Pasulyap-sulyap na lamang ako kay monster. Pinagpapawisan ako sa pag-aalala na baka madulas itong dalawa. Ako ang kinakabahan.



"Okay po." She smiled at them, then she glanced at me. "Uhm, tito. Can I spend a little time with your youngest? Kakain lang kami diyan sa market. Sandali lang po kami."



Napatingin ako kay monster. Did she just...



"Oo naman. Kahit h'wag mo nang ibalik."



"Dad!" I hissed.



"Biro lang." Humalakhak siya. "Walang problema. Ikaw na ang bahala. Ingatan mo ang anak ko ah?"



"Yes po, tito. No worries po, ihahatid ko po siya sa inyo."



"Good. Oh, anak." Baling ni daddy sa'kin. Sumimangot lang ako dahil nanunudyo talaga ang tono at ang tingin niya. "Iingatan ka naman daw niya. Uuwi na kami ah? Update mo na lang kami."



"Sige na po." Binigyan ko ulit siya ng makahulugang tingin like, h'wag na po kayong magsalita pa baka kung ano pang masabi niyo eh. "Uuwi rin agad ako. Ingat kayo."



"Iha," baling niya kay monster bilang paalam.



"Sige po, tito. Ingat po."



"Bye, Sam. Ingat kayo." Kumaway naman si ate sa kanya at saka lumapit sa'kin at bumulong ng, "Enjoy sa date niyo ng crush mo. Ayiee."



Siniko ko siya. Bwesit. "Uwi na, ate."



"Bye, Ate Ingrid." Monster.



Nang makaalis sila'y tumingin ako kay monster na nakatingin na sa'kin at nakangiti. "Oh, bakit?"



"You have a cool dad and a lovely sister."



"Oo naman. Eh ako ba, lovely rin?" Sabay ngiti ko.



"You're a dugyot." I pushed my lips out at her response. Ang sama ng ugali! She just tee-heed. "Papasok na muna ako sandali sa mall, may titignan lang ako. Sama ka o sa car ka na lang maghihintay?"



"Dito na lang ako sa labas," sagot ko, may hinanakit pa rin na 'di ako lovely sa paningin niya. "Kaya ko naman maghintay, kahit gaano katagal." Double meaning pero syempre, wala siyang ideya.



"Don't be so stubborn, dugyot. Mainit dito sa labas. Nandon lang ang sasakyan ko," turo niya sa kung saan nakaparada ang sasakyan niyang hindi mahirap hanapin dahil naiiba. Hindi kaya mainit sa mata ng mga carnapper ang kotse niya? "Bukas na ang pinto no'n. Lock mo ng maayos pagpasok mo ah?"



"Opo, boss." Bagsak ang balikat na sagot ko.



"May ipabibili ka ba?" She asked. I shook. "Okay. I won't take too long. I promise."



"Okay."



Umalis na siya. Naiwan naman ako na parang tanga na nangingiti. Ako lang ba o sweet talaga siya today? Tumatawa siya. Ngumingiti siya. In short, nasa better mood ang monster ko. Tapos...damn, ang sarap lang sa pandinig na tawagin niyang 'tito' ang daddy ko. Nagpipigil lang talaga ako ng kilig kanina. And the way niya ako pinaalam kay daddy—Tito can I spend a little time with your youngest? AAAHHH! Miss, are you asking my hand for marriage? Because yes, I do! 'Di mo na kailangan pang itanong!



Gosh, monster. H'wag ka namang pa-fall.



Pero na-fall na rin naman ako. So...



Lumapit ako sa sasakyan niya, kinikilig pa rin ang ate niyo, at bubuksan ko na sana ang pinto nang mapatingin ako sa kabilang car na nasa tabi nitong kay monster kung saan may kalalabas lang na isang pamilyar na indibidwal.



"Raj?" Yes, si Mr. Taciturn man. Nasurprisa siya nang mapatingin sa'kin. I smiled, but he just slightly frowned. He was dressed up. May date yata. "Nandito ka pala? I thought you'd be in Canada for the holidays?" Tanong ko pa. Hindi na kasi siya pumasok a week before Christmas break kaya akala ko umuwi na siya o bumalik sa Canada since nandoon ang friends and other relatives niya.



"No." Tipid na sagot niya. Namulsa siya at saka bahagyang lumapit. "My cousins visited instead. I'd probably go with them when they go back to Canada after Christmas, just to pass the time before the start of classes again."



Wow. That's a legit sentence right there. Ang haba ng sagot niya.



"You should. I know you miss being home, and I'm sure your friends and family will be happy to see you," nakangiting sagot ko. Ngumiti lang din siya ng tipid, tumango, at saka nag-iwas ng tingin. "By the way, nice fit." Compliment ko. To be honest, Raj always looks amazing kahit ano pang isuot niya; malinis kasi siyang manamit kaya bumabagay sa kanya lahat. I like his style. "You always look on-point."



"Thank you, Skylie."



"Of course," I tittered. "Oh, sige na. Baka nagmamadali ka. Binati lang talaga kita."



"I'm quite early, actually." Tumingin siya sa kanyang relo sa kamay at saka muling tumingin sa'kin. "See you next year, then. Happy holidays."



"Happy holidays, Raj."



Pinagmasdan ko siya habang papalayo. Napangiti ako. Raj really exudes a lot of confidence with his cool demeanor, kaya rin siguro ang daming mga kalalakihan sa school ang naiinis at naiinggit sa kanya dahil halos ay nasa kanya na lahat. Iyon nga lang, pati girls ayaw rin sa kanya dahil sa pagiging mailap niya sa nakapapaligid sa kanya. For me, he's fine. I have no problem with him. Dalawa lang naman kasi ang pagpipilian: either you accept who he is or just leave him alone. And Raj being Raj, the second one favors him the most.



"Flirting in the parking lot, huh?"



"Holy molly!" I flinched. Lumingon ako; nakatayo na sa likuran ko si Monteclaro. "Monster naman. Sabi ko naman sayo, h'wag kang nanggugulat!" Napahamak ako sa dibdib ko. Hindi na talaga ako magtataka kapag pumanaw ako ng maaga nito. "Ba't ang bilis mo?" Tanong ko.



Kaaalis niya lang ah. Wala pa nga yatang tatlong minuto. May nakalimutan ba siya?



"Why? Ayaw mong maabutan ko kayo?" Malamig na tanong niya pero salubong ang kilay. I scowled. "I told you to wait inside the car."



"Kaya nga. Pero nakita ko kasi si Raj kaya binati ko na rin," sagot ko.



"Why?!"



"Anong why? Syempre, ano...we're friends." What an assuming lady you are, Skylie Rae. "I mean, classmate natin siya."



"Friends or more than friends?" She sniffled. "It's obvious."


Anong obvious?!



"Do we look like more than friends?" My scowl deepened. Attractive rin naman si Raj, pero miss, ikaw ang type ko 'no! "Actually, we're not even friends; nag-a-assume lang ako kasi sa totoo lang, gusto ko siyang maging kaibigan." Mas umanghang yata ang mukha niya dahil sa narinig. Bakit ba ayaw na ayaw niya kay Raj? Palihim naman akong napalunok sa nakapapaso niyang tingin. Nakakatakot talaga siya. "Gusto ko siyang maging kaibigan...because I think...we have a lot in common."



Talaga Skylie? Like ano?



May ganong feeling lang. I think may mga bagay talaga na masasabi kong magkakasundo kami ni Raj, sadyang hindi ko lang alam kung ano kasi hindi pa kami friends. Pero kung hindi talaga pwede, hindi ko naman ipipilit. I know naman na mas prefer niyang walang nang-iistorbo sa kanya at tahimik lang ang paligid niya. Sa madaling salita, mas gusto niyang mag-isa.



And that's also me sometimes.



"Ba't kaibigan pa kung pwede namang boyfriend na lang total bagay naman kayo!" Wala nang isusungit pang wika niya saka ako nilagpasan. "May nakalimutan ako, but I changed my mind; babalik na lang ako!" Inis na dagdag niya na tila ba kasalanan ko na may nakalimutan siya. Pumasok siya sa kanyang sasakyan at may galit pang isinara ang pinto.



Grabe naman pong sama ng loob 'yan.



Palihim akong nagdasal ng taimtim na sana makauwi pa ako ng buhay saka ako sumunod at pumasok sa kanyang sasakyan. Pero galit nga yata talaga siya dahil pagkasara na pagkasara ko pa lang ng pinto, wala pa akong seatbelt, inatras na niya ng marahas ang sasakyan at saka mabilis na inabante palabas ng parking area.



"Monster, dahan-dahan naman!" Saway ko sa kanya. Nagmamadali at may nerbyos kong ikinabit ang seatbelt ko. Bwesit. Ano bang problema ng babaeng 'to?! "Sabi ni daddy ingatan mo ako. Ganito ka ba mag-ingat?!" Sabi ko pa. Parang over speeding na kasi siya sa bilis ng patakbo niya. "Di na ulit ako sasama sayo," usal ko sabay lunok habang nakatingin sa daan, nagdadasal na sana hindi kami mabangga.



Lord, kung kukunin niyo po ako, h'wag sa ganitong paraan, please? Masakit po mabangga.



Napahinga ako ng maluwag nang bigla niyang binagalan ang takbo, nasa normal speed na. Umupo ako ng maayos at pumikit. "Hays. Never again," bulong ko. Di na talaga ako sasakay ulit dito sa sasakyan niya. May pangarap pa ako 'no!



Hindi kami nagkibuan hanggang sa makarating sa market. Ramdam na ramdam kong wala siya sa mood kaya pinili ko na lamang din na h'wag umimik. Nakapikit lang ako the whole time—kabado pa rin sa reckless driving na ginawa niya—at saka lang ako dumilat nang maramdaman ko ang paghinto ng sasakyan.



"Dito na ba 'yon?" Tanong ko, nasa labas ang tingin. Medyo matao ang lugar pero mukhang malinis naman kaya sana hindi mayamot ang isa rito since siya naman 'tong nag-aya. Tinanggal ko ang seatbelt ko't bumaling sa kanya. "Tara?" Pero sa halip na sagutin ako, ang monster niyo basta na lamang bumaba at iniwan na naman ako. "Grr! Napaka-toyoin mo talaga!"



Topakin! Bahala nga siya sa buhay niya! Jowa ko ba siya?! Buti sana kung oo, hehe.



Dapat hindi ko siya kikibuin kasi naiinis na rin ako sa kanya kaso 'di ko siya matiis. Kahit 'di niya ako pinapansin, kinakausap ko pa rin siya habang kumakain kami. Para tuloy akong tanga, nakikipag-usap sa hangin.



"Ang mahal ng pork barbecue sa stall na 'yon," sabi ko sabay tingin sa tinutukoy kong tindahan. "Magkano na ba ang kilo ng baboy ngayon?"



Gusto ko sanang i-try kasi parang masarap ang pagkakaluto nila kaso ang mahal talaga, tumatapat sa pagmamahal ko sa isa diyan. Charot harot! Kaya ayon, iba na lang ang binili ko. Fishball, isaw, at calamares. Mga puro nakasisira ng kalusugan. Tig-iisang stick lang naman ang kinain ko tapos pares. Si monster naman, binilhan ko siya ng sorbetes at turon. Hindi naman halatang nagustuhan niya ang turon; dalawa kasi ang inorder ko, isang ube at isang langka, at kinain niya lahat kahit para sa'kin dapat ang isa roon. Well, kere lang, basta busog ang topakin. At dahil hindi niya nga ako kinikibo, hindi ko na rin siya hiningan ng pambayad kahit sinabi niya kaninang siya ang manlilibre. Ako na ang nag-order, ako pa ang nagbayad. Nakakahiya naman kasi sa kanya na nag-aya kumain tapos hindi mamamansin, kaya pagbabayarin ko pa ba? H'wag na, nakakahiya naman!



Napagod akong dumada. Napagod ako sa silent treatment niya kaya nagtulog-tulugan na lamang ako sa byahe pauwi sa'min. Ibinigay ko lang ang address ng subdivision namin at pagkatapos ay hindi ko na siya kinibo. Napipikon na rin kasi ako. Ang tibay ni gaga! Isipin mo, nagawa niya akong dedmahin magmula mall hanggang pag-uwi, pagkatapos niya akong ayain kumain? Sana pala hindi na lang ako sumama sa kanya.



"Diyan na lang," sabi ko. Nasa tapat na kami ng entrance. Malapit lang naman sa gate ang bahay namin kaya lalakarin ko na lang. "Thank you sa paghatid," payak na dagdag ko.



"K."



K???!!!



Mas lalo lang akong napikon sa narinig na sagot mula sa kanya. Sana hindi na lang siya sumagot! Pagkatapos niya akong ayain sa turo-turo market na 'yon at dedmahin, ngayon sasagutin niya ako ng ganyan?! Sumusobra na talaga 'to! Hinarap ko siya pagkatanggal ko ng seatbelt ko.



"Samantha Khail, ano bang problema mo?!" Tumingin siya sa'kin at tinaasan lang ako ng kilay. Napatitig ako sa kanya, seryoso, at saka ako bumuntong hininga. "Alam mo kung ganyan lang din naman...h'wag mo na akong ayain ulit kumain. Sana pala sumama na lang akong umuwi kina daddy kanina," inis pero mahina lang na sabi ko.



Bubuksan ko na sana ang pinto para para lumabas nang magsalita siya. "I don't like that guy, dugyot," she uttered.



Salubong ang kilay ko siyang nilingon. "Okay. I get it. You don't like him. Pero anong kinalaman ko? Bakit 'di mo man lang ako kinibo?!"



She pouted and looked away. "Because I hate you!" I was so confused. "You wanted to be friends with him," she added.



"So?" Kumunot pa lalo ang noo ko. "He's a nice guy, monster."



"How about me? Am I not nice enough?" She asked softly, eyes on her hands on the steering wheel. Lagi mo kaya akong sinusungitan! "You always defend him."



"Huh? When? I never defended him."



"You do!" Asik niya at binigyan pa ako ng pamatay na side-eye. "You always do! I think you really like him kasi kahit sa school lagi mo siyang kinakausap kahit ayaw niya sayo! You're so annoyingly persistent, you know that?"



Bigla akong natawa. "Well, nakatutuwa kasi ang pagiging suplado niya. And yeah, I like him." Mabilis siyang tumingin sa'kin; salubong ang kilay at halos ay mapaso ako sa talim ng mga titig niya. Napalunok ako. "Not romantically, though. Sabi ko nga, gusto ko siyang maging kaibigan 'di ba? I only like him that way."



Hindi agad siya sumagot.



I could figuratively see fire in her eyes right now, kaya naman ito ako...natatakot na para sa buhay ko at napapaisip kung nagseselos ba siya o ano. And in fairness kay Steph ah, buhay pa siya hanggang ngayon kahit mukhang sobrang selosa nitong girlalo niya. Parang isang maling galaw mo lang, huling araw mo na sa mundo.



"I don't believe you."



"You don't have to." I smiled slightly. Hinawakan ko ang inner door handle para buksan ang pinto at lumabas. "Ingat ka."



"Anong gagawin mo kung nagseselos pala ako?!" Tanong niya na nakapagpaistatwa sa'kin.



Nagseselos siya???!!! Talaga?!



"You like him? What if I like you better?"



Napalunok ako. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa door handle, at hindi ko ito magawang bitiwan. Hindi ko rin magawang bumaling sa kanya; nanatili akong nakatingin sa pintong nasa gawi ko habang sinusubukang unawain ang mga pinagsasabi niya.



It's too much to process!



Panaginip ba 'to or imagination ko lang?



"Oh, bat ka natahimik?!" Masungit na tanong niya. Bakit hindi ako matatahimik? Sinabi mo lang naman na gusto mo ako! Edi malamang kinikilig na ako! "I know medyo OA, but this is how you act when you're jealous. And I'm jealous! Hindi mo ba itatanong kung bakit?!"



Panindigan mo 'tong kilig ko ah!



I swallowed hard before I turned to look at her. Yawa! Hindi ikaw 'yan, monster. Hindi ikaw 'yan! Isa kang impostor! Gusto kong sumagot. Gusto kong itanong kung bakit siya nagseselos pero hindi ko magawang magsalita. Masyado akong na-speechless. Parang any minute from now, iiwan ako ng puso ko at magpapakalayo-layo muna sa babaeng 'to dahil sa totoo lang, hindi siya nakabubuti sa puso ko. Yung tibok nito papunta na ng palpitation.



"What now?" Naiinis na siya. Siya pa ang may ganang mainis ah. "Hindi ka ba magsasalita?!" Magsasalita pero sa bahay, hindi dito. Goodness. Sana hindi namumula ang pisngi ko ngayon. Ang lakas kasi magpakilig ng bwesit na 'to! "Gaano ba ako kahirap hulaan, dugyot?" Nagtanong ka pa. Kahit manghuhula 'di ka mahuhulaan. "Isn't it obvious? Gusto kitang kasama. Gusto kitang kausap. Hindi pa ba halata?! I like you, you stupid!"



"Uhh..." Ayan, magsalita kana, Sky. May boyfriend 'yan, h'wag kang marupok. At parang awa mo na, huwag kang mautal. "Sure ka ba diyan?"



That's definitely the question, like sure ka ba diyan, teh? Baka naman paasa ka lang. Humihinga pa si Stephano, uy!



"Of course! Hindi pa ba obvious na sobrang nice ko sayo?! I like you a lot, dugyot! I really do!" Napatitig ako sa kanya. Mukhang hindi naman siya nagbibiro. Heart, kapit ka lang. "Just one chance, Skylie Rae. Just one chance."



"O-one chance?"



Oh my god. One change raw!



"Yeah. But if ayaw mo, then...I'll work it out hanggang sa pwede na." Napatikhim ako ng mahina; feeling ko'y may bumara sa lalamunan ko. Wala sa sarili rin akong napapaypay gamit ang aking kamay dahil pakiramdam ko'y pawis na pawis na ako kahit malamig naman dito sa loob ng kanyang sasakyan. "Do you like me?" I was really overwhelmed that I couldn't even respond and tell her I like her, too. Kinakabahan ako. Sinong hindi kakabahan? May boyfriend siya! "Oh, I forgot. You hate me nga pala, so paano mo nga naman ako magugustuhan?" She scoffed. "But it's okay. I still like you."



"B-baka..." Gosh. Para na akong magp'palpitate sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. "Baka...naguguluhan ka lang."



Ano bang nangyayari sa babaeng 'to? Dahil ba 'to sa sorbetes na kinain niya? O baka dahil sa turon? Masyado yatang matamis kaya ganito siya. Oo, kinikilig ako. Pero nakakapagtaka lang kasi talaga. May love spell yata ang turo-turo market na 'yon.



"Of course not! I like you. I'm freakin' serious about it!" Frustrated na pagpupumilit niya pa. "We're not kids! It's not a joke! It's not a prank!"



"R-really? I mean..." Napapangiti na talaga ako.



Letse.  Asang-asa na ako, Monteclaro ah. Umayos ka!



"Yes!"



Napakagat labi ako. I was about to say 'I like you, too' and be more marupok, when she suddenly added...



"I really like you to be my friend."



Eh???



My smile disappeared and my hope abruptly shattered into pieces.



Ngi. Hopia na, friendzoned pa!



'We're not kids. It's not a joke, it's not a prank' pa siyang nalalaman. Eh anong tawag dito?!



Leche 'to! Pinagt'tripan niya ba ako?!



"Can we be friends?" Malamang hindi ako sumagot dahil kumukulo na ang dugo ko. ARE YOU KIDDING ME?! NOT A CHANCE, MONTECLARO! NOT A CHANCE! "Nagseselos ako kasi you want to be friends with him samantalang dinidedma ka lang non. Tapos ako, ayaw mo sa'kin. Dahil ba I used to be your bully?" She pouted like a baby. Gosh, stop that. "Si Ais nga eh, friends na kayo. How about me? I like you na rin eh. 'Di na kita ib'bully. I already told my...obsessed fans, or whatever you call them, na h'wag kanang lalapitan. Ginugulo ka pa rin ba nila? I already told them to stop. Hindi ko na rin sila kontrol."



Paano ko naman malalaman na gusto mo pala akong maging kaibigan kung lagi mo naman akong inaaway? Kung sinabi mo 'to ng maaga sana hindi na ako nahulog pa.



"Okay tama na," seryosong sabi ko sabay taas pa ng kamay. "Di mo kasi gets eh."



She frowned. "Anong hindi ko gets?"



Natutop ko ang bibig ko. May gusto kasi ako sayo. Baliw. "Wala. Wala. Basta. Aalis—!"



"Na ayaw mo sa'kin kasi bully ako?" She cut me off. "Kasi I'm toxic and I don't deserve you?"



"N-no. Never kong—!"



"Kasi ayaw mo kay Steph? O baka dahil sa lagi kitang inaaway?"



"Samantha..." napahawak ako sa sentido ko. Nai-stress na ako sa usapang 'to. "Hindi kasi 'yon!"



"Eh ano nga?!"



"Wala. Basta!"



"No. You tell me!" Hinawakan niya ako sa palapulsuhan ko; hindi naman agresibo, sapat lang para iparating sa'kin na napipikon na siya. "You tell me what's wrong and what's the problem! Bakit ba ayaw na ayaw mo sa'kin?!"



Wow. Kung babalikan ko ang first encounter natin, hindi mo itatanong 'yan. You were the one who hated me for stupid 'Steph' reason, ang lalaking hindi ko naman aagawin dahil nasa tamang pag-iisip pa naman ako. But I admit, I once thought na sa'kin ang huling halakhak sa lalaking 'yon, and that was really gross. Yuck! Parang gusto ko tuloy balikan ang part na 'yon at baguhin. Letche. Nasusuka ako sa tuwing naaalala ko.



"Ano, dugyot? Sagutin mo ako!" She snapped. "List all the things na ayaw mo sa'kin!"



"Wala naman akong sinabi na ayaw ko sayo ah!"



Punong-puno na talaga ako.



"Ah, talaga? Kung ganon gusto mo ako?!"



"Oo, gusto kita!" Singhal ko sabay bawi sa kamay ko. "Okay na ba?!"



Ang kulit eh!



Natigilan siya.



Oh edi natahimik ka.



And it took a few seconds before I realized what I just said.



WHAT THE!


Nagpanic ang mga organs ko. "As a friend!" tarantang dagdag ko. "As a friend! G-gusto kita...as friend." I smiled awkwardly. "O-okay lang ba?"



Oh my gosh. Parang gusto ko na lang mamatay!



Hindi siya sumagot. Nakatitig lang siya sa'kin. Nag-iwas ako at mariin na napapikit. Sky, pwede ba next time think thrice before you even say a word?! Pinagpapawisan na ako ng malagkit. Gusto ko nang umuwi! Paano ba umuwi? Paano ba lumabas ng sasakyan niya? Paano ba umalis dito? Bakit ayaw gumalaw ng katawan ko? Ayaw ko na! Kuya Guard, pagbuksan mo ako ng pinto, please!



"Look at me, Skylie."



Ayaw ko!



Pero bilang masunurin, tumingin naman ako sa kanya. Natigilan ako nang makitang nakangiti na siya. "Friends?" Sabay lahad ng kanyang kamay. "Let's be friends."



Yay. Na-friendzone talaga si ate mo.



Nagbaba ako ng tingin sa kamay niya at saka ko may pag-aalangang tinanggap. I looked up at her and smiled modestly. "F-friends."



This is absurd, monster!



Mahal kita eh. Ang daya mo!



________________



TANGHALI na ako nagising. Hinanap ko ang gitara ko para itono at para makapagpractice na rin, ngunit hindi ko ito mahanap. At kung kailan nahalughog ko na ang kabuuan ng kwarto ko ay saka ko lang naalala na hiniram nga pala ito ni kuya. Kaya naman lumabas ako ng room para tanungin siya, ngunit nag-aabang pala sina daddy at ate sa living room. Hindi kasi nila nagawang i-interrogate ako pag-uwi ko kahapon dahil pagod ako at wala sa mood.



"Bunso, kumusta ang date niyo ng president mo?" Nangungunang tukso ni ate. "We were rooting for you. Share ka naman."



"Hinatid ka ba niya? Hindi mo man lang pinatuloy dito sa'tin, anak," si daddy.



Huminto ako sa huling baitang ng hagdan. Ipinatong ko sa handrail ang kaliwa kong kamay at sa beywang ko naman ang kanan, at pagkatapos ay matunog akong bumuntong hininga. "Okay naman. Actually, we're official."



Parehong nagliwanag sa tuwa ang mga mukha nila. Oh, tignan mo 'tong mga 'to. Akala ko ba bawal akong magjowa? Pero ba't parang mas excited pa sila? Si ate napapalakpak pa, kilig na kilig.



"Omg, yey! Ikaw ba nagtanong, bunsoy? How...how did you do it?! Pumayag agad siya? Gusto ka rin daw niya?" Sunod-sunod na tanong niya. I sighed again. Frustrated pa rin ako sa isiping na-friendzone ako. "Ba't parang 'di ka naman happy?"



"Oo nga, anak. H'wag ganyan."



"We're officially...friends. Just friends, so don't get too excited."



"What?!" Ate.



"Friends?!" Daddy.



Sabay silang napabulalas. Yeah, same. Kung anong reaksyon nila ngayon ay siya ring reaksyon ko kahapon—gulat at hindi makapaniwala.



"Pumayag ka, anak?!"



"Aba syempre po, daddy." Naglakad ako palapit at umupo sa square stool malapit sa bamboo palm, ang indoor plant namin. "Alangan naman tanggihan ko siya. Hindi rin ako pwedeng umamin kasi nga may boyfriend 'yon."



Pero muntik-muntikan na talaga. Buti gumagana kahit papaano ang mga palusot kong bulok.



"Sayang naman. Chance mo na sana 'yon," sabi niya pa.



"Dad, minor po." Turo ko pa sa sarili ko para ipaalala ang golden rule nila para sa'min. "Remember?"



"Eighteen kana rin naman next year," mahinang sagot niya, ayaw iparinig kay mommy.



"Mommy oh..."



"I'm kidding. I'm kidding." He shushed me. Natawa ako. Takot siya eh. "Anyway, friends na kung friends. Alam mo bang diyan kami nagsimula ng mommy mo? Sa tropa tropa na 'yan? Kaya that's a good start, anak." Tatango-tango pang dagdag niya. "Magtiwala ka lang, and be patient."



"Dad, iba 'to. Medyo malabo."



"Ano ka ba. Mata lang ang lumalabo, anak."



"Sana nga po mata lang talaga eh."



"Kawawa naman ang bunso namin, instead of ka-ibigan, naging kaibigan na lang." Sabi naman ni ate na gusto lang talagang mang-alaska. I made a face at her. "Wait. Ikaw ba ang nag-ask sa kanya para maging friends kayo, or..."



"Siya."



"Oh? With benefits ba raw?"



"Bene—baliw ka ba, ate?! Syempre, wala!"



"Ay, boring." Sabay silang nadismaya.



Ghad. Hanep talaga 'tong dalawang 'to.



"Nakakaloka kayo ah." I shook and let out a long sigh. Tumayo ako at tinungo ang kusina. "Mommy..." Naabutan ko silang nagk'kwentuhan. Nagpapaturo si mommy magluto ng new dish na pinagmamalaki lagi ni kuya. "Mommy."



"Bunso."



"Inaasar ako ni ate," nakangusong sumbong ko.



Natawa naman siya. "Himala. Natatalo kana ngayon ng ate mo sa asaran?"



"Pinagtutulungan nila ako eh!" Busy silang pareho tapos ito ako, ang ambag ay magpapansin. "Pagalitan niyo po sila ni daddy!"



"Sige, mamaya."



I whined. "Mamaya pa?!"



"Did you wake up on the wrong side of the bed, bunsoy?" Kuya tittered. "Alam mo, kulang lang sa tulog 'yan."



"Oo nga," sang-ayon ni mommy. "Anong oras ka na naman siguro natulog."



"Maaga akong natulog." Nakasimangot na sagot ko sa kanila. Pero ang totoo, late na talaga ako natulog kagabi kasi hindi mawala sa isip ko ang nangyari kahapon. "Kuya, 'yong gitara ko pala."



"Gitara?"



"Oo, hiniram mo 'di ba?"



"Ah oo nga. Nandon sa kwarto ko. Pakikuha na lang dun. Hinigpitan ko pala strings non ah?"



"Okay. I'll tune it naman."



"Medyo makalat pala ang kwarto ko, bunso, baka mayamot ka." Pahabol niya nang paalis na ako. "Maglilinis ako mamaya after ko rito. Promise."



"Okay lang, kuya. Gusto mo ba ako na ang maglinis?" I offered.



"No, thank you, bunso. Ako na lang mamaya."



"Okay. Ikaw bahala. Masipag pa naman ako today," sabay sipol pero wala ulit sound.



Grr. Bakit ba hindi ako marunong sumipol?



He chuckled. "Inspired?"



"Skylie Rae, sinasabi ko sayo." Banta agad ni mommy na ikinatawa ni kuya. "May nanliligaw ba sayo?"



"Wala, mommy. Porket inspired, may nanliligaw na?"



Nafriendzone nga ako eh!



Ngumuso ako at lumabas na ng kusina.



Mas strict si mommy kung ikukumpara kay daddy. Madalas para siyang si ate na matamis pa sa asukal at mananawa ka na lang, at minsan naman—bihirang-bihira—ay sobrang istrikto niya; pero depende pa rin sa sitwasyon. I know they're doing their very best para gabayan kami ng tama at palakihin ng maayos; at mukhang hindi naman sila nabigo dahil sa aming magkakapatid...kaya kong sabihin at ipagmalaki na walang pasaway at sakit ng ulo sa aming tatlo. Never naming binigyan ng isipin o problema sina mom and dad. Never binigyan at never bibigyan. We have a good relationship with our parents though, and I think it's working out really well because of the respect we have for one another. Ganon naman dapat talaga 'di ba? Hindi 'yon bagay na kailangan pang sabihin bago gawin.



Tinungo ko na ang kwarto ni kuya para kunin ang gitara ko, at pagbukas ko pa lamang ng pinto ay mga nakakalat na papel agad ang bumungad sa'kin na akala mo'y dinaanan ng tornado. Anong nangyari rito? Naiiling akong yumuko para damputin ang mga nasa lapag. Certificate pala ni kuya sa mga cooking shows and contests ang mga ito. Ang ilan ay mga bagong-bago pa at tila kamakailan lang.



"Ang dami naman nito," usal ko.



Inayos ko ito at pinagsama-sama, at saka ipinatong sa ibabaw ng table na nasa sulok. Nang matapos, dinampot ko ang gitara ko't naglakad palabas ng pinto, ngunit agad akong napatigil sa bungad nang late na naman magsink-in sa utak ko ang nabasa kong pangalan na nandoon sa certificate. Frowning, I looked back at the table and fixed my gaze on the pile of papers. Naglakad ako pabalik at lumapit sa lamesa. Kinuha ko ang isa sa mga certificates na nasa pinakaibabaw at muling binasa.



Nabalot agad ako ng maraming katanungan.



All this time...how come I didn't know?



Tinignan ko ang ibang papel mula luma hanggang recent. Pare-pareho lang ang nakalagay na pangalan. Naguguluhan ako. Hindi ko maintindihan. Bakit hindi ko alam ang tungkol dito? Alam din ba ni ate 'to?



He's not using...our last name.



These certificates were not awarded to Juss Aecent Fuentes, but to...



"Juss Aecent M. Guevarra."



_____________

SAMANTHA's •



January 6.



Another day, another year. Today's the first Monday of Januay. Back to school. Maaga akong pumasok dahil may mga urgent task ako na hindi ko nagawang tapusin last year. Kailangan ma-accomplish ko ito this week without any delay para wala na akong iisipin pa. This will be a very busy month for me. I can already feel it. Pagkagaling ko ng parking area ay dumaan muna ako ng locker room, sa locker kong hindi ko naman nagagamit dahil nasa council office lahat ng gamit ko; nilalagyan ko lang ito ng mga bagay na hindi naman ganon ka-importante, like sealed mails and stuff.



"Happy Monday, pres." Bati sa'kin ng mga nakasalubong kong estudyante.



Tumango ako. "Good morning."



"Good morning, Samantha." Bati rin ng isa sa mga admin na nakasalubong ko.



"Good morning."



People are in a good mood, huh?



I checked my phone. Why am I not getting any messages from that stupid? The last message I got from her was 'Happy New Year', and when I greeted her back, it ended immediately because she didn't reply anymore. The audacity. Who would love that behavior? Gumaganti ba siya dahil matagal akong magreply, every four hours or so?



Tch. Akala ko ba friends na kami?



I deliberately walked loudly in my heels while approaching my locker, feeling upset with a sullen look because of dugyot. I'm gonna ignore her the whole day! I crossed my arms and breathed sharply, and before I even got closer to my drawer, I noticed a small piece of yellow paper sticking to it—a post-it note.



Who the the heck stuck that in there?!



Hindi ko pa nababasa ang posibleng nakasulat pero alam ko na agad kung para saan 'yon. Napangisi ako. Sa tinagal-tagal ng katahimikan sa buhay ko sa kadahilanang nakatali raw ako sa iba...mukhang may kaluluwang gustong magparamdam. Who's the brave soul kaya? Ni minsan ay wala pang naglalakas-loob sa akin; it's either because I'm already in a relationship or they're just scared. I don't bite, though, but people find me so intimidating. Nevertheless, they still like me; they're still so into me. Some of them are even obsessed. Patay na patay silang lahat—oo, lahat. Lalahatin ko na dahil 'yon naman ang totoo.



Nakakainis na problema. Ba't kasi ang ganda ko?



Ito ang pinakagusto kong problema sa buhay, ang kagandahan. Masisisi niyo ba ako? I was born like this. Ipinanganak ako para problemahin ang ganda ko habang 'yong iba diyan...pinanganak lang. Ang swerte niyo naman, wala kayong problema.



Sumasakit na naman tuloy ang ulo ko sa problemang 'to. Why am I so gorgeous? Minsan tinatanong ko na nga si Lord, like hindi naman sa nagrereklamo at demanding pa pero...sana ginawa niyo na lang akong anghel niyo 'di ba? Ang hirap kasi maging tao tapos mukhang anghel. Something's off, you know.



Masama kasi ang ugali mo kaya hindi ka pwedeng maging anghel niya.



Ohh.



Harsh, but okay.



Masama naman talaga ang ugali ko. I'm not like dugyot na...anak daw ng Diyos.



"What a waste," usal ko nang tuluyang makalapit sa locker ko at nang makita ang sticky note na smiley lang naman ang nakasulat. Tinanggal ko ito at lalamukusin na sana nang mapansin kong may nakasulat sa likod nito.



'Did you know your smile can make someone's day brighter? So beam, my cutie dupie lil' cheesecake'

~ Fisbol



I raised an eyebrow.



Of course. My smile can make everyone's day brighter. But only a few people can get to see it.



"Fisbol?" Nailing ako sa ginamit niyang name. I was about to crumple up this trash, when dugyot suddenly appeared in my head. Oh, that's why it rings a bell! "Fisbol...fishball? That sounds right, yeah? Dugyot's favorite?" I frowned. I'm confused. "So, sa kanya galing 'to?"



But why? Why would she leave this kind of note in my locker?



Well, hindi naman masama kung galing sa kanya.




______________

Ang sabi ko magb'breakfast ako pero naubos lang ang oras ko kaiisip kung kay dugyot ba talaga galing ang note. Gusto ko siyang tanungin mamaya pero paano kung hindi naman pala galing sa kanya? Edi napahiya pa ako. I mean...fisbol, fishball; it's pretty obvious. But the probability says there's a 1% chance exists that it wasn't from her. I don't give a damn. I shouldn't be giving a damn, but then it's stressing me out.



For goodness sake!



Dumating ang pinakahihintay kong first period. Nauna akong dumating sa classroom kaysa kay Fuentes na kasabay si Santos pumasok. She smiled when she saw me, but I looked away. Huh, that's what you get when you ignore my messages. Hindi ko siya papansinin. Bahala siya diyan. Wala rin akong pakialam kung siya man ang nagbigay ng note na 'yon!



But then, I remembered what happened the day I invited her to eat turo-turo. She was upset and very disappointed. And I made a promise to her that it wouldn't happen again. So I shouldn't be acting like this.



Tch. She always gives me headaches!



"Pres." Nag-angat ako ng tingin. Nakatayo na siya sa tabi ko. "Here's your drive." Sa halip na iabot sa kamay ko ang flashdrive, inilapag niya lang ito sa desk ko. "Nakapili na ako ng song. Thank you."



"Why are you so cold ba?!" Inis na tanong ko nang paalis na siya. Napalingon naman agad siya; hindi lang siya kundi pati na rin ang mga nandito sa classroom. "What? Kayo ba ang kausap ko?!" Pagmamaldita ko. They immediately mind their own business as if they heard nothing.



At ang magaling na si Fuentes, hindi ako pinansin at tahimik na bumalik sa kanyang upuan. Ah, ganon? Tatayo na sana ako para lapitan siya nang makatanggap ako ng text message mula sa kanya.



'Okay ka lang ba? Ang aga-aga ang init ng ulo mo.'



Tumingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa'kin kaya inirapan ko siya at saka ko siya nireplyan. 'Iniinis mo ako eh!'



Ang bilis niyang magreply. 'Huh? Anong ginawa ko?'



'You should know!'



'Hindi ko gets. Ano nga? Ang gulo mo naman, monster.'



'Ah, basta. I'm mad at you!'



And that's it. Naghintay ako ng ilang segundo pero hindi na siya nagreply. Nang tumingin ako sa kanya, nakikipagkwentuhan na siya kay Santos. Is she for real?! Gosh. She drives me up a wall! Dahil sa inis ko'y lumapit na ako. Sumandal ako sa upuan na nasa harapan niya at saka ako humalukipkip. Hindi ko alam kung bakit kailangan niya akong pasadahan ng tingin, but she did, then she smiled. Gandang-ganda na naman siya sa'kin. I'm in a kikay mood right now; hindi ako nakasuot ng uniform kaya malamang agaw atensyon na naman ako sa kanya.



Pagkatapos mong i-ignore na naman ang message ko, ngingiti ka diyan?!



"You're not allowed to smile!" Masungit na sabi ko.



"Bakit?" Natatawang sagot niya. "At saka akala ko ba galit ka sa'kin?"



"I am! Mukha ba akong hindi galit ngayon?!"



"Eh, bakit nga?"



"Basta!" Inirapan ko na naman siya. Gulong-gulo naman siya . "Anyway, anong oras ka dumating dito sa school?"



"Ngayon?"



"Hindi. Two years ago," bara ko. "Syempre, ngayon!"



"Uhm...sabay kami ni Rob," sagot niya sabay sulyap kay Santos. "Di ba, besh?"



"Yes, pres. Halos kadarating lang po namin."



Kung ganon, hindi nga siya ang naglagay ng note na 'yon? Tch. Who cares.




"Okay." Tipid na sagot ko. "Bye!" Irap ko.



Aalis na sana ako nang may dumating na lalaki dala ang gitara ni dugyot. Kaklase yata namin—of course, kaklase namin. Hindi lang talaga pamilyar sa'kin ang mukha niya dahil wala naman akong pakialam sa mga tao rito sa loob ng kwartong 'to.



"Sky, gitara mo. Bigay ni Ate Jek. Naiwan mo raw."



"Hala, oo nga." Kinuha niya ang gitara niya na inabot ni guy. "Sorry, Niel. Naabala ka pa."



"Okay lang 'yon. Nga pala, okay lang ba tong uniform ko? Pinagtitinginan kasi ako sa labas. Madumi ba o gusot?" He asked. He even turned around.



"Okay lang naman. Bago ba 'yan?"



"Oo. Hindi ba maganda? Bagong tela raw 'to ng school eh."



"Maganda. Siguro kaya ka pinagtitinginan dahil sa looks mo. Bagong uniform, bagong gupit...you look so fresh, Niel."



Did she just compliment him in front of me?!



"New year na new year ka diyan, Niel." Sabi naman ni Santos.



"Salamat. Akala ko may mali, nakaka-anxious eh." Tumikhim ako. Hindi ba nila ako nakikita rito? Tinaasan ko ng kilay ang lalaki na nakaharang sa dadaanan ko. "Good morning, pres." Tumabi siya. "Sorry po."



"Tch." Palatak ko at bumalik na sa upuan ko.



One thing I noticed about Fuentes is that wearing a school uniform is a big deal for her. She compliments our classmates a lot, especially those who are donning it properly and looking so put together. But out of all the students who wear their uniforms neatly, I can say dugyot is the most impeccable.



The next day, I wore a uniform. Even though I didn't get a word from her, I know I'm still a hundred times more fashionable than those peeps she mostly compliments. She knows that! Nakakainis lang. Piling tao lang ang pinupuri niya tapos hindi pa ako kasama? The guts, dugyot. How dare you!



Lumipas ang araw. Dugyot and I rarely talk because we are both busy sa paparating na Music Festival. Lagi siyang nasa Music Club habang ako naman ay nasa office. Sa classroom naman, nagkakatingin na lang kami sandali, then we just go ahead with our day. Walang masyadong nangyayari. Minsan lang din kami mag-usap sa social media o sa text. Pakiramdam ko tuloy may mali. O ako ang mali? Pero hindi, feeling ko'y may nagbago sa kanya. Hindi ako sanay. Hindi ako sanay na hindi niya ako binibigyan ng atensyon. Hindi ko maintindihan kung bakit ako naaapektuhan samantalang friends naman kami. Akaizha and I were never like this. Siguro kahit isang taon pa kaming hindi mag-usap, maiintindihan namin ang isa't isa. Pero kay dugyot...dapat okay lang 'to. Dapat okay lang ako. Right? I need an opinion.



A week or two has gone by, and I've been getting notes every single day from that mysterious fisbol. Kung dati sa locker, ngayon pati sa upuan ko'y mayroon na. At syempre, pinagdududahan ko pa rin si dugyot sa isipan ko dahil sa nickname na iyon. Fisbol, fishball...who else could it be, right? But I'm not sure. I couldn't confront her dahil baka hindi talaga siya iyon.



Here are some of the notes she(or not) has sent so far:



'I hate that sometimes you're all I see.'



'It's getting complicated.'



'I'm drowning, and I don't know how to swim.'



'Hey. Can you please stop being so beautiful? You're too bright in my eyes.'



'If there's do-re-mi, there's also 1-4-3. Guess what that is?'



'Magagalit kaya ang Parokya ni Edgar kapag hiniram ko ang kanta nila at hinarana kita?'



'Take me home.'



I'm kind of skeptical that it was from dugyot because these notes are so flirty. Kahit pa siguro may gusto sa akin si Fuentes, baka hindi niya pa rin gawin 'to kasi sa tingin ko hindi siya 'yong cheesy type. Tingin ko nga hindi sweet ang dugyot na 'yon eh. But then again, bakit fisbol?



Darn it, dugyot. Hindi ba talaga ikaw 'to?



______________

"May balak ka pa bang umuwi?" Tanong ko kay Ais na nasa kabilang linya.



"Yes, of course. I'll try na humabol sa Music Fest."



Akaizha hasn't yet returned from Texas. Masyado siyang nag-enjoy sa bakasyon niya at mukhang wala nang pakialam sa mga lessons na na-miss niya. At mukhang wala na ring balak umuwi.



"Bahala ka. Yong gift mo rito, mabubulok na."



"What?! Why?! What is it?"



"Basta. Just go home already."



"Oh, bestie. You miss me, huh?" I could sense her smirking.



"Wala akong kausap dito sa school." Pag-amin ko. "Walang nanggugulo at nangongopya sa'kin."



"Hey!" She snapped. "Never akong nangopya sayo 'no. I was just getting ideas for possible answers."



I smiled.



"I miss you," I mumbled.



"Aww. I know. Hindi ka mabubuhay nang wala ako." Napairap ako sa yabang ng tono niya. "I miss you, too. Anong gusto mong pasalubong?"



"Hmm." As usual, sumagi na naman sa isipan ko si dugyot. "Can you buy chocolates pala for Skylie? Alam mo 'yong Dr. Sue's Chocolate? I heard that's a good one. 'Yon na lang pasalubong mo sa'kin, pero 'yong kay Fuentes babayaran ko. Buy their bestseller."



"Dr. Sue's? Nasa Grapevine 'yon, nasa Dallas ako, but alright, I'll go there since para sa friend mo naman."



"I can sense mockery," I said. Sinabi ko kasi sa kanya noong nakaraan na friends na kami ni dugyot pero ayaw niyang maniwala; she's insisting na baka raw gusto ko si dugyot more than friends. Akaizha is crazy! Hindi ko alam kung bakit niya naisip 'yon; alam naman niyang straight ako. "H'wag mong ipilit 'yang gusto mo."



"You're so obvious kaya!"



I rolled my eyes. "Bye, Ais. I'm looking forward sa chocolates."



"Hey—!" I ended the call.



Ayaw kong makipag-usap ng matagal kay Akaizha dahil mauuwi na naman kung saan-saan ang usapan at ipipilit na naman ang gusto niya. After the call, nag-scroll na lang ako sa social media. I opened my Instagram and checked what's new. Since wala namang bago, naisipan kong i-check na lang ang profile ni dugyot. Stalker na kung stalker, presidente niya naman ako. She has posted quite a lot of pictures already. Her overall feed is kind of neutral, but it's clean and gratifyingly appealing. I think she edits all of her pictures the same way, so they won't look mixed up or different in terms of quality. Pareho sila ni Akaizha, halatang picky sa pino-post. Ako kasi, I just post whatever I want. I don't use it that much din.



Nagpost siya ng story five hours ago kaya tinignan ko na rin. A boomerang clip where Perez is opening the car door. The caption says: 'Dream kong magkaron ng kotse ang mga kaibigan ko para may maghahatid sa'kin. Ito na 'yon!' The second story she posted fifteen minutes ago shows the ice cream she was holding and her guitar in the background. Caption just says; 'atm' then suitable emoji.



I commented on the first one. 'We're friends. You can just ask me.'



She reacted to my comment but didn't reply at all. "Tch. How dare you!" Ito na naman siya. Ini-ignore na naman niya ako. Nonetheless, I still sent her a message asking kung saan siya ngayon. "Kapag ako talaga hindi mo nireplayan, u-unfollow kita."



Nakatingin lang ako sa screen habang hinihintay ang reply niya. Online naman siya ngayon kaya dapat mabasa niya agad 'to.



'Mini park po, kamahalan. Nandito ako sa trono mo. Okay lang ba?' At mabuti naman ay nagreply agad siya.



I smiled.



'Sinong kasama mo?' I asked.



'Ako lang. Pahangin lang.'



'Okay. Wait for me. H'wag kang aalis diyan kundi patay ka sa'kin!' Banta ko.



'Ay, nakakatakot naman po.'



Napairap ako. Hindi na ako nagreply. Kinuha ko ang wallet at jacket ko saka ako lumabas. Tinungo ko ang parking, then lumabas ako sandali ng campus. I went to the nearest mall in the area.



Geez. That stupid. Why am I doing this to her?



Pagbalik ko sa parking lot, pagkababa ko ng sasakyan, si Steph agad at ang kanyang sigarilyo ang bumungad sa'kin. This fool was literally smoking in a non-smoking area. And what made me boil was that the 'no smoking' sign is just beside him. Uminit agad ng malala ang ulo ko sa nakita. Big deal 'to sa'kin bilang president ng paaralan dahil gusto ko lahat nasusunod at sinusunod. It pisses me off na itong pinaka simple lang ay nalalabag pa. Worse, sa lahat ng estudyante, siya pa talaga? Hindi man lang siya nahiya.



To be honest, if it wasn't because I worry about his mom, I would have already dumped this dumbass. Tita is still recovering, which is why I was thinking breaking up with his son might not be a good idea for now. I'm sure she'll be upset. Lagi nga sinasabi non na mad'depress daw siya kapag naghiwalay kami ng anak niya. Same with Steph, when I tried to break up with him, he said the same thing. The manipulation is clearly right there. But I have my reason kaya pagtitiisan ko muna. Naghihintay lang ako ng tamang pagkakataon.



"Smoking again?" Tanong ko. Nagulat siya. Nakatalikod kasi siya sa gawi ko kaya hindi niya ako napansin. Hindi niya alam na sasakyan ko ang pumasok ng parking area. "You promised me you wouldn't smoke again." I never believed you, though. This guy could never keep promises. Perfect example ng taong puro lang salita. "And can't you read that sign, Steph? It says 'no smoking'. Do you know what that means?"



"Babe, I—!" Binitiwan niya ang sigarilyo, tinapakan, at saka siya nagmamadaling lumapit sa'kin. "I'm sorry. I'm just stress right now. Isang stick lang naman. Promise, hindi na mauulit."



"Steph, I don't give a damn kung gusto mong manigarilyo hanggang sa mamatay ka. Ang gusto ko lang, dun ka sa tamang lugar! We have a smoking area here for goodness sake!" Nasapo ko ang noo ko.



"Babe, I'm sorry. Hindi na mauulit."



"You always say that, Steph. You always say that." Mapait na turan ko at dismayado siyang tinalikuran. "H'wag ka munang magpapakita sa'kin."



"Babe!" At sumunod pa talaga siya. "Sorry na nga 'di ba? Isang stick lang naman. Hindi naman masusunog ang parking dahil wala namang masyadong sasakyan dito!"



What a stupid doofie.



"H'wag mong ubusin ang pasensya ko," banta ko sa kanya. "Hindi mo magugustuhan ang mga sasabihin ko kapag napuno ako."



"Babe naman..."



Nakuha niya agad ang gusto kong iparating, huminto siya at hindi na sumunod pa. Buti pa 'yon nagets niya pero ang 'no smoking' sign hindi. Nakakastress. Ang sakit niya sa ulo.



Marami sigurong nagtataka kung paano naging kami ni Steph at kung gaano na kami katagal. Matagal na kami, isang taon at mahigit na. I just couldn't remember the date kaya walang monthsary, anniversary, or whatever. Maging si Steph ay hindi niya rin alam kaya parang naglalaro lang talaga kami kaya hindi ko alam kung paano ko nasasabi dati na mahal ko siya kung ganito kami from the get-go.



Paano naging kami? I blame my cousins—on my mom's side. Sila at ang kanilang walang kwentang dare game ang dahilan. They dared me to find a boyfriend sa school; matangkad at dapat ay basketball player. Sa dare na 'yon, tatlong bagay ang gusto nilang mangyari: ipakilala sa parents ko si guy, ilihim kay lolo, at h'wag ma-fall. Kapag isa roon ang hindi ko nagawa, kailangan ko silang pagsilbihan, which is no way in hell dahil masasampal ko sila. Pero to prove them na hindi ako duwag, tinanggap ko ang dare. That time, si Steph lang ang malakas ang loob na manligaw pero ilang beses kong binasted. He was so persistent, but not consistent. Wala akong choice kaya sinagot ko na lang din siya for the sake of that game. Hindi nagtagal, hindi ko alam kung bakit, pero bigla kong naisip na nahulog na ako sa kanya. Inamin ko sa mga pinsan ko na talo na ako at na-fall na ako, ready akong ipakilala sa kanila si Steph at gawin ang consequences. Ang kaso, ayaw nilang maniwala at ayaw rin nilang ma-meet siya hanggat hindi ko naipakikilala kay lolo. Sabi pa nila, 'Kung mahal mo, ipakilala mo kay lolo'. Pero hindi ko magawa kasi natatakot ako. Then they told me to break up with him pero hindi ko sinunod dahil sa pag-aakalang mahal ko na nga at marahil ay dahil din sa ganda ng reputasyon namin. Masyado akong nag-enjoy sa fame na hindi ko naman kailangan.



I'm pretty sure my cousins would make fun of me kapag nalaman nila ang mga realizations ko nitong mga nakaraang buwan. But I don't care. Ang importante alam ko na.



"You know I'll do anything you ask me to. But, oh my god, I think I'm
in love with you~" that's dugyot singing.



Naabutan ko siya sa mini park, playing her guitar and singing a song I don't know basta ang alam ko lang...her voice sounds so good. She's killing it! Perfect opening number talaga siya sa Music Festival.



"Standin' here alone now,
think we can drive around
I just wanna say how I love you
with your hair down."



Hindi niya napansin na nakalapit na ako dahil nasa gitara ang tingin niya at focus na focus siya. I think inaaral niya pa lang ang chords ng kinakanta niya.



"Baby, you don't gotta fright,
I'll be here 'til the end of time
Wishing that you were mine,
pull you in, it's alright..." nag-angat siya ng tingin at napunta agad sa akin ang asul niyang mga mata. "I think we could do it if we tried if only to say...you're mine." Then she stopped and smiled. "Yes, pres?"



I smiled back. "What's that song?"



"Sofia."



Tumaas ang kilay ko. "What?"



"Sofia. That's the name of that song," she giggled.



"Okay," sabay irap ko sa kanya. Akala ko kung sino na namang Sofia eh. Umupo ako sa tabi niya. "Here." Inabot ko sa kanya ang binili kong takoyaki and milktea ro'n sa labas.



"Ano 'to?"



"Food. Duh!"



She chuckled. "I know pero...bakit?"



"Libre ko. Bawi ko kasi hindi kita nagawang ilibre dun sa turo-turo," sagot ko.



"Oh, so you feel bad na ako ang pinagbayad mo kahit ikaw ang nag-aya?" She asked playfully, teasing me.



"Yeah, whatever." Irap ko na naman ulit sa kanya. "Umiinom ka ba ng milktea? I got you a booba."



"Hindi pero salamat. Iinumin ko pa rin 'to. Sayang naman. Minsan ka lang manlibre eh," natatawang sabi niya.



"You're more on water nga pala," bulong ko.



"Takoyaki?!" She was surprised when she opened the box, and halatang natuwa siya kaya napangiti ako. "Ang dami naman nito, monster."



"Crab and regular flavor 'yan. Itatapon ko 'yan kapag hindi mo kinain lahat."



"Grabe ka naman. Ang daming nagugutom sa mundo tapos ikaw magsasayang lang ng pagkain," sabi niya habang nasa takoyaki pa rin ang tingin. So cute. She looked at me and smiled cheekily. "Thank you po, Samantha Khail!"



"You're welcome, Skylie Rae."



"Paano mo pala nalaman na ito ang mga gusto kong flavors?"



"I just know. Kumain ka na lang. H'wag mo nang itanong!" masungit na sagot ko.



"Sinabi siguro ni Kai."



"Kumain kana nga!"



Natawa siya. "Ba't ka nagagalit? Ito na nga, kakain na nga."



"Ang kulit mo kasi!"


Tinikman niya ang booba at wala man lang siyang komento. Wala rin siyang reaksyon. Yeah. She prefers water. Isinunod niya ang takoyaki at doon siya natuwa.



"This is so yum!" Para siyang bata sa reaksyon niya. "Ang tagal kong nagcrave nito. Do you want to try it?" Agad akong umiling. "Sige na." Inilapit niya sa bibig ko ang isang buo. "Masarap 'to."



"Nakatikim na ako niyan!"



"Baka ibang flavor 'yon. Ito crab 'to. 'Di ka naman allergy 'di ba?"



"No. Pero dugyot, hatiin mo naman 'yan. Kailangan talaga buo?"



"Maliit lang 'to." At bago pa ako maka-angal, basta na lamang niyang isinubo iyon sa'kin. Bastos na 'to! Mabuti na lang ay hindi na gaanong mainit. "Sabihin mo kung mainit ah. Baka mapaso ka."



Sinamaan ko siya ng tingin. Kung kailan nasa bibig ko na ay saka lang siya nag-alala. "Hmm. It tastes good."



"Sabi sayo eh. Itong regular, try mo."



Sinubuan niya rin ako no'ng sinasabi niyang regular. "Hmm. Not bad," komento ko. Kinuha ko ang milktea na nasa tabi niya at uminom ng kaunti. "Wow. This one's good, too." Natigilan ako nang makita ang mukha niya. Her face looked like she was watching a horror movie. "Why? What's the matter?"



"A-akin 'yan."



"I know. Painom lang ng konti eh," nguso ko.



"We used the same straw!"



"Okay, so?" I raised my brow.



"That's....t-that's..." I frowned. "...wala."



"You're weird."



"Mas weird ka!" Ganti niya.



"Tumatapang kana talaga, dugyot. 'Di na ako natutuwa sayo."



She made face at me and laughed.



We sat in silence for a minute. I couldn't believe I was already this comfortable with her. I felt like I was sitting next to Ais, but different. Madaldal kasi si Akaizha kaya walang katahimikan kapag kasama mo 'yon, pero itong si Fuentes...kahit siguro hindi kami magsalitang pareho ay ayos lang sa'kin kasi hindi naman ako naiilang at mas kalmado ako kapag nakikita ko siya.



"Dugyot."



"Hmm?"



I decided to tell her about the notes.



"I'm getting notes these past few days," I started. Tumingin ako sa kanya at nakatingin na rin siya sa'kin. "A sticky note with a message on it. It's either nakadikit sa locker ko o sa desk sa room."



Pinagmasdan ko ang facial expression niya pero wala akong nakitang anumang kaduda-duda. She just asked, "From an admirer? Suitor?"



"From fisbol. That's the note name." Bigla siyang natawa. Napatakip pa siya ng bibig. "What's funny?"



"Wala. Ano...it's like fishball kasi. Ang funny lang."



"Yeah, that's what I thought. Kaya nga iniisip ko na galing sayo 'yon. Feeling ko kasi crush mo 'ko eh," biro ko.



Nawala ang ngiti niya. "Ang kapal mo talaga, monster. Bawasan mo 'yang hangin mo sa katawan. Hindi kita crush 'no!"



"Narinig ko na 'yan."



Alam ko namang hindi siya 'yon, inaasar ko lang talaga siya, at ang bilis niyang mapikon haha. Ang sarap niya tuloy asarin.



"Hindi kita type 'no!"



Natawa ako. "Ayaw mo sa dyosa at mukhang anghel?"



"Wow." Napasinghap siya. "Alam mo may kakaiba siguro sa takoyaki kaya ganyan ka na naman. Nang-aasar kana naman." Tumayo siya at isinukbit sa balikat niya ang kanyang gitara. "Kapag ikaw pinatulan ko diyan sa mga pinagsasabi mo baka 'di kana pumasok bukas."


I grinned. "Really? Then try me."



"Che! May practice pa ako. Aalis na ako."



"Sabay ako. Iiwan mo ako?" Tumayo ako at sumunod sa kanya na dire-diretsong naglakad paalis. "Hey, dugyot!"



"Oh?!"



"Malapit na ang music festival. Galingan mo ah. Kapag ikaw pumiyok, I'll kill you!" Natawa naman siya. "Nasa harap ako nakaupo, so if ever na kabahan ka, just look at me. I'm just there no matter what happen."



Napatingin siya sa'kin at napangiti. "Okay."



"Also, pupunta sa event si lolo. Do you want to meet him? For sure matutuwa siya kasi ako ang pumili sayo."



"Sr. Harrison?"



"Yeah." I nodded



Huminto siya sa paglalakad at umiling-iling. "H'wag na. N-nakakahiya. Hindi naman kailangan."



Nalungkot ako. "Why?"



"B-basta. Hindi ako handa baka himatayin ako."



Natawa ako. "Ang oa mo. Mabait naman si lolo. How about my cousins? They'll be there, too. Sila na lang."



"Cousins? Ilan ba sila?"



Nagpatuloy kami sa paglalakad at saka ko siya sinagot. "Tatlo lang. Dalawang babae, si Brooklyn and Sloan, and isang lalaki, si Evander. They're all the same age. I'm the youngest. Two years ang gap nila sa'kin," lahad ko.



Stella Brooklyn Harrison, ang single since birth pero kung magbigay ng advice akala mo'y ilang beses nang nasaktan at iniwan. Siya ang future pilot ng angkan. Sloan Rose H. Raven, the party girl at ang laging pasimuno ng dare game. She loves animals, so yeah, a future veterinarian. Scott Evander H. Monroe, modelo at babaero. Ang blacksheep kung tawagin ni lolo. Hindi na siya nag-aaral, nagfocus na siya sa modeling career niya. Hindi ako sure sa kanyang future because that moron has always been a one-day millionaire.



"Nandito sila sa Pilipinas?"



"Nope. Si Sloan and Brook, they're in California. Doon sila nag-aaral. Si Evan naman, nasa New York. Siya 'yong madalas umuwi rito ng Pilipinas dahil wala naman siyang masyadong ginagawa."



"I see. Doon ka rin ba mag-aaral ng college sa Cali?"



"Depende. Ayaw ko silang kasama. Nakakasawa na ang mukha nila." Natawa naman siya. "How about you? Saan mo balak mag-college?" I asked her.



"Sa New Generation."



"Really? Hindi ba 'yon malayo sa inyo?"



"Medyo malayo. Pero sabi naman ng parents ko ikukuha nila kami ng condo ni ate, 'yong malapit lang sa school," sagot niya.



"That's good to know."



Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa intersection ng hallway kung saan ibang daan na ang papuntang office at auditorium. Huminto kami roon. Magsasalita na sana ako nang may lumapit na estudyante sa amin.



"Ate Sky."



"Yes po?"



"Pinapabigay po." May inabot siya, a capo and a rose. "Hello po, pres." Baling niya sa'kin. Ngumiti lang ako ng tipid, hindi ko inalis ang tingin ko sa bulaklak.



"Capo ko 'to ah. Si Gwen ba ang nag-abot nito? Pero bakit may...rose?"



"Ah, hindi po. Yong gwapo po kanina dun sa labas." Napahalukipkip ako't napataas ng kilay. "Jace po yata ang name."



"Ahh." Tumango si dugyot. "Thank you, bhe."



"Okay po, Ate Sky."



"Jace?" Pinaningkitan ko ng mata si dugyot nang maiwan kaming dalawa. "Who's that?"



"Ah, 'yong taga Palawan." sagot niya sabay iwas ng tingin. "Naiwan ko kasi sa bahay nila Gwen 'tong capo ko."



Palawan? Jace? It rings a bell.



Bigla ko naman agad naalala ang sinabi ni Ais no'n na Jace ang name ng crush niya, isa sa Palawan boys. Naningkit pa lalo ang mga mata ko dahil alam kong parehong tao lang 'yon.



"What the heck, dugyot. Nagpapaligaw ka sa kanya?!" Hinablot ko ang rose at dinuro ko siya gamit nito. "Isusumbong kita kay tito!"



"Uy, hindi. Hindi nanliligaw 'yon. Baliw ka ba?!"



"Eh ano 'to?" Tukoy ko sa rose. "Freebie? And what heck is he doing in here?!"



You're acting like a jealous bitch.



Out of nowhere, bigla kong narinig sa isipan ko ang boses ni Ais at ang sinabi niya sa'kin noong nakaraan kaya natigilan ako. It hit me.



Mabilis kong ibinalik kay dugyot ang rose. "I'm not jealous." Then, I left.



Damn it. We're just friends!



It's all your fault, Akaizha!



____________
TO BE CONTINUED....

Continue Reading

You'll Also Like

2.6M 68.7K 59
Si Kill ay napilitan lang mag-try out sa isang basketball team dahil sa bestfriend nya at hindi nya aakalain na kahit hindi nya ginalingan ay napasam...
191K 5.3K 55
A painful past, a future that is unknown and a present full of love and lies. Will they be able to conquer everything in the name of that thing they...
124K 858 10
Tokuyu University is a school for martial arts that was ruled by the officials and the seven 20th century ranks, exclusive only for peculiars that ar...
1.2M 54K 69
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...