Officially Blake's

By mykessimum

25.7K 365 45

I knew at that moment, that we belonged to each other. The bunny and the bear, with all their craziness and d... More

Officially Blake's - Prologue
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11 (part 1)
CHAPTER 11 (part 2)
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
Side Story : CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
Side Story : CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
Side Story: CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53 (part one)
CHAPTER 53 (part two)
CHAPTER 54
CHAPTER 56
Second Part
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
Side Story: CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
Officially Blake's - Epilogue
I love you... million times more than anything.

CHAPTER 55

181 4 1
By mykessimum

CHAPTER 55

BLAKE'S POV

Sa pagkakaalam ko, ako tong may sakit eh. Bakit nauna pang natulog tong babaeng to sakin?! Bayaan a nga! At least nabawasan yung lamig. Saka isa pa, masarap naman sa feeling. 

Tinanggal ko yung face towel na nasa katawan ko. Ayt. Hindi ko pa pala naiinom yung soup na niluto niya para sakin. Tapos... nagshower na ba to? Naka school uniform pa eh. Bakit hindi siya nagbihis man lang?! Pano kung pinagpawisan siya tapos natuyo?! Tokwa naman oh. Iniisip niya ba sarili niya?! Ayoko ngang magkasakit siya eh... 

Teka nga... bakit ko siya niyayakap ngayon?! Anak ng. Ang unfair naman oh. Dapat galit ako sa kanya ngayon eh. Pero bakit hindi ko magawa? Pinipilit ko naman magpaka hard-to-get kanina eh. Kaninang umaga nga, pinagsusungitan ko siya eh. Pero siya pa ang nagalit at nag walk out. 

Aba... ang kapal ng mukha!

Buti na lang cute siya. 

The fuck?! Anong sinabi ko?! Cute?! Yuck. 

Biglang nakaramdam ulit ako ng sakit ng katawan. Nabigatan ata ako kay Nicolle. The logical thing to do now is to wake Nicolle up and tell her to move. Pero ayokong magkahiwalay kami. Gusto ko magkayakap lang kami. 

Pinikit ko ang mga mata ko para matulog na. Pagod na ang katawan ko. Pero... pero bakit ganito? Pakiramdam ko dapat lagi kong nakikita si Nicolle. Dapat lagi ko siyang nararamdaman sa tabi ko. 

Niyakap ko siya ng mahigpit at hinang hina ko siyang tinawag, "Bunny boo." 

Dinilat ko ulit ang mga mata ko. "Seryoso—shit!" 

Kahit mabagal akong kumilos ngayon, hinila ko yung kumot at tinalukbungan ko kaming pareho ni Nicolle. Nilalamig na naman kasi ako eh. Gumalaw si Nicolle at umusog pa ng mas malapit sa akin. 

Nanlaki ang mga mata ko. Me and my girl... under one blanket. Anong iisipin ng mga tao na ginagawa namin ngayon?! 

Napalunok ako. Anong iisipin ng birdy ko? 

Shit. Baka hindi ko mapigilan. Oh my god, Nicolle! Why are you so good in driving me crazy?! I mean, kahit na may sakit ako ngayon... damn, lalaki pa din ako no! And I easily give in to temptations. 

"Nico—Nicolle," nanghihina kong tawag. Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at dahan dahan siyang inusog with the energy I could muster. 

Hindi pa din siya nagigising. Tibay neto ah. 

Tumayo ako para tanggalin ang pants ko. I know magiging urge na naman to para sa temptation pero hindi kasi ako kumportableng matulog na may ibang suot maliban sa boxer shorts eh. Kahit na sobrang nilalamig na ako. Basta, lalayo na lang ako ng konti kay Nicolle.

Nakita ko yung soup at yung mga gamot sa bedside table. Mainit init pa ng konti yung soup kaya kinain ko na, pati na din yung mga gamot, ininom ko na. 

Humiga na ulit ako pero this time, meron ng unan sa pagitan namin. Naninigurado lang. Baka kasi magkaroon kami ng anak ng wala sa tamang oras. Ayoko naman yon. I tried to sleep pero hindi talaga ako makatulog. Naalala ko yung mga nangyari kaninang umaga. 

Pagkawalk-out ni Nicolle, dapat naman talaga hahabulin ko siya. Yun nga lang hilong hilo na talaga ako at umiikot na ang paningin ko. Matapos ang sampung minuto, naisipan kong magpa-sorry sa kanya. 

Tama naman siya eh. Nawalan ako ng respeto sa prof. namin. 

Nakahawak ako sa may pader habang mabagal na naglalakad. Tatawagan ko na nga lang siya. Oo, tama. Tatawagan ko na lang siya. 

Kinapa ko yung phone ko pero wala. Darn. Nakalimutan ko pa ata sa room. Ah! Hahabulin ko na nga lang siya! 

Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad. For sure, pupunta yon sa field o kaya sa garden. 

Pagewang gewang akong lumalakad. Wala pang masyadong tao sa paligid kaya walang makakatulong sa akin. 

Napatigil ako nang makita ko siyang kausap si Andrew. Hindi ko alam kung paano pero biglang nabigyan ako ng lakas. Lakas na manapak ng tao. Tapos lalong nadagdagan ang energy ko nang yakapin ng hayop na Andrew na yon ang Nicolle ko. Ginagalit ata ako non. 

Pagkaalis ni Andrew, agad naman akong lumapit kay Nicolle. Nasa likod niya ako. Pagkalingon niya, galit na galit ko siyang tinignan. Hindi ako nagsalita. Nakasimangot lang ako sa kanya. 

Nakakainis eh! Hindi dapat siya nakikipag-usap sa ibang lalaki. Lalong lalo na kay Andrew! Hindi niya nga dapat tinitignan yon eh! 

Tapos tinanggal niya pa yung nasa likuran niya?! Anak ng! Sa totoo lang, gustong gusto ko siyang sigawan, pagsabihan, pagalitan! Tapos si Andrew, gusto kong pahiran ng maraming maraming dugo tapos ilublob sa dagat na punung puno ng pating habang kinukuryente. Magsama sama sila nung mga pating na maprito. I don't fucking care. 

Hinintay ko na magsalita siya. Hinintay ko na tanungin niya ako ng, 'Are you mad?' o kaya 'Are you jealous?' kasi sasagutin ko siya ng diretso. Sasabihin ko, "Oo, Nicolle! I'm so damn jealous of Andrew right now that I want to kiss you right in front of him and tell him you're mine. You are freaking mine, Nicolle! Only mine. At ako lang ang pwede mong kausapin. Kase, Nicolle, nate-threaten ako. Kahit na siguro mukhang basahan ang kausapin mo, magseselos pa din ako eh. I trust you, Nicolle. But I don't trust anyone else. Especially that you're so freaking adorable and hot and beautiful and sexy and perfect... you can make anyone fall in love with you with just a smile. Lalong lalo na ako." 

Pero wala. Wala siyang sinabi. Wala siyang tinanong. Nakakainis talaga! Tinulak ko siya ng mahina sa side at diretsong naglakad. 

Tuloy tuloy lang ako hanggang sa marinig ko siyang isigaw ang pangalan ni Andrew. Anak ng. 

Nilingon ko siya. Nakita ko siyang may kausap sa phone tapos binaba niya tapos tumakbo siya papunta kay andrew. Tapos umalis sila. 

Sa sobrang inis ko, nasipa ko yung puno na malapit sa akin. "Bahala ka—" hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil biglang nag black ang paningin ko at nag-init ang buong katawan ko. Napahawak ako sa puno at unti unti akong bumagsak hanggang sa mawalan ako ng malay.

Pagkagising ko, may isang pamilyar na babaeng nakatingin sa akin at nakangiti. Kumurap kurap ako. Bigla na lang niyang pinagdikit ang mga labi namin. Sa sobrang gulat ko, naitulak ko siya ng mahina. 

"T-Tracy?" nanghihina kong tanong. Tumingin ako sa paligid at nakita na nasa school clinic pala ako. 

"Hey," bati niya sabay hawak sa pisngi ko. 

Kaagad ko itong tinanggal. I didn't mean to be rude, pero nagui-guilty ako. Parang niloloko ko na din si Nicolle. May naramdaman akong nakaipit sa may underarm ko, kaya tinanggal ko ito. Nakita ko ang isang digital thermometer. Thirty nine degrees ang temperature ko. 

Tss. Nilagnat pa ako. 

"Lunch ka na," sabi sa akin ni Tracy. 

Pinatong ko ang kamay ko sa noo ko tapos ginulo ang aking buhok. "Tracy's in L.A.," I reminded myself. "Ilusyon lang to, Blake. Ilusyon lang—"

Biglang may tumawa. "Come on, Blake. Its' real. I'm here."

Huminga ako ng malalim. I pinched the bridge of my nose because I started to feel dizzy again. 

Kinuha bigla ni Tracy ang kamay ko at tinignan ang singsing ko. "You're engaged," sabi niya. 

Ngumiti ako sa kanya. 

"You know, I wish it's still me." Yumuko siya at binitawan ang kamay ko. 

I cleared my throat. "Anong oras na?" tanong ko. 

She pursed her lips before answering, "Almost 3PM. Ayaw mong kumain?" 

"Can I borrow your phone?" 

Tumango siya at inabot sa akin ang phone niya. Nagpasalamat ako. In-enter ko ang phone number ni Nicolle at tinawagan siya. Paulit ulit ko siyang tinawagan dahil nag-aalala na ako sa kanya. Asan na kaya siya? Sinong kasama niya? Nag-lunch na kaya siya? Nakailang dial na ako, pero walang sumasagot. 

"Uhm," narinig kong sabi ni Tracy kaya napatingin ako sa kanya. "She's in Haffil Academy with Andrew."

What?! Tatlong oras ang byahe papunta don ah! Sigurado pagod yon! Tokwa naman! Bahagya akong napasimangot. "Pano mo nalaman?" 

"Narinig ko silang nag-uusap," mabilis niyang sagot. 

"They didn't see you?"

Umiling siya. 

I looked away from her and asked her, "Kelan ka pa dumating?" 

"January 2."

"Bakit? Bakit ka pa bumalik?" Tumingin ako sa kanya. Ayoko na kasi na guluhin niya pa kami ni Nicolle. Masaya na kami. Sobrang saya na namin. Kahit panandalian lang to.

"I wanted to see you," she answered. "But you were in New York." 

Hindi na ako nagsalita pa. At times like this, nawawalan ako ng mga salita na alam sabihin. Alam kong nasasatan pa siya. Kitang kita naman sa mga mata at ngiti niyang peke. 

Pero wala akong magagawa. I still care for her, yes. I still love her, yes... not just the way I used to. Truth be told, I'm not even sure if I've ever been in love with her... now that I'm so into Nicolle. 

She cleared her throat. "By the way, I'm having this party on Feb. 14. That's still less than a month from now. Sa dati naming bahay. I thought you should come... isama mo si Nicolle, kung gusto mo. I just want you to be there."

Napaisip ako at naalala yung plano ko sa araw na yon. I tilted my head. "I don't think I can come. That's... that's prom night and... that's Nicolle's birthday."

Dahan dahan siyang tumango at ngumiti ng pilit. "Oh. Magkasabay pala kami ng birthday."

Napamura ako sa sarili ko. "Sorry. Masyado kasi akong naging occupied, I forgot. Don't worry, I'll send you some—"

"Kumusta na Alzheimer's niya?" bigla niyang tanong ng seryoso. 

Syempre, nagulat ako. "Pa-paano mo nalaman?" nauutal kong tanong. 

Tumawa siya at tumayo. She shook her head dramatically. "Nasabi mo sakin yon, Blake, but you were too drunk to remember. Alam mo bang sobrang iyak mo non? You never cried for me like that before. But, anyway, sabi mo natatakot ka. Takot na takot ka na makalimutan ka niya. But... there she is... constantly forgetting about you." She raised an eyebrow. "Masakit ba?" 

Naikuyom ko ang mga kamao ko. 

Tumalikod siya. "You know what, babe, she set a new record. Even though her medical records are confidential, she's the youngest known person diagnosed with AD. Congrats."

Her voice sounded like she was smirking. Lalo lang akong nainis.  

Humarap ulit siya sa akin. "Paano niyo nagawa na itago sa kanya yon? And, really, it's amazing that she's so stupid not to notice that she's not normal." She gave me a smug look.

Kahit nanghihina pa ako, tumayo ako. Palabas ako ng clinic nang tanungin niya ako, "Where are you going?" 

Nakatalikod ko siyang sinagot, "Out." Bago ko buksan ang pintuan, I said, "I don't need you telling me what to do. I love Nicolle and I know what's best for her."

"You think lying is the best for her?" 

"For her? For me? For us... yes." 

Narinig ko siyang tumawa. "I am only a concerned citizen, Blake Pierre Perez." 

Lumingon ako sa kanya.

"Lose her now or lose her forever." 

I breathed out. 

"Pagka nagsawa ka na na alagaan siya—"

"Hindi, Tracy," matigas kong saad. "Hindi ako magsasawang alagaan siya. Kasi mahal ko siya. Kahit araw araw ko pa siyang pagsilbihan. Kahit na minu-minuto ko kang ipaalala sa kanya kung sino ako. Kahit na kalimutan niya ako every now and then, okay lang. Basta kasama ko siya. I'm never giving up on her. Never."

"Oh. How romantic," she mocked. "Nico—"

"Shut up, Hawkings. You're not even worth saying her name." 

I twisted the door knob and got out. Pagkatapos non, umuwi na ako sa unit ni Nicolle.

Lose her now or lose her forever. 

I coughed so I was now back to the present time. Chineck ko si Nicolle. Tulog pa din siya. She was peaceful. She was an angel. Then I asked myself... why does this angel have to suffer? Sana ako na lang. Kung pwedeng akin na lang ang sakit niya para hindi na siya mahirapan. Kung pwedeng ako na lang ang pagsinungalingan. Kung pwedeng ako na lang ang masaktan... huwag lang siya. Wag lang ang Nicolle ko. 

Tinanggal ko yung unan sa pagitan namin at niyakap siya ng mahigpit. Buong gabi, nakangiti lang ako habang nakatitig sa maganda niyang mukha hanggang sa panaginip ko. 

***

Nagising ako na okay na ng mga 5:30 ng umaga. Todo nga makayakap si Nicolle sa akin eh. Napaka-clingy naman neto. Ha. 

"Para namang iiwanan kita," bulong ko sa kanya. "Asa ka." 

Hinalikan ko siya sa noo bago tumayo. Nag stretch stretch muna ako. Naghilamos ako at nag toothbrush. Yes, may toothbrush ako dito. Bahay ko na din to, diba? Kasama yon sa mga rules ko. Sa iisang bahay lang kami titira. 

Nilinis ko saglit ang kwarto niya pagktapos ay dumiretso sa kusina. Nakita ko dun sa trash bin na andun yung dalawang papel ng mga rules ko. Aba. Sira to ah! Pinaghirapan kong isulat tong mga to tapos itatapon niya lang? 

So inappreaciative. Tss. 

Kinuha ko yung pizza na natira kahapon sa fridge. Pagkabukas ko sa microwave oven, nagulat ako sa nakita ko. Binitawan ko yung pizza sa may counter at kinuha yung engagement ring namin sa loob ng oven. Napatingin ako sa baba habang hawak hawak ang singsing. 

Isa na naman to sa mga epekto ng AD niya. She misplaces things. I sucked air through my gritted teeth. Sinuot ko yung singsing sa may pinky finger ko, kung saan kasya. 

Nilagay ko na sa loob ng oven yung pizza. Nagprito na din ako ng eggs, hotdogs and bacons. Pati na din mushroom soup, nagluto ako. Tapos gumawa ako ng fresh orange juice. Pagkatapos, nilagay ko na lahat sa dining table pati na din yung dalawang rules ng papel. 

Sa isang hiwalay na papel, nagsulat ako ng Goodmorning, boo. Thanks for last night.

Teka nga... mali mali. Parang iba ang meaning pagka ganun. Kumuha ulit ako ng papel mula sa dun sa drawer sa sala. Goodmorning, boobs. Eat your breakfast. 

What?! Boobs?! Ni-crumple ko yung papel. 

Kumuha ulit ako ng panibagong papel at nagsulat. Hoy, kumain ka na! 

Yan. Pwede na yan. 

Kahit naka boxer shorts lang ako, umakyat ako sa unit ng ungas na si Andrew at kumuha ng damit ko don. Buti na lang nababasa fingerprint ko. At para makaganti... tinakpan ko ng damit yung butas ng sink sa kusina niya at tinodo yung faucet. 

I smirked. Have fun cleaning that up, Bailey. Sigurado mag o-overflow yung tubig.

Pagbalik ko sa unit ni Nicolle, dumiretso ako sa banyo sa kwarto niya. Dahil kating kati na akong maligo, agad kong tinanggal yung boxer shorts ko. 

Pagkabukas ko nung shower curtain, tumigil ang mundo ko. 

Nanginginig ang buong katawan ko sa sobrang gulat. 

Si Nicolle.... walang damit... hinihikab...may sabon sa buong katawan... may shampoo sa ulo... kinakati ang kili kili. 

Grabe, ang flat nga talaga ng future niya. 

Nakatulala lang ako sa kanya. Hindi na ako makagalaw, shit! Bigla siyang napalingon at minulat niya ang mga mata niya. 

Ngumiti siya sakin. Bumilis ang paghinga ko. 

"Good morning," bati niya. Lumingon siya sa shower tapos lumingon ulit sa akin. 

Ngayon ko lang narealize na pareho pala kaming hubad ngayon. 

"WAAAAAAAAAH!" sigaw niya. 

Hinagisan niya ako ng bula ng shampoo sa mga mata ko. "WAAAAAAAAAH!" sigaw ko din. Narinig ko lang ang malakas na paghawi sa shower curtain. 

Kumakapa kapa ako dahil wala akong makita. Damn. Ang hapdi sa mga mata! Hinilamusan ko ang mukha ko sa sink at nang okay na ako, sinuot ko na ulit yung boxer shorts ko. 

Umupo ako sa toilet. "Nicolle," tawag ko. Hindi siya sumasagot. 

"Hoy, sorry. Hindi... shit, Nicolle! Hindi ko naman kasalanan na hindi ka nagla-lock ng pinto! Pasalamat ka nga ako lang to eh. Paano kung ibang tao ako ha?! Nag-iisip ka ba?! Minsan kase, gamitin mo yang utak mo! Hindi yan pang display lang. Kaya—

Napatigil ako nang marinig ko ang tuloy tuloy at malakas na pagsinghap niya. 

"Nicolle, are you okay?" 

Wala pa ding sumasagot. Nag-alala na ako. Right now, I don't care if she's naked. Binuksan ko ang shower curtain at nakita ko na nakaupo siya sa sahig. Nakatingala siya, hinihingal at namumutla. Kinuha ko yung bathrobe at binalot yun sa katawan niya ng mabilisan. 

Tinayo ko siya. 

"Nicolle, ano... anong masakot? Anong—"

Bigla siyang nagsuka, unti unti din siyang nawawalan ng balance. 

People with Alzheimer's disease usually lose balance even without the feeling of being dizzy, I remember.

"Lilinisan lang kita saglit, okay?" 

Hindi siya sumagot. Sobrang nanghihina siya, alam ko yon. 

Gently, I washed her whole body. Pinunasan ko siya saglit tapos binalutan ng bathrobe. Binuhat ko siya, bridal style, papunta sa kama niya.

"Nicolle, magsalita ka. Hoy!" Kinakabahan na ako ng sobra. Nakapikit na siya nang ihiga ko siya sa kama niya. Hinawakan ko ang kamay niya. "Nicolle," tawag ko.

Hinawakan ko ang pisngi niya. Hindi naman siya mainit eh. Wala naman siyang lagnat. 

"Pst. Oy!" tawag ko kay Nicolle habang kagat kagat ang labi ko. 

"Just... just let her sleep." 

Napalingon ako at nakita si Zelle na nakatayo sa door frame. Napahinga ako ng maluwag. Alam na din kasi ni Zelle kung ano ang gagawin. 

Nilagyan niya ng makapal na towel ang unan kung saan nakapatong ang ulo ni Nicolle. "Para hindi mabasa ang unan," sabi niya sa akin nang nakangiti. 

Tumayo ako at hinarap siya. "Nangyari na ba to dati?" tanong ko sa kanya. 

Tumango siya ng marahan at binulsa ang magkabilang kamay sa likuran ng pantalon niya. "Pangatlo na siguro to." 

"Anong gagawin ko?" tanong ko sa kanya. Alam kong I sound desperate. Maybe I am. I am desperate to know what to do. 

"Kelangan niya lang magpahinga. Matagal tagal matutulog yan. Pagkagising niya, nanlilimot yan. Pagpasensyahan mo na lang." 

Tumango ako. 

"Sige, Blake. Maligo ka na muna. Babantayan ko na si Nicolle."

Ngumiti ako sa kanya. "Sige na, Zelle. Magpahinga ka na. Kauuwi mo lang mula Baguio. Sigurado pagod ka na. Salamat talaga." 

Tumango siya sa akin at ngumiti. 

"Uh, Zelle... umiinom ba siya ng gamot?" 

"Oo naman. Nilalagay ko sa pagkain niya. Kaya nga nagagalit ako pagka hindi niya inuubos ang pagkain niya eh," sagot niya.

"Blake," tawag niya. "Wag kang susuko sa kanya ah?" 

I faked a chuckle. "Baka nga siya pa sumuko sa akin eh." 

"O, sige na. Magpapahinga na ako." 

Umupo ako sa may tabi ni Nicolle at hinawakan ang kamay niya. "Araw araw kitang aalagaan, Nicolle. Araw araw hanggang sa tumanda tayo."

***

"Monster?" 

Napabangon ako mula sa pagkakayuko ko sa kama ni Nicolle. Ngumiti ako ng malapad. Monster. Yun yung unang tinawag ni Nicolle sa akin. 

"What are you doing here?!" galit niyang bulyaw. 

Bumangon siya mula sa pagkakahiga niya at napatili siya nang makita niyang nakabathrobe lang siya. 

"Hey, you're trespassing!" sigaw niya ulit. "And... and..." she crossed her arms above her flat chest, seemingly protecting it. "This is sexual harass—"

"Hoy, Amgirl! Maswerte ka nga libre mong nakikita tong maganda kong katawan eh!" pagmamayabang ko.

"You mean you're selling your body?!" tanong niya. 

Tumawa ako. 

"What the hell are you doing here, asshole?!" 

"I'm here to take care of you," kalmado kong sagot. 

Her face softened a bit. Understanding crossed her features. Ilang segundo ang lumipas nang maalala niya ako. "Blake," sabi niya. 

"Magbihis ka na, bunny boo. Magde-date tayo." 

Tumango na lang siya. Tuwang tuwa akong pumasok sa banyo at naligo. 

7PM na nang makarating kami sa Class C. Nagdinner kami sa isang fast food chain at pagkatapos noon, dumiretso kami sa skating rink. 

Tuwang tuwa si Nicolle dahil matagal na raw siyang hindi nakakapag-skate. Hindi totoo yon. Noong nasa New York kami, nag skate kami eh. 

"Blake Perez? Nicolle Lee?" 

Napalingon kaming pareho ni Nicolle sa tumawag. Nakatayo si Andrea sa tapat namin at nakangiti. May kasama siyang maliit na batang babae na mga six years old pa lang siguro. 

"Andrea!" sigaw ni Nicolle. Nag-skate siya papunta kay Andrea at niyakap ito. 

I skated towards them. Ngumiti lang ako kay Andrea. Nang mapansin niya na pareho kaming may suot na singsing, she gasped. 

"Kasal na kayo?!" she asked. 

"Oh—"

Pinutol ko ang sinasabi ni Nicolle. Inakbayan ko siya at sinabing, "Yes. Hindi lang Church at secret lang siya." Kinindatan ko si Andrea sabay halik sa pisngi ni Nicolle. 

"Whatever, " narinig kong sabi ni Nicolle. 

Tumawa lang si Andrea. "Kelan ulit kayo bibisita sa Café Madness? Miss na namin kayo don." 

Hindi pinansin ni Nicolle ang sinabi ni Andrea. Yumuko siya at kinurot ang pisngi nung bata. "And what's your name, cute little girl?" 

Nakangiting tumingin sa akin si Andrea. 

"Avah," sagot nung bata. 

Andrea let out a breath. "She's my daughter."

Tumayo si Nicolle. "Oh, we didn't know you have a daughter."

She shrugged. "Well, sorry I haven't told you. O sige, I don't want to ruin your date. Congrats nga pala sa kasal niyo ah." 

Tumango ako then we said our goodbyes. Noong medyo nakalayo na sila, hinawakan ko ang kamay ni Nicolle at hinila siya. I have an idea. A great, great idea. 

"Andrea!" tawag ko. 

Lumingon siya pati na din si Avah. I smiled. "Can we babysit Avah for you?" tanong ko. 

Sumimangot muna siya pero ngumiti din silang pareho ni Avah matapos ang ilang segundo. "Great," sabi niya. "Hindi ko na siya kelangang isama sa byahe. I'll pick her up on Friday?" 

Namilog ang bibig ko. "Ser-seryoso?" tanong ko. 

"Pinagtitiwalaan ko naman kayo eh. B-byahe ako for business kasi eh. Hiwalay na kami ng dad niya and... wala naman akong mapag-iiwanan sa kanya. So... okay lang sa inyo?" 

"Of course!" sigaw ni Nicolle na mukhang excited na excited. 

"Nasayo na number ko, right?" tanong ni Andrea sa akin. "Sige, enjoy niyo muna ang gabi kasama si Avah. I'll be back after two hours to say goodbye to her. Saka kukuha na ako ng mga gamit niya."

"Hindi na," sabi ko. "Kami na ang bahala sa mga kailangan niya. 

"Sure?" tanong niya habang nakataas ang kilay.

Tumango ako. 

"So, we'll take it from here?" tanong ni Nicolle. 

Tumango si Andrea. Nag goodbye na siya kay Avah tapos umalis na. Buti na lang mabuting bata yung Avah saka hindi iyakin. Kaagad na pumagitna siya sa aming dalawa ni Nicolle at hinawakan ang pareho naming kamay. 

"Ano names po nyo?" bulol niyang tanong sa napakaliit na boses. 

Yumuko ako. "Ako si Bear, siya si Bunny." 

"Daddy Bear and Mommy Bunny?" tanong niya with her head tilted. 

"Yes, baby girl. He's your daddy bear and I'm your mommy bunny," saad ni Nicolle. She kissed Avah's cheek. 

"And I'm your baby dinosauuur!" sigaw niya habang nakangiti. 

Nagtama ang paningin namin ni Nicolle.

"Rawr!" sigaw niya then she skated away. Galing magskate neto ah, kahit bata pa. 

Hinabol namin siya ni Nicolle. Halos isang oras din kaming naghahabulan don. 

Sobrang saya ko kase parang totoong pamilya ko yon. Ako, ang babaeng mahal ko pati ang anak namin. 

Hindi pa naman umalis si Andrea, pinapanood niya pa kami. 

After naming mag-skate, pumunta kami sa isang noodles store at kumain doon. Nakakalong sa akin si Avah.

"Come on, dinosaur, eat your noodles."

Napangiti ako sa effort ni Nicolle para mapakain si Avah. Ayaw kasi niya kasi kumain eh. 

"Waffles!" sigaw ni Avah. "I want waffles."

Biglang tumingin sa akin si Avah at nag puppy eyes. "Please, daddy?" 

My heart skipped a beat. Daddy? Tinawag akong daddy? Wala akong magawa kundi ngumiti at tumango. Bigla akong kiniss ni Avah sa cheek at niyakap ng mahigpit. "Thank you, daddy bear!" 

Ngumiti ako kay Nicolle. She smiled back at me. 

Buong gabi lang kaming naglarong tatlo hanggang sa mapagod si Avah at makatulog. Buhat buhat ko siya sa isang kamay at ang isang kamay ko naman ay hawak ang kay Nicolle. 

Madaming nagtitinginan sa amin at kumukuha ng pictures. Para na talaga kaming isang pamilya. And I'm so damn happy!

Lumapit sa amin si Andrea at umiiyak na nagpaaalam sa anak. Sinabi niya din lahat ng bilin niya and that she'll call every now and then to check on her daughter. 

We thanked each other.

When we got home, nagulat si Zelle pero na-explain naman ng maayos ni Nicolle. Andun na din yung mga pinadala kong gamit, pagkain at mga damit na pambata. 

Inihiga ko sa kama ang tulog na tulog na si Avah. Nag-shower si Nicolle at sumunod ako. 

Pagkatapos noon, humiga kaming pareho ni Nicolle. Nasa gitna namin si Avah. 

Nagkatitigan kami ni Nicolle. "It feels good, doesn't it?" 

"Ang alin?" 

"Being a family. You as my husband. Avah, my daughter... even if it's just for a short while."

"Wag kang mag-alala, gagawa din tayo ng sarili nating pamilya. At magiging masaya tayo, mommy bunny."

"Right, daddy bear."

"Good night, Nicolle."

She pecked my lips for a second. 

"Good night, Blake." Pumikit na siya.

"Goodnight, Avah," mahina kong bulong sa kanya. Bigla akong niyakap ni Avah. 

Hindi ko alam kung bakit pero biglang tumulo na lang ang luha ko. Magkakapamilya naman kami ni Nicolle, diba? I mean... hindi naman siya aalis ng maaga. Hindi pwede.... kase, magkakaroon kami ng sariling Avah. 

"Wag mo kong iiwan, Nicolle, ah?"

Pinunasan ko yung luha na tumulo. Niyakap ko silang dalawa ng mahigpit. 

"Promise mo, Nicolle. Hinding hindi ka mang-iiwan."

"Leaving you is a sin. Leaving you is like killing myself. I won't do that. Ever. I swear."

And I believed her promise. 

Continue Reading

You'll Also Like

555K 2.1K 61
lesbian oneshots !! includes smut and fluff, chapters near the beginning are AWFUL. enjoy!
190M 4.5M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...
26.6M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...
293K 7.3K 105
In which Delphi Reynolds, daughter of Ryan Reynolds, decides to start acting again. ACHEIVEMENTS: #1- Walker (1000+ stories) #1- Scobell (53 stories)...