What Love Can Do? (UNDER REVI...

By Princesss_AJ

1M 24.8K 1.2K

(COMPLETED) Ang "pag-ibig" ay maraming kahulugan para satin. Ito ay emosyon na ating nararamdaman sa isang t... More

-Prologue-
«Disclaimer»
Chapter 1 My Virgin Eyes!
Chapter 2 The Brother
Chapter 3 Friendship
Chapter 4 For the First Time
Chapter 5 First Kiss?
Chapter 6 Lover's Quarrel
Chapter 7 He's the Brother
Chapter 8 Panyo
Chapter 9 Crush?
Chapter 10 Apology
Chapter 11 It's a Deal!
AUTHORS NOTE! MUST READ!
Chapter 12 For you
Chapter 14 Permission?
Chapter 15 Friendly Date
Chapter 16 She's the Noona
Chapter 17 Siomai
Chapter 18 Mr. Right?
Chapter 19 Is this Real?
Chapter 20 Comfort
Chapter 21 Protective Kuya!
Chapter 22 Aminan Time!!
Chapter 23 We're Still Friends?
Chapter 24 I'm Stuck with him
Chapter 25 A Princess for a Night
Chapter 26 A Princess for a Night (part 2)
Chapter 27 A Princess for a Night (part 3)
Chapter 28 Threat
Chapter 29 Her Realization
Chapter 30 Tuloy Pa rin
Chapter 31 Night Party
Chapter 32 End
Chapter 33 Blessing in disguise
Chapter 34 Stay with Me
Chapter 35 His Reason
Chapter 36 Revelation
Chapter 37 True Feelings
Chapter 38 Sacrifice
Chapter 39 Love-Struck
Chapter 40 First Date
Chapter 41 "Yes"
Chapter 42 Officially Mine
Chapter 43 Undeserved
Chapter 44 Don't like her
Chapter 45 Out of town
Chapter 46 Just Friends?
Chapter 47 Allergic
Chapter 48 Respect
Chapter 49 We are Jealous
Chapter 50 Couple's Conflict
Chapter 51 First love
Chapter 52 I'm Hurt
Chapter 53 I Love Her (Part 1)
Chapter 54 I Love Her (Part 2)
Chapter 55 Understand
Chapter 56 Dare
Chapter 57 The Truth
Chapter 58 Loss
Chapter 59 Grief
Chapter 60 First Monthsary
Chapter 61 We meet again
Chapter 62 Brothers
Chapter 63 Friends
Chapter 64 Left
Chapter 65 Tulad Mo
-Epilogue-
Shout Outs 🎉
💖Pasasalamat💖
What Love Can Do?
Book 2

Chapter 13 Meet the Sister

15.7K 340 33
By Princesss_AJ


13: Meet the Sister

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»




Nakakainis talaga siya!

Gusto niya ako pa ang magbigay neto sa babae niya. Ano, alila niya ako? Papahirapan nanaman ba niya ako? Akala ko ba matinik siya sa mga babae? Eh kay Ingrid pala tablado na siya? Psh! Naturingan pa namang chickboy tapos torpe sa isang babae. Hahahaha gusto kong matawa. *irap*



Mamayang snack ko na lang ibibigay ang cookies. Mag-aaral muna ako! Next subject namin pagkatapos ng math ay Science. Mygad!! Keri ko 'to! 



Pumasok na si Ma'am Bautista. Actually Peborit teacher ko siya. Ang bait lang niya kasi at sobrang maintindihin. Para bang tropa-tropa lang niya kami. Pero syempre andoon pa rin yung respect namin sa kanya bilang teacher namin siya.

"Good Morning Class." Bati niya sa amin. Tumayo naman kami at binati siya.



"Good Morning Ma'am Bautista" Aniya namin.

Ang saya talaga ng klase namin sa kanya. Tawa kami ng tawa. Puro siya joke hahahaha. Yung sa organ system tawa kami ng tawa dun. Paano kasi yung mga boys binibigyan ng malisya yung organ parts nila. Hahaha pinagalitan tuloy sila ni Ma'am tapos pinagsayaw ng nakakatawa. Buong klase tawa lang kami ng tawa.



Natapos na rin yung klase namin. Recess time na namin. Ito ang pinaka peborit kong class eh. Hahaha joke hindi naman class yung recess eh. Pero bakit nasa class schedule? Hahaha char!! Pero aminin, ito yung hinihintay natin? Hahaha!


"Wag ko na lang kayang ibigay?" Bigla kong tanong sa sarili ko. Hindi ko alam pero maski ako eh nagulat sa natanong ng isip ko.

Problemado ako kung ibibigay ko ba kay Ingrid ang gustong ipabigay sa kanya ni Kiel. Ako na kasi ang lumalayo para hindi na rin kami magkita o mag-usap man lang. Pero itong Kiel na 'to, gumagawa ng dahilan para mag-usap at magkita kami. Nakakabadtrip.



Kaso sa tuwing maaalala ko yung nangyari kahapon, hindi ko maiwasang  hindi matakot. Pwede akong ma-expell. At tsaka kapag hindi ko sinunod si Kiel sasabihin niya na ako ang may kagagawan kung bakit nasira ang sasakyan ng pinakamasungit naming guro dito sa D.U, na si Sir Robedo.

Edi ako ang malilintikan??



Hays. Ang hirap naman neto. Parang natatakot ako kay Kiel. Hindi ko dapat siya katakutan. Hindi dapat ako tumulad sa mga ibang estudyante dito na sunod-sunuran sa kanya na animo'y isa siyang diyos dito sa paaralan namin.



Hays, sige na nga. Ibibigay ko na kay Ingrid ang gusto niyang ipabigay.





Pumunta na ako sa room ng section 2, malapit lang iyun ng classroom namin. Bumungad kaagad sa akin ang mga tao doon. May nakasalubong ako na mga alagad ni Kiel. Sila ang mga sunod-sunuran kay Kiel. Mga f-boys din sila katulad ng amo nila. Pambihira.


Pumapayag sila na maging alila at taga-sunod na lang nang mokong na yun? Grabe ah?? Tss. Akala mo Hari siya. Eh hindi nga siya bagay maging hari dahil sa sama ng ugali niya.

"Pre, chicks!!" Rinig kong sambit nang isang alagad ni Kiel. 


"Hahaha oo nga pre eh. Tirahin mo na!" Sabi naman nung kasama niya. Nasa harap sila ng classroom nila at dahil sa lakas ng boses nila ay narinig ko ang mga pinagsasasabi nila.



Nang makarating na ako kung saan sila tumatambay. Bigla nila akong hinarang sa labas ng classroom nila. Tinaas ko ang tingin ko at nakita ko ang mga ngising aso nila sa akin. Aba! Gusto ba nila akong tirahin? Baka masampal ko sila kapag sinubukan nila akong galawin.


"Excuse me. Dadaan ako." Malamig na sambit ko sa kanila. Pero parang wala silang narinig, hindi nila ako pinadaan. Habang humahakbang ako papasok, siya namang paghakbang nila paatras. 


Biglang naningkit ang mga mata ko sa kanila. Ano bang trip nila?


"Padaan!"Sigaw ko sa kanila pero hindi sila natinag sa sigaw ko. Ayaw talaga nila akong padanin! Nakakainis! Akala mo may mga itsura sila. Tss.

"Sige na pre! Patikimin mo na!" Nakangising sambit nung isang payatot na lalaki, na isang ubo na lang, at ang pangalawang nagsalita kanina.


Nanlaki ang mga mata ko at mas lalo akong nainis. Lumapit sakin yung isang lalaking na-unang nagsalita kanina.


"Hi Miss! pwede bang makipagkaibigan? with benefits ah?" Tanong niya sa akin habang linalagay pa ang kanyang hinlalaki sa kanyang ilong. Yuck!

"Sorry, hindi ako nakikipagkaibigan sa manyakis!" Masungit na sagot ko sa kanya. Tinulak ko siya papalayo sakin. Eww kadire.



"Aba! Matapang! Gusto ko yan! Tara sa cr?" Sambit niya at hinawakan niya ang kamay ko. Napangisi naman ako. Sige pagbigyan natin si kuya. Lumapit ako sa kanya. Hinawakan ko ang pisngi niyang kasing kinas ng buwan.

"Oyy, pre ayan na siya. Hahalikan ka ata?" Rinig kong sambit ng kasama niya. Mas lumawak ang ngisi ko sa kanya. Lumapit pa ako sa kanya ng napakalapit tapos nginitian ko siya ng nakakaloko. 



Gusto mo ng laro ah? Sige, maglaro tayong dalawa.

Linipat ko ang kamay kong nasa pisngi niya patungong batok niya. Narinig ko ang pagtili ng kasama niyang lalaki. Hindi ko inalis ang mga ngiti kong nakakaloko. Pinikit niya ang kanyang mga mata.

"Alam mo....type kita...." Mahinang sambit ko sa kanya. Narinig ko ang pag-hangulngol niya. Lumayo naman ako sa kanya. Dinilat naman niya ang kanyang mga mata.



"Type kitang sipain sa mukha!" Sigaw ko sa kanya at kasabay nun ang pagsipa ko sa mukha niya. Nagulat siya kaya napahawak kaagad siya sa mukha niya.

Anong akala niya? Hahalikan ko talaga siya? No way! Mandire nga siya. Ayos ng si Kiel ang halikan ko kaysa naman sa kanyang kapatid ng hito. Bigla akong natigilan. Anong sinabi ko? Naalala ako ang paghalik ni Kiel sa akin.Naalala ako ang pagdikit ng aming mga labi. Kaagad na bumilis ang tibok ng puso ko.


"Aray!! Ang sakit nun ah. Ikaw..-" Sambit niya at sinamaan niya ako ng tingin. Hindi naman niya natapos ang sasabihin niya. Kasi may nagsalita mula sa likuran niya.

"Hoy! Ano bang ginagawa niyo dyan?" Tanong ng isang lalaking nasa likod nila.

"Ano po kasi..." Hindi makasagot 'tong dalawang manyak na 'to.


"Wag ka nga mag-angas dyan!! Papasukin niyo siya!! Layas dyan!" Hindi sila makatingin sa nagbawal sa kanila. Humalukipkip lang ako sa kanilang dalawa na ang sama ng tingin sa akin. Sumagot muna sila sa nagbawal sa kanila bago nagbigay ng daan para sa akin.


"Opo. Master Kiel." Sagot nila. Master? Waw!!

"Hoy panget, ibibigay mo na ba sakanya?" Natanong niya sa akin nang makapasok ako sa loob ng classroom nila.


"Tinulungan mo ba ako?" Nagulat siya sa tinanong ko at maski rin ako nagulat.

"Hindi! Asa ka pang tutulungan kita." Nagkamot siya ng ulo niya pagkatapos umiwas siya ng tingin sa akin.


"Hindi rin ako umaasa nuh!!" Pagsusungit ko sa kanya.


"Ginawa ko lang yun kasi ang tagal mong ibigay yan sa kanya. Naiinip na ako. Bawal mainip ang gwapo." Nakangising sagot niya sa akin. Umismid naman ako sa kanya.

Waw! Hiyang hiya ako sakanya. Grabee!



"Ang lakas ng hangin wwhhoooo!!!" Pang-aasar ko sa kanya and I won. Kasi naasar nga siya sa sinabi ko.

"Aish! Don't make me wait so long. Dalian mo na!" Utos niya sa akin. Tinulak niya ako sa classroom nila. Tss. Ang bossy niya kahit kailan.



Ang kalat ng room nila grabe. May mga papel na nagkalat sa sahig, yung mga upuan akala mo dinaanan ng bagyo at tsaka sobrang daming mga balat ng kendi at chichirya. Di ko na lang pinansin yun. Hinanap ko kaagad si Ingrid. Sana tama 'tong gagawin ko. Baka kasi maging warfreak ako pag nakaharap ko siya.


~
"Ingrid!" Lumapit ako sa kanya pagkatapos tinapon ko sa mukha niya yung cookies."Walanghiya yung kapatid mo!!!" Sinabunutan ko siya ng sinabunutan hanggang sa matangal lahat ng hibla ng buhok niya.

~

Hahahahaha Chaarr!!! Hindi ko naman gagawin yun. Ayokong maging warfreak. Edukada kang tao tapos warfreak ka? Wag ganun.



Nakita ko na rin kung nasaan siya, nasa isang sulok siya habang kasama ang mga kaibigan niya. Huminga ako ng malalim bago lumapit sa kanila. 


"Ingrid?" Kaswal kong tawag sa kanya. Lumingon siya kasama ang apat niyang kaibigan na kilala at sikat rin dito sa D.U.


4M Girls


4M girls, maganda, sikat, mayaman, magaling sumayaw at kumanta. Pero kung gaano sila kaganda sa panlabas nila, ganun din kapangit ang mga ugali nila. Sila ang mean girls dito sa school namin. But more precisely sa Junior Highschool lang. Puro Gossip ang alam nilang gawin, maggawa ng kwento, maki-chismis at mang-bully ng mga low profile girls Apat silang magpipinsan. Sila ay sina Madaline, Marlisa, Margot at Maddison Cortez. Galing nuh? Apat silang magpipinsan na puro sa letter "M" ang simula ng pangalan. Hahaha. Goals!


"Ingrid, may naghahanap sayo." Sambit ni Maddison habang tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Pinigilan ko ang sarili kong emosyon.



Matagal nang ayaw ni Maddison sa akin. Kasi crush niya yung Kuya ko and hindi niya matanggap na may gf na si Kuya Joshua. Kaya ayun, sinusungitan niya ako.


"Yes, Jassy?" Tanong ni Ingrid. Nang marinig ko ang pangalan ko sa kanya ay may kung ano akong naramdaman. Hindi galit or inis, para bang yung dating kami? Yung dati na magkasundo pa kami.....


Flashback

"Ganto lang yan, Jassy." Tinuro sakin ni Ingrid kung paano isolve ang isang math problem na kanina ko pa hindi ma-solve.

"Ahh, ganun lang pala. Ang dali lang pala eh." Sagot ko naman sakanya. ANg galing talaga ni Ingrid sa Math. Sana ol!


"Sabi ko naman sayo eh. Tara sa room ko?" Aya niya sa akin. Tumango ako at sumama sa kanya. Umakyat kami sa room niya. Nagkwentuhan kami, nagpantasya sa mga celebrity crush namin at nagtawanan. 


"Jassy, nagpapasalamat ako kay Lord kasi naging si Kuya Joshua at Ate Ivory. Kasi kung hindi? Wala akong bestfriend ngayon!" Nakangiting sambit niya sa akin. 

"Ako din, Ingrid. Sobrang saya ko pag kasama kita. Sana hindi na tayo maghiwalay, Bestfriend!" Nakangiting tugon ko naman sa kanya.


"Oo naman, promise yan." Inabot niya sakin yung bracelet niya. 

"Ito oh. Tanda ng pagkakaibigan natin."  Sambit niya.



"Talaga? Ibibigay mo 'to sakin? Eh diba importante sayo 'to?" Kumunot ang noo ko sa kanya.

"Oo nga Importante sakin 'to. Pero dahil mas importante ka sakin? Ibibigay ko na 'to sayo." Paliwanag niya sa akin.



"Talaga? Salamat, Ingrid." Yinakap ko siya pagkatapos sinuot ko ang bracelet na binigay niya sakin. Tapos inabot ko sa kanya ang favorite keychain ko na teddy bear.

"Eto, Ingrid. Sayo na yan. Ingatan mo yan ah? Mahalaga rin sakin yan." Sambit ko at ngumiti sa kanya.

"Oo naman bestfriend i-ingatan ko 'to." Sagot niya sa akin at kinuha niya sakin ang keychain ko na teddy bear.


Wala kasing gaanong kaibigan si Ingrid kasi pinagbabawalan siyang lumabas ng bahay nila at ayaw ng mama niyang makipagkaibigan siya sa mga ibang babaeng hindi naman niya gaanong kakilala kasi baka gawan lang siya ng masama.


Kaya nung naging sila kuya Joshua at Ate Ivory. Kami na palaging magkasama. Para ko na siyang kapatid na babae. Nagsisilbi niya akong ate kasi para siyang batang hindi pa marunong sa buhay? Hahaha ganun talaga siya. Kaya gina-guide ko siya palagi. Parati ako nasa kanila at ganun din siya. Sabi nga namin magkakaroon kami ng double wedding kasama yung mga prince charming namin. 




Pero lahat ng yun.....NATAPOS NA LANG! 

Pagkayari ng panloloko ni Ivory kinalimutan ko na ang pagkakaibigan namin. Ang sakit! Sobrang sakit. Sinanay ko na yung sarili kong kasama siya pero hindi pala siya magtatagal. Simula nun hindi na rin kami nagpansinan ni Ingrid. Para bang strangers na lang kami. 



Masasabi kong masakit mawalan ng Bestfriend...


End of flashback



Umayos ako ng tayo at inangat ang kamay ko para iabot sa kanya ang dala-dala ko.

"Para sayo pala." Inabot ko sa kanya ang box ng cookies. Napalingon ako kay Kiel na nakatingin lang sa amin ni Ingrid at tila ba'y pinapanood kaming dalawa.


"Galing sayo?" Tanong niya sakin.

"Hindi." Umiwas agad ako ng tingin sa kanya. Naramdaman ko ang awkwardness sa aming dalawa.



"May nagpapabigay lang." Kinuha niya ang box. Kumunot naman ang noo niya.

"Sino naman?" Tanong niya sa akin. SInikap ko siyang tingnan.

Gusto kong sabihin na si Kiel ang nagpapabigay ng cookies na yan kaso parang umatras ang dila ko. Iniisip kong dadating ang araw na magbabalikan sila. Paano na langa ko? Hays, naguguluhan ako sa nararamdaman ko.


Sa totoo niyan, hindi naman ako nagagalit sa kanya. Nasasaktan ako. Nasasaktan ako na hindi na kami pwedeng maging bestfriend dahil sa ginawa ng Ate niya. Napabuntong hininga na lang ako bago sumagot sa kanya.


"Ayaw niyang ipasabi eh." Sagot ko na lang sa kanya. Tumalikod na ako para umalis nang bigla akong may narinig na nagsalita.

"Diba siya yung kapatid ng ex ng Ate mo?" Isang boses ng babae ang narinig ko mula sa likuran ko. Sinimulan na nilang pag-usapan ako sa likuran ko.


"Ex best friend mo din siya diba?" Biglang nanikip ang dibdib ko ng marinig ko iyun.

"Oo, yung ghinost ka at di ka na kinausap? Tsk!" Patuloy nila habang nakatalikod ako. 


Sinikap kong magpatuloy sa paglalakad at pigilan ang mga luha ko. Natigil ako nang bigla kong makita ang isang pares ng sapatos na nasa harapan ko. Inangat ko ang tingin ko at nakita ko si Drake sa harapan ko.


Kaagad namang bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko siya. Ngumiti siya sa akin, para naman akong asong ngumiti sa kanya.


"Hi, Jassy!" Bati ni Drake sa akin. "Anong ginagawa mo rito?"

"Huh?" Sandali akong nawala sa wisyo. "Uhm, may binigay lang."


Tumango siya tsaka humakbang palapit sa akin. Inangat niya ang kamay niya at hinawakan ang gilid ng buhok ko. Nagulat ako sa ginawa niya, mayroon siyang tinanggal sa buhok ko na hindi ko alam. Ngumiti siya tsaka mahinang tumawa.


"May dumi yung buhok mo." Sambit niya. Sobrang bilis naman ng tibok ng puso ko habang nakatingin kay Drake.


"Ehem!!" Biglang nawala ang momentum namin ni Drake nang tumikhim si Kiel na nasa likuran ni Drake.

Umusog si Drake dahilan para makita ko si Kiel sa harapan ko. Seryoso siyang nakatingin sa akin, kumunot naman ang noo ko. 


Anong tingin yan, Kiel?



Itutuloy.....

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 35.7K 54
[COMPLETED] Paano kaya pakikisamahan ni Blake ang ubod ng manyakis niyang karoommate na si Sehun? Let's find out.
2.4M 69K 56
Hindi si Eunice ang klase ng babaeng naniniwala sa forever kahit pa taken siya. At kahit pa apat na taon na siyang may boyfriend, sobrang bitter pa r...
9M 246K 66
The Doctor is out. He's hiding something
5.9M 232K 64
A battle between love and service.